Youth, itself, is wonderful. It is a candid grace generously given to children, filling them with hope, lessons, and experiences. It has its own beauty in an unknown time. It is when tears become meaningful. It is the threshold to quest for the meaning of life. The time rolling in this stage is once again meeting love in different faces and intentions. The comradeship keeps blooming and earnestly growing between circumstances and challenges.
Past the rays of the blazing sun, bathing in sweat and dust, while Amber's face and neck had some tips of grasses attached, she keeps dribbling the soccer ball. Her fierce eyes are blazing before her opponent as she runs for the ball. As she received it from an anxious opponent, she advanced with a turning kick. Her favorite word, goal, is shouted throughout the field and spectators. The general triumphant noise was roared. She threw a superman ceremony while shouting her word. Their team won.
Holding the medal and trophy, the media took a picture of Amber, her best friend Ian, and her father. They obtained the precious time printed in pleasant colors and glossy paper. The photo is displayed in their living room.
"Ang galing mo talaga anak," sabi ni Papa at tumabi sa akin habang tinititigan ang litrato. "Alam mo bang binigyan tayo nito ng kapitbahay natin bilang regalo nila sa pagkapanalo ng koponan niyo?" Ngumiti siya at binuksan ang malaking Tupperware na nasa coffee table. Buko Salad ang binigay nila.
"Wow, sino pong nagbigay nito?" tanong ko habang tinutulungan si Papa sa pagkuha ng salad.
"Galing sa mga Go. Binigyan din sila ng pagkain ng mama mo dahil nanalo sa regional quiz bee ang anak nila," tugon ni Papa habang inaabot ko sa kaniya ang bowl na may lamang buko salad.
"Magkasabay palang ginanap ang quiz bee at football Pa?" nalulungkot kong tugon. Gusto ko sanang manood ng quiz bee upang suportahan ang district namin. Hindi pa ako nakapag-enroll para sa high school kaya ang district na lang ang susuportahan ko. Tumango si papa bilang sagot.
"Ang galing naman ng anak ni Tita Helen," komento ko habang kumakain. "Ang talino niya," dagdag ko. Nanonood kami ng replay ng ginanap na quiz bee. Ang sporty na kagaya ko ay mahilig pa rin namang manood ng mga labanan ng utak.
"Yuhan ang pangalan niya," sabi ni Papa at pinakita ang larawan ni Yuhan mula sa phone. Nagpapicture si mama kay Yuhan sa araw ng quiz bee.
"Kaya pala hindi siya nanood sa laro ko?" dismayado kong tanong. Nakaramdam ako ng kaunting selos dahil mas inuna pang panoorin ni Mama ang matalino kong kapitbahay.
"Plinano kasi yun ni Helen at ng mama mo. Kasama ko naman papa ni Yuhan sa football championship. Mas gusto kasi nila ang quiz bee kumpara sa sports. Mas gusto naman ni Pareng Jiro na manood ng football. Kaya ganun ang nangyari."
Kumalma ako sa paliwanag ni Papa. Naalala ko na nagpapicture din si Tito Jiro sa akin. Patas lang pala kami ni Yuhan ngunit hindi ko pa rin pwedeng ikumpara ang utak ko sa kaniya. Mas matalino pa rin si Yuhan kesa sa akin. Ngumiti ako kay Papa at niyakap ang braso niya.
"Pa," pagsisimula ko. "Okay lang po ba sa inyo na hindi ako magfocus sa football? Mas gusto ko pa kasi sana na magfocus sa pag-aaral. Hayaan niyo po, kung may palaro po sa school ay sasali pa rin naman ako. Sisiguraduhin ko po na hindi ko malilimutan ang mga tinuro niyo sa akin."
Ngumiti siya at niyakap din ako.
"'Oo naman," tugon niya. "Kahit pa soccer player ako noong kabataan at coach pa talaga ngayon, hindi ko naman pwedeng pilitin ang anak ko na mag-focus sa larong yun. Amber, ang pangarap mo ay pangarap ko rin," sabi niya.
Tumingin ako kay Papa at nakitang may kakaibang ngisi mula sa kaniya. Madalas siyang ngumisi nang ganito kung magsisimula siyang mag-prank sa akin.
"I will never choose a career path for you. It's up to you where medical school you should study."
"Papa naman eh!" sabi ko at hinampas nang mahina ang braso niya. Humalakhak siya kaya tumawa ako. Nagsalita ako nang tumigil kami sa tawanan. "Sa totoo lang, hindi po ako sigurado sa gusto ko."
"Bakit naman?" Ito ang gusto ko kay Papa. Nakikinig siya sa akin lalo na sa mga bagay na inaalala ko.
"Minsan, gusto ko pong maging marine biologist. Minsan naman po, firefighter. Gusto ko rin pong maging sundalo. Naiisip ko rin pong maging entrepreneur. Pero litong lito po ako papa."
"Kahit anong gusto mo 'nak, susuportahan kita," seryosong tugon ni Papa.
"Thanks paps," sabi ko at niyakap ulit siya. "Pa, paano kung may isa na naman akong pangarap tapos mukha itong imposible kasi baka hindi magustuhan ng iba?"
"Bakit naman kailangan na magustuhan ng iba?" tanong ni Papa.
"Kasi parang kahit ako ay hindi ko rin yun gusto, pero pakiramdam ko ay kaya ko."
"Hindi sapat na kaya mo lang ang isang bagay, Amber. Mas makabubuting gusto mo rin ito. Maaaring maganda ang resulta kung kaya mo ito ngunit hindi ito makukumpara sa saya na madarama mo kung naabot mo ang iyong pangarap dahil pinagsikapan mo ito," paliwanag niya. "Just look at your paps, I'm happy being a football coach."
"You, paps, are great," natutuwa kong pahayag at nagthumbs up para kay Papa.
"Tama nang lambing," pag-iiba niya matapos nagthumbs up din sa akin. "Kailangan mo nang ilipat itong buko salad sa iba pang lalagyan. Isauli mo ito kina Helen, okay?"
Tumalima ako sa inutos ni Papa at hinatid ang hinugasan nang Tupperware kina Tita Helen. Pinatuloy ako ni Tita at pinaupo sa sala. May ipabibigay pa raw siya kina mama. Habang naghihintay ako kay Tita ay sumilip ako sa labas ng bintana. Nakita ko si Yuhan na nagpa-practice sa paglalaro ng Table Tennis. Pagbabalanse at pagpapatalbog lamang ng pingpong ball sa mismong racket ang ginagawa niya.
Ngumiti ako habang iniisip na ang galing ni Yuhan hindi lamang sa academics. Kung ipagpapatuloy niya ang pagpractice, ay magiging magaling siyang table tennis player. Umayos ako sa pag-upo at napansing wala nang tunog ng pingpong ball mula sa labas. Tumigil na sa pag-practice si Yuhan. Ngumiti ako nang lumingon siya sa akin.
"Congratulations," sabi ko at tumayo.
Tumango siya at tumuloy na sa kwarto.
Hindi ko akalain na ganoon lang pala ang magiging interaksyon namin kahit na magkapitbahay pa kami at magkakakilala pa ang mga magulang namin.
Hindi ko na masyadong inisip ang naging tagpong iyon at nanatili sa kaswal na takbo ng buhay sa loob ng tatlong taon kasama ang best friend kong si Ian.
Paglalaro at pag-aaral, training at review; sa mga bagay na ito ay naging simple lang ang buhay ko habang nasa junior high. Ang nagpapasaya ng mga araw ko ay ang parents ko at mga kaibigan. Ang makaisip na rin ng aabuting pangarap ay mas nagpapasigla sa akin.
"Pa, dahil sa training natin ay late akong na-enroll," naiiyak kong pahayag habang nagmamadaling magsuot ng sapatos.
Sa araw na ito ay titingnan na namin ni Papa kung saang section ako malulugar. Inaasahan ko na sana ay sa first section, Class A, na ako mapupunta dahil sa grades ko. Sa mga nagdaang junior high years ay isa akong Class B student. Gusto kong maiba naman ito bago ako tumuloy sa senior high school.
"Huwag kang mag-alala. Hindi naman problema kung hindi ka kasali sa Class A," sabi ni Papa habang sinusuot ang shades niya.
Dumating kami sa school at nakita kaagad ang pangalan ko sa listahan ng 4th Year Class B. Gusto ko sanang magtampo ngunit natigilan nang nakitang kaklase ko pa rin ang mga kaibigan ko.
"Tama ka Papa, walang problema kung nasa Class B lang ako," pahayag ko at ngumiti sa kaniya. Pakiramdam ko ay pagagalitan niya ako sa pag-aaksyong magtampo sa kaniya.
"Sabi ko naman kasi sa iyo eh," ngumiti rin siya. "Kahit saan ka pa ilulugar, kung magaling ka ay magaling ka talaga anak," dagdag niya kaya niyakap ko siya.
Ngumiti ako at inawit ang paborito kong kanta para sa kaniya.
"Cheer up dad, I am here for you. Appa, saranghaeyo," sabi ko at tumalon-talon habang sinasabayan siya sa paglalakad. Ito ang unang paborito kong kanta noong pumasok ako sa kindergarten. Nagpractice kami nito para sa Father's Day special kaya lagi ko siyang inaawitan nito kung nais ko siyang kulitin at lambingin. Hindi mapigilan ni Papa na ngumiti habang iniiwasan ang pagtitig sa akin. Tumawa rin siya nang hindi niya ako natiis.
"Paps, you are the best. Saranghae!" sabi ko at naunang tumakbo nang tumango siya. Bumalik din naman ako upang makasabay siyang maglakad.
Pumayag si Papa sa request ko na kumain kami sa labas. Habang naglalakad kami ay nakita ko si Yuhan. Kumaway ako sa kaniya nang tumingin siya. Kahit na nakatitig lang siya sa akin ay ngumiti ako.
Hindi ako papayag na kaswal lang na tatakbo ang buhay ko na hindi man lang makausap si Yuhan. Ngayong nasa year 4 na kami ay nararapat nang gumawa ako ng paraan.
Lalapitan ko siya. Kakaibiganin ko siya.
"When one is young, he is often exposed to diverse dreams."---Minsan ko nang nabanggit kay papa na naguguluhan ako sa kung ano nga ba ang gusto kong makamit sa buhay. Kaya noong tinanong kami ni Ma'am Sally kung ano nga ba ang pangarap namin ay isa lamang ang namamayani sa isipan ko. Ang maging isang war strategist. Isinulat ko kaagad ang pangarap kong propesyon sa index card na binigay ng class adviser sa amin. Nakaguhit ang ngiti sa mga labi ko habang lumalapit ako sa teacher upang ipasa ang card.Maayos kaming lahat na nakaupo habang pinapanood ang adviser na binabasa ang mga card. Tiningnan niya ako nang matapos mabunot ang sa akin."Amber, sigurado ka ba rito?" tanong ni Ma'am Sally sa akin."Opo," tugon ko matapos tumayo. "Pangarap ko po ang maging isang war strategist upang masigurong mananalo po ang kampo na aking pinagsisilbihan.""Ang weird ng gusto mo. Bakit pa giyera?" tanong naman ng kaklase ko na parang nadismaya sa sagot.
Yuhan Go, marinig ko pa lang ang pangalan niya ay napapabuntong hininga na ako. Halos lahat kasi ng boys sa school namin ay marunong sa basketball at maaasahan sa anumang palaro. Pero kahit na matangkad siya ay mapapapikit ka na lang dahil hindi niya magawang i-shoot ang bola. Hindi marunong magdribble at mas lalong mahina sa depensa. Matangkad si Yuhan ngunit sinabayan naman ito ng pagkapayat niya. Kumpara sa tropa ko ay hindi mapapansin ang kurba sa braso niya –mas malaki pa nga yata ang mga muscles ko kay Yuhan. Tahimik din siya at saka mailap. May kaibigan naman siyang tinatawag na Anthony pero mahilig umabsent kaya madalas kong nakikita si Yuhan na mag-isa.Kahit hindi ko kaklase si Yuhan ay kabisado ko na ang ugali niya. Ayaw niya ng chicken wings at ayaw niya rin ng green peas. May mga pagkakataon ding inaalis niya ang mga carrot at bell pepper sa plato niya. Hindi naman nawawala ang suka bilang sawsawan sa kainan niya. Hindi siya mahilig sa juice at soda kaya tu
Kapag tapos na ang klase ay madalas kaming dumideretso ni Ian sa paglalaro ng basketball sa loob ng village namin. Pero gusto ko sanang kumustahin si Yuhan. Sinubukan ko siyang matingnan mula sa bintana ng classroom namin ngunit hindi ko siya mahagilap."Maglalaro kami mamaya nina Thomas, sama ka?" Si Thomas ang isa sa mga kalaro namin ni Ian sa basketball. Kapitbahay lang din ni Ian si Thomas kaya madalas silang naglalaro sa basketball court malapit sa block nila. Madalas ko silang nakalalaro tuwing summer at kung wala kaming training ni Papa sa Sanda."Hindi muna siguro," tugon ko habang tumitingin sa mga naunang naglalakad sa amin. Baka hindi pa nakalalayo si Yuhan."Bakit? Wala namang nalalapit na exam at assignment ah?" Halos magtagpo na ang mga kilay ni Ian habang hinihintay ang tugon ko. "Masakit ba tiyan mo?" Pag-aalala pa niya."Ayaw ko lang munang maglaro ngayon. Gusto ko munang umuwi nang maaga," sabi ko at ngumiti sa kaniya. "Sa su
Lunes na at wala pa ring siguradong desisyon si Ian kung sasali siya sa peer lecture. Kahit na ganoon ay ipagpapatuloy ko pa rin ang pag-aapply. Maaga akong nagising at nagawa pang magjogging sa bakuran namin. Tumigil lamang ako nang sinabi ni Papa na tinatawag ako ni Ian mula sa telepono."Ano?" sabi ko at inaasahan nang sasabihin niyang ako na lang mag-isa ang aapply."Sasali na ako sa peer lecture," desidido niyang tugon."Talaga? Baka napilitan ka lang?" paninigurado ko."Totoo, napilitan nga ako. Pero paano kung matanggap ka at maassign sa Class A? Sasali lang ako para maprotektahan ka mula sa kanila," seryoso niyang pahayag kaya napangiti ako."Kaya ko man ang sarili ko ay natuwa ako sa sinabi mo. Sabi na nga bang hindi mo ako matitiis!" sabi ko at humalakhak."At saka syempre, gusto ko rin ng 3k allowance. Hindi ko hahayaang ikaw lang mag-isa ang nagbubunyi na may pera. Ayaw kong magmukhang alipin sa tabi mo," dagdag niya kaya m
Matapos ang afternoon class namin ay nagmadali kaming pumunta ni Ian sa gym kung saan ay nagpa-practice ang basketball seniors.Pagmamaktol pa ni Ian na ako lang daw ang nagmamadali at hinihila ko lang daw siya sa kung ano ang gusto ko. Kahit na ganoon, ay alam ko namang nais ring sumama ni Ian. Pagdating pa lang namin ay ang paglalaro kaagad ng basketball ang kaniyang inatupag.Samantala, lumapit ako sa pwesto nina Kuya Mav, Kuya Ashton, at Kuya Daryll. Ang tatlong paborito kong kuya ay may isang taon na lang bago grumaduate sa high school at tumuloy sa kolehiyo. Pumasa silaentrance exam sa Willoughby Sports University. Dahil sa galing nila ay may scholarship na sila. Dagdag pa ng kanilang pagiging student athlete ang pagiging honor students nila. Talaga nga namang nakamamangha ang mga kuya ko."Amber, gusto mong maglaro?" tanong ni Kuya Daryllhabang nagdi-dribble."Hindi po kuya. May itatanong lang sana kami ni Ian," sabi ko habang binubuksan
Hatinggabi pa lang ng Biyernes ay makapal na ang ulap sa kalangitan. Ang buwan na madalas kong pinagmamasdan at kinukuhanan ng litrato ay natakpan. Matagal akong natulog dahil kausap ko si Cheska sa telepono. Tumigil kami sa pag-uusap nang kumidlat. Pinagalitan din ako ni Papa dahil gabing gabi na ay nasa telepono pa rin ako. Mahina pa ang ulan nang natulog ako. Ngunit pagkagising ko ay malakas na ang ulan at malakas din ang hangin. Hindi masyadong binabaha ang village namin dahil walang bumabara sawaterways. Ngunit sa kondisyon ng panahon ay kinansela namin ang plano na pumunta sa arcade. "Inaasahan ko pa naman na ito ang magiging unang bonding natin kasama si Yuhan," sabi ko habang kausap si Ian sa isang video chat. "Kakagising mo lang ano? Kanina pa kami nagmessage ni Yuhan sa GC na hindi na tayo matutuloy," tugon naman ni Ian. "Late na akong natulog kasi nag-usap kami ni Cheska," sabi ko habang inaayos ang pwesto ng phone sa dingding na mala
Nahihilig na yata ako sa pamihiin at mga sabi-sabi. Kahit man lang tungkol sa mga panaginip ay napapaisip ako kung ano ang ibig sabihin. Sa nangyari kanina ay napagtanto ko na bahagyang totoo nga ang sinasabi nila. Kabaliktaran ng panaginip ang mangyayari sa totoong buhay. Nanaginip ako na pinagbabato si Yuhan ng mga papel. Laking pasalamat ko nga at hindi yun nangyari. Ngunit, tila mas malala pa ang nangyari. Naengganyo man sa pakikinig ang Class C sa mga leksyon namin, may isa sa kanila ang umamin na hindi nila masyadong naintindihan ang paksa. Nahirapan silang intindihin ang mga tinuro Yuhan kasi imbes na nakuha na nila ay tila mas naging magulo pa ito. “Pasensya ka na kasi inaya pa kita rito sa study room para ituro ito ulit,” pahayag ng isa sa mga Class C student. Coincidence man, ay siya yung may suot-suot na sports headband. Kaya nga ay pamilyar at nasali sa panaginip ko kasi minsan ko na siyang nakita sa basketball court. Wika ng iba, nakahiligan na raw niyan
Kung masaya ang umaga ay malungkot daw ang hapon -- na sana'y hindi naman. Kasi sapat ba itong sabihing dahilan kung bakit nakasimangot si Yuhan? Niyaya kami ni Ian sa bahay nila dahil may mga padala raw na mga regalo at chocolates ang Tita niyang nakabase sa Basel. Bahagya namang ngumiti si Yuhan nang binahagian siya ng ilang pirasong chocolates. Kung tutuusin, mas marami pa ang kaniya kesa sa akin. "Ayos ka lang ba?" tanong ko kay Yuhan. "Kanina ka pa kasi nakasimangot."Nakatulala lamang kasi siya habang nakatitig sa apoy kung saan ay nagbabarbeque ang mama ni Ian. “Tungkol ba yan sa school? Sa nalalapit na Quiz Bee o sa klase niyo?” sunod-sunod kong tanong habang mas lalong lumalapit sa kaniya. Umiiwas naman siya kada lapit ko. “Paano naman makasasagot si Yuhan niyan kung sinisingitan mo siya?” sabat ni Ian at pinilit pa akong umusog sa dulo ng swinging chair. “Ano ka ba, Ian? Hindi na tayo kasya,” sabi ko pero tumalima na rin sa paggal
Parang kung sinong ibang tao si Yuhan nang dinaanan niya lang kami. Pero bakit parang ako lang naiinis? Itong si Ian, binanatan pa itong katamtamang height ko na kesyo ay sa liit ko raw kumpara kay Yuhan ay talagang di ako pasok sa vision niya. But I’m not buying any of his teasing today. Inagahan ko pa ang paggising tapos ganito lang.“Ba’t ka naman ganiyan makatitig? Chill ka lang. Hindi naman ‘to katapusan ng friendship natin sa kaniya ah,” seryosong tugon ni Ian sa akin.Kitang-kita sa mga mata ni Ian na kahit siya nagulumihanan din sa ginawa ni Yuhan. Sa amin pa namang dalawa, siya itong malakas humila ng komedya at sa parehong pagkakataon ay ang pinakanaaapektohan. Nang minsan kaming nag-away ni Ian at hindi nagkapansinan, inamin niyang siya itong hindi mapalagay na ilang araw na kaming hindi nagkabati. Kaya kahit kaunting hindi pagkakaunawaan ay kaagad na naming nilulutas.“At huwag ka nang mag-imagine diyan ng kung ano-ano. Subukan natin ulit mamaya na lapitan siya.”Napanatag
Napanaginipan ko na isa raw akong hero sa isang historical setting. Marami raw akong mga nailigtas na mga mamamayan dahil sa martial arts skills ko. Takot daw ang mga Gokturks sa akin at maraming mga refugees at mga prinsesa ang naging kaibigan ko. Matindi ang bakbakan sa gabing iyon. Marami silang mga dinala ko sa ligtas na lugar. Akala ko ay tapos na ang pagrescue ko sa kanila. Pero may isa pa palang tao ang nanghihina na dahil sa matinding usok at nag-aalab na apoy na winawasak sa kaniyang opisina. Kinailangan ko siyang akapin gamit ang kaliwang kamay ko habang bitbit ang sandata ko sa kanan. Tumalon kami patungo sa tuktok ng pavilion. Tumingin ako sa lalaking ito na isa palang iskolar ng imperyo. Mas lalo siyang natakot dahil natanaw niya ang lalim ng pagitan ng pinagkakatayuan namin mula sa lupa. Mas lalo pa siyang kumapit sa akin kaya sinabi kong ayos lang ang lahat.Pero sa lahat ng maaari niyang sabihin ay ganito lang, “May exam tayo bukas.”Gulat akong napamulat kasi nasa kal
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa karami-raming araw na pwedeng maflat yung gulong ng bike ko ay ngayon pang sinimulan na ang mas striktong panukala at parusa para sa mga nalate. Hindi naman sa hindi ako pabor doon. Kasi yun naman talaga ang kapansin-pansin na issue sa school namin. Pero para sa katulad kong ayaw na ayaw malate, eh isang malaking sampal talaga na isa ako sa mga nasarhan ng gate. "Hindi na ba talaga pwede?" First period pa naman namin si Sir Quijano na sa malamang sa malamang ay kilala sa mga biglaang pagsusulit. Mukhang naawa naman yung secretary ng student council hindi lamang siguro sa akin kundi para sa iba rin na nasarhan ng gate. Umagang-umaga ay mainit na at mas lalong nag-iinit yung hindi makikitang tensyon sa pagitan ng mga schoolmates ko. Sa ilang ulit na pakikipagnegosasyon ng mga ibang nalate, at siguro'y sa awa na rin ng mga gurong nakikita kaming naiwan sa labas, ay pinatuloy na lang kami. Kapalit nga lang ay ang pagbunot ng damo at kailangan
Kahit tapos na ang dance performance namin noong nakaraang araw, ay may bago na namang kaganapan para sa PE namin. Kumpara sa ibang subjects, ito talaga ang may napakaraming mga gawain. Pagpapraktisan na naman daw namin ang badminton. Kagaya ng dati ay pinagsama ang Class A at Class B. Hindi ko mapigilang maalala ulit yung nangyaring palitan. Hanggang ngayon ay hindi nga ako sigurado kung si Shinyi ba talaga ang naging kasayaw ni Yuhan. Habang inaayos ang shoelaces ko ay dumating si Shinyi na may dalang class attendance. “Hi, Amber.” Mahinhin ang boses niya at makikilala mo kaagad na ito si Shinyi kasi formal siyang magsalita. Hindi naman naiiba yung mga vocabs niya. Pero naiiba talaga yung paraan ng pananalita niya. “Hi, ano yun?” tugon ko habang hindi nakatingin sa kaniya. Baka sa ganda nito’y makumbinsi ako na gusto nga ni Yuhan na siya na lang ang kapartner niya. Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko kung bakit kailangan ko pang maramdaman na averag
Minsan, ay ganito ang takbo na pag-aaral. Sa tuwing malapit na ang araw ng performance ay doon na natin maalala ang ibang pang dapat na gawin. Suot-suot ang dress at naka-heels pa ay nagmadali akong tumakbo sa hallway upang mahanap ang teacher namin sa PE. Hinihingal man ay nakayanan ko namang ilahad ang sadya sa kaniya. "Amber, buti na lang at nandito ka na." "Sorry po talaga at nakaligtaan kong pumunta para bumunot." Sinabihan na kami noong nakaraang araw na pumunta sa office niya upang malaman kung pang-ilan kami na magtatanghal. Walang ni isa sa amin nina Ian at Yuhan ang nakapunta dahil sa dami ng gawain na iniatas din sa amin. Madalas ang pagrereview ni Yuhan sa school at si Ian ay pinatatawag para magcoordinate sa Sports Fest namin. Wala sana akong gagawin pero isinulat pala ni Rica ang pangalan ko sa mga reserved players ng Football team. May preliminary match mamaya kaya para akong pinalilibutan ng mga oras, numero at init dahil hindi k