Share

Chapter 5

Author: Sikeyshie
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

If I would describe the classy woman in front me, I would say wealth.

Hindi ako kumibo nang ngumiti siya sa akin at nanatili lang na nakaupo sa malambot na sofa sa kwartong ito. Agad nawala ang ngiti niya nang hindi ko siya sinuklian ng matamis na ngiti. Her face went straight in a snap. Lumakad siya papalapit sa sofa na katapat ng inuupuan ko. Tahimik ang kwarto at ang tanging katok lang ng kanyang mataas na takong ang naririnig.

She sat down and I swear that it was the most elegant and classy way of sitting I have ever seen. Pino at mahinhin ang pagkakaupo kahit na sabihing natatakpan ng makapal na kasuotan ang kanyang mga binti. Pasimple akong lumunok at saka hinarap ang kanyang tingin. I stared at the gems in her lively dress and the precious stones in her accessories. Mas sumiklab ang pagkapula ng kanyang suot nang matapatan siya ng liwanag ng ilaw sa kwarto.

Hindi ko alam kung papaano at bakit pero sigurado akong malaki ang tingin ko sa kwartong ito kanina bago siya pumasok. Ngayon para akong sinasakal dahil masyado na yata akong tensyonado. I inhaled deeply pero hindi nawawala ang bigat at usbong ng kaba sa dibdib ko.

“How are you?” she smiled at me. Bahagya kong ibinaba ang tingin ko na para bang sinusuri kung tama ba ang rinig kong tanong niya. My eyes flickered with confusion. Nabalik lang ako sa diwa ko nang bigla siyang tumawa.

“My, my, you looked between shocked and confused. I am asking you. Hindi ka naman siguro pipi, hindi ba?”

I tried not to let my lips quiver, “I…am fine.”

Ngumiti ulit siya sa akin at kung titignan ay mukha siyang mabait. Unang beses ko makakita siguro ng mabait na upperclass. I breathed deeply at pilit kong pinapakalma ang sarili. Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa labi. Nanatili lang ako walang imik hanggang sa biglang bumukas ang pinto sa likod at pumasok ang isang knight na may dalang tray. Lumapit ito sa kinauupuan naming dalawa at inilatag ang dalawang mamahaling baso at nagsalin ng alak.

I don’t drink. Mukha rin bang magagawa ko pang uminom katapat ng taong ito?

I stared at the pouring crimson liquid from the cork down to the delicate-looking wine glass. Hindi nito napuno ang baso at tanging kalahati lang ang laman bago siya tumigil sa pagsalin. The liquid glistened under the fluorescent light.

Iniabot ng upperclass ang basong naglalaman ng wine at saka siya sumimsim dito. I didn’t do the same action, instead stared at her. Ibinalik niya ang tingin sa akin at tinapatan ito. I looked at her throat na dahan-dahang gumagalaw sa paglunok niya. I maintained a straight face habang pinapanood siyang umiinom na kung titignan ay parang dugo ang laman.

“You’re getting in my nerves.”

I flinched. Ibinalik ko ang tingin sa mukha ng upperclass. Matalim ang titig nito sa akin ngayon na para bang may ginawa akong masama sa kanya. Her voice was as sharp as a piercing knife. Malayong-malayo sa maamong boses na tinatanong ako kanina.

“Such a disrespectful peasant!”

I felt a sharp pain across my cheek. Nawala ang tingin ko sa kanya at natulala sa pagsampal sa akin. Wala sa sarili akong napahawak sa aking pisngi at ibinalik ang mga mata sa kanya, only to feel a cold liquid pouring down from my head.

Ibinuhos niya sa akin ang wine na kanina lang ay iniinom niya. She has this intense glare in her eyes, “How dare you to steal our family symbol!” Umupo siya ulit ngunit hindi nawawala ang asik sa kanyang mga mata.

I was dumbfounded. Hindi ako makapagsalita sa mga paratang niya sa akin. I bit my lip trying to suppress this pressure I am feeling from her superiority. “Know your place, Witch. Aren’t you the lady handling from that shop of so-called medicine? Sa tingin niyo ba yayaman kayo sa pagkuha ng kwintas sa amin? You’ll rot here and surely will plead to stop your agony once you received the cruel punishment of justice from the Castle.”

Tinatagan ko ang loob ko, “Wala akong ginagawang masama.” She squinted. I tried to hide my trembling hands at humawak nang mahigpit sa suot kong palda na ngayon ay may mantsa na. “My brother didn’t do anything wrong. Hindi niya ninakaw ang crest. Kusang ibinigay ng may hawak noon sa kanya bilang ba-“

“Mukha bang may makikinig sa iyo rito?” She cut me midway. “Kapag nakuha na namin ang parusa sa iyo, isusunod ko ang kapatid mo at ang nanay mo dahil pare-pareho lang kayo. When there’s a thief in the family, expect the other members to be the same.” Natulala ako sa narinig. Nawala ang takot na nararamdaman ko mula sa kanya.

I was speechless. Halos mandilim ang paningin ko sa naramdamang insulto sa kanya. I inhaled deeply and stared at the woman covered in luxurious silk. Her beads and gems dominate her medieval-looking dress, piling to her elegance and grace pero kahit gaano pa kagara at yaman ang dating niya, hinding-hindi ako magkakaroon ng paghanga.

“Spend your lifetime here.”

“I don’t care.”

She raised a brow. Mahina pa siyang tumawa pero hindi ako natinag. Hinding-hindi ako matitinag nang sabihin niya iyon sa harapan ko. She flashed a smile at gustong-gusto kong masuka sa kaplastikan. Walang mabait na upperclass. Lahat sila nagpapakasasa sa yaman at pera. Masyadong makontrol sa lahat. They are all looking wealthy and fabulous outside, but their character are way dirtier than mud.

“Tell that to yourself once you’re in the deepest part of your life, my dear.” taas noo siyang tumayo mula sa kinauupuan niya. She gave me one last glance bago siya tumalikod at naglakad papuntang pinto na palabas ng silid na ito.

Nanatili akong walang kibo at pinakikinggan lang ang pagtama ng kanyang takong sa sahig. She stopped midway when she heard what I uttered their family name, “Roosevelt.”

“That’s right. That’s the family name you-“

“A pitiful family hiding beneath their treasures. Ang bahong pangalan,” mariin kong sabi. Alam kong natigilan siya sa narinig at wala na akong pakialam kung mag-iinarte siya. That’s the least thing that I can say. Kahit iyon lang ang maging pambawi ko sa pang-iinsulto niya kina Mama.

Tumikhim siya bago sumagot. She gave me one, last, mocking smile, “Pathetic.”

The door opened at sa isang kurap ay mag-isa na lang ulit ako sa silid na ito. Napahilamos ako ng mukha dahil sa tindi ng frustration. Kung totoo ang sinabi niya na isusunod ng pamilya nila si Roshan, walang saysay ang pagtanggap ko ng parusa para sa kanya. My eyes swelled in tears dahil sa takot. Hindi ko kayang malamang magkakaganoon sila.

Napayuko ako sa paghihintay na may susundo sa aking knight. Hindi pwedeng lalabas lang ako at siguradong may e-escort sa akin paalis dito dahil nakakulong pa rin naman ako. I held my face high nang marinig ang pagbukas ng pinto. Pumasok ang babaeng knight na naghatid sa akin rito pero tumabi rin siya agad.

My face twisted in confusion nang makitang may kasama siya. Napatitig ako sa babaeng hindi katangkaran at nakaipon sa isang mataas na bun ang buhok. I unconsciously mumbled her name, “Woodworks..”

Tumango siya at nagpasalamat sa babaeng knight bago niya kami iwang dalawa. She smiled at me, looking happy that I am here in front of her. Mabilis siyang pumunta sa kinauupuan ko at tumabi sa akin. Agad niyang hinawakan ang mga kamay ko and I even made a face when I felt how warm she is and her hands.

“Elize! Mabuti naman at maayos ang lagay…mo,” she greeted. Nawala rin at humina ang boses niya sa dulo nang mapansing basa ako at marumi ang suot kong damit dahil sa pagbuhos sa akin ng upperclass kanina.

“Anong nangyari sa ‘yo?” nag-aalala niyang tanong sa akin. Agad niyang pinunasan ang mukha ko gamit ang panyo niya na kinuha niya sa kanyang bulsa. Somehow, it made me feel clean and better. Hindi pa rin ako nababalik sa wisyo nang husto matapos ang nangyari.

“Wala po, Mrs. Woodworks.” Napatigil siya nang narinig niya ang tawag ko sa kanya. She only smiled at me saka itinuloy ang pagpunas sa mukha ko. “Nasa limang taon mo ring binabantayan ang apothecary habang katabi ang shop ko pero iyan pa rin ang tawag mo sa akin,” malumanay at kalmado niyang wika.

Napaiwas ako ng tingin sa hiya. I felt a pang of guilt and embarassment. Limang taon matapos ibigay sa akin ni Mama ang apothecary, at nagtrabaho ako roon habang katabi lang ang shop nila pero kahit kailan ay hindi ko alam ang totoo niyang pangalan. Ipinangalan ko lang siya ayon sa kanilang shop na Woodworks – ang shop kung saan ibinebenta ang mga woodcrafts.

Natapos ang pagpupunas niya sa akin at inilagay niya ang mga takas kong buhok sa likod ng aking tenga. Nagulo rin bahagya ang ayos ko dahil sa haba ng byahe ngayong araw at pagsampal sa akin kanina. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang hapdi noon sa aking pisngi.

Itinaas ko ang aking tingin sa kanya. She was looking at me intently with her dark, brown eyes with visible circles under her eyes. Nakatikom lang din ang kanyang labi nang mariin at labis ang pag-aalala sa akin. There is something in me that felt happy and relieved. May mga tao pa ring nag-aalala sa akin sa Black Market.

Sumilay ang isang malungkot na ngiti nang maalala ko kung paano mabigla ang mga kakilala ko sa Black Market nang ako ang makita nilang kumuha ng crest. Hindi ko mapigilang hindi maging malungkot sa nangyari.

“Huwag kang mag-alala. Kilala ka namin,” bulong niya sa akin habang marahang isinasaayos ang aking buhok.

Naalala ko bigla sina Ros na naiwan ko, “Kumusta si Mama? Ang kapatid ko? Anong lagay nila?” sunod-sunod kong tanong. She gave a sweet and relieving smile. Napalagay ako sa ngiti niyang iyon. “Dinalaw ko sila kanina at sinabihan na tutulungan ko sila,” sagot niya.

My brows furrowed in confusion, “Tutulungan?” 

Tumango siya sa akin. Itinigil niya ang pag-aayos sa aking  buhok at saka ako tinignan nang maigi. Hinawakan niya ang aking kamay and her warmth made me calm, “I offered them to stay in our house, Elize, para matutukan ko silang maayos. Hindi ko alam kung tatanggapin ng Mama mo pero alam kong hindi pa sila maayos para maituloy ulit ang apothecary.”

Napayuko ako. Kung ganoon, katulad ng inaasahan ay hindi nila maitutuloy ang apothecary. Walang magbabantay lalo na at hindi pa kaya ni Roshan masyado, isabay mo pa na kailangan din ng kaagapay kay Mama. I tightened my grip in her hands, “Salamat….”

The atmosphere became awkward for a moment dahil hindi ko alam ang itatawag sa kanya. She lightly pat my hand, “Louris,” pagpapakilala niya. Tumango ako sa pagkaalam ng kanyang pangalan. Ngayon ko lang narinig iyon at hindi rin naman talaga siya nagpakilala sa akin noong unang araw ko sa shop. Hindi rin naman binabanggit ni Mama ang pangalan niya noong nagkukwento siya sa amin ng kapatid ko.

We fell silent. Huminga ako nang malalim para maibsan ang pag-aalala ko sa pamilya ko. Sana ay makabangon sila agad sa pagkaalis ko dahil kailangan namin ang shop higit ngayon. It is our only means of income. Hindi naman nagkakaroon ng kliyente madalas si Ros sa pagguhit dahil mas winawaldas ng mga tao sa Black Market ang pera nila sa mga kailangang bagay tulad ng pagkain.

“Please help my brother. Alam kong sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari sa akin. Kilala ko si Ros; takot na takot siya nang hinuli ako ng mga White Knights kanina. Alam kong alam niyang siya rin ang tatayo para kay Mama ngayong hindi ko alam kung ano kahihinatnan ko sa nangyaring pagkuha ng family crest ng Roosevelt,” mahaba kong pakiusap. Ngayong hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa kanila, hindi ako mapapakali kung wala akong ideya kung ano lagay nila.

“Hindi ko alam kung anong parusa ba ang makukuha ko. Nakaharap ko lang kanina ang palagay kong lady ng Roosevelt. She warned me about sufferings and even said that I will plead to stop my agony,” mahina kong dagdag. Punong-puno ng pag-aalala ang boses ko. Kahit na nakuha kong magmukhang matapang bago siya makaalis, hindi ko maikakaila na takot na takot din ako sa kaya nilang gawin.

“You’re right,” she affirmed. “Kaya nilang kontrolin kung anong klaseng kaparusahan ang matatanggap mo, Elize.” Natulala ako sa narinig. I pursed my lips to hide my overwhelming feelings. Mahigpit ang naging hawak ko sa suot kong palda.

“T..They can do that?” Mukha akong batang nagtatanong tungkol sa isang kwentong katatakutan dahil sa reaksyon ko. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko nang tumango lang si Louris.

“Roosevelt ang sabi mo, hindi ba?” she asked again, confirming the name. Tumango ako bilang sagot dahil para akong napipi sa sobrang kaba.

“Their family is one of the most noble families in the White Palace. Mabilis din ang proseso ng kaso mo dahil sila ang apektado at pinagnakawan. Not to mention that it was their family crest that was stolen – the symbol of their family from the first generation up to this time.”

Nanlumo ako sa narinig. Ganoon pala sila kataas at kayaman. Sigurado akong bukas din ay nakalabas ang desisyon ng Royal family para sa akin. I breathed in, trying to gather my courage to face my fate at para kumalma man lang ang sistema ko kahit kaunti.

“Elize, their family demanded the Royal court to make you pay for their stolen crest.” Kumunot ang noo ko sa narinig. “Anong ibig mong sabihin?” naguguluhan kong tanong. They demanded for my punishment? Ang Royal court, along with the ruling family, ang siyang naghahatol sa mga taong may ginawang krimen sa iba. Sila ang tinuturing na pinakamataas sa lahat ng sangay ng Royals. Hindi sila dinisenyong tumanggap at magbigay lang ng hatol na sasabihin lang ng iba.

“Sinabi nila kung anong klaseng parusa ang gusto nilang makuha mo. Kung iyon sa palagay ng court na makapagbibigay hustisya para sa kanilang pamilya, iyon ang susundin nila. Gusto nilang bayaran mo ang halaga ng family crest,” paliwanag niya. My mouth fell open in shock. In other words, they basically ordered the mighty Royal court to give me their desired punishment!

“Kung gano’n, kanina pa lang ay alam na ng babaeng ‘yon kung ano ang makukuha ko?” hindi makapaniwala kong tanong. She shook her head with her lips pressed together, “Hindi ko alam, Elize. Magbibigay lang ang court ng gano’ng klaseng kaparusahan. Parusa na gagawin mo para mabayaran ang bagay na iyon, pero walang nakakaalam bukod sa Royal court kung anong partikular na gawain.”

Pareho lang iyon. Wala talagang aasahan sa lugar na pinaglalagyan ng mga maruruming taong idinadaan ang lahat sa yaman. Lumunok ako at saka napapikit. Kasalanang magbabayad ng halaga ng crest pala. Inalala ko ang itsura ng pendant na hawak ko lang nitong nakaraan. Napatawa ako nang mahina nang pumasok sa isip ko ang pagkaginto at pagkapinong gawa ng family crest.

Kailan ako matatapos magbayad para sa ganoong klaseng kayamanan? Mukhang tama nga ang sinabi ng babaeng upperclass kanina. Buong buhay ko ibubuhos ko para mabayaran lang iyon. Baka nga hindi pa sapat. Baka nga kulangin pa ang oras ko para bayaran ang halaga noon.

Tumakas ang isang luha sa mata ko at mabilisan ko rin iyong pinunasan. Hindi ako pwede manlumo sa harapan ng ibang tao dahil lalo akong panghihinaan ng loob. Iniisip ko pa lang na baka buong buhay kong hindi na makita ang kapatid ko at si Mama, ayoko na lang tumuloy.

“Elize, huwag kang panghinaan ng loob,” pagpapagaan niya ng loob ko. Nag-angat ako ng tingin nang may mapagtanto sa lahat ng sinabi niya.

“Paano?” mahina kong tanong.

She flashed me her smile, “Huwag kang mangamba –“ I cut her off. Hindi naman iyon ang tinutukoy ko.

“Paano mo nalaman ang lahat ng impormasyon mo? That kind of information is highly confidential at tanging ang Royal court lang kasama ang Roosevelt ang dapat nakakaalam niyan. How come you knew all of these things? Lalo na at sa Black Market ka nakatira, you surely have something under your sleeves,” seryoso kong tanong. I gave her a stern and suspicious look. Sino ba ang taong ito? Imposibleng kalat ang ganitong balita dahil malalagot ang Court sa mga tao kapag nalaman nilang dinidiktahan lang sila ng ibang mararangya.

Napatigil siya sa tinuran ko. Hindi niya siguro inaasahang maiisip ko lahat ng iyon dahil sa ganitong kalagayan. I didn’t stop throwing a warning look to her.

She let out a deep sigh, “Hear me out, Elize.” Bakas sa mukha at mga mata niya ang pakiusap. Tumango ako pero hindi pa rin nawawala ang alinlangan sa mukha ko. Hindi ko man siya gaanong kinakausap at kakilala, pero hindi ko akalaing may ganitong klase sa Black Market.

Luminga-linga siya sa paligid. Mukhang sinisigurong walang ibang makakarinig. Lumapit pa siya nang kaunti sa akin at mahinang nagsalita, “I know you are like us, Elize.” Nakaramdam ako ng pagtataka. “We despise these people as much as you despise them. We are planning something against these upperclassmen.”

Hindi ko na mapigilang hindi mapatanong, “We?” bulong ko. Tumango siya, “And we have something to offer. Tutulungan namin ang pamilya mo para makabangon at hindi namin sila papabayaan. We are already doing something about. Gagawan din namin ng paraan para makalabas ka sa parusang ibibigay ng nasa itaas sa iyo,” mahina niyang bulong.

I squinted my eyes. “This is treachery; a betrayal to your loyalty in the kingdom. This is a form of rebellion,” mariin kong sabi. Lubhang napakadelikado ng ginagawa nila. Hindi ko akalaing may katulad nila rito.

“Nagkakamali ka. Ibinabalik lang namin ang ginagawa nila sa atin. They neglect us, people living in our Black Market, at itinutuon ang lahat sa mayayaman. Hindi ba pagtataksil lang din ang ginagawa nila sa mga tao?” natahimik ako. Tinignan niyang mabuti ang reaksyon ko. She smiled in my silent approval.

“Tutulungan namin ang pamilya mo. Tutulungan ka namin. Hindi namin kayo papabayaan. Alam na namin kung ano ang parusang ihahatol sa iyo and it is the perfect opportunity for us.” Hindi ko na siya halos marinig sa hina ng boses niya, at pinapakinggan ko na lang talaga nang sobrang maigi ang kanyang sinasabi. Isinukli ko ang tingin na ibinibigay niya sa akin.

“Anong kapalit? Anong gusto mong gawin ko para sa inyo?” nag-aalangan kong tanong.

Her face went more serious at ganoon din ang tingin niya sa akin. Ibinulong niya sa akin ang kapalit na hinihingi nila. Natulala ako sa gusto nilang ipagawa.

“We want you to be our spy inside the White Castle.”

Kaugnay na kabanata

  • House of Aelton    Chapter 6

    Tirik na ang araw nang magsimula kaming bumyahe at sa tingin ko ay aabutin pa kami ng ilan pang oras bago marating ang White Castle. Abala ang mga mata ko sa mga makukulay na mga taong namimili at nagkalat sa White Palace. Mga taong hindi inaalintana ang kakapusan ng bulsa. I breathed in. Pilit ko pinapakalma ang sarili sa takot at nerbyos na ilang oras ko na ring nararamdaman. The thought of going to the White Castle rattled my whole system. Hindi ko mapigilan ang mabigat na pakiramdam sa dibdib na kahit ilang beses na akong humingang malalim, parang walang nangyayari. Hindi ko inalis ang tingin ko sa maliit na bintana ng puting karwaheng sinakyan ko lang din noong isang araw. Hindi ko sigurado kung ito pa rin ba iyon o ibang sasakyan na at kapareho lang ng dis

  • House of Aelton    Chapter 7

    “Ililibot ka ni Theodora para makapagsimula ka na agad bukas.” Tumango ako sa inutos ng Head Servant sa aming dalawa. Theodora is a short-haired woman and is about the same age as me. Nasa dalawang taon na rin siyang naninilbihan sa palasyo. “Tapos ka na?” Umiling ako bilang tugon habang pinagmamasdan nang mabuti ang pagkakatirintas ko ng buhok.

  • House of Aelton    Chapter 8

    Mabilis kong tinapos ang trabaho ko matapos ako utusan ng Prinsipe kani-kanina lang. I also think that I am taking too much time over a work as little and simple as this one. Hindi ako nagkaroon ng problema sa mga ganitong gawain dahil sanay na ako. Works related in gardening and making of alternative medicine is like a second nature to me already. Maybe only second as breathing dahil buong buhay ko ay ganito ako lumaki. Agad kong ibinalik sa storage room ng garden ang mga kinuha’t ginamit ko kanina. Ilang minuto na lang at matatapos na ang takdang-oras ng Royal family sa kanilang agahan. Mayroong tubig din dito na ginamit ko panghugas ng

  • House of Aelton    Chapter 9

    Halos higit mag dadalawang linggo na akong naninilbihan sa palasyo at may iilang bagay na akong nakasanayan. Nasasanay na rin ako sa sistema at mga trabahong ibinibigay sa akin ni Miss Marga. Most were always the same as the previous duties that were given to me for the past two weeks. Karaniwan ay halos umiikot talaga sa paglilinis at pagtulong sa mga pag-aasikaso. Well, maybe my duty in the Rose Garden can be considered as an exception. Halos sa akin na naiatas ang gawain doon. “Quickly! Quickly! All must be kept and clean!” We were already rushing our works dahil sa masungit na mga puna ng Head. If there

  • House of Aelton    Chapter 10

    Tahimik lang ang paggalaw ko sa pag-aayos nang hindi ko magising si Theodora. Madilim pa ang paligid at tanging ilaw at liwanag lang sa labas ang tumutulong sa akin sa pag-aayos ng sarili. It is only quarter before four in the morning; mas maaga kaysa sa bangon namin para duty. Balak ko sanang mas maaga simulan ang trabaho ko dahil bandang alas-sais ng umaga ang takdang oras ng pagkausap sa akin ng Prinsipe.Hindi ko pa rin alam ang dahilan ng utos niya. Hindi ko alam kung may kinalaman ba sa kung sino ako, o sa duty ko sa garden. I don't think he's supposed to meet or talk to me. Is he even allowed to talk to a se

  • House of Aelton    Chapter 11

    Days passed by after my short meeting with the Prince, but what happened that day seemed just like a yesterday to me. Ibang-iba siya sa inaakala ko base sa una kong pagkakilala at pagkikita sa kanya. Well, I nearly expected that every upper class shares the same arrogant attitude dahil sa ilang beses ko na ring mga naengkwentro. I'd, of course, also expect more if the person involved is a direct Royalty.I sighed in annoyance. That said, every bit of Prince Dale that day did not resemble any bad vibes of someone who has the authority and the right to brag about status. It was a bit shocking."Elize quit daydreaming!""Ah! Sorry."Inabutan ako ni Miss Marga na nakatigil sa paglilinis. She's with us for supervision right now na labis ko ring pinagtataka. Normally, she's not really keen on monitoring us in our work. Ginagamit niya rin ang sarili niyang oras para sa mga iba pang bagay, yet right now here she is, standing in the middle of the Grand Lobby to se

  • House of Aelton    House of Aelton

    Royal House Series #1 : House of Aelton"In this field of extravagance, I am the commoner."This is a work of fiction. All incidents, dialogues, and characters are products of author's imagination or used fictitiously. Any resemblance to persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.No part of this novel may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means, without permission from the rightful author.Dedicated to readers who are not afraid to try and risk things.----------------------------------------------------------------------------------------------------This story is written in Tagalog with a mix of English language (Taglish).Date started and written: 12/10/20

  • House of Aelton    Chapter 1

    Tirik na tirik na ang araw nang datnan ko pa ang kapatid kong mahimbing pang natutulog. Magulo ang kama at nakalabas ang isa niyang paa sa pagkakatalukbong ng kumot sa kaniyang katawan. I sighed when I saw the clock struck at eight in the morning. “Ros,” mahina kong tawag habang marahang niyuyugyog ang kaniyang katawan. Napabuga ako ng hangin nang wala akong nakuhang reaksyon. I gazed at his messy room. Napapailing na lang talaga ako dahil sa mga nagkalat na mga papel na may guhit ng mga larawan. Mukhang may nagpuyat na naman kagabi.“Ros!” Gumalaw naman ito at aantok-antok na kinusot ang mga mata. “Ate?”“Tumayo ka na r’yan at kumain na tayo,” pagyayaya k

Pinakabagong kabanata

  • House of Aelton    Chapter 11

    Days passed by after my short meeting with the Prince, but what happened that day seemed just like a yesterday to me. Ibang-iba siya sa inaakala ko base sa una kong pagkakilala at pagkikita sa kanya. Well, I nearly expected that every upper class shares the same arrogant attitude dahil sa ilang beses ko na ring mga naengkwentro. I'd, of course, also expect more if the person involved is a direct Royalty.I sighed in annoyance. That said, every bit of Prince Dale that day did not resemble any bad vibes of someone who has the authority and the right to brag about status. It was a bit shocking."Elize quit daydreaming!""Ah! Sorry."Inabutan ako ni Miss Marga na nakatigil sa paglilinis. She's with us for supervision right now na labis ko ring pinagtataka. Normally, she's not really keen on monitoring us in our work. Ginagamit niya rin ang sarili niyang oras para sa mga iba pang bagay, yet right now here she is, standing in the middle of the Grand Lobby to se

  • House of Aelton    Chapter 10

    Tahimik lang ang paggalaw ko sa pag-aayos nang hindi ko magising si Theodora. Madilim pa ang paligid at tanging ilaw at liwanag lang sa labas ang tumutulong sa akin sa pag-aayos ng sarili. It is only quarter before four in the morning; mas maaga kaysa sa bangon namin para duty. Balak ko sanang mas maaga simulan ang trabaho ko dahil bandang alas-sais ng umaga ang takdang oras ng pagkausap sa akin ng Prinsipe.Hindi ko pa rin alam ang dahilan ng utos niya. Hindi ko alam kung may kinalaman ba sa kung sino ako, o sa duty ko sa garden. I don't think he's supposed to meet or talk to me. Is he even allowed to talk to a se

  • House of Aelton    Chapter 9

    Halos higit mag dadalawang linggo na akong naninilbihan sa palasyo at may iilang bagay na akong nakasanayan. Nasasanay na rin ako sa sistema at mga trabahong ibinibigay sa akin ni Miss Marga. Most were always the same as the previous duties that were given to me for the past two weeks. Karaniwan ay halos umiikot talaga sa paglilinis at pagtulong sa mga pag-aasikaso. Well, maybe my duty in the Rose Garden can be considered as an exception. Halos sa akin na naiatas ang gawain doon. “Quickly! Quickly! All must be kept and clean!” We were already rushing our works dahil sa masungit na mga puna ng Head. If there

  • House of Aelton    Chapter 8

    Mabilis kong tinapos ang trabaho ko matapos ako utusan ng Prinsipe kani-kanina lang. I also think that I am taking too much time over a work as little and simple as this one. Hindi ako nagkaroon ng problema sa mga ganitong gawain dahil sanay na ako. Works related in gardening and making of alternative medicine is like a second nature to me already. Maybe only second as breathing dahil buong buhay ko ay ganito ako lumaki. Agad kong ibinalik sa storage room ng garden ang mga kinuha’t ginamit ko kanina. Ilang minuto na lang at matatapos na ang takdang-oras ng Royal family sa kanilang agahan. Mayroong tubig din dito na ginamit ko panghugas ng

  • House of Aelton    Chapter 7

    “Ililibot ka ni Theodora para makapagsimula ka na agad bukas.” Tumango ako sa inutos ng Head Servant sa aming dalawa. Theodora is a short-haired woman and is about the same age as me. Nasa dalawang taon na rin siyang naninilbihan sa palasyo. “Tapos ka na?” Umiling ako bilang tugon habang pinagmamasdan nang mabuti ang pagkakatirintas ko ng buhok.

  • House of Aelton    Chapter 6

    Tirik na ang araw nang magsimula kaming bumyahe at sa tingin ko ay aabutin pa kami ng ilan pang oras bago marating ang White Castle. Abala ang mga mata ko sa mga makukulay na mga taong namimili at nagkalat sa White Palace. Mga taong hindi inaalintana ang kakapusan ng bulsa. I breathed in. Pilit ko pinapakalma ang sarili sa takot at nerbyos na ilang oras ko na ring nararamdaman. The thought of going to the White Castle rattled my whole system. Hindi ko mapigilan ang mabigat na pakiramdam sa dibdib na kahit ilang beses na akong humingang malalim, parang walang nangyayari. Hindi ko inalis ang tingin ko sa maliit na bintana ng puting karwaheng sinakyan ko lang din noong isang araw. Hindi ko sigurado kung ito pa rin ba iyon o ibang sasakyan na at kapareho lang ng dis

  • House of Aelton    Chapter 5

    If I would describe the classy woman in front me, I would say wealth. Hindi ako kumibo nang ngumiti siya sa akin at nanatili lang na nakaupo sa malambot na sofa sa kwartong ito. Agad nawala ang ngiti niya nang hindi ko siya sinuklian ng matamis na ngiti. Her face went straight in a snap. Lumakad siya papalapit sa sofa na katapat ng inuupuan ko. Tahimik ang kwarto at ang tanging katok lang ng kanyang mataas na takong ang naririnig. She sat down and I swear that it was the most elegant and classy way of sitting I have ever seen. Pino at mahinhin ang pagkakaupo kahit na sabihing natatakpan ng makapal na kasuotan ang kanyang mga binti. Pasimple akong lumunok at saka hinarap ang kanyang tingin. I stared at the gems in her lively dress and the precious stones in her a

  • House of Aelton    Chapter 4

    Katahimikan ang namayani at lahat ng mata ay nakatuon lang sa kwintas. Wala na akong nagawa kundi pumikit na lang nang maramdaman ang posas sa mga kamay ko. I bit my lip at nagpadala na lang nang higitin ako ng isa sa kawal.“Dalhin siya pabalik,” utos ng Head Knight sa baritonong boses. Hindi na ako nakaangal pa nang halos kaladkarin nila ako kasama sila, but I stopped when I felt hands stopping me from moving forward.“Ros. . .”Nakatakip ang kamay ni Mama sa kanyang bibig at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. Ros is already crying at siya ang pumigil sa akin.“A..Ate

  • House of Aelton    Chapter 3

    “Dapat nga ibebenta ko na doon sa gumagawa ng alahas, eh. Kaso naisipan kong huwag muna at ipakita sa iyo.”Hindi ko maalis ang tingin ko sa alahas na nasa harapan ko. Kulay ginto ito at nakadisenyong kadena na may isang malaking crest symbol sa gitna. Agad kong tinignan si Ros na ngayon ay nakangiti.Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Kung tutuusin, dapat nga rin ako matuwa dahil siguradong malaking halaga ito kapag binenta. “Saan mo nga nakuha ‘to?” tanong ko nang mahina.Sumandal si Ros sa upuan at saka nag-unat, “Bayad ng kliyente ko kanina. Bata siya, eh. Mga pitong taong gulang siguro? Tapos ayan, ayan binayad sa pagguhit ko sa kanya kani

DMCA.com Protection Status