Tirik na tirik na ang araw nang datnan ko pa ang kapatid kong mahimbing pang natutulog. Magulo ang kama at nakalabas ang isa niyang paa sa pagkakatalukbong ng kumot sa kaniyang katawan. I sighed when I saw the clock struck at eight in the morning.
“Ros,” mahina kong tawag habang marahang niyuyugyog ang kaniyang katawan. Napabuga ako ng hangin nang wala akong nakuhang reaksyon. I gazed at his messy room. Napapailing na lang talaga ako dahil sa mga nagkalat na mga papel na may guhit ng mga larawan. Mukhang may nagpuyat na naman kagabi.“Ros!” Gumalaw naman ito at aantok-antok na kinusot ang mga mata.“Ate?”
“Tumayo ka na r’yan at kumain na tayo,” pagyayaya ko. Umupo siya sa kama saka napasimangot. Tamad na tamad siyang bumagsak ulit sa kama at mas lalong ibinaon ang sarili sa kumot niyang kinaliitan niya na.
“Roshan, tumayo ka na at kakain na tayo. Naghihintay si Mama sa ibaba. Huwag mong paghintayin ang pagkain.”
“Oo na, oo na, ito na nga, Ate.”
Bumaba na ako nang napapayag ko na rin ang kapatid ko. Sumalubong ang maliit na dining namin habang nakatingin sa akin si Mama. “Elize, ang kapatid mo?”
“Pababa na po,” sagot ko habang nilalagyan na ng kanin at ulam ang kanyang plato.“Ako na, anak.” Pigil sa akin ni Mama habang inaabot ko ang mangkok ng ulam para makakuha.“Ma, ako na po. Huwag niyo na pilitin ang sarili ninyo,” sagot ko. Bumaba na rin si Roshan saka sumang-ayon sa sinabi ko, “Ma, hayaan niyo na po si Ate Elize, huwag na lang po kayo magpagod.” Medyo magulo pa ang buhok na halatang-halatang kagigising lang mula sa mahimbing na tulog.
She sighed and waited for me to finish my servings. Tahimik niya lang akong pinagmamasdan sa ginagawa ko at inihawak ang kanyang mga kamay sa arm rest ng kanyang wheelchair.
Sa isang wheelchair na lang lagi si Mama dahil mabilis siyang mapagod at madalas na ang panghihina ng kanyang mga tuhod. Sumasabay na rin minsan ang pag-atake ng kanyang pulmon kaya ako na halos ang gumagawa ng mga gawain, katulong si Ros.
Tinulungan na rin ako ni Roshan sa paghahanda at siya ang nagtitimpla ngayon ng kape at tsaa. Nagkalat ang samyo ng kape at tsaa sa hapag dahil dito na itinimpla ni Ros. Iniabot niya ang isang tasa ng tsaa kay Mama, samantalang inilagay niya ang tasa ng kape sa pwesto ko.
“Ako ba ang magbabantay ng shop ngayon?” Napatigil ako sa pag-inom habang patuloy lang ang pagkain ni Roshan at ni Mama.
“Hindi, mga hapon ko na lang siguro bubuksan ang shop ngayon para makasama ka sa akin sa paghahanap ng mga herbals,” sagot ko.
He stopped for a moment. “Ha? Eh, Ate, sayang ang kita! Ako na lang muna magbabantay ng shop ngayong araw, tapos ikaw ang maghanap ng mga herbs sa kakahuyan ngayon.”
“Roshan, paano ka matututo kung palagi na lang ako?” Medyo masungit kong sagot.Agad kong dinaluhan si Mama nang bigla siyang umubo nang sunod-sunod. Inabutan naman siya ni Ros ng tubig.“Eh, magiging pabigat lang kasi ako sa’yo. Mas mabilis kung hindi na ako sasama saka ako na rin magbabantay kay Mama sa kanya rito habang wala ka, Ate,” sagot niya.
“Last week, ‘yan din ang sinabi mo sa akin.”
Hindi naman kasi pwedeng ako na lang lagi ang mag-aani ng mga halamang gamot. Ganito na lang lagi ang eksena kaya hindi masyadong nagiging pamilyar si Roshan sa mga halaman. Kaming dalawa na ang nagpapatakbo ng apothecary dahil hindi na kayang magtrabaho pa ni Mama.
He’s not really interested in alternative medicine, at mas gusto ang nagpipinta at gumuguhit. Halata naman.
Hindi rin naman pwedeng itigil namin ang shop dahil kami lang din ang may apothecary sa buong Black Market. Sa amin din kumukuha ng gamot ang mga tao.
“Sumama ka na, anak. Makakatulong ka pa rin naman kahit papaano. Marami-rami rin ang kukuning halaman ni Elize ngayon. Ikaw na ang magdala at magbuhat para sa kaniya,” malumanay na suhestiyon ni Mama matapos makainom ng tubig na iniabot ni Ros.
Tumango si Roshan sa narinig at itinuloy ang pagkain. Medyo nakasimangot na halata ang pagkatutol. Hindi naman masyadong mabigat ang mga iuuwi ko mamaya dahil halaman lang naman ang mga iyon. Sinabi lang talaga ni Mama para pumayag na ang kapatid ko.
Natapos kaming kumain nang ganoon ang naging usapan. Iniwan ko ang pinagkainan ko at tinulungan si Mama dalhin sa maliit na lamesa niya. Dito niya ginagawa ang mga iilang mga gamot na madali lang gawin.
Si Ros ang naiwan sa kusina para maghugas.
Umakyat na rin ako para makapag-ayos at makapagpalit na rin ng damit. Sumalubong sa akin ang maliit kong kwarto. Cabin-style ang itsura nito at tanging kama at aparador ko lang ang nandito, maliban sa maliit na table sa gilid at isang maliit na shelf.
Katulad kung paano ko ito dinatnan ay ganoon pa rin. Maayos na nakahilera ang aking mga libro sa lagayan nito gawing kanan at katabi nito ang aking table na pinagsusulatan ko at noong nag-aaral pa ako. Maayos din ang kama at walang anong gusot ang makikita. Katapat nito ay ang malaking cabinet kung nasaan ang mga damit, samantalang nasa tabi nito ang isang full length mirror.
I looked at the clock and saw the small hand now pointing at nine. Mabilis akong nagtungo sa closet at sumalubong sa akin ang aking mga damit na madalas ay puti ang kulay.
I only have few dresses for formal events katulad noong imbitado kami sa munting salo-salo noong kapitbahay namin bilang pagdiriwang dahil natanggap ang anak niya sa White palace. Hindi naman engrande pero dahil kabilang sila sa middle class ay hindi rin naman biro ang handa.
Hindi ko alam kung anong trabaho ang nakuha ng kanyang anak sa palasyo pero rito, ang pagkakaroon mo pa lang ng pagkakataong tumapak sa palasyo ay isa ng hindi matutumbasang bagay. The Royal family is seen as gods here to the extent that if you have the chance to serve them, you must serve them. Minsan sapilitan, pero madalas kagustuhan na lang din ng mga tao.
Sigurado rin namang malaki ang sweldong nakukuha ng mga nagtatrabaho roon. Salary’s high enough to change your social status in few months for good. Bali-balita pa nga nang nakapasok ang anak ng kapitbahay namin, halos kinokonsidera na rin ang pamilya nila bilang upper class kahit ilang buwan pa lang ang nakakalipas.
I scanned few clothes bago ako nakapili. It’s a white blouse and pastel-colored skirt na medyo mahaba-haba. Pwede na ito bilang proteksyon sa mga halaman sa kakahuyan mamaya. May iilan kasing mga delikado na puwedeng magparalisa o kaya ay magbigay ng impeksyon kapag natusok ka.
Humarap ako sa salamin at nakita ang repleksyon ko rito. Tulad ng nakagawian ay itinirintas ko ang aking buhok na umabot na ngayon ng hanggang likod ang dulo. Bumagay ang pagkaputi ng suot ko sa maputi kong kutis.
Iyon ang dahilan kaya madalas na kulay puti ang mga damit ko. Sinasabi sa akin ni Mama na bagay sa akin ang kulay puti dahil sa kutis at pagkaitim ng aking buhok. Natural na kulay tsokolate naman ang aking mga mata na namana ko rin kay Mama.
Tinawag ko na rin si Ros na nakaayos na rin saka umalis na.
-
“Ate, tama ba ‘to?” tanong ni Ros habang iniabot sa akin ang kulay lilang bulaklak na kulubot ang mga dahon. Pinagmasdan ko nang mabuti ang halaman na ngayon ay hawak-hawak niya sa tangkay nito. I sighed.
“Nakakalason ‘to.”
Agad nahulog ang bulaklak nang marinig niya ito, “Seryoso? Eh, kamukha lang nitong nasa libro ni Mama.” Tukoy ni Ros sa librong dinala niya kanina. Kay Mama ang librong iyon na tungkol sa mga herbal medicines. Dinala niya para may guide siya sa paghahanap. Kinuha ko ulit yung bulaklak at maingat na hinawakan ito sa tangkay.
“Mabuti at sa tangkay mo hinawakan at hindi ang petals,” I started. Iniharap ko ang bulaklak kay Ros. “Tignan mong maigi ang nasa gitna ng bulaklak na ‘to. Kailangan dilaw ang kulay ng mga ‘to dahil iyon ang herbal na nandyan sa libro. Anong kulay?”
Ros eyed the flower and noticed the color of grains. “Kulay pula…”
Tumango ako. “Dalawang klase ang uri ng bulaklak na ‘to: Isang nakakagamot at isang nakakamatay. Maghugas ka na lang ng kamay mamaya para makasigurado kahit tangkay lang ang hinawakan mo.”
Nagpunas naman siya ng kamay sa suot niyang pantalon. Paulit-ulit na parang takot siyang nakahawak siya ng halamang kaya pala magpabula ng bibig niya. I pat his head. “Sa susunod, tignan mong mabuti.”
Iyan ang dahilan kung bakit mas gusto kong isinasama si Roshan sa akin kapag naghahanap ng mga halamang gamot para sa apothecary. He’s turning 18 in few months kaya mas maganda kung mas malalaman niya ang tungkol sa mga herbals.
Hindi rin naman talaga madali dahil kung titignan sa una ay parang pare-pareho lang naman. Noong ako pa sinasama ni Mama noon sa ganito, madalas din ako magkamali.
“Kahit naman anong halaman, hindi pa rin kaya mapagaling si Mama,” rinig kong bulong ni Ros.
Napatigil ako sa pagpipitas ng halaman saka siya hinarap. “Roshan, alam mo namang hanggang doon lang kaya natin, hindi tayo mga tunay na doktor.”
“Kaya nga, ‘yung mga tunay kasing doktor para lang sa mga taga-White Palace.”
Hindi na ako nagsalita pa. Hindi naman kasi ako makakaangal sa sinabi niya. Totoong tanging mga taga-White Palace lang ang may kaya sa mga propesyonal dahil ang mga taga-upperclass lang ang may pambayad, dahil walang sapat na yaman ang mga tulad naming taga-middle class lang at pati ang mga taga-lower classes.
Alam naman lahat ng mga nakatira sa Black Market iyon. Goods and services ang itinitinda namin pero hindi naman maganda ang kalidad ng mga ito kung ikukumpara sa mga ibinebenta sa White Palace.
Kung isang kalidad na serbisyo o kahit pagkain ang gugustuhin ng mga katulad namin, wala naman kaming pera pambili. Isa pa, halos hindi naman pinapapasok sa White Palace ang mga katulad naming nakatira sa Black Market dahil sa laki ng pinagkaiba ng estado ng buhay.
“Wala ba talagang paraan para makapasok tayo sa White Palace? O kaya kahit makabili man lang ng gamot doon ni Mama?”
“Meron, basta maging mayaman,” mapait kong sagot.
“Ang imposible naman. Pumasok kaya tayo sa White Palace? Hindi pa rin ako nakakapasok doon, eh. Gusto ko tuloy makapasok.”
“Ros, maghanap ka na lang halamang gamot diyan para makauwi na rin tayo agad. Walang kasama si Mama sa bahay. Magbubukas pa tayo ng shop.”
Nanahimik na si Roshan at tahimik na tumulong sa paghahanap. Hindi na rin naman na magandang pag-usapan pa ang estado ng mga taga-White Palace kasama ng kanilang mga pribilehiyo.
Sila-sila lang din naman makakaranas noon na kahit kailan ay hindi namin maaabot, pwera na lang kung mauulanan kami ng swerte at yayaman.
Pero sa estado at buhay sa Black Market kung saan umiikot-ikot lang naman ang pera, ang middle-class ay mananatiling middle-class lang, at ang lower-classes ay mananatiling nasa lower-class. Stagnant lang ang pamumuhay rito.
“Tara na, umuwi na tayo,” pagyaya ko nang makumpleto na namin ang kinakailangan namin.
Si Ros na ang may bibit ng basket na naglalaman ng mga kinuha namin kanina, habang ako na ang may bitbit ng librong dinala niya kanina. Lagi-lagi niyang dala-dala ito kapag sinasama ko siya sa paghahanap, dahil madalas pa rin ang pagbase niya rito.
“Didiretso na ako sa shop, Ros. Mauna ka na sa bahay. Bubuksan ko lang ang apothecary. Pakipaalala kay Mama na inumin niya na yung gamot niya sa ubo.” Tumango lang si Ros at ibinigay ko na rin sa kanya ang libro.
Hindi naman mabigat lahat ng iyon. Hindi naman kalakihan ang katawan ni Ros at ang binubuhat niya lang naman madalas ay timba ng tubig sa pag-iigib. Madalas kasi lapis at papel ang hawak-hawak niya at gumuguhit. Mas interesado kasi siya doon na minsan ay umaabot na siya hating-gabi matapos lang ang ginagawa niya.
“Oh, Elize! Hindi yata kayo maaga nagbukas ngayon?” Bati ng isang babae sa akin. Mas matanda ito sa akin ng ilang taon at nasa trenta anyos na rin ang edad.
Nakapusod ang buhok nito at ang asawa niya ang may-ari ng katabi naming shop na nagtitinda naman ng mga kagamitan na lahat ay gawa sa kahoy, ang Woodworks.
“Nagrestock lang po ng mga gamot kaya tinanghali sa pagbubukas,” sagot ko saka ngumiti. Pumasok na ako agad para hindi na siya makahabol pa ng tanong.
Sumalubong sa akin ang pamilyar na loob ng apothecary. Gawa lang ang shop namin sa kahoy at unang-una makikita pagpasok ang counter na gawa sa salamin ang harapan kaya kitang-kita ang mga naka-display na mga halamang nakapreserba.
Nilinis ko ng basahan ang estante at nag-ayos nang kaunti nang biglang tumunog ang chime sa pinto, sensyales na may pumasok.
Pumasok si Roshan bigla at napahinto ako nang makitang hingal na hingal siya.
“Napa’no ka? Ba’t hingal na hingal ka diyan?”
“Si Mama kasi naabutan kong nakaupo sa sahig. Sumasakit daw ang tuhod niya. Hindi ko alam ang gagawin, ate, kaya pinuntahan kita rito.”
Napabalikwas ako at dali-daling tinungo ang pinto at ibinaliktad ang sign na inayos ko lang kanina.
“Tara na, huwag na muna tayo magbukas ngayong araw.”
-
Inabutan kong nakaupo si Mama sa isang upuan sa sala. Nakatumba pa rin ang wheelchair niya habang siya ay nakayuko at hawak-hawak ang tuhod, “Ma..”
“Elize? Akala ko ba dumiretso ka na sa shop?”
“Ma, tinawag ko siya rito agad para makita ‘yung tuhod mo,” sagot ni Roshan.
“Ikaw talaga, Ros. Alam mo namang busy si Ate Elize mo sa apothecary. Sabi ko namang aksidente lang ‘yung kanina at sadyang naabutan mo lang akong nakaupo sa sahig.”
“Ma, tama lang ang ginawa ni Ros.” Iniayos ko ang nakatumbang wheelchair sa sahig saka siya inalalayan para makaupo ulit doon. “Masama sa iyo ang bumagsak, Ma, dahil mahina na ang binti at tuhod mo. Baka mapaano ka kapag napuruhan ‘yan,” mahaba kong litanya.
“Pasensya na, Elize, ‘nak.” Sinipat ko ang tuhod niya at nakitang wala namang galos doon. Marahan kong minasahe ang tuhod niya para mawala ang iniinda niyang sakit.
“Ayos na ‘ko, Elize. Bumalik ka na sa apothecary..”
“Ma, dito na lang po muna ako. Ako na lang mag-aayos ng mga kinuha namin ni Ros kanina. Hindi naman masyadong makakaapekto kung magsasara muna ang shop ngayon.” Pagsisinungaling ko. May epekto iyon dahil sayang ang kita namin ngayong araw.
“Ako na lang magbabantay, Ate,” suhestiyon ni Ros. Nakatingin lang siya sa ginawa ko at mukhang wala sa sariling sinabi iyon. Ayaw niya kasing nagbabantay dahil naiinip siya kaya hangga’t maaari ay hindi siya ang naiiwan sa shop.
Tumango ako. “Ma, si Ros na raw. Ako na muna rito sa bahay.” Pumayag din naman siya.
Si Ros nga ang nagbantay ng shop samantalang ako naman ang naiwang kasama ni Mama. Mabilis lang din natapos ang araw at kasalukuyan kong inaayos ang higaan niya.
Dahan-dahan kong tinulungan si Mama makatayo sa kanyang wheelchair at maingat na tinulungan siyang makahiga.
“Ma, ayos na po ba tuhod niyo?”
Tumango siya at ngumiti sa akin. “Oo, salamat, Elize.”
I kissed her in forehead and cheeks.
“Goodnight, Ma.” Ipinikit na niya ang kanyang mga mata habang ako ay naghintay pa ng ilang minuto para makasigurong makatulog siya.
Sa tuwing sumasakit ang mga tuhod niya ay tanging masahe o hindi kaya ay nagpapahid ng ointment na ginagawa lang din namin para maibsan ang sakit niya. Wala naman kasi siyang mainom na gamot na iyong mula talaga sa doktor dahil kakailanganin ng malaking pera at pagpunta sa White Palace.
Hindi rin naman madali makapunta sa kabilang parte dahil manghihingi pa ng permit at assessment para masigurong maayos at malilinis ang makakapunta sa White Palace. Ganoon kaaarte ang mga upperclass.
Tumayo na ako nang masigurong mahimbing na ang kanyang tulog. Naabutan ko si Ros na nakaupo sa dining na may hawak na papel at lapis at gumuguhit.
“Hindi ka pa ba matutulog? Bukas mo na ituloy ‘yan,” sabi ko.
“Eh, Ate, hindi naman ako makatulog. Iniisip ko si Mama.” Napataas ako ng kilay sa narinig. Hinila ko ang isang upuan na katapat ng kanya at umupo habang pinagmamasdan siyang gumuguhit.
“Bakit? Anong meron?” alanganing tanong ko.
“Eh, Ate Elize. Parang hindi naman kasi bumubuti lagay ni Mama.” I pressed my lips in a thin line. Patuloy lang siya sa pagguhit at hindi ibinabaling sa akin ang tingin. Swabe ang paggalaw ng kanyang mga kamay at parang sanay na sanay sa ginagawa.
“Ang mahalaga hindi lumalala ang lagay niya.”
“Hindi nga ba?” mabilis niyang sagot. Itinigil niya ang pagguhit saka ako tinignan. “Ate, kahit naman sabihin pang tayo ang nagmamay-ari ng apothecary at sa atin humihingi ng tulong ang mga tao rito kapag may nararamdaman sila, hindi naman tayo doktor para malaman kung ano ba talaga ang sakit ng isang tao.”
“Hindi ba sapat sa iyo na nakakatulong tayo sa pag-alis ng sakit nila? Ganoon din naman ang ginagawa natin kay Mama. Nawawala rin ang sakit ng tuhod niya katulad kanina.”
“Ate, magkaiba naman ang pagkawala ng sakit sa paggaling ng sakit.” Natahimik ako.
“Bakit ba kasi ang mga taga-White Palace lang ang pwedeng magpagamot at magpatingin sa totoong doktor? Sila nga itong imposibleng magkasakit dahil sila ang busog lagi at sila ang may maayos at malinis na tirahan at ginagalawan.”
“Anong gusto mong mangyari?” mahina kong tanong. Sumimangot siya sa akin at inilapag ang manipis na sketchpad na pinagguguhitan niya.
“Gusto kong yumaman tayo,” seryoso niyang sagot. Kumawala sa akin ang isang mahinang tawa at saka napangiti.
“Hirap nga tayong makaipon para makabili ng kailangan natin at makakakain, magkaroon pa kaya ng sobra-sobra para masabing mayaman?” Sumandal ako sa upuan habang tinitignan siyang maigi.
Idinikit niya ang lapis sa kanyang baba at parang nag-iisip, “Eh, Ate, kung pumasok kaya ako sa White Palace?”
“Ano?” taas-kilay kong sabi.
“Papasok ako sa White Palace tapos mag-aalok ako na iguhit ang mga taga-upperclass doon. Kikita siguro ako nang malaki-laki kung magugustuhan nila ang pagguhit o pagpinta ko sa kanila.” Tuwang-tuwa niya pang kwento.
“Roshan, alam mo kung gaano ka-matapobre ang mga tao roon. Hindi rin madali makapasok ang mga tulad natin sa White Palace. Alam mong halos suntok sa buwan na rin ‘yan.”
“Hindi naman ‘yon suntok sa buwan. Yung kapatid nga ng kababata ko, nagtatrabaho na sa White Castle at pinagsisilbihan na yung hari at reyna, eh. Hindi naman ‘yon malabo. Eh, kung sa White Castle na lang kaya?”
“Kahibangan, Roshan!” Napatayo na ako sa inis dahil sa narinig. Alam naman niya na hindi basta-basta ang pagta-trabaho sa palasyo!
“Baka hindi mo na gustuhin pang makabalik sa amin kung maranasan mo ang karangyaan na gusto mo. Alam mong napakahirap na trabaho ang paninilbihan sa hari at reyna. Nasisiraan ka na ba? Maayos pa rin naman ang buhay natin ngayon!” Pilit kong hininaan ang boses ko dahil baka marinig pa ni Mama.
Direktang tingin ang ibinigay ko sa kanya at natahimik siya sa sinabi ko. Mukhang nakaramdam na hindi ko gusto ang naiisip niyang paraan.
“Iyon lang naman ang paraan para-“
“Matuto kang makuntento,” madiin kong sabi. Hindi ko na siya hinintay na makahirit pa ng sagot dahil tumayo na ako saka umakyat papuntang kwarto.
Tanging ang tunog lang ng kubyertos ang maririnig sa hapag. Wala ni isa sa amin ni Roshan ang nagtatangkang magsalita o gumawa ng ingay. Halatang dinaramdam pa rin niya iyong nangyari kagabing pagsigaw ko sa kanya. Hindi ko naman siya masisisi dahil sa punto niya kagabi, pero hindi niya rin ako masisisi sa katwiran ko.Alam ng kahit na sinong nasa Black Market na hindi biro ang pagta-trabaho sa palasyo kasama ng mga namumuno sa amin, kahit gaano pa kalaki ang sweldo.Tahimik lang din si Mama at kanina pa nakikiramdam. Inabot ko ang tubig sa kanya nang maubos niya ang isang basong tubig na inihanda ko kanina na inalalayan naman ni Ros. Pinagmasdan ko siyang maigi at nakatingin lang siyang diretso kay Mama, hindi inililipat sa akin.
“Dapat nga ibebenta ko na doon sa gumagawa ng alahas, eh. Kaso naisipan kong huwag muna at ipakita sa iyo.”Hindi ko maalis ang tingin ko sa alahas na nasa harapan ko. Kulay ginto ito at nakadisenyong kadena na may isang malaking crest symbol sa gitna. Agad kong tinignan si Ros na ngayon ay nakangiti.Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Kung tutuusin, dapat nga rin ako matuwa dahil siguradong malaking halaga ito kapag binenta. “Saan mo nga nakuha ‘to?” tanong ko nang mahina.Sumandal si Ros sa upuan at saka nag-unat, “Bayad ng kliyente ko kanina. Bata siya, eh. Mga pitong taong gulang siguro? Tapos ayan, ayan binayad sa pagguhit ko sa kanya kani
Katahimikan ang namayani at lahat ng mata ay nakatuon lang sa kwintas. Wala na akong nagawa kundi pumikit na lang nang maramdaman ang posas sa mga kamay ko. I bit my lip at nagpadala na lang nang higitin ako ng isa sa kawal.“Dalhin siya pabalik,” utos ng Head Knight sa baritonong boses. Hindi na ako nakaangal pa nang halos kaladkarin nila ako kasama sila, but I stopped when I felt hands stopping me from moving forward.“Ros. . .”Nakatakip ang kamay ni Mama sa kanyang bibig at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. Ros is already crying at siya ang pumigil sa akin.“A..Ate
If I would describe the classy woman in front me, I would say wealth. Hindi ako kumibo nang ngumiti siya sa akin at nanatili lang na nakaupo sa malambot na sofa sa kwartong ito. Agad nawala ang ngiti niya nang hindi ko siya sinuklian ng matamis na ngiti. Her face went straight in a snap. Lumakad siya papalapit sa sofa na katapat ng inuupuan ko. Tahimik ang kwarto at ang tanging katok lang ng kanyang mataas na takong ang naririnig. She sat down and I swear that it was the most elegant and classy way of sitting I have ever seen. Pino at mahinhin ang pagkakaupo kahit na sabihing natatakpan ng makapal na kasuotan ang kanyang mga binti. Pasimple akong lumunok at saka hinarap ang kanyang tingin. I stared at the gems in her lively dress and the precious stones in her a
Tirik na ang araw nang magsimula kaming bumyahe at sa tingin ko ay aabutin pa kami ng ilan pang oras bago marating ang White Castle. Abala ang mga mata ko sa mga makukulay na mga taong namimili at nagkalat sa White Palace. Mga taong hindi inaalintana ang kakapusan ng bulsa. I breathed in. Pilit ko pinapakalma ang sarili sa takot at nerbyos na ilang oras ko na ring nararamdaman. The thought of going to the White Castle rattled my whole system. Hindi ko mapigilan ang mabigat na pakiramdam sa dibdib na kahit ilang beses na akong humingang malalim, parang walang nangyayari. Hindi ko inalis ang tingin ko sa maliit na bintana ng puting karwaheng sinakyan ko lang din noong isang araw. Hindi ko sigurado kung ito pa rin ba iyon o ibang sasakyan na at kapareho lang ng dis
“Ililibot ka ni Theodora para makapagsimula ka na agad bukas.” Tumango ako sa inutos ng Head Servant sa aming dalawa. Theodora is a short-haired woman and is about the same age as me. Nasa dalawang taon na rin siyang naninilbihan sa palasyo. “Tapos ka na?” Umiling ako bilang tugon habang pinagmamasdan nang mabuti ang pagkakatirintas ko ng buhok.
Mabilis kong tinapos ang trabaho ko matapos ako utusan ng Prinsipe kani-kanina lang. I also think that I am taking too much time over a work as little and simple as this one. Hindi ako nagkaroon ng problema sa mga ganitong gawain dahil sanay na ako. Works related in gardening and making of alternative medicine is like a second nature to me already. Maybe only second as breathing dahil buong buhay ko ay ganito ako lumaki. Agad kong ibinalik sa storage room ng garden ang mga kinuha’t ginamit ko kanina. Ilang minuto na lang at matatapos na ang takdang-oras ng Royal family sa kanilang agahan. Mayroong tubig din dito na ginamit ko panghugas ng
Halos higit mag dadalawang linggo na akong naninilbihan sa palasyo at may iilang bagay na akong nakasanayan. Nasasanay na rin ako sa sistema at mga trabahong ibinibigay sa akin ni Miss Marga. Most were always the same as the previous duties that were given to me for the past two weeks. Karaniwan ay halos umiikot talaga sa paglilinis at pagtulong sa mga pag-aasikaso. Well, maybe my duty in the Rose Garden can be considered as an exception. Halos sa akin na naiatas ang gawain doon. “Quickly! Quickly! All must be kept and clean!” We were already rushing our works dahil sa masungit na mga puna ng Head. If there
Days passed by after my short meeting with the Prince, but what happened that day seemed just like a yesterday to me. Ibang-iba siya sa inaakala ko base sa una kong pagkakilala at pagkikita sa kanya. Well, I nearly expected that every upper class shares the same arrogant attitude dahil sa ilang beses ko na ring mga naengkwentro. I'd, of course, also expect more if the person involved is a direct Royalty.I sighed in annoyance. That said, every bit of Prince Dale that day did not resemble any bad vibes of someone who has the authority and the right to brag about status. It was a bit shocking."Elize quit daydreaming!""Ah! Sorry."Inabutan ako ni Miss Marga na nakatigil sa paglilinis. She's with us for supervision right now na labis ko ring pinagtataka. Normally, she's not really keen on monitoring us in our work. Ginagamit niya rin ang sarili niyang oras para sa mga iba pang bagay, yet right now here she is, standing in the middle of the Grand Lobby to se
Tahimik lang ang paggalaw ko sa pag-aayos nang hindi ko magising si Theodora. Madilim pa ang paligid at tanging ilaw at liwanag lang sa labas ang tumutulong sa akin sa pag-aayos ng sarili. It is only quarter before four in the morning; mas maaga kaysa sa bangon namin para duty. Balak ko sanang mas maaga simulan ang trabaho ko dahil bandang alas-sais ng umaga ang takdang oras ng pagkausap sa akin ng Prinsipe.Hindi ko pa rin alam ang dahilan ng utos niya. Hindi ko alam kung may kinalaman ba sa kung sino ako, o sa duty ko sa garden. I don't think he's supposed to meet or talk to me. Is he even allowed to talk to a se
Halos higit mag dadalawang linggo na akong naninilbihan sa palasyo at may iilang bagay na akong nakasanayan. Nasasanay na rin ako sa sistema at mga trabahong ibinibigay sa akin ni Miss Marga. Most were always the same as the previous duties that were given to me for the past two weeks. Karaniwan ay halos umiikot talaga sa paglilinis at pagtulong sa mga pag-aasikaso. Well, maybe my duty in the Rose Garden can be considered as an exception. Halos sa akin na naiatas ang gawain doon. “Quickly! Quickly! All must be kept and clean!” We were already rushing our works dahil sa masungit na mga puna ng Head. If there
Mabilis kong tinapos ang trabaho ko matapos ako utusan ng Prinsipe kani-kanina lang. I also think that I am taking too much time over a work as little and simple as this one. Hindi ako nagkaroon ng problema sa mga ganitong gawain dahil sanay na ako. Works related in gardening and making of alternative medicine is like a second nature to me already. Maybe only second as breathing dahil buong buhay ko ay ganito ako lumaki. Agad kong ibinalik sa storage room ng garden ang mga kinuha’t ginamit ko kanina. Ilang minuto na lang at matatapos na ang takdang-oras ng Royal family sa kanilang agahan. Mayroong tubig din dito na ginamit ko panghugas ng
“Ililibot ka ni Theodora para makapagsimula ka na agad bukas.” Tumango ako sa inutos ng Head Servant sa aming dalawa. Theodora is a short-haired woman and is about the same age as me. Nasa dalawang taon na rin siyang naninilbihan sa palasyo. “Tapos ka na?” Umiling ako bilang tugon habang pinagmamasdan nang mabuti ang pagkakatirintas ko ng buhok.
Tirik na ang araw nang magsimula kaming bumyahe at sa tingin ko ay aabutin pa kami ng ilan pang oras bago marating ang White Castle. Abala ang mga mata ko sa mga makukulay na mga taong namimili at nagkalat sa White Palace. Mga taong hindi inaalintana ang kakapusan ng bulsa. I breathed in. Pilit ko pinapakalma ang sarili sa takot at nerbyos na ilang oras ko na ring nararamdaman. The thought of going to the White Castle rattled my whole system. Hindi ko mapigilan ang mabigat na pakiramdam sa dibdib na kahit ilang beses na akong humingang malalim, parang walang nangyayari. Hindi ko inalis ang tingin ko sa maliit na bintana ng puting karwaheng sinakyan ko lang din noong isang araw. Hindi ko sigurado kung ito pa rin ba iyon o ibang sasakyan na at kapareho lang ng dis
If I would describe the classy woman in front me, I would say wealth. Hindi ako kumibo nang ngumiti siya sa akin at nanatili lang na nakaupo sa malambot na sofa sa kwartong ito. Agad nawala ang ngiti niya nang hindi ko siya sinuklian ng matamis na ngiti. Her face went straight in a snap. Lumakad siya papalapit sa sofa na katapat ng inuupuan ko. Tahimik ang kwarto at ang tanging katok lang ng kanyang mataas na takong ang naririnig. She sat down and I swear that it was the most elegant and classy way of sitting I have ever seen. Pino at mahinhin ang pagkakaupo kahit na sabihing natatakpan ng makapal na kasuotan ang kanyang mga binti. Pasimple akong lumunok at saka hinarap ang kanyang tingin. I stared at the gems in her lively dress and the precious stones in her a
Katahimikan ang namayani at lahat ng mata ay nakatuon lang sa kwintas. Wala na akong nagawa kundi pumikit na lang nang maramdaman ang posas sa mga kamay ko. I bit my lip at nagpadala na lang nang higitin ako ng isa sa kawal.“Dalhin siya pabalik,” utos ng Head Knight sa baritonong boses. Hindi na ako nakaangal pa nang halos kaladkarin nila ako kasama sila, but I stopped when I felt hands stopping me from moving forward.“Ros. . .”Nakatakip ang kamay ni Mama sa kanyang bibig at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. Ros is already crying at siya ang pumigil sa akin.“A..Ate
“Dapat nga ibebenta ko na doon sa gumagawa ng alahas, eh. Kaso naisipan kong huwag muna at ipakita sa iyo.”Hindi ko maalis ang tingin ko sa alahas na nasa harapan ko. Kulay ginto ito at nakadisenyong kadena na may isang malaking crest symbol sa gitna. Agad kong tinignan si Ros na ngayon ay nakangiti.Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Kung tutuusin, dapat nga rin ako matuwa dahil siguradong malaking halaga ito kapag binenta. “Saan mo nga nakuha ‘to?” tanong ko nang mahina.Sumandal si Ros sa upuan at saka nag-unat, “Bayad ng kliyente ko kanina. Bata siya, eh. Mga pitong taong gulang siguro? Tapos ayan, ayan binayad sa pagguhit ko sa kanya kani