ISANG linggo ang lumipas simula ng pumasok ako sa Motorific Company at masasabi kong naging maayos naman ang pagsisimula ko pwera nalang sa nararamdaman kong motion sickness. Lalo na s aumaga, tamad na tamad akong bumangon gayong kailangan kong pumasok ng maaga. Dalawang araw palang ako sa bahay nila Pauline ng mahalata agad ng mama nito na buntis ako.
Nahiya pa ako sa kanila at nagtanong kung ayos lang ba na buntis ang umupa sa kanila. Tinaggap naman nila ako at mas natuwa pa nga dahil ngayon nalang daw ulit magkakaroon ng baby sa kanila. Nakakatuwa pa nga at bumili na agad ng mga damit pambata ang mama ni Pauline. Nahihiya ako pero sabi niya kapag may anak ka na hindi daw dapat mahiya kaya palagi kong itinatak sa isip ko ‘yan.
Panibagong yugto ito ng buhay ko kaya hindi ko dapat ikahiya ang anak ko. “Alam mo Ella, tatlong araw ka palang nagsisimula dito sa kumpanya may napansin na ako agad na kakaiba e.” hindi ako makatingin sa katabi ko sa aking table dahil sa sinabi niyang iyon. Nahuli kasi ako nitong natutulog, tanghali kasi may thirty minutes pa kaming break kaya natulog ako kaso paggising ko mag aalas dos na ng tanghali.
“Oo nga Ella! Pansin ko ‘din na malaki ang balakang mo, buntis ka ba?” napalunok ako dahil sa sinabi pa ng isa kong kasamahan. Mababait silang lahat, nasa anim kami sa buong marketing team at lahat sila close ko pwera nalang kay Hilda na siyang mainit ang dugo saakin sa di malamang dahilan. “P-Paano mo naman nasabi na buntis ako?” tinging tanong ko sa nagtanong saakin.
Nagkibit balikat ito. “Hula ko lang, bawal kasi ang buntis dito. I mean, pwede kung isang taon kana dito or ilang buwan na.” natigilan ako sa sinabi nito at nakita ko na siniko siya ng isa pa naming kasamahan hanggang sa naramdaman ko na mayroong humagod sa likod ko. “Wag mong pansin ang sinabi ng bruhang ‘yun. Wag kang matakot okay? Kaming bahala sa’yo.”
Napatingin ako sa katabi ko dahil doon at nagsimula nang magluha ang mata ko. Hindi ko na napigilan at umamin na ako sa kanila at sinabi ko lahat, na wala akong maipantutustos sa bata kung hindi ako luluwas sa manila para magtrabaho. Pinagaan naman nila ang loob ko at sinabinghindi daw sila magsusumbong para sa bata.
Natuwa ako ng malaman iyon at lumipas ang tatlong araw ay nawala ang pagiging kampante ko ng habang naglalakad ako papasok sa opisina namin ng marinig ko ang bulong-bulungan. “Alam niyo na ba ang balita? Mayroon ‘daw natanggap na buntis dito. Alam niyong bawal ‘yun. Sigurado akong patatalsikin agad ni boss ‘yun.” Nagmadali ako sa paglalakad dahil doon at ng makarating ako sa isang hallway na walang tao ay napahawak ako sa aking dibdib.
Sobrang bilis ng tibok niyon at hindi ko alam ang gagawin. Kusang tumulo ang luha ko dahil sa takot, takot para sa anak ko hindi sa matatanggal ako. Ayokong manisi pero ang mga ka-team ko lang ang nakaka-alam na buntis ako, alam ko na hindi nila gagawin na isumbong ako pero ang tanong sino?
Hilda. Agad pumasok sa isip ko ang pangalan ni Hilda at naalala ko na tahimik lang ito ng araw na sinabi ko sa kanila ang totoo. Hindi malabo na si Hilda ang nagsumbong saakin kaya nanghina ang tuhod ko at unti-unting napa upo. “Handa ka na bang matanggal?” napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Hilda.
“H-Hilda, bakit mo ginawa ‘yun? Paano mo nagawa saakin ‘yun?” naluluha kong sabi at tumayo upang makaharap siya. “Dahil masyado kang pabida. Bago ka palang dito Ella at lahat na ng attention nila ay kinuha mo.” Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kaniya dahil doon. “Isa ka lang under graduate student na agad natanggap at sa marketing team pa. Hindi ko alam kung anong ginawa mo para makapasok dito pero ngayon mukang alam ko na.”
Nagulat ako dahil sa sinabi niya lalo na ng tignan niya ang aking tiyan at hindi ko napigilan ang sarili na sampalin ito. “Ouch!” d***g niya at tumingin saakin ng masama habang hawak ang kaliwang pisnge niya. “Wala kang Karapatan na husgahan ang anak ko! Matatanggap ko na ako nalang Hilda pero sa ank ko ay hindi! Hindi moa lam ang pinagdaanan ko para lang mapunta sa puntong ito Hilda.” Sunod-sunod na tumulo ang luha sa aking mga mata.
“Sana manlang inisip mo ang bata Hilda, hindi ako lumaki katulad mo na nakapagtapos ng pag-aaral dahil namatay ang magulang ko one month ago! Nagkaroon ng bata sa tiyan ko at hindi ko alam kung paano siya palalakihin kaya ito lang ang alam kong paraan kaso sinira mo ‘yun Hilda. Sinira mo ang future ng anak ko!”
Sa sobrang emosyon na nararamdaman ko ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nakaramdaman ako ng kakaiba dahil doon, eto na mukang aatake ang asthma ko. Bago pa ako atakihin sa harapan niya ay dali-dali akong pumunta sa restroom at nilabas ang aking nebulizer. Napatingin ako sa aking reflection habang pilit na hinahabol ang aking paghinga.
‘Ganito nalang ba ang kaya mo Isabella? Paano ang anak mo kung pati ikaw ay mahina?’ napapikit ako dahil doon. Paano ko maipapanganak ang anak ko kung mahina ako? Paano ko siya mapapalaki kung aalis ako dito? Siguro naman ay pwede kong pakiusapan ang boss. Kahit ano gagawin ko para lang hindi nila ako tanggapin. Tama, magmamaka-awa ako.
Lumabas ako ng restroom matapos kong maging ayos at inayos ko na ‘rin ang kaunting make-up na meron ako. Pumunta ako sa office at nakita ko silang pawang nakatayo at nag-aalalang napatingin sa gawi ko.
“Ella!”
Tumakbo sila saakin upang yakapin ako. Napangiti ako dahil doon, kahit ano talagang kasamalasan na nangyayari saakin ay mayroon at mayroong nagmamahal saakin, saamin ng anak ko. Kaya anak, kapag lumaki ka ay maging mabait ka at mapagkumbaba okay? “Narinig namin ang balita! Ayos ka lang ba? Wag kang kabahan, baka ma-stress ka makasama sa bata ‘yan.”
Napatingin ako sa isang sulok at nakita ko si Hilda na seryosong nakatingin saakin. Napabuntong hininga ako dahil doon at naglakad palapit dito. Nagulat naman sila dahil doon. “I-I’m sorry Hilda, n-nadala lang ako ng emosyon ko. Sorry kung nasampal kita.” Narinig ko ang paghinghap ng mga ito at maging siya ay nakatingin saakin na tila gulat na gulat.
“Excuse me, anjan ba si Ella?” ngunit napalingon kami sa pinto ng biglang may nagsalita mula sa pinto. “Pinapatawag siya ng boss.” Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon. “A-Ano?! Sasamahan ka namin Ella!” narinig ko ang mga pag rereklamo nila ngunit umiling ako sa mga ito. “Ako ng bahala guys,” naglakad ako pa punta sa lalaki ngunit napahinto ako ng mayroong humawak sa kamay ko.
“I-I—I’m sorry Ella, ako ang nagsumbong kaya sasamahan kita.” Napangiti ako dahil doon, naluluha ako siguro dahil nag sorry siya saakin na hindi ko inaasahan. Hinawakan ko ang kamay niya at umiling. “Salamat at nag sorry ka saakin Hilda, pero kaya ko na ito. Hintayin niyo ako at babalik ako maliwanag?” gulat siya dahil sa sinabi ko pero hindi ko na ito pinansin pa at sumunod na sa lalaki.
Habang naglalakad kami papunta sa office ng boss ay mas lumalakas ang kabog ng puso ko sa takot. Sumakay kami ng elevator at ng nasa floor na kami ng office ng boss ay iniwan na ako ng lalaki. Nautusan lang daw siya at makikita ko naman daw ang office nito dahil iyon lang ang pinto na naroroon.
Habang naglalakad ay nakikita ko ang mga malalaking frame ng kotse sa bawal pader na naroroon. Tingin ko ay mga model ng sasakyan nila ang nasa pader, hindi pa ako nakakapunta sa mismong gawaan ng sasakyan dahil hindi ko na gusto ang amoy niyon. Feeling ko ay susuka ako ng wala sa oras. Nakita ko ang pintuan kaya huminga ako ng malalim.
Kailangan mong gawin to para sa anak mo. Pagpapalakas ko ng aking loob at naglakad na papunta sa pinto para pumasok. Ngunit napansin ko na nakabukas ang pinto kaya sumilip ako, nakita ko ang isang malinis na opisina na mayroong creame na color ang pader at katulad sa hallway ay maraming sasakyan sa loob pero this time hindi na frame. Isa na itong maliit na laruan na nasa isang devider.
Ang galing, ang ganda collection siguro ng boss iyon. Hinanap ko kung nasaan ang boss at may nakita akong lalaki na nakaupo sa gitna ng sala, mayroon kasing sala table at chair sa gitna kung saan doon ito nakaupo sa gitna paharap saakin habang nakita ko si Dexter na nasa kanan nito. Parang familiar ang lalaking boss saakin?
“It’s been a month Dexter, hanggang ngayon ba ay wala pa ‘ring balita kahit kay master Shin?” napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ng boss. Master Shin? Hindi ba iyon ang bumili saakin? Gulat akong napatingin sa boss pero ang mas ikinagulat ko ng makilala ko ito.
“R, mahirap mag spy kay master Shin pero ayon sa tauhan natin ay wala pa ‘rin. Baka naman napapabayaan mo na ang pagiging Rank 1 mo sa underworld dahil sa babaeng ‘yan?” napatakip ako sa aking bibig dahil doon. S-Siya ang ama ng dinadala ko ngayon! Siya yung lalaki sa pinasukan kong suite! “Kilala mo ako Dex, kaya kong pagsabayin ang pagtatrabaho at pagiging Mafia. Lalo na ang pag-ibig.”
Kusa akong napa-atras dahil doon. M-Mafia, mafia ang ama ng anak ko! Mabilis pa sa alaskwatro na tumakbo ako paalis sa floor na iyon. Nang makasakay ako sa elevator ay abot-abot ang kaba ko. Kusa kong winawaglit ang luha na tumutulo sa aking mata dahil baka atakihin ako ng asthma kapag ipinagpatuloy ko ang pag-iyak.
I-Isang Mafia ang ama ng batang dinadala ko, paano ko matatanggap ‘yun?! Mabuti nalang at dala ko pa ang bag ko at paalis sa opisina agad ang ginawa ko. Hindi na ako haharap sa mga kasamahan ko sa tabaho, kahit pa na alam kong hahanapin nila ako ay ayoko ng bumalik pa sa kumpanya na iyon.
Dali-dali akong sumakay ng taxi at nagpahatid sa bahay na tinutuluyan ko. Nang makarating ako sa bahay ay napalakas ata ang pagsara ko ng pinto dahil agad na nagtungo sa sala ang mama ni Pauline. “Ella! Alaka ko naman may magnanakaw na,” tila nakahingang maluwag na sabi nito saakin ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang panlalabo ng aking paningin.
“Ella!”
***
NAGISING ako ng nasa loob ng aking kwarto. Nakita ko na madilim na sa labas at mukang napahaba ang tulog ko. Alam kong hinimatay ako kanina dahil sa sobra-sobrang emosyon. Napahawak ako sa kaing tiyan at kusang tumulo ang aking luha.
“A-Anak, alam ko na wala kang kinalaman kung ano ang daddy mo pero hindi ako makapaniwala na galing ka sa isang Mafia.” Sobrang laki ng trauma ko sa mga Mafia na halos marinig ko lang ang katagang Mafia ay nanginginig na ang tuhod ko. “Ate Ella? Ate Ella bakit ka umiiyak?!” napatingin ako sa pinto at nakita ko na papasok doon sa loob si Pauline.
“Ma! Ma si ate Ella umiiyak!” niyakap ako ni Pauline kung kaya’t gumanti ‘din ako ng yakap dito at umiyak sa balikat niya. Narinig ko ang pagdating ng mama niya at ng bunso nitong kapatid at nag-aalala saakin. Marami silang tanong na hindi ko naman masagot dahil ang tangi ko lang sinabi ay “G-Gusto ko na hong umuwi sa Bagiuo.”
Maaga akong hinatid nila Pauline sa sakayan papuntang Bagiuo. Nirespeto naman nila ang gusto ko na umuwi lalo na ng sabihin ko na tinanggal ako sa trabaho dahil buntis ako. Sa ngayon ay nakasakay na ako sa bus at nakatingin sa labas ng bintana. Binigyan pa ako ng pera ng mama ni Pauline na tinaggap ko naman.
Ang sabi niya saakin kahit na anong oras ako bumalik sa kanila ay pwedeng-pwede ‘daw. Malaki ang pasasalamat ko sa pamilya nila lalo na at masuwerte ako dahil sa kanila ako napunta. Tungkol naman sa ama ng anak ko ay hindi ko alam ang gagawin. Oo, isa siyang Mafia at ama siya ng anak ko pero hindi ko talaga magawang tanggapin sa ngayon.
Alam ko darating ang araw na tatanggapin ko ang lahat para sa anak namin pero sa ngayon hahayaan ko muna ang sarili ko na lumayo. Hindi ko siya kayang makita o ipakita manlang ang anak namin. Bahala na kung anong mangyayari sa buhay namin ng anak ko pero sa Bagiuo ko siya palalakihin. Hindi ko hahayaan na magaya siya sa ama niya, gagawin ko ang lahat para ipaintindi sa kaniya ang mabuti at masama.
Lahat gagawin ko para sa iyo anak. Ikaw nalang ang meron ako.
—FOUR YEARS LATER—
“Mommy!”
Napangiti ako ng makita ang aking anak na tumatakbo papunta saakin. Nang makalapit ay agad ako nitong niyakap ng mahigpit. “Grabe, akala mo naman hindi magkasama sa iisang bubong ang dalawang bakla.” Napatawa ako sa sinabi ni Oliver pero Olivia sa gabi. “Tita Olivia ganon talga kapag mahal mo, palibhasa wala ka pong jowa kaya bitter ka saamin ni mommy.”
Napatawa ako lalo sa sinagot ng aking anak. “Aba’t! Itong batang ito manang mana ka sa ina mo!” irap na sabi nito kaya napatawa ako. “Hayaan mo nalang kasi kami Oliver.” Sabi ko at tumayo habang tinignan niya ako ng masama. “Olivia sabi! Olivia! Kita mong gabi na oh!” napailing ako dahil doon.
Si Olivia ay nagtatrabaho sa parlor, tuwing may pasok ako sa karindirya at inaabot ng gabi ay nasa parlor ang aking anak. Minsan nga ay ang dami na nitong natututunan mula sa mga tito niyang mga bakla. “Whatever, kamusta anak naging mabait ka ba sa mga tito mo?” sunod-sunod na tumango ang anak ko.
Siya si Issa, ipinanganak ko siya apat na taon na ang nakakaraan at mag lilimang taon na siya. Pero sa murang edad ay nakakamangha ang kaniyang katalinuhan. Kung minsan nga ay siya pa ang nagtuturo saamin kapag magkakasama kami sa karinderya. Masaya ako na pagbalik ko dito sa Bagiuo ay hindi ko nag-iisa.
Anjan sila nanay Marites, ang mga bakla, si Maria at ang land lady namin. Hindi nila ako pinabayaan hanggang sa maipanganak ko si Issa kahit pa na muntik na akong mawala dahil sa asthma ko. Mahirap manganak ng may asthma lalo na kung normal delivery dahil umabot sa punto habang umiiri ako ay nawalan ako ng hininga.
Mabuti at maagap ang mga doctor at binigyan ako ng oxygen. “Ella, sigurado ka na bang luluwas ka sa Maynila?” napatingin ako kay Oliver dahil doon. Noong isang araw ko pa nasabi sa kanila na luluwas ako ng Maynila para maghanap ng magandang trabaho.
Ang sabi ko ay baka doon an ‘rin kami tumiri ni Issa dahil hindi na talaga sumasapat ang kita ko dito dahil lumalaki na ang aking anak lalo na at malapit na siyang mag-aral. “Oliver napag-usapan na natin ‘yan diba? Dadalaw naman kami dito ni Issa, hindi ba anak?” tumingin ako sa anak ko. Alam ko na nalulungkot ‘din ito dahil sa paglipat namin pero palaging nakangiti ang aking anak.
“Tama si mommy tita Olivia! Kapag bumalik kami dito papasalubungan po kita ng mga pampakulay na binili sa mall!” napangiti si Oliver dahil doon at pinisil ang pisnge ng anak ko. Hindi na ‘rin kami nagtagal at nagpaalam na upang umuwi.
Pasado alasdiyes na kaya buhat ko na si Issa na nakatulog sa aming paglalakad. Inihiga ko siya sa higaan at inalis ang soot at pinalitan ng pantulog. Napaupo ako sa tabi nito at hinawi ang buhok na nakatabing sa kaniyang muka. “Kamukang-kamuka mo talaga ang ama mo.” Wala sa sarili kong sabi at napailing. Sa apat na taon na lumipas ay kahit papaano ay natanggap ko ng isang Mafia ang ama ng aking anak.
Pero hindi ko pa tanggap ng buong-buo. Ang pagpunta ko ng manila ay malaking adjustment saakin lalo na at baka makita ko ng mga humahabol saakin. Pero apat na taon na ang nakakaraan kaya malamang na hindi na nila ako hinahanap pa. Tungkol naman sa ama ni Issa ay malabong mangyaring mag krus ang landas namin sa sobrang laki ba naman ng Maynila.
Nagbihis na din ako at nahiga sa tabi ni Issa at nakatulog.
MAAGA akong nagising dahil ngayon ang alis ko papuntang maynila. Sabi ko baka ilang araw lang ako, dahil trabaho muna ang hahanapin ko. Tungkol naman sa titirhan ko ay may kilala ako sa Maynila kaya kung sakali ay doon ako mangungupahang muli.
“Mommy mag-iingat ka po okay?!” hinalikan ko ang pisnge ng aking anak at tumang.o. “Ikaw magpapakabait ka okay? Wag masyadong maglagay ng make-up.” Tumingin ako sa mga bakla. “Kayong mga bakla kayo, hindi pa teenager ang anak ko kaya parang awa niyo na.” natawa nag mga ito sa sinabi ko kaya napailing nalamang ako.
“Mag-iingat ka doon hija,” niyakap ko si nanay Marites, kumpleto silang lahat doon na akala mo ay hindi na ako babalik. Sabagay sa apatn na taong lumipas ay mas lumalim pa ang pagsasamahan naming lahat. Sumakay na ako sa bus at maya-maya pa ay umalis na ang bus. Bahala na kung anong mangyayari saakin.
***
“TAO po!”
Tawag ko habang kumakatok sa pinto ng kanilang bahay. “Sandali lang!” narinig ko ang boses lalaki mula sa loob at maya-maya ay bumukas ito at nakita ko ang lalaki na siguro ay nasa singkwenta anyos pero halata mo pa ang kagwapuhan nito dahil sa kakisigan. “Sino ang kailangan nila hija? Parang nakita na kita?” napangiti ako dahil doon.
“Sinong tao John—Ella?!” sabay kaming napatingin sa nagsalita at doon ay nakita ko si tita Eda. “Kumusta po tita Eda? Tito John.” Nakangiti kong bati at agad na tumakbo papunta saakin si Eda at niyakap ako. “Kaya pala may kamuka ka, ikaw pala si Ella. Hali kayo at pumasok. Tatawagin ko ang dalawnag bata, siguradong matutuwa ‘yun.” Ngiting sabi ni tito John.
Inakay ako papasok sa loob ni tita Eda. “Jusko Ella, akala ko hindi ka na namin makikita!” napahawak ako sa kamay niya dahil doon. “Pasensya na po at ngayon nalang ulit ako nakadalaw tita—” napahinto ako sa pagsasalita ng biglang may sumigaw.
“Ate Ella!”
Nakita ko si Paulin at Paula na papatakbong papunta saakin. Niyakap ako ng dalawa ng sabay. “Grabe ang lalaki niyo na ah!” nakangiti kong sabi. Hindi kami nagtagal sa sala dahil sakto na papakain na pala ang mga ito kaya sinabay na nila ako. Ang dami kong kwento sa kanila lalo na tungkol kay Issa. Pinakita ko pa ang picture ng anak ko at tuwang-tuwa ang mga ito.
Mabait si tito John, sa katunayan ay siya pa ang nag-alok na tumira ako doon ng walang bayad. Sabi niya ay nag-aalala nga daw siya na walang kasama ang mga mag-iina niya. Naka distino pa ‘rin kasi ito sa Davao at malapit na ‘rin siyang bumalik dahil pangatlong buwan na daw niya sa maynila. Nabanggit ko sa kanila ang tungkol sa paghahanap ko ng tabaho.
Si tito John pa ang nagbigay saakin ng maaari kong pasukan at kilala niya daw ang may-ari. Sobra-sobra na talaga ang pasasalamat ko sa kanila. Hindi ko akalain na kahit ilang taon na ang lumipa say tatanggapin nila ako. Doon pa ‘rin ang kwarto ko sa dati, hindi na daw sila tumanggap ng bed spacer simula ng umalis ako.
Sabi nila ay pamilya na ‘raw ang turing nila saakin kaya sobrang swerte ko talga at sa kanila ako napunta noong panahong wala akong alam sa Maynila. Tulad ng dati ay si Pauline ang sumama saakin para ihatid ako sa sinasabi ng papa niya. Nasa bente anyos na ngayon si Pauline at mas lalo pa siyang gumanda, hindi naglalayo ang edad namin kaya close talaga kaming dalawa.
Habang si Paula naman ay nasa edad trese na at ang laking bulas niya. Siguro dahil mulat na sila sa social media kaya marunong na itong mag-ayos at make-up. Matutuwa si Issa kapag nakilala niya si Paula panigurado, magkasundo sila sa make-ups.
Isang restaurant ang pinag-applayan ko ang kaso ay hindi ko nagustuhan doon. Alam ko na wala akong Karapatan na tumanggi pero hindi ko kasi gusto ang tingin saakin ng manager doon lalo na kay Pauline. Nahalata niya ‘rin iyon kaya ng umalis kami ay agad itong nagsumbong saakin tungkol sa tingin ng manager saamin.
Sabi niya ay siya na ang magsusumbong kay tito John dahil nagpaiwan ako. Kailangan kong maghanap ng maayos na trabaho. Nang iwan niya ako ay naglibot-libot ako at sumubok na tumingin sa mga kumpanya. Nang umuwi ako sa Bagiuo ay tinapos ko na ang aking kurso, tinulungan ako ng nanay Lita, ang land lady namin kaya sobrang laki ng pasasalamat ko dito.
Habang naglilibot ako ay mayroon akong nakabangga na talagang bangga dahil muntik na akong matumba mabuti nalang at nakapag balanced ako. Tinignan ko ng masam ang likod ng lalaking naka suit at lumingon ito. “Miss sorry—Ella?” nanlaki ang mata ko ng makilala ang lalaking iyon.
“D-Dexter…” napangiti ito ng banggitin ko ang pangalan niya at lumapit saakin. “Ella! Ang tagal na nung huli nating pagkikita ah?” sabi niya saakin. “F-Four years,” tumango siya saakin. “Oo nga, four years na pero hindi ka pa ‘rin nagbabago. Maganda ka pa ‘rin.” Doon na ako napatawa. Hindi pa nga ‘rin siya nagbabago.
“Ikaw naman bolero pa ‘rin.” Napatawa ‘din siya dahil doon. “Gusto ko pa sanang makausap kaso nagmamadali ako.” Napangiti ako dahil doon. Kahit na kinakabahan ako kaharap siya dahil paano kung malaman niya na ang anak ko ay anak ng amo niya? “Huhulaan ko, nasiraan ka nanaman?” gulat na napatingin siya saakin doon.
“Paano mo nalaman?” pareho kaming natawa dahil doon at nagpaalam na siya ng tuluyan. Mabuti at hindi niya ako binigyan ng card o kinuha ang number ko. Ayoko na magkaroon ng communication sa kaniya. Dahil sa nangyari ay umuwi na ako sa bahay. Gusto ko munang magpahinga kasi parang nanghihina ako.
Siguro nagkataon lang na nagkita kaming dalawa, tama.
Isang araw ang lumipas at nagpasiya ako ulit na maghanap na ng trabaho, ang nakalipas na isang araw ay iginugol ko sa bahay dahil tinulungan ko si tita Eda para sa birthday ni Paula. Katorse na ito ngayon, sobrang bilis talaga ng panahon. Bigla kong naisip ang anak kong si Issa, mabilis lang din ang panahon at alam kong sa susunod ay dalaga na siya.
Nagpaalam na ako sa mga ito na aalis at babalik bago magdilim. Hindi naging madali ang paghahanap ko ng trabaho lalo na at soot ko ay isang fitted dress na itim habang ito ay long sleeve. Mayroon akong soot na two inches sandals na talaga namang naging torture saakin. Makailang beses akong nag stay sa isang coffee shop para lang maging fresh ako.
At habang nasa loob ako ng Café ay may nakita akong isang building kaya naisip ko naba ka hiring sila. At kung sinuswerte nga naman ako ay hiring ang mga ito. Pagdating ko sa interview room ay ako na agad ang sunod dahil na ‘rin ala una na at kanina pa sila nagsisimula.
“Congratulations Ms.Ella, ikaw ang pinakang napili namin sa kanilang lahat na nag-apply.” Parang nagningning ang mata ko dahil sa aking narinig. Hindi ako makapaniwalang matatanggap ako agad. “Seryoso po kayo?” tanong ko sa tatlong lalaki na ikinangiti nila at tumango. “Pwede kang umakyat sa office ni boss, siya na kasi ang mag di-disscuss ng sahod mo.”
Ang dami kong thank you sa mga ito dahil sa sobrang saya. Malaki ang kumpanyang iyon at sobrang swerte ko at nakapasok ako bilang isang secretary ng boss. Sumakay ako sa elevator ng may malaking ngiti sa labi. Hindi pa ‘rin ako makapaniwala grabe.
Nang bumukas ang elevator ay nakaramdam ako ng kaba. Malamang dahil first time ko after four years mag trabaho sa malaking kumpanya. Iniwaglit ko nalang ito at nagtuloy-tuloy sa paglalakad papunta sa office. Kakatok na sana ako sa pinto ng naka-angat ito kaya mayroong nag-uudyok saakin na sumilip na siyang aking ginawa.
Malinis ang loob ng kwarto ngunit ang makita ang lalaking malaki ang tiyan at maputi ang buhok na papatayo mula sa lamesa nito ay ang nagpatigil ng mundo ko. Biglang nanlamig ang kamay ko at hindi alam ang gagawin. Sa sobrang takot ko ay naisara ko ang pinto at agad akong tumakbo lalo na at narinig ko ang boses nito sa loob.
Nanghina ang tuhod ko ng marinig ang boses niya. Ganoon pa ‘rin ang boses niya makalipas ang apat na taon. Si master Shin! Siya ang lalaki na magiging bagong amo ko! Kailangan kong umalis dito sa lalong madaling panahon, ayoko pang mamatay dahil babalik pa ako sa anak ko!
Nakita ko na bumukas ang pinto ng elevator at mayroong lalaking lumabas doon. “Miss! Sandali lang!” mas lalo akong natakot ng marinig ang boses nito. Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi niya ako pwedeng makita, hindi pwede!
“Sandali, miss!” dahil sa sobrang takot ko ay wala sa sarili kong niyakap ang lalaki na kalalabas lang ng elevator at hinalikan ito sa labi. Naramdaman ko ang pagkatigil ng lalaki dahil sa aking ginawa pero ito lang ang alam kong paraan para hindi ako lumingon kay master Shin. Naramdaman ko ang pagyakap nito sa aking beywang at mas idiniin pa sa kaniya.
Gusto ko siyang itulak dahil doon pero may kailangan ako sa lalaking ito, tyaka bakit tila may kaamoy ito? “T-Tulungan mo ako, i-ilabas mo ako dito sa kumpanyang ito please lang.” pikit na sabi ko sa leeg niya ng maghiwalay ang aming labi at naramdaman kong tumulo ang luha mula sa aking mata. Mas naramdaman ko ang mahigpit na pagkakakapit nito sa bewang ko dahil na ‘rin nanghihina ako.
“Mr.Garcia, kilala mo ba ang babaeng ‘yan?” narinig ko na sabi ni master Shin. “Yes, she is my wife.” Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niyang iyon. “A-Anong wife?!” bulong ko sa kaniya. “Sumakay ka nalang kung ayaw mong mahuli ni master Shin.” Napatahimik ako dahil doon lalo na at paano niya nalaman na si master Shin ang lalaking iyon?
“I didn’t know na may asawa ka pala, Mr.Garcia.” tila nagdududa na sabi ni master Shin. “I have, ito ang mahalagang sasabihin ko sa’yo kaya ako nandito. Pinauna ko ang asawa ko dito pero masyado niya akong na-miss at masama na pala ang pakiramdam niya. So, if you’ll excuse us. Ipapakilala ko siya sa’yo sa susunod na araw.” Naramdaman kong inalalayan nila papasok sa elevator na pinindot niya kaya nakahinga ako ng maluwag lalo na ng sumara ang pinto ng elevator.
“T-Thank you…” utal na sabi ko sa kaniya at tumingin dito. “P-Pero bakit naman asawa ang pinakilala mo—saakin.” Halos hindi ko na mabigkas ang huling word na iyon ng makita ko ang dalawang mata niya na nakatingin saakin. “It was you, ikaw yung babaeng binili ni master Shin four years ago.” Hindi ako makakilos sa aking kinatatayuan dahil nasa harap ko ang ama ni Issa!
Lumapit ito saakin at pagliyad lang ang tanging nagawa ko dahil hindi ko maigalaw ang aking paa. Bigla niyang hinawakan ang aking bewang at mas inilapit sa kaniya. “At ikaw ‘yung babaeng nakasama ko sa suite four years ago. Alam mo bang matagal na kitang hinahanap?” halos hindi na ako humihinga dahil sa sobrang tension na nararamadaman ko.
Saktong narinig ko ang pagbukas ng elevator at agad ko siyang tinulak sa abot ng aking makakaya. “H-Hindi ako ‘yun!” pagkasabi ko nun ay agad akong tumakbo palabas pero hindi pa ako nakakalayo ng may pumigil saakin na ikinatalsik ko sa matipunong dibdib ng lalaking ama ng aking anak.
“Akala mo ba hahayaan ko pang mawala ka sakin? Hindi na kita pakakawalan pa my love.”
ISABELLA TAHIMIK akong nakaupo sa shot gun seat habang mahipit na hawak ang aking kamay upang itago ang panginginig nito. Sapilitan akong isinakay sa kotse nitong Mafia na ama ng aking anak. Kung alam ko lang na siya ang lalaking hinalikan ko ay hindi ko na dapat iyon ginawa, sabagay mas ayaw ko ‘din naman mapunta ulit sa kamay ng master Shin na iyon. Hindi siya nagsasalita kaya maging ako ay hindi na nagsalita pa. Ilang minuto ang lumipas at huminto siya sa isang restaurant. Naalarma ako ng bigla siyang bumaba, iyon na sana ang pagkakataon ko upang tumakas pero sa sobrang bilis niya kumilos ay napigilan niya ang pinto na binuksan ko. “You can’t escape with me my love,” malamig niyang sabi. Ayan nanaman ang my love na ‘yan, sa tuwing naririnig ko ‘yan ay parang bumabalik ako sa nakaraan. Nakaraan kung saan may—never mind. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako palabas ng sasakyan. “B-Bitawan mo ako pwede ba?!” sabi ko sa kaniya at pilit na inaalis ang kamay sa kaniya.
“DITO nalang ako sa tabi,” Turo ko nang makita ang bahay na medyo malayo pa sa bahay nila tita Eda. Ayaw ko na ihatid niya ako mismo sa bahay ni tita Eda dahil ayoko na muling mag krus ang landas namin. “Are you sure?” tanong nito na ikinatango ko naman. Itinabi niya ang kotse sa tapat ng isang bahay at dali-dali na siyang bumaba. “Sigurado ka ba na jan ang bahay mo?” tanong nito saakin ng makababa ito ng sasakyan. Mukang balak niya ata akong pagbuksan ng pinto. “Yes,” tango kong sabi, kita ko ang hindi paniniwala nito sa sinabi ko pero tumango nalang siya. “What I said to you is all true. Ayokong mag lihim sa’yo, sana kahit pangalan mo lang malaman ko.” napatitig ako sa kaniya. Nakikita ko ang sinseridad sa kaniyang mata pero hindi pa ‘rin magbabago ang katotohanan na takot ako sa kaniya. “A-Ako si Isabella.” Hindi ko alam kung bakit ang totoong pangalan ko ang sinabi ko sa kaniya ngunit ng sumilay ang ngiti sa labi niya ay mukang alam ko na. Gusto kong makita ang mga ngiti na ‘yo
SADYANG maliit ang mundo. Sa isip ni Dexter, halos paliparin na ni Ryc ang sasakyan hanggang sa huminto sila sa isang bahay. “Hoy R! Wag mo sabihing basta-basta kang manggugulo!?” hindi siya pinakinggan ng kaibigan at derederetsyo itong lumabas at kumatok sa bahay na iyon. “R, nasisiraan ka na ba?!” tanong nito sa kaibigan ngunit maya-maya ay bumukas ang pinto at nakita nila ang dalawang may katandaan nang babae at lalaki. “Anong kailangan nila mga hijo?” nakangiting tanong ng lalaki na malaki ang katawan. “Magandang gabi ho, nandito kami para sana kausapin si Isabella. Nanjan po ba siya?” magalang na tanong ni Ryc. “Isabella ba kamo? Nako hijo wala kaming kilalang Isabella, baka nagkamali kayo ng pinuntahang bahay.” Napakunot ang noo ni Ryc dahil doon. “Impossible, nakita ko po siya ditong pumasok.” Seryosong sabi ni Ryc na ikinahawak ni Dexter sa braso ng kaibigan at umiling. Hinarap niya ang dalawang matanda na nagatataka. “Ang ibig niya pong sabihin ay si Ella, Isabella po kasi
“ANG saya ko po mommy!”Nakangiting sabi ni Issa habang kumakain ng Ice Cream. “Masaya ako na masaya ang anak ko.” nakangiti ‘ding sabi ni Isabella at pinunasan ang gilid ng labi nito dahil kumalat ang Ice cream doon. Isang araw na ang nakakaraan magmula ng makabalik siya sa Bagiuo. Ang daming tanong sa kaniya ng mga kasama nila lalo na ang mga bakla ngunit hindi niya ito masagot.Ang tanging sinabi niya ay wala siyang makitang trabaho. Nagpasiya siyang ipasyal ang anak dahil na ‘rin sa kagustuhan niya na ma-refreshed ang kaniyang utak. Nagpunta sila sa Burnham Park, malayo sa kanilang tinitirhan, maraming turista doon na mas nagpapagaan ng loob ni Isabella dahil alam niya na hindi siya nag-iisa.“Mommy ‘wag ka po sanang magagalit,” napatingin siya sa anak na nagtataka. “Sino po ba ang daddy ko?” natigilan siya dahil sa tanong ni Issa. “’Wag ka pong magalit mommy, kun
RYC HINDI makapaniwala akong nakatingin sa anak kong si Issa habang kumakain sa aking harapan. Nandito kami ngayon sa Jollibee kung saan niya napiling kumain ng ganitong oras at laking pasasalamat ko dahil walang gaanong tao. Kung hindi ay baka pagkaguluhan kami. Napatingin ako kay Dexter ng bigla niya akong sikuhin “Baka nakakalimutan mo si Ella,” doon ako natauhan. Kanina ko pa kasam asi Issa pero hindi ako nag-tatanong, may pumipigil ‘din kasi saakin dahil alam ko na na-trauma ang bata sa mga nakita niya. Ang kaso siya lang ang makakatulong para mahanap si Isabella. “A-Anak pwede bang mag tanong si daddy?” tumingin siya saakin habang kumakain ng spaghetti. “P-Pwede po daddy, sorry po gutom talaga ako.” Sabi niya nang malunok ang kinakaing spaghetti pero nginitian ko lang siya at umiling. “Ayos lang anak, anong nangyari sa mommy mo?” biglang nawala ang sigla sa muka ni Issa matapos ko iyong tanungin at parang iiyak na ito. “S-Sandali Issa, wag kang umiyak. Sorry natanong ni d
“HELLO, is this Motorific Company?” Agad na tanong ni Nicole sa telepono matapos niyang hanapin ang Ryc o R na sinasabi ni Isabella. Noong una ay nag-aalangan pa siya ngunit walang masama kung magtatanong kaya tinawagan niya agad ang numero na nasa advertising ng mga ito. “Yes ma’am. Mag papareserba ho ba kayo ng meeting? Are you aware po that it’s already midnight?” ramdam ni Nicole ang inis ng lalaking kausap sa kabilang linya at maging siya ay nahihiya ngunit kailangan niyang makasiguro. “I’m really sorry. This is so important, gusto ko lang alamin kung nanjan ba si Ryc o R?” biglang natahimik sa kabilang linya dahilan para makagat niya ang hinlalaking kuko niya. “What do you want for my boss ma’am?” magalang na tanong nito. “G-Gusto ko lang alamin kung nanjan ba si Issa, pinapahanap kasi siya saakin ng m-mama niyang si Ella—I mean Isabella.” Nakarinig siya ng kakaibang ingay sa telepono na mukang nag-uusap kaya napakunot ang kaniyang noo hanggang sa may magsalitang ibang lala
ISABELLA HINDI akong makapaniwalang nakatingin sa likod ni Kim habang hila-hila niya ako at tumatakbo sa kagubatan. Sunod-sunod pa 'rin ang putok ng baril kung kaya napapapitlag ako't napapatili. Hindi ako sanay sa tunog ng baril at tingin ko ay kailan 'man hindi ako masasanay at matatakot. Nararamdaman ko ang panginginig ng buo kong katawan. Kung hindi pa ako sapilitang hihilahin ni Kim ay hindi ako makakagalaw sa kinalalagyan ko. "Bakit ba ang dami niyo?! Sh*t!" narinig ko ang iritang sigaw ni Kim habang pinagbabaril ang mga lalaking pawang nakasoot ng mga formal business attaire at hinahabol kami. Napatingin ako sa paligid at nagkalat ang mga ito habang inaasinta kami ni Kim. Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang lalaki na nakatutok ang baril kay Kim kung kaya buong lakas akong huminto at hinila siya upang hindi tamaan. "What the—muntik na ako doon!" mukang nakita niya ang pagdaan ng bala sa kaniyang harapan at lumingon saakin. Wala siyang sinabing salita basta tinignan ni
NAGISING si Isabella nang maramdaman niya ang mga titig sa kaniya. Sumalubong sa kaniya ang puting kisame kasabay ng paglinaw ng tunog ng makina na tingin niya ay nasa kaniyang gilid. Napalingon siya doon at hindi nga siya nagkamali, isa itong makina na nag momonitor sa kaniyang tibok ng puso. "Your awake," Napalingon siya sa nagsalita at nakita niya ang isang lalaki na seryosong nakatingin sa kaniya, kulay brown ang buhok nito, matangos ang ilong at may pagkamaputi. Kilala niya ang lalaki, 'yon ang lalaking kasama ni Kim kanina. "N-Nasaan ako?" babangon sana siya mula sa pagkakahiga ngunit pinigilan siya nito agad. "'Wag ka munang kumilos, baka bumuka ang tahi mo." napahinto naman siya sa sinabi nito at naalala ang tama ng bala sa kaniyang tagiliran. "Ligtas ka na, tanggal na 'rin ang bala sa tagiliran mo." sa pangalawang pagkakataon ay ngumiti ito sa kaniya katulad ng unang kita niya dito. Hindi siya nakaramdam ng kahit na anong takot sa lalaki dahil sa ngiting iyon pero hind
ISANG buwan ang lumipas at nasa simenteryo sila ngayon upang bisitahin ang puntod ni Grace at ng anak nito na si Mark sa pangunguna ni Yvonne. Hindi niya pa ‘rin maitatanggi na ina niya si Grace kung kaya dinalaw nila ito. “Mommy, kung ano man ang ginawa niyo saamin ay sana maisip mo na mali ang lahat ng iyon. Hindi ko masasabi kung mapapatawad ka namin pero sigurado naman kami na si God na ang bahala doon. Time will heal our wounds mommy.” Hinagod ni Richard ang balikat ng asawa dahil naiiyak nanaman ito. Kasama nila ngayon sina Ryc at Isabella, Dexter at Nicole, Leandro at Glaiza, si Parker at ang magulang ni Isabella na hawak si Issa. Maayos na nag lagay ni Vienna ngayon hindi katulad noong isang buwan na halos hindi siya makatayo dahil sa pag-opera sa kaniya. Isang buwan na ‘din nag lumipas magmula ng matapos ang gulo sa pagitan nila ng lola ni Ryc ay bumalik na sa ayos ang lahat. Napatunayan na si Grace at Mark ang may kagagawan ng illegal business ni Parker na matagal na ni
Natahimik ang buong paligid dahil sa eksenang nasa harapan. “M-Mama! Mark! Ano ito?!” kunwaring natatakot na tanong ni Isabella habang hawak ang balikan ng lalaki. Napuno na ‘din ng bulungan ang paligid dahil sa pag-aresto ng mga ito. “Sumama nalang kayo para wala ng gulo.” Hinawakan na sila ng mga pulis sa kanilang braso ngunit nagpumiglas si Mark. “H-Hindi! Hindi niyo kami pwedeng kunin!” “’Wag na po kayong lumaban para walang gulo.” Kalmadong sabi ng mga pulis. “Mommy ngayon na!” ngunit nagulat sila ng kalabanin sila ng mag-ina at sinuntok sa muka ang dalawang pulis. Agad na naglabas ng baril ang mga pulis na ikinatili ng mga tao sa paligid habang si Mark at Grace ay mabilis na kinuha si Isabella at May. “Kyahh!” tili ng mga tao sa paligid at nagsimula ng tumakbo palabas. “Subukan niyong sumunod papatayin namin ang dalawang babaeng ‘to!” mayroon ng baril na nakatutok sa ulo ni Isabella at May kung kaya walang nagawa ang mga pulis kundi ang hayaan ang mga ito. “Isabella!” sig
NGAYON ang araw kung kailan ipakikilala ako ni Mark bilang asawa niya. Nasa loob kami ngayon ni ate May at inaayusan ng kung sino. Parang bumalik tuloy saakin ang araw na ibebenta kami ni ate May lalo na at pula ang suot ko habang si ate May ay naka-itim na dress kung saan kitang-kita ang malaki niyang tiyan. Panaka-nakang tingin ang binibigay namin sa isa’t-isa dahil alam namin na iyon na ang araw para kumawala kay Mark. Maayos ang plano namin ni ate May at sana lang ay gumana iyon mamaya. Maayos na nakapune ang buhok ko na pa-bun habang si ate May naman ay nakalugay ang mahaba nitong buhok na kinulot. Bagay na bagay sa kaniya, feeling ko tuloy babae ang baby ni ate May dahil sa pagkablooming niya. Ganoon kasi ang sabi nila, kapag blooming ang nagbubuntis ay babae ‘daw. Ako naman ay wala pa atang dalawang buwan ang tiyan ko, hindi ko ‘din alam dahil wala pa akong check-up. “Wow! Ang gaganda niyo namang dalawa!” napalingon kami sa nagdalita at pumasok si Grace, ang lola ni Ryc. No
ISABELLA “ATE May wala na si Mark. Pwede na tayong tumakas!” Yugyog na tawag ko kay ate May nang makapasok ako sa kwarto nila ni Mark. Ilang araw na ang nakaraan magmula nang magpanggap kami na gumana ang tinurok saamin ni Mark. Ang totoo kasi niyan ay simpleg tubig lamang ang inilagay ni ate May sa syringe na mabuti nalang dahil maging siya ay tinurukan ni Mark. Nalaman ko na aware siya sa gagawin ni Mark at wala siyang magagawa kundi sundin ang lalaki dahil mahal niya ito. Marami na siyang na kwento saakin, kung anong nangyari sa kaniya matapos naming mapag benta hanggang sa mapunta siya sa puder ni Mark at sa batang nasa sinapupunan niya. Sa kaniya talaga ako nag-aalala dahil mukang mababa ang kaniyang tiyan ibig sabihin maaaring may mangyaring masama sa anak niya. Hindi ko siya masisisi, sobrang dami niyang stress kay Mark. Samahan mo pa na nagdadala ng babae si Mark, kanina nga lang ay nakita ko siya na may ka-make out sa sala. Doon ko ‘din narinig ang pakikipag-usap nito
“KANINA pa kita hinihintay Mark, nasaan ka na ba?” Naiiritang sabi ni Grace sa telepono habang kausap ang kaniyang anak. Matapos niyang mahuli si Parker ay itinali niya ang kamay nito sa habang nasa-upuan at agad na sinabihan ang anak na sunduin sila doon upang magtago. Alam niya kasi na hahanapin ito ng apo niya si Ryc kaya kailangan niyang gamitin ito laban sa kanila. “Mommy, wait, okay? May inaasikaso pa ako dito.” “Ano bang inaasikaso mo?! Babae?! Punatahan mo na ako dito ngayon ‘din!” pagkasabi niya niyon ay ibinaba na niya ang tawag at inis na nilingon si Parker na nakapikit habang nakasandal sa kinauupuan nito. “Bakit kalamado ka lang?! Anong pinaplano mo?!” Napadilit ang lalaki dahil sa sigaw ng kaniyang asawa. Nang makita niya ang muka ni Grace ay hindi niya akalain na ang babaeng lagi niyang kasama ay magagawa iyon sa kaniya. Bumabalik sa kaniyang isipan na parang isinugal niya ang sariling mahal na si Tiffany para lang makasama niya ang isang sinungaling na si Grace.
“AALIS ka sweetheart?” Napalingon si Grace kay Parker ng pumasok ito sa kailang kwarto. Ngumiti siya dito at inayos ang kaniyang bag. “Oo, sweetheart. Alam mo namang matagal ko ng hindi makikita ang mga amiga ko. Nang malaman nilang nandito ako nag arrange agad sila ng schedule ngayon. Nakakahiya naman kung tatangihan ko eh.” Ngumiti si Parker at lumapit sa asawa pagkatapos ay hinalikana ng ulo nito. “Sige, basta mag-iingat ka, okay? Ilang oras ka ba doon? Iintayin kita,” napatingin si Grace sa kaniyang orasan at nagsalita. “Siguro after five hours, alam mo naman ‘yung matatandang ‘yun.” “Nagsalita ang hindi matanda,” natawa sila pareho dahil sa kanilang kakulitan at nagpaalam na si Grace. Naiwan mag-isa si Parker na napapangiwi dahil sa kaniyang pagpapanggap na ginagawa. Binuhay niya ang kaniyang laptop at nag send ng email kay Issa. “Pupunta na ako after an hour…” ***NAGHIHINTAY si Parker sa isang restaurant sa loob ng mall na kanilang napa-usapan. Ang buong akala niya ay s
“KAILANGAN mo lang pala ng pahinga sweetheart, bakit ka ba na-stress? Anong iniisip mo huh?” Hindi nakasagot si Parker sa sinabi ni Grace. Hindi naman niya magawang sabihin dito ang totoo dahil hindi pa siya handa na kumprontahin ito sa kaniyang mga nalaman. Gusto pa niya ng patunay, gusto pa niyang malaman ang totoo. “Tungkol ba ito sa pagbitaw natin sa negosyo?” napahinto si Parker sa sinabi ni Grace. “Sweetheart naman… sige ganito nalang. Papayag ako sa gusto mo basta mayroon tayong pagmamanahan ng negsyo? Hindi ako papayag na mabaliwala lahat ng efforts natin!” napalingon siya sa asawa dahil doon. ‘Ganito mo ba kagusto ang pera ko Grace?’ mapait na tanong niya sa kaniyang isipan. Ngumiti siya sa asawa at tumango. “Okay sige, papayag na ako. Gusto ko na talagang malagay sa tahimik at bumalik sa Pilipinas.” Nanalaki ang mata ni Grace sa huling sinabi ni Parker at hindi makapaniwalang nakatingin dito. “W-What?” “Bakit? May problema ba sweetheart? Gusto ko na talagang umuwi lal
“YOU did what?!” Mahina ngunit may gulat na bulalas ni Grace matapos marinig ang sinabi ng kaniyang anak na si Mark sa telepono. Tinawagan nalang siya nito bigla at alam niya na iyon na ang signal upang sabihin sa kaniya na nagawa na nito ang kaniyang pinapagawa. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang ginawa nitong pagturok ng kanilang experiment sa dalawang babaeng kasama nito sa bahay. “Nasisiraan ka na ba ng ulo Mark?! May is pregnant with your child! Paano kung maapektuhan ang bata sa tyan nito?! Serious types of chemicals ang nakalagay doon!” napapasabunot na sabi ng ginang sa telepono at alalang-alala.Kilala niya si May. Nakilala niya ito dalawang taon na ang nakakaraan at ito na ang naging kasama ng anak niya si Mark simula niyon at hindi na ito iniwan, noong una ay akala niyang isang simpleng s*x slave lang ng anak ang babae ngunit nang makita niya ang kakaibang kilos nito gawi sa babae ay nalaman niyang hindi. Ngunit dahil na ‘rin pareho silang may sakit sa pag-iisip ay hin
“Tama si Ryc, ‘wag kayong mag-alala. Maayos na ang lagay ng asawa ko, akala ko ‘rin ay iiwan na niya ako ngunit hindi. Lumaban siya para saamin ni Isabella,” Napangiti sila sa sinabi nI Kenneth. “Speaking off, mayroon kaming magandang balita sa inyo.” Natigilan sila sa sinabi ni Eda. Napatingin ito sa kaniyang asawa na tila nagtatanong kung dapat ba niyang sabihin ngunit nakangiti lang ‘din itong tumango. “Ano po iyon tita?” “Buntis si Isabella Ryc! Magiging daddy ka na ulit!” nagulat sila sa isinawalat ni Eda habang si Leandro at Dexter ay napasuntok sa balikat ni Ryc dahil sa narinig. “Kailangan na talaga nating mahanap ang anak ko…” wala sa sariling sabi ni Kenneth na maging siya ay nabigla sa balitang iyon. “Y-Yeah, kailangan ako ni Isabella.” Ani Ryc. ***“GISING ka na pala Isabella,” Nabaling ang paningin ni Isabella sa nagsalita at doon lang bumalik s akaniya ang buong pangyayari bago pa siya tuluyang mawalan ng malay. Agad siyang napaupo sa kaniyang hinihigaan at napaya