Share

HOT NIGHT 3

last update Huling Na-update: 2022-08-11 19:15:21

ISABELLA 

NAPADILAT ako ng biglaan ng maalala ko kung ano ang nangyari saakin. Kitang-kita ko ang nakakasilaw na liwanag ng truck at ang malakas na busina nito na tatama saakin. Napapikit ako dahil doon at agad na naupo mula sa aking pagkakahiga habang hawak ang aking ulo. “Miss, anong nararamdaman mo? Hindi ka pa dapat bumabangon.” Narinig ko ang babaeng boses na mukang ako ang kinakausap kaya napatingin ako sa kaniya. 

“Kamusta ang pakiramdam mo?” tinignan ko ang itsura ng babaeng ito at nakasoot siya ng pang nurse na uniform. Doon ko lang nailibot ang aking mata sa paligid at narealize ko na nasa isang kwarto ako ng ospital. “N-Nasaan ako?” baling kong tanong sa kaniya na ikinangiti nito. “Nandito ka sa St. Jude Hospital, isinugod ka dito three days ago dahil nabangga ka ng truck. Wag kang mag-alala dahil sinagot nila ang bayad mo sa ospital bills.” 

Totoo nga na nabunggo ako. Pero Ano ang sabi niya? “Three days ago?!” gulat na tanong ko na ikinatango niya. “Oo, tatlong araw ka ng tulog and based sa information na nakuha namin sa bag mo ikaw si Isabella?” wala sa sarili akong napatango dahil sa sinabi niya. Tatlong araw? Tatlong araw akong tulog na malamang ay hinahanap na ako ni Nicole dahil sabi ko ay puntahan niya ako. 

Iniwan ako ng nurse matapos kong sabihin na ayos na ako. Sabi niya saakin ay magaling na ako, kailangan ko nalang daw ng kaunting lakas para makalabas na at dahil hindi pa nga ako makakilos ay hinayaan ko muna ang sarili kong mahiga lalo na at madaling araw pa lang pala. 

Iniwan niya din sa kwarto ang aking bag, gusto ko na itong tignan at kunin pero hindi ko pa kaya. Nakatulugan ko ang pag-iisip kung ano na ang susunod na gagawin ko kapag lumakas na ako at pag gising ko ay papasikat na ang araw. Pag tingin ko sa orasan ay alasais na. Sinubukan kong gumalaw at natuwa ako ng nagagawa ko na. 

Tumayo ako mula sa higaan ko at kinuha ang bag na nakapatong sa lamesa. Pagtingin ko doon ay kumpleto pa ito pwera sa cellphone ko. Sandali, paano nga ba ako natunton ng mga Mafia na ‘yun? Paano nila nalaman na nasa bulakang Mayon ako? Teka, Cellphone? 

Biglang pumasok sa ala-ala ko sa mga palabas na na-tatrack ang location dahil sa bukas na cellphone. Nagsitayuan ang aking balahibo dahil doon, hindi ko akalain na totoo ang tracking moments sa palabas. Kinausap ko lang sandali si Nicole nalaman nila agad kung nasaan ako, mabuti nalang at wala na ang cellphone ko. 

“Good morning! Mabuti at nakakakilos ka na.” napatingin ako sa nagsalita at nakita ko ang nurse na mayroong dalang pagkain. Pinakain niya ako at nagtanong sa kaniya kung pwede na ba akong lumabas na sinagayunan niya. Malakas na daw ako at wala ng problema kaya natuwa ako dahil doon. Kailangan ko magpakalayo-layo. Kailangan ko ng bagong identitad dahil siguradong hahanapin ako ng mga Mafia. 

Pagkalabas ko ng ospital ay isinanggla ko ang ibang alahas na mayroon ako at nakita ko din ang kwintas ko sa loob ng bag na mukang inalis nila ng maaksidente ako. Isinoot ko na siya ngayon at ito nalang ang natitirang alahas na dala ko mula sa bahay. Gamit ang naipon ko at ibinentang alahas ay nagawa kong makapag byahe papunta sa Bagiuo kung saan tahimik at walang ibang nakakakilala saakin. 

“Anong gusto mong gawin sa buhok mo ma’am?” nakangiting tanong saakin ng bakla. Nasa loob ako ng isang parlor kung saan napag pasiyahan ko na magpagupit upang mabago ang aking hairstyle at di nila ako makilala. “Gusto ko sana palagyan ng bangs ang buhok ko, magpapakulay na din ako ng ash grey.” Ngiti kong sabi sa kaniya at sinunod naman niya ito. 

Ilang oras ang ginugol ko sa loob ng parlor hanggang sa natapos iyon. “Wow! Tama ako bagay na bagay sa’yo ang kulay ma’am Ella lalo na at maputi ka!” napangiti ako lalo dahil sa papuri ng mga bakla doon. Nakausap ko na din sila at napagpalagayan ko ng loob. Ella lang ang pakilala ko sa kanila para kung sakali ‘man na may magtanong na Isabella ay hindi nila masasabi na ako. 

“Thank you sa inyo, lalo na sa suggest niyo na paupahan.” Sila ang nagturo saakin ng matitirhan ko. Tama lang ang laki ng bahay na isang bungalow lalo na at mag-isa lang ako. Nalaman ko sa land lady na kakilala niya pala ang mga bakla kaya dito nila ako nirekumenda at hindi naman daw ako nagkamali ng napiling uupahan. 

Tatlong araw ang lumipas ng makalipat na ako dito sa aking nilalapatan at sa tatlong araw na iyon ay ginugol ko lang sa pag-aayos ng bahay. Ako kasi ‘yung tipo ng tao na gutso palaging nakaayos ang nasa paligid. Nilagyan ko na din ng mga design ang loob at muka na itong maaliwalas ngayon. Bumili ‘din ako ng sofa para mayroon akong mailagay sa sala. 

Hindi na ako bumili ng TV dahil hindi ko na ito kailangan. Cellphone nalang ang binili ko at laptop, yung mumurahin lamang. Kahit pa na medyo malaki ang pera ko na umabot din sa hundred thousand ay hindi ko pinili na maghanap ng malaking bahay. 

Nandito ako ngayon sa sofa at nag-iisip kung tatawagan ko ba si Nicole. Ilang araw na ang nakakaraan magmula ng lumayo ako lalo na at ilang araw ‘din ako sa ospital. Gustong-gusto ko siyang tawagan at sabihin na ayos lang ako, pero hindi ko magawa dahil pinipigilan ko ang sarili ko. Ayoko kasing madamay siya sa gulo na nagawa ko lalo na at nalaman ko na sobrang delekado ng mga humahabol saakin. 

Si Nicole nalang ang natatanging kakampi ko kaya ayokong mapahamak siya ng dahil saakin. Sa huli ay nag pasya ako na wag nalang siyang tawagan at maghanap ng trabaho. Nagtanong ako sa land lady kung mayroon siyang alam na trabaho na maari kong mapasok. Mabait ang land lady namin, nasa limangpung taong gulang na daw siya at lahat ng anak niya ay nasa manila na nagtatrabaho. 

Wala na ang asawa niya dahil pumanaw daw ito tatlong taon na ang nakakaraan kaya nga minsan ay sabay kami kung kumakain. Ako na mismo ang nagpupunta sa bahay niya para ayain na kumain lalo na at alam ko na mag-isa lang siya sa bahay niya. Dinadalaw naman daw siya ng mga anak niya ngunit kapag may okasyon lang. 

Naituro niya saakin ang isang kainan sa may highway dahil naghahanap daw sila ng all around lady. Agad ko naman iyong pinuntahan dahil kayang-kaya ko naman ang mga gawaing bahay. Walang problema saakin ang maliit na trabaho basta may masahod lang ako at maipangtustos sa araw-araw. 

Nakilala ko si nanay marites na may-ari ng kainan na iyon. Sinabi niya saakin ang mga gagawin ko, taga hugas ng plato, mag seserve ng pagkain at taga linis ng paligid. Noong una ay duda pa ito saakin kung sure daw ba na ito ang tabaho ang gusto ko gayong ang puti-puti ko daw at ganda. Natawa nalang ako dahil doon at sinabing sigurado ako. 

Hindi ko naman sila masisisi dahil kakaiba talaga ang balat ko, si Kim nga ay Morena habang ako ay maputi. Sabagay si mama kasi ay maputi habang si papa ay moreno kaya marahil sa kanila namin nakuha ang kulay ng balat. Noong araw din na ‘yun ako nagsimula at masasabi ko na masaya ang tabaho na aking nakuha dahil marami akong turista na nakakasalamuha lalo na at tuwang-tuwa saakin. 

Nag-aalok sila na mag pa-picture saakin ngunit iyon talaga ang tinaggihan ko dahil maaaring malaman ng mga Mafia kung nasaan ako. Kahit pa na nag-iba na ang itsura ko ay hindi pa ‘rin ako sigurado kung hindi nila ako nakilala. Natapos ang unang araw ko pasado alas dies na ng gabi, mayroon na kasing pang gabi na papalit saakin at ako ay pangumaga. 

Dapat hanggang alasingko lang ako, pero sabi ko ay ayos lang lalo na at maraming tao sa kainan kaya tinulungan ko na si maria, ang kapalitan ko sa trabaho. Pagkarating ko sa bahay ay naglinis na ako ng katawan pagkatapos ay nahiga na upang matulog. Masyado akong pagod at kailangan ko pang gumising ng maaga. 

ISANG buwan ang lumipas at masasabi ko na mas naging maayos ang buhay ko dito sa Bagiuo. Marami na akong kakilala lalo na sa kainan dahil hindi nalang puro turista ang nakain doon pati na ang taga bayan namin karamihan ay mga lalaki. Ang sabi pa nga saakin ni nanay marites ay ang swerte niya daw at nakuha niya ako dahil lumakas ang kanilang karinderya. 

Masarap ang luto ni nanay marites kaya sinabi ko na dahil iyon sa lutuin niya. Totoo naman, kailangan lang talaga sa negosyo ng isang modelo para mas maging malakas ito. After all I’m studying business kaya may alam ako kahit papaano. Kung hindi lang ako nahinto ay malamang na nasa third year na ako. 

Pareho kami ni Nicole ng kurso at alam ko ‘rin na simula na muli ng klase kaya minsan nalulungkot ako na hindi ko na siya kasama. Alam ko na malungkit din ito dahil wala na ako sa tabi niya araw-araw sa eskwela. Isang tanghali habang nagpupunas ako ng lamesa ay nakita ko ang isang kotse na biglang huminto sa isang tabi. 

Sa itsura palang nito ay halata mo ng mamahalin lalo na at Porsche ang kotse na iyon. Bumaba ang isang lalaki na matangkad at nakasoot ng business suit habang napapakamot sa ulo. Mukang nasiraan siya ng sasakyan, yung ang ganda ng kotse mo pero sirain naman. Napailing ako at napatawa ng lihim dahil sa naisip ko at naglakad palapit dito. 

“Hello, sir.” Napatingin saakin ang lalaki. “Mukang nasiraan ka ata?” nakangiti kong sabi sa kaniya na ikina ngiti nito ng pilit. “Yes miss, may alam ka ba dito na pagawaan ng sasakyan?” tanong niya saakin sa gitna ng sikat ng araw. “Nako malayo ho dito ‘yun eh. Siguradong ma-lelate ka sa pupuntahan mo kung doon ka magpapagawa.” 

Narinig ko ang mahinang mura nito. “Patay ako nito kay, R eh.” Napakunot ang noo ko dahil doon. “Gusto mo bang ayusin ko?” gulat na napatingin ito saakin. “Marunong ka?” ngumiti ako sa kaniya at tumango. “Negosyo ng magulang ko ang pagkukumpuni ng sasakyan kaya may alam ako ng kaunti.” Totoo iyon, marami nang naitayong pagawaan ng sasakyan sila mama at papa, mga talyer. 

Kaya sobrang busy nila dahil kailangan nilang masiguradong maayos ang mga talyer na iyon. Hindi ko lang alam ngayon kung si Kim ang nag-aasikaso. Kung hindi ‘man ay malamang na ang lawyer nila mama at papa. “That’s great! Thank you talaga miss, hindi kasi saakin to. Sa boss ko, mapapatay ako kapag nalaman niyang nasira ko ang Porsche niya.” 

Natawa ako sa sinabi niya, kaya naman pala ganoon nalang ang reaction nito. “Pumasok ka na muna sa kainan namin halika. Tatanungin ko na din sila nanay kung may gamit sila.” Tumango siya saakin at naglakad kami papasok sa loob. “Dito ka ba nagtatrabaho o sa inyo ito?” napalingon ako sa kaniya dahil doon. “Dito ako nag tatrabaho, wala kaming ari-arian ano ka ba. At isa pa mag-isa lang ako dito sa Bagiuo.” 

Pinaupo ko siya sa isang silya doon. “Ikukuha kita ng maiinom okay? Dito ka muna.” Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at kinuhaan siya ng pagkain at softdrinks. Halata naman kasi na hindi pa siya nakain lalo na at pasado alauna na. “Heto, kumain ka muna. H’wag mo ng bayaran kasi sagot na kita okay?” 

“Huh? No, I can pay for it naman.” Umiling ako sa kaniya. “Magagalit ako sa’yo sige ka. Treat ko na ‘rin ‘to sa’yo dahil halata naman na hindi ka taga ‘rito at dahil lang sa negosyo kaya na pumunta sa Bagiuo.” Napanganga siya dahil sa sinabi ko. Nagpaalam na ako sa kaniya bago pa siya magtanong saakin. Nagpunta ako kay nanay marites at mabuti at mayroong gamit ang asawa niya at sapat na iyon para gamitin ko. 

Sabi pa nga ng asawa nito na siya nalang daw ang gagawa pero tumanggi ako. Naabutan ko na nakain yung lalaki kaya dumeretso na ako sa kotse at binuksa iyon. Agad ko naman iyong inayos at nang malapit na akong matapos ay mayroong nag payong saakin. “Sigurado ka ba na sa karinderya ka nagtatrabaho?” napalingon ako sa nagsalita at nakita ko yung lalaki. 

“Oo naman,” sagot ko at inayos na ang huling parte. “Ayan ayos na!” nakangiti kong sabi at pinunasan ang kamay ko ng basahan ngunit hindi maalis, magsasabon nalang ako mamaya. “Pero bakit ang puti mo at ang ganda mo? Don’t get me wrong pero iba ka sa mga nakita kong tao sa karinderya.” Napailing ako dahil sa tanong niya na iyon at hinarap ito. 

Hinawi ko pababa ang payong na hawak niya para payungan ako. “Hindi ba pwedeng magtabaho ang katulad kong maganda at kakaiba sa isang karinderya.” Natatawa kong sabi. “Wag mo nga akong patawanin, kahit mahirap o mayaman may Karapatan tayong trabahuhin kung ano ang gusto natin. At isa pa wala sa itsura ‘yan.” Tumalikod ako sa kaniya upang ibaba ang hood ng kotse. 

“Ayan ayos na ang sasakyan ng boss mo.” Nagulat ako pag harap ko sa kaniya ay mayroon siyang iniabot na calling card at mayroon pang address ng kumpanya. “Tanggapin mo, kapag naisip mo na kailangan mo ng mas magandang trabaho ay sana pumunta ka sa Manila at hanapin ang kumpanya namin. Sigurado akong magiging Ace ka ng team dahil sa galing mo sa mga kotse.” Napatingin ako sa card at nabasa ko doon ang pangalan ng kumpanya. 

Motorific Company. Kaya naman pala nagkainterest siya na kunin ako dahil sasakyan ang business nila. “Ako nga pala si Dexter, nakalagay jan sa Card ang name ko at may-ari ng kumpanya. Sana makita kita sa mga susunod na buwan o araw.” Ngumiti nalang ako sa kaniya at tumango. Nagpakilala na ‘din ako sa kaniya bilang Ella at umalis na ito dahil malelate na daw siya sa meeting. 

Pumasok na ‘rin ako sa loob at naghugas ng kamay. Isinauli ko na din ang ginamit ko kay nanay marites at napatingin sa card na ibinigay ni Dexter. Napailing ako dahil doon, hindi ko naman kakailanganin iyon pero itinago ko pa rin siya. 

ISANG linggo ang lumipas at maayos pa ‘rin ang lahat ang kaso ako ay hindi, naging mahihiluhin na ako at palaging pagod tapos tuwing umaga ay nasusuka ako. Napansin ni nanay marites ang pagiging masakitin ko kaya pinagpahinga niya muna ako ng isang araw. Ang akala kong gagaling na ako matapos iyon ay hindi pala dahil katatapos ko lang mag serve ng pagkain ng patakbong pumunta sa lababo. 

Hindi ko alam kung bakit nagiging ganito ako, siguro kailangan ko ng mag pa-check up at baka may kung anong nangyari saakin matapos kong maaksidente. “Ella isang linggo na iyang ganiyan mo. Mag pa-check up ka na kaya?” napaharap ako kay Maria dahil doon. Gabi na din kasi kaya andito na siya para palitan ako at tulad dati gusto kong 10 na umuwi. 

“Siguro nga Maria, bukas pupunta ako sa clinic.” Napatango naman ito saakin at uminom ako ng tubig. “Hindi kaya buntis ka Ella?” agad kong naibuga ang tubig na iniinom ko dahil sa narinig kong sinabi niya. “Ano ba ‘yang sinasabi mo, Maria?!” nagkibit balikat ito saakin. “Ella, alam kong parang gusto mo palaging matulog, madali kang mapagod at palagi kang gutom tapos nagsusuka ka pa. ‘Yan ang sintomas ng pagiging buntis.” 

Natigilan ako dahil sa sinabi niya at naisip ko na hindi pa ako dinadatnan. Hindi kaya nagbunga ang nangyari saamin nung lalaking ‘yun? Napasabunot ako sa aking buhok dahil doon. “Ella, kahit ano pa ‘yan ay tutulungan ka namin okay?” ngumiti nalang ako ng pilit kay Maria. Maaga akong nagpaalam ng gabing iyon at dumeretsyo sa isang malapit na pharmacy. 

Pag-uwi ko sa bahay ay ginamit ko agad ang tatlong pregnancy test para masiguro ko kung tama ba, baka false alarm lang at may iba akong sakit. Pero ang nakita kong dalawang linya sa lahat ng pregnancy test ay nanghina ako. Buntis ako, buntis ako sa lalaking hindi ko kilala. Napahiga ako sa higaan at nagsimulang umiyak. 

Paano ko palalakihin ang bata? Anong sasabihin ko sa kaniya kapag hinanap niya ang daddy niya? Sasabihin ko ba na hindi ko kilala ang daddy niya dahil one-night-stand ang nangyari? Tulungan niyo po ako Lord. 

ISANG linggo pa ang lumipas at alam na nilang lahat na buntis ako. Ang mga kalalakihan na nagpupunta palagi sa kainan ay kinukulit ako kung sino ang ama pero sinasabi ko lang sa kanila na nasa Minila. Maging sila nanay marites, maria, ang land lady at ang mga bakla sa parlor ay intrigang intriga kung sino ang ama ng dinadala ko. 

Hindi ko sila masagot dahil maging ako ay hindi ko kilala ang ama ng anak ko! Madalas akong umiiyak sa gabi, kung minsan nga ay naaabutan ako ng land landy namin na umiiyak. Sabi nya ay part daw iyon ng pagbubuntis, ang maging emotional. Nagawa ko naman na kayanin ang ilang araw pero isang araw ay napagdesisyunan ko na hanapin ang card na ibinigay saakin ni Dexter. 

Hindi na kasi sumasapat para saakin ang kinikita ko lalo na at dalawa kami. Nakapag pa-check up na din ako at mag dadalawang buwan na daw akong buntis. Inaalala ko kung anong ipapadede ko sa anak ko, anong ipambibili ko ng kailangan niya? Wala akong pera, hindi kakasiya ang ipon ko. Hindi biro ang magpalaki mag-isa ng bata kaya bilib ako sa mga single-mom na nakakaya ang pang araw-araw na gastusin. 

“Nanay aalis po ako.” Gulat na napatingin sila saakin isang gabi ng napagpasiyahan ko na magpaalam. Bukas na ako aalis papunta sa Manila, nakausap ko na ‘rin ang land lady. Binayaran ko sa kaniya ang ilang buwang upa, sabi ko babalik ako. Kailangan ko lang mag-ipon kahit papaano para sa baby ko. Kahit naman hindi ko kilala ang ama ng dinadala ko ay wala siyang kasalanan at hindi dapat sisihin. 

“Saan ka pupunta Ella? Nasa dalawng buwan palang ang bata paano kung makunan ka?” naisip ko na din ang tanong ni nanay na iyon pero buo na ang loob ko. Sinabi ko sa kanila an pupunta ako sa Maynila para punatahan ang ama ng anak ko at magtrabaho sandali. Tutol sila sa gusto ko pero wala na ‘din silang magagawa dahil buo na ang desisyon ko. 

Binigay saakin ni nanay ang sahod ko at dinagdagan niya daw iyon kaya laking pasasalamat ko sa kaniya. Binigyan din ako ng pera ni Maria para daw sa baby. Pinagpasalamatan ko silang lahat dahil doon, alam nila na wala na akong magulang kaya naaawa sila saakin. Ang sabi ko wag nila akong kaawaan dahil hanggat buhay pa ako ay maaari pa akong magsumikap. 

Maaga akong bumyahe papunta sa manila dahil masyadong malayo iyon para lang abutin ng dalawang oras. Alaskwatro palang ay umalis na ang sinasakyan ko. Natulog muna ako dahil deretsyo na ito sa Manila mismo. Kahit na di ko kabisado ang manila ay kailangan kong kabisaduhin para sa kinabukasan ng anak ko. 

Pasado alasnuwebe na kami nakarating sa manila. Ang dala ko lang ay isang bag na mayroong kaunting damit at ang ipon kong pera. Kakasiya pa siya pambili ng mga bagong damit kaya ayos lang na kaunti lang ang dala kong damit. Kung tungkol sa gamit sa loob ng bahay ay nagpasiya ako na hindi na bumili dahil mayroon na ako sa Bagiuo. 

Una kong hinanap ay matitirhan. Nakakuha ako ng uupahan, bed spacer. Mabait naman ang may-ari ng bahay lalo na at babae lang din siyang nakatira doon. Ang sabi niya ay nasa Davao daw ang asawa niya dahil sundalo ito at doon nagtatrabaho. Mayroon siyang anak dalawang babae din, isang teenager na may edad sixteen habang ang isa ay siyam na taong gulang. 

Maganda pareho ang magkapatid dahil maganda din ang ina nila at matalino ‘din. Hindi ako nahirapan na pakisamahan sila kaya naisip ko agad na pumunta sa kumpanya nila Dexter. It happens na alam ni Pauline ang kumpanya na nasa card dahil malapit daw iyon sa eskwelahan niya kaya tuwang-tuwa ako. Sinamahan ako ni Pauline papunta doon at nagpaalam din agad dahil may lakad pa daw siya. 

Nasa tapat na ako ngayon ng isang malaking kumpanya. Akala ko ay simpleng kumpanya lang pero sobrang laki niya. Siguro ay mayroon itong fifty floor, talagang malaki siya. Sabagay Porsche nga ang kotse ng amo ni Dexter kaya malamang na mayaman ito. Dumeretsyo ako sa front desk at sinabing kung hiring ba sila at kung sinuswerte nga naman ako ay hiring daw sila at on-going ang interview. 

Mabuti nalang at dala ko ang mga requirements sa pag-aaply at ang soot ko na ngayon ay isang formal na damit dahil nga ine-expect ko talaga na mag-aaply na ako. Ang hindi ko lang sure ay kung tatanggapin nila ako dahil third year college palang ako, siguradong graduate ang qualifications nila dahil sa laki ba naman ng kumpanya na ito. 

Naupo ako sa pinakang dulo upang maghintay. Isang oras ang lumipas at nasa lima nalang kami ng mapatayo kaming lahat dahil umiiyak na lumabas ang isang nag-aaply. Nagkatinginan kaming lima at napalunok, kinabahan ako bigla dahil doon. Paano kung hindi ako matanggap? Paano kung umiiyak din akong lumabas lalo na at buntis pa naman ako. 

Nang ako na ang susunod ay lumabas ang kasunuran kong abbae na malungkot ang muka. “Good luck sa’yo girl.” Napahinga ako ng malalim dahil doon at papasok na sana sa loob ng bigla may pumigil saakin. “Ella?” napalingon ako sa tumawag saakin at parang nagningnig ang aking mga mata ng makita si Dexter soot ang isang white polo at slacks. 

“Dexter!” ngumiti siya saakin. “Mag-aapply ka?” tumango ako sa kaniya. “Hindi ko alam kung anong meron sa salita mo pero naging tama ka, kailangan ko ng pera kaya mag-aaply ako dito.” Alanganin kong sabi sa kaniya. “That’s good! Tanggap ka na agad, halika.” Pumasok kami sa loob at nakita namin ang limang lalaki na nakabusiness suit. 

“Ito nga pala si Ella, tanggap na siya sa trabaho dahil nakita ko na ang kakayanan niya noon. Ipapasok ko siya sa marketing team paki note nalang.” Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Dexter lalo na ng sumangayon ang mga lalaki doon. Sobrang laki ng pasasalamat ko kay Dexter, lalo na at ti-nour pa niya ako sa kumpanya at pinakilala sa mga makakasama ko sa trabaho. 

Umuwi ako sa inuupahan ko na masaya at maging ang pamilya nila Pauline ay masaya para saakin. Bukas na magsisimula ang aking pagtatrabaho sa Motorific Company. 

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hula ko kay mr.R ang kompanyang pinasukan nya at kanang kamay si dexter ni mr.R
goodnovel comment avatar
Robelyn Senador
naku R hindi mo n kailangan hanapin si ella dhil nasa malapit n siya....
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Hot night with a Mafia Boss    HOT NIGHT 4

    ISANG linggo ang lumipas simula ng pumasok ako sa Motorific Company at masasabi kong naging maayos naman ang pagsisimula ko pwera nalang sa nararamdaman kong motion sickness. Lalo na s aumaga, tamad na tamad akong bumangon gayong kailangan kong pumasok ng maaga. Dalawang araw palang ako sa bahay nila Pauline ng mahalata agad ng mama nito na buntis ako. Nahiya pa ako sa kanila at nagtanong kung ayos lang ba na buntis ang umupa sa kanila. Tinaggap naman nila ako at mas natuwa pa nga dahil ngayon nalang daw ulit magkakaroon ng baby sa kanila. Nakakatuwa pa nga at bumili na agad ng mga damit pambata ang mama ni Pauline. Nahihiya ako pero sabi niya kapag may anak ka na hindi daw dapat mahiya kaya palagi kong itinatak sa isip ko ‘yan. Panibagong yugto ito ng buhay ko kaya hindi ko dapat ikahiya ang anak ko. “Alam mo Ella, tatlong araw ka palang nagsisimula dito sa kumpanya may napansin na ako agad na kakaiba e.” hindi ako makatingin sa katabi ko sa aking table dahil sa sinabi niyang iyon

    Huling Na-update : 2022-08-11
  • Hot night with a Mafia Boss    HOT NIGHT 5 [PART ONE]

    ISABELLA TAHIMIK akong nakaupo sa shot gun seat habang mahipit na hawak ang aking kamay upang itago ang panginginig nito. Sapilitan akong isinakay sa kotse nitong Mafia na ama ng aking anak. Kung alam ko lang na siya ang lalaking hinalikan ko ay hindi ko na dapat iyon ginawa, sabagay mas ayaw ko ‘din naman mapunta ulit sa kamay ng master Shin na iyon. Hindi siya nagsasalita kaya maging ako ay hindi na nagsalita pa. Ilang minuto ang lumipas at huminto siya sa isang restaurant. Naalarma ako ng bigla siyang bumaba, iyon na sana ang pagkakataon ko upang tumakas pero sa sobrang bilis niya kumilos ay napigilan niya ang pinto na binuksan ko. “You can’t escape with me my love,” malamig niyang sabi. Ayan nanaman ang my love na ‘yan, sa tuwing naririnig ko ‘yan ay parang bumabalik ako sa nakaraan. Nakaraan kung saan may—never mind. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako palabas ng sasakyan. “B-Bitawan mo ako pwede ba?!” sabi ko sa kaniya at pilit na inaalis ang kamay sa kaniya.

    Huling Na-update : 2022-08-11
  • Hot night with a Mafia Boss    [PART TWO]

    “DITO nalang ako sa tabi,” Turo ko nang makita ang bahay na medyo malayo pa sa bahay nila tita Eda. Ayaw ko na ihatid niya ako mismo sa bahay ni tita Eda dahil ayoko na muling mag krus ang landas namin. “Are you sure?” tanong nito na ikinatango ko naman. Itinabi niya ang kotse sa tapat ng isang bahay at dali-dali na siyang bumaba. “Sigurado ka ba na jan ang bahay mo?” tanong nito saakin ng makababa ito ng sasakyan. Mukang balak niya ata akong pagbuksan ng pinto. “Yes,” tango kong sabi, kita ko ang hindi paniniwala nito sa sinabi ko pero tumango nalang siya. “What I said to you is all true. Ayokong mag lihim sa’yo, sana kahit pangalan mo lang malaman ko.” napatitig ako sa kaniya. Nakikita ko ang sinseridad sa kaniyang mata pero hindi pa ‘rin magbabago ang katotohanan na takot ako sa kaniya. “A-Ako si Isabella.” Hindi ko alam kung bakit ang totoong pangalan ko ang sinabi ko sa kaniya ngunit ng sumilay ang ngiti sa labi niya ay mukang alam ko na. Gusto kong makita ang mga ngiti na ‘yo

    Huling Na-update : 2022-08-11
  • Hot night with a Mafia Boss    HOT NIGHT 6 [PART ONE]

    SADYANG maliit ang mundo. Sa isip ni Dexter, halos paliparin na ni Ryc ang sasakyan hanggang sa huminto sila sa isang bahay. “Hoy R! Wag mo sabihing basta-basta kang manggugulo!?” hindi siya pinakinggan ng kaibigan at derederetsyo itong lumabas at kumatok sa bahay na iyon. “R, nasisiraan ka na ba?!” tanong nito sa kaibigan ngunit maya-maya ay bumukas ang pinto at nakita nila ang dalawang may katandaan nang babae at lalaki. “Anong kailangan nila mga hijo?” nakangiting tanong ng lalaki na malaki ang katawan. “Magandang gabi ho, nandito kami para sana kausapin si Isabella. Nanjan po ba siya?” magalang na tanong ni Ryc. “Isabella ba kamo? Nako hijo wala kaming kilalang Isabella, baka nagkamali kayo ng pinuntahang bahay.” Napakunot ang noo ni Ryc dahil doon. “Impossible, nakita ko po siya ditong pumasok.” Seryosong sabi ni Ryc na ikinahawak ni Dexter sa braso ng kaibigan at umiling. Hinarap niya ang dalawang matanda na nagatataka. “Ang ibig niya pong sabihin ay si Ella, Isabella po kasi

    Huling Na-update : 2022-08-12
  • Hot night with a Mafia Boss    [PART TWO]

    “ANG saya ko po mommy!”Nakangiting sabi ni Issa habang kumakain ng Ice Cream. “Masaya ako na masaya ang anak ko.” nakangiti ‘ding sabi ni Isabella at pinunasan ang gilid ng labi nito dahil kumalat ang Ice cream doon. Isang araw na ang nakakaraan magmula ng makabalik siya sa Bagiuo. Ang daming tanong sa kaniya ng mga kasama nila lalo na ang mga bakla ngunit hindi niya ito masagot.Ang tanging sinabi niya ay wala siyang makitang trabaho. Nagpasiya siyang ipasyal ang anak dahil na ‘rin sa kagustuhan niya na ma-refreshed ang kaniyang utak. Nagpunta sila sa Burnham Park, malayo sa kanilang tinitirhan, maraming turista doon na mas nagpapagaan ng loob ni Isabella dahil alam niya na hindi siya nag-iisa.“Mommy ‘wag ka po sanang magagalit,” napatingin siya sa anak na nagtataka. “Sino po ba ang daddy ko?” natigilan siya dahil sa tanong ni Issa. “’Wag ka pong magalit mommy, kun

    Huling Na-update : 2022-08-12
  • Hot night with a Mafia Boss    HOT NIGHT 7 [PART ONE]

    RYC HINDI makapaniwala akong nakatingin sa anak kong si Issa habang kumakain sa aking harapan. Nandito kami ngayon sa Jollibee kung saan niya napiling kumain ng ganitong oras at laking pasasalamat ko dahil walang gaanong tao. Kung hindi ay baka pagkaguluhan kami. Napatingin ako kay Dexter ng bigla niya akong sikuhin “Baka nakakalimutan mo si Ella,” doon ako natauhan. Kanina ko pa kasam asi Issa pero hindi ako nag-tatanong, may pumipigil ‘din kasi saakin dahil alam ko na na-trauma ang bata sa mga nakita niya. Ang kaso siya lang ang makakatulong para mahanap si Isabella. “A-Anak pwede bang mag tanong si daddy?” tumingin siya saakin habang kumakain ng spaghetti. “P-Pwede po daddy, sorry po gutom talaga ako.” Sabi niya nang malunok ang kinakaing spaghetti pero nginitian ko lang siya at umiling. “Ayos lang anak, anong nangyari sa mommy mo?” biglang nawala ang sigla sa muka ni Issa matapos ko iyong tanungin at parang iiyak na ito. “S-Sandali Issa, wag kang umiyak. Sorry natanong ni d

    Huling Na-update : 2022-08-13
  • Hot night with a Mafia Boss    [PART TWO]

    “HELLO, is this Motorific Company?” Agad na tanong ni Nicole sa telepono matapos niyang hanapin ang Ryc o R na sinasabi ni Isabella. Noong una ay nag-aalangan pa siya ngunit walang masama kung magtatanong kaya tinawagan niya agad ang numero na nasa advertising ng mga ito. “Yes ma’am. Mag papareserba ho ba kayo ng meeting? Are you aware po that it’s already midnight?” ramdam ni Nicole ang inis ng lalaking kausap sa kabilang linya at maging siya ay nahihiya ngunit kailangan niyang makasiguro. “I’m really sorry. This is so important, gusto ko lang alamin kung nanjan ba si Ryc o R?” biglang natahimik sa kabilang linya dahilan para makagat niya ang hinlalaking kuko niya. “What do you want for my boss ma’am?” magalang na tanong nito. “G-Gusto ko lang alamin kung nanjan ba si Issa, pinapahanap kasi siya saakin ng m-mama niyang si Ella—I mean Isabella.” Nakarinig siya ng kakaibang ingay sa telepono na mukang nag-uusap kaya napakunot ang kaniyang noo hanggang sa may magsalitang ibang lala

    Huling Na-update : 2022-08-13
  • Hot night with a Mafia Boss    HOT NIGHT 8 [PART ONE]

    ISABELLA HINDI akong makapaniwalang nakatingin sa likod ni Kim habang hila-hila niya ako at tumatakbo sa kagubatan. Sunod-sunod pa 'rin ang putok ng baril kung kaya napapapitlag ako't napapatili. Hindi ako sanay sa tunog ng baril at tingin ko ay kailan 'man hindi ako masasanay at matatakot. Nararamdaman ko ang panginginig ng buo kong katawan. Kung hindi pa ako sapilitang hihilahin ni Kim ay hindi ako makakagalaw sa kinalalagyan ko. "Bakit ba ang dami niyo?! Sh*t!" narinig ko ang iritang sigaw ni Kim habang pinagbabaril ang mga lalaking pawang nakasoot ng mga formal business attaire at hinahabol kami. Napatingin ako sa paligid at nagkalat ang mga ito habang inaasinta kami ni Kim. Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang lalaki na nakatutok ang baril kay Kim kung kaya buong lakas akong huminto at hinila siya upang hindi tamaan. "What the—muntik na ako doon!" mukang nakita niya ang pagdaan ng bala sa kaniyang harapan at lumingon saakin. Wala siyang sinabing salita basta tinignan ni

    Huling Na-update : 2022-08-14

Pinakabagong kabanata

  • Hot night with a Mafia Boss    EPILOGUE

    ISANG buwan ang lumipas at nasa simenteryo sila ngayon upang bisitahin ang puntod ni Grace at ng anak nito na si Mark sa pangunguna ni Yvonne. Hindi niya pa ‘rin maitatanggi na ina niya si Grace kung kaya dinalaw nila ito. “Mommy, kung ano man ang ginawa niyo saamin ay sana maisip mo na mali ang lahat ng iyon. Hindi ko masasabi kung mapapatawad ka namin pero sigurado naman kami na si God na ang bahala doon. Time will heal our wounds mommy.” Hinagod ni Richard ang balikat ng asawa dahil naiiyak nanaman ito. Kasama nila ngayon sina Ryc at Isabella, Dexter at Nicole, Leandro at Glaiza, si Parker at ang magulang ni Isabella na hawak si Issa. Maayos na nag lagay ni Vienna ngayon hindi katulad noong isang buwan na halos hindi siya makatayo dahil sa pag-opera sa kaniya. Isang buwan na ‘din nag lumipas magmula ng matapos ang gulo sa pagitan nila ng lola ni Ryc ay bumalik na sa ayos ang lahat. Napatunayan na si Grace at Mark ang may kagagawan ng illegal business ni Parker na matagal na ni

  • Hot night with a Mafia Boss    [PART THREE]

    Natahimik ang buong paligid dahil sa eksenang nasa harapan. “M-Mama! Mark! Ano ito?!” kunwaring natatakot na tanong ni Isabella habang hawak ang balikan ng lalaki. Napuno na ‘din ng bulungan ang paligid dahil sa pag-aresto ng mga ito. “Sumama nalang kayo para wala ng gulo.” Hinawakan na sila ng mga pulis sa kanilang braso ngunit nagpumiglas si Mark. “H-Hindi! Hindi niyo kami pwedeng kunin!” “’Wag na po kayong lumaban para walang gulo.” Kalmadong sabi ng mga pulis. “Mommy ngayon na!” ngunit nagulat sila ng kalabanin sila ng mag-ina at sinuntok sa muka ang dalawang pulis. Agad na naglabas ng baril ang mga pulis na ikinatili ng mga tao sa paligid habang si Mark at Grace ay mabilis na kinuha si Isabella at May. “Kyahh!” tili ng mga tao sa paligid at nagsimula ng tumakbo palabas. “Subukan niyong sumunod papatayin namin ang dalawang babaeng ‘to!” mayroon ng baril na nakatutok sa ulo ni Isabella at May kung kaya walang nagawa ang mga pulis kundi ang hayaan ang mga ito. “Isabella!” sig

  • Hot night with a Mafia Boss    [PART TWO]

    NGAYON ang araw kung kailan ipakikilala ako ni Mark bilang asawa niya. Nasa loob kami ngayon ni ate May at inaayusan ng kung sino. Parang bumalik tuloy saakin ang araw na ibebenta kami ni ate May lalo na at pula ang suot ko habang si ate May ay naka-itim na dress kung saan kitang-kita ang malaki niyang tiyan. Panaka-nakang tingin ang binibigay namin sa isa’t-isa dahil alam namin na iyon na ang araw para kumawala kay Mark. Maayos ang plano namin ni ate May at sana lang ay gumana iyon mamaya. Maayos na nakapune ang buhok ko na pa-bun habang si ate May naman ay nakalugay ang mahaba nitong buhok na kinulot. Bagay na bagay sa kaniya, feeling ko tuloy babae ang baby ni ate May dahil sa pagkablooming niya. Ganoon kasi ang sabi nila, kapag blooming ang nagbubuntis ay babae ‘daw. Ako naman ay wala pa atang dalawang buwan ang tiyan ko, hindi ko ‘din alam dahil wala pa akong check-up. “Wow! Ang gaganda niyo namang dalawa!” napalingon kami sa nagdalita at pumasok si Grace, ang lola ni Ryc. No

  • Hot night with a Mafia Boss    HOT NIGHT 50: FINAL BATTLE [PART ONE]

    ISABELLA “ATE May wala na si Mark. Pwede na tayong tumakas!” Yugyog na tawag ko kay ate May nang makapasok ako sa kwarto nila ni Mark. Ilang araw na ang nakaraan magmula nang magpanggap kami na gumana ang tinurok saamin ni Mark. Ang totoo kasi niyan ay simpleg tubig lamang ang inilagay ni ate May sa syringe na mabuti nalang dahil maging siya ay tinurukan ni Mark. Nalaman ko na aware siya sa gagawin ni Mark at wala siyang magagawa kundi sundin ang lalaki dahil mahal niya ito. Marami na siyang na kwento saakin, kung anong nangyari sa kaniya matapos naming mapag benta hanggang sa mapunta siya sa puder ni Mark at sa batang nasa sinapupunan niya. Sa kaniya talaga ako nag-aalala dahil mukang mababa ang kaniyang tiyan ibig sabihin maaaring may mangyaring masama sa anak niya. Hindi ko siya masisisi, sobrang dami niyang stress kay Mark. Samahan mo pa na nagdadala ng babae si Mark, kanina nga lang ay nakita ko siya na may ka-make out sa sala. Doon ko ‘din narinig ang pakikipag-usap nito

  • Hot night with a Mafia Boss    [PART TWO]

    “KANINA pa kita hinihintay Mark, nasaan ka na ba?” Naiiritang sabi ni Grace sa telepono habang kausap ang kaniyang anak. Matapos niyang mahuli si Parker ay itinali niya ang kamay nito sa habang nasa-upuan at agad na sinabihan ang anak na sunduin sila doon upang magtago. Alam niya kasi na hahanapin ito ng apo niya si Ryc kaya kailangan niyang gamitin ito laban sa kanila. “Mommy, wait, okay? May inaasikaso pa ako dito.” “Ano bang inaasikaso mo?! Babae?! Punatahan mo na ako dito ngayon ‘din!” pagkasabi niya niyon ay ibinaba na niya ang tawag at inis na nilingon si Parker na nakapikit habang nakasandal sa kinauupuan nito. “Bakit kalamado ka lang?! Anong pinaplano mo?!” Napadilit ang lalaki dahil sa sigaw ng kaniyang asawa. Nang makita niya ang muka ni Grace ay hindi niya akalain na ang babaeng lagi niyang kasama ay magagawa iyon sa kaniya. Bumabalik sa kaniyang isipan na parang isinugal niya ang sariling mahal na si Tiffany para lang makasama niya ang isang sinungaling na si Grace.

  • Hot night with a Mafia Boss    HOT NIGHT 49 [PART ONE]

    “AALIS ka sweetheart?” Napalingon si Grace kay Parker ng pumasok ito sa kailang kwarto. Ngumiti siya dito at inayos ang kaniyang bag. “Oo, sweetheart. Alam mo namang matagal ko ng hindi makikita ang mga amiga ko. Nang malaman nilang nandito ako nag arrange agad sila ng schedule ngayon. Nakakahiya naman kung tatangihan ko eh.” Ngumiti si Parker at lumapit sa asawa pagkatapos ay hinalikana ng ulo nito. “Sige, basta mag-iingat ka, okay? Ilang oras ka ba doon? Iintayin kita,” napatingin si Grace sa kaniyang orasan at nagsalita. “Siguro after five hours, alam mo naman ‘yung matatandang ‘yun.” “Nagsalita ang hindi matanda,” natawa sila pareho dahil sa kanilang kakulitan at nagpaalam na si Grace. Naiwan mag-isa si Parker na napapangiwi dahil sa kaniyang pagpapanggap na ginagawa. Binuhay niya ang kaniyang laptop at nag send ng email kay Issa. “Pupunta na ako after an hour…” ***NAGHIHINTAY si Parker sa isang restaurant sa loob ng mall na kanilang napa-usapan. Ang buong akala niya ay s

  • Hot night with a Mafia Boss    [PART TWO]

    “KAILANGAN mo lang pala ng pahinga sweetheart, bakit ka ba na-stress? Anong iniisip mo huh?” Hindi nakasagot si Parker sa sinabi ni Grace. Hindi naman niya magawang sabihin dito ang totoo dahil hindi pa siya handa na kumprontahin ito sa kaniyang mga nalaman. Gusto pa niya ng patunay, gusto pa niyang malaman ang totoo. “Tungkol ba ito sa pagbitaw natin sa negosyo?” napahinto si Parker sa sinabi ni Grace. “Sweetheart naman… sige ganito nalang. Papayag ako sa gusto mo basta mayroon tayong pagmamanahan ng negsyo? Hindi ako papayag na mabaliwala lahat ng efforts natin!” napalingon siya sa asawa dahil doon. ‘Ganito mo ba kagusto ang pera ko Grace?’ mapait na tanong niya sa kaniyang isipan. Ngumiti siya sa asawa at tumango. “Okay sige, papayag na ako. Gusto ko na talagang malagay sa tahimik at bumalik sa Pilipinas.” Nanalaki ang mata ni Grace sa huling sinabi ni Parker at hindi makapaniwalang nakatingin dito. “W-What?” “Bakit? May problema ba sweetheart? Gusto ko na talagang umuwi lal

  • Hot night with a Mafia Boss    HOT NIGHT 48 [PART ONE]

    “YOU did what?!” Mahina ngunit may gulat na bulalas ni Grace matapos marinig ang sinabi ng kaniyang anak na si Mark sa telepono. Tinawagan nalang siya nito bigla at alam niya na iyon na ang signal upang sabihin sa kaniya na nagawa na nito ang kaniyang pinapagawa. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang ginawa nitong pagturok ng kanilang experiment sa dalawang babaeng kasama nito sa bahay. “Nasisiraan ka na ba ng ulo Mark?! May is pregnant with your child! Paano kung maapektuhan ang bata sa tyan nito?! Serious types of chemicals ang nakalagay doon!” napapasabunot na sabi ng ginang sa telepono at alalang-alala.Kilala niya si May. Nakilala niya ito dalawang taon na ang nakakaraan at ito na ang naging kasama ng anak niya si Mark simula niyon at hindi na ito iniwan, noong una ay akala niyang isang simpleng s*x slave lang ng anak ang babae ngunit nang makita niya ang kakaibang kilos nito gawi sa babae ay nalaman niyang hindi. Ngunit dahil na ‘rin pareho silang may sakit sa pag-iisip ay hin

  • Hot night with a Mafia Boss    [PART TWO]

    “Tama si Ryc, ‘wag kayong mag-alala. Maayos na ang lagay ng asawa ko, akala ko ‘rin ay iiwan na niya ako ngunit hindi. Lumaban siya para saamin ni Isabella,” Napangiti sila sa sinabi nI Kenneth. “Speaking off, mayroon kaming magandang balita sa inyo.” Natigilan sila sa sinabi ni Eda. Napatingin ito sa kaniyang asawa na tila nagtatanong kung dapat ba niyang sabihin ngunit nakangiti lang ‘din itong tumango. “Ano po iyon tita?” “Buntis si Isabella Ryc! Magiging daddy ka na ulit!” nagulat sila sa isinawalat ni Eda habang si Leandro at Dexter ay napasuntok sa balikat ni Ryc dahil sa narinig. “Kailangan na talaga nating mahanap ang anak ko…” wala sa sariling sabi ni Kenneth na maging siya ay nabigla sa balitang iyon. “Y-Yeah, kailangan ako ni Isabella.” Ani Ryc. ***“GISING ka na pala Isabella,” Nabaling ang paningin ni Isabella sa nagsalita at doon lang bumalik s akaniya ang buong pangyayari bago pa siya tuluyang mawalan ng malay. Agad siyang napaupo sa kaniyang hinihigaan at napaya

DMCA.com Protection Status