ISABELLA
“SIGURADO ka bang magiging ayos ka lang dito Ella?”
Nag-aalalang tanong ni Nicole saakin nang makarating kami sa di kalayuan sa aming bahay. Ilang oras ‘din ang byahe namin papunta dito sa Bulacan na sinabi ko ay gusto ko nalang umuwi. Ang sabi pa nga niya saakin ay i-bobook niya daw ako sa ibang hotel para mas safe daw ako pero hindi naman pwede na hindi ako umuwi dahil gusto ko ‘ding malaman kung ano na ang nangyari sa kapatid kong si Kim.
Kahit naman na masama ang pakikitungo niyon saakin ay mahal ko ‘yun at nag-aalala ako para sa kaniya. “Ano ka ba Nic, bahay namin ito kaya siguradong magiging ayos lang ako.” Pampalubag loob na sabi sa kaniya ngunit inilingan niya ako. “Sabi mo diba dito ka pinuntahan ng mga nagbenta sa’yo. Ella, paano kung bumalik sila? Lalo na sa Manila pa ‘rin ako tutuloy hindi dito.”
Napangiti ako dahil sa kabaitan ng aking kaibigan. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at tinignan siya sa kaniyang mga mata. “Nic, wag kang mag-alala okay? Tatawag ako sa’yo agad kapag may hindi nangyari na maganda. Tyaka inaalala ko ‘din kasi si Kim kaya hindi ko siya pwedeng iwan sa ere.” Biglang napasimangot ang muka ni Nicole dahil sa aking sinabi at biglang nag iwas ng tingin.
“Sabi ko na nga ba’t ‘yang hilaw na kapatid mo nanaman ang inaalala mo. Ella naman, kailangan ka ba matatauhan na hindi kapatid ang turing sa’yo ng babaeng ‘yun?!” napabuntong hininga ako dahil sa sinabi ni Nicole. Palagi niyang sinasabi saakin ‘yan at basta pagdating sa kapatid kong si Kim ay mainit ang dugo niya. Hindi ko siya masisisi, after all she’s my friend kaya katulad dati hindi ko nalang ito pinansin at nagpaalam na.
“Mag-iingat kayo sa byahe okay?” tinignan niya ako ng hindi makapaniwala dahil doon. Mas nginitian ko nalang siya kaya napailing ito at niyakap ako. “Tandan mo na para na kitang nakababatang kapatid Ella, ayokong nasasaktan ka o di kaya nalalagay sa panganib ang buhay mo. Kung ako lang masusunod hindi kita ilalayo sa tabi ko dahil sa mga nangyari.” Napaganti ako ng mahigpit sa kaniyang yakap dahil doon.
Ang swerte ko talaga at siya ang naging kaibigan ko. Nakilala ko si Nicole when we where in grade six. Lumipat siya dito sa Bulacan, sa pagkaka-alala ko ay spoiled brat pa siya ‘nun. Kapag naaalala ko ‘yun at pinagkukwentuhan namin ay tawa kami ng tawa. Ayun na nga, mahina kasi ako as in literal na mahina dahil meron akong asthma at tuwing PE namin ay nakaupo lang ako sa isang tabi.
Ang mababait kong classmates ay nilapitan ako at binully, yes suki ako ng bully at ang nangunguna sa kanila? Ang kapatid kong si Kim. First year high school na siya that time pero kapag nakikita ako parang hindi niya ako tunay na kapatid. Ayun nan ga basically niligtas ako ni Nicole at ang nakakatawa ay sinampal niya yung isang babae na nambully saakin.
Na-guidance kami pareho pero napatunayan na wala kaming kasalanan. “Thank you for everything Nic, I owe you a big one.” Humiwalay siya sa yakapan namin. “Dapat lang! Gusto ko makasama ka sa Manila, okay? Kaya kapag isang linggo na wala ang kapatid mo jan sumama ka na saakin.” Tumango ako sa kaniya. Ayoko na ‘rin naman na magtagal sa bahay, bukod sa muntik na akong mapahamak doon ay naaalala ko lang ang mga magulang ko.
Lumabas na ako ng kotse niya at inintay ko na mawala ito sa aking paningin bago ako tuluyang maglakad papunta sa bahay namin. Malayo palang ay tanaw na tanaw ko na ang malaking bahay namin, maayos ang bahay. Maganda, nakaka-angat kami sa buhay sa totoo lang pero one year ago nagbago iyon. Biglang nagbago si papa at mama, sa tuwing naalala ko ay naiiyak ako.
Huminto ako sa tapat ng malaking gate at huminga ng malalim bago tuluyang binuksan iyon at pumasok sa loob. Parang walang nangyaring kakaiba kung titignan mo mula sa labas, pagpasok ko sa loob ay nagulat ako na gulo-gulo ang mga gamit doon. Ang mga vase ay basag na, ang mga frames ay ganoon ‘din ang iba nga ay wala na.
Iilang paintings nalang ang natitira, naglakad ako papunta sa kusina at napasandal ako sa pader ng makitang maging doon ay gulo-gulo. Nagkalat ang mga kaldero, pangluto at mga basag na plato. Gusto ko ng umiyak, gustong gusto ko ng umiyak pero pinigilan ko iyon at dali-daling umakyat sa itaas para puntahan ang aking kwarto.
Pipihitin ko na sana ang doorknob pero nakarinig ako ng boses mula sa kwarto ni Kim na agad kong ikinakaba. Paano kung nandito pala ‘yung masasamang tao at inaantay lang ako? Paano kung nandito ang mga Mafia?!Natakot ako sa isipin na iyon at tatakbo na sana ako paalis ng marinig ko ng mas malinaw ang boses nito dahil lumakas iyon.
“Hanggang ngayon ay masaya ako na sa wakas ay wala na ‘yung Isabella na ‘yun!” ako ‘yun hindi ba? Bakit parang boses iyon ni Kim? Hindi kaya nandito siya? Dali-dali akong naglakad papunta sa kwarto nito at nakita ko na nakaangat iyon ng kaunti. Mula doon ay nakita ko sa loob si Kim na nag-iimpake.
Natuwa ako ng makita siya at tatakbo na sana para yakapin siya pero ang sumunod niyang sinabi ay nagpahinto saakin. “Mabuti nalang talaga at nauto ko ang mga Mafia na ‘yun at si Isabella ang kinuha hindi ako—Sabi ko kasi kila mama ay hayaan nila ako, ‘yan ang napapala nila—Oo, umaga at gabi ko nilalagyan ng drugs ang inumin nila kaya naging ganon ‘yun. Mas okay na nga ‘yon kasi masyado nilang paburito ang uto-uto na si Isabella.” Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil saaking narinig.
Biglang bumalik saakin ang ala-ala isang linggo na ang nakakalipas.
*Flashback*
“Isabella bumaba ka nga dito!” napabangon ako sa aking pagkakahiga ng marinig ko ang malakas na boses ni mama. Hindi ko sinasara ang pinto ng aking kwarto simula ng hindi ako makababa at hindi narinig ang tawag ni mama ay binugbog niya ako. Dali-dali akong bumaba sa higaan at hindi na naisuot ang aking pambahay na tsinelas dahil sa takot na mabugbog ulit.
“Mama! Ano pong kailangan niyo?” sigaw ko habang pababa ng hagdan ngunit ng makaharap ko siya sa ibaba ay nagulat ako ng bigla akong sampalin nito na ikinakapit ko sa aking pisnge. “Ano ang sinumbong ni Kim na hindi ka pumasok kahapon?! Sayang ang ibinabayad namin sa eskwela Isabella! Kung ayaw mo ng mag-aral ay tumigil ka nalang!” napatingin ako kay mama dahil doon.
“M-Mama, totoo na hindi ako pumasok pero m-may sakit po kasi ako—” hindi ko natapos ang aking sasabihin ng sumingit ito. “May sakit?! Edi sana hindi ka nakababa dito pero kung makatakbo ka ay pwede ka ng sumali sa marathon! Asaan ang sakit doon?!” nanghina ako lalo dahil sa aking narinig. Totoo na may sakit ako kaya nakahilata lang ako sa higaan, hindi kasi ako marunong uminom ng gamot at ayokong ayoko niyon kaya umaasa lang ako na mawala ito ng kusa.
Naalala ko ba dati si mama ang nag-aalaga saakin at tinutunaw ang gamot para lang mainom ko ito. Pero lahat ng iyon ay wala na. Nagsimula nang magluha ang mata ko. “Ano iiyak ka?! Tandaan mo wag ka ng papasok sa paaralan dahil titigil ka na!” pagkasabi niya niyon ay tinalikuran na niya ako at umalis. Hahabulin ko sana siya ngunit kalaunan ay hindi ko na ginawa. Masakit pa ‘rin ang pisnge ko dahil sa sampal nito pero hinayaan ko nalang.
Paakyat na ako sa taas ng makita ko si Kim na nasa taas ng hagdan at nakangising nakatingin saakin. Umalis ‘din ito doon na ikinabuntong hininga ko. For almost a year now ay ganito na ako tratuhin ni mama. Hindi ko alam kung ano ang nangyari o kung anong mali ang nagawa ko pero sa tuwing andito sila sa bahay ay ako ang pinagdidiskitahan nila.
Madalas na ‘din kasing wala sila dahil sa kanilang trabaho. Kaya minsan naiisip ko na dahil lang ‘yun sa stress nila kaso hindi ko pa ‘rin maiwasan na maiyak tuwing gabi. Hinayaan ko nalang ang nangyari at umakyat sa taas para magpagaling.
DALAWANG araw ang lumipas at magaling na ako, kagagaling ko lang galing kila Nicole dahil ginabi na ako, wala naman kasi sila mama dahil nasa trabaho pa ito at wala namang pakielam saakin si Kim kaya okay lang kahit gabi na ako umuwi. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang aking madadatnan sa bahay. Para akong naging tuod sa aking kinatatayuan ng makita ko ang duguang katawan nila mama at papa sa sahig.
Dali-dali akong tumakbo papunta sa gawi ng mga ito at ginising sila. “M-Mama! P-Papa! Anong nangyari?! Bakit duguan kayo?! T-Tulong! Tulungan niyo kami!” sigaw ko sa abot ng aking makakaya. Lahat na ata ng boses na meron ako ay ginamit ko na. Hinawakan ko ang muka ni mama at tinapik ito “M-Mama gumising ka! Mama hindi magandang biro ‘yan!” lumipat ako kay papa at ito naman at tinapik ko. “P-Papa! Papa gumising ka po!”
Sunod-sunod na tumutulo ang luha ko at muling sumigaw ng tulong. Hindi ko magawang tumayo dahil nanghihina ang mga tuhod ko. “M-Mama! Papa!” nasa ganong kalagayan ako ng dumating ang tanod na mukang nagroronda dahil gabi na. Nagulat sila sa nakita at dali-daling tumawag ng ambulansya. Naging mabilis ang lahat hanggang sa namalayan ko nalang na nasa ospital na kami.
“Napakawalang hiya mong babae ka!” nakaramdam nalamang ako ng humila saaking buhok at sinampal ako na ikinatumba ko sa sahig. Alam ko na si Kim iyon ngunit wala akong lakas para lumaban. “Pinatay mo sina mama at papa! Napakawala mong puso!” hindi siya nakuntento at pinaghahampas niya ako habang nakahiga pa ako sa sahig. Makakaya ko ang sakit ngunit ang pagbintangan ako ay hindi ko magagawa.
“H-Hindi ko sila pinatay Kim! Alam mong hindi ko ‘yan magagawa dahil mahal ko sila!” ngunit hindi siya nakinig saakin. Mabuti nalang at may humila sa kaniya palayo saakin. “Sinungaling ka! Sinungaling ka Isabella! Ikaw lang ang tao sa bahay!” may tumulong saakin tumayo at umiiyak kong hinarap si Kim.
“S-Saktan mo na ako Kim, hampasin mo ako hangga’t gusto mo pero ang pagbintangan ako na may gawa kung bakit namatay sila mama at papa ay hindi ko matatanggap!” sigaw ko sa kaniya na ikinatahimik nito. Wala ‘ding umiimik sa mga taong tumulong saamin upang magkalayo. “B-Buong buhay ko Kim tinaggap ko lahat! Tinaggap ko lahat ng pangbubully mo saakin at dahil ate kita ay hindi ako gumaganti at hindi ako nagsusumbong!”
“K-Kahit na nag-iba sila mama at papa ay hindi ko magagawang labanan sila dahil masyado ko kayong mahal para ibalik ang ginagawa niyo saakin!” hindi ko na sila makita dahil sa sobrang labo ng aking paningin. Bigla nalang ako nakaramdam ng pagkahirap huminga. “N-Nahihirapan a-akong huminga…” putol-putol kong sabi. “M-May asthma siya! Kailangan niya ng nebulizer!” hindi ko na halos marinig ng malinaw ang nasa paligid dahil feeling ko ay mamamatay na ako. Kapag ganitong inaatake ako ng asthma ko ay talagang nanghihina ako at walang masagap na hangin. Palagi kong dala ang nebulizer ko ngunit sa ganitong sitwasyon ay alam kong wala.
Pero sadyang hindi pa ako nararapat mamatay dahil maya-maya ay mayroong naglapat ng nebulizer sa bibig ko at doon ay nakahinga ako ng maayos. Nang mahulasan ako ay wala na doon si Kim at mayroong tatlong nurse ang umasikaso saakin pero nang sabihin ng doctor na wala na sila mama at papa ay lalong lumala ang asthma ko.
Isang araw akong nakahiga sa hospital bed at ng maging ayos ay ako ang nag-asikaso ng burol nilang dalawa. Nalaman ko sa mga pulis na gumagamit ng drugs ang magulang ko na siyang pinagtataka ko. Paanong mag da-drugs sila mama at papa gayong busy sila sa trabaho? Pero dahil na ‘din doon ay narealize ko ang dahilan ng pagbabago nilang dalawa.
Muli ay umiyak ako dahil napatunayan ko ‘din na kahit papaano ay mahal nila ako. Kung hindi lang dahil sa drugs na iyon ay hindi sila magbabago. Sabi ko na tama ako, tama ako na mahal nila akong dalawa. Hindi kami nag-usap ni Kim sa burol, kung meron ‘man ay saglit lang. Ayokong makipagtalo o away lalo na at hindi umaalis sa isip ko ang tagpo ng makita ko sila mama at papa na duguan.
*End of flashback*
“Ikaw ang dahilan kung bakit namatay sila mama at papa!” gulat na napalingon sa gawi ko si Kim at agad ko siya sinunggaban ng sabunot. “I-Isabella, a-ahh! Ano ba bitawan mo ako!” hindi ako nakinig sa kaniya dahil sa sobrang galit. Galit tungkol sa mga nalaman lalo na sa katunayan na siya ang dahilan ng pagkaka gamit nila mama at papa ng drugs.
“Hindi kita bibitawan hanggat hindi ko nauubos ang buhok mo!” galit kong sabi ngunit kahit na anong galit ko ay mas malakas pa ‘rin saakin ni Kim. Nagawa niya akong itulak at napabagsak ako sa higaan. Dahil doon ay napahagulgol ako kakaiyak. “I-Ikaw ang dahilan kung bakit namatay sila mama at papa!” hindi siya nakasagot sa sinabi ko kaya tumingin ako sa kaniya.
“Alam mong hindi ko magagawang patayin sila pero pinagbintangan mo ako sa harap ng maraming tao! Tapos ngayon malalaman ko na ikaw ang nagbigay ng drugs kila mama at papa!” bigla niya akong sinampal na siyang ikinatahimik ko. “Oo! Oo ako ang nagbigay ng drugs sa kanila pero ginawa ko ‘yun dahil sa galit! Galit dahil sa’yo!” natigilan ako sa sinabi niya at gulat na napatingin sa kaniya. Umiiyak na ‘din ito. “L-Lagi nalang ikaw Isabella! Puro nalang si Isabella, Isabella, Isabella! Lintik na Isabella ‘yan!” naglakad ito palayo habang nakasabunot sa kaniyang buhok.
“Alam mo bang araw-araw akong umiiyak dahil mas inaalagaan ka nila keysa saakin?! Akala mob a ginusto kong maging suwail na anak?! Nagawa ko iyon dahil sa inyong lahat! Nagawa ko ‘yun dahil sa’yo!” hindi ako makasagot sa sinasabi niya at napatakip ng kamay sa bibig ko. “A-At ang masakit pa, kahit na lulong sila sa droga ay nagawa nilang ako ang ibenta sa mga Mafia na ‘yun!” a-ano daw?
“K-Kahit na sinasaktan ka nila, kahit pa na hindi ka nila maalala, kahit pa na wala na sila sa sarili ay ikaw pa ‘rin ang pinili nilang wag isugal Isabella! Ikaw pa ‘rin! Ikaw!” napatingin ako kay Kim dahil doon. “I-Ikaw ang dapat na kinuha nila hindi ako tama ba?” nauutal ko na tanong sa kaniya. “Oo! Oo ako iyon at hindi ikaw pero inuto ko sila na ikaw ang kunin hindi ako!”
Tuluyan na akong hindi nakapagsalita dahil doon. Hindi ko alam na ganoon pala ang nararamdaman saakin ni Kim. Tandang-tanda ko pa noong mga bata pa kami na sobrang maalaga saakin ni Kim. I used to call her ‘ate’ pero nagbago ‘yun ng magkaroon siya ng mayayamang kaibigan. Nakalimutan na niya ako at palagi na niyang sinisigawan.
“I w-wished that you we’re gone pero sila mama at papa ang nawala! Sobrang sakit para saakin niyon lalo na at dinukot ako ng mga Mafia at ni-rape!” hindi ko alam kung ilang beses ba akong magugulat dahil sa mga nalalaman ko. “Sa sobrang galit ko ay itinuro kita sa kanila at ang alam ko ay dapat naibenta ka na kaya paanong nandito ka pa?! I don’t want to see your face ever again!” umiiyak na kinuha ni Kim ang kaniyang bag at lumabas ng kwarto na pabalang niyang isinara.
Hindi ako makapagsalita, hindi ko magawang maipagtanggol ang sarili ko dahil kung titignan ay tama siya. Habang lumalaki kasi ako ay nagiging sakitin ako at palagi nila akong binibigyang pansin. Kasalanan ko kung bakit naging ganoon si Kim. Lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon ay iniyak ko ng iniyak ngunit napasobra ata ako dahil maya-maya’y hindi nanaman ako makahiga.
Hangga’t may lakas pa ako ay lumabas ako ng kwarto na iyon at pupunta na sana sa kwarto ko upang hanapin ang nebulizer ko ngunit nakita ko ito sa labas ng pinto. Marahil sa sobrang panggugulo na ginawa nila sa bahay ay tumalsik iyon dito. Naging maginhawa ulit ang aking paghinga matapos magamit ang nebulizer.
Kinalma ko ang aking sarili at nagpunta sa kwarto upang tignan ang mga gamit ko. Hindi ako pwede magpaka stress dahil sa nangyaring engkwentro saamin ni Kim hindi ko alam kung maaayos pa namin ang tungkol saaming dalawa. Pero siguradong oo dahil kami nalang ang natitira sa pamilya, kailangan niya lang ng oras.
Nakita ko ang cellphone ko sa sahig at full charge pa ito kaya inilagay ko siya sa aking bag. Kumuha na din ako ng mga gamit at mga naitabi kong pera. Marami akong ipon dahil palagi akong binibigyan nila mama at papa. Binuksan ko ang lagayan ng mga alahas ko sa may tagong parte sa aking damitan. Mabuto nalang at hindi ito nakita ng mga Mafia na iyon dahil sobrang halaga nito saakin.
Inilabas ko ang isang kulay violet na kwintas na heart. Kung titignan mo ay halata mo na mamahalin ito, ibinigay saakin ito ni mama noong pitong taong gulang ako. Ang sabi niya saakin ay ito daw ang magdadala saakin sa katotohanan na hindi ko maintindihan. Sobrang pinapahalagahan ko ito dahil ito nalang ang regaling mayroon ako galing sa kaniya gayong ang iba ay sinira na ng mga Mafia.
Isinoot ko ito at nang maisaayos na ang mga gamit ay lumabas na ako ng bahay upang umalis. Tumingin pa ako sa huling pagkakataon sa bahay na iyon at napabuntong hininga bago tuluyang humakbang palayo. Siguraodong babalik ako, at gusto ko sa pagbabalik ko na iyon ay maayos na kami ni Kim.
NANDITO ako ngayon sa bus dahil pupunta ako sa Legazpi. Gusto kong makita ang bulking Mayon, sa tapat ng bulking mayon ibinigay saakin ni mama ang kwintas na regalo niya at simula niyon ay naging paburito ko na ito. Sa hindi ‘rin malamang dahilan ay gustong-gusto ko na andoon ako.
Sa gitna ng aking pag-iisip ay naalala ko ang cellphone ko. Binuhay ko ito, nalaman ko na full charge ito ng gamitin ko ang charger na nasa sahig sa kwarto. Pagkabukas na pagkabukas ko palang ng cellphone ay nagulat ako ng mag ring ito at tumatawag si Nicole.
“Hello, Ella?! Mabuti naman at na kontak na kita! Akala ko hindi mo na nakita ang cellphone mo eh!” napangiti ako ng pilit dahil doon. “Ano ka ba Nic, patay kasi ang cellphone ko kaya dimo matawagan.” Narinig ko ang paghinga niya ng maluwag sa kabilang linya. “Oo na, sige na. Kamusta na? Anjan ba si Kim nakita mo?”
Natigilan ako sa tanong niya at naalala naman ang nangyari kanina. Hindi ko napigilan ang aking luha at kusa itong tumulo. “Umiiyak ka ba Ella?! Nasaan ka? May ginawa ba sa’yo ang Kim na ‘yun?!” sunod-sunod na tanong nito. Kilala niya talaga ako kaya hindi ko kayang maglihim sa kaniya. “P-Papunta akong Legazpi Nic, alam mo na kung saan. Hihintayin kita.”
Ibinaba ko ang tawag at sinilent ko ang aking cellphone. Alam ko na kukulitin niya ako at ayaw ko pang pag-usapan. Umiyak nalang ako ng tahimik sa kinalalagyan ko mabuti at tulog ang katabi kong pasahero.
ILANG oras ang lumipas at pasado alaskwatro na ng hapon ako nakarating sa Legazpi. Nagpahatid ako sa tricycle papuntang sa may mayon at halos isang oras din ang inabot bago ako tuluyang nakarating doon. Napalanghap ako ng sariwang hangin ng makita ko ang bulking mayon kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.
“Mama? Papa? Andito po ako ulit sa tapat ng mayon. Sana pinapanood niyo ako kung nasaan ‘man kayo.”
“Siguradong napapanood ka nila, mapapanood ka nila kung paano ka namin papatayin tulad ng ginawa namin sa kanila.” Nagulat ako ng mayroong nagsalita mula sa aking likuran at napaatras ako ng makita ang tatlong lalaki na malalaki ang katawan. Pawang may hawak na baril at kutsilyo.
“S-Sino kayo?!” nagsimula nang sumiklab ang takot sa puso ko. “Kami? Kami lang naman ang nagmamay-ari sa’yo! Akala mo ba hindi namin malalaman na tumakas ka kay master Shin?! Nang dahil sa’yo ay muntik na kaming mapahamak!” agad akong tumakbo ng marinig ang sinabi ng lalaking iyon. Tama ako, sila nga ang kumuha saakin noon. Kahit na hindi ko malinaw na nakita ang muka nila ay natatandaan ko yung nagsalita kanina dahil sa tattoo nito sa muka.
“Habulin niyo siya!” mas lalo akong natakot dahil sa sinabing iyon ng lalaki. Lahat na ata ng santo ay tinatawag ko na, tulungan niyo po ako! Walang lingon na akong tumatakbo hanggang sa magulat ako ng mayroong dumaan na mabilis sa gilid ko. Agad akong napalingon sa likod at nanlaki ang mata ko na nakatutok saakin ang baril ng isa.
Naka silencer sila! Hindi ako pwedeng mamatay dito! “Habulin niyo!” nagsimula ng tumulo ang luha ko. Kahit na nanghihina ang tuhod ko ay pinipilit ko pa ‘ring tumakbo. Ilang minuto ang lumipas ay nakita ko ang high way na sobrang ikinatuwa ko ngunit hindi pala magandang tumakbo ng biglaan sa kalsada dahil naramdaman ko nalang ang katawan ko na tumalsik.
Tila wala akong marinig o maramdaman dahil sa sobrang bilis ng pangyayari. Namalayan ko nalang na mayroong yumuyugyog saakin hanggang sa mawalan ako ng malay.
NICOLE
NAKARATING ako sa Okada Manila Hotel dalawang oras lang matapos naming ihatid si Ella sa Bulacan. Kung hindi ko lang kailangan manatili dito dahil kay daddy ay hindi ko gagawin. Mayroon kasing business meeting si Daddy at nangako ako na sasamahan ko siya, pero dahil sa nangyari sa kaibigan ko ay parang gusto ko ng iwan si daddy.
Habang papaakyat ako sa floor namin ay napahinto ako ng marinig ko ang usapan ng kumpon na kalalakihan sa isang tabi. “This can’t be! Halos ilang oras na pero hindi niyo pa ‘rin siya nakikita?! What happen to that fvcking CCTV?! Bakit hindi niyo makita ang pinapahanap ko?!” napakunot ang noo ko dahil doon at tinitigan ang lalaking matanggad na nakasoot ng puting polo.
Kung titignan mo ito ay sobrang tikas ng katawan at nakakatakot ang aura lalo na ngayon dahil sa sobra nitong makatingin sa tauhan niya. Pero hindi ‘yun ang nakakuha ng atensyon ko. Iyong sinabi niya, hindi kaya si Ella ang hinahanap niya?! Based sa itsura nito ay ito ang nakasama ni Ella sa iisang kwarto! Hindi kaya kung anong gawin niya kay Ella lalo na at nagsama sila sa iisang kama!
Nakaisip ako ng solution dahil doon. Naglakad ako papalapit sa mga ito. “Excuse me,” napatigil sila dahil sa sinabi ko at tumingin saakin. “Sorry to interrupt pero hinahanap niyo ba ‘yung babaeng nakasoot ng white tshirt na may soot na short na panlalaki at sumbrelo?” biglang nagkaroon ng liwanag sa mata nung lalaking gwapo na ikinataas sandali ng kilay ko.
“Yes! Yes! Did you saw her?!” agad na tanong nito saakin na ikinatango ko. “Yes, I’ve seen her. Dumaan siya sa main door.” Muling sumama ang muka ng lalaki dahil doon. “Thanks for your help.” Tumango ako sa kaniya at naglakad na palayo pero narinig ko pa ang galit na sigaw nito. Sino ba siya at bakit gustong-gusto niya makita si Ella?
Napailing nalang ako at pumunta sa kwarto ko. Ilang oras ang lumipas ng makontak ko si Ella at nalaman ko na papunta siya sa bulking mayon kaya hindi kao nagdalawang isip sumunod dito lalo na at umiiyak siya. Sigurado ako na may nangyari dahil hindi nito ugaling pumunta sa mayon ng walang dahilan. Nagpaalam ako kay daddy na agad naman niya akong pinayagan at sinabing isama ko na daw si Ella dito kaya pumayag na ako.
‘Hintayin mo ako Ella’
ISABELLA NAPADILAT ako ng biglaan ng maalala ko kung ano ang nangyari saakin. Kitang-kita ko ang nakakasilaw na liwanag ng truck at ang malakas na busina nito na tatama saakin. Napapikit ako dahil doon at agad na naupo mula sa aking pagkakahiga habang hawak ang aking ulo. “Miss, anong nararamdaman mo? Hindi ka pa dapat bumabangon.” Narinig ko ang babaeng boses na mukang ako ang kinakausap kaya napatingin ako sa kaniya. “Kamusta ang pakiramdam mo?” tinignan ko ang itsura ng babaeng ito at nakasoot siya ng pang nurse na uniform. Doon ko lang nailibot ang aking mata sa paligid at narealize ko na nasa isang kwarto ako ng ospital. “N-Nasaan ako?” baling kong tanong sa kaniya na ikinangiti nito. “Nandito ka sa St. Jude Hospital, isinugod ka dito three days ago dahil nabangga ka ng truck. Wag kang mag-alala dahil sinagot nila ang bayad mo sa ospital bills.” Totoo nga na nabunggo ako. Pero Ano ang sabi niya? “Three days ago?!” gulat na tanong ko na ikinatango niya. “Oo, tatlong araw ka n
ISANG linggo ang lumipas simula ng pumasok ako sa Motorific Company at masasabi kong naging maayos naman ang pagsisimula ko pwera nalang sa nararamdaman kong motion sickness. Lalo na s aumaga, tamad na tamad akong bumangon gayong kailangan kong pumasok ng maaga. Dalawang araw palang ako sa bahay nila Pauline ng mahalata agad ng mama nito na buntis ako. Nahiya pa ako sa kanila at nagtanong kung ayos lang ba na buntis ang umupa sa kanila. Tinaggap naman nila ako at mas natuwa pa nga dahil ngayon nalang daw ulit magkakaroon ng baby sa kanila. Nakakatuwa pa nga at bumili na agad ng mga damit pambata ang mama ni Pauline. Nahihiya ako pero sabi niya kapag may anak ka na hindi daw dapat mahiya kaya palagi kong itinatak sa isip ko ‘yan. Panibagong yugto ito ng buhay ko kaya hindi ko dapat ikahiya ang anak ko. “Alam mo Ella, tatlong araw ka palang nagsisimula dito sa kumpanya may napansin na ako agad na kakaiba e.” hindi ako makatingin sa katabi ko sa aking table dahil sa sinabi niyang iyon
ISABELLA TAHIMIK akong nakaupo sa shot gun seat habang mahipit na hawak ang aking kamay upang itago ang panginginig nito. Sapilitan akong isinakay sa kotse nitong Mafia na ama ng aking anak. Kung alam ko lang na siya ang lalaking hinalikan ko ay hindi ko na dapat iyon ginawa, sabagay mas ayaw ko ‘din naman mapunta ulit sa kamay ng master Shin na iyon. Hindi siya nagsasalita kaya maging ako ay hindi na nagsalita pa. Ilang minuto ang lumipas at huminto siya sa isang restaurant. Naalarma ako ng bigla siyang bumaba, iyon na sana ang pagkakataon ko upang tumakas pero sa sobrang bilis niya kumilos ay napigilan niya ang pinto na binuksan ko. “You can’t escape with me my love,” malamig niyang sabi. Ayan nanaman ang my love na ‘yan, sa tuwing naririnig ko ‘yan ay parang bumabalik ako sa nakaraan. Nakaraan kung saan may—never mind. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako palabas ng sasakyan. “B-Bitawan mo ako pwede ba?!” sabi ko sa kaniya at pilit na inaalis ang kamay sa kaniya.
“DITO nalang ako sa tabi,” Turo ko nang makita ang bahay na medyo malayo pa sa bahay nila tita Eda. Ayaw ko na ihatid niya ako mismo sa bahay ni tita Eda dahil ayoko na muling mag krus ang landas namin. “Are you sure?” tanong nito na ikinatango ko naman. Itinabi niya ang kotse sa tapat ng isang bahay at dali-dali na siyang bumaba. “Sigurado ka ba na jan ang bahay mo?” tanong nito saakin ng makababa ito ng sasakyan. Mukang balak niya ata akong pagbuksan ng pinto. “Yes,” tango kong sabi, kita ko ang hindi paniniwala nito sa sinabi ko pero tumango nalang siya. “What I said to you is all true. Ayokong mag lihim sa’yo, sana kahit pangalan mo lang malaman ko.” napatitig ako sa kaniya. Nakikita ko ang sinseridad sa kaniyang mata pero hindi pa ‘rin magbabago ang katotohanan na takot ako sa kaniya. “A-Ako si Isabella.” Hindi ko alam kung bakit ang totoong pangalan ko ang sinabi ko sa kaniya ngunit ng sumilay ang ngiti sa labi niya ay mukang alam ko na. Gusto kong makita ang mga ngiti na ‘yo
SADYANG maliit ang mundo. Sa isip ni Dexter, halos paliparin na ni Ryc ang sasakyan hanggang sa huminto sila sa isang bahay. “Hoy R! Wag mo sabihing basta-basta kang manggugulo!?” hindi siya pinakinggan ng kaibigan at derederetsyo itong lumabas at kumatok sa bahay na iyon. “R, nasisiraan ka na ba?!” tanong nito sa kaibigan ngunit maya-maya ay bumukas ang pinto at nakita nila ang dalawang may katandaan nang babae at lalaki. “Anong kailangan nila mga hijo?” nakangiting tanong ng lalaki na malaki ang katawan. “Magandang gabi ho, nandito kami para sana kausapin si Isabella. Nanjan po ba siya?” magalang na tanong ni Ryc. “Isabella ba kamo? Nako hijo wala kaming kilalang Isabella, baka nagkamali kayo ng pinuntahang bahay.” Napakunot ang noo ni Ryc dahil doon. “Impossible, nakita ko po siya ditong pumasok.” Seryosong sabi ni Ryc na ikinahawak ni Dexter sa braso ng kaibigan at umiling. Hinarap niya ang dalawang matanda na nagatataka. “Ang ibig niya pong sabihin ay si Ella, Isabella po kasi
“ANG saya ko po mommy!”Nakangiting sabi ni Issa habang kumakain ng Ice Cream. “Masaya ako na masaya ang anak ko.” nakangiti ‘ding sabi ni Isabella at pinunasan ang gilid ng labi nito dahil kumalat ang Ice cream doon. Isang araw na ang nakakaraan magmula ng makabalik siya sa Bagiuo. Ang daming tanong sa kaniya ng mga kasama nila lalo na ang mga bakla ngunit hindi niya ito masagot.Ang tanging sinabi niya ay wala siyang makitang trabaho. Nagpasiya siyang ipasyal ang anak dahil na ‘rin sa kagustuhan niya na ma-refreshed ang kaniyang utak. Nagpunta sila sa Burnham Park, malayo sa kanilang tinitirhan, maraming turista doon na mas nagpapagaan ng loob ni Isabella dahil alam niya na hindi siya nag-iisa.“Mommy ‘wag ka po sanang magagalit,” napatingin siya sa anak na nagtataka. “Sino po ba ang daddy ko?” natigilan siya dahil sa tanong ni Issa. “’Wag ka pong magalit mommy, kun
RYC HINDI makapaniwala akong nakatingin sa anak kong si Issa habang kumakain sa aking harapan. Nandito kami ngayon sa Jollibee kung saan niya napiling kumain ng ganitong oras at laking pasasalamat ko dahil walang gaanong tao. Kung hindi ay baka pagkaguluhan kami. Napatingin ako kay Dexter ng bigla niya akong sikuhin “Baka nakakalimutan mo si Ella,” doon ako natauhan. Kanina ko pa kasam asi Issa pero hindi ako nag-tatanong, may pumipigil ‘din kasi saakin dahil alam ko na na-trauma ang bata sa mga nakita niya. Ang kaso siya lang ang makakatulong para mahanap si Isabella. “A-Anak pwede bang mag tanong si daddy?” tumingin siya saakin habang kumakain ng spaghetti. “P-Pwede po daddy, sorry po gutom talaga ako.” Sabi niya nang malunok ang kinakaing spaghetti pero nginitian ko lang siya at umiling. “Ayos lang anak, anong nangyari sa mommy mo?” biglang nawala ang sigla sa muka ni Issa matapos ko iyong tanungin at parang iiyak na ito. “S-Sandali Issa, wag kang umiyak. Sorry natanong ni d
“HELLO, is this Motorific Company?” Agad na tanong ni Nicole sa telepono matapos niyang hanapin ang Ryc o R na sinasabi ni Isabella. Noong una ay nag-aalangan pa siya ngunit walang masama kung magtatanong kaya tinawagan niya agad ang numero na nasa advertising ng mga ito. “Yes ma’am. Mag papareserba ho ba kayo ng meeting? Are you aware po that it’s already midnight?” ramdam ni Nicole ang inis ng lalaking kausap sa kabilang linya at maging siya ay nahihiya ngunit kailangan niyang makasiguro. “I’m really sorry. This is so important, gusto ko lang alamin kung nanjan ba si Ryc o R?” biglang natahimik sa kabilang linya dahilan para makagat niya ang hinlalaking kuko niya. “What do you want for my boss ma’am?” magalang na tanong nito. “G-Gusto ko lang alamin kung nanjan ba si Issa, pinapahanap kasi siya saakin ng m-mama niyang si Ella—I mean Isabella.” Nakarinig siya ng kakaibang ingay sa telepono na mukang nag-uusap kaya napakunot ang kaniyang noo hanggang sa may magsalitang ibang lala
ISANG buwan ang lumipas at nasa simenteryo sila ngayon upang bisitahin ang puntod ni Grace at ng anak nito na si Mark sa pangunguna ni Yvonne. Hindi niya pa ‘rin maitatanggi na ina niya si Grace kung kaya dinalaw nila ito. “Mommy, kung ano man ang ginawa niyo saamin ay sana maisip mo na mali ang lahat ng iyon. Hindi ko masasabi kung mapapatawad ka namin pero sigurado naman kami na si God na ang bahala doon. Time will heal our wounds mommy.” Hinagod ni Richard ang balikat ng asawa dahil naiiyak nanaman ito. Kasama nila ngayon sina Ryc at Isabella, Dexter at Nicole, Leandro at Glaiza, si Parker at ang magulang ni Isabella na hawak si Issa. Maayos na nag lagay ni Vienna ngayon hindi katulad noong isang buwan na halos hindi siya makatayo dahil sa pag-opera sa kaniya. Isang buwan na ‘din nag lumipas magmula ng matapos ang gulo sa pagitan nila ng lola ni Ryc ay bumalik na sa ayos ang lahat. Napatunayan na si Grace at Mark ang may kagagawan ng illegal business ni Parker na matagal na ni
Natahimik ang buong paligid dahil sa eksenang nasa harapan. “M-Mama! Mark! Ano ito?!” kunwaring natatakot na tanong ni Isabella habang hawak ang balikan ng lalaki. Napuno na ‘din ng bulungan ang paligid dahil sa pag-aresto ng mga ito. “Sumama nalang kayo para wala ng gulo.” Hinawakan na sila ng mga pulis sa kanilang braso ngunit nagpumiglas si Mark. “H-Hindi! Hindi niyo kami pwedeng kunin!” “’Wag na po kayong lumaban para walang gulo.” Kalmadong sabi ng mga pulis. “Mommy ngayon na!” ngunit nagulat sila ng kalabanin sila ng mag-ina at sinuntok sa muka ang dalawang pulis. Agad na naglabas ng baril ang mga pulis na ikinatili ng mga tao sa paligid habang si Mark at Grace ay mabilis na kinuha si Isabella at May. “Kyahh!” tili ng mga tao sa paligid at nagsimula ng tumakbo palabas. “Subukan niyong sumunod papatayin namin ang dalawang babaeng ‘to!” mayroon ng baril na nakatutok sa ulo ni Isabella at May kung kaya walang nagawa ang mga pulis kundi ang hayaan ang mga ito. “Isabella!” sig
NGAYON ang araw kung kailan ipakikilala ako ni Mark bilang asawa niya. Nasa loob kami ngayon ni ate May at inaayusan ng kung sino. Parang bumalik tuloy saakin ang araw na ibebenta kami ni ate May lalo na at pula ang suot ko habang si ate May ay naka-itim na dress kung saan kitang-kita ang malaki niyang tiyan. Panaka-nakang tingin ang binibigay namin sa isa’t-isa dahil alam namin na iyon na ang araw para kumawala kay Mark. Maayos ang plano namin ni ate May at sana lang ay gumana iyon mamaya. Maayos na nakapune ang buhok ko na pa-bun habang si ate May naman ay nakalugay ang mahaba nitong buhok na kinulot. Bagay na bagay sa kaniya, feeling ko tuloy babae ang baby ni ate May dahil sa pagkablooming niya. Ganoon kasi ang sabi nila, kapag blooming ang nagbubuntis ay babae ‘daw. Ako naman ay wala pa atang dalawang buwan ang tiyan ko, hindi ko ‘din alam dahil wala pa akong check-up. “Wow! Ang gaganda niyo namang dalawa!” napalingon kami sa nagdalita at pumasok si Grace, ang lola ni Ryc. No
ISABELLA “ATE May wala na si Mark. Pwede na tayong tumakas!” Yugyog na tawag ko kay ate May nang makapasok ako sa kwarto nila ni Mark. Ilang araw na ang nakaraan magmula nang magpanggap kami na gumana ang tinurok saamin ni Mark. Ang totoo kasi niyan ay simpleg tubig lamang ang inilagay ni ate May sa syringe na mabuti nalang dahil maging siya ay tinurukan ni Mark. Nalaman ko na aware siya sa gagawin ni Mark at wala siyang magagawa kundi sundin ang lalaki dahil mahal niya ito. Marami na siyang na kwento saakin, kung anong nangyari sa kaniya matapos naming mapag benta hanggang sa mapunta siya sa puder ni Mark at sa batang nasa sinapupunan niya. Sa kaniya talaga ako nag-aalala dahil mukang mababa ang kaniyang tiyan ibig sabihin maaaring may mangyaring masama sa anak niya. Hindi ko siya masisisi, sobrang dami niyang stress kay Mark. Samahan mo pa na nagdadala ng babae si Mark, kanina nga lang ay nakita ko siya na may ka-make out sa sala. Doon ko ‘din narinig ang pakikipag-usap nito
“KANINA pa kita hinihintay Mark, nasaan ka na ba?” Naiiritang sabi ni Grace sa telepono habang kausap ang kaniyang anak. Matapos niyang mahuli si Parker ay itinali niya ang kamay nito sa habang nasa-upuan at agad na sinabihan ang anak na sunduin sila doon upang magtago. Alam niya kasi na hahanapin ito ng apo niya si Ryc kaya kailangan niyang gamitin ito laban sa kanila. “Mommy, wait, okay? May inaasikaso pa ako dito.” “Ano bang inaasikaso mo?! Babae?! Punatahan mo na ako dito ngayon ‘din!” pagkasabi niya niyon ay ibinaba na niya ang tawag at inis na nilingon si Parker na nakapikit habang nakasandal sa kinauupuan nito. “Bakit kalamado ka lang?! Anong pinaplano mo?!” Napadilit ang lalaki dahil sa sigaw ng kaniyang asawa. Nang makita niya ang muka ni Grace ay hindi niya akalain na ang babaeng lagi niyang kasama ay magagawa iyon sa kaniya. Bumabalik sa kaniyang isipan na parang isinugal niya ang sariling mahal na si Tiffany para lang makasama niya ang isang sinungaling na si Grace.
“AALIS ka sweetheart?” Napalingon si Grace kay Parker ng pumasok ito sa kailang kwarto. Ngumiti siya dito at inayos ang kaniyang bag. “Oo, sweetheart. Alam mo namang matagal ko ng hindi makikita ang mga amiga ko. Nang malaman nilang nandito ako nag arrange agad sila ng schedule ngayon. Nakakahiya naman kung tatangihan ko eh.” Ngumiti si Parker at lumapit sa asawa pagkatapos ay hinalikana ng ulo nito. “Sige, basta mag-iingat ka, okay? Ilang oras ka ba doon? Iintayin kita,” napatingin si Grace sa kaniyang orasan at nagsalita. “Siguro after five hours, alam mo naman ‘yung matatandang ‘yun.” “Nagsalita ang hindi matanda,” natawa sila pareho dahil sa kanilang kakulitan at nagpaalam na si Grace. Naiwan mag-isa si Parker na napapangiwi dahil sa kaniyang pagpapanggap na ginagawa. Binuhay niya ang kaniyang laptop at nag send ng email kay Issa. “Pupunta na ako after an hour…” ***NAGHIHINTAY si Parker sa isang restaurant sa loob ng mall na kanilang napa-usapan. Ang buong akala niya ay s
“KAILANGAN mo lang pala ng pahinga sweetheart, bakit ka ba na-stress? Anong iniisip mo huh?” Hindi nakasagot si Parker sa sinabi ni Grace. Hindi naman niya magawang sabihin dito ang totoo dahil hindi pa siya handa na kumprontahin ito sa kaniyang mga nalaman. Gusto pa niya ng patunay, gusto pa niyang malaman ang totoo. “Tungkol ba ito sa pagbitaw natin sa negosyo?” napahinto si Parker sa sinabi ni Grace. “Sweetheart naman… sige ganito nalang. Papayag ako sa gusto mo basta mayroon tayong pagmamanahan ng negsyo? Hindi ako papayag na mabaliwala lahat ng efforts natin!” napalingon siya sa asawa dahil doon. ‘Ganito mo ba kagusto ang pera ko Grace?’ mapait na tanong niya sa kaniyang isipan. Ngumiti siya sa asawa at tumango. “Okay sige, papayag na ako. Gusto ko na talagang malagay sa tahimik at bumalik sa Pilipinas.” Nanalaki ang mata ni Grace sa huling sinabi ni Parker at hindi makapaniwalang nakatingin dito. “W-What?” “Bakit? May problema ba sweetheart? Gusto ko na talagang umuwi lal
“YOU did what?!” Mahina ngunit may gulat na bulalas ni Grace matapos marinig ang sinabi ng kaniyang anak na si Mark sa telepono. Tinawagan nalang siya nito bigla at alam niya na iyon na ang signal upang sabihin sa kaniya na nagawa na nito ang kaniyang pinapagawa. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang ginawa nitong pagturok ng kanilang experiment sa dalawang babaeng kasama nito sa bahay. “Nasisiraan ka na ba ng ulo Mark?! May is pregnant with your child! Paano kung maapektuhan ang bata sa tyan nito?! Serious types of chemicals ang nakalagay doon!” napapasabunot na sabi ng ginang sa telepono at alalang-alala.Kilala niya si May. Nakilala niya ito dalawang taon na ang nakakaraan at ito na ang naging kasama ng anak niya si Mark simula niyon at hindi na ito iniwan, noong una ay akala niyang isang simpleng s*x slave lang ng anak ang babae ngunit nang makita niya ang kakaibang kilos nito gawi sa babae ay nalaman niyang hindi. Ngunit dahil na ‘rin pareho silang may sakit sa pag-iisip ay hin
“Tama si Ryc, ‘wag kayong mag-alala. Maayos na ang lagay ng asawa ko, akala ko ‘rin ay iiwan na niya ako ngunit hindi. Lumaban siya para saamin ni Isabella,” Napangiti sila sa sinabi nI Kenneth. “Speaking off, mayroon kaming magandang balita sa inyo.” Natigilan sila sa sinabi ni Eda. Napatingin ito sa kaniyang asawa na tila nagtatanong kung dapat ba niyang sabihin ngunit nakangiti lang ‘din itong tumango. “Ano po iyon tita?” “Buntis si Isabella Ryc! Magiging daddy ka na ulit!” nagulat sila sa isinawalat ni Eda habang si Leandro at Dexter ay napasuntok sa balikat ni Ryc dahil sa narinig. “Kailangan na talaga nating mahanap ang anak ko…” wala sa sariling sabi ni Kenneth na maging siya ay nabigla sa balitang iyon. “Y-Yeah, kailangan ako ni Isabella.” Ani Ryc. ***“GISING ka na pala Isabella,” Nabaling ang paningin ni Isabella sa nagsalita at doon lang bumalik s akaniya ang buong pangyayari bago pa siya tuluyang mawalan ng malay. Agad siyang napaupo sa kaniyang hinihigaan at napaya