ISABELLA
NAGISING ako dahil sa sakit na pumipintig sa aking pagkababae at pagdilat ko ay sumalubong saakin ang kakaibang kisame. Napakapit ako sa aking ulo ng maramdaman ko ang sakit niyon ngunit bigla ‘ring napadilat ng maalala kung ano ang nangyari kagabi. Agad akong tumingin sa aking tabi at pabalik na napahiga ako sa higaan ng makita ang lalaking hindi ko kilala.
Kusang tumulo ang aking mga luha at napasabunot pa ako sa aking buhok dahil sa katangahan. Ano bang ginawa ko?! Hindi ko ‘din alam kung paano ko iyon nagawa basta ang alam ko sobrang init sa buong katawan ko na tila mayroong gustong lumabas. At ayun na nga, may lumabas na! Tsk.
Nagpasiya ako na umalis ng hindi nagigising ang lalaki, pero natatakot pa ‘rin akong lumabas lalo na at baka hinahanap ako ng mga mafia na bumili saakin. Napapaisip din ako na mas okay na sa lalaking katabi ko ngayon naibigay ang aking pagkababae kaysa doon sa malaking tiyan na matandang master Shin. Pero kahit na ganon mali pa ‘rin ang ginawa ko dahil hindi ko naman siya asawa o boyfriend!
Ingat na ingat akong bumaba sa higaan para lang hindi ito magising at matagumpay ko naman itong nagawa. Pumunta ako sa drawer nito at naghanap ng tshirt doon. At dahil malalaki iyon ay mas okay, pati ang short niya ay kinuha ko na din at nilgyan ng sinturon. Matapos kong gawin iyon ay tinignan ko siya sa huling pagkakataon hanggang sa magsawa ako sa taglay niyang kagwapuhan.
Oo na, gwapo siya aaminin ko ngunit di pa ‘rin magbabago ang katotohanan na nakakahiya ang ginawa ko. Lumabas ako ng kwartong iyon ngunit sakto na may nakita akong sumbrelo na nakasabit sa may gilid ng pinto kaya agad ko iyong kinuha at sinoot. Sumalubong saakin muli ang mahabang hallway at this time sa elevator na ako sumakay pababa ng hotel.
Walang pumapansin saakin dahil sa sobrang busy ng mga tao nakakasalubong ko na mas okay. Pero hindi ako pwedeng manatili na walang gagawin, kailangan kong tawagan ang kaibigan ko na si Nicole para matulungan ako sa gusot na ginawa ko. Naghanap ako ng maaari kong mapaghiraman ng cellphone upang makitawa.
Maya-maya ay may nakita ako isang ginang na may dalang baby sa stroller at muka itong mabait kaya siya na ang nilapitan ko. “Excuse me ma’am, pwede po ba akong makitawag importante lang po kasi nawala ang phone ko.” ngumiti siya agad saakin. “Oo naman hija, ito oh.” Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Mabuti nalang at mabait talaga siya at pinahiram ako kung hindi katapusan ko na.
Agad kong tinawagan ang aking kaibigan ngunit sa unang tawag ko ay hindi niya ito sinagot. Naalala ko na hind inga pala nasagot ng number lang ang babaeng iyon kaya tinext ko siya at sinabing ako ‘yon. Tatawagan ko na sana siya ng biglang tumawag si Nicole kaya dali-dali ko itong sinagot.
“Nicole!”
“Ella! Nagpalit ka ba ng number mo?” bungad nito saakin. “Nic, wala na akong oras. Wala ang phone ko puntahan mo ako dito sa—” napahinto ako ng diko nga pala alam ang name ng hotel. Napatingin ako sa ginang na hiniraman ko ng phone at lumapit dito. “A-Ah eh pwede po bang tanungin kung nasaan tayong hotel?” ngiti kong tanong.
“Oo naman, nasa Okada hotel tayo.” Gusto kong mapanganga dahil sa sinabi nito at halos manlumo ako dahil doon. Napakalayo ng Okada sa tinitirhan namin ni Nicole! “Okada? Hoy babae ka nandito ako! Anong ginagawa mo sa Okada?!” parang nabuhayan ako sa aking naring at pasumandaling nawala sa ala-ala ko na mayaman nga pala ang kaibigan ko.
“Jusko, salamat Nicole! Puntahan mo ako dito sa lobby bilisan mo!” pinatay ko na ang tawag dahil nakakahiya na sa ginang at ibinalik ito. “Maraming salamat po sobrang laking tulong!” ngumiti saakin ang babae at umalis na. Naupo ako sa isa sa mga sofa na andoon at hindi mapakali ang aking paa dahil sa sobrang kaba habang inaantay si Nicole.
“Is there anything wrong ma’am?” nagulat ako ng magsalita ang isang staff na lumapit saakin. Hindi ko alam ang sasabihin ko! “There’s nothing wrong miss. She’s with me,” biglang mayroong nagsalita na ikinalingon naming pareho at nakahinga ako ng maluwag ng makita ang napakaganda kong kaibigan na si Nicole! “I’m sorry ma’am, enjoy your stay.” Nag bow ang babae saamin na nakasoot ng uniform nila na red. Sabagay puro red ang nakikita ko sa paligid e, red flag na red flag.
“Anong ginagawa mo dito?!” sermon na bulong saakin ni Nicole, gusto ko ng umiyak sa harapan niya ngunit hindi ko muna ginawa dahil kailangan naming ng tahimik na lugar. “Nic wag dito, doon tayo sa tahimik na lugar.” Alala kong sabi habang tumitingin sa paligid. “I know a place!” hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako papunta sa kung saan.
Doon ko lang napagmasdana ng soot ni Nicole. Nakasoot siya ng crop top na na pinatangan ng makapal na jacket at high waisted na pantalon na itim. Di naman siya nilalamig no? Sabagay airconditioned kasi dito. Pumasok kami sa isang restaurant and still puro pula pa ‘rin ang nakikita ko. Naupo kami sa gintang parte ngunit wala naman gaanong iba pang tao kaya ayos lang.
U-morder muna si Nicole at hinarap ako. “Sabihin mo na bilis!” napabuntong hininga ako dahil sa sinabi nito. “H’wag kang mabibigla Nic, Hinahabol ako ng mga masasamang tao. Nagising ako isang gabi na may pumasok sa bahay hanggang sa hinabol nila ako, may mga putok pa ng baril hanggang sa mawalan ako ng malay. Nang magising ako ay nasa isang auction ako at ibinenta ako sa halagang 20M! Tapos napaka pangit at tanda na malaki pa ang tiyan ng nakabili saakin.
Hindi ko talaga alam gagawin ko ‘nun mabuti at tinulungan ako ni ate May na kasama ko sa auction at ibinigay saakin ang pepper spray pagkatapos ay nakatakas ako sa matandang panget na yun, ang kaso pumasok ako sa isang suite ng hindi ko kilala at may nangyari saaming dalawa.”
Napatakip ako sa aking muka dahil sa mahabang paglalahad sa nangyari at dahil na ‘rin sa sobrang stress na nararanasan ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. “Ang galing, kakabasa mo ‘yan ng mga libro Ella.” Agad kong naalis ang kamay ko sa aking muka at sumalubong sa kaniya ang mga masasaganang luha na kagabi ko pa pinipigilan. “Muka ba akong gumagawa ng kwento Nicole?!”
Saktong dumating ang pagkain namin kaya napaiwas ako ng tingin at pinunasan ang aking mga luha. “Huy! Sorry na Ella, hindi lang ako makapaniwala dahil sa sinabi mo. Paanong hinahabol ka ng masasamang tao?!” tanong niya saakin ng makaalis ang mga waiter kaya napatingin ako sa kaniya. “Narinig ko na sabi ay pambayad daw ako sa utang nila mama at papa, hindi ko akalain na ipapambayad nila ako.”
Hindi ko maiwasan na malungkot dahil doon, mahal na mahal ko ang magulang ko kahit pa na medyo iba ang trato nila saakin sila pa ‘rin ang magulang ko. “Hindi ka na ngang trinatratong tama ibinenta ka pa! Dapat ‘yung kapatid mong masama ang ugali nalang ang binenta nila!” inis na sabi ni Nicole. Hindi ko siya masisisi dahil mainit ang dugo saakin ni Kim pero kahit ganon ‘yun alam kong di naman siya gagawa ng ikakasama ko.
“Nic naman, siya na nga lang nag-iisa kong kamag-anak e.” inalis ko ang sumbrelo ko at nagsimula ng kumain dahil nagugutom ako. “Kamag-anak, e bakit hinanap ka ba manlang niya? Wala diba? Sa kwento mo ilang araw ka ng wala tapos di manlang siya nagtanong saakin gayong ako lang naman ang kaibigan mo!” natahimik ako dahil sa sinabi niya. May punto siya doon, hinahanap kaya ako ni Kim o hindi? Wala kasi siya sa bahay ng mangyari ang gulo, baka natakot ‘yun at dina ako hinanap pa.
“Hayaan natin siya, ang mahalaga ay matulungan mo ako na mabura ang CCTV ngayon at kahapon. Hindi pwedeng makita nila ako Nicole!” napaseryoso naman si Nicole dahil sa sinabi ko at dali-daling kinuha ang kaniyang cellphone at may tinawagan. Tinuloy ko ang aking pagkain dahil gutom na gutom na ako feeling ko ilang araw akong di kumain. “Hello? I want you to hack the CCTV footage here at Okada hotel— Yes, last night and today— Yes, please. Thank you.” Napatingin ako sa kaniya ng ibaba niya ang telepono.
“Okay na, bilisan mong kumain dahil magkakaroon ng shut down sa kuryente as part of the hacking system. By that time dapat makalabas na tayo dito.” Napangiti ako dahil sa sinabi ni Nicole. “The best ka talaga Nic Salamat, utang ko sa’yo ang buhay ko!” inirapan niya ako dahil doon. “Wag ka nga jan! Hindi ka pa ligtas kaya kailangan nating makaalis dito.”
Tumango ako sa sinabi niya at nagpatuloy sa pagkain. “May soot na malaking t-shirt at malaking short na panlalaki at sumbrelo na kulay itim.” Napaupo ako ng maayos ng marinig ko iyon sa walkie talkie ng dumadaan na security. “Copy that sir,” nagulat ako ng biglang ihagis saakin ni Nicole ang kaniyang jacket at nakuha ko agad ang ibig niyang sabihin kaya sinoot ko iyon ng madalian at umarte na parang wala lang.
“Negative sir,” maya-maya pa ay banggit ng security na nasa likuran ko lang. Narinig ko ang paglalakad nito paalis na ikinahinga ko ng maluwag. “Hinahanap na niya ako!” nanlalaki ang matang sabi ko kay Nicole sa pabulong na paraan. “We really need to get out of here! Baka kunin ka pa saakin nung naka one-night-stand mo.” Sinamaan ko ng tingin si Nicole dahil sa sinabi niya pero sabay kaming napatili ng biglang mamatay ang ilaw.
“Now Ella!” naramdaman ko ang pagkapit niya sa kamay ko at hinila ako nito papunta sa kung saan. Wala akong alam sa Okada hotel dahil hindi pa naman ako nakakapunta dito at iyon ang unang pagkakataon na nakatapak ako dito. Matapos lang ang halos tatlong minutong pagtakbo ay nakalabas kami ng hotel at nakita ko na nasa isang eskinita kami.
“Dito tayo!” seryosong-seryoso si Nicole na tila alam na alam niya ang daan. Sabagay matalino naman kasi talaga si Nicole pero hindi naman ako papahuli, sadyang magaling si Nicole sa usaping labanan dahil ang daddy niya ay isang sundalo. Maya-maya ay mayroong kotse na huminto sa aming harapan at binuksan niya iyon.
“Pasok na Ella bilis!” agad akong tumalima dahil doon at pumasok na din sa loob.
***
“ARE you telling me that we lost her?!”
Dumagundong ang malakas na boses ni R sa CCTV room kung saan ay naisip niya na iyon ang tanging paraan para makita niya ang babae na nakasama niya ilang oras lang ang nakakaraan. Nagising siya na wala na ito sa kaniyang tabi at tanging ang damit lamang nito ang naroroon ngunit nawawala ang isa niyang damit at short na hinula niyang soot ng babae.
“S-Sir hindi namin maintindihan dahil biglang nawala ang mga CCTV footage simula kagabi.” Napahilot sa sintido niya si R dahil sa narinig.
Siya si Ryc o mas kilala ng marami bilang R Garcia, isa siyang mayaman, masungit at walang emosyon na CEO ng malaking kumpanyan sa buong mundo. Hindi niya akalain na sa dinami-dami niyang nakasama sa iisang kama ay hahanapin niya ang babaeng hindi naman niya kilala.
“R, hindi kaya na-hacked ang CCTV footage?” bulong sa kaniya ng kaibigan na si Dexter, ang kaniyang sekretarya na pinakang pinagkakatiwalaan niya sa lahat ng bagay. Napaisip naman siya dahil sa sinabi nito. Naalala niya na iyon ang babaeng nabili sa auction ni master Shin, balak niya talagang bilhin ang babae dahil muka pa itong bata at walang kamuwang-muwang sa nangyayari ngunit ng mag bid si master Shin ng 20M ay ibinigay niya ito sa kadahilanang alam niyang maaaring maubos ang pera ng katunggali at kung sakali ay maaari niya itong mapabagsak.
Agad na umalis si R sa silid na iyon habang sumunod si Dexter sa kaniya. “Imbestigahan mo ang Silver Tag Organization, siya ‘yung babaeng nabili ni master Shin.” Gulat na napatingin si Dexter kay R at maya-maya pa ay napatawa ito na may halong pang-aasar.
“Sabi ko na nga ba may something sa babaeng ‘yun e! ‘Yun ang unang beses na sumali ka sa biding R! Hindi kaya siya na talaga ang para sa’yo?” nang-aasar na sabi ni Dexter sa kaniya. “You’re right, siya na ang para saakin at lahat gagawin ko para mahanap siya. Kaya kapag dimo siya nahanap malalagot ka saakin.” Napahinto sa paglalakad si Dexter dahil doon at napanganga na nakatingin sa likod ng kaibigan na papalayo na sa kaniya.
Hindi niya akalain na darating ang araw na tuluyang matatamaan si R sa isang babae. Sobrang ilap kasi nito sa mga kababaihan na minsan inaakala na niyang bakla ito ngunit ngayon ay napatunayan na niyang hindi. Napatunayan niya ‘rin na kakaiba itong magmahal. Sabagay, talagang kakaiba dahil siya ang nag-iisang ranked 1 sa under world na tinatawag ng lahat na mafia boss.
“R, hintayin mo ako!”
ISABELLA “SIGURADO ka bang magiging ayos ka lang dito Ella?” Nag-aalalang tanong ni Nicole saakin nang makarating kami sa di kalayuan sa aming bahay. Ilang oras ‘din ang byahe namin papunta dito sa Bulacan na sinabi ko ay gusto ko nalang umuwi. Ang sabi pa nga niya saakin ay i-bobook niya daw ako sa ibang hotel para mas safe daw ako pero hindi naman pwede na hindi ako umuwi dahil gusto ko ‘ding malaman kung ano na ang nangyari sa kapatid kong si Kim. Kahit naman na masama ang pakikitungo niyon saakin ay mahal ko ‘yun at nag-aalala ako para sa kaniya. “Ano ka ba Nic, bahay namin ito kaya siguradong magiging ayos lang ako.” Pampalubag loob na sabi sa kaniya ngunit inilingan niya ako. “Sabi mo diba dito ka pinuntahan ng mga nagbenta sa’yo. Ella, paano kung bumalik sila? Lalo na sa Manila pa ‘rin ako tutuloy hindi dito.” Napangiti ako dahil sa kabaitan ng aking kaibigan. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at tinignan siya sa kaniyang mga mata. “Nic, wag kang mag-alala okay? Tatawag ak
ISABELLA NAPADILAT ako ng biglaan ng maalala ko kung ano ang nangyari saakin. Kitang-kita ko ang nakakasilaw na liwanag ng truck at ang malakas na busina nito na tatama saakin. Napapikit ako dahil doon at agad na naupo mula sa aking pagkakahiga habang hawak ang aking ulo. “Miss, anong nararamdaman mo? Hindi ka pa dapat bumabangon.” Narinig ko ang babaeng boses na mukang ako ang kinakausap kaya napatingin ako sa kaniya. “Kamusta ang pakiramdam mo?” tinignan ko ang itsura ng babaeng ito at nakasoot siya ng pang nurse na uniform. Doon ko lang nailibot ang aking mata sa paligid at narealize ko na nasa isang kwarto ako ng ospital. “N-Nasaan ako?” baling kong tanong sa kaniya na ikinangiti nito. “Nandito ka sa St. Jude Hospital, isinugod ka dito three days ago dahil nabangga ka ng truck. Wag kang mag-alala dahil sinagot nila ang bayad mo sa ospital bills.” Totoo nga na nabunggo ako. Pero Ano ang sabi niya? “Three days ago?!” gulat na tanong ko na ikinatango niya. “Oo, tatlong araw ka n
ISANG linggo ang lumipas simula ng pumasok ako sa Motorific Company at masasabi kong naging maayos naman ang pagsisimula ko pwera nalang sa nararamdaman kong motion sickness. Lalo na s aumaga, tamad na tamad akong bumangon gayong kailangan kong pumasok ng maaga. Dalawang araw palang ako sa bahay nila Pauline ng mahalata agad ng mama nito na buntis ako. Nahiya pa ako sa kanila at nagtanong kung ayos lang ba na buntis ang umupa sa kanila. Tinaggap naman nila ako at mas natuwa pa nga dahil ngayon nalang daw ulit magkakaroon ng baby sa kanila. Nakakatuwa pa nga at bumili na agad ng mga damit pambata ang mama ni Pauline. Nahihiya ako pero sabi niya kapag may anak ka na hindi daw dapat mahiya kaya palagi kong itinatak sa isip ko ‘yan. Panibagong yugto ito ng buhay ko kaya hindi ko dapat ikahiya ang anak ko. “Alam mo Ella, tatlong araw ka palang nagsisimula dito sa kumpanya may napansin na ako agad na kakaiba e.” hindi ako makatingin sa katabi ko sa aking table dahil sa sinabi niyang iyon
ISABELLA TAHIMIK akong nakaupo sa shot gun seat habang mahipit na hawak ang aking kamay upang itago ang panginginig nito. Sapilitan akong isinakay sa kotse nitong Mafia na ama ng aking anak. Kung alam ko lang na siya ang lalaking hinalikan ko ay hindi ko na dapat iyon ginawa, sabagay mas ayaw ko ‘din naman mapunta ulit sa kamay ng master Shin na iyon. Hindi siya nagsasalita kaya maging ako ay hindi na nagsalita pa. Ilang minuto ang lumipas at huminto siya sa isang restaurant. Naalarma ako ng bigla siyang bumaba, iyon na sana ang pagkakataon ko upang tumakas pero sa sobrang bilis niya kumilos ay napigilan niya ang pinto na binuksan ko. “You can’t escape with me my love,” malamig niyang sabi. Ayan nanaman ang my love na ‘yan, sa tuwing naririnig ko ‘yan ay parang bumabalik ako sa nakaraan. Nakaraan kung saan may—never mind. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako palabas ng sasakyan. “B-Bitawan mo ako pwede ba?!” sabi ko sa kaniya at pilit na inaalis ang kamay sa kaniya.
“DITO nalang ako sa tabi,” Turo ko nang makita ang bahay na medyo malayo pa sa bahay nila tita Eda. Ayaw ko na ihatid niya ako mismo sa bahay ni tita Eda dahil ayoko na muling mag krus ang landas namin. “Are you sure?” tanong nito na ikinatango ko naman. Itinabi niya ang kotse sa tapat ng isang bahay at dali-dali na siyang bumaba. “Sigurado ka ba na jan ang bahay mo?” tanong nito saakin ng makababa ito ng sasakyan. Mukang balak niya ata akong pagbuksan ng pinto. “Yes,” tango kong sabi, kita ko ang hindi paniniwala nito sa sinabi ko pero tumango nalang siya. “What I said to you is all true. Ayokong mag lihim sa’yo, sana kahit pangalan mo lang malaman ko.” napatitig ako sa kaniya. Nakikita ko ang sinseridad sa kaniyang mata pero hindi pa ‘rin magbabago ang katotohanan na takot ako sa kaniya. “A-Ako si Isabella.” Hindi ko alam kung bakit ang totoong pangalan ko ang sinabi ko sa kaniya ngunit ng sumilay ang ngiti sa labi niya ay mukang alam ko na. Gusto kong makita ang mga ngiti na ‘yo
SADYANG maliit ang mundo. Sa isip ni Dexter, halos paliparin na ni Ryc ang sasakyan hanggang sa huminto sila sa isang bahay. “Hoy R! Wag mo sabihing basta-basta kang manggugulo!?” hindi siya pinakinggan ng kaibigan at derederetsyo itong lumabas at kumatok sa bahay na iyon. “R, nasisiraan ka na ba?!” tanong nito sa kaibigan ngunit maya-maya ay bumukas ang pinto at nakita nila ang dalawang may katandaan nang babae at lalaki. “Anong kailangan nila mga hijo?” nakangiting tanong ng lalaki na malaki ang katawan. “Magandang gabi ho, nandito kami para sana kausapin si Isabella. Nanjan po ba siya?” magalang na tanong ni Ryc. “Isabella ba kamo? Nako hijo wala kaming kilalang Isabella, baka nagkamali kayo ng pinuntahang bahay.” Napakunot ang noo ni Ryc dahil doon. “Impossible, nakita ko po siya ditong pumasok.” Seryosong sabi ni Ryc na ikinahawak ni Dexter sa braso ng kaibigan at umiling. Hinarap niya ang dalawang matanda na nagatataka. “Ang ibig niya pong sabihin ay si Ella, Isabella po kasi
“ANG saya ko po mommy!”Nakangiting sabi ni Issa habang kumakain ng Ice Cream. “Masaya ako na masaya ang anak ko.” nakangiti ‘ding sabi ni Isabella at pinunasan ang gilid ng labi nito dahil kumalat ang Ice cream doon. Isang araw na ang nakakaraan magmula ng makabalik siya sa Bagiuo. Ang daming tanong sa kaniya ng mga kasama nila lalo na ang mga bakla ngunit hindi niya ito masagot.Ang tanging sinabi niya ay wala siyang makitang trabaho. Nagpasiya siyang ipasyal ang anak dahil na ‘rin sa kagustuhan niya na ma-refreshed ang kaniyang utak. Nagpunta sila sa Burnham Park, malayo sa kanilang tinitirhan, maraming turista doon na mas nagpapagaan ng loob ni Isabella dahil alam niya na hindi siya nag-iisa.“Mommy ‘wag ka po sanang magagalit,” napatingin siya sa anak na nagtataka. “Sino po ba ang daddy ko?” natigilan siya dahil sa tanong ni Issa. “’Wag ka pong magalit mommy, kun
RYC HINDI makapaniwala akong nakatingin sa anak kong si Issa habang kumakain sa aking harapan. Nandito kami ngayon sa Jollibee kung saan niya napiling kumain ng ganitong oras at laking pasasalamat ko dahil walang gaanong tao. Kung hindi ay baka pagkaguluhan kami. Napatingin ako kay Dexter ng bigla niya akong sikuhin “Baka nakakalimutan mo si Ella,” doon ako natauhan. Kanina ko pa kasam asi Issa pero hindi ako nag-tatanong, may pumipigil ‘din kasi saakin dahil alam ko na na-trauma ang bata sa mga nakita niya. Ang kaso siya lang ang makakatulong para mahanap si Isabella. “A-Anak pwede bang mag tanong si daddy?” tumingin siya saakin habang kumakain ng spaghetti. “P-Pwede po daddy, sorry po gutom talaga ako.” Sabi niya nang malunok ang kinakaing spaghetti pero nginitian ko lang siya at umiling. “Ayos lang anak, anong nangyari sa mommy mo?” biglang nawala ang sigla sa muka ni Issa matapos ko iyong tanungin at parang iiyak na ito. “S-Sandali Issa, wag kang umiyak. Sorry natanong ni d
ISANG buwan ang lumipas at nasa simenteryo sila ngayon upang bisitahin ang puntod ni Grace at ng anak nito na si Mark sa pangunguna ni Yvonne. Hindi niya pa ‘rin maitatanggi na ina niya si Grace kung kaya dinalaw nila ito. “Mommy, kung ano man ang ginawa niyo saamin ay sana maisip mo na mali ang lahat ng iyon. Hindi ko masasabi kung mapapatawad ka namin pero sigurado naman kami na si God na ang bahala doon. Time will heal our wounds mommy.” Hinagod ni Richard ang balikat ng asawa dahil naiiyak nanaman ito. Kasama nila ngayon sina Ryc at Isabella, Dexter at Nicole, Leandro at Glaiza, si Parker at ang magulang ni Isabella na hawak si Issa. Maayos na nag lagay ni Vienna ngayon hindi katulad noong isang buwan na halos hindi siya makatayo dahil sa pag-opera sa kaniya. Isang buwan na ‘din nag lumipas magmula ng matapos ang gulo sa pagitan nila ng lola ni Ryc ay bumalik na sa ayos ang lahat. Napatunayan na si Grace at Mark ang may kagagawan ng illegal business ni Parker na matagal na ni
Natahimik ang buong paligid dahil sa eksenang nasa harapan. “M-Mama! Mark! Ano ito?!” kunwaring natatakot na tanong ni Isabella habang hawak ang balikan ng lalaki. Napuno na ‘din ng bulungan ang paligid dahil sa pag-aresto ng mga ito. “Sumama nalang kayo para wala ng gulo.” Hinawakan na sila ng mga pulis sa kanilang braso ngunit nagpumiglas si Mark. “H-Hindi! Hindi niyo kami pwedeng kunin!” “’Wag na po kayong lumaban para walang gulo.” Kalmadong sabi ng mga pulis. “Mommy ngayon na!” ngunit nagulat sila ng kalabanin sila ng mag-ina at sinuntok sa muka ang dalawang pulis. Agad na naglabas ng baril ang mga pulis na ikinatili ng mga tao sa paligid habang si Mark at Grace ay mabilis na kinuha si Isabella at May. “Kyahh!” tili ng mga tao sa paligid at nagsimula ng tumakbo palabas. “Subukan niyong sumunod papatayin namin ang dalawang babaeng ‘to!” mayroon ng baril na nakatutok sa ulo ni Isabella at May kung kaya walang nagawa ang mga pulis kundi ang hayaan ang mga ito. “Isabella!” sig
NGAYON ang araw kung kailan ipakikilala ako ni Mark bilang asawa niya. Nasa loob kami ngayon ni ate May at inaayusan ng kung sino. Parang bumalik tuloy saakin ang araw na ibebenta kami ni ate May lalo na at pula ang suot ko habang si ate May ay naka-itim na dress kung saan kitang-kita ang malaki niyang tiyan. Panaka-nakang tingin ang binibigay namin sa isa’t-isa dahil alam namin na iyon na ang araw para kumawala kay Mark. Maayos ang plano namin ni ate May at sana lang ay gumana iyon mamaya. Maayos na nakapune ang buhok ko na pa-bun habang si ate May naman ay nakalugay ang mahaba nitong buhok na kinulot. Bagay na bagay sa kaniya, feeling ko tuloy babae ang baby ni ate May dahil sa pagkablooming niya. Ganoon kasi ang sabi nila, kapag blooming ang nagbubuntis ay babae ‘daw. Ako naman ay wala pa atang dalawang buwan ang tiyan ko, hindi ko ‘din alam dahil wala pa akong check-up. “Wow! Ang gaganda niyo namang dalawa!” napalingon kami sa nagdalita at pumasok si Grace, ang lola ni Ryc. No
ISABELLA “ATE May wala na si Mark. Pwede na tayong tumakas!” Yugyog na tawag ko kay ate May nang makapasok ako sa kwarto nila ni Mark. Ilang araw na ang nakaraan magmula nang magpanggap kami na gumana ang tinurok saamin ni Mark. Ang totoo kasi niyan ay simpleg tubig lamang ang inilagay ni ate May sa syringe na mabuti nalang dahil maging siya ay tinurukan ni Mark. Nalaman ko na aware siya sa gagawin ni Mark at wala siyang magagawa kundi sundin ang lalaki dahil mahal niya ito. Marami na siyang na kwento saakin, kung anong nangyari sa kaniya matapos naming mapag benta hanggang sa mapunta siya sa puder ni Mark at sa batang nasa sinapupunan niya. Sa kaniya talaga ako nag-aalala dahil mukang mababa ang kaniyang tiyan ibig sabihin maaaring may mangyaring masama sa anak niya. Hindi ko siya masisisi, sobrang dami niyang stress kay Mark. Samahan mo pa na nagdadala ng babae si Mark, kanina nga lang ay nakita ko siya na may ka-make out sa sala. Doon ko ‘din narinig ang pakikipag-usap nito
“KANINA pa kita hinihintay Mark, nasaan ka na ba?” Naiiritang sabi ni Grace sa telepono habang kausap ang kaniyang anak. Matapos niyang mahuli si Parker ay itinali niya ang kamay nito sa habang nasa-upuan at agad na sinabihan ang anak na sunduin sila doon upang magtago. Alam niya kasi na hahanapin ito ng apo niya si Ryc kaya kailangan niyang gamitin ito laban sa kanila. “Mommy, wait, okay? May inaasikaso pa ako dito.” “Ano bang inaasikaso mo?! Babae?! Punatahan mo na ako dito ngayon ‘din!” pagkasabi niya niyon ay ibinaba na niya ang tawag at inis na nilingon si Parker na nakapikit habang nakasandal sa kinauupuan nito. “Bakit kalamado ka lang?! Anong pinaplano mo?!” Napadilit ang lalaki dahil sa sigaw ng kaniyang asawa. Nang makita niya ang muka ni Grace ay hindi niya akalain na ang babaeng lagi niyang kasama ay magagawa iyon sa kaniya. Bumabalik sa kaniyang isipan na parang isinugal niya ang sariling mahal na si Tiffany para lang makasama niya ang isang sinungaling na si Grace.
“AALIS ka sweetheart?” Napalingon si Grace kay Parker ng pumasok ito sa kailang kwarto. Ngumiti siya dito at inayos ang kaniyang bag. “Oo, sweetheart. Alam mo namang matagal ko ng hindi makikita ang mga amiga ko. Nang malaman nilang nandito ako nag arrange agad sila ng schedule ngayon. Nakakahiya naman kung tatangihan ko eh.” Ngumiti si Parker at lumapit sa asawa pagkatapos ay hinalikana ng ulo nito. “Sige, basta mag-iingat ka, okay? Ilang oras ka ba doon? Iintayin kita,” napatingin si Grace sa kaniyang orasan at nagsalita. “Siguro after five hours, alam mo naman ‘yung matatandang ‘yun.” “Nagsalita ang hindi matanda,” natawa sila pareho dahil sa kanilang kakulitan at nagpaalam na si Grace. Naiwan mag-isa si Parker na napapangiwi dahil sa kaniyang pagpapanggap na ginagawa. Binuhay niya ang kaniyang laptop at nag send ng email kay Issa. “Pupunta na ako after an hour…” ***NAGHIHINTAY si Parker sa isang restaurant sa loob ng mall na kanilang napa-usapan. Ang buong akala niya ay s
“KAILANGAN mo lang pala ng pahinga sweetheart, bakit ka ba na-stress? Anong iniisip mo huh?” Hindi nakasagot si Parker sa sinabi ni Grace. Hindi naman niya magawang sabihin dito ang totoo dahil hindi pa siya handa na kumprontahin ito sa kaniyang mga nalaman. Gusto pa niya ng patunay, gusto pa niyang malaman ang totoo. “Tungkol ba ito sa pagbitaw natin sa negosyo?” napahinto si Parker sa sinabi ni Grace. “Sweetheart naman… sige ganito nalang. Papayag ako sa gusto mo basta mayroon tayong pagmamanahan ng negsyo? Hindi ako papayag na mabaliwala lahat ng efforts natin!” napalingon siya sa asawa dahil doon. ‘Ganito mo ba kagusto ang pera ko Grace?’ mapait na tanong niya sa kaniyang isipan. Ngumiti siya sa asawa at tumango. “Okay sige, papayag na ako. Gusto ko na talagang malagay sa tahimik at bumalik sa Pilipinas.” Nanalaki ang mata ni Grace sa huling sinabi ni Parker at hindi makapaniwalang nakatingin dito. “W-What?” “Bakit? May problema ba sweetheart? Gusto ko na talagang umuwi lal
“YOU did what?!” Mahina ngunit may gulat na bulalas ni Grace matapos marinig ang sinabi ng kaniyang anak na si Mark sa telepono. Tinawagan nalang siya nito bigla at alam niya na iyon na ang signal upang sabihin sa kaniya na nagawa na nito ang kaniyang pinapagawa. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang ginawa nitong pagturok ng kanilang experiment sa dalawang babaeng kasama nito sa bahay. “Nasisiraan ka na ba ng ulo Mark?! May is pregnant with your child! Paano kung maapektuhan ang bata sa tyan nito?! Serious types of chemicals ang nakalagay doon!” napapasabunot na sabi ng ginang sa telepono at alalang-alala.Kilala niya si May. Nakilala niya ito dalawang taon na ang nakakaraan at ito na ang naging kasama ng anak niya si Mark simula niyon at hindi na ito iniwan, noong una ay akala niyang isang simpleng s*x slave lang ng anak ang babae ngunit nang makita niya ang kakaibang kilos nito gawi sa babae ay nalaman niyang hindi. Ngunit dahil na ‘rin pareho silang may sakit sa pag-iisip ay hin
“Tama si Ryc, ‘wag kayong mag-alala. Maayos na ang lagay ng asawa ko, akala ko ‘rin ay iiwan na niya ako ngunit hindi. Lumaban siya para saamin ni Isabella,” Napangiti sila sa sinabi nI Kenneth. “Speaking off, mayroon kaming magandang balita sa inyo.” Natigilan sila sa sinabi ni Eda. Napatingin ito sa kaniyang asawa na tila nagtatanong kung dapat ba niyang sabihin ngunit nakangiti lang ‘din itong tumango. “Ano po iyon tita?” “Buntis si Isabella Ryc! Magiging daddy ka na ulit!” nagulat sila sa isinawalat ni Eda habang si Leandro at Dexter ay napasuntok sa balikat ni Ryc dahil sa narinig. “Kailangan na talaga nating mahanap ang anak ko…” wala sa sariling sabi ni Kenneth na maging siya ay nabigla sa balitang iyon. “Y-Yeah, kailangan ako ni Isabella.” Ani Ryc. ***“GISING ka na pala Isabella,” Nabaling ang paningin ni Isabella sa nagsalita at doon lang bumalik s akaniya ang buong pangyayari bago pa siya tuluyang mawalan ng malay. Agad siyang napaupo sa kaniyang hinihigaan at napaya