Lango na sa alak si Vincent ngunit hindi pa rin siya tumitigil sa pag-inom. Nakakabingi ang tugtog at hiyawan ng mga taong sumasayaw sa paligid ngunit wala siyang pakialam. Ang tanging nais niya ay ang uminom ng maraming alak hanggang sa tuluyan na bumagsak ang kaniyang katawan.Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin siyang ideya kung saan nagtatago ang kaniyang asawa. Mayroon na rin ipinadalang divorce paper ang attorney ni Romana ngunit wala siyang balak na pirmahan iyon, kahit magkamatayan pa."Saan ka ba nagtatago na babae ka?!" liyong wika niya.Nag-utos na rin siya sa ilan niyang tapat na mga tauhan para hanapin ito ngunit walang makapagsabi sa eksaktong lugar na pansamantala nitong lungga. Maging si Roman ay minanmanan niya ngunit wala siyang napala sa kasusunod sa bayaw.Hindi niya batid kung ilang bote na ng alak ang nainom ngunit alam niyang marami-rami na rin sapagkat ramdam na niya ang kirot sa sintido, nagdodoble na rin ang kaniyang mga paningin.Mula sa isang madilim na sulo
Nanlilisik ang mga mata, tinignan ni Vincent ang nanikmura sa kaniya ngunit muli na naman umangat ang kamay nito. Napasalya siya sa rehas na bakal nang gawaran siya muli nito ng isang malakas na suntok sa mukha, umikot ang kaniyang paningin kasunod ang pagbulagta ng katawan niya sa sahig.Hindi pa ito nakontento, pinagtatadyakan pa ang kaniyang katawan habang nagtatawanan naman ang iba pa nitong kasama.Nang magsawa marahil ay hinablot nito ang kuwelyo ng kulay orange niyang t-shirt at saka sapilitan siyang itinayo. "Hindi uubra ang ganiyang pag-uugali rito sa loob, bata! Kung gusto mong mabuhay, mas mabuti kung makikisama ka sa amin. Dahil wala kang magiging kakampi rito, tanging kami lang na ka-kwadra mo!" nagkikiskisan ang mga ngipin nito habang siya ay dinidiktahan ng nararapat niyang gawin.Kahit bugbug-sarado ang katawan, nagawa pa niyang tanggalin ang mga kamay nito sa kuwelyo ng kaniyang t-shirt sabay tulak sa malapad na dibdib ng lalaki."H-Hindi ko kayo kailangan! H-Hindi k
"Dalahin mo ako sa kanila. Gusto kong puntahan kung saan nagtatago ang babaeng 'yon," utos ni Lalaine sa kaniyang tagasunod.Nakalipas na ang ilang segundo ngunit hindi kumilos ang lalaki na kaniyang pinagsabihan."Ano pang tinatanga-tanga mo riyan?! Sabi ko dalahin mo ako sa kanila?" asik niya."Nangangamba ako sa maaaring mangyari kung susundin kita, Miss Montenegro . . . Alam na ni Boss Tristan ang mga plano mo."Pabagsak siyang sumandal sa upuan at saka hinilot ang kaniyang noo. Kahit kailan ay ito talagang si Tristan ang sagabal sa lahat ng kaniyang plano."Ihatid mo na ako sa mansiyon. Ako na ang bahala na magpaliwanag sa kaniya."Kaagad naman pinaandar ng alalay ang sasakyan. Narating nila ang mansiyon na kanilang tinutuluyan makalipas ang kalahating oras.Pagpasok pa lamang ay bumungad na sa kaniya ang galit na mukha ni Tristan. Hinablot nito ang kaniyang braso at saka hinawakan nang mahigpit."Saan ka nanggaling, ha?!" Dama niya sa paraan ng paghawak ni Tristan ang tinitimpin
"'Yan ba ang tingin mo sa akin, ha?! Am I a fucking toy to you?! Hindi ka ba talaga titigil sa pangungulit mo?! May girlfriend ka, 'di ba? Bakit hindi na lang siya ang pagtripan mo?!"Marahas na binawi niya ang kaniyang sunglasses mula sa kamay nito."Inuulit ko . . . Leave me alone!" Muli, isinuot ni Romana ang panakip sa namamagang mga mata at saka nagmamadaling lumakad paalis. Tigalgal naman naiwan si Evo sa kaniyang kinatatayuan, napahaplos na lamang sa pisnging may bakat ng kamay ni Romana."Dunderhead!" dismayadong wika ng lalaki sa sarili sabay kaltok sa kaniyang ulo.Hindi pa nga niya mapaamo ang babae ay tila nabawasan pa ang pogi points dahil sa ginawa niya. Ang balak lang naman sana ni Evo ay yayain itong mag-almusal dahil magtatanghali na ay hindi pa ito lumalabas sa silid ngunit nauna ang kaniyang pang-aasar, tuloy . . . Nasira ang diskarte niya.Minabuti niya na sundan ito at tanawin na lang muna mula sa malayo. Baka kasi kapag nilapitan pa niya ito ulit ay hindi lang
"Manong! Bigyan mo ako ng isa pa!" mando ni Romana sa sorbetero ngunit mabilis na senenyasan ni Evo ang tindero na huwag na siyang bigyan. Hinugot nito ang makapal na pitaka mula sa bulsa at saka naglabas ng ilang papel na pera. Inabot iyon ni Evo sa tinderong pagod na kanina pa sa pagsisilbi kay Romana."Tama na 'yan . . . Masama ang lahat ng sobra kaya tumigil ka na sa pagkain niyan. Baka sipunin ka . . . Kawawa naman si baby."Napalabi siya nang hilahin nito ang kaniyang kamay papalayo. Sa tanang buhay niya ay ngayon pa lang siya nakatikim ng ganoon kasarap na ice cream.Wala pa rin siyang kibo hanggang sa marating nila ang isang bakanteng cottage."Maupo ka muna. Sobrang init na sa labas, dito na lang muna tayo," suhestiyon nito. Walang tugon na umupo siya sa kawayang upuan, ang mga mata niya ay nakalihis sa direksyon ng lalaki. Napansin ni Evo ang pagtatampo niya kaya naman umupo na rin ito sa kaniyang tabi.Nakokonsensiya si Evo habang tinititigan ang mukha ni Romana. Pakiramd
Paunti-unti, inilapit ni Evo ang mukha sa kaniya. Natutuliro ang kaniyang isip, hindi makapagdesisyon kung aatras ba o aabante . . . Kusang tumiklop ang kaniyang mga mata nang pulgada na lamang ang kanilang pagitan.Ngunit sa huling sandali, sumagi sa isipan niya ang kaniyang asawa. Marahas na itinulak niya ang dibdib mi Evo at saka mabilis na tumayo mula sa kandungan nito."I-I'm sorry. H-Hindi ko pa kayang tugunin 'yang nararamdaman mo para sa akin. M-Marami akong pinagdadaanan ngayon; wala pa sa ayos ang takbo ng isip ko. A-Ayaw kong magdesisyon nang padalos-dalos."Matulin na lumakad siya papalayo sa cottage na kanilang sinilungan; binaybay ang daan pabalik sa resort kung saan sila tumutuloy."Romana, sandali!"Napahinto siya sa paglalakad nang hatakin ni Evo ang kaniyang braso."Evo, please! Huwag mo muna akong guluhin tungkol sa bagay na 'yan! Ayaw ko munang isingit ang paglandi sa schedule ko! Gusto kong unahin ay ang kalusugan ko para maging healthy rin si baby!" "Alam ko . .
"Lumalabas na ang kapilyuhan mo, ha?" Pasimple niya itong kinurot sa tagiliran, napaigtad naman ito dahil sa gulat."Nagbibiro lang naman ako. Gusto ko lang pagaanin 'yang nararamdaman mo. Babe . . . Hindi mo kailangan na solohin ang lahat ng problema. Lagi mong tatandaan na narito lang ako. Ang problema mo ay problema ko na rin. Huwag kang magdadalawang isip na magsabi sa akin kung kailangan mo ng tulong . . . Hindi ba't I'm your superman?"Hindi niya alam kung ma-ta-touch ba o maiiyak na lang sa sinabi ng kasintahan. Sa huli ay niyakap na lamang niya ito sa braso at saka sumandal sa malapad nitong balikat."Thank you dahil dumating ka sa buhay ko, Evo."Kung wala marahil ito ay baka mabaliw na siya sa sobrang dami ng kaniyang pinagdadaanan."Nagkakamali ka, Babe . . . Ikaw ang dapat kong pasalamatan dahil binigyan mo ako ng rason para ganahan muling mabuhay," seryosong sagot nito.Hinawakan ni Evo ang kaniyang baba at saka marahan na inangat ang kaniyang mukha dahilan para magtama a
"Excuse me, maiwan ko na muna kayo," paalam ng nurse sa kanila bago lumabas ng kuwarto.Nang sila na lamang tatlo, marahan na tinanggal ni Romana ang kaniyang kamay mula sa pagkakahawak ni Evo, "Maaari ba na bigyan mo kami ng maiksing oras para makapag-usap?" mahinahong tanong niya sa kasintahan."Sa kuwartong ito na kayo lamang dalawa? Kasama ang lalaki na 'yan? No!" mariin nitong pagtanggi.Naiintindihan niya kung bakit ganoon ang naging reaksyon ni Evo. Pinagtangkaan ni Vincent ang kaniyang buhay kaya naman hindi nito kayang magtiwala sa lalaki."Evo . . .Give me a favor, please?" muling pakiusap niya.Napabuga ng hangin si Evo, halatang ayaw pa rin siyang iwanan kasama ang lalaking nakaupo sa gilid ng kama."Hindi niya na ako kayang gawaan pa nang masama. Kita mo naman na mahina ang katawan niya."Sa huli, nakumbinsi niya si Evo na iwanan silang dalawa."Fine! But just in case na gumawa siya ng katarantaduhan, nariyan lang ako sa labas. Just scream, I'll save you."Humalik muna it
1.) MATUTONG MAGHINTAY. Hindi kailanman magiging masaya ang taong nanira ng pamilya. Dahil sa mga desisyong hindi pinag-iisipan, kapalit ay mga masasamang pangyayari na di inaasahan.2.) MATUTONG MAKONTENTO. Hindi kailanman naging sapat na dahilan ang problema para ipagpalit mo ang taong mahal mo at lubos ka ring minamahal sa iba. Hindi kailanman matutumbasan ng libog ang wagas na pagmamahal.3.) MONEY IS NOT EVERYTHING. Sa totoong buhay, alam naman natin sa ating mga sarili na pera talaga ang pangunahing pangangailangan para mabuhay. Pero sa story na 'to, siguro naman ay nakuha niyo ang gusto kong iparating. Aanuhin mo ang maraming pera kung mag-isa ka? Pamilya pa rin ang kailangan mo sa kahuli-hulihan.4.) MATUTONG MAGMOVE ON. Kapag inayawan ka, huwag sanang umabot sa puntong ibaba mo sa sukdulan ang sarili mo katulad ng ginawa ni Lalaine. Huwag mong lugmukin ang sarili mo dahil lang iniwan ka ng isang tao. Tumayo ka, lumaban at magpatuloy.5.) HUWAG IPAGPALIT ANG PAMILYA SA PANANDAL
"Hindi ganoon kadali ang gusto mong mangyari. May kasintahan ka na. Ayaw kong makasira ng relasyon sa pangalawang pagkakataon."Nag-iwas siya ng tingin kay Evo. Gustong-gusto man niyang madugtungan ang kanilang nakaraan ay hindi na maaari. Kasuklam-suklam kung mauulit na naman ang kaniyang kamalian."Hindi mo kailangan alalahanin si Thea.""Hindi mo ba talaga maintindihan? Ayaw ko na isang babae na naman ang magdusa nang dahil sa akin! Ganiyan lang ba talaga kadali sa'yo ang magpalit ng girlfriend? Matapos mong pakinabangan ay iiwan mo na lang na parang isang basura?!" nanggagalaiti niyang tanong.Dahil sa lakas ng kaniyang boses ay nagising na umiiyak si Baby Rebecca. Sinubukan niya itong patahanin ngunit hindi ito tumigil. Lumapit si Roman sa kaniya para kuhain ito saglit."Ako na muna ang bahala sa pamangkin ko. Sa palagay ko ay kailangan niyong mag-usap nang maayos."Nang makalabas sa pintuan ang kaniyang kapatid bitbit ang kaniyang anak, nagtaka siya nang i-lock ni Evo ang silid.
"H-Huwag, L-Lalaine! M-Maawa ka! S-Sabihin mo sa akin kung ano ang kailangan kong gawin para mapatawad mo ako sa nagawa kong kasalanan noon! G-Gagawin ko ang lahat!"Ngumisi si Lalaine. Muling niyakap nito nang mahigpit ang sanggol. Nag-aapoy ang mga mata nito nang magtama ang kanilang mga paningin."Lahat ay gagawin mo? Tama ba ang narinig, Romana?"Mabilis siyang tumango sa kabila ng panginginig ng kaniyang buong katawan."K-Kahit ano pa 'yan ay ibibigay ko! H-Huwag mo lang kunin sa akin ang pinakamahalagang yaman na mayroon ako!"Taas-noong inangat nito ang hintuturong daliri. Sinundan ng kaniyang mga mata ang galaw ng kamay nito at ganoon na lamang ang kabog ng kaniyang dibdib nang ituro nito ang ibaba ng building."Tumalon ka," patay-emosyong utos nito sa kaniya."A-Ano?" tigalgal niyang tugon.Maging ang dalawang lalaki ay napatuwid sa kani-kanilang kinatatayuan sa hiniling ni Lalaine."Tama na, Lalaine!" pigil ni Tristan sa ipinapagawa nito kay Romana."Bakit? Hindi mo ba kaya?
"R-Romana . . . " Sinubukan ni Evo na hawakan ang kamay nito at ihayag ang katotohanan na ang lahat ay palabas lamang ngunit pinahinto siya ng isang malakas na sampal sa mukha.Ramdam niya ang hapdi sa kaniyang balat ngunit para sa kaniya ay balewala lang ang sakit na 'yon kumpara sa sakit na nararamdaman ngayon ni Romana na idinulot niya."A-Akala ko maiintindihan mo ako . . . B-Binigo mo ako . . . A-Ayaw na kitang makita pa, E-Evo Xylon. M-Mas pinahihirapan mo lang ako sa tuwing ipinapakita mo 'yang mukha mo. Umalis ka na!"Nagbaba siya ng tingin. Nawala sa isip niya na sobrang bigat ng pinagdaraanan ng babae ngunit sa halip na damayan ito ay mas pinili niyang lumayo.Marahang tinapik ni Roman ang kaniyang balikat. "Sige na, man. Ako na ang bahala sa kapatid ko. Maraming salamat sa paghatid mo sa amin."Nanlalata na tinungo niya ang pintuan papalabas ng bahay. All this time, ang gusto niya lang naman ay ang maranasang ipaglaban ng taong mahal niya ngunit hindi niya akalain na sa gin
"Kitty! H-Hanapin natin si Baby Rebecca! H-Hindi siya pwedeng mawala!" nag-he-hysterical na sabi niya sa kasama.Para siyang mababaliw sa mga oras na 'yon. Wala na siyang pakialam sa kung ano ang iisipin ng mga tao sa paligid kahit na halos maglupasay na siya sa sahig sa takot sa maaaring mangyari sa baby."Ma'am, relax lang po. Hihingi tayo ng tulong."May agad namang rumesponde sa pinangyarihan ng krimen. Lumapit ang isa sa mga security guard ng establismentong 'yon upang usisain ang nangyari. Ang isang staff naman ay tumawag na ng otoridad na mag-ha-handle ng kaso.Kitty even contacted Roman, hindi na niya kasi makuhang mag-isip nang matino."Hello, Kitty?" sagot ni Roman mula sa kabilang linya."S-Sir . . ." pautal-utal na sambit nito, hindi maitago ang takot sa tinig.Nangunot ang noo ni Roman. "May problema ba?"Maging ang kasama niyang si Evo ay nahinto saa ginagawa. Kasalukuyan silang naglalaro ng billiards sa lugar ng kaniyang kaibigan."Ano? Sige! Diyan lang kayo! Papunta na
Tumawa siya nang hilaw, she couldn't believe that he would bring up that topic out of the blue."Masama ba na yakapin ka? We used to do more than that, didn't we?" nanlalaki ang mga matang balik-tanong niya sa dating kasintahan."So, you are still head over heels in love with me?" Ngumisi ito sabay himas sa detalyadong panga na animo'y guwapong-guwapo sa sarili.She laughed sarcastically, "Ang kapal naman ng mukha!" pasaring niya.Naputol lang ang pagtatalo na 'yon nang padaskol na tumayo ang bugnuting doktor mula sa pagkakaupo nito, si Roman naman ay nakatanga lamang sa kanila. Palipat-lipat ang tingin sa kanilang tatlo."Dang! Annoying," Tyrone broke into their argument."Aalis na ako rito bago pa ako ang tuluyang mabaliw dahil sa dalawang 'to," dagdag pa nito bago dismayadong umalis.Nakita niyang sinundan pa ito ni Kitty sa 'di malamang dahilan."Ang mabuti pa ay umuwi ka na rin, man. I'll tell the driver to drop you off. Bukas na lang tayo mag-usap," suhestiyon ni Roman."Good id
"E-Evo . . . "Walang nabago sa itsura nito, kung mayroon man ay ang bahagyang pagmatured lang ng mukha nito. Gayunpaman, hindi nabawasan ang tikas ng tindig at ang gandang lalaki nito. Kung siya ang tatanungin ay mas lalo nga itong naging guwapo sa kaniyang paningin."Evo!" muling tawag niya na may himig nang pananabik.Dagli siyang lumakad palapit upang mayakap ito nang mahigpit ngunit . . ."Honey . . ." malambing na tawag ng babaeng kalalabas lang mula sa banyo.Litong tinignan niya ito. Nasisigurado niya na ngayon niya lamang nakita ang babae ngunit ang mas nagpagulo sa kaniyang isip ay kung sino ang tinawag nitong honey? Si Roman ba? Si Tyrone? O si Evo?"H-Honey?" tinanong niya ang dalawang lalaki sa pamamagitan ng tingin."A-Ah, R-Romana . . . S-Si Thea nga pala . . . Fiancèe ni Evo," pakilala ni Roman sa babae."H-Huh?" Iyon lamang ang tanging salitang lumabas mula sa bibig niya.Nawala sa isip niya ang naging usapan ni Evo at Roman noon. Sinabi nga pala nito na mayroon na ito
Bumukas ang pintuan ng silid. Sabay silang napalingon ni Doc Tyrone sa gawi nito. Pumasok ang kapatid niyang si Roman na naabutan sila sa ganoong posisyon."Hay! Tinatakot mo ba pati ang kapatid ko? Layuan mo nga siya!" parang wala lang na sabi nito sa doktor.Pumasok ito bitbit ang isang malaking tote bag na mayroong sari-saring laman tulad ng tinapay, prutas, fresh milk at iba pa. Kaagad lumayo ang lalaki, walang emosyon na tinignan ang kaniyang kapatid."Next time, huwag mo akong asahan sa mga ganitong bagay, okay? Doktor ako at isa ring businessman, hindi caregiver! Aalis na ako."Napailing na lang si Roman sa ugali ng kaibigan."Kaibigan mo ba talaga 'yon? Napakasama ng ugali niya!" pinid ang ngusong tanong niya.Tumawa lang naman si Roman. "Pagpasensiyahan mo na lang. Bugnutin talaga ang isang 'yon pero mabait siya. Nakita mo naman . . . Binantayan ka pa rin kahit labag sa loob niya," sagot nito.Hindi na lang niya pinansin pa ang bagay na 'yon. Sandali na lang ay makalalabas na
"R-Roman! M-Malayo pa ba tayo?!" tanong ni Romana sa pagitan ng mga impit na daing. Nasa backseat siya habang seryosong nakatutok naman ang mga mata ng kaniyang kapatid sa daan. Minsan-minsa'y sinusulyapan siya nito."Kaunting tiis na lang, Romana. Mararating na natin ang pinakamalapit na ospital."Ilang minuto pa ang lumipas bago nila narating ang tinatahak na lugar. Nang makababa si Roman mula sa kotse ay kaagad siyang sinalubong ng dalawang nurse."Ano po ang problema?" tanong ng isa."Nasa loob ng kotse ang kapatid ko. Manganganak na siya . . . P-Please, paki-assist kami."Patakbong bumalik sa loob ng ospital ang isa sa dalawang nurse na lumapit sa kanila at pagbalik nito ay may tulak-tulak na itong stretcher."Sir, ililipat na namin siya dito," sabi ng isa.Inalalayan siyang makababa ng mga ito pababa sa kotse at saka buong pag-iingat na inilipat sa stretcher. Panay ang higop niya ng hangin dahil pakiramdam niya ay mauubusan na siya ng hininga."Relax lang tayo, Ma'am. Don't wor