Wala siyang ideya kung saan nito hinuhugot ang pagdududa na 'yon. Bago pa lang silang magkasintahan ngunit nagpapakita na si Evo ng hindi magandang pagtrato sa kaniya.Para naman itong natauhan matapos tanggapin ang malakas na sampal na 'yon."S-Sorry, B-Babe . . . A-Ayaw ko lang na mayroong ibang lalaki na kumakausap sa'yo."Tinangka siya nitong hawakan ngunit mabilis na iwinaksi niya ang kamay nito."Hindi ko alam na napaka-immature mo pala. Bakit mo pa ako niligaw-ligawan at pinasagot ng oo kung wala ka naman palang tiwala sa akin?!" nanggagalaiti niyang tanong."I-I'm sorry, B-Babe . . . I didn't mean to upset you . . ." hinging paumanhin naman nito, mababasa sa mukha ang pagsisisi."Gusto ko munang mapag-isa. Mamaya na lang tayo mag-usap kapag pareho nang hindi mainit ang mga ulo natin."Laglag ang balikat na nilisan nito ang kaniyang condo unit.Tinawagan niya ulit si Tristan upang malinawan tungkol sa sensitibong bagay na nabanggit ni Evo knina. Nagbigay ito ng lugar kung saan
Halos isumpa ni Evo ang punong mangga na 'yon nang makababa siya habang sa kaliwang kamay niya ay hawak nang mahigpit ang isang buwig na bunga."Heto na ang mangga mo!" masama sa loob niyang bulong bago inabot ang bagay na 'yon kay Romana.Pakiramdam niya ay namamanhid ang kalahati ng kaniyang itlog dahil sa lintik na manggang pinaglalawayan ng kaniyang kasintahan. Puro pantal din ang kaniyang mga braso at mukha sa dami ng kumagat sa kaniya."Thank you!" tuwang-tuwa na sabi nito, kulang na lang ay magtatalon ito sa galak.Matapos makapagpasalamat sa may-ari ay inihatid na niya ang babae sa condo."Call me kung gusto mong lumabas. Hindi ka maaaring magpagala-gala nang walang kasama. Delikado lalo't maselan ang pagbubuntis mo," bilin niya.Umasim ang mukha nito. "Iiwan mo ako? Paano 'to?" Itinaas ni Romana ang isang buwig na mangga."Kainin mo! Hindi ba't gusto mo 'yan? Kailangan kong umuwi para makaligo at makapagpalit ng damit. Nilantakan ako ng mga langgam kanina," naghihimutok niyan
Kusang pumikit ang kaniyang mga mata nang ilapit ni Evo ang mukha. Naging masuyo ang lalaki sa pag-alay sa kaniya ng halik, marahan lamang sa umpisa hanggang sa lumalim nang lumalim ang kanilang pagsasalo."Uhmm . . . " napakislot si Romana nang maramdaman ang mainit nitong palad na humaplos sa kaniyang hita. Tumindi lalo ang init niyang nadarama nang dumako ang kamay nito sa pagitan ng kaniyang hita."E-Evo . . . I-I'm pregnant. Hindi kaya magkakaroon ng bad effects kay baby itong gagawin natin?" alanganing tanong niya habang patuloy sila sa ginagawa."I already asked your OB/GYN and she said it's perfectly safe to have sex during pregnancy kaya hindi mo na kailangang mangamba, it won't hurt our baby.""O-Our b-baby?" garalgal niyang tanong kasunod nang panunubig ng kaniyang nangungusap na mga mata."Yes, our baby. Sinabi ko na noon na tatanggapin ko siya nang buo katulad ng pagtanggap ko sa'yo. Mamahalin ko kayo nang pantay at walang kondisyon. Pangakong walang magiging kulang sa p
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Romana nang buksan niya ang email ng kaniyang sekretarya. Bumaba ng ilang percent ang sales ng company dahil sa ilang investors na umatras na makipagpartnership sa kanila. Dahil ito sa issue na kaniyang kinasangkutan. Mabilis na kumalat 'yon sa business world at hindi na niya naisip na iresolba dahil sa dami ng kailangan niyang unahin gawin.Naputol ang kaniyang pag-iisip nang tumunog ang kaniyang mobile phone. Numero ni Vincent ang rumerehisto sa screen. Nagkaroon siya ng agam-agam kung tama ba na sagutin niya ang tawag nito o ignorain na lamang. Hindi kasi maganda ang kanilang huling pagkikita at kilala niya si Vincent, hindi ito titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto."Bakit hindi mo sagutin? Sino ba 'yan?" tinig ni Evo mula sa pintuan.Kinuha niya ang mobile phone saka mabilis na ni-reject ang tawag ng lalaki."Si Vincent. Tiyak na tungkol na naman ito sa relasyon namin dati na gusto niyang ibalik," walang sigla niyang sagot.T
Tahimik lang si Lalaine habang pinagmamasdan na kumain si Roman. Magana ito sa pagsubo ng mga pagkain."Bakit hindi mo ginagalaw ang foods mo? Ayaw mo ba ng mga inorder ko? Gusto mo bang umorder ng bago?"Pumihit ito paharap kung nasaan ang waiter at saka itinaas ang kanan na kamay."Waiter!"Agad naman na lumingon ang taga-serve na may hawak na tray, kasalukuyan itong naghahatid ng order sa kabilang table."Roman!" saway niya sabay hatak sa kamay nitong nakataas. Pagkaraa'y tinignan niya rin ang waiter at saka umiling, tanda na hindi nila kailangan ng serbisyo nito."What's wrong?"Dahan-dahan, pinalaya niya ang bisig nito mula sa kaniyang hawak. Nakatitig lamang sa kaniya si Roman na tila hinihintay ang kaniyang tugon.Tinignan niya ang mga pagkain sa lamesa, lahat iyon ay masarap. Mayroong chicken quesadilla, caesar salad at pasta with olive oil and garlic na lahat ay paborito niya ngunit pakiramdam niya ay wala siyang panlasa. Kinuha niya ang tinidor at saka sinimulang laruin ang
Walang kahirap-hirap na ginutay-gutay ni Tristan ang kaniyang saplot na para bang isa lamang itong papel."H-Huwag mong gawin 'to, Tristan. H-Hindi mo ito kayang gawin sa akin. P-Please, h-huminahon ka muna," nanginginig niyang pakiusap kahit na batid niyang walang saysay iyon.Wala sa itsura nito ang planong huminto."Hindi ba't anak ang gusto mo? Kaya kitang bigyan! Isa? Dalawa? Isang dosena?! Ilan ba ang gusto mo?! Bakit ba nakakulong ka pa rin sa nakaraan gayong ang anak na ipinaglalaban mo ay anak ng gagong lalaking 'yon?! Sa tingin mo ba kung nabuhay siya ay matutuwa siya kapag nalaman niyang anak siya ng isang walang kwentang tao?! Narito ako! Handa kitang bigyan ng anak at handa ko kayong panindigan hanggang dulo!"Tagumpay nitong nasira ang kaniyang kasuotan. Ang sumunod nitong ginawa ay tinanggal ang pagkakazipper ng suot niyang pantalon at saka marahas na hinila pababa. Hindi siya makapalag dahil iniinda pa rin niya ang sakit ng kaniyang tiyan na sinuntok nito.Ang tanging
Walang pag-aatubili na pinuntahan niya ang ospital na kinaoroonan ni Vincent. Napatakip na lamang siya sa kaniyang bibig habang umiiyak nang marating niya ang silid nito."V-Vincent . . . " tawag niya sa lalaki na ngayo'y tila isang lantang gulay na.Ang tanging sumosuporta sa katawan nito ay ang mga aparatong nakakabit dito. Lumingon nang bahagya ang lalaki sa kaniyang direksyon. Nang makilala siya ay sinubukan nitong tumayo ngunit bigo ito sa nais na gawin. Muntik pa itong mahulog sa kama kaya naman nagmamadaling nilapitan ito ni Romana."H-Huwag ka munang gumalaw . . . H-Hindi mo pa kaya," utos niya rito sa pagitan ng pasinghot.Kanina pa siya umiiyak habang nasa biyahe. Halos namaga na ang kaniyang ilong at mga mata ngunit kahit na sino pa ang makakita sa kaniya ay wala na siyang pakialam.Tipid na ngumiti ang lalaki kahit ang mga mata nito ay parang inaantok."N-Napakaganda m-mo p-pa r-rin k-kahit n-na n-namumula a-ang b-buong m-mukha mo," komento nito sa putol-putol na tinig.Lal
Inabot ni Lalaine ang palad ni Evo ngunit nang hilahin siya nito patayo ay sinadya niyang sumubsob sa malapad nitong dibdib. Mistulang ahas na pumulupot din sa leeg nito ang kaniyang dalawang braso."I-I'm sorry . . . Na-out balance lang ako," pagsisinungaling ni Lalaine habang ang mga mata ay hindi tinatanggal sa pagkakatitig kay Evo. Hawak naman nito ang kaniyang likod para alalayan siyang hindi matumba.Lumalim ang mga linya sa noo nito nang matitigan nang husto ang kaniyang mukha sa malapitan."Wait. I think I know you. Lalaine Montenegro, right?"Mabilis na itinulak siya nito papalayo na parang nandidiri."Y-You know me?" kunwari'y walang alam niyang tanong. Pasimpleng inayos muna niya ang damit na bahagyang nagusot bago humarap sa lalaki.Humalukipkip sa kaniyang harapan si Evo suot ang isang tagilid na ngiti."Paanong hindi kita makikilala? Ikaw ang pinakamalaking tinik sa buhay ng girlfriend ko." Wala sa tono nito ang salitang respeto.Nakuha nila ang atensiyon ng ilang tao sa
1.) MATUTONG MAGHINTAY. Hindi kailanman magiging masaya ang taong nanira ng pamilya. Dahil sa mga desisyong hindi pinag-iisipan, kapalit ay mga masasamang pangyayari na di inaasahan.2.) MATUTONG MAKONTENTO. Hindi kailanman naging sapat na dahilan ang problema para ipagpalit mo ang taong mahal mo at lubos ka ring minamahal sa iba. Hindi kailanman matutumbasan ng libog ang wagas na pagmamahal.3.) MONEY IS NOT EVERYTHING. Sa totoong buhay, alam naman natin sa ating mga sarili na pera talaga ang pangunahing pangangailangan para mabuhay. Pero sa story na 'to, siguro naman ay nakuha niyo ang gusto kong iparating. Aanuhin mo ang maraming pera kung mag-isa ka? Pamilya pa rin ang kailangan mo sa kahuli-hulihan.4.) MATUTONG MAGMOVE ON. Kapag inayawan ka, huwag sanang umabot sa puntong ibaba mo sa sukdulan ang sarili mo katulad ng ginawa ni Lalaine. Huwag mong lugmukin ang sarili mo dahil lang iniwan ka ng isang tao. Tumayo ka, lumaban at magpatuloy.5.) HUWAG IPAGPALIT ANG PAMILYA SA PANANDAL
"Hindi ganoon kadali ang gusto mong mangyari. May kasintahan ka na. Ayaw kong makasira ng relasyon sa pangalawang pagkakataon."Nag-iwas siya ng tingin kay Evo. Gustong-gusto man niyang madugtungan ang kanilang nakaraan ay hindi na maaari. Kasuklam-suklam kung mauulit na naman ang kaniyang kamalian."Hindi mo kailangan alalahanin si Thea.""Hindi mo ba talaga maintindihan? Ayaw ko na isang babae na naman ang magdusa nang dahil sa akin! Ganiyan lang ba talaga kadali sa'yo ang magpalit ng girlfriend? Matapos mong pakinabangan ay iiwan mo na lang na parang isang basura?!" nanggagalaiti niyang tanong.Dahil sa lakas ng kaniyang boses ay nagising na umiiyak si Baby Rebecca. Sinubukan niya itong patahanin ngunit hindi ito tumigil. Lumapit si Roman sa kaniya para kuhain ito saglit."Ako na muna ang bahala sa pamangkin ko. Sa palagay ko ay kailangan niyong mag-usap nang maayos."Nang makalabas sa pintuan ang kaniyang kapatid bitbit ang kaniyang anak, nagtaka siya nang i-lock ni Evo ang silid.
"H-Huwag, L-Lalaine! M-Maawa ka! S-Sabihin mo sa akin kung ano ang kailangan kong gawin para mapatawad mo ako sa nagawa kong kasalanan noon! G-Gagawin ko ang lahat!"Ngumisi si Lalaine. Muling niyakap nito nang mahigpit ang sanggol. Nag-aapoy ang mga mata nito nang magtama ang kanilang mga paningin."Lahat ay gagawin mo? Tama ba ang narinig, Romana?"Mabilis siyang tumango sa kabila ng panginginig ng kaniyang buong katawan."K-Kahit ano pa 'yan ay ibibigay ko! H-Huwag mo lang kunin sa akin ang pinakamahalagang yaman na mayroon ako!"Taas-noong inangat nito ang hintuturong daliri. Sinundan ng kaniyang mga mata ang galaw ng kamay nito at ganoon na lamang ang kabog ng kaniyang dibdib nang ituro nito ang ibaba ng building."Tumalon ka," patay-emosyong utos nito sa kaniya."A-Ano?" tigalgal niyang tugon.Maging ang dalawang lalaki ay napatuwid sa kani-kanilang kinatatayuan sa hiniling ni Lalaine."Tama na, Lalaine!" pigil ni Tristan sa ipinapagawa nito kay Romana."Bakit? Hindi mo ba kaya?
"R-Romana . . . " Sinubukan ni Evo na hawakan ang kamay nito at ihayag ang katotohanan na ang lahat ay palabas lamang ngunit pinahinto siya ng isang malakas na sampal sa mukha.Ramdam niya ang hapdi sa kaniyang balat ngunit para sa kaniya ay balewala lang ang sakit na 'yon kumpara sa sakit na nararamdaman ngayon ni Romana na idinulot niya."A-Akala ko maiintindihan mo ako . . . B-Binigo mo ako . . . A-Ayaw na kitang makita pa, E-Evo Xylon. M-Mas pinahihirapan mo lang ako sa tuwing ipinapakita mo 'yang mukha mo. Umalis ka na!"Nagbaba siya ng tingin. Nawala sa isip niya na sobrang bigat ng pinagdaraanan ng babae ngunit sa halip na damayan ito ay mas pinili niyang lumayo.Marahang tinapik ni Roman ang kaniyang balikat. "Sige na, man. Ako na ang bahala sa kapatid ko. Maraming salamat sa paghatid mo sa amin."Nanlalata na tinungo niya ang pintuan papalabas ng bahay. All this time, ang gusto niya lang naman ay ang maranasang ipaglaban ng taong mahal niya ngunit hindi niya akalain na sa gin
"Kitty! H-Hanapin natin si Baby Rebecca! H-Hindi siya pwedeng mawala!" nag-he-hysterical na sabi niya sa kasama.Para siyang mababaliw sa mga oras na 'yon. Wala na siyang pakialam sa kung ano ang iisipin ng mga tao sa paligid kahit na halos maglupasay na siya sa sahig sa takot sa maaaring mangyari sa baby."Ma'am, relax lang po. Hihingi tayo ng tulong."May agad namang rumesponde sa pinangyarihan ng krimen. Lumapit ang isa sa mga security guard ng establismentong 'yon upang usisain ang nangyari. Ang isang staff naman ay tumawag na ng otoridad na mag-ha-handle ng kaso.Kitty even contacted Roman, hindi na niya kasi makuhang mag-isip nang matino."Hello, Kitty?" sagot ni Roman mula sa kabilang linya."S-Sir . . ." pautal-utal na sambit nito, hindi maitago ang takot sa tinig.Nangunot ang noo ni Roman. "May problema ba?"Maging ang kasama niyang si Evo ay nahinto saa ginagawa. Kasalukuyan silang naglalaro ng billiards sa lugar ng kaniyang kaibigan."Ano? Sige! Diyan lang kayo! Papunta na
Tumawa siya nang hilaw, she couldn't believe that he would bring up that topic out of the blue."Masama ba na yakapin ka? We used to do more than that, didn't we?" nanlalaki ang mga matang balik-tanong niya sa dating kasintahan."So, you are still head over heels in love with me?" Ngumisi ito sabay himas sa detalyadong panga na animo'y guwapong-guwapo sa sarili.She laughed sarcastically, "Ang kapal naman ng mukha!" pasaring niya.Naputol lang ang pagtatalo na 'yon nang padaskol na tumayo ang bugnuting doktor mula sa pagkakaupo nito, si Roman naman ay nakatanga lamang sa kanila. Palipat-lipat ang tingin sa kanilang tatlo."Dang! Annoying," Tyrone broke into their argument."Aalis na ako rito bago pa ako ang tuluyang mabaliw dahil sa dalawang 'to," dagdag pa nito bago dismayadong umalis.Nakita niyang sinundan pa ito ni Kitty sa 'di malamang dahilan."Ang mabuti pa ay umuwi ka na rin, man. I'll tell the driver to drop you off. Bukas na lang tayo mag-usap," suhestiyon ni Roman."Good id
"E-Evo . . . "Walang nabago sa itsura nito, kung mayroon man ay ang bahagyang pagmatured lang ng mukha nito. Gayunpaman, hindi nabawasan ang tikas ng tindig at ang gandang lalaki nito. Kung siya ang tatanungin ay mas lalo nga itong naging guwapo sa kaniyang paningin."Evo!" muling tawag niya na may himig nang pananabik.Dagli siyang lumakad palapit upang mayakap ito nang mahigpit ngunit . . ."Honey . . ." malambing na tawag ng babaeng kalalabas lang mula sa banyo.Litong tinignan niya ito. Nasisigurado niya na ngayon niya lamang nakita ang babae ngunit ang mas nagpagulo sa kaniyang isip ay kung sino ang tinawag nitong honey? Si Roman ba? Si Tyrone? O si Evo?"H-Honey?" tinanong niya ang dalawang lalaki sa pamamagitan ng tingin."A-Ah, R-Romana . . . S-Si Thea nga pala . . . Fiancèe ni Evo," pakilala ni Roman sa babae."H-Huh?" Iyon lamang ang tanging salitang lumabas mula sa bibig niya.Nawala sa isip niya ang naging usapan ni Evo at Roman noon. Sinabi nga pala nito na mayroon na ito
Bumukas ang pintuan ng silid. Sabay silang napalingon ni Doc Tyrone sa gawi nito. Pumasok ang kapatid niyang si Roman na naabutan sila sa ganoong posisyon."Hay! Tinatakot mo ba pati ang kapatid ko? Layuan mo nga siya!" parang wala lang na sabi nito sa doktor.Pumasok ito bitbit ang isang malaking tote bag na mayroong sari-saring laman tulad ng tinapay, prutas, fresh milk at iba pa. Kaagad lumayo ang lalaki, walang emosyon na tinignan ang kaniyang kapatid."Next time, huwag mo akong asahan sa mga ganitong bagay, okay? Doktor ako at isa ring businessman, hindi caregiver! Aalis na ako."Napailing na lang si Roman sa ugali ng kaibigan."Kaibigan mo ba talaga 'yon? Napakasama ng ugali niya!" pinid ang ngusong tanong niya.Tumawa lang naman si Roman. "Pagpasensiyahan mo na lang. Bugnutin talaga ang isang 'yon pero mabait siya. Nakita mo naman . . . Binantayan ka pa rin kahit labag sa loob niya," sagot nito.Hindi na lang niya pinansin pa ang bagay na 'yon. Sandali na lang ay makalalabas na
"R-Roman! M-Malayo pa ba tayo?!" tanong ni Romana sa pagitan ng mga impit na daing. Nasa backseat siya habang seryosong nakatutok naman ang mga mata ng kaniyang kapatid sa daan. Minsan-minsa'y sinusulyapan siya nito."Kaunting tiis na lang, Romana. Mararating na natin ang pinakamalapit na ospital."Ilang minuto pa ang lumipas bago nila narating ang tinatahak na lugar. Nang makababa si Roman mula sa kotse ay kaagad siyang sinalubong ng dalawang nurse."Ano po ang problema?" tanong ng isa."Nasa loob ng kotse ang kapatid ko. Manganganak na siya . . . P-Please, paki-assist kami."Patakbong bumalik sa loob ng ospital ang isa sa dalawang nurse na lumapit sa kanila at pagbalik nito ay may tulak-tulak na itong stretcher."Sir, ililipat na namin siya dito," sabi ng isa.Inalalayan siyang makababa ng mga ito pababa sa kotse at saka buong pag-iingat na inilipat sa stretcher. Panay ang higop niya ng hangin dahil pakiramdam niya ay mauubusan na siya ng hininga."Relax lang tayo, Ma'am. Don't wor