Halos isumpa ni Evo ang punong mangga na 'yon nang makababa siya habang sa kaliwang kamay niya ay hawak nang mahigpit ang isang buwig na bunga."Heto na ang mangga mo!" masama sa loob niyang bulong bago inabot ang bagay na 'yon kay Romana.Pakiramdam niya ay namamanhid ang kalahati ng kaniyang itlog dahil sa lintik na manggang pinaglalawayan ng kaniyang kasintahan. Puro pantal din ang kaniyang mga braso at mukha sa dami ng kumagat sa kaniya."Thank you!" tuwang-tuwa na sabi nito, kulang na lang ay magtatalon ito sa galak.Matapos makapagpasalamat sa may-ari ay inihatid na niya ang babae sa condo."Call me kung gusto mong lumabas. Hindi ka maaaring magpagala-gala nang walang kasama. Delikado lalo't maselan ang pagbubuntis mo," bilin niya.Umasim ang mukha nito. "Iiwan mo ako? Paano 'to?" Itinaas ni Romana ang isang buwig na mangga."Kainin mo! Hindi ba't gusto mo 'yan? Kailangan kong umuwi para makaligo at makapagpalit ng damit. Nilantakan ako ng mga langgam kanina," naghihimutok niyan
Kusang pumikit ang kaniyang mga mata nang ilapit ni Evo ang mukha. Naging masuyo ang lalaki sa pag-alay sa kaniya ng halik, marahan lamang sa umpisa hanggang sa lumalim nang lumalim ang kanilang pagsasalo."Uhmm . . . " napakislot si Romana nang maramdaman ang mainit nitong palad na humaplos sa kaniyang hita. Tumindi lalo ang init niyang nadarama nang dumako ang kamay nito sa pagitan ng kaniyang hita."E-Evo . . . I-I'm pregnant. Hindi kaya magkakaroon ng bad effects kay baby itong gagawin natin?" alanganing tanong niya habang patuloy sila sa ginagawa."I already asked your OB/GYN and she said it's perfectly safe to have sex during pregnancy kaya hindi mo na kailangang mangamba, it won't hurt our baby.""O-Our b-baby?" garalgal niyang tanong kasunod nang panunubig ng kaniyang nangungusap na mga mata."Yes, our baby. Sinabi ko na noon na tatanggapin ko siya nang buo katulad ng pagtanggap ko sa'yo. Mamahalin ko kayo nang pantay at walang kondisyon. Pangakong walang magiging kulang sa p
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Romana nang buksan niya ang email ng kaniyang sekretarya. Bumaba ng ilang percent ang sales ng company dahil sa ilang investors na umatras na makipagpartnership sa kanila. Dahil ito sa issue na kaniyang kinasangkutan. Mabilis na kumalat 'yon sa business world at hindi na niya naisip na iresolba dahil sa dami ng kailangan niyang unahin gawin.Naputol ang kaniyang pag-iisip nang tumunog ang kaniyang mobile phone. Numero ni Vincent ang rumerehisto sa screen. Nagkaroon siya ng agam-agam kung tama ba na sagutin niya ang tawag nito o ignorain na lamang. Hindi kasi maganda ang kanilang huling pagkikita at kilala niya si Vincent, hindi ito titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto."Bakit hindi mo sagutin? Sino ba 'yan?" tinig ni Evo mula sa pintuan.Kinuha niya ang mobile phone saka mabilis na ni-reject ang tawag ng lalaki."Si Vincent. Tiyak na tungkol na naman ito sa relasyon namin dati na gusto niyang ibalik," walang sigla niyang sagot.T
Tahimik lang si Lalaine habang pinagmamasdan na kumain si Roman. Magana ito sa pagsubo ng mga pagkain."Bakit hindi mo ginagalaw ang foods mo? Ayaw mo ba ng mga inorder ko? Gusto mo bang umorder ng bago?"Pumihit ito paharap kung nasaan ang waiter at saka itinaas ang kanan na kamay."Waiter!"Agad naman na lumingon ang taga-serve na may hawak na tray, kasalukuyan itong naghahatid ng order sa kabilang table."Roman!" saway niya sabay hatak sa kamay nitong nakataas. Pagkaraa'y tinignan niya rin ang waiter at saka umiling, tanda na hindi nila kailangan ng serbisyo nito."What's wrong?"Dahan-dahan, pinalaya niya ang bisig nito mula sa kaniyang hawak. Nakatitig lamang sa kaniya si Roman na tila hinihintay ang kaniyang tugon.Tinignan niya ang mga pagkain sa lamesa, lahat iyon ay masarap. Mayroong chicken quesadilla, caesar salad at pasta with olive oil and garlic na lahat ay paborito niya ngunit pakiramdam niya ay wala siyang panlasa. Kinuha niya ang tinidor at saka sinimulang laruin ang
Walang kahirap-hirap na ginutay-gutay ni Tristan ang kaniyang saplot na para bang isa lamang itong papel."H-Huwag mong gawin 'to, Tristan. H-Hindi mo ito kayang gawin sa akin. P-Please, h-huminahon ka muna," nanginginig niyang pakiusap kahit na batid niyang walang saysay iyon.Wala sa itsura nito ang planong huminto."Hindi ba't anak ang gusto mo? Kaya kitang bigyan! Isa? Dalawa? Isang dosena?! Ilan ba ang gusto mo?! Bakit ba nakakulong ka pa rin sa nakaraan gayong ang anak na ipinaglalaban mo ay anak ng gagong lalaking 'yon?! Sa tingin mo ba kung nabuhay siya ay matutuwa siya kapag nalaman niyang anak siya ng isang walang kwentang tao?! Narito ako! Handa kitang bigyan ng anak at handa ko kayong panindigan hanggang dulo!"Tagumpay nitong nasira ang kaniyang kasuotan. Ang sumunod nitong ginawa ay tinanggal ang pagkakazipper ng suot niyang pantalon at saka marahas na hinila pababa. Hindi siya makapalag dahil iniinda pa rin niya ang sakit ng kaniyang tiyan na sinuntok nito.Ang tanging
Walang pag-aatubili na pinuntahan niya ang ospital na kinaoroonan ni Vincent. Napatakip na lamang siya sa kaniyang bibig habang umiiyak nang marating niya ang silid nito."V-Vincent . . . " tawag niya sa lalaki na ngayo'y tila isang lantang gulay na.Ang tanging sumosuporta sa katawan nito ay ang mga aparatong nakakabit dito. Lumingon nang bahagya ang lalaki sa kaniyang direksyon. Nang makilala siya ay sinubukan nitong tumayo ngunit bigo ito sa nais na gawin. Muntik pa itong mahulog sa kama kaya naman nagmamadaling nilapitan ito ni Romana."H-Huwag ka munang gumalaw . . . H-Hindi mo pa kaya," utos niya rito sa pagitan ng pasinghot.Kanina pa siya umiiyak habang nasa biyahe. Halos namaga na ang kaniyang ilong at mga mata ngunit kahit na sino pa ang makakita sa kaniya ay wala na siyang pakialam.Tipid na ngumiti ang lalaki kahit ang mga mata nito ay parang inaantok."N-Napakaganda m-mo p-pa r-rin k-kahit n-na n-namumula a-ang b-buong m-mukha mo," komento nito sa putol-putol na tinig.Lal
Inabot ni Lalaine ang palad ni Evo ngunit nang hilahin siya nito patayo ay sinadya niyang sumubsob sa malapad nitong dibdib. Mistulang ahas na pumulupot din sa leeg nito ang kaniyang dalawang braso."I-I'm sorry . . . Na-out balance lang ako," pagsisinungaling ni Lalaine habang ang mga mata ay hindi tinatanggal sa pagkakatitig kay Evo. Hawak naman nito ang kaniyang likod para alalayan siyang hindi matumba.Lumalim ang mga linya sa noo nito nang matitigan nang husto ang kaniyang mukha sa malapitan."Wait. I think I know you. Lalaine Montenegro, right?"Mabilis na itinulak siya nito papalayo na parang nandidiri."Y-You know me?" kunwari'y walang alam niyang tanong. Pasimpleng inayos muna niya ang damit na bahagyang nagusot bago humarap sa lalaki.Humalukipkip sa kaniyang harapan si Evo suot ang isang tagilid na ngiti."Paanong hindi kita makikilala? Ikaw ang pinakamalaking tinik sa buhay ng girlfriend ko." Wala sa tono nito ang salitang respeto.Nakuha nila ang atensiyon ng ilang tao sa
Mapait na napangiti na lamang si Romana habang ang mga mata ay nakatutok sa buto-butong kamay ni Vincent."Ang mabuti pa ay ubusin mo na itong pagkain para makainom ka na rin ng gamot," aniya.Matiyagang kinain naman nito ang lugaw na siya pa mismo ang nagluto. Matapos pakainin ay inalalayan niya ito patungo sa banyo upang magbawas. Nang tapos na itong dumumi ay siya pa rin ang naglinis ng pang-upo nito na ni minsa'y hindi pa niya nagagawa sa tanang buhay niya."Hindi ka ba nandidiri sa akin? Isa kang babaeng kilala at mayaman, may mataas na pinag-aralan at tinitingala nang marami . . . Bakit ikaw pa ang gumagawa nito? Puwede naman na iutos mo na lang ito sa mga nurse," nahihiyang suhestiyon nito sa kaniya.Matapos punasan ang pang-upo nito ay naghanda na siya ng tubig na pampaligo ng lalaki."Kapag ba mayaman at may pinag-aralan ang isang tao ay wala na itong kakayahan na alagaan ang isang taong naging malapit at mahalaga sa kaniya? Kailangan mo ng tulong kaya ko ito ginagawa. May ma