Brenda Naging tahimik kami ni Mattheus nang mag-umpisa kaming kumain. Lihim akong napapangiti kasi ayaw kong mausog ang pagiging sweet ngayon at mabait ng mokong na ito. Simula sa kanin at ulam si Mattheus ang naglagay sa plato ko. Gusto ko sana siyang asarin kaya lang iniiwasan ko mag-away ulit kami. Hirap pa naman baka hind na lang one week magtago si Mattheus. Baka ngayon kapag inaway ko gawin ng one month. Kapag kasi inaasar ko ito sa damdamin niya para sa ‘kin, kung mayroon man. Nagtra-transform ito sa pagiging Lion. Bumabangis at nagsusungit. Hindi kasi aminin dahil nasa idea pa nito si Dra. Neng-neng ang mahal niya. Nagiging ending nauuwi sa pikon sa pagitan naming dalawa. Gusto ko na lang muna enjoy ang ganito. Total naman nagpaalam na siya sa dalawa kong Tiyahin upang manligaw raw sa ‘kin. I-grab ko na ito gagawin ko ang lahat mabaling lang sa 'kin ang pagmamahal niya sa dating nobya. “Ayaw mo ba nito?” tanong ni Mattheus sa hipon na hawak niya. Binabalatan niya ak
Brenda Inabot ng hatinggabi bago ko mapauwi si Mattheus. Sobrang kulit nito kahit anong pagtataboy ko rito ayaw talagang umuwi ng binata. Gusto raw niya kasi makasiguro ayos lang ang lagay ko dahil sa allergy ko bago raw siya umuwi. Mag-alala lang daw siya sa condo niya kung uuwi siyang hindi pa maayos ang kalagayan ko. As if malubhang sakit ang sinapit ko kung mag-alala si Sir Mattheus. Pero hindi matatawaran ang saya ko kahapon hanggang gabi. Ang sarap pala magpaalaga sa amo ko. Kahit naiinis sa ‘kin dahil sinadya kong ma trigger ang allergy ko. Pigil na pigil ang galit nito Umpisa na kaya ng maganda naming samahan ni Sir Mattheus. Nanliligaw pa lang pero daig ang boyfriend kung umasta. Waah…excited akong umamin ito na gusto na niya ako. Napatili ako parang teenager lang na kinikilig. Kulang na lang gumulong ako sa ibabaw ng kama dahil mabait na si Mattheus sa ‘kin. Nagtaka si Tiya Agnes. Naningkit ang mata nito tiningnan ako. Nasa lamesa kasi ito nagkakape sa center tab
Brenda “Oi! Kumusta na ang Tiyahin mo Brenda?” tanong ng may-ari ng boarding house ko na si, Aling Melba, pagkakita sa akin. Nasa labas ito ng gate busy sa pagwawalis sa harapan. “Maayos naman na po. Sana nga mabilis lang makalabas. Nakakainip din po kasi abutin ng dalawang buwan manatili sa ospital. Pati po ang Tiyahin ko, gusto na nga lumabas masakit na raw ang tusok ng karayom at likuran niya sa kahihiga.” “Ay oo nga, hija, bukod pa roon utas ang bulsa mo sa gastos. Mabuti nga may nakuhaan pa kayo ng pera pantustos sa gastusin. Hindi kasi biro ang bypass surgery. Malaking pera ang kailangan sa ganoon operasyon,” “Opo,” matipid kong saad sa kaniya. Hindi ko naman maaaring sabihin na sagot ni Mattheus lahat ng gastusin ni Tiya Alona. “Papasok na po ako Aling Melba. Panigurado maalikabok na rin sa kuwarto ko. Maglinis din ako muna mamayang gabi pa naman ang balik ko sa ospital,” “Sige ako naman tatapusin ko rin itong ginagawa ko papasok na rin ako. Nag-u-umpisa na kasi ang
Brenda “Sus, doon pa rin iyan patungo, Mr. Martinez. Not now but soon, itaga mo sa bato,” Pinagmasdan niya ako nakahaplos ang kamay nito sa panga. Alanganin akong napangiti tila kasi may pilyong naglalaro sa ngisi nito. “Hmm, parang walang balak ibaba ang video call ah,” nanunukso kong sabi. “Sige na magtrabaho ka na, boss Mattheus. H'wag mo akong masyadong titigan nahihiya ako,” biro ko rito ngunit tinawanan lang ako parang naaliw sa ‘kin. “Ang daldal mo talaga hindi nauubusan ng sasabihin. Huminto magsalita. Fve thirty dapat naka bihis ka na niyan hindi ako ngayon mag-o-overtime,” bilin nito sa 'kin. “Noted honeybunch,” tukso ko sa kaniya at lalo akong ginanahan asarin si Mattheus para kasing nahihiya nasilip ko iyon nagba-blush ang binata. Hindi ko na lang ulit inasar baka masira pa ang mood nito at mauuwi sa pagka pikon namin pareho. So kailangan ko lang talaga ng effort na paglalambing para dito sa in denial kong amo. Kaya lang sobrang pakipot kasi nahihirapan ako
Brenda Galing ako ng pharmacy sa kabilang kalsada, bumili ng gamot ng Tiya Alona. Nakatawid na ako at nasa harapan na ako ng St. Luke's hospital hindi ko pa alam narito na pala si Mattheus, hindi ako lumingon kahit may malakas na bosena. Muling may bosena kaya napilitan akong lumingon. Kotse pala iyon ni Mattheus. Napalunok ako. Balak ko na sana makunwaring hindi siya napansin ngunit sa huli naisip ko na lang tumigil. Tiyak kasi susundan lang din ako nito kung matuloy-tuloy akong pumasok. Ay paktay ako nito. Shitty, nakalimutan ko pala itong i-message. Na narito ako sa ospital at dito na lang niya ako sunduin. Matinding paliwanagan ito ngayon panigurado umuusok ang ilong ni Mattheus sa ginawa ko sa kaniya. Mabuti na lang saktong nasa labas pa ako. Hindi ako nag-aalala makita ng dalawa kong Tiyahin kung paano magali si Mattheus. Lumabas din si Mattheus sa loob ng kotse tinawag ako. “Brenda!” “Anong ibig sabihin nito ha, Brenda!?” madilim ang mukha na saad nito sa ‘kin. Ha
Mattheus “Damn!” Nahampas ko ang manibela ng tuluyang akong makalayo sa hospital. Tumigil ako sa tabi ng kalsada upang magpakalma. Sinakto ko lang hindi ako naka gagambala sa mga motoristang dumaraan. Nakita ko iyon hinabol ako ni Brenda. Nakita ko ang takot nito sa mata nito ng pagbantaan ko mawawalan ng trabaho ang bago niyang kaibigan. Napahilamos ako sa mukha ko. Damn! Dammit! Bakit ba ako galit pagkarinig lang sa pangalan ng bagong kaibigan ni Brenda. Dati hindi ako ganitong malakas magselos. Tang-na! Oo nagseselos ako sa kaibigan na iyon ni Brenda. Ngunit alam ko hindi ko pa mahal si Brenda. Nagtra-try pa lang akong kalimutan si Neng-neng. Kaya nga nagpaalam ako sa Tiyahin niya liligawan ko siya. Hindi pa kasi ako sigurado sa nararamdaman ko. Dahil hanggang ngayon nandito pa rin si Neng-neng sa puso ko. Unti-unti ko siyang kikilalanin. Hindi kasi gano'n kadaling kalimutan ang pinagsamahan namin ni Neng-neng. Pero bakit pakiramdam ko mas gusto niya iyong bago n'yang
Brenda Pagkatapos kong mag-send ng text kay Mattheus. Inantay ko kung sasagot ito sa ‘kin. Subalit inabot na ako ng hatinggabi sa pag-aantay sa reply nito wala akong nakuhang sagot galing dito. Nakatulog akong may pag-aalala sa kaibigang si Dean. Kaya naman, pagising ko kinabukasan cellphone ko agad ang dinampot ko. Alas nueve na nga ng umaga ako ngayon nagising. Dahil nga ala-una na akong nakatulog kagabi. Upang masigurong walang hakbang na ginawa si Mattheus laban sa kaibigan ko. Nag-text ako kay Dean. Ayaw akong replyan ni Mattheus. Edi kay Dean ako makibalita. Hindi rin ako makali kung wala akong makukuhang sagot. Si Dean na lang ang pag-asa ko baka masagot nito ang bumabagabag sa 'kin. Kasasabi ko lang na iiwasan ko si Dean, pero ito naman ako nagte-text sa kaibigan ko. Hindi ko kasi maintindihan ang ugali ni Mattheus. Madaling magalit kapag pangalan ni Dean ang nabanggit ko. Itinanggi niya ako kay Samantha, pero kung magalit kapag tungkol kay Dean ay malala. Sabi ko lan
Brenda “Simple lang ang alam ko, ang mahalin mo rin ako, sir Mattheus. Este, simple lang kasi ang niluluto ko kaya baka ayaw mo sa pochero," sabay bawi ko. Natigilan kasi si Sir Mattheus, sa aking sinabi. Aba mahirap na, baka magala-hitler na naman 'to masira ang date namin ngayon. Tumikhim ito kaya pumaling ako ng tingin sa kanya. Gumalaw ang panga nito tapos mabigat din ang pagbuntong hininga patango-tango. Expected ko naman talaga hindi nito magugustuhan ang aking sinabi. Pero mas okay na rin nasabi ko ngayon kay Mattheus, na mahal ko siya. Kahit sa pabirong paraan, nagkaroon ako ng ginhawa sa dibdib ko. “Kailan ka pa may gusto sa ‘kin?” tanong nito't kinapatda ko sa kinauupuan ko. Itatama ko sana na hindi ko lang siya gusto, kun'di mahal na mahal ko siya matagal na minabuti ko lang iyon itago sa dibdib ko, dahil maynagmamay-ari na sa puso niya. Kahit pala halata sa ‘kin na may gusto ako sa kaniya kapag pala binigla ako sa tanong ni Sir Mattheus. Nawawalan ako ng isasago
Brenda Akala ko nasa airport na sina Tita Anaren paglapag ng sinakyan naming eroplano sa NAIA kasi iyon ang sabi nito sa ‘kin. Aabangan nila kami ni Atlas para agad kami makauwi ng bahay niya. Nakatulog na si Atlas sa likot ng anak ko plakda ito nakayupyop sa balikat ko. Kaya ito karga ko na habang nag-aantay kami dumating ang Tita Anaren. Kasi sabi niya siya na lang susundo nakipag-unahan pa sa Daddy. Kaya ako'y natatawa na lang sa kanilang magkapatid. Nasa loob pa kami ng airport hindi muna ako lumabas hangga't wala pa si Tita Anaren. Kasi mainit katirikan ng araw alas-dos ba naman ng hapon masakit sa balat ang sinag ng araw. Sleeveless blouse pa naman ang suot ko ngayon. Hindi kaya ng init sa labas. Muli kong tinatawagan ang Tita Anaren. Lowbat yata kasi unattended ang sagot ng telephone operator. Pwede naman kami mag-taxi ni Atlas, kaya lang iniisip ko naman baka nagkasalisi kami ni Tita Anaren kasi hindi ko naman makontak. Nagpalakad lakad na lang muna ako sa loob n
Brenda Ang liit ng mundo ang taong palagi kong hinihingian ng tulong na si Tita Anaren, ay kapatid pala ng aking ama. Kaya pala hindi ako nahihiya magsabi ng problema rito kasi totoo ko pala siyang kamag-anak. “Tito Aristeo," sabi ko kasi hindi pa ako sanay tawagin siyang Daddy. Nakapaninibago naman talaga ang pangyayari kaya nag-a-adjust pa ako. “Tito? Anak nakatatampo naman. Ayaw mo bang tawagin akong Daddy?” ani nito parang nagtatampo. “Gustong-gusto po Daddy,” sabi ko malambing na yumakap sa kaniya. Napangiti ito pabiro akong kinurot sa pisngi ko. Bahagyang umatras si Daddy. “Magkakaapo na rin ako sa bunso ko,” sabi nito nakangiti tumingin sa malaki ko ng tiyan.” Si Tita Anaren. Kaya pala parehong magaan ang loob namin sa isa't isa dahil pamangkin ako ng Tita Anaren at Tatay ko si Aristeo Cornejo. Kada linggo nasa Catbalogan sila ni Tita Anaren para dalawin ako. Minsan ang dalawa kong Tiyahin na si Tiya Agnes at Tiya Alona ang dumadalaw sa ‘kin. Kahit nawala sa ‘k
Brenda Pagkalipas ng dalawang linggo. Kukunin ko na ang passport ko. Rush ang pagkuha ko kaya mabilis lang may passport na agad ako. Pagkatapos dadaan ako sa RDO para sa medical ko. Pagkadating ko roon isang magandang balita ang halos lumukso ako sa tuwa dahil umaapaw sa labis na kasiyahan ang dibdib ko. Isang himala nga dahil sa medical ko nakita ng doktor na buntis ako. “Pero dok! Nakunan po ako, one month na ang nakararaan,” saad ko pa rito kasi hindi ako makapaniwala. Pero sa puso ko walang pagsidlan ang aking kasiyahan may baby ako sa sinapupunan. “Para sure tayo magsasagawa tayo ng ultrasound,” sabi nito at itinuro sa ‘kin ang k'warto para sa ultrasound. May customer pa nga dalawa sinundan ko, pero ayos lang kasi gusto ko rin narito ang Tita Anaren, bago ako sumalang. “Dok, p'wede po antayin ko po ang Tita ko bago po ang ultrasound?” “Sure Ms. Polido. No worries,” mabait nitong tugon sa ‘kin. Buo kong pagmamahal na hinaplos ang maliit ko pang tiyan habang mag-isa
Brenda “Mommy…. faster po! Excited na po akong makita si Lolo at Lola,” apuradong boses ng anak ko ang nasa labas ng pinto sa kuwarto ko. May kasama pa iyon mga katok hindi lang kontento tinawag na niya ako gusto pang kalampagin ang pinto sa k’warto ko. Bumungisngis ako panigurado salubong na ang kilay nito same sa ama niyang masungit kapag naiinip. Napairap ako ng maalala ko si Mattheus. Hmp! Palagi kong nakikitang kasama niya ang Samanthang 'yon napaka playboy talaga. Pagkatapos kay doktora Neng-neng ako, tapos ito si Samantha ang kasama sa mga party akala niya hindi iyon nakararating sa 'kin. Lagi-lagi n'yang kasama pero hindi naman sinasabi sa madla kung anong real score nila ni Samantha. Hilig nito magpaasa sa babae kapag inlove na sa kaniya iiwan ng luhaan. Nagulat ako ng sunod-sunod ulit na katok ng anak ko sa labas ng pinto. Natampal ko ang noo ko halata nga naiinip na ang batang bibo. “Oh, c’mon, Mommy. Nasa airport na raw po si Lolo,” saad pa nito sa labas. Yes!
Mattheus Nagpaalam ako kay Ms. Anaren lalabas muna upang ipagamot ang labi ko. Napangiwi ako ng kumikirot iyon. Ngayon lang ako nasaktan ni Dad malala naman. Pumunta ako ng nurse station. Naga-agawan pa ang mga nurse upang gamutin lang ako pinanatili ko lang seryoso ang mukha ko. Alam ko naman may idea na sila kung saan ko ito nakuha kasi maraming napadaan kanina ng malakas akong sinapak ni Daddy dahil sa nangyari kay Brenda. Nang matapos nila akong gamutin, nagpasya akong magtungo muna ako sa kotse ko kasi naiwan ko ang phone ko. Gusto kong kontakin si Matthias, upang puntahan muna nito ang RMTV. Fvck! May mga press pa rin at gusto akong ambush interview. ‘President, totoo po bang nakunan ang sekretarya n'yo at ikaw raw ang ama?’ Shit! Ang dami nilang tinatanong. ‘President kaano-ano ng sekretarya mo ang rival n'yong television. May nakakita kay President Cornejo, bumuhat sa sekretarya mo galing sa loob ng sasakyan mo. Umpisa na ba ito ng pagsasanib pwersa ng dalawang m
Mattheus Nakaalis na sila Mommy at Daddy roon pa rin akong nakatingin sa dinaanan nila kahit wala na sila sa paningin ko. I sighed. Even if the hope is not clear. I will do everything. Just for Brenda to come back to me. Kung kailangan lumuhod ako sa harapan niya. Gagawin ko, ‘wag lang siyang mawala sa buhay ko. Nasanay na ako marinig ang boses niya. Hindi ko kaya tuluyan siyang lalayo sa ‘kin. Paulit-ulit akong hihingi ng ‘sorry’ sa kaniya mahalin niya lang ulit ako. Pagkalipas ng sampung minuto. Bumukas ang pinto ng delivery room. Mahimbing ang tulog si Brenda sa stretcher bed. Dalawang nurse ang nagtutulak sa kanahigaan niya. Agad kong nilapitan pinigilan ko ang dalawang nurse, gusto kong kasama ako magtutulak patungo sa k'warto niya. Ngunit natigilan ako ng magsalita si Ms. Anaren na kinalingon ko sa kaniya. “Ipagamot mo muna iyang putok mong labi at hayaan mo muna makapag pahinga si Brenda,” malamig ang boses na saad nito sa 'kin.. Napahilot ako sa batok ko. Fvck! S
Mattheus POV “Mattheus anak anong nangyari kay Brenda? Totoo ba itong nakarating na balita sa ‘min na dinugo siya dahil nagkasagutan kayo sa RMTV?” Dahan-dahan akong tumango. “Anak daming press sa labas. Gagawan namin ng paraan para walang lumabas sa nangyare. Kasi may third party na sinasabi.” “Dumating po kasi si Neng-neng,” Napatakip sa bibig niya si Mommy. Si Daddy napa 'tsk' alam kong hindi nito nagustuhan ang sinabi ko. “Kaya ba ayaw mo na kay Brenda?” anang Mommy nakahawak sa noo niya. “Gusto ko siya,” “Eh, kung gano'n bakit nangyare ito kung gusto mo siya?" malamig na saad ni Dad sa 'kin. “Kasalanan ko po,” pag-amin ko. “Oh my God. Anak naman, bakit naman kasi padalos-dalos ka,” anang Mommy na may inis sa boses. Kahit sa pagkamot sa buhok niya galit din. Natigilan ito tila ngayon lang nakita sila Ms. Anaren at Mr. Cornejo. Nanlaki ang mata ni Mommy ng makita ang seryosong si Mr. Cornejo at Ms. Anaren. Hindi ko alam paano nag-krus ang landas nila ni Bren
Brenda "Hindi na po Kuya guard," anang ko at aalis na lang sana kaya lang nakalapit na si Mattheus na seryoso mukha. "Anong kailangan mo?” walang emosyon na tanong ni Mattheus. “Nandito ka rin lang naman sasabihin ko na. Wait lang pala,” wika ko at lumapit sa kaibigan ko. “Ayan. Is*ksak mo sa baga mo animal ka. Ayaw ko ng magkaroon kahit anong koneksyon sa ‘yo kaya ibabalik ko itong bigay mo. Oo nga pala. Kinuha ko ang susi sa loob ng bag ko. Nandoon sa taas ang passbook ko. Naiwan ko sa drawer. Hindi na ako papasok simula bukas—” “Hindi pwede!” malamig niyang sabi pagkatapos lumakad na upang bumalik sa kotse nito. Hinabol ko siya naabutan ko at hinawakan ko sa siya braso niya buti tumigil. Humarap sa 'kin tumingin ako sa mukha niya wala na ang Mattheus na dating puro lambing ang sinasabi sa 'kin. “Anong hindi p'wede?! Ayaw ko ng pumasok sa kompanya mo bakit hindi p'wede?!” “Dahil malaki pa ang utang mo. Kung babayaran mo lahat ngayon. Sige, malaya ka ng maghanap ng trabaho sa
Brenda “Besh, hello, ayos ka lang ba?” “Alam mo na?” “Si Nanay ang nagbalita sa 'kin. Kasi nagkasalisi lang kayo. Pagdating niya sa bahay ni Ma'am Anaren. Iyon ang usap-usapan ng mga kasambahay." “Wala na kami ni Mattheus,” “Weh? Legit ito?” “Oo bumalik na si doktora eh. Naabutan ko sila noong Sabado sa condo.” “Putrages na iyan! Nagawa niya iyan sa ‘yo!?” gigil na sabi ni Angela. Kung nakikita ko ito ngayon I'm sure galit na galit ang kaibigan ko. “Hey, okay lang ako, besh. Hindi naman talaga siya naging akin. Kaya hayaan na natin siya,” saad ko. “Pero mali pa rin eh! Sana kung bumalik na ang ex niya maagap na sinabi sa ‘yo. Naku kung hindi ko lang amo iyon. Bibingo sa ‘kin iyon.” Bumungisngis ako. “Salamat, besh. Love mo talaga ako.” “Of course para na kitang kapatid. Ang tanga ni President. May babaeng tunay na nagmamahal sa kaniya pero binasura niya. Balang araw gagapang iyan sa lusak. Tingin ko na confused lang iyan sa pagdating ng ex. Kasi sabi-sabi dati.