Brenda Pagkatapos kong mag-send ng text kay Mattheus. Inantay ko kung sasagot ito sa ‘kin. Subalit inabot na ako ng hatinggabi sa pag-aantay sa reply nito wala akong nakuhang sagot galing dito. Nakatulog akong may pag-aalala sa kaibigang si Dean. Kaya naman, pagising ko kinabukasan cellphone ko agad ang dinampot ko. Alas nueve na nga ng umaga ako ngayon nagising. Dahil nga ala-una na akong nakatulog kagabi. Upang masigurong walang hakbang na ginawa si Mattheus laban sa kaibigan ko. Nag-text ako kay Dean. Ayaw akong replyan ni Mattheus. Edi kay Dean ako makibalita. Hindi rin ako makali kung wala akong makukuhang sagot. Si Dean na lang ang pag-asa ko baka masagot nito ang bumabagabag sa 'kin. Kasasabi ko lang na iiwasan ko si Dean, pero ito naman ako nagte-text sa kaibigan ko. Hindi ko kasi maintindihan ang ugali ni Mattheus. Madaling magalit kapag pangalan ni Dean ang nabanggit ko. Itinanggi niya ako kay Samantha, pero kung magalit kapag tungkol kay Dean ay malala. Sabi ko lan
Brenda “Simple lang ang alam ko, ang mahalin mo rin ako, sir Mattheus. Este, simple lang kasi ang niluluto ko kaya baka ayaw mo sa pochero," sabay bawi ko. Natigilan kasi si Sir Mattheus, sa aking sinabi. Aba mahirap na, baka magala-hitler na naman 'to masira ang date namin ngayon. Tumikhim ito kaya pumaling ako ng tingin sa kanya. Gumalaw ang panga nito tapos mabigat din ang pagbuntong hininga patango-tango. Expected ko naman talaga hindi nito magugustuhan ang aking sinabi. Pero mas okay na rin nasabi ko ngayon kay Mattheus, na mahal ko siya. Kahit sa pabirong paraan, nagkaroon ako ng ginhawa sa dibdib ko. “Kailan ka pa may gusto sa ‘kin?” tanong nito't kinapatda ko sa kinauupuan ko. Itatama ko sana na hindi ko lang siya gusto, kun'di mahal na mahal ko siya matagal na minabuti ko lang iyon itago sa dibdib ko, dahil maynagmamay-ari na sa puso niya. Kahit pala halata sa ‘kin na may gusto ako sa kaniya kapag pala binigla ako sa tanong ni Sir Mattheus. Nawawalan ako ng isasago
BrendaNang makarating kami ng condo ni Mattheus. Humiram muna ako sa kanya ng t-shirt niya. Huli ko lang naisip bakit nagpresenta pa ako dito sa condo niya kami mag-date. Ngayon tuloy kabado ako kasi mas naging clingy si Mattheus.Sa CR ako nagbihis kahit sinabihan ako ni Mattheus, sa kuwarto na lang niya ako magbihis at lalabas nalang daw siya, kung hindi ako komportable nasa kuwarto siya habang nagbibihis ako. Ngunit hind pa rin ako pumayag.Humarap ako sa bathroom sink upang tingnan ang sarili ko sa salamin. Sinipat ko ang t-shirt ni Mattheus. Nag mukhang duster sa ‘kin ng maisuot ko ito. At least umabot naman sa kalahati ng hita ko at hindi rin naman ito masagwang tingnan.Hindi ko nga lang alam kung paano ako kikilos na harapan ni Mattheus sa itsura kong ‘to. Una at huli kong apak dito noong nakuha ako ni Mattheus. Nag-away pa kami nilayasan ko ang ugag kaya hindi ako nagtagal dito.Woah! Bahala na nga. Kailangan kong panindigan ‘to. Dahil ako ang may gusto nito kaya magdusa ak
Brenda Naalimpungatan ako ng may pinong humahalik sa mukha ko kaya unti-unti akong dumilat, kahit alam kong si Mattheus iyon. Gusto ko lang din makita ang binata. Masyado na itong nakadadami ng halik parang walang kasawaan aba! Kahit ngayon na amoy laway pa ako hindi lang nandiri talagang halik nang halik sa labi ko. Bumungad ang nakangiting binata pagdilat ko ng tuluyan. Nahawa ako sa masaya nitong ngiti gano'n din ako nakangiti sa kaniya. Pinasadahan ko siya ng tingin uminit ang pisngi ko ng bumaba ang mata ko sa pagitan ng hita ni Mattheus. Dahil boxer short lang ang tanging suot nito half body niya ay nakadagan sa ‘kin. Sinamaan ko siya ng tingin ng pabiro nitong kagatin ang nakalantad kong balikat tawa lang ang sagot nito kahit tinulak ko ang noo nito. “Mattheus, babakat iyan!” suway ko ng lumipat naman ito sa leeg ko mahina akong kinagat pagkatapos ay hahalikan. “Why is there a problem if I leave a mark?” ani pa kumunot ang noo akala mo naman normal lang ang pinag-aalala ko
Brenda“Mattheus! Woi bangon na umaga na oi!” nilapirot ko ang ilong nito hindi lang nagising ang ugag.“Hindi ka na makauulit sa Tiya Agnes kapag hapon mo pa ako iuwi sa ospital!” pananakot ko pa sa kaniya.Dumilat ito nakangiti na agad sa ‘kin. Napanguso ako ng dumukwang ito hinalikan ako sa noo ko.“Good morning,” paos ang boses na wika nito. “Anong oras na?” tila tamad itong mag-usap.“Alas-otso. Ihatid mo na ako Mattheus baka kailangan ni Tiya Agnes, lumabas walang kahalili ang Tiya sa hospital,” wika ko pa.Uminit ang mukha ko ng gumulong si Mattheus at dumagan ito sa ibabaw ko. Damit pa rin nito ang suot ko ngayon. Hindi nga lang katulad kahapon na wala akong suot na damit. Ngayon mayroon akong suot t-shirt ni Mattheus.Ine-expect ko nga may mangyayari ulit sa ‘min. Ngunit sinabi ko masakit pa ang buong katawan ko. Kaya naman nagkasya na lamang si Mattheus na magkayakap kaming matulog.Pinanonood ako ni Mattheus, habang nasa ibabaw ko ito. Upang hindi ako mailang. Sinapo ko ito
Brenda “Magko-commute na lang ako Mattheus. Baka mayroong makakita sa ‘tin ma chismis ka pa, kapag may makakita na magkasama tayo," ani ko itinuro lalakad na ako. “Pasok na, aabutin tayo ng traffic,” tugon nito. Nalukot ang kilay ni Mattheus at sa halip nginuso ang shut gun seat sa tabi nito. Nanatili pa akong nakatayo sa labas ng nakabukas na pinto kasi nagdalawang isip pa ako kung sasakay. Naiinip na siguro sa bagal kong magdesisyon. Pinaningkit nito ako ng mata. "Brenda," may inis na sa boses nito. Tipid akong ngumiti bahala na edi, sakay na lang. S'ya lang ang inaalala ko e, mukhang wala naman itong pakialam sa pangalan niya edi, gorabels. Ako pa ba? Gusto ko rin siyang kasama. “Salamat, boss guwapo,” kinindat ko siya nang nakaupo na ako. Napangiti na lamang ito hindi inaalis ang titig sa 'kin. “Seatbelt,” saad ni Mattheus sa ‘kin ng maayos na akong nakaupo. Siya na rin ang nagsuot inunahan na naman ako nagsabi pa. “Ano na naman iniisip mo, mmm?” aniya mahina pinis
Brenda Nanatili akong sa labas nakatingin. Si Mattheus paminsan-minsan naririnig ko itong tumitikhim ngunit dedm ko lang siya. Minsan naman napa buntong-hininga ito dedma ko pa rin siya. “May guwapo ba r’yan sa labas?” tanong nito. Gusto kong lumingon kung anong hitsura ni Mattheus. Pinipigilan ko lang. Try harder pa dapat hindi ako agad padadala sa pagpaparinig nito. “Siguraduhin mo lang Brenda Polido. Mas guwapo iyang pinanood mo sa labas. May kalalagyan ka sa ‘kin,” sabi ulit nito. Pinaloob ko ang buong labi ko dahil umpisa na akong tumawa. Dapat mapanindigan ko itong emot ko. Para effective ang pagpapaalam kay Mattheus. Kung hindi madala sa matinong usapan. Idadaan ko sa actingan. Sana lang hindi ako maging marupok agad malusaw ang tampo kuno ngayon. “Baka magka stiff neck ka r’yan. Gusto ko ng magtampo ayaw mo ng lumingon sa ‘kin. Guwapo ba ang mga nakikita mo r’yan sa labas?” tanong ni Mattheus halatang naman nagpapatawa lang ngunit hindi buminta sa ‘kin. Hindi nga
Brenda Nang makarating kami sa office ni Mattheus. Pumasok muna ako sa loob ng office niya upang ipagtimpla ko ito ng nakasanayan nitong kape sa umaga. Ganito ang daily routine ko. Pagkapasok ko kahit mauna ako sa boss ko bubuksan ko ang office ni Mattheus, pagkatapos ipagtitimpla ko siya ng umuusok na kape. Bago kasi ito sumabak sa maghapon n'yang trabaho. Hinahanap nito ang kape niya sa umaga. Kaya nakahanda na agad bago pa ito dumating sa office niya. Hindi rin kasi nalalate pagpasok si Mattheus ngunit sakto lang alas-otso ang dating nito sa office niya. Ako kasi talaga maaga ako araw-araw pumasok. Ten minutes bago eight ng umaga nasa office na ako. Kaya nauuna ako parati sa kaniya. “Hon, sa labas na tayo mag-lunch," sabi nito na kinalingon ko rito. Pinasadahan ko siya ng tingin. Gusto kong matawa kasi sa hitsura nitong amo ko tila bored sa buhay niya. Aba pumasok pa kung walang ganang magtrabaho. Pambihira itong boss ko dati naman sobrang sipag nito. Nagbago yata ang i
Andrea “Ah, ‘yan pala si Jhen?” tanong ko sa ate Lucy ng hindi na nag-reply si Maxine sa 'kin. Bumalik ulit sa telebisyon ang atensyon ko. Nakangiting pinanood ko ito. Tumango ito. “Diba senyorita kasing ganda mo siya? Siguro ka height mo rin siya at magkasing katawan,” puno ng paghanga na wika ng ate Lucy para sa idol niyang artista. “Parang malabo po ang mata mo ate Lucy. Ang ganda-ganda po niya. Lalo na siguro sa personal lalo ‘yan maganda. Parang bata pa po ate Lucy, 'no? Para siyang eighteen lang," saad ko sa kaniya. “Twenty three na raw ‘yan sabi noong dating interview sa kanilang dalawa siya mismo ang nagsabi. Baby face lang talaga,” “Updated ate ah,” biro ko pa. Muli na lang akong nanood. Kaya lang napapangiwi ako sa walang katapusan na palakpak ni ate Lucy, kaya bigla akong bumungisngis at pabirong pinagsabihan ‘to. “Ate Lucy, nabibingi na po ako sa ginagawa mo. Parang gusto ko na lang bumalik sa k'warto,” “Ahehe sorry senyorita. Babawasan ko na lang ang boses
Andrea Alas-dos na ng hapon. Wala pa rin si Atlas. Naiinip naman akong mag-antay sa k'warto namin muli akong bumangon at ni off ang bukas na TV. Lumabas ulit ako't bumalik sa sala. Naabutan ko pa si ate Lucy roon sa sala ang lakas ng hagalpak ng tawa ni ate Lucy sa pinanonood niyang noontime show. Hindi pa pala tapos sa ganitong oras? O baka patapos na rin. Ang alam ko kasi hanggang 2:30 pm lang ang haba ng oras ng pinanonood ni ate Lucy na noontime show sa RMTV. Certified talagang artista fanatic si ate Lucy. Pero nakatutuwa rin naman sa kabila ng edad ni ate Lucy, kung kiligin sa mga genZ love team abot hanggang talampakan. Ang dami nitong kilalang artista ng RMTV. Mapa bagets at mga batikang artista halos kilala ni Ate Lucy. Tumikhim ako upang kunin ang atensyon niya. Hindi niya pa ako napapansin sa labis n'yang katuwaan sa pinanonood niya. May paghampas pa nga sa sofa kapag tatawa ito ng malakas. “Ate Lucy overacting ka po,” pang-aasar ko pa sa kaniya. Bumungisngis lang
Atlas Paul Trinidad? Bunsong anak ni Senator Alan Trinidad. Anim na taon ng hiwalay sa asawa nitong dating beauty international title holder. Thirty four years old. Car dealer ang business nito. Parang damit lang kung magpalit ng babae. Kapag nagsawa ay parang basahan na ididispatsa ang babae at ipapalit ang latest nagustuhan nito. Sa nakalap ni Balthazar na impormasyon. Binubugbog daw ang asawa kaya iniwan si Paul Trinidad. Nakulong daw ito dahil denemanda ng asawa. Ngunit wala pang dalawang buwan na abswelto si Paul at ang asawa nito ay sa province piniling manirahan. Last year lang may nagreklamong model dito kay Paul sa kasong pang-aabuso na katulad din sa kaso ng asawa nito. Ngunit binasura lang ang kaso dahil wala raw sapat nakuhang ebidensya ang nagsampa ng kaso. Bali-balita rin nasuhulan ang pamilya ng biktima upang manahimik. Dahil hindi lang isang beses itong nagkaroon ng kaso na ganito itong si Paul Trinidad. Pangatlong kaso ng pala same ang isinampa. Pang-aabuso ng
Atlas Napangiti ako ng tulyan akong makalabas ng condo. Kung hindi pa niya ako itinaboy. I had no intention of leaving yet. Kung p'wde ko lang siyang isama araw-araw kapag aalis ng bahay. I truly enjoy doing it. Subalit ito mismo ang unang tutol dahil nag-aaral pa at ayaw ng asawa ko na istorbohin ako sa trabaho ko. Nag-ring ang phone ko hinugot ko sa pants ko. Nang makita ko na si Balthazar ang tumatawag. Napakamot ako sa kilay ko. Naiinip na siguro dahil sabi ko within fifteen minutes nasa condo na niya ako. Kanina ko pa siya na text. Thirty minutes na ang nakalipas kaya tinawagan na ako. “Hello, patungo na ako riyan,” anang ko pigil ang tawa. “Ulol! Huhulaan ko, paalis ka pa lang Martinez. Dammit! Naiintindihan kong inlove ka masyado at hindi maiwan iwanan ang asawa mo. But I have an important matter to attend to at this moment, so please hurry up, Atlas Martinez.” “Antayin mo ako paalis na ako.” “What the heck. Totoo ngang paalis ka pa lang tarantado ka, Martinez. Kahit
Andrea Katatapos lang ng klase ko. Two hours lang ako ngayon kaya eleven ng umaga tapos na kami ng professor ko. Lumipas ulit ang isang araw naka survive naman ulit ako sa homeschooling kahit nasa time pa ako ng adjustment. “Bye po ma'am Sigrid. Ingat po sa biyahe,” “Salamat Mrs. Martinez, see you on monday,” tugon nito't kumaway din sa akin. Lunes hanggang huwebes lang kasi ang turo nito. Hindi kagaya sa normal class. Monday to Friday. Kapag homeschooling sa Immaculate University. Hanggang Thursday lang. Nang tuluyang makalabas ang professor ko. Bumalik ako sa sala upang iligpit ko ang laptop at iba ko pang gamit nakakalat sa ibabaw ng center table. Pinagsama sama ko lang ang notebook ko at pinasok muli sa backpack ko kasama ng laptop ko. Hindi ko muna inalis sa ibabaw ng center table. Mamaya pa kasi akong papasok sa k'warto dinadala ko iyon pagkatapos ng aking klase. Pero ngayon gusto ko munang tumambay rito sa sala. Kapag sa kwarto hilahin na naman ako ng tulog kapag nak
Andrea Sa pangatlong araw ko tambay sa condo. Magaan ang pakiramdam tuwing gumigising ako kinabukasan. Wala na si Atlas sa tabi ko kun'di ang amoy nito ang naiwan sa unan, kaya niyakap ko at inamoy amoy ko na lang iyon habang nakayakap sa unan na gamit ni Atlas. Gustong-gusto ito ng baby ko hindi ako nahihilo kapag inaamoy ko si Atlas. Hindi talaga ako pinayagan ni Atlas na pumasok sa Immaculate University. Mabilis nitong inayos kinabukasan ng walang kahirap-hirap na inilipat niya ako sa homeschooling program. Dahil din ayaw ko naman na mag-away pa kami kagaya noon na tatlong araw na walang kibuuan. Sinunod ko na lang si Atlas. Sabi ni daddy. Pakinggan ko ang asawa ko kasi alam ni Atlas ang ginagawa nito kaya magtiwala lang daw ako rito. Para din sa kapakanan ko ang iniisip ni Atlas. Ano pa edi oo na lang kaya ang ate Lucy. Tuwang-tuwa kasi araw-araw na raw siya may ka chismisan dahil kasama na niya ako. Hmp ang aga naman gumising ng asawa ko hindi ko lang namalayan umalis sa
Andrea “Nightmare?” He gave me a serious look, and I could see the fear in his eyes. “Kanina pa kita ginigising,” umiigting ang kaniyang panga habang nakatingin siya sa akin. Pinunasan nito ang pisngi ko basa pala talaga? Seryoso talaga nga umiyak ako pero panaginip lang iyon ang iyak ko ay totoo. Mariin akong napapikit. Akala ko totoo ang nangyari kanina. Parang totoo kasi katunayan masakit ngayon ang dibdib ko. Hinaplos ko iyon. Doon napunta ang mata ni Atlas at salubong ang kilay. “May masakit sa iyo, mmm?” puno ng pag-aalala ang boses nito. “Baby, maybe you need to rest; I'm worried about you.” Dali-dali akong lumingon sa paligid kung nasaan ako. Pagkatapos ay kinapa ko pa ang dibdib ko para i-check kong wala ba talaga akong tama ng bala. Nang wala akong makapa animo nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Umiiyak na pala ako ng tahimik dahil sa labis na galak kasi kasama ko pa si Atlas. Makikita ko pa ang daddy ko at higit sa lahat. Masisilayan ko pa ang mga anak namin ni Atlas
Andrea "H'wag mong ituloy ang balak mo please! Hindi pa huli ang lahat. May mga anak ka. Kahit mapatay mo ako ngayon. Hindi ka rin makaliligtas dahil hahabulin ka ng batas," puno ng pakiusap na wika ko sa kaniya. "Wala na akong pakialam kung saan ako pupulutin pagkatapos nito. Ang tanging mahalaga sa 'kin. Ang mabura ka sa mundo!" nanlilisik ang mata na sabi nito sa 'kin. Sandali akong pumikit namalisbis ang luha sa aking pisngi. Tatanggapin ko na lang ba na hanggang dito na lang ako? Ngunit hindi ako papayag. Magkakaanak na kami ni Atlas. Makababalik ako kay Atlas. Magkakaroon pa kami ng maraming anak. Humakbang ng isa si Olivia papalit sa 'kin ngunit hinayaan ko kasi hindi ako makakilos. Dammit! Kung aatras ako, sa bangin ang bagsak ko. Maari akong tumakbo ngunit anong laban ko sa baril na hawak ni Olivia. Susubukan ko pa rin siyang kausapin baka makinig. Dahil naniniwala ako kapag isang ina. Makaaalala sa anak nila. Baka ito ang magligtas sa 'kin. Hahayaan niya akong makauw
Andrea (Warning! Read at your own risk) “Okay na ba, besh?” mabilis akong nilapitan ni Vianca ng matapos kaming mag-usap ni Kier. "Woi!" Check pa nito ang kamay ko, braso ko, pisngi ko kung mayroon daw akong pasa dahil ipapupulis niya ulit si Kier. "Sigurado ka hindi ka ginawan ng masama ng supot na iyon?" nasamid ako sa sinabi nito. "Magsabi ka besh! Alam ko ikaw hangga't kaya mo itago pagtatakpan mo," sabi pa nito nag-aala. “Hoy," halakhak ko kinurot ko pa sa tagiliran niya kasi makulit talaga 'to. "Paano siya maka porma kung nakabantay si kuya Neil. Nakamasid sa 'min. Ikaw rin naka pamaywang pa at seryosong nakatingin sa 'min. Salamat bff palagi mo akong pinagtanggol kapag mayroon nang-aapi sa 'kin." “Aba mahirap na magkaroon ulit ng pasa ang palapulsuhan mo kun'di pakukulam ko na iyon!” gigil niyang sabi. “Pasaway ka. Wala, kasi mabait na siya at sana tuloy-tuloy na ganun si Kier. Para naman tanggapin na siya ni San Pedro,” pabiro kong saad sa bestfriend ko. “Halleluja