Brenda“Masakit ‘no? Talagang susundin mo pa ang papa mo kahit ramdam mo sarili lang iniisip ng ama mo? Ako ang naawa sa ‘yo, Kaye. Kasi kaya ka niyang iwanan sa alanganin sitwasyon para lang maligtas siya.”Sinamaan ako ng tingin ni Kaye. “Pwede ba manahimik ka! Kahit anong sabihin mo. Hindi pa rin kita kakalagan d'yan.”“Ok it's up to you. Paano kung makulong ka? Hindi ka raw tutulungan ng ama mo. Nakaaawa ka Kaye, isipin mo pa lang ikaw ang haharap sa parusang nag-aantay sa papa mo ang hirap noon ha? Si papa mo masayang magpagala-gala sa labas. Habang ikaw ang magdudusa sa loob ng correctional kasama ng mga criminal. Awts! Nakakatakot pa naman daw sa loob ng kulungan—”“Stop!” agad nitong sabi kinuyom ang magkabila n'yang palad. “Ano ba ang alam mo sa akin ha? Brenda? Hindi mo alam kung anong buhay mayroon ako kaya please lang tigilan mong ingay na akala mo alam mo ang lahat!” umiiyak na sabi nito.“Kaye?” gulat kong sabi. Totoo nga umiiyak ito iniiwasan lang lumakas.Malakas akong
Brenda “Kaye nagpuputukan sa labas. May iba pa bang kalaban ang papa mo?” tanong ko sa kaniya iyon kasi ang naisip ko ngayon. “Hindi ko alam eh. Halika dito tayo dumaan patungo sa korse ko,” bulong ni Kaye, inalalayan akong tumayo. "Salamat Kaye," bulong ko tumango ito. Dumating si Samantha. Palitan kami pinagmasdan ni Kaye. Nakakunot noo nito animo nagtataka. “Kaye! Saan mo dadalhin si Brenda? Tigilan mo 'yan 'wag kang maniwala sa papa mo," "Mali ka ng iniisip. Tutulungan ko nga si Brenda e," tugon sa kaniya ni Kaye. "Mabuti at nagbago ang isip mo. Sina Mattheus ang dumating nagpapalitan ng putok sa labas kasi may dumating na tauhan si Papa mo. Ayaw ni Vidal sumuko." “Nandito na sina Mattheus?” napangiti ako ngunit hindi ko rin maiwasang matakot kasi walang tigil ang palitan ng putok sa labas baka mapahamak si Mattheus. “Tutulungan ko makauwi si Brenda,” saad ni Kaye. "Salamat naman at natauhan ka r’yan sa ama mong bulok ang kaluluwa. Tara mas malapit ang kotse k
Brenda “Mattheus mamaya na,” bulong ko at inginuso ko si Kaye na tahimik na umiiyak nakaupo sa harapan ng Papa nito. Kanina kalong pa nito ang ulo ni Vidal, sa hita ni Kaye pero ng dumating ang Mama ni kaye. Sa mama naman nito ngayon nakakalong ang ulo ni Vidal. “I'll understand, hon,” sagot ni Mattheus. Ang saya ko dahil nauunawaan ako ni Mattheus sa gusto kong mangyari. Kanina, nakiusap ako kay Mattheus. Antayin muna namin mailibing si Vidal, bago sampahan ng kaso si Kaye. Noong una ko iyon sabihin, ayaw pumayag ni Mattheus. Nadala lang sa maayos kong paliwanag kaya hinayaan muna si Kaye. Kahit nga mama nito gusto ni Mattheus sampahan din ng kaso hindi lang ako pumayag. Bagamat wala pang alam si Kaye sa pag-uusap naming ito ni Mattheus, ngunit mamaya ipapaalam ko sa dalaga. “Dad, wait lang po,” tinawag ni Mattheus si Dad Rowan. Tumigil ito muling humarap sa ‘min. “Susunod po kami. Antayin lang po namin dumating ang tinawagan kong funeral homes. At tsaka kami uuwi agad,” T
Brenda Pareho na lang kami natawa ni Mattheus pagkatapos ng biro kong 'yon sa kaniya. Ilang minuto pa ay naging tahimik ako nakatanaw lang ako sa labas ng kotse, habang binabagtas namin pauwi ng bahay nila Mattheus. Naalala ko i-text si Tita Anaren. Sinabi ko baka bukas na kami makauwi ni Mattheus. Kasi iyon naman ang sabi nito sa 'kin baka kasi mag-antay sila sa bahay wala naman kami. Mabuti na alam nila hindi kami uuwi kaysa mamuti ang mata ni Daddy at Tita kaaantay sa 'min ni Mattheus. Ka-se-send ko pa lang. Agad nag-reply si Tita Anaren. Tita Anaren: ikaw na lang dumalaw sa bahay ng Daddy mo uuwi na muna kami. Ingat kayo sa biyahe. Malaki ang pasasalamat ko kasi ang phone ko nasa loob pa rin ng bag ko at ibinalik ni Kaye kanina bago kami umalis. Hindi nawala sa kotse ni Kaye, noong dinukot nila ako. Hindi nila pinakialaman ang dala-dala kong bag nasa loob lang ito ng sasakayan. Habang tahimik akong nakatanaw sa labas. Biglang sumagi sa isip ko si Samantha at Kaye. Sa sus
Brenda Inabot kami ng alas onse y medya ng gabi sa biyahe bago makarating sa bahay nila Mattheus. Maliwanag pa ang buong solar ng mansion ng mga Martinez. Ibig sabihin mga gising pa silang lahat at inaantay nga kami. May napansin din akong naka park na bagong sasakyan sa driveway. May bisita ba sila ngunit sino kaya? Para namang nabasa ni Mattheus ang aking iniisip kasi sumagot ito sa akin. “Sa asawa ni Ate Mayang ang nakikita mong black sports car, hon," anang Mattheus at hinila na ako upang pumasok na kami sa main door. So nandito pala sina Ms. Marrianne. Nakita ko rin ang sasakyan ni Matthias. Ibig ba nitong sabihin nandito pa rin sina Lorelei kahit gabing-gabi na ang oras. Pagtulak ni Mattheus sa pinto agad silang lumingon sa amin. Mukhang nagkakasiyahn pa kasi nadatnan namin masayang nagtatawanan sina Mommy, Lorelei at Ms. Marrianne. Namilog pa ang mata ni Atlas pagkakita sa amin ng Daddy niya at umalis agad sa tabi ni Daddy Rowan, alam ko patungo ito sa 'min ni Matth
Mattheus “Yes! Kung sino ang natanggap mo ‘yan na ang sekretarya ko,” tugon ko sa HR na si Mrs. Sison. Tumawag sa ‘kin kung papasok na ako. Kasi alas-otso nga naman naririto pa ako sa bahay. Alas siyete na kasi ako nagising kanina kaya late na ako makararating sa opis ko ngayon. Isa pa narito ang mga kapatid ko ngunit nakauwi na sina Ate Mayang at mamaya lang din sina Matthias pauwi na rin kaya si Atlas. Hindi sa ‘kin sumama pabalik dito sa kuwarto namin nandoon pa kasi sa mga pinsan hindi pa umaalis. Tulog pa si Brenda. Iniwan ko itong tulog kanina, hanggang ngayon mahimbing pa rin ang tulog. Napangiti ako’t pinagmasdan ko muna ito bago ko lapitan sa kama. Sobrang takot ko kahapon ng madukot ito. Dammit halos mabaliw ako sa kaiisip patungo sa bahay ni Vidal, upang sunduin ito. Nakabihis na rin ako upang pumasok sa office. Naglakad ako patungo sa kama at maingat na umupo sa tabi nito. Dumukwang ako upang humalik sa labi niya. I had no intention of waking up Brenda, kaya naman
Mattheus “Makapag-a-antay naman ang office, hon. Pero ikaw mayroong babayaran sa ‘kin, Misis ko. Mmm..mas gusto ko ito at ngayon ko na sisingilin," “Seryoso? H-hindi pa nga ako naligo at naghilamos, Mattheus, wait lang," ani nito. I chuckled. Namula kasi ang mukha nito hindi makapaniwala nasabi ko iyon sa kaniya. Ganito talaga itong mahal ko. Kapag hinahalikan ko ng bagong gising, nahihiya. Kasi laging iniisip wala pa raw siyang mumog. E, kahit naman wala pang mumog. Hahalikan ko parin siya ito lang talaga ang nahihiya sa 'kin. Balak pang magreklamo ngunit hindi ko na inantay makapagsalita. Sa halip masarap na ungol ang narinig ko galing sa kaniya. Dahil bumaba ang halik ko sa tiyan niya at pino ko iyon hinalikan lahat ng madaanan ko wala akong pinalampas hanggang sa singit hinalikan ko 'yun. Napasinghap ito ng ibuka ko ang magkabila n'yang hita at bumaba ang mukha ko roon pagkatapos. Wala akong ng sere-seremonyas dinilaan ko ang kaniya pagkababa e. “Ohhh. Ohhh. Ohhh,” I h
Brenda Nagbihis muna kami ni Mattheus bago niya puntahan ang pinto upang pagbuksan si Atlas. Muling kinalampag ni Atlas sa labas. Kaya natawa ako. Kung nakikita ko ang anak ko ngayon. Panigurado nakasimangot na ito't naiinip. E, kasalanan naman ng Tatay niya nilandi pa ako papasok na nga lang sa office niya. Nang tuluyang mabuksan ni Mattheus ang pinto. Nakita ko ang anak ko nakasimangot. Bumungisngis ako kasi kakamot sa buhok ang Daddy nito pagkikita sa anak n'yang parang matanda kung manita sa kaniya. “Daddy bakit po ang tagal n'yo akong buksan,” salubong ang kilay nito sa Daddy niya tuloy-tuloy lumakad patungo sa ‘kin. “Atlas pupunta tayo sa Lolo Aristeo ngayon, naligo ka na ba anak ko?” wik ko sa kaniya umiling ito. “Si Daddy po naligo na,” sagot nito tumingin sa ama parang nagtaka ng makita hindi na nakapang opisina si Mattheus. “Hindi ka po papasok sa office, Dad?” kumunot ang noo nito. Iba na kasi ang sout ni Mattheus. Naka short na lang ng pambahay at walang suot n
Andrea “Atlas, tigilan mo mamaya tatawagin na tayo ni nanay Fidelisa para sa hapunan. Sinabi ko pa naman ihanda na at magbibihis lang tayo. Ikaw pa naman hindi papayag kapag hindi iisa pa,” suway ko sa kaniya ngunit hindi lang umalis sa likuran ko. Nanatili lamang nakayakap sa likuran ko panay pa rin halik sa leeg ko. Maya-maya pinihit niya akong paharap sa kaniya at siniil ako ng halik. “Maaga pa naman baby,” saad nito at siniil ako ng halik pagkatapos mabilis n'ya akong kinarga at pinulupot niya ang magkabila kong binti sa baywang niya. Kahit naglakakad si Atlas patungo sa kama hindi naputol ang halikan namin. Na para bang hindi niya ako palaging hinahalikan kung makahalik ngayon puno pa rin iyon ng pananabik. Maingat niya akong ibinaba ngumisi sa ‘kin. “Ayaw talaga paawat huh?” saad ko. Inalis niya agad ang suot kong blouse sinunod ang aking bra. Wala siyang kahirap-hirap n'yang inalis iyon sa ‘kin. Dahil din kanina pa tanggal ang hook sa closet ko pa lang. Tuluyan a
Andrea “Nay! Samahan mo ako bukas bumili tayo ng mga upuan at lamesa. Naisip ko sa labas na lang ganapin para malayang kumilos. Alas-sais naman ng gabi malawak naman ang hardin. Siguro naman po. Kasya tayong lahat doon. Sa tingin mo ‘nay maganda ba ang naisip ko?” hingi ko pa ng opinyon sa kaniya. Bago pa sa akin ang magaganap na pagsalo-salo. Kaya mainam din hihingi ng opinyon sa ibang nakatatanda kung mayroon ma-i-suggest naiba. Baka mas maganda ang maging suggestion ni ‘nay Fidelisa. “Maganda ang naisip mo. Pero Andeng, kung tayo lang ang bibili. Hindi natin iyon kaya. Buti sana kung isang lamesa at upuan lang ang bibilhin natin. E, alam ko malaki ang pamilya Martinez. Hindi iyon sakto sa pamilya ng asawa mo kung isang seat lang ang bibilhin mo,” aniya. “Opo. Isasama na lang natin sina ate Lucy at ate Jane. Nand'yan din si Atlas, hindi iyon papasok bukas may kasama tayo. Sakto rin po ayos na rin natin sa labas pagdating galing bumili.” “Mabuti pa nga anak. Bibili pa ba ta
Andrea Alas singko na ng hapon kami nakauwi ni Atlas sa bahay. Tahimik buong living room ng pumasok kami. Hmmm saan kaya sina ate Lucy at ate Jane? Ang nanay Fidelisa alam ko kapag ganitong oras. Busy iyon sa kitchen kasi siya talaga ang nagluluto ng ulam kahit noon pa. Ngayon tiyak inako pa rin nito dahil naksanayan ng nanay Fidelisa at masarap din kasi itong magluto. “Saan ka pupunta?” tanong ni Atlas ng alisin ko ang kamay n'yang nakapulupot sa baywang ko. “Sa kitchen sisilipin ko lang kung naroon si ‘nay Fidelisa,” “Kararating lang natin magpahinga ka muna baby,” “Mamaya na after natin kumain ng hapunan. Mayroon lang akong pakikiusap sa nanay Fidelisa," “Tulad ng ano?” nakakunot ang noo nito tila ba ayaw niya akong payagan. “May pag-uusapan lang kami ni Nanay Fidelisa na plano para bukas sa pagpunta ng pamilya mo,” “Anong plano?” may pagtataka n'yang tanong sa ‘kin. “Mag-aayos lang kami bukas," “Baby, ‘wag ka ng magpagod okay lang kahit ano lang ang ihanda n'yo
Andrea Naantala lang pala ang reply ni Vianca kasi nag-reply pa ulit siya kung maari kaming gumamit ng swimming pool. Gustong maligo ni Vianca. Nakikiusap sa ‘kin kung p'wede. Ako: Oo naman besh basta magdala kayo ng swimsuit alam mo naman na bawal kagaya noong una mong punta rito. Hindi tayo pinayagan kahit anong pakiusap ko kasi naka t-shirt at short tayo. Naiintindihan ko ang guwardiya ayaw n'yang gayahin ng iba. Kung pagbibigyan nga naman kami. Maaring masabihan na may favoritism ang management. “Papasyal daw sina Vianca at Maxine sa condo natin. Sinabi ko next week at sabado sila pumunta kasi wala tayo sa condo bukas. “Okay nasa condo naman ako niyan papuntahin mo na,” sagot ni Atlas. “P'wede ba kaming mag-swimming niyan?” Lahat naman ng condo owner anytime p’wedeng gumamit ng swimming pool. Para iyon sa lahat ng condo owner. Basta sumunod lang sa dress code. “Sasamahan ko kayo,” “Mahihiya sila. Silipin mo na lang kami palagi roon. Kasama mo naman si ate Lucy,”
Andrea “Dammit, baby. Hindi naman aalis si ‘nay Fidelisa nagmamadali ka,” suway ni Atlas ng nahabol niya ako bago pa makarating sa sala. Kasi iniwan ko na siya pagkababa lang namin sa hagdanan dahil sabik akong mayakap ang bagong dating na si nanay Fidelisa. “Ikaw ba naman na matagal hindi nakita ang tinuring mong pangalawang ina hindi ka ba magkaganito? Oh, sasagot ka pa talaga Martinez ang pangit mo ka-bonding." Hinayaan na lang ako ni Atlas na maunang maglakad upang puntahan ang nanay Fidelisa. “Nanay Fidelisa! Namiss kita promise,” wika ko pa umupo sa gitna nila ni ate Lucy. Kahit masikip na sila nila ate Lucy sa upuan. Dedma ko lang pinagkasya ko ang sarili ko ‘wag lang kumilos. Dahil magkakabunguan na. Kasama pa kasi nilang tatlo si Alvina, nakanganga matulog sa mahabang sofa. Sumiksik pa ako kaya naging lima na kami kasama si Alvina. “Baby sumiksik ka pa maiipit ang tiyan mo r’yan,” suway ni Atlas. Nagbingi-bingihan lang ako sa sinabi ni Atlas. Sa halip masaya akong y
Andrea “Okay naman po mommy. Mabuti nga po walang malala na nasaktan. Si dad okay lang po siya,” tugon ko sa kaniya ang daming kinumusta ni mommy Brenda tungkol sa nangyaring pagbawi kay Alvina. “Gusto mo bang magdala kami ng buko pandan diyan sa sabado, hija?” malambing n'yang tanong sa 'kin. Ang sweet talaga ng biyenan ko napaka swerte ko sila ang magulang ng asawa ko. Bigla akong natakam sa buko pandan. Akala ko tapos na akong mag-crave noon kasi hindi na ako nag-aaya kay ate Lucy gumawa sa condo. Pagkarinig ko lang natakam agad ako. Bukas na pala sila pupunta rito sa bahay para pag-usapan ang church wedding namin ni Atlas. Na-excite ako sa magaganap na kasal. This time dadalo ng kompleto ang pamilya ni Atlas at akin. Kahit si daddy, Alvina, ate Jane at Nanay Fidelisa lang ang pamilyang mayroon ako. Buo ang sayang nararamdaman ko. “Sabi nga ng asawa mo may pagkain na siyang order sa restaurant ng daddy mo. Kahit mayroon na, may dala pa rin kami. Ayaw kong mapahiya sa balae
Andrea “Okay na ma'am. Bilhin n'yo lang po ng kompleto ang reseta ni Sir, Galiga. Maari na po kayong umuwi,” bilin ni doktora nag-assist kay Daddy sa emergency room pagdating namin sa loob ng ospital. Emergency room kasi ang available dahil nga hating-gabi na kami sumugod walang ibang doktor. Mabuti nga inasikaso kaagad si Daddy kaya kami'y nakalabas din agad. “Ako na ang bibili ng gamot ni Sir Galiga, ma'am Andrea,” presenta ng kuya Sonny ng magpaalam ako sa kanila mauna sila sa van. Ako naman ay tatawid pa para bumili ng mga gamot ni daddy. Sa harapan lang kasi ng ospital ang bukas na pharmacy. Sa ospital ay sarado kaya ako'y tatawid doon para bumili ng gamot. "Sigurado ka po ba kuya Sonny?” “Oo ma'am Andrea. Magagalit din si Sir Atlas, kapag kami ni sir Galiga lang ang magkasamang bumalik sa sasakyan. Kayo na lang po ang mauna at ako na ang bahalang bumili.” “Sige po kuya Sonny at salamat po,” tugon ko at inabot ko sa kaniya ang reseta at kumuha ako ng pera sa bag ko.
Andrea Nang tuluyang mawala sa paningin ko si Erica. Sa mommy niya kami lumapit ni Atlas. Ganun pa rin tulala pa rin si Olivia. Bumuntonghininga ako sana lang hindi lang siya umaarte. Sa kabilang banda gusto kong gumaling agad si Olivia para sa mga anak niya. Nakita ko si Erica, nasasaktan sa nangyari sa mama niya kahit wala itong banggitin nagsasabi ang malungkot nitong mata. Nang tumingin ito sa mama niya bago sumakay sa taxi naluha si Erica. Dumating din pala ang kaibigan ni Atlas na head director ng rehabilitation center. Sinundo si Olivia. Si Atlas siguro ang tumawag kanina kasi marami naman tinawagan bago kami pumunta rito. May kasamang anim na mga nurse. Dalawang babae at apat na lalaki. Van ang dala naisakay na sa loob si Olivia ngunit nakasarado naman ang pinto at napalibutan siya ng apat na lalaking nurse. Kausap pa ni Atlas ang kaibigan n'yang head director. Maraming bilin si Atlas. Soon dadalaw kami. Baka kailangan din kasama si Erica sa pagdalaw para hindi maramda
Andrea Kanina pa ako nakatingin sa apartment ni Erica. Pinasok na nila Atlas. Marami na rin taong nakiusyuso dahil naging maingay si Olivia ayaw sumuko. Hindi nga noong una nakapasok sina Atlas maging ang mga pulis. Maingay rin ang kapatid kong si Alvina. Ngunit pagkatapos tumahimik kaya ako'y kabado sobra. Shit wala akong balita sa kanila. Ano na kaya ang nangyari? “Ma'am Andrea saan ka pupunta?” maagap na tanong ni Kuya Neil ng buksan ko ang pinto sa tagiliran ko. “Kuya sisilipin ko lang sila—” “Hindi pu-pwede ma'am. Kami ang mananagot kay Sir Atlas, kapag pinayagan kita. Ayaw namin mawalan ng trabaho. Dito ka na lang muna ma'am Andrea. Tingin ko po nagtagumpay naman sila kaya wala kang dapat ipag-alala.” “Hindi ako lalapit—” “Hindi pa rin pu-puwede ma'am Andrea. Dito na lang tayo mag-antay mamaya darating na rin ‘yan si sir Atlas,” pakiusap ni kuya Neil. “Kuya Neil hindi naman malalaman ni Atlas.” Bang! Bang! Shit! Dalawang putok sinong tinamaan. Nanlaki ang