Halos tumulo na ang mga pawis ko habang hinihintay ang resulta. Napatingin din naman ako sa paligid, para makita ang iba na kagaya kong may importante ring hinihintay.
"Kawawa ka naman," panunuya ni Jacob sa 'kin at binigyan ako ng panyo. Sarkastiko na lang akong ngumiti, nararamdaman pa rin ang kaba sa sariling dibdib.
"The result has been posted online. Pero kung gusto niyong makita personally, nasa likod ng multi-purpose room ang list," sabi ng isang prof.
Nanlaki ang mga mata ko sa pananabik. Kaagad kong hinila si Jacob at tinungo ang daan patungo sa multi-purpose room. At syempre, dahil sa dalawang beses pa lang akong nakapasok sa university na 'to, hindi ko pa totally kabisado ang pasikot-sikot dito.
"'Bat ka excited? 'Di ka rin naman kasali for sure," Jacob again mocked me. Napanguso ako at sinamaan siya ng tingin. Nang makita ang reaksyon ko ay sinuko niya ang dalawa niyang kamay sa ere.
"Kasali ako. I will prove you wrong," pang-aasar ko sa kaniya. Nagpatuloy kami sa paglalakad, at paminsan-minsan ay natitigilan kapag may aksidenteng nakakabangga sa 'kin. Matao talaga ang pwesto namin ngayon, at alam ko na halos lahat ng nakapaligid sa 'kin ay mag-se-senior high school din.
Mas lalong naging hugis-puso ang mga mata ko nang tanaw-tanaw ko na ang isang tarpaulin, at halata na ang mga pangalan ng students ang naka-print dito. Dali-dali kong hinila si Jacob dahil ang tagal-tagal niya kung maglakad.
At nang tuluyan ko na ngang nakita at nabasa ang mga name na nakasulat sa malaking tarpaulin, 'di ako nakapagsalita. Gusto ko na lang tuloy umiyak. Nag-aalala akong tiningnan ni Jacob, mga mata niya ay nakikipagsimpatya sa 'kin.
I failed to pass the entrance exam.
Kung na-pass ko 'to, isang scholarship sana ang maihahandog sa 'kin. Nakakalungkot lang kasi ilang araw akong sabik na malaman ang resulta. Kung alam ko lang na hindi na naman pala ako masasali sa scholarship program ng university, dapat ay hindi na lang ako nag-try.
Na-realise ko na wala talaga akong maibubuga. All those sleepless nights that I had faced were all literally useless. 'Yong mga pagkain na 'di ko nakain kakaaral ay walang silbi rin. I should have thought from the beginning that my academic ability wasn't enough.
"I can transfer my scholarship for you," Jacob sincerely joked. "Smile ka na? Ililibre kita!"
Umiling ako. "I should have known my limits, Jacob." I sighed heavily. Hindi ko na rin tinago ang pait sa ngiti ko dahil alam ko na marami ring kagaya ko ang hindi nasali sa program. "Para akong tanga. Dapat ay hindi rin ako nandito ngayon. What am I even doing in this well-known university? Parang kulisap lang 'ata ako rito."
"Faith---"
"No. Okay lang talaga. Mabuti ka pa nga. Nasali. 'Bat ang talino mo? 'Bat 'di mo 'ko binigyan ng kahit kaunting brain cells?"
"I will gonna talk to my mom, then. May programa siya na tumutulong sa mga freshmen. All you need to do is to pass the entrance exam--"
"Exam na naman?" I laughed at him. Sinamaan niya ako ng tingin. Nang mabatid na seryoso talaga siya ay napatikhim ako at napaayos ng tayo. Muli akong tumikhim. "Sige. I'll try again. Baka lang naman suwertehin."
Inirapan niya ako kaya mas lalong lumakas ang tawa ko. Jacob's girly reaction never failed to make me entertained. Kung hindi lang siya nagkukuwento patungkol sa mga babaeng crush niya ay baka aakalain ko talagang member siya ng LGBT Community. Though kahit member nga siya, he's still my buddy.
Jacob was actually a rich kid. Hindi nga lang halata dahil ang simple niya kung manamit. Hindi rin siya mapili sa mga pagkain, paminsan-minsan nga ay ako pa ang maarte at mapili kaysa sa kaniya. He's a son of a Governor.
"Tricycle tayo?" tanong niya at kunot-noong kinapa ang sariling bulsa. "Sampung piso na lang nasa bulsa ko. Pautang na lang muna."
Natawa ako sa sinabi niya. Umuwi ako nang may kirot pa rin sa dibdib. Hindi ko na rin mapigilan ang panunubig ng mga mata ko.
"Ako na po riyan!" natataranta kong sigaw nang makita si Manang na naghuhugas ng mga plato. Pero kagaya ng nakasanayan, marahan niya lang na tinabig ang kamay ko. Napanguso ako at napasandal na lamang sa counter, pinapanood siya.
"Hindi ako nakasali sa program, Manang," nakangiti kong sabi. Mabuti na lang at kahit papaano ay gumaan na rin ang dibdib ko. "Pero may ibang opportunity pa rin naman na naghihintay. Tuloy pa rin naman po ang buhay. 'Di naman ako affected."
Natawa siya sa biro ko. Peto totoo 'yong sa part na maghihintay na lang ako ng bagong opportunity.
"Darating na ang mag-asawang Cattaneo mamaya."
Natigilan ako sa narinig mula sa kaniya. 'Di ko tuloy mabatid kung ngingiti ba ako o tatalon sa pananabik. Malaki ang utang na loob ko sa mag-asawang Cattaneo. Sila na 'ata ang pinakamabait na mag-asawa na nakilala ko sa buong buhay ko. Because of them, I finished my highschool journey without worrying about financial problem. Because of them, I was now living for free.
Si Manang, na kaharap ko ngayon, ay ilang taon nang nagtatrabaho sa pamilyang Cattaneo. Kaya nang malaman ng mag-asawa na may pamangkin siyang gustong-gustong makapagtapos ng pag-aaral ay inampon nila ako.
Am I even saying the right term?
Hindi naman ako literal na inampon. Parang pinatira lang ako, pinaaral, at binigyan ng sinserong atensyon. They also knew my tedious life back then when I was a juvenile. They kept believing that I might be assaulted if I would stay to my father's side.
At alam ko naman na tama sila. To live with my father was like risking my life in line. Kaya nga ay laking pasasalamat ko at may mabuting pamilya ang sumagip sa 'kin.
Kung wala sila, marahil ay hindi ako nakakapag-aral ngayon, o kung nakakapag-aral nga pero nagbabalat na ng buto para mabuhay ang sarili.
Si Papa naman, alam kong hindi niya gustong malayo ako sa kaniya. Me, too. It was so hard to be far away from him. But what could I do? To have a long distance from him was my one and only choice. Pero hanggang ngayon ay nagkakakomunikasyon naman kami.
"Siguradong hindi rin naman sila magtatagal," sabi na naman ni Manang. Sandali siyang tumigil sa ginagawa at napatitig sa labas ng bintana. "Himala na lang kung magtatagal sila rito ng dalawang araw."
Sumama ang mood ko sa narinig. Kailan ko pa ba kasi nakalimutan ang kasalukuyang estado ng mag-asawa? They were all busy in their own professions. Hindi ko rin naman sila masisi kasi may responsibilidad naman silang gawin ang kanilang trabaho -- Mr. Cattaneo was a great Soldier, and Mrs. Cattaneo was a Military Doctor.
Kaya hindi na kataka-taka pa na maski graduation ng isa nilang anak ay hindi na rin nila masipot pa. Pero ako nga na hindi nila anak ay naiintindihan sila, siguradong ang mga anak nila ay batid din ang paghihirap nilang dalawa. Mabuti pa nga ang magkakapatid na 'yon, e'. They're so lucky to have a complete family.
"Saan na naman kaya sila ma-aassign, Manang?" tanong ko. "'Di ba madalas silang papalit-palit ng destino?"
Umiling lang si manang na tanda na wala rin siyang alam. Humalukipkip ako at akma na sana siyang tutulungan sa paghuhugas nang tinabig niya na naman ang kamay ko. Mas lalo tuloy akong humalakhak. Pakiramdam ko ay malapit na 'ata akong mamatay kakatawa. Ang sarap pala talagang mang-asar.
"Papunta na rin ang magkapatid ngayon," she teased me. "Alam mo ba na kasama na rin si Rynierre? 'Di ba gusto mo ang alaga kong 'yon?"
Pabiro akong umirap, hindi na makapagsalita pa. Pinili ko na lamang tumayo nang tuwid kasi 'di ko na maihakbang ang mga paa ko sa sobrang kaba.
"Rynierre is always busy," I murmured, "kaya malabong makita ko siya ngayon." Mas lalong lumubo ang mga pisngi ko nang mas lalong lumakas ang nanunuyang tawa niya. I tried my best to calm myself down. Pero wala pa rin. Sa huli ay ngumiti na lang ako nang matamis kay Manang. Bago pa ako tuluyang makalabas ng kusina ay muli niya akong inasar. "Nakauwi ka na?" tanong ni Jacob mula sa kabilang linya. "Are you okay?" Mas lalo akong natawa. Nakakatawa ang lalaki na 'to. Parang sa 'ming dalawa ay siya 'tong hindi pinili kanina. Though masakit talaga sa 'kin na 'di makasali sa program, pero ano pa bang magagawa ko? "Mr. and Mrs. Cattaneo are coming," balita ko, may ngiti sa mga labi. I could hear him sighing in contentment. Akala niya siguro ay naglukuksa pa rin ako hanggang ngayon. "And Rynierre will be here, too." Humalakhak siya sa narinig mula sa 'kin. Umalis na nga ako sa kusina kasi aya
Para akong natigalgal sa paraan ng tingin niya sa 'kin. Sa katanuyan ay nakasanayan niya nang tingnan ako ng ganiyan. Hindi ko mawari kung ganiyan lang talaga siya tumingin sa kahit na sino o ako lang talaga 'tong masyadong asyumera. Kagaya nga ng sinabi ko, minsan lang kami kung magkita, kasi bukod sa palagi siyang busy ay medyo mailap din siya sa mga tao. Sabihin na nating hindi siya socialable na tao. Napansin ko sa kaniya na ang mga taong ka-close niya lang ang kinakausap niya. And that attitude of him was the reason why many girls applauded him. Hindi ko rin naman sila masisi. Rynierre had the charm that even the word 'exquisite' wasn't enough to describe him. Dagdagan pa na matalino siya. The looks. The brain. The kind attitude. Nasa kaniya na ang lahat. "Hindi pala ako magtatagal ngayon," Rynierre interrupted my thoughts. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang nakita na hindi siya nakatingin sa 'kin. Kina
Natahimik lang ang lahat nang tumunog ang phone ni Rynierre. Sinagot niya ang caller, at talagang narinig namin ang buong pag-uusap nilang dalawa. Kailangan niya nang umalis dahil kailangan niya pang makipagkita sa mga ka-grupo niya. Hindi pwedeng ipasa lahat through email dahil kailangan talaga ang presinsya ng bawat isa. Dahan-dahan na silang tini-train sa gusto nilang maging profession someday. Nalungkot ako syempre. Sa pagtatantya ko ay kalahating oras ko lang siyang nakasama. Ang mag-asawa ay kaagad ding nagpaalam na magpapahinga muna, at ang dalawa namang magkakapatid ay nagpaalam na rin dahil may kaniya-kaniya pa silang lakad. And now, I decided to visit my father. I wanted to have a long conversation with him before the opening of classes. Tinahak ko ang masukal na daan. Kahit saan ka man lumingon ay mapapansin mo talaga na kakaunti lang ang nakakaalam sa lugar na 'to. When in fact, this place was the hideout of some Rizalistas.
Parang nawalan ng enerhiya ang mga balikat ko. Hindi maproseso ng sistema ko na si Rynierre nga ang natatanaw ko ngayon. He's just. . . having a moment with someone else.'Di ko alam kung dapat ba akong matuwa o ano, kasi matagal ko na siyang gustong makita na masaya sa isang babae, pero ngayon ko lang na-realise na ako rin pala ang mas kawawa.Well, I didn't have the right to feel this building jealousy within me. I must teach myself how to know my place. Magkaiba kami. For me, he's still the man who seemed unreachable. Yes, I could observe his supremacy, I could adore him. Pero kahit kailan ay hindi maaabot ang mga ulap. Yes, they would make you feel so special, pero hanggang diyan lang. No one could literally touch them. No one could embrace them."You looked wasted, baby," Jacob teased me as he jokingly observed my reaction. Gusto kong umangal, pero alam ko sa sarili ko na tama siya. Emotionally, I was wasted. Jacob
"Jacob, you almost hurt him!" I yelled at my best friend when my conscious came back to normal. I found myself panting. "Wala namang kasalanan ang tao, e'! Wala siyang kasalanan na nasasaktan niya ako, which means no one has the right to hurt him in any way. Mabuti na lang talaga at mabait 'yong tao kundi hindi ka talaga noon aatrasan 'pag si Adrian ang nakaharap mo.""Kung 'di mo naitatanong, black belter ako, Faith," Jacob giggled. "At saka, alam mo na ayaw kitang nakikitang nasasaktan. Alam mo 'yan.""I know, but you should have controlled--""Alam mo na kapag nasasaktan ka, 'di ko na rin nakokontrol ang sarili ko.""I know. But next time, habaan mo na ang pasensya mo. Kapag nasaktan si Rynierre, ako ang mas lalong masasaktan.""I-I know. I am sorry--""Wala ka namang kasalanan!" I laughed at his seriousness. "You protected me again. Thank you, Jacob."Nawala ang kalungkutan ko nang inirapan niya ang hangin. I forgot to mention tha
Speaking of that man, 'di pa rin naaalis ang pagtatampo ko sa kaniya kanina! 'Yong paraan ng pagtingin niya sa 'kin ay 'di ko talaga makalimutan. Was he trying to play with me? Was he trying to mock me by acting like he forgot my name?At kung oo, edi panalo siya. He made me feel so down. Pero. . . Maaari ring hindi siya umaakto. Remember the time when I saw them watching a documentary. . . At that time he asked my name, so it meant that even though I had known him for so long, he still couldn't recognize me. Tama ba?"Anong balita, Faith? Narinig ko ang sinabi ni Sir Rynierre na willing siyang maging tutor mo. Naku. Sigurado akong mas lalo kang gaganahan sa pag-aaral.""P-po?" Sa 'di inaasahan ay biglaang pumait ang tono ng pananalita ko. "Baka nagbibiro lang po 'yon, Manang. At isa pa, ano naman ang mapapala niya sa pagtuturo sa 'kin? Wala naman akong pera pambayad. At sa kabilang banda, 'di niya rin naman kailangan ng p
And yes, he has had abs! Dagdagan pa na hinulma ng jeans niya ang matataas niyang mga hita. 'Di ko na tuloy mawari kung ano ang ang una kong tatanawin."May problema ba?" wala sa sarili kong tanong. Kanina pa kasi siya tahimik -- sa tantya ko'y ilang minuto na kaming nagtititigan at naghihintay kung sino ang unang magsasalita. Kaya nga ay wala akong makitang rason para makangiti. He, who always looked serious now looked exhausted about something.I didn't want to force him to speak. Kaya kahit naiinip na ay hinintay ko na lamang ang sagot niya."Sorry sa disturbo," saad niya gamit ang nag-aalala at kinakabahang boses. Wait, what was really gotten into him to be felt so down? Para kasing may gusto siyang sabihin sa 'kin. I thought he needed help. Ngunit 'di ko nga lang alam kung anong klaseng tulong ang nais niya. At syempre, I was 24/7 ready to do my best to serve him. Kahit wala nang kapalit."Chelsy's no
I pressed the white button. 'Di nagtagal ay may lumabas na isang babae. By looking at her well-fabricated dress, I was sure that she was Jeanne."How can I help you?" she asked. Napangiti siya nang makita ang lalaki sa katabi ko. Without doing anything, she immediately shook her head as if she already know the reason why we were here. "Kung hinahanap niyo si Chelsy rito, pasensya na po pero wala po siya ngayon dito. Maybe she's now with her close friends, Kuya.""But she did text you?" I asked again."Wala, Ate. We're not that close rin naman kasi."She gave us the names of Chelsy's close friends. So limang names na lang ang kailangan naming mapuntahan. Rynierre made a small sigh before reaching my arms slightly, making me to hop inside the car."Let's go next to Allysa," I murmured. Walang angal siyang tumango. He got something from the back seat. Mayamaya ay nilaharan niya ako ng mineral
"'Bat ang bilis mong gumalaw?" reklamo ko, pero hindi pa rin niya ako nililingon. Parang may issue 'ata siyang binabasa sa note ni Ken. 'Di ko nga lang alam kung ano."Lover boy," nagtaka ako nang binulong-bulong niya 'yon habang dahan-dahan nang nilalapag sa lamesa ang note. As if he was surrendering."Ha?" tanong ko saka inabot ang note. Napahalakhak ako nang mabasa ang nakasulat sa isang papel.Walk by faith, not by sight."Hindi ako ang faith na tinutukoy!" Hindi pa rin nawawala ang tawa sa bibig ko. Laughtrip na laughtrip. "Bible quote kasi 'yan, Ry.""You're right," he stated, "but why did he highlight the faith then?"Tinitigan ko ang faith na word saka napansing naka-lettering ito at pinakapal ng signpen. Napailing na lang ako at pinigilan pa ang tawa. "Kasi malaki ang tiwala niya kay God. He has the strong faith, kumbaga."Days had passed, and Jacob was so confident that he would get excellent grades. Inggit na inggit tuloy a
Napunta ang atensyon ko kay Manang na biglang napasali sa eksena. Nawala ang pokus ko sa pinag-uusapan namin ni Ry dahil sa paraan ng pagtingin ni Manang sa 'kin na nagsasasabing, 'Kailangan nating mag-usap." Before my head could turn at Ry's direction, Ry stood up and handsomely excused himself. I stared at his leaving back, until Manang spoke up"May sinabi na ba ang alaga ko sa 'yo?" tanong niya.Alam kong si Ry ang tinutukoy niya."Wala naman po," pabulong kong ani at hinanda na ang mga tenga para sa bagong tsismis. "May problema po ba?"Literal siyang tumango nang walang pag-aalinlangan. Napapalunok, napatingin ako sa paligid para masiguro na walang makakarinig sa pag-uusapan namin ngayon."Sa Sitio," una niyang imik. Bagaman ang mga salita pa lang na 'yon ang nasasabi niya ay nagkaroon na ng pagtataka ang sistema ko. Muli siyang huminga ng isang beses at nagpatuloy sa pagkukuwento. "Nagkaroon ng away sa Sitio at teka saan ka pupunta--?"
"Pero mahal ang sim," bulong ko sa sarili na mukhang ako lang naman ang nakarinig.Gusto ko na sanang itulak sina Jacob at Cedrik para pauwiin na sila nang naunang nagsalita si Jacob."Pansin ko lang," ani niya at binigyan ako ng isang tingin. "Masyado ka nang na-li-link sa mga seniors."Tinuro ko ang sarili. "Ako?" Payak akong tumawa. "Me?""Malamang ikaw," sarkastikong sagot ni Jacob. "Pansin ko lang na mas matanda 'yong madalas nagkakagusto sa 'yo."I exhaled. I didn't know whether he was trying to state a fact or just trying to piss me off. Basta 'di ako komportable kapag patungkol sa 'kin ang pinag-uusapan 'tapos nasa tabi ko pa si Ry. Ang mga galaw ko rin tuloy ay naging limitado na."Baka na-ku-cutan sila sa 'kin," I joked, giving Ry a side-eye look, only to see him having his untamed look. In short, 'di siya nasiyahan sa joke ko. Maybe, he found that statement of mine boring. O talagang wala lang siya sa mood makitawa ngayon.
"Naka-drugs ka 'ata," pahalakhak kong sabi at tuluyan na lang iniwas ang tingin sa kaniya. Binaling ko na lang ang mga mata ko sa mga Kuya ko na kanina pa ako pinagmamasdan. Syempre ay nakaramdam ako ng hiya lalo na ngayong literal na namumula ang mga tenga nila.Kinilig 'ata?"Seryoso ako. Humanda ka na lang mamayang uwian," binagabag ni Jacob ang mood ko, kaya hinablot ko ang phone mula sa kamay niya since mukhang tapos naman na silang mag-usap ng kompare niya. I was about to put my phone inside my pocket when Ry's voice boomed."Hello?" siya habang nasa kabilang linya. Sinamaan ko naman ng tingin ang kaibigan ko.Ibig bang sabihin nito ay narinig niya lahat ng pinag-usapan namin kanina? Kasali rin ba 'yong pakikipag-usap ko sa mga Kuyang nasa harapan ko?I ended the call using my shaking hands. Nang mag-angat ng tingin ay kumawala ang mahinang buntong-hininga sa 'king bibig. It felt like I committed a serious crime. Kahit nakaupo lang naman ako
'Di nagtagal, isang SSG PIO ang pumunta sa harapan, mukhang may sasabihin. Todo na tuloy ang ngisi ko. Napangisi rin si Jacob, malamang ay nabalitaan niya na rin mula kay Cedrik ang news.At tama nga! Dahil in-announce ng officer na maaari na kaming umuwi! It's either uuwi o mananatili na lang sa loob ng library, 'yan ang sabi niya. Sandali kaming nagkatinginan ni Jacob, nagdedesisyon gamit ang tingin."Library. Boring sa bahay," si Jacob habang nakanguso."True, babe, baka awayin na naman ako sa bahay," sabad ng babae na 'di ko alam kung 'bat bigla na lang lumitaw sa kung saan. Maganda 'to at mukhang friendly. 'Yon nga lang, mukhang adik sa kaibigan ko.Inilagay ko na lang ang ilan sa mga libro ko sa locker at hinintay si Jacob. Kausap pa kasi nito ang grupo ng mga babae na mga kaibigan ng debutante kahapon. Mukhang maayos naman ang daloy ng pag-uusap nila kaya tumahimik na lang ako.
Kinabukasan, mas binigyan ko nang pansin ang pag-aaral. 'Di na ako naki-tsismis patungkol sa kung anumang bagay. Si Jacob ang naghatid sa 'kin patungong eskwelahan. Sinabi niya na bukas ay si Cedrik na naman ang naka-assign sa 'kin. Tumawa na lang ako habang inaalala ang mga assignments na sinagutan ko kagabi.I felt so. . . I felt so inspired.Nang nasa loob na ako ng classroom, naabutan ko ang mga YES-O officers na parang may in-a-announce na kung ano sa klase. 'Di man interesado ay nakinig pa rin ako. Malay ko ba kung may silent checker sa room na naglilista ng mga students na 'di nakikinig.Nagsitayuan ang mga Former YES-O members dahil may isasagawang Clean and Green Program ang Organization nila. Napangisi na lang ako nang mapagtanto na kasama pala ang teacher namin sa class na 'to sa program na 'yon. Noong una ay tahimik ang klase, kunware nalungkot, pero nang lumabas na ang ilan sa mga classmate ko at maging si M
"Na-bake na ang cookies. May kaunting snacks din sa baba. Baka gusto mong kumain kaya pinuntahan na kita rito."Tumango na lang ako at pinakiramdaman ang sariling tiyan. Nang 'di nakaramdam ng gutom ay umiling ako. Ry understandingly nodded without saying any words.Silence fell."Aalis ka na ba ngayon? Kailan ka babalik?" I asked.I felt his head turning around to look at me. "Mamaya 'ata. Not sure. Kakausapin ko pa si Chelsy. Pero bukas, talagang babalik ako rito."Ngayon ko lang naalala na kailangan pala talaga niyang bumalik bukas dahil utos 'to ng Papa niya.Yay, araw-araw ko na siyang makikita. Ibig sabihin, madalas ko nang matatanaw ang mukha niya. Such a blessing, 'di ba?"Tungkol sa Papa mo. . ." I heard him. Binigyan ko siya ng klase ng tingin na sana'y mag-udyok sa kaniya na magsalita. At 'di pa lumilipas ang ilang segundo nang
I arched a brow at his words. Sandali akong nag-isip ng maisasagot sa tanong niya. Sa huli ay halata na ang pagtataka sa mukha niya nang tumawa ako nang napakalakas. Sa sobrang tuwa, halos lumabas na ang mga ugat sa leeg ko. Gosh, 'di ko ini-expect na tatanungin niya 'ko patungkol sa mga kaibigan ko."Alam mo, Ry. . ." I almost gasped, "wala akong gusto sa isa sa kanila; I like them as my friends. At matagal na kaming nag-usap patungkol sa bagay na 'yan. Sinabi nila na 'di raw ako passed sa standards nila." Muli akong natawa. "See? Plus, kilala ko ang mga 'yon -- may gusto silang iba. Gusto mo bang malaman kung sino-sino?"He just shook his head as a response."So medical case solved na ba?" I mocked him.Umiling siya. No choice ako kundi tumango nang nagpaalam na siya. Ilang minuto akong natulala hanggang sa pumasok si Manang sa eksena. Sandali niya akong kinausap, at inamin kong 'di ko kayang makap
"Ano? Tinitingin-tingin mo riyan?" panunuya ni Jacob sa 'kin. Paulit-ulit tuloy akong kumurap at umupo sa tabi dahil mukhang wala pa silang balak umuwi."'Di ba malayo school mo mula rito?" na-ku-curious na tanong ni Cedrik sa lalaki. Si Rynierre naman ay sumagot gamit ang pormal na boses."Yes. Kalahating oras ang biyahe mula rito.""Pero 'bat ka nandito parati?" nanlaki ang mga mata ko sa narinig mula kay Jacob. Parang may iba sa tono ng pananalita niya. 'Tapos ay pasulyap-sultap siya sa 'kin na tila ba binabantayan ang reaksyon ko. "May dahilan ba kaya ka nandito parati, ha, Pare?""May rason," sagot naman ni Ry. "My sister needs my support. I thing she's depressed or something. Si Adrian naman ay palaging abala, kaya kapag 'di ako masyadong busy ay bumibisita ako sa bahay."Matagal ko naman nang alam na si Chelsy lang ang rason kaya napapadalas siya sa mansyon, pero 'bat suma