Share

Chapter 6

last update Terakhir Diperbarui: 2021-07-16 07:43:11

Parang nawalan ng enerhiya ang mga balikat ko. Hindi maproseso ng sistema ko na si Rynierre nga ang natatanaw ko ngayon. He's just. . . having a moment with someone else.

'Di ko alam kung dapat ba akong matuwa o ano, kasi matagal ko na siyang gustong makita na masaya sa isang babae, pero ngayon ko lang na-realise na ako rin pala ang mas kawawa.

Well, I didn't have the right to feel this building jealousy within me. I must teach myself how to know my place. Magkaiba kami. For me, he's still the man who seemed unreachable. Yes, I could observe his supremacy, I could adore him. Pero kahit kailan ay hindi maaabot ang mga ulap. Yes, they would make you feel so special, pero hanggang diyan lang. No one could literally touch them. No one could embrace them.

"You looked wasted, baby," Jacob teased me as he jokingly observed my reaction. Gusto kong umangal, pero alam ko sa sarili ko na tama siya. Emotionally, I was wasted. Jacob again spoke. "Puwede mo bang sabihin kung 'bat ka naging ganiyan? Because, F-Faith, hindi ako sanay na makita kang ganiyan. It's hurting me so much."

Seryoso akong napabaling sa kaniya, para makita ang nag-aalala niyang ekspresyon. Marahil nga ay kakaiba na ang nailalabas kong ekspresyon ngayon. Sa huli ay mapakla na lamang akong natawa. Jacob looked around, as if trying to find the reason why my mood suddenly changed, but he looked frustrated when he found nothing.

"Is Rynierre here?" sabi niya at nagsalubong ang mga kilay niya. "Siya lang naman ang nagpapabago sa mood mo. So I guess he's here."

Tumango ako sa kaniya. Tinuro ko ang puwesto nina Rynierre at ng matangkad na babae na kasama niya. Sinilip ko si Jacob. Noong una ay seryoso pa siya, pero makalipas ang ilang segundo ay natawa siya. Isang tawa na para bang may balak gawin. Isang tawa na talagang magpapakaba sa 'yo.

"Jacob, don't tell me you're--" I almost panted when Jacob made steps forward, making me nervous to the core. Hindi ko na talaga siya mapigilan pa, kasi kahit ilang beses kong tawagin ang pangalan niya ay nanatiling nakatitig ang mga mata niya sa isang direksyon. To say that I was afraid was definitely an understatement.

Jacob was very protective to me. 'Yan ang madalas kong napapansin sa kaniya. Noong grade 10 pa nga kami, ayaw na ayaw niyang may nakakabanga sa 'kin. Sa tuwing may nakakatapak nga sa medyas ko ay nagsasalubong na ang mga kilay niya.

Kung normal lang ang sandali na 'to, tatawanan ko na lang ang pagiging overprotective niya, pero hindi. Involved na si Rynierre rito. At ayaw kong masaktan siya. Gosh, I never wanted to see him hurt. Knowing Jacob, hindi man halata ay magaling talaga siya manuntok. I wasn't belittling Rynierre abilities, sadyang 'di ako sigurado kung makakayanan niya bang magtimpi kapag aatake na 'tong kaibigan ko.

"Mr. Cattaneo," Jacob almost shouted. "Hindi ko akalaing mahilig ka pala sa mga babae."

His striking words really stabbed my system. Napansin ko ang biglaang paglingon ni Rynierre. The woman beside him looked so shock, making her to step backward. I winced at the sight. Maganda siya, pero hindi ko gusto ang pagiging mahinhin niya. Seemed like she was acting unnaturally. Medyo halata na pinipilit niya lang maging dalagang Pilipina kasi nasa harapan namin si Rynierre. 

"Yes?" Rynierre's words engulfed my hearing. His eyes migrated to me. Noong una ay nalito siya, pero nang nagtagal ang tingin sa 'kin ay para bang nakilala niya na ako.

Ouch.

Sakit.

Pighati.

'Bat naman siya ganiyan? Kahit hindi niya na lang ako pansinin, basta't 'wag niya lang akong bigyan ng klase ng tingin na magpapasakit sa puso ko. Para niyang indirectly na sinampal sa 'kin na kahit kailan ay hindi niya ako inisip. So sa 'ming dalawa, ako lang pala 'tong lugi.

He was roaming in my mind for a long time, 'tapos ni pag-identify sa 'kin ay nahihirapan pa siya? Could anyone tell me what to do? Para na akong lumulutang.

"Faith?"

Ouch.

Sakit.

Pighati.

At 'di pa talaga sure hanggang ngayon? Ayaw niya ba sa 'kin kaya siya ganito ngayon? His sentences should not be in an interrogative tone. Nasasaktan kasi ako nang sobra.

"Hi," I even whispered. I produced a small smile. A smile that was a mixture of loneliness and bitterness. "I am sorry for disturbing you--"

"You know what, man?!" Jacob cut me off, alerting me. Mas lalong namilog ang mga mata ko. But my best friend looked unstoppable by this time, so I knew I could not do something to calm him down. I had known him for so long, he oftentimes lost his temper. Kaya kahit pigilan ko pa siya nang pigilan, wala pa ring silbi. 

Jacob groaned in hatred, "You know who I am, don't you?"

"I don't even know you," Rynierre innocently answered.

And so my best friend drastically clenched his fists again that he almost gripped my hand like he was searching for help.

"Jacob, listen," I whispered as careful as I could. Alam kong pinapanood ako ni Rynierre, pero nilabanan ko ang hiya ko. Ayaw kong magsalita pero kailangan ko nang magsalita. "Wala siyang kasalanan. Please, don't start a scene."

Nahihirapan, bumuntong-hininga siya.

And I sighed as a relief.

"Looks like you two need to talk," Rynierre announced. 'Agad akong napatingin sa kaniya nang marinig ang klase ng tono na binigay niya sa 'kin. Sa tingin ko ay inakala niya na kami ni Jacob! 'Di na rin kataka-taka pa kasi marami ang nag-aakalang kami ng kaibigan kong 'to! And seeing Ry's mysterious looks put an alarm in my system. 

Tumango lang ako sa kawalan na maisasalita. Pinanood ko na lamang ang pagtalikod niya at ng kasama niyang babae. I observed them carefully. I was trying to find something romantic vibes between the both them.

Pero wala naman, which was very confusing. Rynierre wasn't being sweet. Katabi niya lang ang babae. I didn't see any physical touch either. I noticed that the woman liked my husband, though. Kaya 'di na talaga ako mapakali. I trusted my husband, pero sa babae na 'yun ay wala talaga akong tiwala.

Bab terkait

  • Hopes Beyond the Clouds   Chapter 7

    "Jacob, you almost hurt him!" I yelled at my best friend when my conscious came back to normal. I found myself panting. "Wala namang kasalanan ang tao, e'! Wala siyang kasalanan na nasasaktan niya ako, which means no one has the right to hurt him in any way. Mabuti na lang talaga at mabait 'yong tao kundi hindi ka talaga noon aatrasan 'pag si Adrian ang nakaharap mo.""Kung 'di mo naitatanong, black belter ako, Faith," Jacob giggled. "At saka, alam mo na ayaw kitang nakikitang nasasaktan. Alam mo 'yan.""I know, but you should have controlled--""Alam mo na kapag nasasaktan ka, 'di ko na rin nakokontrol ang sarili ko.""I know. But next time, habaan mo na ang pasensya mo. Kapag nasaktan si Rynierre, ako ang mas lalong masasaktan.""I-I know. I am sorry--""Wala ka namang kasalanan!" I laughed at his seriousness. "You protected me again. Thank you, Jacob."Nawala ang kalungkutan ko nang inirapan niya ang hangin. I forgot to mention tha

    Terakhir Diperbarui : 2021-07-17
  • Hopes Beyond the Clouds   Chapter 8

    Speaking of that man, 'di pa rin naaalis ang pagtatampo ko sa kaniya kanina! 'Yong paraan ng pagtingin niya sa 'kin ay 'di ko talaga makalimutan. Was he trying to play with me? Was he trying to mock me by acting like he forgot my name?At kung oo, edi panalo siya. He made me feel so down. Pero. . . Maaari ring hindi siya umaakto. Remember the time when I saw them watching a documentary. . . At that time he asked my name, so it meant that even though I had known him for so long, he still couldn't recognize me. Tama ba?"Anong balita, Faith? Narinig ko ang sinabi ni Sir Rynierre na willing siyang maging tutor mo. Naku. Sigurado akong mas lalo kang gaganahan sa pag-aaral.""P-po?" Sa 'di inaasahan ay biglaang pumait ang tono ng pananalita ko. "Baka nagbibiro lang po 'yon, Manang. At isa pa, ano naman ang mapapala niya sa pagtuturo sa 'kin? Wala naman akong pera pambayad. At sa kabilang banda, 'di niya rin naman kailangan ng p

    Terakhir Diperbarui : 2021-07-19
  • Hopes Beyond the Clouds   Chapter 9

    And yes, he has had abs! Dagdagan pa na hinulma ng jeans niya ang matataas niyang mga hita. 'Di ko na tuloy mawari kung ano ang ang una kong tatanawin."May problema ba?" wala sa sarili kong tanong. Kanina pa kasi siya tahimik -- sa tantya ko'y ilang minuto na kaming nagtititigan at naghihintay kung sino ang unang magsasalita. Kaya nga ay wala akong makitang rason para makangiti. He, who always looked serious now looked exhausted about something.I didn't want to force him to speak. Kaya kahit naiinip na ay hinintay ko na lamang ang sagot niya."Sorry sa disturbo," saad niya gamit ang nag-aalala at kinakabahang boses. Wait, what was really gotten into him to be felt so down? Para kasing may gusto siyang sabihin sa 'kin. I thought he needed help. Ngunit 'di ko nga lang alam kung anong klaseng tulong ang nais niya. At syempre, I was 24/7 ready to do my best to serve him. Kahit wala nang kapalit."Chelsy's no

    Terakhir Diperbarui : 2021-07-19
  • Hopes Beyond the Clouds   Chapter 10

    I pressed the white button. 'Di nagtagal ay may lumabas na isang babae. By looking at her well-fabricated dress, I was sure that she was Jeanne."How can I help you?" she asked. Napangiti siya nang makita ang lalaki sa katabi ko. Without doing anything, she immediately shook her head as if she already know the reason why we were here. "Kung hinahanap niyo si Chelsy rito, pasensya na po pero wala po siya ngayon dito. Maybe she's now with her close friends, Kuya.""But she did text you?" I asked again."Wala, Ate. We're not that close rin naman kasi."She gave us the names of Chelsy's close friends. So limang names na lang ang kailangan naming mapuntahan. Rynierre made a small sigh before reaching my arms slightly, making me to hop inside the car."Let's go next to Allysa," I murmured. Walang angal siyang tumango. He got something from the back seat. Mayamaya ay nilaharan niya ako ng mineral

    Terakhir Diperbarui : 2021-07-19
  • Hopes Beyond the Clouds   Chapter 11

    Ilang segundo 'ata akong natulala hanggang sa kusa akong napakurap. Umupo ako sa isang sofa. May isang maliit na lamesa sa harapan namin, kaya roon namin nilapag ang mga pagkain.Just seeing the foods, my stomach rumbled in delight. Slowly, Rynierre unpacked the boxes one by one, and I was just watching his every single move.Finally, the foods were unwrapped. My cravings increased, so I didn't wait for Christmas. Kaagad akong kumuha ng isang isang slice ng pizza. I observed that the man in front of me was starting to devour the foods too. Hindi na rin ako nahiya pa sa pagkakaalam na pareho kaming gutom ngayon.The cheesiness of the pizza touched my system beautifully. I permanently forgot that we still needed to find someone right now. Namalayan ko naman ang kaharap ko na nilalaharan na naman ako ng isang bottled water.Hmm, he's an observant kind of person, I could say. Sa tingin ko ay kaya niyang

    Terakhir Diperbarui : 2021-07-25
  • Hopes Beyond the Clouds   Chapter 12

    "Sama ako," I almost begged. Nginuso niya mayamaya ang glass door, para makita ko na madilim na pala ang paligid! Ngayon ko lang na-realise na gumagabi na pala!"It's already dark," pangangaral niya sa 'kin. Akma pa nga sana siyang hahakbang nang kaagad akong tumayo para mapigilan siya.Yes, it's obvious that it's already dark, pero 'di ko naman maintindihan kung bakit kailangan niya pa akong iwan dito nang mag-isa."Pagod ka pa," he stated in a calming voice."'Di ba mas maganda kung sabay nating hanapin ang kapatid mo para maging mas madali ang lahat? Come on, isama mo na lang ako.""Babalik din naman ako 'agad. 'Di ako magtatagal, I promise."Bumuntong-hininga ako sa kawalan ng maisasagot. Masyadong magaling si Rynierre para malamangan ko ang mga reasons niya. Dagdagan pa na nakakatigalgal ang mga mata niya lalo na ngayong gabi. Muli akong bumuga ng hininga habang pinagmamasdan ang pag-alis niya.Wala akong ibang nagawa kundi

    Terakhir Diperbarui : 2021-07-25
  • Hopes Beyond the Clouds   Chapter 13

    Parang may kung anong bumara sa dibdib ko. Malapit na rin akong 'di makakita dahil nagiging sagabal na ang mga luha ko. Rynierre's face became serious too. Masyado na akong maraming iniisip para isipin kung ano ang mga maaari niyang iniisip sa sandali na 'to.If I were the steering wheel, I would extremely complain. Halata kasi ang pagdiin ng mga kamay ni Rynierre habang nakahawak sa manibela ng sasakyan.Seeing him like this was just like an eclipse -- so rare yet so amazing. Hindi sa gusto ko siyang makitang palaging ganiyan, sadyang nakakamangha lang."In what hospital?" he cut my thoughts off."R-Roxas Hospital."Unfortunately, I seemed like a broken glass trying to build its own shattered pieces. Hindi naman ako maiyaking tao, pero kapag nasasali na sa usapan si Papa, talagang may bumabara na sa lalamunan ko."Calm down, Faith. Breath in and out for three times."Namungay ang mga mata ko sa narinig mula sa kaniya. I followed his

    Terakhir Diperbarui : 2021-07-25
  • Hopes Beyond the Clouds   Chapter 14

    14Napakamot na lang ako sa sariling kilay at tinitigan ang tatlong lalaki sa harapan ko ngayon. Kahit siguro tumula na ako sa harapan nila ngayon ay hindi pa rin sila uuwi. Ang O-OA talaga nila! Alam ko naman na pareho silang busy ngayon, lalo na si Ry, pero ang kukulit!Iniwan ko na lang muna sila saglit. Pumasok ako sa hospital room ni Papa. I saw him wide-awake. Muli akong napangiti."Pa, masyado niyo raw pinapagod ang sarili nyo sa ilalim ng araw. 'Di ba ilang beses ko na kayong pinakiusapan na iaasa na lamang sa iba ang pagtatanim ng mais? Senior ka na, Pa, at dapat sa inyo ay nasa loob lang ng bahay parati."Dahan-dahan siyang umupo, kaya marahan ko rin siyang inalalayan. Ngayon ay nakamasid na siya sa labas. Kitang-kita namin ngayon ang ginagawa ng tatlong lalaki. I almost bursted out in laughters when I saw Rynierre innocently looking at my friends' weird actions.Dagdag

    Terakhir Diperbarui : 2021-07-25

Bab terbaru

  • Hopes Beyond the Clouds   Chapter 40

    "'Bat ang bilis mong gumalaw?" reklamo ko, pero hindi pa rin niya ako nililingon. Parang may issue 'ata siyang binabasa sa note ni Ken. 'Di ko nga lang alam kung ano."Lover boy," nagtaka ako nang binulong-bulong niya 'yon habang dahan-dahan nang nilalapag sa lamesa ang note. As if he was surrendering."Ha?" tanong ko saka inabot ang note. Napahalakhak ako nang mabasa ang nakasulat sa isang papel.Walk by faith, not by sight."Hindi ako ang faith na tinutukoy!" Hindi pa rin nawawala ang tawa sa bibig ko. Laughtrip na laughtrip. "Bible quote kasi 'yan, Ry.""You're right," he stated, "but why did he highlight the faith then?"Tinitigan ko ang faith na word saka napansing naka-lettering ito at pinakapal ng signpen. Napailing na lang ako at pinigilan pa ang tawa. "Kasi malaki ang tiwala niya kay God. He has the strong faith, kumbaga."Days had passed, and Jacob was so confident that he would get excellent grades. Inggit na inggit tuloy a

  • Hopes Beyond the Clouds   Chapter 39

    Napunta ang atensyon ko kay Manang na biglang napasali sa eksena. Nawala ang pokus ko sa pinag-uusapan namin ni Ry dahil sa paraan ng pagtingin ni Manang sa 'kin na nagsasasabing, 'Kailangan nating mag-usap." Before my head could turn at Ry's direction, Ry stood up and handsomely excused himself. I stared at his leaving back, until Manang spoke up"May sinabi na ba ang alaga ko sa 'yo?" tanong niya.Alam kong si Ry ang tinutukoy niya."Wala naman po," pabulong kong ani at hinanda na ang mga tenga para sa bagong tsismis. "May problema po ba?"Literal siyang tumango nang walang pag-aalinlangan. Napapalunok, napatingin ako sa paligid para masiguro na walang makakarinig sa pag-uusapan namin ngayon."Sa Sitio," una niyang imik. Bagaman ang mga salita pa lang na 'yon ang nasasabi niya ay nagkaroon na ng pagtataka ang sistema ko. Muli siyang huminga ng isang beses at nagpatuloy sa pagkukuwento. "Nagkaroon ng away sa Sitio at teka saan ka pupunta--?"

  • Hopes Beyond the Clouds   Chapter 38

    "Pero mahal ang sim," bulong ko sa sarili na mukhang ako lang naman ang nakarinig.Gusto ko na sanang itulak sina Jacob at Cedrik para pauwiin na sila nang naunang nagsalita si Jacob."Pansin ko lang," ani niya at binigyan ako ng isang tingin. "Masyado ka nang na-li-link sa mga seniors."Tinuro ko ang sarili. "Ako?" Payak akong tumawa. "Me?""Malamang ikaw," sarkastikong sagot ni Jacob. "Pansin ko lang na mas matanda 'yong madalas nagkakagusto sa 'yo."I exhaled. I didn't know whether he was trying to state a fact or just trying to piss me off. Basta 'di ako komportable kapag patungkol sa 'kin ang pinag-uusapan 'tapos nasa tabi ko pa si Ry. Ang mga galaw ko rin tuloy ay naging limitado na."Baka na-ku-cutan sila sa 'kin," I joked, giving Ry a side-eye look, only to see him having his untamed look. In short, 'di siya nasiyahan sa joke ko. Maybe, he found that statement of mine boring. O talagang wala lang siya sa mood makitawa ngayon.

  • Hopes Beyond the Clouds   Chapter 37

    "Naka-drugs ka 'ata," pahalakhak kong sabi at tuluyan na lang iniwas ang tingin sa kaniya. Binaling ko na lang ang mga mata ko sa mga Kuya ko na kanina pa ako pinagmamasdan. Syempre ay nakaramdam ako ng hiya lalo na ngayong literal na namumula ang mga tenga nila.Kinilig 'ata?"Seryoso ako. Humanda ka na lang mamayang uwian," binagabag ni Jacob ang mood ko, kaya hinablot ko ang phone mula sa kamay niya since mukhang tapos naman na silang mag-usap ng kompare niya. I was about to put my phone inside my pocket when Ry's voice boomed."Hello?" siya habang nasa kabilang linya. Sinamaan ko naman ng tingin ang kaibigan ko.Ibig bang sabihin nito ay narinig niya lahat ng pinag-usapan namin kanina? Kasali rin ba 'yong pakikipag-usap ko sa mga Kuyang nasa harapan ko?I ended the call using my shaking hands. Nang mag-angat ng tingin ay kumawala ang mahinang buntong-hininga sa 'king bibig. It felt like I committed a serious crime. Kahit nakaupo lang naman ako

  • Hopes Beyond the Clouds   Chapter 36

    'Di nagtagal, isang SSG PIO ang pumunta sa harapan, mukhang may sasabihin. Todo na tuloy ang ngisi ko. Napangisi rin si Jacob, malamang ay nabalitaan niya na rin mula kay Cedrik ang news.At tama nga! Dahil in-announce ng officer na maaari na kaming umuwi! It's either uuwi o mananatili na lang sa loob ng library, 'yan ang sabi niya. Sandali kaming nagkatinginan ni Jacob, nagdedesisyon gamit ang tingin."Library. Boring sa bahay," si Jacob habang nakanguso."True, babe, baka awayin na naman ako sa bahay," sabad ng babae na 'di ko alam kung 'bat bigla na lang lumitaw sa kung saan. Maganda 'to at mukhang friendly. 'Yon nga lang, mukhang adik sa kaibigan ko.Inilagay ko na lang ang ilan sa mga libro ko sa locker at hinintay si Jacob. Kausap pa kasi nito ang grupo ng mga babae na mga kaibigan ng debutante kahapon. Mukhang maayos naman ang daloy ng pag-uusap nila kaya tumahimik na lang ako.

  • Hopes Beyond the Clouds   Chapter 35

    Kinabukasan, mas binigyan ko nang pansin ang pag-aaral. 'Di na ako naki-tsismis patungkol sa kung anumang bagay. Si Jacob ang naghatid sa 'kin patungong eskwelahan. Sinabi niya na bukas ay si Cedrik na naman ang naka-assign sa 'kin. Tumawa na lang ako habang inaalala ang mga assignments na sinagutan ko kagabi.I felt so. . . I felt so inspired.Nang nasa loob na ako ng classroom, naabutan ko ang mga YES-O officers na parang may in-a-announce na kung ano sa klase. 'Di man interesado ay nakinig pa rin ako. Malay ko ba kung may silent checker sa room na naglilista ng mga students na 'di nakikinig.Nagsitayuan ang mga Former YES-O members dahil may isasagawang Clean and Green Program ang Organization nila. Napangisi na lang ako nang mapagtanto na kasama pala ang teacher namin sa class na 'to sa program na 'yon. Noong una ay tahimik ang klase, kunware nalungkot, pero nang lumabas na ang ilan sa mga classmate ko at maging si M

  • Hopes Beyond the Clouds   Chapter 34

    "Na-bake na ang cookies. May kaunting snacks din sa baba. Baka gusto mong kumain kaya pinuntahan na kita rito."Tumango na lang ako at pinakiramdaman ang sariling tiyan. Nang 'di nakaramdam ng gutom ay umiling ako. Ry understandingly nodded without saying any words.Silence fell."Aalis ka na ba ngayon? Kailan ka babalik?" I asked.I felt his head turning around to look at me. "Mamaya 'ata. Not sure. Kakausapin ko pa si Chelsy. Pero bukas, talagang babalik ako rito."Ngayon ko lang naalala na kailangan pala talaga niyang bumalik bukas dahil utos 'to ng Papa niya.Yay, araw-araw ko na siyang makikita. Ibig sabihin, madalas ko nang matatanaw ang mukha niya. Such a blessing, 'di ba?"Tungkol sa Papa mo. . ." I heard him. Binigyan ko siya ng klase ng tingin na sana'y mag-udyok sa kaniya na magsalita. At 'di pa lumilipas ang ilang segundo nang

  • Hopes Beyond the Clouds   Chapter 33

    I arched a brow at his words. Sandali akong nag-isip ng maisasagot sa tanong niya. Sa huli ay halata na ang pagtataka sa mukha niya nang tumawa ako nang napakalakas. Sa sobrang tuwa, halos lumabas na ang mga ugat sa leeg ko. Gosh, 'di ko ini-expect na tatanungin niya 'ko patungkol sa mga kaibigan ko."Alam mo, Ry. . ." I almost gasped, "wala akong gusto sa isa sa kanila; I like them as my friends. At matagal na kaming nag-usap patungkol sa bagay na 'yan. Sinabi nila na 'di raw ako passed sa standards nila." Muli akong natawa. "See? Plus, kilala ko ang mga 'yon -- may gusto silang iba. Gusto mo bang malaman kung sino-sino?"He just shook his head as a response."So medical case solved na ba?" I mocked him.Umiling siya. No choice ako kundi tumango nang nagpaalam na siya. Ilang minuto akong natulala hanggang sa pumasok si Manang sa eksena. Sandali niya akong kinausap, at inamin kong 'di ko kayang makap

  • Hopes Beyond the Clouds   Chapter 32

    "Ano? Tinitingin-tingin mo riyan?" panunuya ni Jacob sa 'kin. Paulit-ulit tuloy akong kumurap at umupo sa tabi dahil mukhang wala pa silang balak umuwi."'Di ba malayo school mo mula rito?" na-ku-curious na tanong ni Cedrik sa lalaki. Si Rynierre naman ay sumagot gamit ang pormal na boses."Yes. Kalahating oras ang biyahe mula rito.""Pero 'bat ka nandito parati?" nanlaki ang mga mata ko sa narinig mula kay Jacob. Parang may iba sa tono ng pananalita niya. 'Tapos ay pasulyap-sultap siya sa 'kin na tila ba binabantayan ang reaksyon ko. "May dahilan ba kaya ka nandito parati, ha, Pare?""May rason," sagot naman ni Ry. "My sister needs my support. I thing she's depressed or something. Si Adrian naman ay palaging abala, kaya kapag 'di ako masyadong busy ay bumibisita ako sa bahay."Matagal ko naman nang alam na si Chelsy lang ang rason kaya napapadalas siya sa mansyon, pero 'bat suma

DMCA.com Protection Status