VIENNA'S POV
Kinabukasan, close na ang registration sa Music Club dahil nga sa sumobra na ang mga sumali. Kaya yung iba nanghinayang at nalungkot. Ang unfair lang kasi ang mas deserving na makapasok sa club hindi nakasali dahil lang sa mga fans ni Sebastian. Hindi muna sila nag-isip ng maayos bago sila sumali.
Bitbit ko lang ngayon ay ang gitara ko, wala na rin namang klase at continue pa rin ang event. Gusto kong mag-practice sa tahimik na lugar kaya naisipan kong sa Music Department ako pupunta. Nakapagpaalam na rin naman ako kaya ayos lang na pumasok ako ro'n para mag-practice.
Kina-reer ko na ang pagsuot ng sombrero, yung cap na bigay ni Britt kahapon plus pa na sobrang init ng panahon kaya kailangan ko ito ngayon. Nakarating naman ako ng Music Department, tamang-tama lang ang dating ko kasi walang tao. Kompleto naman na pala ang mga instruments dito, nilapag ko na muna ang gitara ko at nagtungo sa direksyon ng grand piano. Naupo naman ako sa silya paharap dito, gusto ko lang tumugtog tiyaka nakakamiss itong gamitin.
(Song playing: Crazier by Taylor Swift)
Napatigil ako sa pagtugtog nang may pumalakpak sa likuran ko, nilingon ko rin naman ito. Actually marami sila, nasa sampung katao at iisa lang yung babae. Lahat sila nakangiti sa 'kin pero may namumukhaan ako sa likod pero hindi ko siya masyadong makita.
"Ang ganda naman ng tinugtog mo plus ang ganda rin ng boses mo," nakangiting wika ng babae. Actually 4th year student na siya, napansin ko kasi sa suot nitong ID. Pero hindi halata kasi magkasing tangkad lang kami tapos ang cute-cute pa ng cheeks niya.
"By the way, we are from the Music Club. I'm Sheene Luis Villaruz, club Secretary at ito naman si Dim Yuzon, club President." Nag-hi na lang sa 'kin yung si kuya Dim, ngumiti na lang ako. Mukhang may club meeting sila o 'di kaya rehearsal, nakakahiya dito pa 'ko nagpunta.
"I'm Vienna Malvar, 2nd year from College of Political Science," pakilala ko naman sa kanila.
"Nice to meet you Vienna, by the way anong club ang sinalihan mo?" tanong ni kuya Dim.
"Sa club niyo po," maikling sagot ko.
"Really? kaya pala dito ka nag-practice. Yung kinanta mo kanina, 'yon din ba ang ipang-au-audition mo?" tanong ni ate Sheene.
"Hindi po ate, sumubok lang po ako." Nahihiya na talaga ako kasi naman halos silang lahat nakatingin na sa 'kin.
"Alis na po ako ate.. baka po kasi-"
"You can stay here Vienna, may pag-uusapan lang naman kami and guys magpakilala naman kayo kay Vienna," putol sa 'kin ni ate Sheene. Myghadd! gusto ko nang umalis dito pero ayaw niya 'kong paalisin.
"Hi Vienna, I'm Patrick drummer."
"Gian, bass guitarist."
"Louie, bass guitarist."
"Cedrick, composer."
"Sam, vocalist."
"Liam, vocalist."
"And I am Bryan, writer and composer."
An'dami naman nila at buti na lang na-memorize ko ang pangalan nilang lahat.
"Bro magpakilala ka na," biglang sabi ni Liam sa katabi niya. At doon ko lang napansin ang presensya ni Sebastian pero hindi niya naman na kailangan pang magpakilala, I already know him.
"Sebastian, main vocalist." Narinig ko rin finally ang boses niya ngunit bigla siyang nag-iwas ng tingin sa 'kin. Bakit kaya hindi niya matagalan ang pagtitig sa 'kin sa tuwing malapit ako sa kaniya?
"Nice to meet you all," tanging sagot ko. Ngumiti naman silang lahat bukod kay Sebastian.
"Diba pamangkin ka ni Professor Lozano, isa sa mga teacher ng College of Music?" tanong ni Cedrick, tumango naman ako. Kaya dito ako sa university na 'to nag-aral dahil kay tito, kasi raw sabi niya mas maganda rito. Siya ang nag-encourage sa 'kin na dito mag-aral, pinsan siya ni dad pero hindi ako masyadong close sa kaniya.
"Nagkita na ba kayo? kahapon kasi nagtanong siya sa'min kung sumali ka sa club," wika ni Liam, umiling naman ako bilang sagot. Malaki masyado 'tong university, malabo na magkita kami ni tito dito tiyaka ayoko ring magpakita sa kaniya.
"Isa pala siya sa magiging judge sa gaganaping audition," sabi naman ni kuya Dim. Parang gusto ko tuloy mag-back out dahil sa sinabi niya, ayoko kasi na makapasok ako sa Music Club dahil sa kaniya.
"Vienna mag-uusap muna kami ha? practice ka lang diyan. Good luck and godbless sa audition mo." Ngumiti na lang ako kay ate Sheene. Nagsipunta naman silang lahat sa stage habang ako nakatingin lang sa kanila.
Kinuha ko na lang din ang gitara ko at naupo malapit sa pinto. Hindi ko pa kabisado ang kanta pero kagabi nagsimula akong mag-practice nito.
Nag-start na rin naman na ako, strum lang ako ng strum, inuulit mula sa simula para makabisado kahit hanggang chorus lang muna. Medyo masakit na rin kasi ang mga daliri ko, ngayon lang ako nai-stress ng ganito, ewan ko nga ba. Ayoko rin naman kasing biguin sina Therese, plus nape-pressure ako sa kanila.
Minasahe ko na muna ang mga daliri ko, masakit na kasi tapos namumula pa. Hayssss kawawa mga daliri ko.
"Vienna.." Napatigil naman ako at lumingon sa nagsalita, si Louie.
"Ipahinga mo muna 'yan, hindi ka makakatugtog kapag pinagpatuloy mo 'yan. Kita mo na, namumula na ang mga daliri mo baka magkasugat pa 'yan." Mabait naman pala 'tong si Louie, halatang concern nga sa 'kin.
"Here, pinapabigay ni Sebastian," dugtong niya sabay abot sa 'kin ng pick. Nakakagulat naman na pinahiram ako nito ni Sebastian.
"Seryoso? pero paano siya?" takang tanong ko.
"Actually nakita ka niyang minamasahe 'yang mga daliri mo kaya inutusan niya 'ko na ibigay 'to sa 'yo, kunin mo na Vienna." Kinuha ko naman ang pick na inabot niya. Napatingin naman ako agad sa direksyon ni Sebastian pero nakatingin lang siya kay kuya Dim.
"Pero nakapagtataka lang, kahit minsan hindi niya kami pinahiram niyan pero no'ng makita ka niyang nahihirapan, pinahiram ka kaagad. Ang unfair niya sa'min diba?" Bakit kaya? na-curios tuloy ako sa kaniya. Pero may kabaitan pala siyang taglay kahit napakamisteryoso niya.
"Pasabi sa kaniya, salamat," tanging sagot ko.
"Sige Vienna, balik na ko ro'n." Nang makaalis si Louie, napatingin na lang ako dito sa pick na hawak-hawak ko. Nakalagay pa ang pangalan ni Sebastian dito, 'di ko naman napigilan ang mapangiti.
Nag-stay naman ako mga halos isa't kalahating oras sa Music Department at nagdesisyon na ring umalis. Bitbit ko na ang gitara ko, buti na lang napatingin si ate Sheene sa direksyon ko. Sumenyas naman ako na aalis na, nagba-bye rin naman siya sa 'kin at ngumiti.
Nakalabas na nga ako ng Music Department pero saan naman ako pupunta? sina Michelle mamayang lunch ko pa makakasama. Mag-isa na naman ako, saan naman kaya ako pwedeng tumambay?
Nakahanap din naman ako nang pwede kong mauupuan, tahimik dito at malayo sa venue ng event pero nadidinig ko naman mula rito ang tugtog sa stage. Nailabas ko naman ulit ang gitara ko, gagamitin ko na rin itong pick na pinahiram sa 'kin ni Sebastian. Nag-start na rin naman akong tumugtog, medyo okay na at hindi na masakit sa daliri. Salamat sa kaniya at pinahiram niya 'ko nito.
"Hey, girlfriend ni Tine." Tuluyan ng nasira ang mood ko sa tatlong taong dumating. Naupo pa talaga sila sa harapan ko sabay lapag ng drinks na binili nila. Aalis na sana ako kaso pinigilan naman ako ni Liezel.
"Ayaw mo bang makasama kami? tiyaka ba't ka nandito? habang yung boyfriend mo naandon sa field at injured." Nandito si Tine? bakit pa pumasok ang asungot na 'yun? Pero nag-init bigla ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko boyfriend si Tine pero ang pangit sa pandinig ng mga sinabi niya.
"Sa Music Club ka sumali?" tanong naman ni Rachelle. Hindi ko siya sinagot, nakatingin lang ako sa kanilang tatlo. I don't like their presence here.
"Dahil din ba kay Sebastian kaya ka sumali sa Music Club?" tanong naman ni Mae.
"Gusto mo rin bang magpapansin kay Sebastian? you don't need to do that, kasi wala naman kayong mapapala sa kaniya." Nakakapikon na 'tong si Liezel, nakakaubos siya ng pasensiya pero kalmado pa rin ako. Ayokong maging defensive sa harapan nilang tatlo, mga impostor!
"Good luck na lang sa 'yo Vienna." Tumayo na silang tatlo at umalis na sa harapan ko. Tiyaka ako napabuntong-hininga ngunit pagkalipas ng ilang segundo, naramdaman ko na lang ang malamig na bagay na umaagos sa balikat ko.
"Oppss.. sorry." Boses 'yon ni Rachelle at alam kong sinadya niyang gawin 'yun. Umalis na rin naman sila agad, an'daming nakakita sa ginawa niya at pinagtinginan tuloy ako pero in-ignore ko na lang. Ngayon pa talaga na wala akong extrang damit tapos itong damit na suot ko manipis at kapag nabasa kitang-kita ang suot kong bra. Tinakpan ko naman ang dibdib ko gamit ang kanang kamay ko at ang kaliwang kamay ko kinuha ang gitara at binalik sa lalagyan nito. Nakakainis silang tatlo, shit that bitches! evil witches!
"Vienna..." Tuluyan ko nang tinakpan ang dibdib ko gamit ang dalawang kamay ko nang dumating sina Britt kasama si Sebastian. Nakakahiya na makita nila akong ganito, nanlalagkit na rin ang buo kong katawan.
"Anong nangyari?" tanong ni Britt. Hindi naman ako nakasagot agad kasi pinagtitinginan na kami rito.
"Vienna basa ka, may extra akong damit sa locker kukunin ko-" Akmang aalis na si Enzo pero pinigilan ko siya.
"Okay lang Enzo, si... si Therese papunta na." Pero nagulat na lang ako nang lumapit si Sebastian sa direksyon ko. Nang makarating siya sa harapan ko, hinubad niya ang suot niyang brown na jacket at pinasuot sa 'kin. Halos lahat ng atensiyon nasa amin na, an'dami na ring nagbubulungan at may kumukuha na rin ng litrato.
"Suotin mo hangga't hindi pa dumating si Perez," aniya at umalis na sa harapan ko. 'Di ko man lang nagawang magpasalamat kasi tuluyan na siyang umalis mag-isa.
"Ang sweet naman ni Sebastian."
"Swerte ng babae, sino kaya siya?"
"Magkakilala kaya sila?"
'Yan ang mga naririnig ko sa paligid kahit ako nagtataka rin, kapag nalaman 'to ng mga fans niya lagot ako.
Bakit kaya concern sa 'kin si Sebastian ngayong araw? anong nakain nun?
"Pre kunin mo na yung extra mong t-shirt, ang tagal ni Therese," rinig kong utos ni Britt. Tumakbo naman paalis si Enzo, sorry to them, I lied.
"Okay ka lang? ano bang nangyari?" tanong ni Britt.
"Aksidente akong nabuhusan ni Rachelle ng drinks pero okay lang ako," sagot ko naman. Pero mukhang 'di siya naniwala sa sinagot ko. Nakabalik din naman si Enzo, na konsensiya tuloy ako.
"May malapit na CR do'n, kami na munang bahala rito sa gitara mo." Sinunod ko naman ang utos ni Britt. He's just like my older brother, mas concern pa siya kaysa sa kuya ko.
Nakapagbihis din naman ako ng damit, medyo may kalakihan pero okay na 'to kesa naman magkasakit ako. Thanks to the both of them, sobrang bait nila sa 'kin.
"Salamat sa damit Enzo," sabi ko pagkabalik ko sa puwesto nila. Nilapag ko muna ang jacket na pinahiram ni Sebastian at inayos na ang gitara ko. Dumating din naman si Therese at Michelle, halatang nag-aalala ang mga ito sa 'kin.
"Vienna anong nangyari? okay ka lang ba? anong ginawa nila sa 'yo?" tanong ni Michelle pagkarating nila sa puwesto ko.
"Mga kontrabida ng taon, mga demonyita.. grrrrr!! kainis na sila," galit na sabi ni Therese. Mukhang 'di man lang nila napansin ang presensya ni Britt at Enzo.
"Okay lang ako tiyaka pinahiram na 'ko nang damit ni Enzo," tugon ko, tiyaka lang nila nilingon sina Britt pero inirapan lang nila ang dalawa.
"'Yang kaibigan niyo pinagalitan ako, ang bagal ko raw kumilos at walang kwentang kaibigan," galit na sambit ni Therese sa dalawa. It's all my fault, I lied. Pero bakit siya pinagalitan ni Sebastian?
"Sorry nagsinungaling ako sa inyo, hindi ko naman talaga kasama si Therese kanina at mag-isa lang ako. Ayoko lang kasi na maabala ko kayo, Therese sorry kung pinagalitan ka ni Sebastian nang dahil sa 'kin," pagpaumanhin ko. Nilapitan naman ako ni Therese at hinawakan sa magkabilang balikat.
"Vienna okay lang, may kasalanan pa rin naman ako kasi wala ako sa tabi mo habang inaaway ka ng tatlong bruhilda na 'yun," sagot ni Therese.
"Me too, sorry Vienna. Kung naandito lang sana kami, pinagtanggol kana namin dun sa tatlo," wika ni Michelle.
"Pero kainis pa rin 'yang kaibigan niyo, bakit siya nagagalit? ano concern siya kay Vienna? at bakit? Why all of the sudden naging mabait siya? bakit kay Vienna lang?" sunod-sunod na tanong ni Therese ngunit bakas pa rin ang inis sa boses niya.
Nakakagulat ang mga tanong niya. Kahit sina Britt nagulat at halatang natakot sa mga tanong niya.
"Girl kalma lang," natatawang wika ni Michelle habang minamasahe ang balikat ni Therese. Palihim naman akong napatawa.
"Kahit kami hindi rin namin alam tiyaka nagulat din kami kanina nung pinasuot ni Sebastian 'yung jacket niya kay Vienna," saad ni Britt.
"PINASUOT NI SEBASTIAN ANG JACKET NIYA KAY VIENNA?!" Myghadddd! gulat na gulat? sabay pa talaga silang dalawa na sabihin 'yon. Nagtaka naman tuloy ang mga estudyante na nasa paligid namin.
"Ito ba 'yun?" ani Michelle at dinampot ang jacket na pinahiram ni Sebastian. Marahan naman akong tumango bilang sagot.
"Ang swerte mo naman Vienna, bakit kaya concern sa 'yo si Sebastian? may pasuot pa siya ng jacket sa 'yo," kinikilig na wika ni Therese. Sinundot pa niya 'ko sa tagiliran eh kanina galit na galit 'to nung pinagalitan siya ni Sebastian.
"Tinanong mo pa talaga si Vienna, kung ako sa 'yo si Sebastian ang lapitan at tanungin mo," sabat naman ni Britt, inirapan tuloy siya ni Therese.
"Kung ang mga fans nga niya ayaw niyang kausapin, si Therese pa kaya? utak mo Britt," sabat din ni Michelle.
"Vienna nasa social media ka na naman, ikaw na naman ang pinag-uusapan." Napatingin naman kaming lahat kay Therese na kasalukuyang nakatingin sa phone niya at may binabasa.
"Bakit girl? ano na naman 'yan?" tanong ni Michelle.
"May nag-post ng picture niyo ni Sebastian sa i*******m, an'dami na ring nagco-comment parang halos lahat galing sa fans club niya. Ang iba naiinggit, naiinis at nagagalit sa 'yo Vienna," tugon niya at pinakita ito sa'min. Ang nakakainis lang binibigyan nila ng malisya ang isang litrato tapos ginagawan ng kung anu-anong kuwento para mapag-usapan lang ng lahat.
"Ito may isang nag-comment, "Paano na si Tine? magjowa sila diba?" talaga namang naniwala rin sila sa bagay na 'yun tungkol sa inyo ni Tine. Bakit kasi hindi pa umamin si Tine na walang kayo para tigilan ka na rin ng mga fans niya?" saad ni Michelle. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko. Kakatransfer ko pa lang sa university na 'to pero pangalawang beses na akong na-issue.
"Huwag mo na lang pansinin Vienna, wala lang magawa ang mga 'yan. Titigil din sila, hindi pa nga lang sa ngayon," wika ni Britt, napilitan naman akong ngumiti.
"Napakamisteryoso ba naman kasi nang kaibigan niyo, gwapo nga masungit naman. Tapos ngayon nagpapakasweet kay Vienna, 'di kaya gusto niya 'tong kaibigan ko?" wika ni Michelle. Sinamaan ko tuloy siya nang tingin, 'yun ba naman kasi ang isipin niya na malabo namang mangyari.
"Alis na muna kami, bye Vienna," paalam ni Britt at umalis na silang dalawa. Naiwan na kaming tatlo rito, pero ako nagtataka pa rin sa mga nangyari.
Bakit kaya masyado siyang concern sa 'kin? ang unfair niya masyado. Hindi rin naman big deal 'yon sa 'kin kaso nakapagtataka lang ang mga kinikilos niya. Akala ng lahat masama siya, pero hindi naman pala. May kabaitan pala siyang taglay kaya palihim naman akong napangiti dahil sa ginawa niya.
VIENNA'S POV Hindi ako pumasok kinabukasan hindi dahil sa umiiwas ako kundi dahil sa magpa-practice ako buong araw. After nung nangyari, hindi na 'ko nagtagal pa sa university, umuwi na 'ko agad before lunch. Kumalat na sa social media ang litrato namin ni Sebastian at naging usap-usapan na rin ito sa university. Nandito lang ako ngayon sa kwarto, nagpa-practice. Kabisado ko naman na kaso inuulit ko para maging perfect. Kasama ko rin ngayon si kuya, mamayang 1 pm pa ang practice niya tapos si mom at tito nasa trabaho na. "Vienna.." Napalingon naman ako nang biglang bumukas ang pinto, si kuya. "Yes?" sagot ko na lang. "Kakain na, nakahanda na ang lunch sa baba," sabi niya pero umiling ako, 'di pa naman ako nagugutom. "Hindi ka pupunta ng university?" tanong niya at umiling na naman ako bilang sagot. "Vienna iwasan mo nga si S
TINE'S POV After naming kumain ng dinner, niyaya ko muna si Vienna sa garden para na rin makausap ko siya at maging malinaw saakin ang lahat. Nagtataka kasi ako kanina, nameet na ni mom si Vienna before pero bakit hindi ko siya nameet sa kaarawan ni Vince? How come eh nandoon ako sa celebration? alam ko si Vienna lang ang makakasagot nito. Nakaupo siya sa isang swing, alam kong nag-iisip siya at nakita ko ang pagtataka sa mga mata niya kanina. My mom still remember her pero siya hindi na, kahit matagal na panahon na 'yun I still remember what happened sa party. Naupo naman ako sa bakanteng swing at tiningnan siya pero nakatingin siya sa malayo. Anong nangyari kaya sa kaniya before? bakit parang wala siyang naaalala? "Vienna, is it okay to ask you some questions?" tanong ko, tumango naman siya bilang sagot. "If nameet ka na ni mom before, how come na hindi kita nakilala
SEBASTIAN'S POVNakasunod lang kaming tatlo sa likod nina Vienna pero hindi niya napapansin ang presensya namin. Kanina ko pa siya tinitingnan mula no'ng magperform siya hanggang sa puntahan siya ni Tine kasama si Vince na kapatid niya. Hindi nga ako nagkakamali, siya nga si Vienna ang nag-iisang babaeng minahal ko noon pero nawala na parang isang bula. Bumalik siya na parang hindi ako kilala, na parang bago sa kaniya lahat ng mga nakikita niya. Is she pretending? palabas lang ba ang lahat para hindi niya pagsisihan ang ginawa niya sa'kin noon?Her personality, the way she speak to someone, hindi siya gano'n at ibang-iba sa nakilala kong Vienna 7 years ago. She is not the woman I staring now, anong nangyari 3 years ago? How come na hindi niya 'ko naaalala?"Dad hindi ako sigurado kung siya nga si Vienna pero magkamukha silang dalawa. Hindi sila magkapareho nang ugali pero ramdam ko dad na siya nga 'yun," sabi ko kay dad.
VIENNA'S POVAfter matapos ng game, everything was going back to normal. May ilan na hindi pa nakakamoveon sa laro at ang iba natutuwa pa rin sa resulta. It's already 10:30 am at napili naming dito tumambay sa cafeteria. Until now, nag-aalala pa rin ako kay Sebastian."Hoy Vienna! saang lupalop na ng mundo tumatakbo 'yang utak mo? kanina ka pa tahimik diyan." Tiyaka lang ako nagising sa reyalidad nang magsalita si Michelle. Nakatingin na pala silang dalawa sa'kin pero hindi ko man lang ito napansin, napabuntong hininga naman ako bigla."Nag-aalala ako kay Sebastian," sagot ko na ikinagulat naman nilang dalawa."Ha? bakit ka naman nag-aalala sa kaniya? Hindi naman sinasadya ng kuya mo yung nangyari sa kaniya, nanunuod kaya ako," wika ni Therese. Ewan ko nga rin eh, hindi ko alam kung bakit ako sobrang nag-aalala sa taong 'yun. We're not even close at minsan lang din kami nag-uusap.
VIENNA'S POV It's Saturday in the morning at wala pa 'kong balak lumabas ng kwarto, nakahilata pa rin ako sa kama. But suddenly, I remembered what we did yesterday. We really enjoyed, pumunta kami ng mall para magshopping, naglaro sa timezone at kumain ng kung anong magustuhan naming kainin. Syempre libre ko 'yun, hindi naman ako nagsisi natutuwa pa nga ako kasi dahil sa mga ginawa namin nakalimutan ko ang mga nangyari kahapon sa university. Pumunta rin kami sa shop ko, si Therese hindi pa rin makapaniwala na sa ganitong edad ko may sarili na 'kong business. Pinakain ko naman sila ng binake kong cupcakes then pinatake out ko rin sila ng cakes, pambawi sa effort nilang dalawa. After nun, umuwi na rin kami at sobra akong napagod pero worth it naman kasi nag enjoy talaga ako. Thanks to them, I really appreciate their love and concern. Nag vibrate naman ang phone ko and I check it, si kuya RJ. Fr
VIENNA'S POV Nasa biyahe na 'ko papuntang studio, I received a 30 text from kuya RJ at ang laman lahat ng 'yun "where are you?". I just rolled my eyes, kanina pa raw siya naghihintay sa'kin sa parking lot eh hindi ko naman siya sinabihan na hintayin niya 'ko. After 45 minutes, nakarating na rin naman ako sa parking lot ng studio and he's waiting me there. Pagkababa ko nang kotse sinamaan niya 'ko ng tingin, inirapan ko na lang siya. Sumakay na lang din naman ako sa kotse niya at sumakay din siya. "Ano ang kakantahin mo mamaya?" he asked. Hindi ko pala siya sinabihan kasi wala rin naman sa plano ko na sabihin ito sa kaniya. "Malalaman mo rin 'yon mamaya," tanging sagot ko. I realized na panay kanta lang ako ngayong araw, una do'n sa park pangalawang beses 'yun tas mamaya ulit do'n sa station. Sumasakit na talaga ang lalamunan ko, bakit pa kasi ako pumayag? "Parang pagod
VIENNA'S POVIn the end, kinain ko "both" ang pagkaing binigay nila. Alangan naman itapon ko? edi masasayang lang ang effort nilang dalawa. Kahit busog na busog na 'ko, hindi ako tumigil hangga't 'di ko naubos pareho. Parang sasabog na ang tiyan ko at gusto ko na ring sumuka. Bakit ba ginagawa nila sa'kin 'to? oo, mabait naman talaga si Tine pero si Sebastian mabait naman kaso hindi ko siya maintindihan.Nandito ako ngayon sa bench kasama itong dalawang babae na kanina pa nakatingin sa'kin. I already told them what happened earlier kaya sila na curious din sa ginawa nung dalawang lalaki."Vienna isa lang ang ibig sabihin niyan, gusto ka nilang pareho," biglang sabi ni Therese na naging dahilan para magsitayuan ang balahibo ko sa braso."Hindi 'yan mangyayari Therese, bago pa lang ako sa university na 'to," sagot ko."Hindi ka kasi naniniwala sa love at first sight. Mahahalata kay
VIENNA'S POV "Huwag ka nang sad ah? hindi ito makakarating kay Tine, kinausap ko na ang mga classmates natin kanina. No need to worry okay?" marahang wika ni Therese, ngumiti na lang ako. Katatapos lang ng second period at nawalan ako ng ganang makinig sa discussion dahil sa nangyari kanina. "Si Michelle nasa isang bench malapit sa cafeteria at may binili na siyang pagkain para sa atin." Tumango ako bilang sagot at nagtungo na nga kami kung nasaan si Michelle. Naabutan namin siyang umiinom ng coke, napatigil lang siya nang makita niya na kami. Agad naman siyang tumayo at niyakap ako. "Vienna umiyak ka raw kanina, nakita ka ng isang classmate ko no'ng napadaan siya sa room niyo. May nangyari ba?" tanong niya matapos niya 'kong yakapin. Napatingin ako kay Therese nang makaupo na kaming dalawa. She knows what I mean kaya siya na ang nagkuwento kay Michelle. "Damn him! wala
Matagal ko nang pinapangarap ang kumanta sa isang entablado at pinapanuod ng maraming tao. Bata pa lamang ako natutunan ko na ang tumugtog ng kahit na anong instrumento at kumanta ng kahit na anong klase ng musika. Napamahal na ko rito dahil sa dad ko, siya ang nag-impluwensiya sa'kin na kumanta at tumugtog. Dahil sa kan'ya nagco-compose at nagco-cover ako ng mga kanta, sumali sa mga auditions hanggang sa naging isang sikat na singer. Pangarap ko ang maging isang sikat na musikera kagaya ng mga artistang hinahangaan ko sa larangan ng musika. Gusto ko ring maramdaman na mahalin at hangaan ng maraming tao. Ngunit mag-mula no'ng nagkasakit ang dad ko hanggang sa binawian siya ng buhay, nawala na sa isip ko ang lahat ng mga pangarap ko. Gusto kong tuparin 'yun na kasama siya pero ngayong wala na ang dad ko, ayoko nang ituloy pa ang mga pangarap ko. At dahil sa nangyari, umabot ako sa isang desisyon na huwag sabihin sa publiko ang totoong pagkatao ko. Ginawa
------AFTER 3 DAYS------ (MUSIC CONTEST) "Vienna.." "Yes kuya RJ?" tanong ko. Nandito kami ngayon sa back stage, siya lang ang kasama ko rito. After kasi akong ayusan nina Michelle at Therese, bigla silang umalis at ewan ko ba kung saan sila pupunta. "Ayos ka lang ba? kanina ka pa tahimik diyan." "I'm fine kuya, kinakabahan lang ako ng konti." "Huwag kang kabahan, nandito naman kami para suportahan ka. Kaya mo 'yan," nakangiting sambit niya. "Lalabas na muna ako, may kailangan lang akong tawagan." "Sige kuya." Nang makaalis siya, bigla akong nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Kinakabahan ako pero sigurado ako na kaya kong gawin 'to. Ito na ang pinakahinihintay kong araw, ang araw kung saan aaminin at sasabihin ko sa harap ng maraming tao ang totoong pagkatao ko. Hindi ko alam kung ano ang magig
SEBASTIAN'S POV Wala ni isa sa'min ang nagtangkang magsalita, nakayuko lang ako habang siya ay nakatingin sa'kin mag-mula pa kanina. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nakita ko na siya. "I'm sorry anak.." Tuluyan ng pumatak ang mga luha ko dahil sa huling binanggit niya. Kay tagal kong hinintay na marinig muli ang katagang 'yan mula sa kanya. "Alam ko na nasaktan kita at nasaktan ko ang dad mo pero sana mapatawad mo 'ko sa nagawa ko," umiiyak na sambit nito. Agad kong pinunasan ang pisnge ko bago ako nag-angat ng tingin sa kanya. "Napatawad na kita pero hindi ko pa rin kayang kalimutan ang ginawa mo. Hindi lang kasi si dad ang nasaktan mo kundi pati na rin ako na anak mo. Kaya sana maintindihan mo kung hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa'yo," tugon ko na ikinatahimik niya. "Pero ngayon na kaharap na kita, parang unti-unting nawala ang
"Mom.. I'm sorry," umiiyak na sambit ko habang yakap-yakap ang mom ko. Marahan niya 'kong kinabig papaharap sa kanya at agad nitong pinunasan ang mga luha ko. Namiss ko siya, I missed my mom."You don't have to say sorry, wala kang kasalanan anak. Ako 'tong meron kaya ako ang dapat na humingi ng tawad sa'yo. I'm sorry anak, sana mapatawad mo 'ko sa ginawa ko.""Matagal na po kitang napatawad at hindi na rin po ako galit sa inyo." Tears started to flow from her eyes because of what I have said. Alam ko na ito ang gusto niyang marinig mula sa'kin, ang patawarin siya sa nagawa niya. Oo, hindi ko pa rin kayang kalimutan ang ginawa niya sa dad ko, ang ginawa niya sa'kin pero karapat-dapat siyang patawarin. Hindi lang ako ang nasaktan sa mga nangyari kundi pati na rin siya. She's my mom, siya na lang ang meron ako at ayoko na pati siya mawala din sa buhay ko.******************
"Pre may kailangan pa ba 'kong gawin? may kulang pa ba?" tanong ni Britt habang kinukuhanan ng video ang sarili niya."Oo, paki-kuha 'yung balloons sa room ko at dalhin mo rito," tugon ni Sebastian na abala sa pag-aayos ng mga pagkain sa mesa. Si Enzo naman ay abala rin sa paglagay ng mga decorations at kung anu-ano pa."Copy that sir," ani Britt at sumaludo pa ito na parang sundalo. Umalis din naman siya at nagtungo sa room ni Sebastian. Nang makarating siya sa silid nito, hinanap niya rin naman agad kung saan nakalagay ang isang plastic ng balloons."Pasalamat talaga si Sebastian, mahal ko siya pero mas mahal siya ng kaibigan ko. Iba talaga kapag in love, gagawin mo ang lahat para lang mapasaya ang taong mahal mo," wika ni Britt habang nakaharap a kausap ang sarili nitong camera. Nang makarating siya sa studio ng kaibigan, binigay niya rin naman agad kay Sebastian ang kinuha nitong isang plastic ng ballons.&nbs
VIENNA'S POV ------FLASHBACK------ "Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko nang makapasok na siya sa loob ng bahay. Pero nagulat siya nang makita ako, halatang wala siyang alam na nandito ako ngunit agad niya 'kong niyakap ng mahigpit nang hindi ko inaasahan. "Kumusta ka? ayos ka lang ba? wala bang nangyaring masama sa'yo?" tanong niya matapos akong yakapin. Ngunit hindi ko siya sinagot at napatingin lamang sa kabuuan ng mukha niya. Halata sa mga mata niya na pagod siya at kulang sa tulog. Parang piniga ang puso ko dahil sa itsura ngayon ni kuya. I couldn't help but blame myself, he became like that because of me. "Ayos lang ako, huwag ka nang mag-alala sa'kin. Ikaw kumusta ka? tapos na ba exams mo?" walang emosyong tugon ko. Ngunit biglang lumitaw ang ngiti sa labi niya dahil sa mga sinabi ko. Hindi na 'ko galit sa kanila, I just really don't want to see them afte
SEBASTIAN'S POVApat na araw na ang nakalipas mag-mula no'ng nalaman ni Vienna ang buong katotohanan. Hanggang ngayon tanda ko pa rin ang mga nangyari sa araw na iyon at hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakikita. Kahit pinigilan niya na 'ko sa paghahanap sa kaniya pero hindi ako tumigil. No'ng sinagot niya ang tawag ko, nagkaroon ako nang pag-asa na maaayos ko pa ang sitwasyon. Pero bigla 'yung nawala nang sabihin niya na ayaw pa niya 'kong makita."Ayaw pa kitang makita.. kaya please hayaan mo muna akong mapag-isa sa ngayon. I'm sorry."Hindi pa rin ako tumigil sa paghahanap kahit gano'n ang mga sinabi niya. But I suddenly remembered what I did 3 years ago. Hinanap ko siya kung saan-saan, kahit nasasaktan ako sa mga panahong 'yun dahil sa pagkawala niya at pag-iwan sa'kin ng mom ko, hindi pa rin ako tumigil. Ngunit lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon, saka ko na realize na iniwan niya na 'ko at hindi na siya
"Ma'am Vienna, ayos lang po ba kayo?" Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at pinunasan ang mga luha ko."Bakit po kayo umiiyak?" nag-aalalang tanong niya."Ayos lang ako ate, huwag po kayong mag-alala sa'kin. May naalala lang po ako kaya ako umiyak pero ayos lang talaga ako," tugon ko at napilitang ngitian siya."Sana nga po ma'am ayos lang kayo. Tawagin niyo lang po ako kapag may kailangan kayo." Tumango na lamang ako bilang sagot at agad na ring umalis si ate. Ngunit muli na namang pumatak ang mga luha ko nang maalala ko ang mga nabasa ko kanina. That happened 4 days ago, umamin na siya na siya si Martin pero nang dahil sa naospital ako, hindi ko ito nalaman agad. If I had only known this right away, we wouldn’t have gotten into this situation that we were both hurting each other. But it's too late, I don't know if I can get back what we had before or not.She's already here, I need to prep
"VIENNA HUWAG KANG TATALON!" I stopped thinking when I heard that voice but I didn't look back. How did he know I was here? "Huwag mong gagawin 'yan, please Vienna nakikiusap ako sa'yo bumaba ka diyan." Si Britt, matagal ko nang kaibigan pero sinaktan lamang ako. "Pa'no mo nalaman na nandito ako?" tanong ko. "Sasagutin ko ang tanong mo pero bumaba ka muna diyan," sagot niya. Hindi na 'ko nagmatigas pa, bumaba na lamang ako at walang emosyong napatingin sa kaniya. Ngayong kaharap ko na siya at alam ko na kung sino siya sa buhay ko, parang nanghina ang buong katawan ko. Hindi ko man lang magawang maalala na naging parte siya nang nakaraan ko. "Pwede mo na bang sagutin ang tanong ko?" "Kaibigan kita kaya alam ko kung saan ka pumupunta sa tuwing nasasaktan at may iniisip na problema. Akala ko nakalimutan mo na ang lugar na 'to,