VIENNA'S POV
Wala namang ibang ganap noong weekends pero chinichismis pa rin ako sa social media. At yung si Tine panay ang sorry sa 'kin through text, messenger, f******k at email. Wala akong idea kung paano niya nalaman ang social media accounts at number ko. But I think because of my brother and you know what, pagkauwi ko no'ng Friday 'di niya 'ko tinigilan sa kakatukso kahit na oras na ng pagtulog ko tinutukso niya pa rin ako. Tumigil lang ang pang-aasar niya sa 'kin nung wala siya sa bahay dahil sa soccer practice. Nalaman ko na lang kay Therese by Sunday morning na nai-post na sa social media yung tungkol sa'min ni Tine. An'daming against kahit hindi naman 'yon totoo, an'daming nag-post sa mga f******k walls nila about me and Tine. Wala naman akong pakealam tungkol do'n pero nakakairita na kasi, an'daming nagddm sa 'kin. Kaya na i-deactivate ko ng wala sa oras ang lahat ng account ko sa social media dahil sa mga fans ni Tine.
This day, Monday in the morning start na ng Club Fair and nawawalan ako ng gana na pumunta at magpakita sa university. But hindi pwede, I just need to act normal na parang walang nangyari noong Friday. I should not be affected about it cause it's fake but it really ruined my day.
Nakarating din naman ako sa university safe and sound. Pagkapasok ko pa lang sa main entrance ang dami ng estudyante na hindi magkamayaw sa mga ginagawa nila. They are all busy kaya walang nakapansin ng presensya ko and I'm so thankful for that.
Hinanap ko naman si Therese pero hindi ko siya mahagilap, I also texted her pero walang reply. Busy siguro 'yun sa club niya at si Michelle naman for sure busy din sa council.
"Vienna.." Napalingon naman ako. Sina Britt at Enzo pero hindi nila kasama si Sebastian.
"Samahan ka na namin sa Music Club," wika ni Britt pagkarating nila sa direksyon ko. They are both wearing jerseys, siguro may soccer practice sila.
"Don't worry Vienna, kaming bahala sa 'yo," wika rin ni Enzo.
"Ito suotin mo para hindi nila malaman na ikaw ang kasama namin." At may kinuha si Britt sa loob ng bag niya. Isang cap, inabot din naman niya ito sa akin. It will be a big help after all. Sinuot ko naman ang bigay niya at inayos pa nito ang cap na suot ko.
"Hali ka na Vienna," aya ni Enzo, sumunod din naman ako sa kanila. Dumadami na ang mga tao, an'dami na ring nagpapa-register sa iba't-ibang clubs. May nagtitinda rin ng mga pagkain like ice creams, shake at milk tea, cotton candy at marami pang iba.
Nakarating din naman kami sa Music Club at sobrang dami ng nagpapa-register. Ang haba ng pila, mukhang aabutin ako ng isang oras dito.
"You can leave me here, kaya ko na thank you sa pagsama niyo sa 'kin," sabi ko.
"Ayos lang Vienna, sasamahan ka namin hanggang sa maka-register ka na," sagot ni Britt.
"Mamayang 10 am pa naman ang practice, masasamahan ka pa namin na mag ikot-ikot at manuod ng show nina Sebastian," dugtong naman ni Enzo. Ngumiti na lang ako sa kanilang dalawa. Kahit na iniiwas ako ni Therese sa kanila, lumalapit pa rin sila sa 'kin para samahan, tulungan at kausapin ako.
"Vienna pwedeng magtanong?" tanong ni Enzo, tumango naman ako bilang sagot.
"Kayo ba talaga ni Tine Alvarez? usap-usapan kasi sa university lalo na sa social media," nahihiyang tanong ni Enzo. May alam din pala sila tungkol sa bagay na 'yon.
"Hindi 'yon totoo, it's just that gusto niya lang na iwasan siya ng mga fans niya. Kakakilala pa lang namin kahapon, nakita niyo naman 'yung reaksiyon ko diba?" Tumango naman silang dalawa at ngumiti. Saksi silang dalawa sa nangyari kahapon sa labas ng room, hindi na nila kailangang marinig pa ang paliwanag ko.
After mga 20 minutes na pila, nakapag-register na rin ako at may binigay silang maliit na papel sa 'kin. Ngunit hindi na 'ko nag-abala pa na tingnan ito.
"On Wednesday magkakaroon ng announcement, don't worry ipo-post naman ito sa bulletin board. Just keep updated lang okay? thank you and good luck," sabi ng babae sa 'kin. Nagpasalamat na lang din ako at umalis na kami.
Sinamahan nga nila akong maglibot, pinuntahan namin ang iba't-ibang booth tapos bumili rin ng iba't-ibang pagkain. Nakakaenjoy naman pala silang kasama, 'di ko maiwasang hindi mapatawa at mapangiti nang dahil sa mga ginagawa at kinukuwento nila.
"Pre.." tawag ni Britt kay Sebastian pero 'di niya napansin ang presensya ko. Nandito kami ngayon sa backstage kung saan naghahanda na sila para sa show. Ano kaya ang kakantahin nila?
Bigla namang nag-vibrate ang phone sa bulsa ko, I check it and it's my brother. Ano naman kaya ang kailangan nito sa 'kin? I just answered the call at lumayo muna, nag-uusap pa naman sila.
"Yes napatawag ka?" bungad ko sa kaniya.
(Punta ka ngayon dito sa field) Gagawin ko naman do'n?
"Gagawin ko diyan?" tanong ko naman.
(Si Tine injured, kailangan ka niya rito)
"As if I care, kuya I'm not his girlfriend kaya niya na 'yan malaki na siya," reklamo ko pero agad niya 'kong binabaan ng tawag. Nakakaasar siya, damn him! kainis!
"Vienna hali ka rito," tawag naman sa 'kin ni Enzo. Hindi ko man lang napansin na kanina pa pala ako tinitingnan ni Sebastian.
"Sorry but I have to go, si Tine kasi injured at kailangan ko siyang puntahan sa field. Salamat sa pagsama sa 'kin Britt at Enzo, bawi ako bukas sorry." Bahala na kung magtaka sila pero kailangan ko nang pumunta ng field. That guy! pinapahamak niya 'ko ng husto.
ENZO'S POV
"Sorry but I have to go, si Tine kasi injured at kailangan ko siyang puntahan sa field. Salamat sa pagsama sa 'kin Britt at Enzo, bawi ako bukas sorry." Sasagot pa sana si Britt kaso agad ng umalis si Vienna. Bakit naman siya nagmamadali? sabi niya wala silang relasyon ni Tine pero bakit nag-aalala ng sobra ang itsura niya?
"Sabi niyo wala silang relasyon eh ano 'yon? kulang na lang takbuhin niya papuntang field," seryosong saad ni Sebastian. Nagtaka tuloy kaming dalawa ni Britt dahil sa tono ng boses niya. Nagseselos kaya siya?
"Oo pre, wala naman talaga at 'yon ang sabi sa'min ni Vienna kanina. Mukhang hindi naman siya nagsisinungaling," sagot ko naman.
"Maghahanda na 'ko, pwede na kayong mag-practice sunod ako after ng show." At bigla na siyang umalis sa harapan namin. Hindi niya man aminin pero halatang nagseselos siya.
"Hindi pa rin talaga nawawala ang feelings niya kay Vienna," sabi ni Britt habang sinusundan ng tingin si Sebastian.
"Hayaan na natin siyang umamin bago tayo humusga, hali ka na pre." May chance pa kayang bumalik ang feelings ng isang tao once na ghinost siya ng taong mahal niya for almost 3 years?
VIENNA'S POV
Nakarating din naman ako sa field at hinanap na si Tine. Nakita ko naman siyang nakaupo sa isang bench at nakita niya na rin ako na naglalakad patungo sa direksyon niya. Napatingin naman ako sa field, nagulat na lang ako nang bigla silang magpalakpakan except kay kuya kasi parang wala siya rito ngayon.
"Asan si kuya? bakit niya 'ko pinapunta rito? eh naandiyan naman ang teammates mo?" tanong ko kahit ang dapat kong itanong kung okay lang ba siya. As if naman na magiging mabait ako sa kaniya.
"Hindi ko rin naman inasahan na pupunta ka rito tiyaka yung kuya mo kakaalis lang." Pinagtitripan talaga ako ni kuya, gusto niya lang talaga akong asarin. Nakakarami na siya, humanda siya sa 'kin dahil gaganti ako. Kinalma ko rin naman ang sarili ko, nandito na lang din naman ako, tutulungan ko na lang siya.
"Ano ba ang nangyari diyan?" tanong ko. Dumudugo na ang tuhod niya tapos may gasgas pa papuntang binti. Kinuha ko naman ang panyo sa bag ko at naupo paharap sa tuhod niya. Alam kong pinagtitinginan na kami pero inignore ko na lang. Tinali ko na rin naman sa tuhod niya ang panyo ko para tumigil ang pagdurugo at para hindi masikatan ng araw lalo pa na ang init-init ngayon.
"Vienna sorry, sorry kung pinahamak kita at sorry kung nang dahil sa ginawa ko na-issue ka," biglang sabi niya.
"Pang-ilang sorry mo na 'yan? 100? 200? 1000x?" Napatawa siya sa sinagot ko.
"Yes naiinis pa rin ako sa 'yo, gusto nga kitang suntukin eh," saad ko.
"Tatanggapin ko kahit gawin mo na ngayon."
"So gusto mo palang ma-bash at ma-issue ulit ako? gagawin ko 'yun hindi sa harapan ng mga fans mo." Napatingin na talaga ako sa kaniya, mukhang natakot naman siya sa banta ko.
"Tiyaka ano pang magagawa ko? eh nangyari na, tiyaka alam na ng lahat. Wala na 'kong takas, all I have to do is to accept the consequences of your actions. Alam ko namang lilipas din 'to, don't worry I already accept your apology but still gusto kitang suntukin," mahabang lintanya ko, nginitian niya naman ako.
"Thank you Vienna at sorry sa abala. Dapat nando'n ka sa event at nag-e-enjoy pero nandito ka at tinulungan ako," sabi niya.
"Ayos lang, nakapag-enjoy naman ako kahit mabilis lang. So ano kaya mo bang tumayo? dadalhin kita sa clinic," sagot ko at tumayo na, tumango naman siya bilang sagot. Dahan-dahan naman siyang tumayo, ngunit bigla akong napalapit sa kaniya kasi naman para siyang matutumba. Napahawak siya sa balikat ko at ako naman sa baywang niya na naging dahilan para tuksuhin kami ng mga nakasaksi.
"I'm sorry Vienna." Ito na naman siya sa kaka-sorry niya.
"Isang sorry mo pa iiwan kita rito," banta ko na ikinatahimik niya. Ngayon ko lang napansin hanggang balikat niya lang pala ako tapos ang laki pa ng katawan niya. Makakaya ko kaya siyang dalhin sa clinic?
"Matangkad ka kaysa sa 'kin, halos lahat ng bigat mo sa 'kin mapupunta. Kaya umayos ka, baka siyam-siyamin tayo bago makarating sa clinic." Tumango naman siya bilang sagot. Dahan-dahan ko siyang inakay at ginawa niya rin naman ang sinabi ko. Ngunit napapatawa ako nang palihim kasi napapangiwi siya once na dumapo ang kanang paa niyang injured sa lupa.
Medyo malapit na rin naman kami ngayon sa clinic kaya tumigil na muna kami at pinagpahinga siya saglit. Naaawa na kasi ako sa itsura niya at mula rito sa puwesto namin pinagtitinginan na kami.
"Baka pagod ka na, pwede mo na 'kong iwan dito malapit na lang din naman ang clinic," sabi niya pero umiling ako.
"Don't worry about me okay? I'm fine, ano hali ka na?" sagot ko at tumango naman siya. Kaya tinulungan ko na siyang makatayo at inakay na papuntang clinic. Nakarating na rin naman kami, may nag-assist ng nurse sa kaniya at ako naman naupo lang sa bakanteng upuan. Hinubad ko muna ang suot kong cap at ginawang pamaypay, mainit kasi kahit naka-aircon 'tong clinic.
After mga 20 minutes, natapos na ring gamutin ng nurse si Tine at nalagyan na rin ng benda ang tuhod niya. Kasalukuyan siyang natutulog, siguro dahil na rin sa matinding pagod.
"Kailangan niya munang magpahinga kahit isang oras lang then pwede na siyang umuwi. Sorry pero hindi na muna makakapaglaro ang boyfriend mo, kailangan niya munang ipahinga ang kanang paa niya. Kapag may kailangan ka tawagin mo lang ako, excuse me," wika ng nurse. Ngumiti na lang ako at nagpasalamat. Isipin ba namang boyfriend ko si Tine, kaasar!
"Vienna.." Napalingon naman ako, sina Michelle at Therese. Paano naman nila nalaman na nandito ako sa clinic?
"Paano niyo nalaman na nandito ako?" takang tanong ko.
"Nalaman namin sa mga fans ni Tine na injured siya at may kasamang babae," sagot ni Therese.
"Ang hula namin ikaw at hindi nga kami nagkamali, ikaw nga ang tumulong sa kaniya," dugtong pa ni Michelle. Tinukso naman nila akong dalawa buti na lang at hindi nagising si Tine, mahimbing pa rin siyang natutulog.
"Vienna kung totohanin niyo na lang kaya." Hinampas ko na talaga si Michelle sa balikat dahil sa sinabi niya. Mygaddd! wala sa plano ko na jowain si Tine.
"Tumigil ka nga Michelle, bunganga mo talaga. Isa pa, babatukan na kita," sagot ko at inambahan siya ng suntok pero tinawanan niya lang ako.
"Mabuti pa umalis na kayo," dugtong ko pa.
"Gusto mo lang masolo si Tine eh, aalis naman kami don't worry, hehehe ito na nga aalis na." Natakot naman silang dalawa sa tingin ko at lumabas na nga sila ng clinic. Pero tinukso pa nila ako bago sila tuluyang makaalis at mawala sa paningin ko.
Napatingin naman ako sa wrist watch ko, 10 am na pala. Tapos na kaya ang show? gusto kong manuod pero paano naman ang isang 'to? Hindi naman pwede na iwan ko 'to rito habang ako nando'n sa event at nakikinig. Ito na sana yung chance na maririnig ko ang boses ni Sebastian pero wrong timing itong nangyari kay Tine.
"Vienna hey.." Nagising naman ako nang may yumugyog ng balikat ko, si Tine lang pala. 'Di ko man lang namalayan na nakatulog na pala ako, anong oras na kaya?
"Kanina ka pa nakatulog, akala ko no'ng magising ako umalis ka na 'yun pala nakatulog ka lang diyan," sabi niya.
"Sorry, by the way anong oras na? gutom ka ba?" Mukhang nagulat naman siya sa huling tanong ko. Anong akala niya sa 'kin masama o 'di kaya walang puso para hindi siya tanungin ng gano'n?
"11:30 am na, medyo lang naman," nahihiyang sagot niya.
"Sige, bibili lang ako. Ano'ng gusto mong kainin?" tanong ko.
"Huwag na Vienna, kaya ko naman na eh tiyaka nakapagpahenga na 'ko." Tatayo na sana siya pero sinamaan ko siya nang tingin, mukang natakot din naman sa 'kin.
"Balik ako agad." Hindi ko na siya hinintay na makasagot, lumabas na 'ko agad ng clinic. Nagtataka tuloy ako sa mga kinikilos ko, hindi naman ako ganito ka concern sa mga taong kakakilala ko pa lang. Except Therese madali siyang pakisamahan, unless gusto ko si Tine.
Nakakalahati pa lang ako sa paglalakad nang may grupo ng kababaihan ang pumigil sa 'kin sa dinaraanan ko. Actually anim sila and based sa ID nila, mga 4th year student sila and I think isa sila sa mga die hard fan ni Tine.
"Ikaw ang girlfriend ni Tine diba?" tanong ng isa na nasa gitna. Ito siguro ang leader nila, as if naman na matatakot ako sa kanilang lahat.
"Girlfriend ka ba talaga ni Tine? bakit hindi ka namin nakikita araw-araw na nakabuntot sa kaniya?" tanong rin ng isang babaeng ka height ko.
"Ano ako aso? na araw-araw nakabuntot sa kaniya, diba parang kayo 'yun?" Mukhang nainis silang lahat dahil sa sinagot ko. Kahit na mas matanda sila sa 'kin, wala akong pakealam.
"Hindi mo ba kami nakikilala? tiyaka mas matanda kami sa 'yo, matuto kang rumespeto," galit na sabi ng isa ngunit napatawa ako ng wala sa oras. Napabuntong hininga naman ako at hinarap yung babaeng nagsalita kanina.
"Paano ko kayo rerespituhin? kung hindi niyo rin ako kayang respituhin. It's not fair alam niyo 'yan," sabi ko na lalong kinainis nilang anim. Na parang ang isa sa kanila gusto na 'kong sabunutan.
"Alam niyo mga ate halata naman na isa kayo sa mga die hard fan ni Tine pero ang payo ko lang 'wag kayong umarte na isa kayo sa mga naging girlfriend niya. Pwede ba suportahan niyo na lang siya at huwag niyong pakealaman ang personal niyang buhay," dugtong ko pa.
"Sumusobra ka na." Susugod na sana 'yung babaeng nasa gitna pero napatigil siya. Nagtaka tuloy ako kung bakit, lumingon naman ako para matingnan kung sino ang nakita niya.
"Sige sabunutan mo siya, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa 'yo at sa inyo," galit na sabi ni Tine. Bigla namang umalis ang anim na babae sa harapan ko. Ano natakot kay Tine?
"Wala ba silang ginawa sa 'yo? okay ka lang?" Biglang nagbago ang expression ng mukha niya, napalitan ng pag-alala.
"Bakit ka lumabas? sinabi ko naman sa 'yo na ako na," sagot ko.
"At kung hindi ako lumabas baka ano pa ang magawa nila sa 'yo, sorry Vienna."
"Kaya kong lumaban, hali ka na ibabalik na kita sa clinic." Pero pinigilan niya 'ko at bigla siyang umakbay sa 'kin.
"Ayoko nang mag-stay do'n, tulungan mo na lang ako. Let's go, alam kong gutom ka na." Hindi na 'ko nakasagot kasi nagsimula na siyang maglakad kaya inalalayan ko na lang siya.
Nakarating din naman kami sa cafeteria, thankful ako kasi kokonti lang ang tao at konti lang din ang nakapansin sa presensya namin. Pinaupo ko rin naman siya sa upuan sa isang bakanteng table, daig ko pa caregiver niya. Bumili nalang din naman ako ng pagkain pero hindi ko man lang napansin na nandito pala sina Britt at kasama si Sebastian. Tapos na kaya ang show?
"Hi Vienna kumusta si Tine?" tanong ni Enzo. Napatingin naman ako sa direksyon ni Sebastian pero nakayuko siya.
"Okay na rin naman na siya," sagot ko.
Nakuha ko na rin naman ang pagkaing binili ko at nagtungo na rin sa direksyon ni Tine. Nilapag ko na rin sa harap niya yung menudo, steak tiyaka dalawang rice at sa 'kin naman fried chicken at isang rice. Binigyan ko rin siya ng isang bottled water at coke. Nakatingin lang siya sa 'kin habang nilalapag ko sa harapan niya ang mga pagkain.
"Magkano lahat ng 'to? ako na ang magbabayad," sabi niya nang makaupo na 'ko.
"No need to worry, nabayaran ko na," sagot ko. Sinamaan niya 'ko ng tingin, irap naman ang ginanti ko.
Kumain na rin naman kaming dalawa pero hindi ako makapag-concentrate kasi naman si Sebastian ang sama ng tingin sa 'kin. Ewan ko ba, hindi pa nga kami pormal na pinakilala sa isa't-isa pero an'sama na ng tingin niya sa 'kin daig pa may ginawa akong malaking kasalanan sa kaniya.
"Vienna bakit hindi ka kumakain? may problema ba?" biglang tanong ni Tine. Buti hindi siya lumingon para matingnan kung saan ako nakatingin. Umiling na lang ako bilang sagot, ang Sebastian na 'to ginugulo niya utak ko.
After naming kumain ng lunch, nagdesisyon ng umuwi si Tine kaya hinatid ko siya palabas ng university. Una hindi siya pumayag pero nagpumilit ako, alam kong masakit pa ang tuhod niya ayaw niya lang talaga na abalahin ako.
Nakahinga naman ako ng maluwag pagkapasok ko ng university, sinalubong pa 'ko ni Therese at Michelle. At tinukso na naman nila akong dalawa, kainis nga eh, sila natutuwa habang ako naaasar.
Ngayon kasama ko silang dalawa, manunuod kami ng show ng isang banda. Na-excite nga 'ko eh kasi first time kong mapapanuod ito rito sa university. Nakarating naman kami sa venue ng event, akala ko pa naman sina Sebastian ang magpe-perform, 'yun kasi ang narinig ko kanina nung papunta na kami rito pero hindi naman pala.
Ang lungkot pa ng kinanta nila, parang gusto ko na lang umalis. Ewan ko ba ba't ako nawalan ng gana manuod?
"Vienna ayos ka lang?" tanong naman ni Therese habang si Michelle nag-e-enjoy sa kakanuod.
"Alis na tayo," maikling sagot ko.
"Ha? eh kanina atat na atat kang pumunta rito tapos aalis na tayo?" gulat na usal niya. Hindi na 'ko sumagot baka kasi magtaka pa siya, nakinig na lang ako kahit labag sa loob ko.
Natapos din naman ang show. Siguro no'ng pinuntahan ko kanina si Tine sa field, nag-start na sina Sebastian tumugtog. At nung makita ko si Britt at Enzo sa cafeteria tapos na sila nun mag-perform. Bakit ngayon ko lang naisip? kaasar! wrong timing talaga yung kanina.
Naglalakad na kami ngayon palabas ng university, tapos na ang first day ng Club Fair at bukas ulit ang karugtong ng event.
"So Vienna my friend, ano ang kakantahin mo para sa audition?" biglang tanong ni Michelle na ikinagulat ko talaga.
"Wala kang alam 'no? paano ba naman kasi lahat ng atensiyon mo na kay Tine," dugtong pa niya.
"Nakita namin sa bulletin board kanina, lahat ng mga nagpa-register sa Music Club dadaan muna sa isang audition. Paano ba naman kasi in just one day umabot ng 500 students ang sumali? biruin mo 'yun. Sa ibang club wala ng sumali dahil kay Sebastian, kaya Vienna mag-prepare ka. Sa Thursday na ang audition, dapat makapasa ka," explain naman ni Therese sa 'kin. Kaya naman pala, akala ko pa naman mas malala ang mga fans ni Tine, pinakamalala pala 'tong mga fans ni Sebastian.
"Kaya mo 'yan friend, nandito lang kami ni Therese, support ka namin," sabi naman ni Michelle sabay akbay sa 'kin.
Hindi naman ako kinakabahan o natatakot, mas gusto ko nga na hindi ako makapasa eh para wala akong poproblemahin at makakapag-focus ako sa acads. Pero siguro nakatadhana talaga na mangyari 'to sa 'kin, kaya hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ibinigay sa akin. Kaya mo 'to Vienna, laban lang!
VIENNA'S POV Kinabukasan, close na ang registration sa Music Club dahil nga sa sumobra na ang mga sumali. Kaya yung iba nanghinayang at nalungkot. Ang unfair lang kasi ang mas deserving na makapasok sa club hindi nakasali dahil lang sa mga fans ni Sebastian. Hindi muna sila nag-isip ng maayos bago sila sumali. Bitbit ko lang ngayon ay ang gitara ko, wala na rin namang klase at continue pa rin ang event. Gusto kong mag-practice sa tahimik na lugar kaya naisipan kong sa Music Department ako pupunta. Nakapagpaalam na rin naman ako kaya ayos lang na pumasok ako ro'n para mag-practice. Kina-reer ko na ang pagsuot ng sombrero, yung cap na bigay ni Britt kahapon plus pa na sobrang init ng panahon kaya kailangan ko ito ngayon. Nakarating naman ako ng Music Department, tamang-tama lang ang dating ko kasi walang tao. Kompleto naman na pala ang mga instrume
VIENNA'S POV Hindi ako pumasok kinabukasan hindi dahil sa umiiwas ako kundi dahil sa magpa-practice ako buong araw. After nung nangyari, hindi na 'ko nagtagal pa sa university, umuwi na 'ko agad before lunch. Kumalat na sa social media ang litrato namin ni Sebastian at naging usap-usapan na rin ito sa university. Nandito lang ako ngayon sa kwarto, nagpa-practice. Kabisado ko naman na kaso inuulit ko para maging perfect. Kasama ko rin ngayon si kuya, mamayang 1 pm pa ang practice niya tapos si mom at tito nasa trabaho na. "Vienna.." Napalingon naman ako nang biglang bumukas ang pinto, si kuya. "Yes?" sagot ko na lang. "Kakain na, nakahanda na ang lunch sa baba," sabi niya pero umiling ako, 'di pa naman ako nagugutom. "Hindi ka pupunta ng university?" tanong niya at umiling na naman ako bilang sagot. "Vienna iwasan mo nga si S
TINE'S POV After naming kumain ng dinner, niyaya ko muna si Vienna sa garden para na rin makausap ko siya at maging malinaw saakin ang lahat. Nagtataka kasi ako kanina, nameet na ni mom si Vienna before pero bakit hindi ko siya nameet sa kaarawan ni Vince? How come eh nandoon ako sa celebration? alam ko si Vienna lang ang makakasagot nito. Nakaupo siya sa isang swing, alam kong nag-iisip siya at nakita ko ang pagtataka sa mga mata niya kanina. My mom still remember her pero siya hindi na, kahit matagal na panahon na 'yun I still remember what happened sa party. Naupo naman ako sa bakanteng swing at tiningnan siya pero nakatingin siya sa malayo. Anong nangyari kaya sa kaniya before? bakit parang wala siyang naaalala? "Vienna, is it okay to ask you some questions?" tanong ko, tumango naman siya bilang sagot. "If nameet ka na ni mom before, how come na hindi kita nakilala
SEBASTIAN'S POVNakasunod lang kaming tatlo sa likod nina Vienna pero hindi niya napapansin ang presensya namin. Kanina ko pa siya tinitingnan mula no'ng magperform siya hanggang sa puntahan siya ni Tine kasama si Vince na kapatid niya. Hindi nga ako nagkakamali, siya nga si Vienna ang nag-iisang babaeng minahal ko noon pero nawala na parang isang bula. Bumalik siya na parang hindi ako kilala, na parang bago sa kaniya lahat ng mga nakikita niya. Is she pretending? palabas lang ba ang lahat para hindi niya pagsisihan ang ginawa niya sa'kin noon?Her personality, the way she speak to someone, hindi siya gano'n at ibang-iba sa nakilala kong Vienna 7 years ago. She is not the woman I staring now, anong nangyari 3 years ago? How come na hindi niya 'ko naaalala?"Dad hindi ako sigurado kung siya nga si Vienna pero magkamukha silang dalawa. Hindi sila magkapareho nang ugali pero ramdam ko dad na siya nga 'yun," sabi ko kay dad.
VIENNA'S POVAfter matapos ng game, everything was going back to normal. May ilan na hindi pa nakakamoveon sa laro at ang iba natutuwa pa rin sa resulta. It's already 10:30 am at napili naming dito tumambay sa cafeteria. Until now, nag-aalala pa rin ako kay Sebastian."Hoy Vienna! saang lupalop na ng mundo tumatakbo 'yang utak mo? kanina ka pa tahimik diyan." Tiyaka lang ako nagising sa reyalidad nang magsalita si Michelle. Nakatingin na pala silang dalawa sa'kin pero hindi ko man lang ito napansin, napabuntong hininga naman ako bigla."Nag-aalala ako kay Sebastian," sagot ko na ikinagulat naman nilang dalawa."Ha? bakit ka naman nag-aalala sa kaniya? Hindi naman sinasadya ng kuya mo yung nangyari sa kaniya, nanunuod kaya ako," wika ni Therese. Ewan ko nga rin eh, hindi ko alam kung bakit ako sobrang nag-aalala sa taong 'yun. We're not even close at minsan lang din kami nag-uusap.
VIENNA'S POV It's Saturday in the morning at wala pa 'kong balak lumabas ng kwarto, nakahilata pa rin ako sa kama. But suddenly, I remembered what we did yesterday. We really enjoyed, pumunta kami ng mall para magshopping, naglaro sa timezone at kumain ng kung anong magustuhan naming kainin. Syempre libre ko 'yun, hindi naman ako nagsisi natutuwa pa nga ako kasi dahil sa mga ginawa namin nakalimutan ko ang mga nangyari kahapon sa university. Pumunta rin kami sa shop ko, si Therese hindi pa rin makapaniwala na sa ganitong edad ko may sarili na 'kong business. Pinakain ko naman sila ng binake kong cupcakes then pinatake out ko rin sila ng cakes, pambawi sa effort nilang dalawa. After nun, umuwi na rin kami at sobra akong napagod pero worth it naman kasi nag enjoy talaga ako. Thanks to them, I really appreciate their love and concern. Nag vibrate naman ang phone ko and I check it, si kuya RJ. Fr
VIENNA'S POV Nasa biyahe na 'ko papuntang studio, I received a 30 text from kuya RJ at ang laman lahat ng 'yun "where are you?". I just rolled my eyes, kanina pa raw siya naghihintay sa'kin sa parking lot eh hindi ko naman siya sinabihan na hintayin niya 'ko. After 45 minutes, nakarating na rin naman ako sa parking lot ng studio and he's waiting me there. Pagkababa ko nang kotse sinamaan niya 'ko ng tingin, inirapan ko na lang siya. Sumakay na lang din naman ako sa kotse niya at sumakay din siya. "Ano ang kakantahin mo mamaya?" he asked. Hindi ko pala siya sinabihan kasi wala rin naman sa plano ko na sabihin ito sa kaniya. "Malalaman mo rin 'yon mamaya," tanging sagot ko. I realized na panay kanta lang ako ngayong araw, una do'n sa park pangalawang beses 'yun tas mamaya ulit do'n sa station. Sumasakit na talaga ang lalamunan ko, bakit pa kasi ako pumayag? "Parang pagod
VIENNA'S POVIn the end, kinain ko "both" ang pagkaing binigay nila. Alangan naman itapon ko? edi masasayang lang ang effort nilang dalawa. Kahit busog na busog na 'ko, hindi ako tumigil hangga't 'di ko naubos pareho. Parang sasabog na ang tiyan ko at gusto ko na ring sumuka. Bakit ba ginagawa nila sa'kin 'to? oo, mabait naman talaga si Tine pero si Sebastian mabait naman kaso hindi ko siya maintindihan.Nandito ako ngayon sa bench kasama itong dalawang babae na kanina pa nakatingin sa'kin. I already told them what happened earlier kaya sila na curious din sa ginawa nung dalawang lalaki."Vienna isa lang ang ibig sabihin niyan, gusto ka nilang pareho," biglang sabi ni Therese na naging dahilan para magsitayuan ang balahibo ko sa braso."Hindi 'yan mangyayari Therese, bago pa lang ako sa university na 'to," sagot ko."Hindi ka kasi naniniwala sa love at first sight. Mahahalata kay
Matagal ko nang pinapangarap ang kumanta sa isang entablado at pinapanuod ng maraming tao. Bata pa lamang ako natutunan ko na ang tumugtog ng kahit na anong instrumento at kumanta ng kahit na anong klase ng musika. Napamahal na ko rito dahil sa dad ko, siya ang nag-impluwensiya sa'kin na kumanta at tumugtog. Dahil sa kan'ya nagco-compose at nagco-cover ako ng mga kanta, sumali sa mga auditions hanggang sa naging isang sikat na singer. Pangarap ko ang maging isang sikat na musikera kagaya ng mga artistang hinahangaan ko sa larangan ng musika. Gusto ko ring maramdaman na mahalin at hangaan ng maraming tao. Ngunit mag-mula no'ng nagkasakit ang dad ko hanggang sa binawian siya ng buhay, nawala na sa isip ko ang lahat ng mga pangarap ko. Gusto kong tuparin 'yun na kasama siya pero ngayong wala na ang dad ko, ayoko nang ituloy pa ang mga pangarap ko. At dahil sa nangyari, umabot ako sa isang desisyon na huwag sabihin sa publiko ang totoong pagkatao ko. Ginawa
------AFTER 3 DAYS------ (MUSIC CONTEST) "Vienna.." "Yes kuya RJ?" tanong ko. Nandito kami ngayon sa back stage, siya lang ang kasama ko rito. After kasi akong ayusan nina Michelle at Therese, bigla silang umalis at ewan ko ba kung saan sila pupunta. "Ayos ka lang ba? kanina ka pa tahimik diyan." "I'm fine kuya, kinakabahan lang ako ng konti." "Huwag kang kabahan, nandito naman kami para suportahan ka. Kaya mo 'yan," nakangiting sambit niya. "Lalabas na muna ako, may kailangan lang akong tawagan." "Sige kuya." Nang makaalis siya, bigla akong nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Kinakabahan ako pero sigurado ako na kaya kong gawin 'to. Ito na ang pinakahinihintay kong araw, ang araw kung saan aaminin at sasabihin ko sa harap ng maraming tao ang totoong pagkatao ko. Hindi ko alam kung ano ang magig
SEBASTIAN'S POV Wala ni isa sa'min ang nagtangkang magsalita, nakayuko lang ako habang siya ay nakatingin sa'kin mag-mula pa kanina. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nakita ko na siya. "I'm sorry anak.." Tuluyan ng pumatak ang mga luha ko dahil sa huling binanggit niya. Kay tagal kong hinintay na marinig muli ang katagang 'yan mula sa kanya. "Alam ko na nasaktan kita at nasaktan ko ang dad mo pero sana mapatawad mo 'ko sa nagawa ko," umiiyak na sambit nito. Agad kong pinunasan ang pisnge ko bago ako nag-angat ng tingin sa kanya. "Napatawad na kita pero hindi ko pa rin kayang kalimutan ang ginawa mo. Hindi lang kasi si dad ang nasaktan mo kundi pati na rin ako na anak mo. Kaya sana maintindihan mo kung hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa'yo," tugon ko na ikinatahimik niya. "Pero ngayon na kaharap na kita, parang unti-unting nawala ang
"Mom.. I'm sorry," umiiyak na sambit ko habang yakap-yakap ang mom ko. Marahan niya 'kong kinabig papaharap sa kanya at agad nitong pinunasan ang mga luha ko. Namiss ko siya, I missed my mom."You don't have to say sorry, wala kang kasalanan anak. Ako 'tong meron kaya ako ang dapat na humingi ng tawad sa'yo. I'm sorry anak, sana mapatawad mo 'ko sa ginawa ko.""Matagal na po kitang napatawad at hindi na rin po ako galit sa inyo." Tears started to flow from her eyes because of what I have said. Alam ko na ito ang gusto niyang marinig mula sa'kin, ang patawarin siya sa nagawa niya. Oo, hindi ko pa rin kayang kalimutan ang ginawa niya sa dad ko, ang ginawa niya sa'kin pero karapat-dapat siyang patawarin. Hindi lang ako ang nasaktan sa mga nangyari kundi pati na rin siya. She's my mom, siya na lang ang meron ako at ayoko na pati siya mawala din sa buhay ko.******************
"Pre may kailangan pa ba 'kong gawin? may kulang pa ba?" tanong ni Britt habang kinukuhanan ng video ang sarili niya."Oo, paki-kuha 'yung balloons sa room ko at dalhin mo rito," tugon ni Sebastian na abala sa pag-aayos ng mga pagkain sa mesa. Si Enzo naman ay abala rin sa paglagay ng mga decorations at kung anu-ano pa."Copy that sir," ani Britt at sumaludo pa ito na parang sundalo. Umalis din naman siya at nagtungo sa room ni Sebastian. Nang makarating siya sa silid nito, hinanap niya rin naman agad kung saan nakalagay ang isang plastic ng balloons."Pasalamat talaga si Sebastian, mahal ko siya pero mas mahal siya ng kaibigan ko. Iba talaga kapag in love, gagawin mo ang lahat para lang mapasaya ang taong mahal mo," wika ni Britt habang nakaharap a kausap ang sarili nitong camera. Nang makarating siya sa studio ng kaibigan, binigay niya rin naman agad kay Sebastian ang kinuha nitong isang plastic ng ballons.&nbs
VIENNA'S POV ------FLASHBACK------ "Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko nang makapasok na siya sa loob ng bahay. Pero nagulat siya nang makita ako, halatang wala siyang alam na nandito ako ngunit agad niya 'kong niyakap ng mahigpit nang hindi ko inaasahan. "Kumusta ka? ayos ka lang ba? wala bang nangyaring masama sa'yo?" tanong niya matapos akong yakapin. Ngunit hindi ko siya sinagot at napatingin lamang sa kabuuan ng mukha niya. Halata sa mga mata niya na pagod siya at kulang sa tulog. Parang piniga ang puso ko dahil sa itsura ngayon ni kuya. I couldn't help but blame myself, he became like that because of me. "Ayos lang ako, huwag ka nang mag-alala sa'kin. Ikaw kumusta ka? tapos na ba exams mo?" walang emosyong tugon ko. Ngunit biglang lumitaw ang ngiti sa labi niya dahil sa mga sinabi ko. Hindi na 'ko galit sa kanila, I just really don't want to see them afte
SEBASTIAN'S POVApat na araw na ang nakalipas mag-mula no'ng nalaman ni Vienna ang buong katotohanan. Hanggang ngayon tanda ko pa rin ang mga nangyari sa araw na iyon at hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakikita. Kahit pinigilan niya na 'ko sa paghahanap sa kaniya pero hindi ako tumigil. No'ng sinagot niya ang tawag ko, nagkaroon ako nang pag-asa na maaayos ko pa ang sitwasyon. Pero bigla 'yung nawala nang sabihin niya na ayaw pa niya 'kong makita."Ayaw pa kitang makita.. kaya please hayaan mo muna akong mapag-isa sa ngayon. I'm sorry."Hindi pa rin ako tumigil sa paghahanap kahit gano'n ang mga sinabi niya. But I suddenly remembered what I did 3 years ago. Hinanap ko siya kung saan-saan, kahit nasasaktan ako sa mga panahong 'yun dahil sa pagkawala niya at pag-iwan sa'kin ng mom ko, hindi pa rin ako tumigil. Ngunit lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon, saka ko na realize na iniwan niya na 'ko at hindi na siya
"Ma'am Vienna, ayos lang po ba kayo?" Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at pinunasan ang mga luha ko."Bakit po kayo umiiyak?" nag-aalalang tanong niya."Ayos lang ako ate, huwag po kayong mag-alala sa'kin. May naalala lang po ako kaya ako umiyak pero ayos lang talaga ako," tugon ko at napilitang ngitian siya."Sana nga po ma'am ayos lang kayo. Tawagin niyo lang po ako kapag may kailangan kayo." Tumango na lamang ako bilang sagot at agad na ring umalis si ate. Ngunit muli na namang pumatak ang mga luha ko nang maalala ko ang mga nabasa ko kanina. That happened 4 days ago, umamin na siya na siya si Martin pero nang dahil sa naospital ako, hindi ko ito nalaman agad. If I had only known this right away, we wouldn’t have gotten into this situation that we were both hurting each other. But it's too late, I don't know if I can get back what we had before or not.She's already here, I need to prep
"VIENNA HUWAG KANG TATALON!" I stopped thinking when I heard that voice but I didn't look back. How did he know I was here? "Huwag mong gagawin 'yan, please Vienna nakikiusap ako sa'yo bumaba ka diyan." Si Britt, matagal ko nang kaibigan pero sinaktan lamang ako. "Pa'no mo nalaman na nandito ako?" tanong ko. "Sasagutin ko ang tanong mo pero bumaba ka muna diyan," sagot niya. Hindi na 'ko nagmatigas pa, bumaba na lamang ako at walang emosyong napatingin sa kaniya. Ngayong kaharap ko na siya at alam ko na kung sino siya sa buhay ko, parang nanghina ang buong katawan ko. Hindi ko man lang magawang maalala na naging parte siya nang nakaraan ko. "Pwede mo na bang sagutin ang tanong ko?" "Kaibigan kita kaya alam ko kung saan ka pumupunta sa tuwing nasasaktan at may iniisip na problema. Akala ko nakalimutan mo na ang lugar na 'to,