Share

Kabanata 48

Madali lang sabihing lilipas rin ang lahat ngunit sobrang hirap umusad. Lalo na't lugmok na lugmok ako. Pakiramdam ko, hindi na ako makakabangon.

Masama ang pakiramdam ko nang magising kinabukasan. Mabilis akong napatakbo sa banyo nang bumaliktad ang aking sikmura. I threw my guts off the toilet bowl. Hinang-hina ako habang dumuduwal.

Bumalik ako sa kama nang matapos sumuka at nahigang muli. Maybe I ate something? Or I was too stressed out and tired kaya ako nagsuka?

Pinilit ko ang sarili kong kumilos para pumasok sa school. Ayaw ko na nga sanang pumasok muna ngunit ayaw ko ring magkulong dito. Isa pa, abala kami sa mga school works ngayon at ayaw ko namang ipagpaliban ang mga 'yon.

Nasa hallway pa lamang ng campus, samu't saring bulungan na ang naririnig ko. Mapanghusga at nandidiring mga tingin ang ibinabato ng mga estudyante sa akin. Napayuko ako at diretso lamang na naglakad kahit pa gusto ko nang tumakbo palayo dahil sa kahihiyan.

"Siya yon diba?"

"Kadiri akala mo kung sinon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status