Lakad takbo ang ginawa ni Lorenzo sa pasilyo ng hospital na kinaroroonan sa ngayon. Tuwid lang ang mga titig niya habang sabay na tumatagaktak ang pawis at sapatos niya sa tiles. Si abot-langit ang kaba niya para sa pamangkin. Sa wakas, natunton niya ang silid na kinaroroonan ni Caleb. Caleb’s name was mounted on that door. Kaagad niyang ipinihit ang seradura at sumalubong kaagad ang katamtamang buga ng aircon mula sa loob. "Caleb." Naratnan niya ang pamangkin na nakahiga sa hospital bed, may oxygen na nakakabit sa bibig nito. Conscious na ito at kumaway pa nga sa kanya. Behind that oxygen mask, nasisiguro niyang nakangiti ang bata. Katabi nito si Elisa at mahigpit na hawak ang kamay ng babae. "Caleb." Lumapit siya kabilang gilid ng kama at naupo sa tabi nito. “How are you, buddy?” Gumalaw ang ulo ni Caleb, may kulob na sinabi. “Pinapakaba mo ang tito.” His hand rested over Caleb's, but his eyes bore on Elisa. As expected, iniwasan nito ang paningin niya. Hinarap nito si Caleb.
Malaki ang naging pagbabago sa buhay ni Elisa. Ngayon nga ay nasa poder na siya ni Audrey. Bagama't malayo ang agwat nila sa isa't-isa, taos-puso ang pagtanggap at pakikitungo nito sa kanya. Parang Ate, kaibigan at boss. Nahanap niya sa katauhan nito si Margaux. Higit sa lahat, binigyan siya ng paraan para makaramdam ng self-worth sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng trabaho.Bilang may experience at alam sa accounting ay siya ang ginagawa nitong bookkeeper sa shop nito. Accessories at kung anu-anong mga imported home decors ang karaniwang ibinibenta. Hindi naman niya kailangang magbabad at tumao sa shop, araw-araw na idinaraan ni Audrey sa kanya ang mga resibo, envoices at kung anu-anong records ng tindahan nito sa condo unit na pansamantala nitong pinapagamit sa kanya. Buong akala niya nga ay isasama siya nito sa bahay na nilipatan nito at ni Caleb. Sabi nito, for good nang mananatili ang mga ito sa Pilipinas at hindi na babalik sa Singapore."Mas safe ka dito. Walang nakakakita
Kumusta ka na?The most cliché of all cliché questions na sinabi niya sa kawalan ng masasabi. Natatawa siya, napapailing. Bigla na lang kasi ang pagkabog ng dibdib niya sa sandaling narinig ang boses ni Elisa. Then he realized how much he missed even the sound of her voice.Gago talaga siya.Kagat-labing nakangiti siya habang isinandal ang buong katawan sa swivel chair at nakatutok sa ceiling at nilaro-laro ng mga daliri ang phone. All his life, dinadaan-daanan at iniignora niya lang si Eli. He never treated her with respect.Ikakasal na siya't lahat ay nagawa pa niyang i-entertain ang ganitong mga isipin.The thought vanished his smile away. Sunod-sunod ang naging pagbuntong-hininga niya.Gusto pa ba niyang matuloy ang kasal nila ni Margaux? His answers are as vague as his feelings.Nang bigla ay tumunog muli ang cellphone."Shit"Nagiging magulatin na rin ba siya? Sinagot niya ang tawag nang hindi tinitingnan ang caller. .Ang kaibigang si Derek ang nasa kabilang linya. Nakabalik na
“Magnanakaw!"Sige lang siya sa pagbalibag ng kung ano sa bulto ng katawang natuklasan niyang nakahiga ng patagilid at paharap sa dingding. Kaninang bago patayin ang ilaw sa sala, sigurado naman siyang walang ibang tao maliban sa kanya. Kung masamang tao man ito, o mga tauhan ni Sir Deon a natunton ang kinaroroonan niya, makikipagbuno muna siya bago siya maisama nito."Eli, ano ba?!"Panandalian siyang nag-freeze. Eli. Kilala siya ng lalaking bahagyang nangangamoy alak. Mas lalong kilala niya ang boses na iyon na sa pakiwari niya ay nasa malapit lang sa kanya. "L-lorenzo?"Saka niya natantong hawak-hawak na nito ang dalawang braso niya at nauunano siyang nakatingala sa matangkad at matipunong lalaki na ngayon ay tanging ilaw na nagmumula sa silid niya lang ang nakatanglaw."It's just me, okay?"Pabalya niyang inalis ang mga kamay nitong nakahawak sa kanya at hinamig ang sarili. Nagtaas-baba ang dibdib niya sa kaba. "Anong ginagawa mo rito?" tanong niyang napaatras ng dalawang beses p
With no luck, wala si Margaux sa lahat ng pinuntahan nila. Sa agency nito, sa paboritong restaurant at bar, at kahit na nga ang manager nito ay walang ideya kung nasaan si Margaux.Iisang lugar na lang ang hindi pa nila napuntahan. Ang bahay na sekretong nabili ni Margaux sa Antipolo. Kahit alam niyang hindi doon magtatago si Margaux, sumubok pa rin sila. Sa unang beses na dinala ng kaibigan dito, nakita niya kung gaano ito kasaya. Halos maglulundag sa tuwa si Margaux."Buong akala ng iba, party girl si Margaux. Pero mas madalas na dito siya tumatambay kesa sa um-attend ng parties. Pumupunta siya,oo, pero for attendance lang. Ang hindi alam ng mga magulang niya, binili niya ito mula sa talent fee niya. Sabi niya gusto niyang makapagpundar ng galing sa sariling kita."Nakatanaw sila pareho ni Lorenzo sa hindi man kalakihan ngunit magandang bahay na hinintuan nila. Two-storey with two bedrooms. Walang pool pero may Jacuzzi.Nilingon niya si Lorenzo. Nakatutok lang din ito sa bahay pero
"Lorenzo?"Mula sa ginagawang paghuhugas sa kusina ay umabot sa kanya ang malakas at gulat na boses ni Audrey sa sala. Panandalian siyang napatda. Nandito ba siya?Ang tibok ng puso niya, kaagad na namang nagbago. Namalayan na lang niya ang sariling napahakbang palapit sa pintuan. Si Lorenzo nga ang dumating. By the looks of it, mukhang kagagaling lang nito ng opisina. Nag-overtime kaya ito? Pagod kaya ito? "What brings you here?""I was just checking on you."May kung anong hinahanap ang mga titig ni Lorenzo. Si Caleb marahil na nasa silid na at natutulog, hanggang sa direktang mag-ugnay ang mga mata nila. Baka mali lang siya ng interpretasyon pero nakikita niya ang relief sa mukha nito nang makita siya. or maybe, gawa-gawa lang ng imahinasyon. Noong ihatid naman siya nito pauwi sa condo, halos hindi na ito umiimik. Ni hindi bumaba para ihatid siya sa unit. Bago lumulan ng elevator, sinundan pa niya ito ng titig hanggang sa tuluyang nawala sa paningin niya ang kotse nito.Buong ak
"Why are you up so early?"Kasalukuyan siyang nagpapalaman ng sandwich nang pumasok si Lorenzo sa kusina."Okay ka na?""Oo. Nadala sa pahinga. Ikaw, bakit ang aga mong bumangon?"Habang naghuhugas ito ng kamay sa sink ay patago niyang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ni Lorenzo. Hindi pa nakapaligo, sa katunayan ay disheveled pa ang buhok nito ngunit parang ang presko pa rin nitong tingnan."Nakita kitang lumabas ng silid so I thought na samahan ka and have a little chitchat with you."Chitchat. Hindi sila ang tipong nagkikwentuhan na lang basta."I can be your assistant if you want," anitong nagpapahid ng kamay at umupo ito sa mismong tapat niya, sa isa sa mga high chairs sa harap ng isaland counter kung saan siya gumagawa ng sandwiches."Konti lang naman ito.""I insist.""Huwag na talaga, madali lang 'to."Pupulutin na sana niya ang spreader nang siya namang palang kukunin na Lorenzo. Direktang sa kamay niya napahawak ang binata. All of a sudden ay tila nakaramdam siya ng pagkaku
"I'm praying for you."All his life, he never prayed for anyone else. He never prayed at all. But this time around, he prayeds for Eli. No specifics, hiniling niya lang sa Dios na mapabuti ito. Na makamit nito ang mga bagay na inaasam nito. If there was someone who deserves every good fortune in this world, it must be Eli. Naalala niya ang sinabi ni Mando."Sir, may ganyan pala talaga kabait na katulad ni Eli? Ginawan na nga ng ‘di mabuti, mabait at matulungin pa rin. Mantakin mo na walang pag-aatubiling pinahiram ang pera niya sa akin?"She had had a rough life. At parte siya sa mga paghihirap na dinanas nito.So, he prayed for her.God, how much his heart raced when he uttered his prayers.Like nothing else mattered in the world.Napahawak pa siya sa tapat ng dibdib.Just by simply looking at her made his heart go frantic.Eli.Wala ni isa mang babae ang may ganitong epekto sa kanya. Yes, sensually, Eli, in her simplest way, could provoke excitement and sensuality in him. Napatunay
Nagkulay kahil ang maitim na kalangitan. Ang apoy na nagmumula sa sunog sa malawak na tubuhan ay lumikha ng kakaibang tanawin- it created a beautiful contrast against the pitch black sky. Kung sana ay spectacle iyon pero hindi lang iyon basta tanawin, kabuhayan iyon na pinanday ng amang si Deogracias at ng mga ninuno niya sa loob ng mahabang panahon.Sa isang iglap lang ay nagbabantang magiging abo ang lahat. Napalingon siya sa paligid. Ang lahat ng mga tauhan sa hacienda ay may hawak na timba ng tubig, magkatulong na inapula ang apoy na sa ilang saglit lang ay kakalat at tutupok sa lahat ng madantayan. Paroo't-parito ang mga iyon. Incoherent words are coming from each of them.Ang tunog ng paglamon ng apoy sa mga pananim na humalo sa hiyawan at sigawan ang prominenteng ingay na namayani sa paligid. It was defeaning.Nakakasakit ng kalooban ang namamalas sa ngayon. It was too heartbreaking.Her eyes are directed to that one man na sa unang pagkakataon ay kakikitaan ng pagsuko at pagk
Nagsasalimbayan ang mga dahon ng mga halaman sa burol, pati na ng punong kamatsile ay sumasayaw sa ihip ng hangin habang ang mga ibon sa kalangitan ay tila lumilikha ng magandang awitin sa buong kapaligiran.Humugot siya ng malalim na buntong-hininga saka bumaba sa kinalululanang kabayo.Ang burol, ang kubo, ay gano’n pa rin. Ang tanging nagbago lang ay ang mas pagtanda ng puno. Unti-unti nang nalalagas ang mga dahon niyon.Napahakbang siya palapit sa puno, sa mismong kinauukitan ng mga initials nila ni Eli.Napangiti siya.It feels like yesterday.Nakikini-kinita pa niya ang mahal na asawa habang nakangiting hinahalikan sa lilim ng puno."Ha-ha-ha.!"At parang naririnig pa rin niya ang mga matutunog na halakhak ni Eli. Sa mga mumunting bagay ay kaagad na itong napapatawa at napapahalakhak.Napatingin siya sa paligid.This place screams of Elisa. The only woman he loves. His ultimate destiny. His soulmate. Ang tanging babaeng mamahalin niya sa habangbuhay."Dad, ang daya mo talaga. Kap
Cali and Elixir were born eight minutes apart. A beautiful baby girl and a handsome baby boy. Kuhang-kuha ng kambal ang mga features ni Lorenzo.Complete family. Ganoon ang pakiramdam niya.Sa loob ng maraming taon na nabuhay siya, ngayon niya lang tahasang masasabing kumpleto ang pagkatao niya. Ang pagiging maybahay at ina ang epitome ng tinatawag na kabuuan ng pagkababe niya.She was more than happy.“Look at them.”Napangiti siya sa nakikitang tuwa sa mukha ng asawa. Kung may mas masaya man sa mga oras na ito, ang asawa na niya marahil.“They are beautiful, Eli.”Hindi matawaran ang saya ni Audrey habang buhat ang isa sa mga kambal. Ang buong hacienda yata ay nagdiriwang sa pagdating ng mga anak niya. Ang Daddy Manolo na kasalukuyang may iniindang karamdaman, halos ayaw nang ipahiram kay Viviana si Cali.“Manolo, ako na naman.”Nagkakangitian na lang sila ni Lorenzo habang naaaliw sa pag-aagawan ng mga biyenan sa mga apo ng mga ito. Naisisgurado niya na magiging busog sa pagmamahal
"Para saan 'yan?"Kaagad na inilapag ni Eli ang hawak na knitting stick at yarn. Gumagawa siya ng mittens matapos burdahan ang mga lampin. Sabi ni Lorenzo, pwede naman daw silang bumili ng ready-made pero ini-insist niyang gawin ito. Lahat ng magiging gamit ng kambal nila, may personal touch niya.Akmang tatayo siya mula sa pagkakaupo sa rocking chair ngunit sinenyasan siya nitong manatili."Don't bother."Lumapit ito at hinalikan siya at ang maumbok na niyang tiyan.Lorenzo looks so tired. Tuluyan na nitong niyakap ang pamamahala ng hacienda. Katwiran nito, dito sila masaya. Si Audrey na ngayon ang humalili sa binakante nitong pwesto. Thankfully, nagkabati rin ang mag-anak. Madalas ngang sabihin ni Audrey sa kanya na lahat ng magagandang nangyayari sa kanila ay siya ang dahilan. Sa papanong paraan ay di niya matukoy. And Caleb, how much he missed that boy, ang isa sa mga dahilan nang pagkakalapit nila ni Lorenzo."Ako ang mag-aalaga sa pinsan ko, Tita Eli," sa tuwina ay pangangako ni
"Don't you think kailangan na nating umuwi, Lorenzo?"Magkatabi silang naupo sa isang bench paharap sa Brooklyn Bridge habang nakasandal siya sa balikat ng asawa. Kagagaling lang nila sa ospital para sa karagdagang tests niya. Nagyaya ang asawa niya na tumambay muna sila sa Brooklyn Bridge Park. Isa ito sa mga pampa-relax niya. Ang sarap lang kasing maupo rito at titigan ang ilog at ang ibang namamasyal sa park. Isa sa mga patients na kasama niya sa isang support group para sa mga cancer patients ang nag-introduce sa kanya sa park na ito.Kalaunan, naging routine na rin nilang mag-asawa.“Naririnig mob a ako, Enzo?”Bumuntong-hininga ang asawa. It was a sigh of frustration. “Saan na naman ba galing ‘yan, Eli?”Ramdam niyang ayaw nito sa tinatakbo ng usapan. "Naaawa na kasi ako sa'yo."Tiningnan siya nito nang tuwid sa mga mata. "Don't be. I'm tough."He is, pero hindi niya sigurado kung hanggang saan aabot ang pasensya nito, ng tapang. Hinaplos niya ang mukha ng asawa. "Akala mo ba
Isang buwan matapos ang kasal nila ay naisaayos ang mga papeles kakailanganin ni Eli, lumipad sila ni Lorenzo patungo sa ibang bansa. Isang facility sa New York ang pinuntahan nila. Sa US, sinubukan nila ang lahat ng paraang pwedeng magpapahaba ng buhay niya. Kahit mahirap., sinubukan niya ang lahat ng tests na ginagawa sa kanya. Sa totoo lang, nahihirapan siya. Minsan, nakakaramdam siya ng panghihina.Sa lahat ng hirap na pinagdaanan, hindi siya iniwanan ni Lorenzo.Kapag inaatake siya ng sakit ay naroroon kaagad ito sa tabi niya. Lorenzo never complained. Basta lang nakasuporta sa kanya. He was with her every step of the way. Ito ang nagsisilbing taga-push niya sa mga pagkakataong pinanghihinaan siya ng loob. Lagi itong nakasuporta, laging nagpaparamdam ng pagmamahal. Kahit ang mga anxieties at mood swings niya ay nakakaya nitong tanggapin.Ang pasensya nito ay abot hanggang sukdulan.Minsan, nahihiya siya sa sarili, nakakaramdam ng insecurities lalo na kapag nakikita sa salamin an
Intimate at solemn ang naging kasal nila nina Lorenzo at Elisa. Sa mismong Hacienda Helenita ginanap ang pag-iisang dibdib nila. Para saan pa at naging interior decorator at florist si Audrey kung hindi nagmukhang mas enchanting ang paligid. Syempre, si Caleb ang ring bearer at si Margaux ang maid of honor. "Ang ganda-ganda mo, Eli," si Margaux na inayos pa ang wreath na nakapatong sa kanyang ulo. “You look exquisite.” "Oo nga, anak." Maluha-luhang nakatitig sa kanya si Nanay Belya. Inabot nito ang kamay niya at ginagap. "Nakangiti ngayon ang Nanay mo mula sa langit." Kung sana, nakikita ng nanay niya ang nangyayari sa kanya ngayon. "Nanay, masisira ang make up ni Eli niyan," pabirong saway ni Margaux sa matanda. Naiiyak pa ring bumitaw ang matanda sa kamay niya. Minsan pa ay pinasadahan niya ng tingin ang repleksyon sa salamin. She saw a beautiful bride in the mirror. Lahat naman yata ng bride, ang siyang pinakamagandang babae sa araw ng kasal niya. Ang ganda lang din kasi ng we
And so, Lorenzo stayed with Eli everyday. Walang araw na lumipas na wala ito sa tabi niya. Pansamantala daw itong naka-leave sa opisina para maibuhos sa kanya ang buo nitong atensyon. Konting kibot ay naroroon na ito lagi. Pinaparamdam kung gaano siya nito kamahal. He never failed to make her feel loved and valued. Araw-araw din ay may mga bulaklak at mga masasayang notes. Minsan pa nga ay nagsuot ito ng mascot at kikengkoy-kengkoy sa harapan niya.Napahalakhak nga siya ng husto nito. Pero iba ang araw na ito.Walang Lorenzo na dumating. Panay tuloy ang pagtitig niya sa gawing pintuan. Her heart silently hoped that any minute now, his smiling face would show.Nagsasawa ka na kaya?May kirot na dulot iyon sa kanyang puso. Well, he deserves a healthier woman. ‘Di gaya niya. Nakabaon na ang isang paa sa hukay."Sigurado ka bang sa bahay ka uuwi?" si Margaux habang katulong si Nanay Belya na inayos ang mga gamit niya."Bakit, ayaw mo na ba ako sa inyo?"Katabi na niya ito at kasalukuyang
"She's got cancer."Cancer. Paulit-ulit na nag-echo sa kanyang pandinig ang sinabing iyon ng doctor. Ayaw tanggapin ng kanyang sistema ang narinig. Pakiramdam niya, sinubagn siya ng bomba na yumanig sa kanyang buong pagkatao."She's too alive to have cancer," si Margaux na kagaya niya ay natigagal sa sinabing iyon ng doctor. "Kailan pa :to, Doc?""She started coming for treatment months ago. Nakaramdam siya ng mga sintomas. Panghihina, pantal sa balat at the time, I suggested na pumunta siya ng Maynila for further tests. Ginawa nga niya. She sought for second opinion, the tests yielded the same results. I recommended for her to have chemotheraphy but she refused. Sabi niya, ibubuhos na lang daw niya ang nalalabi niyang panahon na mabuhay nang normal at masaya. So she had been prescribed with a pain reliever, instead. Unless the patient agrees we can only do so much as physicians.""She never told us, Doc. Basta bigla na lang siyang nawawala at may pupuntahan daw dito sa Bacolod. I nev