Share

His Suffered Wife
His Suffered Wife
Author: iampammyimnida

Chapter 1

last update Last Updated: 2021-09-06 21:34:28

Katok na malalakas sa aking kwarto ang gumising sa aking diwa. Minulat ko ang aking mga mata at nakita ang papalit na sinag ng araw sa bintana. Agad akong napabalikwas at agad agad na bumangon sa kama para buksan ang pintuan.

“Ba’t ang tagal mong buksan ang pinto!? Hindi ba sabi ko saiyo hindi ka dapat maglo-lock ng pintuan? Bilisan mo at maghanda ng pagkain, nagugutom na ako!” singhal na bungad sa akin ng aking asawa. Nakasuot na ito ng damit na kadalasan niyang suot papuntang kompanya.

“O-oo,” utal na sabi ko sa kaniya.

“Bilisan mo!” sigaw niya sa akin at nagsimulang maglakad palayo.

Siya ang aking asawa—si Travis. Siya ay isang CEO ng Monte Cristo Inc. Ito ay kompanyang pagmamay-ari ng kaniyang pamilya. Ako naman ay isang housewife, anak ng katulong sa kanilang mansion. Kababata ko si Travis, mabait siya at marespeto sa kapwa, kaya naman ay agad akong nahumaling at sinagot siya nang siya ay nanliligaw pa lamang noong kami ay nasa kolehiyo.

“Dahlia!!” sigaw ng aking asawa na nagpabalik sa akin sa realidad.

“Oo pababa na!” sigaw ko rin sa kaniya at dali-daling tumakbo pababa ng hagdan.

Hinga-hingal akong nakarating sa kusina. Nakita ko agad ang galit na mukha ng aking asawa na nakaupo sa harap ng lamesa. Agad ko namang binuksan ang aming refrigerator at naghanap ng mailuluto. Nang makuha ko na ang mga sangkap na aking gagamitin ay nagsimula na ako sa aking gagawin. Omelet rice ang niluto ko sa kaniya dahil ito ang paborito niyang kainin. Pagkatapos kong magluto ay inihanda ko na sa mesa ang kaniyang pagkain. Uupo na sana ako nang may inutos siya sa akin.

“Kunin mo nga ang suitcase at pakiayos na rin ng kama ko sa taas,” sabi niya at nagsimulang kumain.

“P-pero nagugutom-“ Naputol din agad ang aking sasabihin nang tiningnan niya ako ng masama. Agad akong natakot at tumango na lamang.

Hangga’t maari ay iniiwasan kong magalit siya sa akin. Sa bawat galit niya kasi ay katumbas na masasakit na salita ang inihahatid niya. Tanga, bobo, losyang at marami pang iba. Iniisip na lang na maswerte pa nga ako dahil HINDI PA niya ako sinasaktan ng pisikal. Nagugutom man ay kailangan kong sundin ang gusto niya, mahal ko siya eh, sobra, kahit sabihin pa ng iba na ang tanga ko na.

Pumasok ako sa kwarto niya at naglinis. Sa pagliko, nakita ko ang isang picture frame na basag sa ilalim ng kama. It was our wedding picture, ang ganda ng mga ngiti namin dito, nakahawak siya sa aking bewang at ang lapad ng ngiti niya. Parang kailan lang, ang saya naming dalawa, ngayon ay hindi ko na alam. Muling sumariwa sa akin ang nangyari noong nakaraang lingo. Ang dahilan kung bakit kami nagkaganito. It was our very first argument.

Flashback

Nagaala ako dahil hanggang ngayon ay wala pa ang aking asawa sa bahay. Alas sais ay dapat naandito na siya pero mag a-alas dose na ng gabi ay subalit wala pa siya. Kanina pa ako tumatawag sa kaniya pero out of coverage naman ito.

Sobrang nagaalala na ako at hindi na mapakali. Paano kung may nangyaring masama sn'ya? Hindi ko ata iyon makakaya. Bigla akong nabuhayan ng loob nang may sasakyang pumarada sa harap ng aming bahay. Sinilip ko ito sa bintana at hindi nga ako nagkamali, ang asawa ko nga ang dumating. Salamat sa Diyos at okay siya.

Pumasok siya ng bahay na pasuray-suray ang lakad. Agad ko siyang inalalayan, amoy na amoy ko ang alak at sigarilyo sa kaniya. Mabaho man para sa akin ay tiniis ko na lamang ito. Mas mahalaga ay maasikaso ko ang asawa ko.

“Bakit ka kasi naglasing? Hindi mo naman pala kaya. Sana ay dito ka na lang uminom para naman ay maasikaso kita,” sermon ko sa kaniya.

“Paki mo ba!?” Bigla akong nagulat sa sinabi niya.

“May paki ako dahil asawa mo ako.” Pinaupo ko siya sa kama namin at hinubad ang kaniyang sapatos at medyas.

“Oo nga asawa LANG kita.” Kumirot ang aking dibdib nang sinabi niya iyon sa akin. Anong lang? Hindi ko siya maintindihan.

“May problema ba, Love? Bakit ka gan'yan?” tanong ko sa kaniya. Pinipilit kong maging matatag kahit na naiiyak na ako.

“Ikaw! Ikaw ang problema ko!” Dinuro-duro niya ako.

“Ha? Bakit naman ako? Anong ginawa ko saiyo?” naiiyak kong tanong.

“Ha! You’re a boring wife! Ang losyang mo na. Akala mo ba hindi ko iyon napapansin? Hindi mo rin ako mabigyan-bigyan ng anak! Ilang taon na tayong kasal Dahlia ba’t wala pa!? Pagod na pagod na akong maghintay! Nahihiya na rin ako dahil sa pangungutya sa akin ng mga kaibigan ko! Sila tatlo na ang anak, tayo wala pa ni isa!” mahaba niyang litanya sa akin.

“Hindi ba sabi ng Doctor ay may pag-asa pa naman? Parehas naman tayong healthy eh, wala namang problema Love, wag ka naman sanang sumuko,” paliwanag kong sabi sa kaniya.

“Kailan pa Dahlia!? For 5 years of marriage kahit isa wala tayong nabuo! Siguro tama iyong sinabi ng mga kaibigan ko, na baog ka! Kaya hindi mo ako mabigyan ng anak dahil baog ka!”

Tumulo ang aking luha sa mga sinabi niya. Paano niya nasabi iyon? Gayong sabi ng doctor sa amin ay pareho naman kaming malusog. Mag tiyaga lang ay mabibiyaan din naman kami.

“A-alam mong hindi totoo iyan, Travis. Malusog ako.”

“So sinasabi mo ako ang may komplikasiyon? Ako ang baog sa atin?”

“W-wala akong sinabing gan’yan, ang akin lang ay hindi ka dapat magsalita ng gan’yan. Tiyaga lang Travis, kaya natin ito. Malalampasan natin ito. Mahal naman natin ang isa’t-isa diba? Makakabuo rin tayo. Bastang wag lang tayong susuko.” Nilapitan ko siya at yayakapin sana pero tinulak niya ako sanhi ng pagkalagapak ko sa sahig. Masakit ito dahil nauna ang baywang ko, pero pinilit kong tumayo para aluhin siya. Subalit nakakatakot na sigaw ang pinakalawan niya sa kwarto.

Pinaghahagis niya ang vase at lamp shade sa sahig, ako naman ay tinatakpan ang aking tenga at umiiyak. Hanggang sa napagod siya at nahiga. Nakatulog na ata sa kalasingan.

End of Flashback

“DAHLIA!” sigaw ng asawa ko na nagpabalik sa akin sa realidad. Agad akong tumakbo sa baba at nakita ko siyang naghay sa pintuan.

“Nasaan na ang suitcase ko? Napakakupad mo talaga kahit kelan! Nakakawala kang gana sa umaga!”

“H-heto na. Pasensiya na.” Binigay ko sa kaniya ang case at bigla niya itong hinablot sa akin.

“Alis na ako,”

“W-wait Love. Ingat ka, I love you!” pahabol ko sa kaniya. Siya naman ay dire-diretsong lumabas ng bahay at pinaharurot ang kotse. I sighed. Hanggang kailan ba kami ganito?

Hindi ko alam kung bakit niya nagagawa sa akin ito. Sabi niya ay mahal niya ako at hindi sasaktan nangako siya sa akin sa harap ng altar. Nakalimutan niya na ba iyon? Siguro hindi ganoon kalalim ang pagmamahal ni Travis sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa asawa ko. Paano nga ba maibabalik ang dating pagsasama namin?

Biglang nag ring ang aking cellphone. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at nabuhayan ako ng loob nang makita ko ang pangalan ng aking best friend na si Emery.

“Hello? Emery!?” Masigla kong sagot sa tawag niya.

“Hi Bes! I miss you. Kumusta na ang aking magandang kaibigan?” Puring tanong niya sa akin.

“Heto okay lang. Ikaw?”

“Im fine! Guess what?? Im here in the Philippines! Actually, papunta na ako riyan sainyo. Can’t wait to see you and Travis!” excited niyang sabi sa akin.

“Omg! Naandito ka na? I’m so happy! Wait, maghahanda lang ako ng snacks natin mamaya. Bye!” Sabi ko sa kaniya at in end na ang call after she bid goodbye.

Naghanda na ako ng pagkain namin. Kahit papaano ay nawaksi ang aking isipan sa pagiisip sa problemang kinakaharap namin ni Travis at dahil iyon sa pagbabalik ng aking matalik na kaibigan na si Emery. Maya-maya ay may biglang nagdoor bell sa aming gate. Baka si Emery na iyon! Kaya naman ay mabilis akong naglakad palabas para salubungin siya. Hindi nga ako nagkamali.

“Emery Bes!” tili ko sa kaniya at mahigpit kaming nagyakapan.

“Bes!! I miss you!” tili rin naman nito.

Bigla namang may sumingit sa amin na nagsanhi ng pagkakalas ng yakap namin sa isa’t-isa.

“Ma’am, mamaya na po muna kayo magyakapan. Iyong bayad po ni ma’am sa akin ay wala pa.” Bigla naman kaming nagulat at napatawa. Naiiling at napakamot ang driver sa amin saka kinuha ang isang libong pamasahe ni Emery sa Taxi.

“Keep the change, manong. Salamat!” Nasiyahan ang driver at agad na nagpaalam sa amin.

“Halika pasok na tayo.” aya ko sa kaniya.

Nang kami ay makapasok sa aming bahay ay palinga-linga naman ito, na tila ba may hinahanap sa loob.

“Wala si Travis, nasa opisina,” sabi ko at pilit na ngumiti sa kaniya.

“T-tangeks! Hinahanap ko iyong cr niyo. Naiihi na kasi ako. Saan ba iyon?” nauutal na tanong niya sa akin.

Tinuro ko ang direksiyon ng aming cr sa kaniya at siya namang pagpunta niya roon. Napabuntong-hininga ako. Sana naman ay nakamove on na siya. Ilang taon na rin ang nakalipas nang maikasal kami ni Travis. Siguro ay nakahanap na siya ng iba kasi ayaw ko nang maulit muli iyong nangyari sa amin dati.

***

Comments (5)
goodnovel comment avatar
Afreen Akhtar
where I can find this book in english
goodnovel comment avatar
iampammyimnida
Hello wala po pa siyang publish book. Salamat po sa pagbabasa ...️
goodnovel comment avatar
iampammyimnida
Will put it on English version soon ...️ Thank you for reading!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • His Suffered Wife   Chapter 2

    Habang nasa cr si Emery ay nagsasalang na ako ng cd sa player namin. Manunuod kasi kami ng paborito naming korean drama bigla naman akong napatingin ako sa picture frame katabi ng aming TV. Tatlong mga batang magkaka-akbay na nakangiti ng sobrang lapad, Ako, Travis at si Emery. Napangiti naman ako nang maalala ko kung paano kami nagkakilala ni Emery.FlashbackBatang Dahlia POVIsang magarbong party ang gaganapin mamayang gabi sa Mansion ng Monte Cristo. Hindi ko alam kung para saan iyon, ang tangi’ng alam ko lang ay busy kami nila Nanay magluto at maglinis ng buong Mansion. Si Nanay kasi ang mayordoma roon. Bata palang ay namulat na ako sa mga gawaing bahay, tumutulong na rin ako sa kaniya kahit paunti-unti. Ayaw ko kasing mapagod ang Inay dahil minsan ay hinihika ito.Nagsimula na ang party at pinagsuot ako ng Inay ng isang bulaklaking bestida. Regalo ito sa akin ng pamilyang Monte Cristo nang ako ay nagcelebrate

    Last Updated : 2021-09-06
  • His Suffered Wife   Chapter 3

    Travis POVI was ready to go out of my office when suddenly Carmina, my secretary, told me that I have a visitor named Emery. I was shocked hearing her name. Kailan pa siya umuwi? Hindi ba ay nasa Korea siya? Maya-maya ay bigla namang bumukas ang pintuan ng aking offfice.“Hello Travis!” masiglang bati niya sa akin.“A-anong ginagawa mo rito? Hindi ba ay nasa Korea ka?” tanong ko at umirap naman siya.“Boring sa Korea eh. Isa pa may napakahalagang offer sa akin dito kaya naman umuwi agad ako.” Umupo siya sa aking sofa.“Pauwi ka na ba? Labas muna tayo!” patuloy niya pa.“Binisita mo na ba si Dahlia? Nagkita na ba kayo?” tanong ko sa kaniya.“Actually, h-hindi pa—hindi ko kasi alam ang exact address ng bahay niyo eh. Kaya nga pumunta ako rito para tanungin saiyo,”

    Last Updated : 2021-09-06
  • His Suffered Wife   Chapter 4

    Dahlia POVNagising ako sa tunog ng aking alarm clock, napabalikwas naman ako at agad na lumabas sa aking kwarto. Wait--- bakit naandito na ako sa kwarto ko? Hindi ba ay nasa sala ako kagabi? Nagsleep walking ba ako o baka naman…Nilingon ko ang kwarto ng aking asawa, naglakad ako palapit doon at sinilip ang loob. Napahinga naman ako ng malalim ng makita ko siyang natutulog sa kaniyang kama. Siya ba ang naglipat sa akin sa kwarto ko? Napangiti naman ako, may care pa naman pala ang aking asawa sa akin, meaning mahal pa niya ako. Ngunit, napawi naman ang aking ngiti, sa pagaalala kung saan nga ba siya pumunta kagabi at anong oras naman siya umuwi.Bumaba na ako para ipaghanda siya ng almusal dahil maya-maya ay gigising na rin iyon.Matapos akong maghanda ay napatingin ako sa orasan na nakasabit sa aming pader, bigla naman akong nagulat dahil mag aalas syete na. Malilate na si Travis sa kaniyang trabaho. Patay!Tinakbo

    Last Updated : 2021-09-06
  • His Suffered Wife   Chapter 5

    Rinig ko ang ugong ng sasakyan ni Travis sa labas ng aming bahay. Kasalukuyan akong nasa kusina ngayon at naghahanda ng aming makakain. It was 7:00 in the evening. Himala at maaga siya ngayon. Nagmamadali naman akong lumabas para salubungin siya. “Love, buti maaga ka ngayon,” sabi ko sa kaniya. Hindi naman niya ako pinansin at dali-dali namang pumunta sa passenger’s seat para buksan ang pintuan ng kotse niya. Agad naman akong nagtaka kung sino ang tao sa loob. Tinted kasi iyong kotse niya kaya hindi ko maaninag ang tao roon. Kumunot naman ang aking noo nang makita ko kung sino iyong binuksan niya. “Hi Bes,” bungad na bati sa akin ni Emery. “Hello. Bakit ka pala naandito? Anong mayroon?” nagtataka kong sagot sa kaniya. “Ikaw naman Dahlia para naman akong others ha.” Nilapitan niya ako at pinulupot niya ang kaniyang braso sa aking bewang. “H-hindi naman sa gano’n, nagtataka lang ako kasi gabi na. Hindi ka ba papagalitan ng daddy mo?” tan

    Last Updated : 2021-09-28
  • His Suffered Wife   Chapter 6

    Malakas na ingay ng telepono ang gumising sa akin. Bigla namang sumakit ang aking ulo, hangover sucks. Ayoko nang uminom.Tiningnan ko kung sino iyong isturbo sa pagtulog ko at alas kwarto palang ay nambubulabog na."Hello?" sagot ko sa tawag."Hello Bes! Goodmorning! Bangon ka na riyan! Hindi ba ay may lakad tayo ngayon?" excited niyang sabi sa akin.Si Emery pala.Oh shoot. Muntik ko nang makalimutan. Hindi pa ako nakakapaghanda ng aking gamit. Napatampal naman ako sa mukha."Huwag mong sabihing nakalimutan mo??" patuloy pa niya."Hindi ah, naghahanda na nga ako ng aking gamit," pagsisinungaling ko sa kaniya."Okay! I'll hang up na. Maybe 5:30 nariyan na ako sa house niyo. Bye!" paalam ni Emery sa akin.Nag asikaso naman ako ng aking sarili. Inihanda ko na rin ang aking susuotin sa byahe at mga damit na gagamitin ko sa beach. Nakakaexcite naman! Pagkatapos noon ay lumabas na ako ng aking kwarto para maghand

    Last Updated : 2021-09-30
  • His Suffered Wife   Chapter 7

    Dahlia POV “Bakit hindi mo sinabi na pumunta pala kayo ni Emery ng club? Totoo ba iyon?” matapang na tanong ko sa kaniya. Kanina ko pa gustong tanungin ito sa kaniya ngunit nagtitimpi lang ako. Kasalukuyan niyang iginilid ang bag namin sa gilid ng kama. “Sagutin mo ako Travis,” patuloy ko pa at sinundan siya. “Para ano pa? Kaibigan naman natin siya. Wala naman kaming ginawang masama. Ano bang problema mo?” tanong niya sa akin. Kita ko ang pagkakunot ng kaniyang noo. “P-pero may asawa ka na, at alam mong may gusto saiyo dati si Emery. Hindi ba umiiwas ka naman palagi sa kaniya. Ayaw mo ngang dumidikit siya saiyo,” madamdamin kong saad sa kaniya. “Sabi mo nga ay dati. Dati pa iyon iba na ngayon. Kaibigan natin si Emery at wala kang dapat ipagselos sa amin. We’re married after all, saiyo ako sa batas at sa papel.” “Oo nga at asawa kita pero sa puso? Ako pa rin ba iyong tinitibok ng puso mo? Mahal mo pa rin ba ako?” na

    Last Updated : 2021-09-30
  • His Suffered Wife   Chapter 8

    Dahlia POVMatapos naming mag ayos ay lumabas na kami para mag dinner.Magkahawak kaming naglakad papunta sa dining hall. Kaagad naman naming nahanap ang table dahil nakita namin si Emery na nakabusangot sa lamesa.“Ba’t ang tagal niyo?” tanong naman nito nang makalapit kami sa kaniya.“Nag ayos pa kasi kami ng aming mga damit,” paliwanag ko naman sa kaniya.Napabuntong hininga naman ito.“Okay. Let’s eat na kanina pa ako nagugutom,” sabi niya at nagsimulang kumain.Kami naman ni Travis ay kumain na rin.“Swimming na tayo mamaya ah,” pagbasag ng katahimikan ni Emery.“Sige ba! Let’s enjoy our outing! Minsan lang ito,” sabi ko naman sa kaniya.“Love oh.” Napalingon naman ako kay Travis at nakita kong nakatapat ang kutsara niya sa akin na parang susubuan niya ako. Napangiti naman ako roon. Namiss ko ang kasweetan ng aking asawa.

    Last Updated : 2021-10-01
  • His Suffered Wife   Chapter 9

    Dahlia POVKasalukuyang buhat-buhat ng aking asawa si Emery papunta sa kaniyang kwarto. Kita ko ang higpit ng yakap niya sa leeg ng aking asawa. Isiniksik pa niya ang kaniyang mukha sa leeg nito.Hanggang sa nakarating kami sa kwarto ni Emery at ibinaba naman ng aking asawa siya sa kaniyang kama.“Okay ka na ba Bes?” tanong ko sa kaniya. Tumango naman ito sa akin at napapikit.Lumapit naman sa akin ang aking asawa.“Maiwan ka na muna namin Bes, pahinga ka na muna riyan. Tawagan mo nalang ako kapag may kailangan ka,” sabi ko sa kaniya at inakay na ang aking asawa palabas.“S-sige,” sabi niya sa akin.Nang makalabas na kami ng kwarto ni Emery ay pumasok naman kami ng aming kwarto. Napaupo naman ako sa aming kama at napabuntong hininga naman ako.“May problema ba ang aking asawa?” tanong naman ni Travis sa akin at umupo rin sa tabi ko.“W-wala naman. Nagtataka lang ako.

    Last Updated : 2021-10-02

Latest chapter

  • His Suffered Wife   Epilogue

    Princess Dahlia SofiaNapabuntong hininga akong napatitig sa isang malaking salamin, tinitingnan ang aking repleksiyon. Napangiti ako nang makitang nasa likod ko ang isang pigurang nakangiti. Sobrang ganda nito sa suot niyang puting gown.“Kumusta ang aming Bride? Mukhang kinakabahan ka, ah,” ngiting wika nito sa akin na ikinailing ko.“Kaya nga eh. Para bang first time kong ikasal.” Napailing ako. Hinawakan niya ang aking braso at pinagpantay ang aming tingin.“Relax lang, Bestfriend, okay? This is your special day kaya enjoy-in mo. Sobrang ganda mo ngayon, kabog na kabog mo na ako,” natatawang saad ni Emery sa akin.Ilang linggo na ang nakalipas nang gumaling

  • His Suffered Wife   Chapter 110

    Sinamahan ko muna palabas sina Dahlia at ang mga bata para makasigurong ligtas sila. Iyong mga babae naman ay binigyan namin ng tuwalya at kumot para kahit papaano ay matakpan ang kanilang katawang hubo’t-hubad.Nang makalabas sila ay siyang dating naman ng mga pulis at NBI. Mabilis akong bumalik doon sa bahay at hinanap si Emery. Rinig ko ang iyak sa di kalayuan kaya sinundan ko iyon.Nanlalaki ang aking mga matang makitang hinahalik-halikan ng isang lalaki ang babae. Nakapatong na ito ngunit may saplot pa naman ito. Mabilis kong hinila ang lalaking iyon palayo sa babae. Damn!Ang baboy at sama ng taong ito! Hindi ko napansing iba pala ang lalaking iyon. Akala ko si Mr. Ronaldo ngunit iba pala. Nakaramdam ako ng pagtutok sa aking ulo kaya agad akong huminto sa pagsuntok sa lalaki. 

  • His Suffered Wife   Chapter 109

    TravisExcited akong pumunta sa bahay ng aking asawa na si Dahlia, ngayon kasi ang aming bonding time. Saturday ngayon at ngayon ang bonding time naming magpamilya. Sabi rin sa akin ni Dahlia ay may importanteng sasabihin siya sa akin. Hindi ko alam pero sobrang na-e-excite ako, siguro ay sasagutin na niya ako. Minsan lang mangarap lulubos-lubusin ko na.Kung tutuusin, gusto ko ngang sa iisang bahay na lamang kami ngunit ayaw ko namang pangunahan ang desisyon ng aking asawa. Hangga’t maari ay siya ang masusunod, baka kasi masamain niya ang pag-aaya ko sa kaniya na sa iisang bubong na lamang kaming tumira. Sabihin niyang masiyado akong excited, hindi pa naman nga niya ako sinasagot. Hangga’t maari ay careful ako sa aking sasabihin at gusto. Ayaw kong ma-turn off siya at makagawa ulit ng kasalanan o hindi kaaya-aya sa paningin niya. Ganiya

  • His Suffered Wife   Chapter 108

    “Love, hinahanap ka ni Mommy, gusto ka raw makita, okay lang ba na kunin ko ang mga bata sa mansion at iuwi sa bahay? Daanan mo na lang sila since hinahanap ka naman ni Mommy, miss ka na raw kasi,” saad ni Travis sa kabilang linya. Kasalukuyan akong nasa trabaho nang mapatawag siya sa akin. Ilang araw na ang lumipas nang makarating kami sa Pilipinas.“Okay, may balita ka na ba kay Emery?” tanong ko sa kaniya. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya nang tanungin ko iyon.“Wala pa nga, love eh. Hindi ko rin siya ma-contact. Nag-aalala ako para sa kaniya at para sa kaniyang anak,” saad niya sa akin.Ilang araw na kasing hindi umuuwi si Emery sa kaniyang condo kaya as a friend ay nag-aalala rin kami sa kaniya. Inaasikaso na rin namin ang mga ebedinsiyang nakalap namin

  • His Suffered Wife   Chapter 107

    Napahinga ako ng malalim at napangiti. Okay na kami nila Nanay at Isabella. Ayaw kong magtanim ng galit sa kanila dahil ako lamang ang ma-i-stress. Isa pa, mahal na mahal ko sila at sila na lamang ang aking pamilya kaya hindi ko rin naman sila matiis. Oo, nasaktan ako pero mas pina-mature ako ng panahon. Natuto akong magpatawad at intindihin ang mga tao sa paligid ko.Kanina ko pa hinahanap si Travis dahil kaninang umaga pa siya hindi nagpapakita sa akin. Nasaan na kaya ang asungot na iyon, kailangan ko rin siyang makausap para pag-uwi namin ay okay na kaming dalawa. Handa na akong harapin siya at handa na rin akong lumaban lalong-lalo na sa taong sumira sa aming dalawa.Nilibot ko na ang palasyo ngunit wala pa rin, napakunot ako ng noo nang makitang kausap pala ni Nanay si Travis. Bigla akong kinabahan, hindi ko inaasahang magkakakausap sila. Sana

  • His Suffered Wife   Chapter 106.10

    “Mommy, uuwi na ba tayo sa Philippines? Sabi kasi ni Daddy, uuwi na po tayo,” malungkot na tanong ni Mathilda sa akin.“ Yes baby, uuwi na tayo dahil marami pang aasikasuhing work si Mommy roon sa Philippines. Doon na rin tayo maninirahan kasama si Daddy,” saad ko sa kanila. Hindi ko alam kung nasaan si Travis bigla na lang itong nawala sa kwarto ng kambal. Dito kasi siya natulog at ako naman ay dati kong kwarto.Naging matiwasay ang gabi ko dahil naging okay kami ni Tristan. Hindi ko nga alam kung bakit ang dali kong mapatawad ito. Siguro hindi pa ganoon kalala ang nararamdaman ko sa kaniya.“ Matthew, nakita mo ba ang Daddy mo?” tanong ko sa aking anak na kasalukuyang naglalaro sa kaniyang tablet.

  • His Suffered Wife   Chapter 106.9

    Narito kami sa loob ng dining table kasama sina Travis, Tristan, Isabella, Nanay at ang magulang ni Tristan. Natatawa na lamang ako sa sobra kong kaplastikan. Hindi ko alam kung paano ko nga ba nagawang ngumiti at makihalubilo sa kanila gayong nasasaktan ako. Awkward din ang mukha ni Isabella, ni hindi ito makatingin sa akin.“Anak, bakit hindi mo sinabi sa amin na uuwi ka?” tanong ni Nanay sa akin kaya napalingon ako.“I want to surprise you all, pero ako pala ang na-surprise,” natatawang saad ko sa kaniya. Alam kong nakakaintindi ng Tagalog ang mga magulang ni Tristan dahil ang alam ko, nanirahan daw ang ina nito sa Pilipinas ng ilang taon. Hindi man lang sila natawa sa aking sinabi kaya napa-ubo ako.“ The wedding is on Sunday, are you going to attend, Princess Sofi

  • His Suffered Wife   Chapter 106.8

    Nang makarating kami sa Spain ay agad kaming pumara ng taxi, kaagad akong nagsuot ng cap at sunglass baka kasi ay may makakilala sa akin. Nang makapasok kami ay agad na nagdadada si Mathilda napailing na lamang ako dahil sa katabilan niya. Hindi ko nga alam kung kanino ito nagmana, hindi naman kami ni Travis madaldal. "Mommy, can we tell to Abuela and Tita Isabella that we are already here in Spain?" tanong ni Mathilda sa akin na ikinailing ko naman. "No, honey. We will surprise your Abuela, you want that, right? You like surprises.".Napatango ito sa akin at pumalakpak. "I can't wait to finally introduce my Daddy to them, right 'Tus?" tanong ni Mathilda sa kaniyang kapatid . Tumango lamang ito sa kaniya as a sign of agreement. Palagi na lamang tango ng tango si Matthew sa kaniyang kapatid. Nakakatawa rin minsan itong anak ko. Palaging ini-spoil ang kaniyang kapatid na babae, kahit siguro hindi gusto niya ay gagawin pa rin nito hindi lang ma-

  • His Suffered Wife   Chapter 106.7

    Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang sinabi sa akin ni Travis. Kasal pa raw kaming dalawa? Pinagloloko niya lang ba ako o ano? Nakakainis din minsan itong lalaking ito, dahil tinatanong ko siya hindi naman nasagot. Sabi niya pag-uwi na lang daw namin sa Pilipinas pag-usapan. Kating-kati na nga akong malaman kung bakit hanggang ngayon ay kasal pa kaming dalawa. Akala ko ba malaya na ako sa kaniya? Hindi pa pala. Mapapamura ka na lang talaga sa inis. Kung hindi lang kami nasa loob ng eroplano ay kanina ko pa siya sinagawan.“Mas mabuting matulog ka na muna, ipagpahinga mo na muna iyang isip mo.”Napalingon ako sa kaniya at inarapan siya. “Hindi ako makatulog, kasalanan mo ito! Paano kasing kasal pa tayo? Pinagloloko mo na naman ba a

DMCA.com Protection Status