Simula noong pumunta kami sa mall ay parating nasa mansiyon na si Travis. Siya na rin ang nagbabantay minsan sa dalawa kung wala ako at si Mary. Hindi naman kasi puwedeng si Manang na ang magbabantay sa kanila dahil sabi ko nga, matanda na si manang hindi na niya kayang mag-alaga sa dalawang kong makukulit na anak.
Hindi ako makapaniwalang natitiis kong makipag-usap kay Travis kahit si Mary ay hindi rin makapaniwala. Noong umuwi kami galing mall ay hinatid pa kami nito sa mansiyon. Advice ko nga noon sa kaniya na kami na lang ang maghahatid sa kaniya dahil wala naman siyang dalang kotse. Mahirap ang byahe kapag naka-commute ngunit hindi siya pumayag. Nang makarating kami mansiyon, nakita nga kami ni Mary na kasama si Travis. Tuwang-tuwa naman ang kambal na ikuwento ang ginawa namin sa mall.
Bago nga kami natulog ay nag-usap muna kami ni Mary.
“Ms. Sofia, may gusto pong kumausap sa iyo,” saad ng aking assistant sa intercom. Napa-roll eyes naman ako.“Sino raw?” tanong ko sa kaniya.“Iyong lalaki po kahapon,” sagot niya.“Pakisabi wala ako, may pinuntahan.”Napakuyom ako ng kamao dahil sa inis. Talagang hindi ako lulubayan ng lalaking iyon. Ilang araw na siyang ganiyan, hindi ko na rin siya pinapabisita sa mansiyon pati mga anak ko nagtataka na rin dahil hindi na nila nakikita ang kanilang ama. Nagawa ko pang magsinungaling para hindi lang sila masaktan. Hayop kasi ang kanilang ama. Wala akong balak na kausapin at pakinggan ang rason niya. Alam ko kasing non sense lang ito at ayaw kong sabihin niya na mas pinili niya ang anak niya sa kabit
Halo-halo ang aking emosyon at nararamdaman ngayon. Hindi ko alam kung tama ba ang nagawa ko kanina. Sobra akong nalungkot at nasaktan nang makitang nawalan ng malay ang ama ni Travis. I never planned that, ang plano ko lang naman ay saktan si Travis at Emery . Iparamdam sa kanila ang sakit na dinanas ko noon sa mga kamay nila. Agad akong inuwi ni John sa mansiyon dahil kukumustahin daw niya ang lagay ng ama ni Travis. Gusto ko sanang sumama ngunit hindi siya pumayag dahil baka magkagulo lamang doon. Ngayon ay nakatulala lamang ako sa aming terrace nagmumuni-muni, tulog pa ang kambal kaya walang nangungulit sa akin ngayon. “Penny for your thoughts?” Alam kong si Mary ang nagsalita kaya hindi na ako lumingon. Napahinga ako ng malalim at napapikit nang tumama ang malamig na hangin sa aking mukha. “I am now the owner of Monte Cristo Inc.” “Oh, kumusta naman? Bakit parang namromroblema ka riyan? Hindi ba dapat you have to celebrate?” tanong niya sa akin.
Kasalukuyan kaming nagbabyahe papunta sa hospitlal para bisitahin ang ama ni Travis. Kasama ko si Mary at John, nagpupumilit pa kasing itong sumama kahit sinabi ko namang ako na lang ang pupunta. In case kasi raw na baka awayin ako ni Emery roon, may kakampi ako. “Okay ka lang ba?” tanong ni Mary habang hinawakan ang aking kamay na nanginging. Napatingin ako sa kaniya, hindi ko namalayang nanginginig na pala ako dahil sa kaba. “Kinakabahan ako.” pagsasabi ko ng totoo sa kaniya. “Gusto mo bang umuwi na lang muna tayo?” tanong niya sa akin na ikinailing ko. “H-Hindi puwede malapit na rin tayo. Okay lang ako,” saad ko sa kaniya. Rinig ko ang pagbuntong hininga nito.“Oh sige, basta narito lang kami kapag kailangan mo ng tulong,” saad nito sa akin. Ilang minuto lang ang nakalipas ay agad kaming napahinto sa isang hospital where tito admitted. “Tara na, Sofia,” saad ni Mary sa akin. Hindi ko namalayang nasa labas na pala sila at hinihintay na ako.
Ilang araw na ang nakalipas noong bumisita ako sa hospital. Sobrang naging busy ako sa aking trabaho. Bumalik na rin sa pagbibisita si Travis sa aking kambal kaya masayang-masaya na naman ang aking mga anak. Masaya rin naman ako para sa kanila. Palaisipan pa rin sa akin na walang anak sina Emery at Travis. Gusto ko pang magtanong sana kay Travis ngunit nauunahan ako ng pride ko. Kaya nagpa-imbestiga na lamang ako. Hanggang ngayon ay hinihintay ko pa ang resulta. Ang naalala ko noon ay pinadaalhan ako ng wedding invitation ni Emery kaya alam ko rin na kasal sila pero nagulat lamang ako dahil suot-suot pa rin niya ang singsing namin noong kinasal kami. It’s really awkward talaga kapag nakikita ko iyon sa kamay niya. “Ms. Sofia,” tawag sa akin ng aking assistant sa intercom. “Yes?” tanong ko sa kaniya. “Papunta po riyan si Ms. Strella at gusto kang kausapin,” saad niya sa akin. “Sige, maghahanda na ako,” sagot ko sa kaniya. Mayamaya lamang ay dumating na s
Matapos palang na-admit si Emery sa hospital ay iyon naman ang pagkahuli kay Lilac. Mabuti naman ay nakulong na siya, hindi ko alam kung paano nahuli ito ng mga pulis ngunit sabi nila ay may nakapag-report daw na tao sa kotse na iyon. Sikat na rin siya sa buong mundo at pansin ko na maraming nagsisilabasang basher niya. Serves her right. Wala akong balak na bisitahin siya sa kulungan para ano pa? Eh hindi ko naman siya ka-close, bahala siyang mabulok sa kulongan, wala akong pakialam.“Saan ka pupunta, Sofia?” tanong ni Mary sa akin.“Pupunta ako sa hospital, bibisitahin ko ang papa at mama ni Travis,” saad ko sa kaniya.“Mukhang nagiging close na kayo ni Travis ah. I mean, not totally close but civil, paano na si Prinsipe Tristan niyan?” tuksong tanong niya
Masaya ako dahil nagising na si Tita Carmela. Ilang taon din kasi siyang nakaratay mula sa pagkakahulog niya sa hagdan. Sariwang-sariwa pa sa akin ang lahat ng mga nangyari noon. Masakit dahil hindi man lang ako pinaniwalaan ni Travis noon ngunit wala na iyon sa akin. Kung tutuusin kasi sobra-sobra na ang karmang nangyayari sa kaniya. Bahala na rin ang Diyos na gumawa ng paraan sa lahat ng mga kasalanan niya. Masaya na rin ako sa aking mga tsikiting ngayon, sila ang kayamanan ko.“Ms. Sofia, may bisita po kayo,” saad ng aking sekretarya sa intercom.“Sino raw?” tanong ko.“Emery raw po…”Wala man lang akong naramdaman nang marinig ko ang kaniyang pangalan.
“Sofia! May bisita ka!” sigaw ni Mary. Narito ako sa aking kwarto, sa aking working space tinitingnan ang email at statistics ng aking fashion house all over the world.Napahilamos ako na mukha dahil mayroon na namang isturbong bumulabog sa akin. Kanina ang kambal, pinatulog ko na nga muna ito dahil hindi ako matatapos kung walang humpay ang pangungulit nila sa akin.Simula noong pag-uusap namin ni Emery ay wala na akong balita sa kaniya. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko sa kaniya ngunit mayroong gap pa rin sa akin. Mahirap magtiwala lalo na’t nagawa niya akong saktan ng paulit-ulit. I already forgave her pero hindi ko pa rin masasabing maibabalik ulit ang friendship namin. Nadala na rin kasi ako ilang beses ko na siyang pinatawad ngunit sinaktan pa rin niya ako.Iyong sa amin na
Ilang araw na ang nakalipas nang pumunta sa mansion si Ethan. Nagpapasalamat ako sa kaniya dahil naiintindihan niya ako. Natanggap niya na hindi ko kayang suklian ang kaniyang nararamdaman. Hindi na siya nag-atubiling magtanong kung may nagpapatibok na ng puso ko bastang sinabi niya lang na ayos na. Alam kong ginagawa niya lang iyon para hindi na ako mamroblema. Alam ko at halatang-halata naman sa kaniyang mga mata na nasasaktan siya.“Balita ko pumunta rito si Ethan at binasted mo raw?” tanong ni John sa akin.Napalingon ako sa kaniya, kasalukuyan akong nagtitipa ng aking laptop.“Oo, bakit?”“Wala lang naman, I wonder kung bakit mo siya binasted? Okay naman siya ah,” saad niya sa akin na ikinailing ko.“Hindi kami puwede dahil kapatid lang ang turing ko sa kaniya,” sagot ko sa kaniya.“Hm. How about Prince Tristan, Princess Sofia? Are you in love with