Share

Chapter 105.3

Halo-halo ang aking emosyon at nararamdaman ngayon. Hindi ko alam kung tama ba ang nagawa ko kanina. Sobra akong nalungkot at nasaktan nang makitang nawalan ng malay ang ama ni Travis. I never planned that, ang plano ko lang naman ay saktan si Travis at Emery . Iparamdam sa kanila ang sakit na dinanas ko noon sa mga kamay nila.

Agad akong inuwi ni John sa mansiyon dahil kukumustahin daw niya ang lagay ng ama ni Travis. Gusto ko sanang sumama ngunit hindi siya pumayag dahil baka magkagulo lamang doon.

Ngayon ay nakatulala lamang ako sa aming terrace nagmumuni-muni, tulog pa ang kambal kaya walang nangungulit sa akin ngayon.

“Penny for your thoughts?”

Alam kong si Mary ang nagsalita kaya hindi na ako lumingon. Napahinga ako ng malalim at napapikit nang tumama ang malamig na hangin sa aking mukha.

“I am now the owner of Monte Cristo Inc.”

“Oh, kumusta naman? Bakit parang namromroblema ka riyan? Hindi ba dapat you have to celebrate?” tanong niya sa akin. 
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status