Share

Chapter 106.2

Masaya ako dahil nagising na si Tita Carmela. Ilang taon din kasi siyang nakaratay mula sa pagkakahulog niya sa hagdan. Sariwang-sariwa pa sa akin ang lahat ng mga nangyari noon. Masakit dahil hindi man lang ako pinaniwalaan ni Travis noon ngunit wala na iyon sa akin. Kung tutuusin kasi sobra-sobra na ang karmang nangyayari sa kaniya. Bahala na rin ang Diyos na gumawa ng paraan sa lahat ng mga kasalanan niya. Masaya na rin ako sa aking mga tsikiting ngayon, sila ang kayamanan ko. 

“Ms. Sofia, may bisita po kayo,” saad ng aking sekretarya sa intercom. 

“Sino raw?” tanong ko. 

“Emery raw po…” 

Wala man lang akong naramdaman nang marinig ko ang kaniyang pangalan. 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status