Ilang araw na ang nakalipas nang pumunta sa mansion si Ethan. Nagpapasalamat ako sa kaniya dahil naiintindihan niya ako. Natanggap niya na hindi ko kayang suklian ang kaniyang nararamdaman. Hindi na siya nag-atubiling magtanong kung may nagpapatibok na ng puso ko bastang sinabi niya lang na ayos na. Alam kong ginagawa niya lang iyon para hindi na ako mamroblema. Alam ko at halatang-halata naman sa kaniyang mga mata na nasasaktan siya.
“Balita ko pumunta rito si Ethan at binasted mo raw?” tanong ni John sa akin.
Napalingon ako sa kaniya, kasalukuyan akong nagtitipa ng aking laptop.
“Oo, bakit?”
“Wala lang naman, I wonder kung bakit mo siya binasted? Okay naman siya ah,” saad niya sa akin na ikinailing ko.
“Hindi kami puwede dahil kapatid lang ang turing ko sa kaniya,” sagot ko sa kaniya.
“Hm. How about Prince Tristan, Princess Sofia? Are you in love with
BUO na ang desisyon ko, kailangan kong pumunta sa Spain, hindi rin naman ako mapakali dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin tumatawag si Tristan sa akin. Nakapag-book na ako ng flight papuntang Spain at mamayang gabi na ang aking byahe.“Kailangan mo ba talagang pumunta roon, Princess Sofia?” tanong sa akin ni Mary.“Yes, I have to. Hindi kasi ako mapakali, hindi niyo naman sinasabi sa akin kung ano ang problema kaya pupunta ako roon para alamin ang lahat at walang makakapagpigil sa akin,” saad ko sa kaniya.“We know pero alam ba ito ng kambal?” tanong niya. Tumango ako sa kaniya, bago pa man ako nagdesisyon ay sinabihan ko na ang kambal at sasama rin sila sa akin.“Sasama sila sa akin Mary, okay lang naman na rito ka muna sa Pilipinas since narito naman si John, kaya ko na ang kambal. Babalik din naman kami,” seryosong sambit ko sa kaniya. Huminga siya ng malalim at napailing.
Kanina pa naghihintay sa baba si Travis at ang kambal sa akin. Kasalukuyan akong nag-aayos ng aking sarili, ang totoo niyan kanina pa ako nakatitig sa salamin. Iniisip kung kailangan ko pa bang isama si Travis baka mas lalala lang ang lahat. Ayaw kong bigyan ng malisya ang pagsama ni Travis sa akin. Baka isipin ni Tristan na nagkakamabutihan na kami.Huminga ako ng malalim at muling tinitigan ang sarili sa salami. Bahala na nga! Agad akong lumabas sa aking kwarto dala-dala ang aking maleta. Isang maleta ang aking dala dahil ilang araw lang naman kami sa Spain.“MOMMY!” excited na sigaw ni Mathilda sa akin.“Mommy? Why took you so long?” nakabusangot nman na saad ni Matthew.Napangiti naman si Travis sa sinabi reaksiyon ng aking a
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang sinabi sa akin ni Travis. Kasal pa raw kaming dalawa? Pinagloloko niya lang ba ako o ano? Nakakainis din minsan itong lalaking ito, dahil tinatanong ko siya hindi naman nasagot. Sabi niya pag-uwi na lang daw namin sa Pilipinas pag-usapan. Kating-kati na nga akong malaman kung bakit hanggang ngayon ay kasal pa kaming dalawa. Akala ko ba malaya na ako sa kaniya? Hindi pa pala. Mapapamura ka na lang talaga sa inis. Kung hindi lang kami nasa loob ng eroplano ay kanina ko pa siya sinagawan.“Mas mabuting matulog ka na muna, ipagpahinga mo na muna iyang isip mo.”Napalingon ako sa kaniya at inarapan siya. “Hindi ako makatulog, kasalanan mo ito! Paano kasing kasal pa tayo? Pinagloloko mo na naman ba a
Nang makarating kami sa Spain ay agad kaming pumara ng taxi, kaagad akong nagsuot ng cap at sunglass baka kasi ay may makakilala sa akin. Nang makapasok kami ay agad na nagdadada si Mathilda napailing na lamang ako dahil sa katabilan niya. Hindi ko nga alam kung kanino ito nagmana, hindi naman kami ni Travis madaldal. "Mommy, can we tell to Abuela and Tita Isabella that we are already here in Spain?" tanong ni Mathilda sa akin na ikinailing ko naman. "No, honey. We will surprise your Abuela, you want that, right? You like surprises.".Napatango ito sa akin at pumalakpak. "I can't wait to finally introduce my Daddy to them, right 'Tus?" tanong ni Mathilda sa kaniyang kapatid . Tumango lamang ito sa kaniya as a sign of agreement. Palagi na lamang tango ng tango si Matthew sa kaniyang kapatid. Nakakatawa rin minsan itong anak ko. Palaging ini-spoil ang kaniyang kapatid na babae, kahit siguro hindi gusto niya ay gagawin pa rin nito hindi lang ma-
Narito kami sa loob ng dining table kasama sina Travis, Tristan, Isabella, Nanay at ang magulang ni Tristan. Natatawa na lamang ako sa sobra kong kaplastikan. Hindi ko alam kung paano ko nga ba nagawang ngumiti at makihalubilo sa kanila gayong nasasaktan ako. Awkward din ang mukha ni Isabella, ni hindi ito makatingin sa akin.“Anak, bakit hindi mo sinabi sa amin na uuwi ka?” tanong ni Nanay sa akin kaya napalingon ako.“I want to surprise you all, pero ako pala ang na-surprise,” natatawang saad ko sa kaniya. Alam kong nakakaintindi ng Tagalog ang mga magulang ni Tristan dahil ang alam ko, nanirahan daw ang ina nito sa Pilipinas ng ilang taon. Hindi man lang sila natawa sa aking sinabi kaya napa-ubo ako.“ The wedding is on Sunday, are you going to attend, Princess Sofi
“Mommy, uuwi na ba tayo sa Philippines? Sabi kasi ni Daddy, uuwi na po tayo,” malungkot na tanong ni Mathilda sa akin.“ Yes baby, uuwi na tayo dahil marami pang aasikasuhing work si Mommy roon sa Philippines. Doon na rin tayo maninirahan kasama si Daddy,” saad ko sa kanila. Hindi ko alam kung nasaan si Travis bigla na lang itong nawala sa kwarto ng kambal. Dito kasi siya natulog at ako naman ay dati kong kwarto.Naging matiwasay ang gabi ko dahil naging okay kami ni Tristan. Hindi ko nga alam kung bakit ang dali kong mapatawad ito. Siguro hindi pa ganoon kalala ang nararamdaman ko sa kaniya.“ Matthew, nakita mo ba ang Daddy mo?” tanong ko sa aking anak na kasalukuyang naglalaro sa kaniyang tablet.
Napahinga ako ng malalim at napangiti. Okay na kami nila Nanay at Isabella. Ayaw kong magtanim ng galit sa kanila dahil ako lamang ang ma-i-stress. Isa pa, mahal na mahal ko sila at sila na lamang ang aking pamilya kaya hindi ko rin naman sila matiis. Oo, nasaktan ako pero mas pina-mature ako ng panahon. Natuto akong magpatawad at intindihin ang mga tao sa paligid ko.Kanina ko pa hinahanap si Travis dahil kaninang umaga pa siya hindi nagpapakita sa akin. Nasaan na kaya ang asungot na iyon, kailangan ko rin siyang makausap para pag-uwi namin ay okay na kaming dalawa. Handa na akong harapin siya at handa na rin akong lumaban lalong-lalo na sa taong sumira sa aming dalawa.Nilibot ko na ang palasyo ngunit wala pa rin, napakunot ako ng noo nang makitang kausap pala ni Nanay si Travis. Bigla akong kinabahan, hindi ko inaasahang magkakakausap sila. Sana
“Love, hinahanap ka ni Mommy, gusto ka raw makita, okay lang ba na kunin ko ang mga bata sa mansion at iuwi sa bahay? Daanan mo na lang sila since hinahanap ka naman ni Mommy, miss ka na raw kasi,” saad ni Travis sa kabilang linya. Kasalukuyan akong nasa trabaho nang mapatawag siya sa akin. Ilang araw na ang lumipas nang makarating kami sa Pilipinas.“Okay, may balita ka na ba kay Emery?” tanong ko sa kaniya. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya nang tanungin ko iyon.“Wala pa nga, love eh. Hindi ko rin siya ma-contact. Nag-aalala ako para sa kaniya at para sa kaniyang anak,” saad niya sa akin.Ilang araw na kasing hindi umuuwi si Emery sa kaniyang condo kaya as a friend ay nag-aalala rin kami sa kaniya. Inaasikaso na rin namin ang mga ebedinsiyang nakalap namin