CHAPTER 22Helliry Chrysopeleia POINT OF VIEW—“Pero na miss mo nga ako Ashray?” Pag-aasar ko kay Ashray na tutok nanaman sa laptop niya.“Go away.” Tila may pagbabanta na ani niya. Napanguso ako pero napangisi rin.“Sagutin mo nalang kasi. Pa keme pa 'to eh—”“I said go away Helliry!” Napatayo nalang ako.“'Di ba sabi roon, go away Anna?”“What?!” Napatakbo nalang ako palabas ng kuwarto niya. Ang aga aga kasi Helliry eh.Dumeretso ako sa kuwarto ko habang tatawa tawa. Oo, magka-ayos nga nanaman kami. Actually ay ayos naman na ako pero tinataguan ko lang siya.F L A S H B A C KKinabukasan ay naisipan kong patagong gawin ang trabaho ko. Humingi ako ng pabor kay Manang Lira na tignan kung natutulog pa ba si Ashray o kung wala ba siya sa kuwarto niya. Sumang ayon naman siya dahil nakita niya ang nangyari kagabi. Hindi ako starla pero tutuparin ko ang hiling niya. Syempre baka sabihin niya malas ako sa buhay niya dahil hindi natupad ang hiling niya.Kumuha na ako ng pagkain niya at main
CHAPTER 23Helliry Chrysopeleia POINT OF VIEW—“Ang dami naman niyan. Pang one month mo ba 'yan?” Tanong ni Claies sa pinamili kong pagkain. Dalawang malalaking echo bag ito.“Hindi, pasalubong ko ito. Alam ko na kung saan ako pupunta bukas para mag-bakasiyon. Sa probinsiya. Matagal tagal na rin kasi simula noong nakauwi ako.” Tuwang tuwa siyang tinignan ako. Nagulat nalang ako nang matapos kaming makabili ay may binigay siya sa aking isang echo bag din na puno ng pagkain.“Ano 'to?” Tanong ko sa kaniya ng gulat.“Pagkain te, hindi ba halata?” Napatampal ako sa noo. “Ibig kung sabihin, bakit mo binigay sa akin.”“Ahh, sa 'yo 'yan binili ko para sa 'yo para sa pag-uwi mo sa inyo.” Nahiya naman ako bigla sa sinabi niya.“Ang dami ko nang pasalubong ah.”“Pinagsasabi mo? Kakainin mo 'yan habang nasa biyahe ka.” Napa nganga ako dahil ang dami nito.“Ang dami naman, baka magsuka ako sa daan. Pero thank you ha, nag-abala ka pa.” Dapat pala bumili rin ako ng ibibigay ko sa kaniya.“Okay lan
CHAPTER 24Helliry Chrysopeleia POINT OF VIEW—HALOS pasikat palang ang araw ay nandito na kaagad kami ni Lolo. Nate-text si Ashray pero hindi ko pinapansin at in-off ko nalang ang cellphone ko. Gaya ng sabi ni Lolo ay ihahatid niya nalang ako sa terminal ng bus na kung saan deretso na sa lugar namin. Mahirap kasi kapag palipat lipat at baka mahuli ako.Sinabi ko naman kay Lolo ang buong location ko. Hindi ko nalang talaga alam kung anong sinasabi niya na plano. Basta sumasang-ayon nalang ako.“Nandito na tayo iha.” Tinulungan ako ng Butler na kasama ni Lolo sa pagbuhat ng bag ko hanggang sa makatapat ako sa bus.“Salamat po Lolo. Sabihan ko nalang po kayo kapag uuwi na po ako.” Paalam ko kay Lolo.“Sige iha, mag-iingat ka roon ah. Sasabihan din kita kapag may balita.” Tumango ako kay Lolo at sumakay na sa bus. Sumilip muna ako sa bintana at nakita ko roon si Lolo. “5 minutes aalis na tayo.” Rinig kong sabi ng conductor. Dumaan ang limang minuto at sumilip ako sa bintana para kumawa
CHAPTER 25Henry Silveria POINT OF VIEW—TATAWA tawa akong nakabalik sa bahay tinignan ko muna ang cellphone at nakitang tinext ni manang na nandiyan na ang magaling kong apo. Buti nalang talaga at hindi ako lumabas kaagad. Nasabihan ko na rin naman na ang mga kasambahay na magkunwareng umalis na si Helliry.Pagkababa ko ay inilantad ko kaagad Ang malungkot kong mukha at nanghihinayang. Matanda na talaga ako at kailangan ko nang i-enjoy ang biruin ang apo ko. Minsan lang Ito mangyayari at gusto ko talagang may makompirma sa apo ko.Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay bumungad kaagad sa akin si Manang na patagong tinuturo ang kuwarto niya.Napa 'Ok' sign naman ako at pumunta sa office ko. Alam kong pupuntahan niya ako kaya naman ay kunware akong napatitig sa labas habang nakaupo at malungkot ang mga mata. Pagdating sa actingan ay umatras ka nalang baka Lolo Henry ito.Maya maya nga ay hindi ako nagkakamali dahil kumakatok na siya. Pagkapasok niya ay pinakita kong napabuntong hininga ako
CHAPTER 26Helliry Chrysopeleia POINT OF VIEW—ITO ang pangatlong araw ko sa pagbabakasiyon. Hindi muna ako lalabas ngayon dahil pahinga naman, marami ring trabaho si Kiro kaya mas mabuti na na wala munang gagala ngayon. Sa Sabado siguro.Nagluto ako ng umagahan ko at pagkatapos niyon ay kumain mag isa. Nanonood nalang ako sa T.V dahil wala naman akong ginagawa. Nasabihan ko na rin si Ante Martha na nandito na ako at binigay ko na rin ang pasalubong ko. Ang ko-kyut nga ng mga keychain na binigay ni Lolo. Sampong piraso siya pero anim lang ang naibigay ko. Eh paano ba naman kasi wala akong maraming kaibigan dito. Tapos 'yong mga naging kaibigan ko noong highschool ay malalayo na ang lugar nila dahil sa pag-aaral. Nasa forth year na sila ngayon ako nalang talaga natira.Ang mga pagkain ay nag tira ako para sa sarili ko. Masiyado naman kasing marami 'yon. Bigla ko tuloy naisip na sumama sa pangingisda ni Kiro, kailangan ko nga palang magdala ng daing kapag bumalik ako para kay Claies.G
CHAPTER 27Helliry Chrysopeleia POINT OF VIEW —“Here.” Binigyan ako ni Ashray ng icecream na nakalagay sa cup. Tinitigan ko lang ito. Parang nawawalan ako ng gana ngayon. Nandito na kami sa bahay at naka upo ako sa may sofa namin habang nakatitig sa icecream na binigay niya. Gusto kong kalimutan ang nakita ko kanina pero hindi ko mapigilan tapos maiiyak ako.Ang bigat sa dibdib, subrang bigat. Ang dami kong bakit na hindi ko masabi at kailangan ko ng kasagutan. Sa totoo lang ay matatanggap ko pa na nagkaroon sila ng panibagong pamilya, pero ang kalimutan nila ang anak nila ay hindi ko kaya.Mahirap i-sink in sa utak ko. Noong una ay si Daddy ngayon naman si Mommy ang makikita ko. Napabuga ako ng hangin, kung wala na silang paki sa 'yo Helliry hindi ba puwedeng kalimutan mo na rin ang nakaraan mo? “Kainin mo na 'yang icecream mo. Malulusaw na.” Napatingin ako sa icecream na natutunaw na nga. Kinain ko nalang ito. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Claies na kumain lang ako kapag nalulu
CHAPTER 28Helliry Chrysopeleia POINT OF VIEW—KINAUNAGAHAN ay hindi ko namalayan ang oras na umagang umaga na pala. Malakas kasi ang ulan at kahit alas syete na ay madilim pa rin dahil nga sa ulan. 'Di ko man lang alam na may bagyo pala. Maaraw naman kasi kahapon, tapos at nanuod nga ako sa T.V pero mga cartoons lang naman pinanuod ko. Tinatamad pa nga akong bumangon dahil malamig at maganda talaga matulog kapag ganitong ulan. Kaso naalala ko na may bwisita pala ako. Bumangon na ako at pagkababa ko ay nagkakape na pala si Ashray. Aba't tignan mo nga naman ang isang 'to naunahan pala ako sa pagbangon.“Kagigising mo lang?” Tanong ko sa kaniya. Umiling siya.“Kanina pa ako gising.” Tinignan ko siya ng nagtatanong na mukha.“The storm is quite strong, I have to watch out.” Napatigil ako sa sinabi niya. Ganiyan din ang ginagawa ni Daddy kapag may malakas na bagyo.“Why?” Napailing ako at tumabi sa kaniya.“Kahit ba sa bahay niyo ginagawa mo 'to, kahit malaki bahay niyo?” Karamihan kasi
CHAPTER 29Henry Silveria POINT OF VIEW—NAGISING ako dahil sa sunod sunod na ring sa cellphone ko. Kinapa ko ito at nakapikit na sinagot ang tawag.“Hello.” Inaantok kong sabi.[“Lo, are you there?”] Narinig kong tanong ni Ashray.“Mukha bang wala ako rito apo? Hindi naman siguro ako sasagot kapag wala ako rito.” Ang aga aga ay kahit ano anong tinatanong niya.[“Si Lolo naman, I just want you to know na uuwi kami ngayon.”] Bigla akong napabangon at napa aray rin lang dahil sa likod ko.“Aray ko ang likod ko. Binigla mo kasi ako iho.” Naalala ko nasa probinsiya pala sila. Panaginip ko lang pala na nandito na sila.[“Lo kasi dahan dahan ka lang. Pabiyahe na kami, I'll text if malapit na kami.”] “Oo naman mag iingat kayo sa biyahe.” Pagkatapos naming mag usap ay napahawak ako sa likuran ko. Gano'n na ba ako katanda.Hindi pa man ako tuluyang nagigising ay may kumatok sa pintuan. Inabot ko ang remote para buksan ang pintuan. Ako na sana ang magbubukas kaso ang sakit ng likuran ko.“Nak
EPILOGUE— 4 years later“Say! Mommy!”“Dada!”“Hindi puwede. Dapat mommy 'yan. Ash ano nanamang pinainom mong gatas sa mga ito! Bakit puro ikaw ang binabanggit!” Napanguso ako habang nakatingin kay Ashray.“I didn't, hindi ko pa nga sila pinapainom ng kahit ano.” Gusto kong magpapadyak pero 'wag nalang baka ma apply pa nila.Pagkatapos kong makapag aral sa kolehiyo ay gusto kaagad ni Ashray na ikasal kami. Excited nga masiyado at hindi na ako pinayagang magtrabaho ulit. Oo hindi na rin siya naghintay ng ilang years, ilang buwan lang ay kasal agad. At ito ang naging results. Kambal na babae at lalaki.Nanligaw siya sa akin ng halos 2 years. Mga 1 year and half yata bago ko sinagot. Hindi ko siya sinagot kaagad dahil nga nag-aaral pa ako, pero sinagot ko rin noong gusto ko na. Gano'n lang kasimple. Gaya ng sinabi niya ay babawi siya sa akin. Pero binigyan naman ako ng dalawang inire. Grabe ang sakit kaya.“Naks! Tama 'yan maglaba ka, magluto ka rin pagkatapos dito kakain ang pinakamaga
CHAPTER 50— FinaleHelliry Chrysopeleia Flieyh Dizon POINT OF VIEW—MATAGAL na panahon na rin yata simula noong umiyak ako ng tudo kasama ang sakit, kabog sa dibdib, kaguluhan sa isip, pag-aalala at halo halo na. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Tipong para na akong namamanhid dahil sa nakikita ko.Noong bata ako ay takot na talaga ako sa dugo, pero hindi gano'n kalala. Kapag kaunting dugo ay hindi naman ako natatakot. Natatakot ako hindi dahil sa parang trauma, natatakot ako rito dahil noong nasugat ako ng malaki ay nagdugo ito at subrang sakit sa pakiramdam. Iniisip ko noon na paano na kaya ang malaking sugat? Baka subrang sakit na. Pero 'yong ganitong nakikita ko ngayon, na halos panligo na ang dugo ay hindi ko kayang tignan.Napasigaw ako at agad na lumapit sa kinaruruunan ni Ashray. Panay ang kalabog ng puso ko at pagtulo ng luha. Ako na mismo ang naghila sa mga first aid kit at pinaalis ang mga paharang harang na nanunuod lang. Hindi ko mapigilang nagalit dahil
CHAPTER 49Helliry Chrysopeleia Flieyh Dizon POINT OF VIEW—NAPAHIKAB ako habang nasa loob ng classroom. Wala namang ginagawa na gaano pero hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip kay Ashray. Ngayon lang yata ako hindi sinipon kapag nagpapaulan.“Ano bang ginawa mo kagabi bakit para antok na antok?” Tanong sa akin ni Claies.“W-Wala naman hindi lang talaga ako makatulog kasi hindi pa naman ako inaantok.” Alas dose na nga 'yon pero wala pa akong tulog kaya naisipan ko nalang mag midnight snack, may stock akong mga pagkain at ilang buwan nalang ay mag e-expired na kaya kinain ko nalang.May stock din ako ng mga gatas at kape para kung sakaling matakam ako sa mga ito ay hindi na ako maghahanap kahit saan. Lalo na kapag gabi ay malamig at minsan talaga tinatamad din ako.“Malapit na rin uwian, inaantok din ako. Hindi siguro tayo makakapag bili ng mga street food ngayon. Gusto kong magpahinga, napagod ako kahapon.” Nag unat siya at sinandal ang ulo sa likod ng upuan. Kararating niya
SPECIAL CHAPTER Demonic Ashray Silveria POINT OF VIEW—“Demonic Ashray Silveria.” Napatingin ako sa nagtawag sa akin ng buo kong pangalan. Nagsampalan naman si Stellan at Zyrine hanggang sa makarating sila sa akin.“What?”“Laugh first.” Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Zyrine.“Are you crazy?”“Duhh, we are 'cousin' how dare you to tell me that.” Tinignan ko lang siya at bumalik sa pagkakatingin sa labas ng window glass.“Ah gano'n pala ah. Stell, don't tell him where is Helliry located.” Napatingin ako ng nanlalaki ang mata. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanila. Inirapan ko si Zyrine dahil sa kahit ano anong pinaggagawa niya.“She's here. Pero medyo malayo rito. Sa apartment na malapit sa school ang tinutuluyan niya ngayon. Five to ten minutes ang lakad papunta sa school.” Paninimula ni Stellan.“She told us na 'yon ang unang apartment niya noong naghahanap palang siya ng apartment.” I thought they are are not telling the truth.“Really, is she safe there?” Tanong ko sa kani
CHAPTER 48Demonic Ashray Silveria POINT OF VIEW— Continuation of Chapter 42“Itigil mo 'yan Ashray, gusto mo bang masira ang katawan mo dahil sa alak? Akala ko ba nakapag usap na tayo kahapon.” Napatingin ako kay Stellan at inagaw ang bote ng alak na hawak ko.“Baka gusto mo nanamang masapak. Drinking alcohol won't help you to move, hindi ka rin matulungan niyan na maging ayos.” Napatitig ako sa baso.“Okay fine, just give me that last bottle it's too expensive para hindi maubos.” He look at me with a weird look.“You're drunk. You're too wealthy to say that. Hindi mo ako mabibiro sa ganiyan, stop drinking, get up and move your butt tutulungan kita. Be a man bro and know your wrongs.” Sa lahat yata ng nakilala ko ito ang hindi ko mapilit basta. Wala rin naman akong magagawa dahil wala akong gana sa lahat ng bagay susunod nalang ako sa kaniya.“Maligo ka, amoy alak ka,” sabi niya sa akin at tinulak ako.“Kakaligo ko lang.” Tinignan niya ako at napataas ang kilay.“O really? Glad you
CHAPTER 47Helliry Chrysopeleia Flieyh Dizon POINT OF VIEW—ILANG araw na ang nakalipas at hindi talaga tumigil si Ashray sa paghintay sa akin. At sa mga araw na nagdaan ay kahit isa sa amin ay walang nagsalita. Parang pareho nga kaming gustong magsalita pero wala talagang nag lakas ng loob.Kaduwagan ang tawag doon. Kung siya balak niyang makipag ayos sa akin ay bakit tinititigan niya lang ako at walang salita na kahit ano. Wala akong balak mag first move dahil una sa lahat siya ang may gusto nito. Pinaalis niya ako at gusto ko lang gawin ang sinabi niya sa akin. Ito na sinusunod ko na, siya ang nagsabi kaya siya rin ang bumawi nang sinabi niya kung gusto niya.Napahilata ako sa kama ko at tumitig sa kisame. Mabuti nalang talaga at tapos na ang exam kung hindi ang dami ko sanang iisipin. Ang Ashray talaga na 'yon walang ibang ginawa sa akin kung hindi pag-isipin ako mabuti.Tumayo na ako at kinuha ang sling bag ko. Tinawag kasi ako nang dalawa. Si Zyrine at si Stellan, gusto raw nil
CHAPTER 46Helliry Chrysopeleia Flieyh Dizon POINT OF VIEW—KAILAN na nga ba ulit ako nakaramdam ng kakaibang pagtibok ng puso ko, tipong subrang lakas at hinaluan pa ng kaba at panlalamig ng kamay. At sa iisang tao lang ito nangyayari. Sa iisang tao ko lang ito nararamdaman.Ngayon ay may halong kirot at saya sa puso ko, hindi ko maintindihan kung ano ng mararamdaman ko ngayon habang kaharap siya. Halo halong emosiyon na hindi ko maipaliwanag. Gusto kong umiyak. Gusto ko siyang tanungin kung bakit siya nandito. Ang daming tanong na hindi ko naman masabi dahil hindi ko maibuka ang bibig ko para magsalita.Napaiwas nalang ako ng tingin at nagpatuloy maglakad. Baka naman may iba siyang hinihintay rito. Tapos makikisawsaw ako ang sama ko naman tignan kapag gano'n. Nilampasan ko nalang siya dahil wala rin naman siyang sinasabi.“Get in.” Mahina pero narinig ko ang buses niya. Feeling ko tuloy may gusto siyang sabihin pero hindi niya natuloy tuloy.Napatigil ako saglit pero pinagpatuloy k
CHAPTER 45—Nalalapit na pagtataposHelliry Chrysopeleia Flieyh Dizon POINT OF VIEW—NAPAHIKAB ako habang nakatutok sa reviewer ko. 10 o'clock na ng gabi at nandito pa rin ako sa reviewer ko. Hindi kasi ako magpupuyat at alas nuwebe palang minsan ay tulog na ako. At madali talaga akong antukin kapag reviewer na ang kaharap ko. Hindi naman siguro masiyadong mahirap 'yong exam dahil nag a-advance ako minsan sa pagbabasa at nakikinig ako sa mga lectures, ang ginagawa ko nalang ngayon ay sinusubukang ibalin sa iba ang attention ko.Ilang araw na pero hindi pa rin nagpapakita sa akin si Ashray. Sigurado kaya 'yong dalawa sa pinagsasabi nila tungkol kay Ashray na halatang ako ang iniisip. Baka naman hindi eh. Kung gusto niyang mag sorry ay dapat ilang araw na siyang nagpapakita.Ang kapal ko naman magsabi ng ganito samantalang kapag nag sorry siya sa akin hindi ko pa alam kung patatawarin ko ba kaagad. Isa pa ay hindi ako sigurado kung mag so-sorry talaga siya. Pero ano kayang ginagawa ni
CHAPTER 44Helliry Chrysopeleia POINT OF VIEW—“Okay got it Helliry? Basta 'wag ka lang mahiya, kaya mo 'yan mataas ang sahod sa modeling at bagay na bagay ka rin talaga.” Napahawak ako sa tenga ko dahil sa sinabi ni Zyrine. Nakakahiya.Tinuturuan niya nga ako ng mga poses kapag mag momodel na. Model din pala siya kaya pala 'yon ang offer niya sa akin. Tinuturuan niya ako ng mga alam niyang pose bago kami umalis dito. Oo sasama na nga ako sa pagbalik nila. Kailangan ko na ring pumasok sayang naman ang ilang buwan kung drop out ako. 'Tsaka patapos ko na itong second year, ayaw ko nang masayang.“Kayong dalawa, tara na.” Napatingin kami kay Stellan na tinawag kami, naayos niya na pala ang mga gamit namin.Alas nuwebe na nga kami nakaalis dahil naghanap din sila ng maiuuwi nila na sa probinsiya lang madalas makita o mabili. Isa pa ay rush talaga sila, kararating lang kaya nila kahapon tapos kinabukasan uwi ulit. Wala silang reklamo dahil sanay naman na raw sila sa biyahe, mas malala pa