Share

His Scarred Heart
His Scarred Heart
Author: Yvette Stephanie

PROLOGUE

Author: Yvette Stephanie
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Marahang isinara ni Lemuel ang pinto ng driver's seat nang makapasok na siya sa loob ng kanyang sasakyan. Binuhay na niya ang makina niyon at mula sa bahay ng dati niyang amo na si Alejandro Lebedev ay nagmaneho na siya paalis.

Ang plano niya kanina ay dumaan lamang sa bahay ng mga ito upang ibigay ang regalo niya para sa ipinagbubuntis ni Miss Brianna, ang asawa ng kanyang Sir Alejandro. Ilang linggo na nga lang ang kailangan hintayin bago isilang ang ikaapat na anak ng dalawa.

Technically, ikatlong pagbubuntis pa lang iyon ni Miss Brianna. Kambal ang ikalawang anak ng mag-asawa dahilan para ang isisilang ng ginang ay ang pang-apat na supling na ng mga ito.

Iyon ang dahilan kung bakit naisipan niyang regaluhan ng wooden crib ang mag-asawa na siya mismo ang gumawa. Wala siyang ibang maisip na ibigay kundi iyon.

Matagal-tagal na rin mula nang huli siyang makatapos ng isang kasangkapan na gawa sa mga solidong kahoy. Dahil nga sa mas natuon ang pansin niya sa pagtatrabaho sa mga Lebedev ay isinantabi niya muna ang nauna niyang trabaho.

Lemuel can't help but to smile. Nakatutok sa daan ang kanyang mga mata ngunit naglalakbay ang kanyang isipan.

Walong taon nang kasal sina Alejandro at Brianna. At mula nang makilala ni Alejandro ang asawa nito'y naging tahimik na ang buhay ng dati niyang amo, kaibang-kaiba kaysa nang nagsisimula pa lamang siyang mamasukan dito.

He was not just a simple bodyguard for Alejandro. Siya din ang nagsilbing hitman nito nang mga panahong ito pa ang namumuno sa illegal na organisasyong itinatag pa ng ama nito. Yes, he was doing illegal things before. Masasabi niyang masalimuot din ang buhay niya nang magtrabaho siya sa mga Lebedev.

Pero may mas sasalimuot pa ba sa mga nangyari sa buhay niya bago pa man iyon? Kung iisipin nga, isa si Alejandro sa mga tumulong sa kanya para makabangon ulit. Isa ito sa mga dahilan para maayos niya ulit ang buhay niya. Kung wala ito ay hindi niya alam kung saan magsisimula pagkatapos niyang makalaya sa kulungan.

Yes, he was an ex-convict. Nakulong siya at nagkaroon ng maduming record sa mga kapulisan dahil sa isang krimen na hindi niya naman ginawa. Ang dali sanang lusutan ng kasong idinidiin sa kanya noon. May isang taong maaaring tumestigo sa kanya upang malinis ang kanyang pangalan. Ngunit ang taong inaasahan niyang tutulong sa kanya upang ganap na makalaya ay ang siya pang naging dahilan para mahatulan siya sa korte.

And it was so hard for him to accept that it was the woman whom he loved so much. Ang babaeng pinangarap niyang mahalin sa buong buhay niya ang siya pang nagsadlak sa kanya sa kulungan. Halos gumuho ang lahat sa kanya nang marinig itong tumitestigo laban sa kanya. He really thought she loved him. He really thought she cared for him.

Pero sadyang nabulag lang yata talaga siya ng labis na pagmamahal para dito. Mula nang mangyari iyon ay mistulang nawala sa kanya ang lahat. Kahit ang pagnanais na ituloy pa ang mabuhay ay hindi na niya makapa sa kanyang sarili, lalong-lalo na nang mabalitaan niyang magpapakasal na ito sa iba. Wari bang pinagsakluban siya ng langit at lupa noon.

And what happened in his past made him entered the world of Alejandro Lebedev. Pakiramdam niya naman ay wala nang patutunguhan ang buhay niya mula nang mawala sa kanya ang babaeng minsan niyang minahal.

He became one of Alejandro's men. They do illegal transactions and even killed people that would ruined Lebedev's organization. Nagbago lang ang ganoong takbo ng buhay niya nang lumagay sa tahimik si Alejandro.

Mula nang makilala nito si Brianna ay pansin niya ang pagbabago sa kanyang amo. Truly, love is so powerful that it could change people. Si Alejandro ay nagbago para sa mabuti.

Samantalang ang pag-ibig na natagpuan niya noon ay binago siya sa ibang paraan. He became cold, savage in some ways. Hindi naging maganda ang dulot niyon sa kanya ilang taon na ang nakararaan.

He exhaled an air. Napahigpit pa ang hawak niya sa manibela saka pilit na iwinaksi ang mga tumatakbo sa kanyang isipan.

It has been years. Ilang taon na nga ba? Ten years?

Gusto niyang sabihing nakalimot na siya. Sa tagal na niyon ay kaydami nang nagbago sa buhay niya. Kaydami nang dumating na tao sa buhay niya... at isa na roon si Masha--- ang kasintahan niya sa loob ng tatlong taon.

Matapos ngang magbagong buhay ni Alejandro ay bumalik na rin siya sa dati niyang ginagawa. He was a carpenter before. Namana niya ang kakayahang iyon sa yumao niyang ama na si Simeon. Mostly, they do wooden materials just like the wooden crib that he gave to Brianna.

Malaking shop ang mayroon ang kanyang Tatay Simeon noon sa probinsiyang kinalakhan niya. Iyon ang negosyo nito at iyon din ang dahilan kaya siya nakapagtapos ng pag-aaral. Nagbukas siya ng katulad ng shop nito at tumanggap ulit ng mga kliyenteng nagpapagawa ng mga buit-in cabinet, naglalakihang mesa at iba pa.

Iyon na ang pinagtutuunan niya nang pansin nang makilala niya naman si Masha. Her aunt became his customer. It was when he met her and things led them to another. Sa ngayon ay tatlong taon na ang kanilang relasyon at masasabi niyang maayos naman ang lahat sa kanilang dalawa.

And he loves her. Hindi man siguro kasinglalim nang nadama niya tulad sa una niyang pag-ibig pero masasabi niyang mahalaga para sa kanya si Masha. Isa ito sa mga rason kung bakit mas pinipilit niyang magbago ngayon.

His phone rang. Dahilan iyon para matuon na doon ang kanyang pansin. Isang ngiti pa ang sumilay sa kanyang labi nang makita ang pangalan ng kanyang kasintahan.

"Hello," aniya nang sagutin niya ang tawag. Nakalagay ang wireless earphone sa isa niyang tainga at iyon ang ginamit niya para kausapin ang nobya.

"Hi, hon. Where are you?" saad ni Masha mula sa kabilang linya. Marahil ay narinig nito ang ingay ng mga sasakyan sa kalsada.

"I'm driving. Galing ako sa bahay nina Sir Alejandro. I already gave them the crib."

"I see," masigla nitong saad. "Tumawag lang ako para sana ipakiusap na kung maaari nating iusog ang date natin bukas."

"And why?" tanong niya, bahagya pang umangat ang isang kilay.

"We got a new client, hon. Bukas nang hapon lang siya available para makipagkita sa amin. Hindi ko alam kung anong oras kami matatapos sa pakikipag-usap sa kanya."

"May magagawa pa ba ako?"

"Oh please," wika nito. "After this, babawi ako sa iyo. Ipagluluto kita."

He chuckled. "Aasahan ko iyan."

"Naman," natatawa nitong wika. "I'll hang up now. Nagmamaneho ka pa. I love you."

He heaved out a deep sigh. "Let's have dinner this weekend. Siguro naman ay maaari ko nang makasama ang kasintahan ko sa araw na iyon?"

"O-Of course, I'll see you," mahina nitong sambit. Nasa tinig nito ang pagnanais na may marinig pa mula sa kanya at waring nadismaya nang hindi niya binitawan ang mga salita.

The call was ended. Bumalik ang kanyang atensiyon sa pagmamaneho kasabay ng pagbaling niya sa may dashboard ng kanyang sasakyan. Doon ay nakapatong ang kahon ng singsing na nabili niya nang isang araw.

Iisa ang rason kung bakit nais niyang ayain si Masha para sa isang date--- he would propose to her. Tatlong taon na rin naman silang magkasintahan at sa susunod na buwan ay trenta y tres na siya. He's not getting any younger. Gusto niya na rin magkaroon ng sarili niyang pamilya.

He didn't want to sound unfair. Kahit si Masha ay alam niyang dama na may kakaiba sa kanilang relasyon. Sa loob ng tatlong taon bilang magnobyo ay mabibilang lang yata ang pagkakataon na naghayag siya ng nadarama para dito.

He cares for Masha. Totoong mahalaga ito sa kanya. Pero alam niya rin sa kanyang sarili na hindi nito nahigitan o napantayan man lang sa puso niya ang unang babaeng minahal niya.

And Lemuel wanted to do something about it. Matagal nang tapos na kabanatang iyon ng buhay niya. Gusto niya na iyong kalimutan. At mangyayari lamang iyon kung magsisimula na siya ng sarili niyang pamilya... with Masha, of course. After his ex, si Masha lang ang naging seryoso niyang karelasyon.

Ilang saglit pa ay inihinto ni Lemuel ang kanyang sasakyan sa harap ng isang restaurant. Gabi na rin naman at nakakain na siya sa bahay ng mga Lebedev. Nais niya lang daanan ang naturang establisimiyento para magpa-reserve na sa dinner date nila ni Masha. Of course, he wanted to add some effects on his proposal to her.

Nasa hallway pa lang siya patungo sa entrada ng restaurant nang siya namang paglabas ng isang batang babae. Tumatakbo ito at huli na nang makita siya para iwasan. She bumped into him. Muntik pa itong matumba kung hindi niya lang nahawakan sa kamay.

"I-I'm sorry," hinging-paumanhin nito.

"Hindi ka dapat bastang tumatakbo, young lady," turan niya dito.

"Ikaw ho ang hindi tumitingin sa daan. Nang nakita niyo ho ako sana'y umiwas na kayo. Hindi ko na tuloy mauunahan si mommy sa sasakyan," saad nito sabay lingon pa sa likuran.

Umangat ang isang kilay ni Lemuel. Katatapos lang siguro nitong kumain kasama ang pamilya at marahil ay uunahan sa paglabas ang ina. Hindi niya pa maintindihan kung bakit hinayaan ng ina na mauna itong lumabas? Paano na lang kung maaksidente ang bata? Katulad na lang ng nangyari ngayon. Muntik na itong matumba dahil sa nabunggo sa kanya.

"Lianna, what---"

A woman approached them. Nasa bata ang tingin nito nang lumabas ngunit agad din nahinto sa paglalakad nang mapansin siya. Maging ang mga sasabihin nito ay agad nang naawat nang mapatitig sa kanyang mukha.

"L-Lemuel..."

Of all places... after how many years, they met again.

*****

DAIG PA ni Jossa ang naitulos sa kanyang kinatatayuan nang mapagsino ang lalaking kausap nang kanyang anak. Pagkalipas ng maraming taon ay ngayon niya lamang ito nakita ulit.

"You know him, mom?" usisa ni Lianna, her nine-year old daughter.

Marahas pang napayuko si Lemuel nang magsalita ang kanyang anak. Pansin niya pa ang biglang pagbitaw nito sa kamay ni Lianna na hawak-hawak nito.

"Y-Your daughter?" tanong nito sa kanya sa malamig na tinig. Maging sa mga mata nito ay bakas ang kalamigang iyon.

"Y-Yes," aniya, waring may nagbara sa lalamunan.

"So, may anak na kayo," he said more of a statement than a question. Muli nitong niyuko si Lianna bago tumikwas ang isang sulok ng mga labi.

Alam niya kung sino ang tinutukoy nito. She wanted to say something but got interrupted when Lemuel talked again.

"Hindi mo dapat hinahayaang mauna sa paglabas ang anak mo. Paano na lang kung madisgrasya iyan? Muntik na kaming magkabungguan kanina."

"I can take care of myself, mister," singit ni Lianna sa usapan.

Lemuel smiled. For a moment, Jossa wanted to think that it was genuine. Waring naaliw ito sa mga sinabi ng kanyang anak. "Mag-ina nga kayo, parehong matigas ang ulo niyo."

Then, he stared at her. Gone was the amusement and the coldness went back. Kung ano man ang laman ng isipan nito habang pinagmamasdan siya ay hindi niya mabasa. Ang alam niya lang, kinamumuhian siya nito noon at hindi niya ito masisisi.

Hanggang sa mayamaya ay tumalikod na ito paalis nang wala man lang paalam. Ang akmang pagpasok sa restaurant ay hindi na nito itinuloy pa.

Nakasunod pa siya ng tanaw dito nang magsalita na si Lianna. "Who is he, mommy? He looked so strict but cool."

She was not able to answer. Ang kanyang mga mata ay nanatiling nakapako sa daang tinahak ni Lemuel. Ni hindi na niya napansin pa ang paglakad na ni Lianna palapit sa kanilang sasakyan na nakaparada malapit lang sa kanilang kinatatayuan. Ni hindi na siya nito hinintay na sumagot pa.

"Who is he?" she parroted what Lianna said in almost a whisper. Hindi na siya nito marinig sapagkat kasalukuyan na itong nasa tabi ng kanilang kotse. "He's your father, Lianna..."

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Myles Berces Canillo
Wow mukang maganda to ahh!!
goodnovel comment avatar
analyn Aguilar
sarap tuktukan tong c Lemuel ei mukhang pang rebound lng c Masha ei dipa mkalimot kay first love niya
goodnovel comment avatar
analyn Aguilar
ang bilis n ale tlga nka apat agad xa samantala kina Paul at Beatrice, Leandro at cara tig iisa lng ang kuripot nila gumawa ng baby to nmn c ale ang gara at masipag............
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • His Scarred Heart   CHAPTER 1

    TEN YEARS AGO:"Are you leaving now? Maaga pa naman, Lemuel?" mapang-akit na saad ni Katrina, kaeskwela niya sa unibersidad na kanyang pinapasukan sa bayang iyon ng Sta. Monica.Hindi niya pinansin ang mga sinabi nito. Tumayo na siya mula sa kama at pahablot na kinuha ang kanyang underwear at maong na pantalon sa ibabaw ng pang-isahang sofa na naroon. Balewala sa kanya ang maglakad nang nakahubad sa harap ng dalaga at isa-isang muling isinuot ang mga damit sa kanyang katawan.And Katrina's eyes instantly darted to his manhood as he stood up from her bed. Nasa mga mata nito ang hindi itinatagong paghanga para sa kanya. He can't blame her, or any other girls if they drool over him. Batak ang katawan niya sa trabaho dahilan sa edad niyang bente-tres anyos ay sadyang maganda na ang kanyang pangangatawan.Kaedad niya si Katrina at iisang eskwelahan ang kanilang pinapasukan. Una pa lang ay nagpakita na ito ng atraksiyon sa kanya sa kabila ng dami ng manliligaw nito. Why, she's beautiful, se

  • His Scarred Heart   CHAPTER 2

    Hindi napigilan ni Jossa ang pagsilay ng isang ngiti mula sa kanyang mga labi habang tinititigan niya ang mukha ng matandang lalaki. Though, hindi pa naman talaga ito katandaan kung susuriin. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa late forties pa lamang ito, o baka nga kaedad lamang ito ng kanyang ama na ngayon ay kwarenta y siyete na.Katulad ng sinabi niya kanina ay kababalik lamang ng kanilang pamilya sa bayan ng Sta. Monica. Sa loob ng ilang taon ay sa Maynila sila nanirahan.Ngayon lamang siya ulit nakaapak sa lugar na iyon. Kahit pa sabihin na may pabrikang pag-aari ang kanilang pamilya sa Sta. Monica ay hindi na siya muli pang nakauwi roon mula nang manirahan sila sa Manila noong elementarya pa lamang siya.Bagay iyon na hindi niya maunawaan sa kanyang ama. Ito ang may gustong huwag silang umuwi roon ng kanyang ina. Katunayan, iyon din ang madalas na pagmulan ng away ng kanyang mga magulang. Kung bakit hindi nais ng kanyang amang si Eduardo na magtungo silang mag-ina sa Sta. Monic

  • His Scarred Heart   CHAPTER 3

    "Are you sure you can drive now? Baka kung saan ka na naman bumangga, Jossa?" natatawang saad ni Brix sa kanya, anak ng isa sa malalapit na kaibigan ng kanyang Daddy Eduardo.Malapit sa kanya ang binata. Bago pa man sila manirahan sa Manila ay talagang madalas na niya itong nakakasama sapagkat lagi na ay nagpupunta ito sa kanilang bahay kasama ang mga magulang nito.Kasabay ng paglipat nila sa Manila ay ang paninirahan din doon ni Brix. Doon din kasi nito napiling ituloy ang pag-aaral dahilan para hindi maputol ang ano mang komunikasyong mayroon silang dalawa. Mas naging malapit pa sila at sa ilang pagkakataon ay marami ang nag-aakalang may relasyon sila ng binata.Bagay iyon na pinagtatawanan niya lang sa tuwing may nang-uusisa. Wala silang relasyon ni Brix maliban sa malalim na pagkakaibigan. Sa kabila ng madalas silang magkasama ay hindi man lang nahulog ang damdamin niya dito sa romantikong paraan.Sa panig niya ay oo... pero hindi kay Brix.Alam niyang may pagtanggi ito para sa k

  • His Scarred Heart   CHAPTER 4

    Mataman na nakatitig si Jossa sa kanyang ama habang masaya itong nakikipag-usap sa mga kasama nila. Kasalukuyan silang nasa isang sitio sa Sta. Monica kung saan ilang residente ang kinatagpo ni Eduardo.Nang sabihin nitong uuwi sila sa bayang iyon at doon na mananatili ay halos makadama siya ng pinaghalong inis at pagtataka. Inis, hindi dahil sa hindi niya nais ang lugar. In fact, she loved Sta. Monica. Dito rin naman siya nanirahan hanggang elementarya at sa kabila ng mga taon na nagdaan ay hindi niya nakalimutan ang nasabing bayan.Nakadarama lang siya ng inis sa kanyang ama dahil kung kailan wala na ang kanyang Mommy Lucille ay saka lamang ito nakaisip na bumalik sa Sta. Monica. Nang nabubuhay pa ay iyon ang lagi na'y hiling ng kanyang ina.Nagtaka din siya kung ano ang dahilan ni Eduardo sa biglaang desisyong iyon. Sa nakalipas na mga taon ay nagagawa naman nitong pamahalaan ang EL Garment Factory kahit pa sa Manila sila nakatira. Nariyan naman ang makabagong teknolohiya na ginaga

  • His Scarred Heart   CHAPTER 5

    Ilang minuto nang nasa loob ng sasakyan ni Lemuel si Jossa ngunit hindi pa rin siya makaimik. Pinanatili niya ang kanyang paningin sa harapan ng owner jeep kahit pa halos magkagulo na ang buong sistema niya dahil sa presensiya ng binatang nasa tabi niya lamang.Gusto niya lang mapag-isa kanina at magpalipas ng hinanakit na nadarama para sa kanyang ama kaya siya nagtungo sa may dagat. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na makikita niya roon si Lemuel. Hindi niya pa nga inasahan ang ginawa nitong paggiya sa kanya papasok sa pag-aari nitong owner jeep.Nang magsimulang pumatak ang ulan, ang balak niya ay tumakbo na sana patungo sa kinapaparadahan ng kanyang kotse. Hindi niya nga lang nagawa sapagkat agad na siyang hinawakan ng binata saka inakay papasok sa owner jeep nito. Wala siyang nagawa kundi ang pumasok na sa may passenger's seat habang ang binata ay umikot sa may panig ng manibela.Both of them were silenced for a while. Wari bang kapwa sila nakikiramdam sa isa't isa. Si Jossa ay

  • His Scarred Heart   CHAPTER 6

    Nakakunot ang noo ni Jossa habang abala siya sa pagpukpok ng pako sa isang kawayang ikinakabit niya sa isang kahoy. Kanina pa sila nagsimula ni Lemuel at itinuro nga nito sa kanya ang mga dapat niyang gawin.Pagdating niya sa bahay ng mga ito ay naroon na ang mga kawayang nahati-hati na upang ipangpalit sa bakod na nasira niya. Hindi niya pa inasahang sa ganoong paraan siya "pagbabayarin" ng binata sa pinsalang nagawa niya sa naturang bakod. She was willing to pay. In fact, nagdala talaga siya ng pera upang ipangbayad sa binata. Hindi niya sukat akalain na literal na pagpapatrabahuin siya nito sa mga oras na iyon.Tinulungan niya itong ikabit ang mga nahating kawayan. Halos patapos na sila at damang-dama na ni Jossa ang ilang butil ng pawis na namumuo sa kanyang mukha. Iyon ang unang pagkakataong nagawa niya ang ganoon.At damang-dama niya rin ang maya't mayang paglingon sa kanya ni Lemuel. Hindi niya itinago rito ang yamot sa kanyang mukha na wari nama'y balewala sa binata. Parang hi

  • His Scarred Heart   CHAPTER 7

    Ilang minuto muna ang pinalipas ni Lemuel bago siya sumunod sa paglabas ng kanyang Tatay Simeon. Nanatili muna siya sa kusina habang hindi pa rin naaalis ang ilang katanungang nabuo sa kanyang isipan. Palaisipan pa rin sa kanya kung ano nga ba ang ugnayan ng kanyang amain sa mga magulang ni Jossa.Nang magpasya nang lumabas ay sa may shop na siya dumiretso. Nasa may entrada pa lang ay rinig na rinig na niya ang masayang pagkukuwento ni Art tungkol sa ilang kasangkapang nagawa na nila para sa kanilang mga kliyente. Naabutan niya pang binabanggit nito kung gaano kagaling ang kanyang Tatay Simeon sa ganoong gawain."Kapag ganitong mga kagamitan talaga ay rekomendado ng mga taga-rito si Tatay Simeon. Kahit saan ka magtanong ay dito ka ituturo ng mga tao," pagbibida pa ng kaibigan niya."Magaganda nga ho ang mga gawa ninyo," narinig niyang sabi ni Jossa.Nakatayo na siya ilang hakbang mula sa mga ito kaya kitang-kita niya ang pagngiti ng dalaga habang nagsasalita. The smile was authentic.

  • His Scarred Heart   CHAPTER 8

    Agad na napatingala si Jossa nang iabot sa kanya ni Lemuel ang maliit na bote ng isang softdrink. Bukas na iyon at may nakalagay nang isang straw. She got it and uttered her thanks to him."Ang lalim na naman yata ng iniisip mo," komento nito sabay upo sa kanyang tabi.Kasalukuyan silang nakapuwesto sa isang mesa ng isang kainang malapit lamang sa may dagat. Dahil nga sa may mangilan-ngilang tao ang madalas na pumaparoon ay laging may bukas na mga kainan sa naturang lugar.Si Lemuel ang nag-aya sa kanya na pumaroon. It has been three weeks since they painted their fence. Sa loob ng tatlong linggong iyon ay may ilang pagkakataong dumadaan pa rin siya sa bahay ng mga ito para dumalaw.Ngunit kaiba ang hapong iyon. Inaya siya ni Lemuel sa may dagat sa halip na hayaan lang siyang nakatambay sa shop at panoorin ang mga itong magtrabaho. Iyon ang dahilan kung bakit sila naroon. Dala niya ang kotse nang magtungo sa shop ngunit nang mag-aya ang binata ay ang motorsiklo nito ang ginamit nila.

Latest chapter

  • His Scarred Heart   FINAL CHAPTER

    Six months later:Pinasadahan ni Lemuel ng tingin ang kanyang ginagawa. Kasalukuyan niyang pinipinturahan ang bakod ng bahay nila sa may Sta. Monica. Matapos ng ilang buwan ay ngayon lamang siya ulit nakabalik doon. Kaya naman, kinuha na niya ang naturang pagkakataon para asikasuhin ang ilang bagay na dapat ayusin sa bahay, na sa loob ng ilang taon ay naging tirahan nila ng kanyang Tatay Simeon.Kahapon siya dumating sa Sta. Monica kasama si Jossa at ang dalawang bata. Dahil sa weekend naman ay naisipan nilang umuwi sa probinsiyang kilakihan niya. The house was well-maintained. Kompleto na rin doon ng mga kagamitan na ang iba ay sadyang binili niya pa para sa bahay na iyon. Sa kabila kasi ng katotohanang sa Manila na sila naninirahan, gusto niya pa rin namang balik-balikan ang bahay kung saan siya lumaki.May kapitbahay sila na kinuha niyang tagabantay ng naturang bahay. Namamantini naman ang kalinisan niyon ngunit may mangilan-ngilan pa ring bahagi na kailangan nang palitan at ayusin

  • His Scarred Heart   CHAPTER 53

    Masigabong palakpakan ang pumailanlang sa paligid nina Jossa at Lemuel matapos sabihin ng pari na opisyal na silang mag-asawa. Agad pa siyang hinawakan ni Lemuel sa kanyang braso at marahang iniharap dito nang sabihing maaari na siyang halikan ng kanyang asawa.Her lips broke into a smile. Asawa--- kaysarap banggitin ng naturang salita. Matapos ng lahat ng pinagdaanan nila ni Lemuel, ngayon ay opisyal na nga silang mag-asawa. Pagkalipas ng halos limang buwan ay naidaos din ang kanilang kasal. Madaliang preparasyon lamang ang naganap. Hindi na rin kasi nais patagalin pa ni Lemuel. Ang gusto nito ay maikasal na sila agad at magsama sa iisang bubong kapiling ang kanilang anak.Everything was okay between them. Tuluyan na ring natapos ang lahat ng pagsubok na pinagdaanan nila. Pati ang tungkol kay Masha ay naayos na rin. They filed a case against her. Katunayan ay kinausap siya ni Lemuel tungkol sa bagay na iyon at sa kanya nito binigay ang pagpapasya sa kung ano ang dapat gawin, bagay na

  • His Scarred Heart   CHAPTER 52

    Matamang nakatutok ang mga mata ni Lemuel kay Masha habang naglalakad siya palapit dito. Kasalukuyang nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang dalaga. Nakaupo ito sa isang silya habang sa kanya rin nakatuon ang paningin, sadyang naghihintay na tuluyan siyang makalapit.Malalim siyang napabuntonghininga bago naupo sa silyang kaharap nito. Pinuntahan niya ang dating nobya upang makausap ito nang sarilinan. Jossa knew about it. Ipinaalam niya sa dalaga ang balak na pakikipag-usap kay Masha.Ngunit bago pa man siya umalis sa apartment ng kanyang mag-ina ay siniguro niya munang maayos na ang kalagayan ng mga ito. Naghintay muna siyang dumating ang dalawa pa sa mga tauhan ni Trace upang magbantay kay Jossa at sa mga bata.Jossa was against it. Iginiit nito na ayos lang ang mga ito at maaari na siyang umalis upang makipag-usap kay Masha. But Lemuel insisted what he wanted. Gusto niya lang masiguro ang kaligtasan ng kanyang mag-ina kaya kahit ayaw ni Jossa ng ideya na may magbabantay sa mga ito

  • His Scarred Heart   CHAPTER 51

    Hindi mapigilan ni Lemuel ang mapangiti habang nagmamaneho. Hindi kasi mawala sa isipan niya si Jossa at ang mga nangyari sa kanila kahapon. Wari bang ang mga pangyayaring iyon ay nagdagdag ng sigla sa buhay niya. Masaya siyang malaman na maayos na nga ang lahat sa pagitan nilang dalawa.He inhaled an air as he sat up straight. Patuloy lang siya sa pagmamaneho habang tumatakbo sa isipan niya ang mga binabalak gawin. He wanted to propose to Jossa. Napag-usapan na nila iyon ng dalaga at nasabi na rin nitong tinatanggap nito ang kanyang alok. She loved him, he could feel it. At mahal na mahal niya rin ito. Kung maaari nga lang na ngayon pa lang ay magsama na sila agad ay ginawa na niya.But he wanted to give her the wedding proposal that she deserved. Gusto niya itong bilhan ng singsing na nararapat para rito. Alam niyang simpleng tao lamang si Jossa. Hindi mahalaga para sa dalaga ang mga materyal na bagay. Nevertheless, Lemuel still wanted to give her the wedding ring that every girl dr

  • His Scarred Heart   CHAPTER 50

    Hawak ni Lemuel ang kamay ni Jossa habang naglalakad. Pasado alas-nueve na ng gabi at kababalik lang nila sa bahay nina Trace. Kaninang umaga pa sila umalis ng dalaga para katagpuin ang abogado ni Eduardo at iniwan nga nila roon sina Lianna at Darlene. Kung tutuusin ay kanina pa nag-aaya si Jossa na balikan na nila ang dalawang bata. Siya lang itong nagpumilit na manatili pa muna sa kanyang tinitirhan.And it was because of one reason. He can't get enough of her. Pakiramdam ni Lemuel ay kulang pa ang isang buong araw para makasama niya ang dalaga. Gusto niya pang makapiling ito nang sarilinan... nang silang dalawa lang talaga. And another thing, taking her once was not enough for him. He still wanted her... again and again.At iyon ang dahilan kung bakit sila natagalan sa pagbalik sa bahay nina Trace. Ang pagtatalik nila ni Jossa ay nasundan pa ng dalawang beses. Kung hindi lang nga dahil sa mga bata ay baka hindi niya gustuhing lumabas sila si Jossa sa kanyang silid. Gusto niyang ba

  • His Scarred Heart   CHAPTER 49

    Halos mapugto ang hininga ni Jossa dahil sa ginagawa ni Lemuel sa kanyang katawan. The mind-blowing sensation brought by what he's doing almost made her forget anything else. Ang tanging laman na lang ng isipan niya ay ang ginagawa nito na halos nagpabaliw na sa kanya."L-Lemuel..." She sucked in her breath as she felt his tongue touching the portal of her femininity. Mahigpit pa siyang napahawak sa bedsheet ng higaan nito. Kung sakaling nakatayo lang siya ay baka kanina pa nanghina ang mga tuhod niya dahil sa ginagawa nitong pagpapala sa kanyang pagkababae.Something was building inside of her. Damang-dama niya iyon sa kanyang kaibuturan at alam niyang napuna ni Lemuel na malapit na niyang marating ang sukdulan. But instead to continue so she can reach her climax, Lemuel stopped what he was doing. Lumipat ang mga labi nito patungo sa kanyang kanang hita at doon ay pinaulan ng halik ang kanyang balat. Sa kung ano mang kadahilanan ay para siyang nakaramdam ng kakulangan nang abandonahi

  • His Scarred Heart   CHAPTER 48

    Marahang iginala ni Jossa ang kanyang paningin sa loob ng tinitirhan ni Lemuel. Pagkapasok sa loob ay agad na isinara ng binata ang pinto saka ito dumiretso sa kusina. Mula sa kanyang kinatatayuan ay nakita niya ang pagbukas nito ng ref at pagkuha mula roon ng tubig na nasa pitsel. Agad itong nagsalin sa isang baso at bago pa man uminom ay nagtanong pa muna ito sa kanya."Do you want to drink?"Umiling lang siya rito at nanatili lang sa may sala. Si Lemuel naman ay inubos muna ang tubig na nasa baso saka naglakad na pabalik sa kanya. Basta na lang din nito iniwan sa ibabaw ng lababo ang pitsel at basong pinag-inuman."Matagal ka na ba ritong nakatira?" usisa niya. Gusto niya lang na may mapag-usapan. Nababalot kasi siya ng pagkailang dahil sa kaalaman na silang dalawa lamang doon ni Lemuel. Mula nga sa shop na pag-aari ng binata ay doon na sila dumiretso."Ilang taon na rin," tugon nito. "Mas dito ko na piniling tumira. Katulad mo, gusto ko na rin lumayo sa Sta. Monica. Though, sinisi

  • His Scarred Heart   CHAPTER 47

    "Are you sure about that, Miss Lodado? H-Hindi ka ba nabibigla lang sa pasya mo?" halos hindi makapaniwalang tanong kay Jossa ng abogado ng kanyang Daddy Eduardo. Kasama niya ito ngayon na sadyang nakipagkita sa kanya upang pag-usapan nila tungkol sa ilang mahahalagang bagay.Kasalukuyan silang nasa isang sikat na restaurant. Kaharap niya sa pagkakaupo ang matandang abogado habang katabi niya naman si Lemuel na hindi pumayag na lumakad siya nang mag-isa.Nang tawagan siya ng abogado ay agad siyang nagpasya na makipagkita rito. Ngunit sa halip na tanggapin ito bilang bisita sa inuupahan nilang apartment ay mas pinili na lamang ni Jossa na katagpuin ito sa ibang lugar. Hindi niya alam pero hindi niya gustong tumanggap ng ibang bisita sa bahay na inuupahan nila ng mga bata.When Lemuel learned about it, he initiated to come with her. Hindi na siya umangal pa. Alam niyang nag-aalala pa rin ang binata para sa kapakanan niya at nina Lianna at Darlene lalo na ngayong hindi pa rin nahahanap n

  • His Scarred Heart   CHAPTER 46

    Maang na napatitig si Jossa kay Lemuel. Halos hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito. Nang makita ng binata ang naging reaksiyon niya ay mabilis itong humakbang palapit at agad na hinawakan ang kanyang mga kamay. Ramdam pa ni Jossa ang marahan nitong pagpisil doon."Makinig ka sa akin, Jossa," wika nito. "It's not what you think. I have no choice that time. Pinasok ko ang trabahong iyon kapalit ng pagtulong sa akin ni Alejandro na makalabas ng kulungan. He was my last resort.""G-Gaano ka katagal na nagtrabaho sa organisasyong iyon?" usisa niya."Maraming taon din, Jossa. Nahinto lang nang piliin ni Alejandro na tumiwalag sa organisasyon nila. Ang kanyang ama na muli ang namamahala niyon. Nang umalis siya sa grupo ay mas pinili kong mamuhay na rin nang tahimik. I started a shop just like what Tatay Simeon used to have when we were still in Sta. Monica. Iyon na lang ang pinagkakaabalahan ko ngayon.""Si... Si Trace? Parte rin siya niyon?""Ang aming ama ang mas naunang naging parte

DMCA.com Protection Status