Share

CHAPTER 6

last update Huling Na-update: 2024-03-12 15:14:16

Nakakunot ang noo ni Jossa habang abala siya sa pagpukpok ng pako sa isang kawayang ikinakabit niya sa isang kahoy. Kanina pa sila nagsimula ni Lemuel at itinuro nga nito sa kanya ang mga dapat niyang gawin.

Pagdating niya sa bahay ng mga ito ay naroon na ang mga kawayang nahati-hati na upang ipangpalit sa bakod na nasira niya. Hindi niya pa inasahang sa ganoong paraan siya "pagbabayarin" ng binata sa pinsalang nagawa niya sa naturang bakod. She was willing to pay. In fact, nagdala talaga siya ng pera upang ipangbayad sa binata. Hindi niya sukat akalain na literal na pagpapatrabahuin siya nito sa mga oras na iyon.

Tinulungan niya itong ikabit ang mga nahating kawayan. Halos patapos na sila at damang-dama na ni Jossa ang ilang butil ng pawis na namumuo sa kanyang mukha. Iyon ang unang pagkakataong nagawa niya ang ganoon.

At damang-dama niya rin ang maya't mayang paglingon sa kanya ni Lemuel. Hindi niya itinago rito ang yamot sa kanyang mukha na wari nama'y balewala sa binata. Parang hindi nga ito naaawa sa kanya at talagang pinagtrabaho siya ng bakod ng mga ito.

Nagpatuloy siya sa pagpukpok hanggang sa naikabit niya ulit ang isang kawayan. Muli siyang kumilos upang abutin ang isa pa at nang maikabit na rin. But as she turned to get it, her eyes met Lemuel's. Hawak din nito ang isang martilyo at sa kabilang dulo naman gumagawa.

Nahinto siya sa akmang pagkuha ng pako at kawayan. Hindi niya man gustong aminin pero nailang siya dahil sa paninitig nito.

"What?" tanong niya.

Nagkibit ito ng mga balikat at muling nilingon ang ginagawa. Sinimulan na nitong pukpukin ulit ang kawayang nasa harapan saka nagsalita.

"Bumili ng meryenda si Art. Pumasok ka na roon. Ako na ang magtatapos niyan," anito sa balewalang tinig.

Sa halip na tumalima sa mga sinabi nito ay mas lalo siyang nayamot. Ngayon pa talaga nito naisipang pahintuin siya gayung patapos na ang ginagawa nilang dalawa. Nakasimangot na inabot niya ang isa pang kawayan at kumuha na rin ng isang pako. Ang ginawa niya ay naging dahilan pa para lumingon ulit sa kanya ang binata.

"Ang sabi ko ay---"

"Tapusin na natin ito. Baka sabihin mo, hindi na naman bukal sa loob ko ang pagtulong," putol niya sa sasabihin ni Lemuel. Ni hindi niya itinago ang pagpapasaring sa kanyang tinig.

"Kaunti na lang iyan. Ako na ang magtatapos."

Hindi siya nagsalita. Sinimulan na niyang pukpukin ang panibagong kawayan. Ni hindi na nga niya alintana kung nakabestida man siya habang halos nakasalampak na roon.

Naramdaman niya ang pagtayo ni Lemuel at paghakbang palapit sa kanya. "Akin na iyan," saad nito at akma sanang kukunin sa kamay niya ang martilyo.

"I will just finish it," wika niya.

Nang makita niyang pipigilan sana siya nito sa kanyang ginagawa ay binilisan na niya ang pagpukpok sa pako. Nais niyang maibaon na iyon bago pa man nito makuha ang hawak niya. Sa pagnanais na matapos agad ay hindi sinasadyang dumaplis ang dulo ng martilyo sa kanyang daliring may hawak sa pako.

"Oh, damn!" naibulalas niya sabay hinto sa kanyang ginagawa.

Mabilis namang kumilos si Lemuel. Kinuha na nito ang martilyo mula sa kamay niya at basta na lang iyon ibinaba sa lupa. At bago niya pa man ito mapigilan ay hinawakan na ng binata ang kanyang kamay upang matingnan ang daliri niyang natamanan.

"Ang sabi ko kasi sa iyo, ako na ang tatapos nito."

"It's your fault," bwelta niya dito. "Kung hindi mo sana aagawin iyang martilyo ay hindi ako magmamadali sa ginagawa ko."

Hindi pinansin ni Lemuel ang mga sinabi niya. Bigla nang nanlaki ang mga mata ni Jossa nang iangat ng binata ang kanyang kamay na ngayon niya lang napansing hawak pa pala nito. To her surprise, inilapit iyon ni Lemuel sa may labi nito at bago pa man siya makapagbigay ng reaksyon ay nadama niya na ang paghipan ng binata sa daliri niyang tinamaan ng martilyo.

She stared at his face intently. Mistulang balewala lang naman sa binata ang ginagawa at para bang nais lang talaga nitong matingnan kung ayos lang ba ang daliri niya. Pero sa panig ni Jossa ay nakadarama na siya ng pagkailang lalo na nang maramdaman niya ang mainit na hininga nitong dumadampi sa kanyang balat.

"Pasalamat ka't hindi masyadong malakas ang pagkakatama ng martilyo sa iyo. Kung hindi ay mangingitim itong kuko mo," anito sabay titig sa kanya.

Lemuel suddenly stopped on his track as he stared at her face. Alam niyang napansin nito ang natitigilang ekspresyon sa kanyang mukha.

For a moment, they just stared at each other. It was as if both of them fell into a spell and no one was able to speak. Kapwa lang sila nakatitig sa isa't isa habang nanatiling hawak-hawak ni Lemuel ang kanyang kamay.

Alam ni Jossa na nababanaag na sa kanyang mukha ang labis na pagkalito at hindi niya alintana kung kita man iyon ng binata. She can't help but to feel that way. She can't explain the emotion that she suddenly felt as Lemuel held her hand and their eyes met.

Maging ito man ay natigilan, kung bakit ay hindi niya alam ang dahilan. Mataman lang din itong nakatitig sa kanya na wari bang pinag-aaralan ang kabuuan ng kanyang mukha.

Hanggang sa dahan-dahan niyang binawi ang kanyang kamay na hawak-hawak nito. Mabilis lang sanang magagawa iyon sapagkat hindi naman mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Lemuel. But Jossa almost took forever to do it. Naging marahan ang pagbaba niya ng kanyang kamay habang magkahinang pa rin ang kanilang mga mata.

"Masakit pa ba?" anito. Mistula bang naitanong lang nito iyon upang mabasag ang nakabibinging katahimikang lumukob sa kanilang dalawa.

"I-I..." She lost for words to say. Nakaawang lang ang kanyang bibig at hindi makaapuhap ng tamang salitang sasabihin.

Until the spell that enveloped them was broken when suddenly, a tricycle stopped in front of the shop. Mabilis pa sa alas-kwatro na dumistansiya si Jossa mula kay Lemuel at nilingon ang bagong dating.

It was Lemuel's father--- si Simeon. Bumaba ito mula sa tricycle habang bitbit ang ilang malalaking plastic bag. Kinukuha pa nito ang sukli mula sa driver ngunit ang mga mata nito ay sa kanya na nakatuon.

Agad nilapitan ni Lemuel ang matandang lalaki at kinuha ang mga dala nito. Si Art din ay nakita niyang nagmamadaling lumabas mula sa kabahayan nang marinig ang tunog ng naturang tricycle.

"Nariyan ka na pala, 'tay," wika ni Art sabay kuha na rin kay Lemuel ng iba pang plastic bag. Nagpatiuna na ito sa paglakad papasok.

Si Jossa naman ay nanatili sa kanyang kinatatayuan habang mataman siyang pinagmamasdan ni Simeon.

"Ano ang ginagawa mo rito, hija? J-Jossa... tama ba?"

Marahan siyang tumango. "O-Opo... Jossa po."

"'Tay, kasi..." sabat ni Lemuel habang napapakamot pa ng ulo. "Ano... kasi tumulong si Jossa sa pag-aayos ng bakod."

"Pag-aayos? Ano ang ibig mong sabihing tumulong sa pag-aayos?"

Jossa harshly turned to look at Lemuel. It was so obvious that Tatay Simeon didn't know anything. Kita pa nga sa mukha ng binata na para itong batang hindi alam ang isasagot sa ama. Sadyang pinagtrabaho lang ba siya nito para pag-tripan?

"T-Tumulong ho ako sa pagkabit ng bagong bakod. Iyon ho kasi ang hininging "kabayaran" ng anak mo kapalit ng nasira ko," singit niya sa usapan, sadyang pinagdiinan pa ang bawat salitang binitawan.

"Lemuel!"

"'Tay, hindi naman ho lahat. Ako pa rin naman po ang may gawa---"

"Sumunod ka sa akin sa loob," putol nito sa pagpapaliwanag ni Lemuel. "Ikaw, hija, pagpasensiyahan mo itong anak ko. Puno ito ng kapilyuhan sa katawan. Pumasok ka muna sa loob para makapagmeryenda."

Pagkawika niyon ay nagpatiuna na ang matandang lalaki sa pagpasok sa loob. Hindi pa nakaligtas sa kanya ang pag-iwan nito kay Lemuel ng isang nananaway na tingin.

Nang sila na lamang dalawa ang naroon ay nagsalita si Jossa. "So, your father didn't know anything, huh? I wonder kung paano ka pagagalitan ngayon?"

Bahagya niya pa itong inirapan bago sumunod na sa pagpasok sa bakuran ng mga ito. Sa may shop ay isang maliit na mesa ang naroon kung saan nakapatong sa ibabaw ang kanyang shoulder bag. Doon na siya lumapit habang si Lemuel ay dire-diretso nang humakbang papasok sa mismong kabahayan. Nahuhulaan niyang mag-uusap muna ang mag-ama dahil sa ginawa ng binata.

*****

DUMIRETSO si Lemuel sa maliit nilang kusina. Doon ay naabutan niya pa ang kanyang Tatay Simeon na nag-uutos kay Art na maglabas ng meryenda para kay Jossa. Kanina ay pinabili na niya ang kanyang kaibigan ng banana que at turon kay Aling Nita, ang kapitbahay nilang naglalako talaga ng meryenda sa kanilang lugar. May juice na ring nakatimpla sa kanilang pitsel para sa inumin.

"Ilabas ko na ho ito," saad ni Art na tinanguan lang ng kanyang amain. Nang dumaan pa ito sa kanyang harapan ay isang nakalolokong ngiti pa ang ibinigay sa kanya ng mokong. Para bang sinasabi nitong lagot siya ngayon sa kanyang Tatay Simeon.

Nang makalabas si Art ay agad siyang hinarap ng matandang lalaki. Ni hindi nito itinago ang panenermon sa tinig nito nang magsalita.

"Ano itong ginawa mo, Lemuel? Hinayaan mong magtrabaho si Jossa ng bakod natin?"

"'Tay, hindi naman ho lahat. Iilan lang ho roon ang nagawa niya."

Bagay iyon na totoo naman. Halata ngang walang alam sa ganoong gawain ang dalaga. Halos hindi nga ito marunong gumamit ng martilyo. Dahilan pa iyon kung bakit naging mabagal ang pagkilos nito. Kung susumahin, halos siya pa rin talaga ang gumawa ng lahat.

"Kahit na, Lemuel," mariing saad ni Simeon. "Hindi ka ba nahiya roon sa dalaga. Pinagawa mo ng trabahong hindi niya naman yata ginagawa. At hindi ba't nasabi ko nang hindi kailangan bayaran ni Jossa ang nasira niya. Aksidente ang nangyari nang araw na iyon."

Hindi siya nakasagot. Paano niya ba sasabihin dito na hindi niya rin alam kung bakit niya iginiit na magtungo roon si Jossa at tulungan siyang mag-ayos ng bakod nila? He just wanted to know her more. There was something in her that got his interest, at ang hindi pagputol ng kanilang koneksyon ang nakikita niyang paraan para makilala pa ang dalaga.

"Humingi ka ng paumanhin kay Jossa, Lemuel."

"Tay, naman---"

"Hindi ka na nahiya roon sa tao," awat nito sa protesta niya. "Paano na lang kapag nalaman ni... ni Eduardo ang pinagawa mo sa kanya?"

Nang marinig ang pagbanggit nito sa pangalan ng ama ni Jossa ay agad din siyang natigilan. Kung pakikinggan kasi ang kanyang ama ay wari bang kilalang-kilala nito ang mga magulang ng dalaga.

"Gaano niyo ho kakilala ang ama at ina ni Jossa, 'tay? Magkakaibigan ho ba kayo? Wala kang nakukuwento sa akin tungkol sa mga Lodado."

Simeon refused to meet his eyes. Nilapitan nito ang isa sa mga plastic bag na dala nito kanina saka inilabas ang mga nilalaman. Kapag ganoon na ang ikinikilos ng kanyang amain ay alam niyang hindi na ito interesado pang pag-usapan ang kanilang paksa.

"Tay..." untag niya sa pananahimik nito.

"Walang kailangan ikuwento tungkol sa mga Lodado, Lemuel. Matagal na mula nang huli kong makaharap ang ama ni Jossa. Hindi ko na siya gaanong nakakausap mula nang ikasal sila ni... ni Lucille."

"Kilala niyo rin ho ba itong... Lucille?" usisa niya pa.

Simeon looked at him. "Kilala..." tipid nitong sagot.

"Bakit wala ho akong alam na---"

"Bata ka pa noon, Lemuel. At saka bakit ba iniiba mo ang usapan? Ang tungkol sa ginawa mo kay Jossa ang pinag-uusapan nating dalawa. Huwag mong iliko sa iba ang paksa nating dalawa."

Napakamot siya ng kanyang ulo. "'Tay, maniwala kayo, mas pabor pa nga kay Jossa ang ginawa niya ngayon. Ayaw mo noon, naturuan ko 'yong tao ng isang gawaing hindi niya alam."

Binitawan ni Simeon ang hawak nitong plastic bag at matamang pinagmasdan ang kanyang mukha. "Magandang babae si Jossa, Lemuel. At kilala kita pagdating sa mga babae. Huwag mong isama ang dalagang 'yon sa mga kalokohan mo. Makipagrelasyon ka na sa kahit kaninong babae, huwag lang sa anak ni Eduardo. Hindi mo kilala ang lalaking iyon."

Pagkasabi niyon ay lumabas na ng kusina si Simeon. Alam niyang tutuloy na ito sa kinaroroonan nina Art at Jossa. Samantalang si Lemuel ay hindi agad nakahuma sa kanyang kinatatayuan. Nahulog na siya sa malalim na pag-iisip. Hindi niya maiwasang magkadama ng kuryosidad tungkol sa ama ni Jossa.

Bakit kilala ito ng Tatay Simeon niya? At bakit parang kinaringgan niya ng pag-aalala ang tinig nito? Hindi ba maayos ang relasyon ng kanyang amain sa ama ni Jossa?

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
sna may ud na dito,magnda e
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
hays ,pulos hula nlng kmi author hahahaa, Anu nga ba Ang katotohanan sa likod nang lahat ng ito hmm
goodnovel comment avatar
Eden
dati xgurong magkarelasyon c lucille at simeon n inagaw ni eduardo,..dami q aabangan ah
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • His Scarred Heart   CHAPTER 7

    Ilang minuto muna ang pinalipas ni Lemuel bago siya sumunod sa paglabas ng kanyang Tatay Simeon. Nanatili muna siya sa kusina habang hindi pa rin naaalis ang ilang katanungang nabuo sa kanyang isipan. Palaisipan pa rin sa kanya kung ano nga ba ang ugnayan ng kanyang amain sa mga magulang ni Jossa.Nang magpasya nang lumabas ay sa may shop na siya dumiretso. Nasa may entrada pa lang ay rinig na rinig na niya ang masayang pagkukuwento ni Art tungkol sa ilang kasangkapang nagawa na nila para sa kanilang mga kliyente. Naabutan niya pang binabanggit nito kung gaano kagaling ang kanyang Tatay Simeon sa ganoong gawain."Kapag ganitong mga kagamitan talaga ay rekomendado ng mga taga-rito si Tatay Simeon. Kahit saan ka magtanong ay dito ka ituturo ng mga tao," pagbibida pa ng kaibigan niya."Magaganda nga ho ang mga gawa ninyo," narinig niyang sabi ni Jossa.Nakatayo na siya ilang hakbang mula sa mga ito kaya kitang-kita niya ang pagngiti ng dalaga habang nagsasalita. The smile was authentic.

    Huling Na-update : 2024-03-13
  • His Scarred Heart   CHAPTER 8

    Agad na napatingala si Jossa nang iabot sa kanya ni Lemuel ang maliit na bote ng isang softdrink. Bukas na iyon at may nakalagay nang isang straw. She got it and uttered her thanks to him."Ang lalim na naman yata ng iniisip mo," komento nito sabay upo sa kanyang tabi.Kasalukuyan silang nakapuwesto sa isang mesa ng isang kainang malapit lamang sa may dagat. Dahil nga sa may mangilan-ngilang tao ang madalas na pumaparoon ay laging may bukas na mga kainan sa naturang lugar.Si Lemuel ang nag-aya sa kanya na pumaroon. It has been three weeks since they painted their fence. Sa loob ng tatlong linggong iyon ay may ilang pagkakataong dumadaan pa rin siya sa bahay ng mga ito para dumalaw.Ngunit kaiba ang hapong iyon. Inaya siya ni Lemuel sa may dagat sa halip na hayaan lang siyang nakatambay sa shop at panoorin ang mga itong magtrabaho. Iyon ang dahilan kung bakit sila naroon. Dala niya ang kotse nang magtungo sa shop ngunit nang mag-aya ang binata ay ang motorsiklo nito ang ginamit nila.

    Huling Na-update : 2024-03-14
  • His Scarred Heart   CHAPTER 9

    It must be a whirlwind romance that happened to Jossa and Lemuel. Ilang araw na ang lumipas mula nang umamin ito ng nadarama sa kanya at tinotoo nga ng binata ang sinabi nito--- he courted her.Naging madalas ang pagpapalitan nila ng text messages, kung hindi man ay halos gabi-gabi ito kung tumawag sa kanya matapos nilang kunin ang cell phone number ng bawat isa. May mga pagkakataon ding pumupunta pa rin siya sa bahay ng binata at tumatambay sa shop habang kakuwentuhan ito at sina Tatay Simeon at Art. Kung wala ring pasok sa unibersidad si Lemuel ay namamasyal sila. Hindi na lang sa may dagat, maging sa ibang lugar ay nadala na siya nito.Jossa was happy, she could say that. Maaaring hindi pa nga natatagalan mula nang makilala niya si Lemuel pero masaya siyang kasama ito. Pakiramdam niya nga ay nahuhulog na rin ang damdamin niya para sa binata."Bakit ayaw mong ituloy ang pag-aaral mo ng medisina? Ayaw mo bang magdoktor?" magkasunod na usisa sa kanya ni Lemuel isang hapong magkasama u

    Huling Na-update : 2024-03-15
  • His Scarred Heart   CHAPTER 10

    Maya't maya ang sulyap ni Jossa sa kanyang ama habang nasa harap sila ng hapag-kainan. Gabi at oras ng kanilang hapunan. Pang-sampuan ang mesa sa kanilang komedor pero sila lamang mag-ama ang naroon. Ilang putahe rin ang nakahain sa kanilang harapan na mistula bang may selebrasyong kailangang ipagdiwang.Sa tuwina ay ganoon ang senaryo kapag kakain sila. Kahit nang nabubuhay pa ang kanyang ina ay laging maramihan kung magluto ang mga katulong. And yes, money was never a problem for them. Nakakain nila kung ano man ang gustuhin nila. Kumpara sa ibang pamilya, hindi problema para sa kanila ang kakainin sa araw-araw.Ganoon pa man, masasabi niyang hindi siya masaya sa kung ano ang mayroon siya. Not that she was not thankful with all the blessings that they have. Of course, pinagpapasalamat niya ang lahat ng iyon. Ang hindi niya lang ikinakasaya ay ang mga pagkakataong katulad na lang ngayon. Napakaraming pagkain sa harap nila ng kanyang ama pero halos hindi naman sila nagkikibuang dalawa

    Huling Na-update : 2024-03-16
  • His Scarred Heart   CHAPTER 11

    Agad na binalot ng kakaibang kaba si Jossa nang basta na lamang may humila sa kanyang braso at dalhin siya sa likurang bahagi ng kanilang sasakyan. Sa gulat na naramdam ay gusto niya pa sanang mapatili ngunit naging maagap ang may hawak sa kanya. Mabilis nitong tinakpan ang kanyang bibig gamit ang isang palad nito.Tuluyan na sana siyang matatakot kung hindi niya lang nakilala ang boses nito nang magsalita."Huwag kang sisigaw, Jossa. Baka akalain ng iba, eh, dudukutin kita.""Lemuel!" gilalas niyang sabi nang alisin nito ang kamay sa kanyang bibig. Isinandal din siya ng binata sa kanilang sasakyan upang magkaharap silang dalawa."Did you miss me, love?" tanong nito nang may ngiti sa mga labi.She was stunned, at samu't sari ang naging dahilan kung bakit siya natigilan. Una, ang labis na pagka-miss sa lalaking kaharap. Dahil nga sa pagpunta niya sa Manila at pagiging abala sa kampanya ng kanyang ama ay naging bihira ang pagkikita nila. She missed him so much and seeing him now overwhe

    Huling Na-update : 2024-03-18
  • His Scarred Heart   CHAPTER 12

    Marahang isinara ni Jossa ang pinto sa may driver's seat nang makababa siya ng kanyang sasakyan. Iginala niya pa ang kanyang paningin sa paligid bago dahan-dahan nang naglakad palapit sa bahay na kanyang sadya, ang kina Lemuel. Tulad nga ng sinabi niya sa kanyang kasintahan kahapon ay sinadya niya ang bahay ng mga ito. Sinamantala niyang hindi siya isinama ng kanyang ama sa lakad nito sa araw na iyon.She roamed her eyes around the shop of Tatay Simeon. Katulad ng karaniwang senaryo, nagkalat ang mga kahoy at iba pang kagamitang ginagamit nina Lemuel sa pagtatrabaho. Ang kaibahan lang, walang tao sa mismong shop.Her eyes darted on the entrance of their house. Walang tao sa may shop ngunit bukas naman ang pinto ng mismong kabahayan kaya nasisiguro niyang may tao roon. And it was when she started walking towards their house. Dahil sa nakabukas naman iyon ay nais niya na lang sanang dumiretso sa loob.Ngunit agad nang natigilan si Jossa nang sa paglapit niya sa pintuan ay siya namang pa

    Huling Na-update : 2024-03-19
  • His Scarred Heart   CHAPTER 13

    Hindi malaman ni Jossa kung ano ang nag-udyok sa kanya para magpahinuhod sa nais mangyari ni Lemuel. Nang akayin siya ng binata patungo sa silid nito ay hindi na siya nagprotesta. May agam-agam sa simula ngunit nang mailapat ni Lemuel pasara ang pinto ng kwarto nito at agad siyang hinalikan ulit ay tinangay na ng hangin ang ano mang matinong katwirang mayroon siya sa kanyang isipan.Malalim, mapang-angkin at agresibo ang halik na pinagsasaluhan nilang dalawa. Magkalapat pa ang kanilang mga labi nang dahan-dahan siyang igiya ni Lemuel palapit sa pang-isahang papag nito. The moment her legs touched the edge of his bed, it should have been a wake up call for her. Dapat ay naalarma na siya sapagkat alam niyang oras na maihiga siya roon ng binata, hindi na niya mapipigilan ang nais nitong mangyari.But Jossa became submissive. Nagpadala siya sa init na nadarama at hinayaan si Lemuel na tuluyan siyang maihiga roon. Sumunod sa kanya ang binata at halos kalahati ng katawan nito ay nakadagan n

    Huling Na-update : 2024-03-20
  • His Scarred Heart   CHAPTER 14

    Naging mabagal ang paglalakad ni Jossa papasok sa kanilang bahay nang maulinigan niya ang masayang kuwentuhan sa may sala. Hindi niya pa man nakikita ngunit nakilala na niya ang tinig ng mga kausap ng kanyang Daddy Eduardo--- sina Brix at ang ama nitong si Danilo.Kung tutuusin ay sanay siyang naroon ang mag-ama. Dahil sa malapit na malapit sina Danilo at Eduardo ay madalas na magkasama ang mga ito. Pero nitong mga nakalipas na araw ay iba na ang pakiramdam ni Jossa sa tuwing nadadatnan niya sa kanilang bahay ang mag-amang Santiago. Alam niya kasi na may iba nang motibo ang dalawang matandang lalaki kung bakit nais lagi ng mga itong magkakasama-sama sila. Iyon ay ang mas ipaglapit pa sila ni Brix.She heaved out a deep sigh before she continued walking. Tulad ng inaasahan, natigil sa usapan ang mga ito nang bumungad siya sa may sala. Si Eduardo ang unang gumawa ng kilos. Mabilis itong tumayo mula sa pagkakaupo at nilapitan siya."Narito na pala si Jossa. We can now start talking, pare,

    Huling Na-update : 2024-03-21

Pinakabagong kabanata

  • His Scarred Heart   FINAL CHAPTER

    Six months later:Pinasadahan ni Lemuel ng tingin ang kanyang ginagawa. Kasalukuyan niyang pinipinturahan ang bakod ng bahay nila sa may Sta. Monica. Matapos ng ilang buwan ay ngayon lamang siya ulit nakabalik doon. Kaya naman, kinuha na niya ang naturang pagkakataon para asikasuhin ang ilang bagay na dapat ayusin sa bahay, na sa loob ng ilang taon ay naging tirahan nila ng kanyang Tatay Simeon.Kahapon siya dumating sa Sta. Monica kasama si Jossa at ang dalawang bata. Dahil sa weekend naman ay naisipan nilang umuwi sa probinsiyang kilakihan niya. The house was well-maintained. Kompleto na rin doon ng mga kagamitan na ang iba ay sadyang binili niya pa para sa bahay na iyon. Sa kabila kasi ng katotohanang sa Manila na sila naninirahan, gusto niya pa rin namang balik-balikan ang bahay kung saan siya lumaki.May kapitbahay sila na kinuha niyang tagabantay ng naturang bahay. Namamantini naman ang kalinisan niyon ngunit may mangilan-ngilan pa ring bahagi na kailangan nang palitan at ayusin

  • His Scarred Heart   CHAPTER 53

    Masigabong palakpakan ang pumailanlang sa paligid nina Jossa at Lemuel matapos sabihin ng pari na opisyal na silang mag-asawa. Agad pa siyang hinawakan ni Lemuel sa kanyang braso at marahang iniharap dito nang sabihing maaari na siyang halikan ng kanyang asawa.Her lips broke into a smile. Asawa--- kaysarap banggitin ng naturang salita. Matapos ng lahat ng pinagdaanan nila ni Lemuel, ngayon ay opisyal na nga silang mag-asawa. Pagkalipas ng halos limang buwan ay naidaos din ang kanilang kasal. Madaliang preparasyon lamang ang naganap. Hindi na rin kasi nais patagalin pa ni Lemuel. Ang gusto nito ay maikasal na sila agad at magsama sa iisang bubong kapiling ang kanilang anak.Everything was okay between them. Tuluyan na ring natapos ang lahat ng pagsubok na pinagdaanan nila. Pati ang tungkol kay Masha ay naayos na rin. They filed a case against her. Katunayan ay kinausap siya ni Lemuel tungkol sa bagay na iyon at sa kanya nito binigay ang pagpapasya sa kung ano ang dapat gawin, bagay na

  • His Scarred Heart   CHAPTER 52

    Matamang nakatutok ang mga mata ni Lemuel kay Masha habang naglalakad siya palapit dito. Kasalukuyang nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang dalaga. Nakaupo ito sa isang silya habang sa kanya rin nakatuon ang paningin, sadyang naghihintay na tuluyan siyang makalapit.Malalim siyang napabuntonghininga bago naupo sa silyang kaharap nito. Pinuntahan niya ang dating nobya upang makausap ito nang sarilinan. Jossa knew about it. Ipinaalam niya sa dalaga ang balak na pakikipag-usap kay Masha.Ngunit bago pa man siya umalis sa apartment ng kanyang mag-ina ay siniguro niya munang maayos na ang kalagayan ng mga ito. Naghintay muna siyang dumating ang dalawa pa sa mga tauhan ni Trace upang magbantay kay Jossa at sa mga bata.Jossa was against it. Iginiit nito na ayos lang ang mga ito at maaari na siyang umalis upang makipag-usap kay Masha. But Lemuel insisted what he wanted. Gusto niya lang masiguro ang kaligtasan ng kanyang mag-ina kaya kahit ayaw ni Jossa ng ideya na may magbabantay sa mga ito

  • His Scarred Heart   CHAPTER 51

    Hindi mapigilan ni Lemuel ang mapangiti habang nagmamaneho. Hindi kasi mawala sa isipan niya si Jossa at ang mga nangyari sa kanila kahapon. Wari bang ang mga pangyayaring iyon ay nagdagdag ng sigla sa buhay niya. Masaya siyang malaman na maayos na nga ang lahat sa pagitan nilang dalawa.He inhaled an air as he sat up straight. Patuloy lang siya sa pagmamaneho habang tumatakbo sa isipan niya ang mga binabalak gawin. He wanted to propose to Jossa. Napag-usapan na nila iyon ng dalaga at nasabi na rin nitong tinatanggap nito ang kanyang alok. She loved him, he could feel it. At mahal na mahal niya rin ito. Kung maaari nga lang na ngayon pa lang ay magsama na sila agad ay ginawa na niya.But he wanted to give her the wedding proposal that she deserved. Gusto niya itong bilhan ng singsing na nararapat para rito. Alam niyang simpleng tao lamang si Jossa. Hindi mahalaga para sa dalaga ang mga materyal na bagay. Nevertheless, Lemuel still wanted to give her the wedding ring that every girl dr

  • His Scarred Heart   CHAPTER 50

    Hawak ni Lemuel ang kamay ni Jossa habang naglalakad. Pasado alas-nueve na ng gabi at kababalik lang nila sa bahay nina Trace. Kaninang umaga pa sila umalis ng dalaga para katagpuin ang abogado ni Eduardo at iniwan nga nila roon sina Lianna at Darlene. Kung tutuusin ay kanina pa nag-aaya si Jossa na balikan na nila ang dalawang bata. Siya lang itong nagpumilit na manatili pa muna sa kanyang tinitirhan.And it was because of one reason. He can't get enough of her. Pakiramdam ni Lemuel ay kulang pa ang isang buong araw para makasama niya ang dalaga. Gusto niya pang makapiling ito nang sarilinan... nang silang dalawa lang talaga. And another thing, taking her once was not enough for him. He still wanted her... again and again.At iyon ang dahilan kung bakit sila natagalan sa pagbalik sa bahay nina Trace. Ang pagtatalik nila ni Jossa ay nasundan pa ng dalawang beses. Kung hindi lang nga dahil sa mga bata ay baka hindi niya gustuhing lumabas sila si Jossa sa kanyang silid. Gusto niyang ba

  • His Scarred Heart   CHAPTER 49

    Halos mapugto ang hininga ni Jossa dahil sa ginagawa ni Lemuel sa kanyang katawan. The mind-blowing sensation brought by what he's doing almost made her forget anything else. Ang tanging laman na lang ng isipan niya ay ang ginagawa nito na halos nagpabaliw na sa kanya."L-Lemuel..." She sucked in her breath as she felt his tongue touching the portal of her femininity. Mahigpit pa siyang napahawak sa bedsheet ng higaan nito. Kung sakaling nakatayo lang siya ay baka kanina pa nanghina ang mga tuhod niya dahil sa ginagawa nitong pagpapala sa kanyang pagkababae.Something was building inside of her. Damang-dama niya iyon sa kanyang kaibuturan at alam niyang napuna ni Lemuel na malapit na niyang marating ang sukdulan. But instead to continue so she can reach her climax, Lemuel stopped what he was doing. Lumipat ang mga labi nito patungo sa kanyang kanang hita at doon ay pinaulan ng halik ang kanyang balat. Sa kung ano mang kadahilanan ay para siyang nakaramdam ng kakulangan nang abandonahi

  • His Scarred Heart   CHAPTER 48

    Marahang iginala ni Jossa ang kanyang paningin sa loob ng tinitirhan ni Lemuel. Pagkapasok sa loob ay agad na isinara ng binata ang pinto saka ito dumiretso sa kusina. Mula sa kanyang kinatatayuan ay nakita niya ang pagbukas nito ng ref at pagkuha mula roon ng tubig na nasa pitsel. Agad itong nagsalin sa isang baso at bago pa man uminom ay nagtanong pa muna ito sa kanya."Do you want to drink?"Umiling lang siya rito at nanatili lang sa may sala. Si Lemuel naman ay inubos muna ang tubig na nasa baso saka naglakad na pabalik sa kanya. Basta na lang din nito iniwan sa ibabaw ng lababo ang pitsel at basong pinag-inuman."Matagal ka na ba ritong nakatira?" usisa niya. Gusto niya lang na may mapag-usapan. Nababalot kasi siya ng pagkailang dahil sa kaalaman na silang dalawa lamang doon ni Lemuel. Mula nga sa shop na pag-aari ng binata ay doon na sila dumiretso."Ilang taon na rin," tugon nito. "Mas dito ko na piniling tumira. Katulad mo, gusto ko na rin lumayo sa Sta. Monica. Though, sinisi

  • His Scarred Heart   CHAPTER 47

    "Are you sure about that, Miss Lodado? H-Hindi ka ba nabibigla lang sa pasya mo?" halos hindi makapaniwalang tanong kay Jossa ng abogado ng kanyang Daddy Eduardo. Kasama niya ito ngayon na sadyang nakipagkita sa kanya upang pag-usapan nila tungkol sa ilang mahahalagang bagay.Kasalukuyan silang nasa isang sikat na restaurant. Kaharap niya sa pagkakaupo ang matandang abogado habang katabi niya naman si Lemuel na hindi pumayag na lumakad siya nang mag-isa.Nang tawagan siya ng abogado ay agad siyang nagpasya na makipagkita rito. Ngunit sa halip na tanggapin ito bilang bisita sa inuupahan nilang apartment ay mas pinili na lamang ni Jossa na katagpuin ito sa ibang lugar. Hindi niya alam pero hindi niya gustong tumanggap ng ibang bisita sa bahay na inuupahan nila ng mga bata.When Lemuel learned about it, he initiated to come with her. Hindi na siya umangal pa. Alam niyang nag-aalala pa rin ang binata para sa kapakanan niya at nina Lianna at Darlene lalo na ngayong hindi pa rin nahahanap n

  • His Scarred Heart   CHAPTER 46

    Maang na napatitig si Jossa kay Lemuel. Halos hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito. Nang makita ng binata ang naging reaksiyon niya ay mabilis itong humakbang palapit at agad na hinawakan ang kanyang mga kamay. Ramdam pa ni Jossa ang marahan nitong pagpisil doon."Makinig ka sa akin, Jossa," wika nito. "It's not what you think. I have no choice that time. Pinasok ko ang trabahong iyon kapalit ng pagtulong sa akin ni Alejandro na makalabas ng kulungan. He was my last resort.""G-Gaano ka katagal na nagtrabaho sa organisasyong iyon?" usisa niya."Maraming taon din, Jossa. Nahinto lang nang piliin ni Alejandro na tumiwalag sa organisasyon nila. Ang kanyang ama na muli ang namamahala niyon. Nang umalis siya sa grupo ay mas pinili kong mamuhay na rin nang tahimik. I started a shop just like what Tatay Simeon used to have when we were still in Sta. Monica. Iyon na lang ang pinagkakaabalahan ko ngayon.""Si... Si Trace? Parte rin siya niyon?""Ang aming ama ang mas naunang naging parte

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status