Share

CHAPTER 5

Author: Yvette Stephanie
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Ilang minuto nang nasa loob ng sasakyan ni Lemuel si Jossa ngunit hindi pa rin siya makaimik. Pinanatili niya ang kanyang paningin sa harapan ng owner jeep kahit pa halos magkagulo na ang buong sistema niya dahil sa presensiya ng binatang nasa tabi niya lamang.

Gusto niya lang mapag-isa kanina at magpalipas ng hinanakit na nadarama para sa kanyang ama kaya siya nagtungo sa may dagat. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na makikita niya roon si Lemuel. Hindi niya pa nga inasahan ang ginawa nitong paggiya sa kanya papasok sa pag-aari nitong owner jeep.

Nang magsimulang pumatak ang ulan, ang balak niya ay tumakbo na sana patungo sa kinapaparadahan ng kanyang kotse. Hindi niya nga lang nagawa sapagkat agad na siyang hinawakan ng binata saka inakay papasok sa owner jeep nito. Wala siyang nagawa kundi ang pumasok na sa may passenger's seat habang ang binata ay umikot sa may panig ng manibela.

Both of them were silenced for a while. Wari bang kapwa sila nakikiramdam sa isa't isa. Si Jossa ay itinuon lamang ang kanyang paningin sa harap ng daan habang si Lemuel ay maya't maya ang lingon sa kanya.

Kung tutuusin ay hindi pa gaanong malakas ang ulan at maaari na niyang takbuhin ang patungo sa kanyang sasakyan. Kung mabasa man siya ay walang kaso sa kanya. Pero kung bakit wari na siyang naipako sa kanyang kinauupuan ay hindi niya alam. She just stayed there... with him.

"Ano ang nangyari sa iyo? Bakit naiiyak ka nang lapitan kita kanina?" mayamaya ay narinig niyang sabi ng binata. Pati ang mataman nitong pagtitig sa kanya ay damang-dama niya.

"It's none of your business," saad niya sa mahinang tinig.

Narinig niya ang pag-ismid nito. "Nasa loob ka ng sasakyan ko, siguro naman ay maaari kong---"

Hindi nito natapos ang nais sabihin nang akma siyang lalabas ng owner jeep. "I can go back to my car."

"Hey," awat ng binata sabay hawak sa kanyang braso. "Hindi mo ba nakitang papalakas na ang ulan?"

"At hindi ka ba makaintindi na hindi ko gustong sagutin ang tanong mo?" asik niya pa.

"Okay... Okay," sumusuko nitong sabi. Binitawan pa nito ang braso niya upang itaas ang dalawang kamay. "Kung ayaw mong sagutin, eh, 'di huwag. Dama ko lang kasi na may mabigat kang dinadala diyan sa dibdib mo. Sabi nila, mas luluwag ang nararamdaman mo kung sasabihin mo iyan sa iba."

"To whom? Sa iyo? We are not even friends," wika niya dito. There was no rudeness on her voice. She was just stating a fact.

"Then, let us be friends," mabilis naman nitong suhestiyon.

Pagak siyang natawa. "You can't gain a friend that easily, mister. It takes time."

"It takes time... kung hindi ka marunong makisama. But, it would be easy for you to have friends, kung alam mo kung paano makisalamuha sa mga taong nakikilala mo. Panigurado, miss, madali mong makukuha ang loob ng ibang tao kung alam mo kung paano sila pakisamahan."

"Paano nga ba pakisamahan ang ibang tao, mister? All my life, I don't even know how to deal with my own father. Ibang tao pa kaya? Ama ko siya pero bakit hindi ko pa rin makuha ang loob niya?"

The words just slipped from her mouth easily. Dahilan pa nga iyon para matigilan ang kanyang katabi at mataman na lamang na napatitig sa kanyang mukha. Para namang bigla ay natauhan si Jossa at mabilis na himanig ang kanyang sarili. Hindi niya rin inaasahan na sasambulat na lamang nang ganoon ang damdamin niya. Iniwas niya ang paningin dito saka nagsalita.

"I'm going to my car. Salamat na lang sa pagpapasilong---"

"Iyon ang dahilan kaya ka naiiyak kanina," singit nito sa pagsasalita niya. "May problema kayo ng iyong ama?"

"Wala," tipid niyang sagot. "I must be the problem."

Sa loob ng ilang saglit ay hindi ito nagsalita. Marahas pa siyang napalingon dito ulit matapos mamagitan sa kanila ang ilang segundong katahimikan.

"May mga pagkakataon din na nagkakaroon kami ng tampuhan ng Tatay Simeon ko. Nakilala mo na siya, hindi ba?" anito na sinagot niya lamang ng isang marahang tango. "Sa tuwing napagsasabihan niya ako, alam ko sa sarili kong ako ang may mali. Normal lang ang ganoong senaryo sa pagitan ng magulang at anak."

Yes, it's normal. Alam niya naman iyon. Pero normal pa bang matatawag iyong mula pa nang maliit siya ay lagi na lang siyang sunod-sunuran sa kanyang ama para lang mapaluguran ito? Normal pa bang mistula na lang siyang isang robot at ang lahat ng naisin lang nito ang ginagawa niya? Ni wala nga siyang maalalang isang desisyon na siya mismo ang may gusto para sa sarili niya. Ito lang lagi ang nasusunod.

Hindi niya kayang suwayin si Eduardo. Ginawa niya ang lahat ng naisin nito sapagkat wari bang natatakot siyang isang pagkakamali lang ang kanyang magawa ay kaya na siya nitong itakwil.

She heaved out a deep sigh. "Hindi mo ako maiintindihan. Magkaiba tayo ng sitwasyon."

Nagkibit ito ng mga balikat. "Siguro nga ay magkaiba tayo ng sitwasyon pero kaya kitang intindihan. Bakit hindi mo sabihin sa akin kung ano ang puno't dulo ng hinanakit mo sa iyong ama?"

She rolled her eyes upwardly. She knew it. Dinadaan lang siya nito sa ganoong usapan pero ang gusto talaga nito ay ang magbukas siya dito ng kanyang problema, bagay na hindi niya gustong gawin. For how many years, sinarili niya na ang ganoong trato sa kanya ng kanyang ama. Hindi niya matagpuan sa kanyang sarili ang kagustuhang ibahagi iyon sa iba, kahit sa mga naging malapit sa kanya noong kolehiyo. Ngayon pa kaya at sa lalaking ito pa na kailan niya lang naman nakatagpo?

Nang mapansin nitong wala siyang balak na magsalita ay nagpakawala na lang ng isang buntong-hininga si Lemuel saka nagsalita.

"Maaari nating pag-usapan ang tungkol sa problema mo anytime---"

"Wala nang anytime dahil walang rason para magkita pa tayo," mabilis niyang putol sa mga sinasabi nito.

"Paano kung sabihin ko sa iyong mayroon?" naghahamon naman nitong bwelta. Akmang magbubuka pa siya ng kanyang bibig para sagutin ito nang maunahan na siya ng binata. "Nangako kang tutulong ka sa pag-aayos ng nasira naming bakod, hindi ba?"

Sukat sa mga sinabi nito ay agad na napaupo nang tuwid si Jossa. Of course, she remembered that. At totoo sa loob niya ang inialok na tulong. Hindi man ganoon kalaki ang nagawa niyang pinsala sa bakod ng mga ito ngunit nasira niya pa rin iyon. Handa naman siyang tumulong para sa pag-aayos.

"How much do I need to pay?"

"Tsk... Tsk..." napapailing nitong sabi. "Kung hindi ka abala bukas, dumaan ka sa amin para pag-usapan natin ang tungkol diyan. Doon ko lang masasabi sa iyo kung paano ka makakatulong sa pag-aayos ng bakod namin."

*****

AGAD na napatayo nang tuwid si Lemuel nang matanawan niya ang marahang pagparada ng isang sasakyan sa tapat ng kanilang shop--- ang sasakyan ni Jossa. Naihinto niya nga ang ginagawang pagpukpok sa mga nahati nang kawayan upang ipangpalit sa bakod nilang bahagyang nasira dahil sa pagkakasadsad doon ng sasakyan ng dalaga.

Hinintay niya pa muna itong makababa mula sa may driver's seat bago nilingon si Art na nang mga oras na iyon ay natigil din sa paggawa ng cabinet na bagong order sa kanila. Nagpalitan pa sila ng makahulugang tingin. Alam ng kaibigan niya na darating ngayon si Jossa. Halos hindi pa nga ito makapaniwala nang sabihin niya ang balak niyang gawin sa araw na iyon.

Kanina ay tinutulungan niya pa si Art sa ginagawa nito ngunit pagkakain sa tanghalian ay iniwan niya muna ang binata sa pagtatrabaho at mas pinagtuunan ng pansin ang pag-aayos ng bakod nila. Hindi man kasi ganoon kalaki ang pinsala ay pangit pa ring tingnan ang parteng nabangga ng dalaga.

Kahapon nga nang magkausap sila ni Jossa. Labis pa siyang nabigla nang makitang nanunubig na ang mga mata nito dahil sa mga pinipigilang luha. Alam niyang may problema ito sa sariling ama, hindi man ito tuwirang nagkuwento ay parang iyon na rin ang pinapahiwatig ng dalaga.

At hindi na niya ito pinilit na buksan ang paksang iyon sa kanya. Ang gusto niya ay kusa iyong gawin ng dalaga. Mas makakagaan sa dibdib nito kung sa ganoong paraan nito iyon gagawin. Hindi iyong dahil sa kinulit niya.

Kaya naman, isang bagay ang agad na pumasok sa kanyang isipan. Kailangang masundan ang pag-uusap nila kahapon upang makilala niya pa ang dalaga. At kung sakaling makilala niya pa ito nang lubusan ay baka sakaling malaman na niya kung ano ang pinagdadaanan nito.

At iisa lang ang nakikita niyang maaaring maging rason para hindi maputol ang koneksiyon niya kay Jossa. Iyon ay ang naidulot nitong pinsala sa bakod nila.

"H-Hi..." alanganing saad ni Jossa nang makalapit ito sa kanya. Maging si Art ay binati nito na sinagot naman ng kaibigan niya ng isang pagtango. Muli ding pinagtuunan ng pansin ni Art ang ginagawa nito.

Then, Jossa looked at him again. Nasa mga mata nito ang nahihiyang eskpresyon dahilan para iiwas nitong muli ang paningin sa kanya. Mas pinagtuunan nito ang mga kawayang nasa harapan niya.

"Nagsisimula ka na palang gumawa," puna ng dalaga.

"Hindi ko inaasahan na darating ka talaga," wika niya, ni hindi pinansin ang unang mga sinabi nito.

Totoong hindi niya inaasahang darating ito. Nang sabihin niyang magtungo ito sa kanila upang pag-usapan ang tungkol sa pagpapaayos ng kanilang bakod ay nakita na niya ang pag-aalangan ng dalaga. Though, he could see her willingness to help, Lemuel knew that she was uneasy being with him. Kaya naman hindi na niya inaasahang pupunta nga ito ngayong araw.

"I told you, I am willing to help. Alam ko namang ako ang may kasalanan sa nangyari," narinig niyang sabi nito. Nagkibit pa ito ng mga balikat bago muling binigyan ng sulyap ang mga kagamitang nasa harapan nila. "So, nakabili na pala kayo ng mga kakailanganin."

"Ang ilang kawayan lang ang mga bagong bili ni tatay. Iyang ibang kahoy ay dati na dito sa shop namin," imporma niya dito.

"W-Where is he?" anito na ang tinutukoy ay ang kanyang Tatay Simeon.

"May kinailangan puntahan sa bayan."

She nodded her head. "O-Okay. How much did you spend for all of these? Isama mo na rin pati iyong para sa pagtatrabaho mo. I will pay for it."

Pagkawika niyon ay binuksan ng dalaga ang maliit na shoulder bag na nakasukbit pa sa kaliwang balikat nito. Akmang may kukunin ito na nahihinuha niyang pera pambayad sa kanila. Ngunit ang balak nitong gawin ay agad nang naawat nang magsalita siya.

"Huwag ka nang mag-abala pang kumuha ng pera, Miss. Hindi ko kailangan iyan."

"What?" naguguluhan nitong sabi. "You asked me to come here para pag-usapan natin ang tungkol sa nasira kong bakod, hindi ba? Nasabi ko na sa inyo na handa kong bayaran iyan---"

"At nasabi ko rin sa iyo kahapon na ngayon mo malalaman kung paano ka makatutulong sa pag-aayos nitong bakod namin."

"W-What... What are you trying to say?" nagigimbal nitong tanong na para bang nahuhulaan na kung ano ang ibig niyang sabihin.

Lemuel just shrugged his shoulders. Marahan siyang humakbang palapit sa kinaroroonan ni Art at mula sa mesang malapit lang dito ay kinuha niya ang isa pang martilyo. Nakipagpalitan pa siya ng tingin sa kanyang kaibigan. Bakas sa mukha nito ang hindi makapaniwala sa ginagawa niya.

Muli niyang binalikan ang kinaroroonan ni Jossa sabay abot dito ng martilyong kinuha niya.

"Gusto mong makatulong sa pag-aayos ng bakod na ikaw mismo ang nakasira, hindi ba?" aniya sa seryosong tinig. "Puwes, simulan na natin."

"Are you serious?" nabigla nitong sabi. Ni hindi man lang nito pinagkaabalahang kunin ang inaabot niya. "Mister, I can ask someone to help you. Ako na lang ang magbabayad para sa---"

"No... No... No," pailing-iling niya pang sabi. "Kung gusto mo talagang makabawi sa nagawa mo, ikaw mismo ang tutulong sa akin ngayon."

"Are you out of your mind? Sa suot kong ito?" bulalas nito. Saglit pa nitong niyuko ang sarili. "I am wearing a dress, mister."

Niyuko rin ni Lemuel ang kabuuan ng dalagang kanyang kaharap. Yes, she was wearing dress. Sleeveless iyon na ang haba ay lampas tuhod lamang. Mukha pa nga itong teenager kung titingnan dahil sa gayak nito ngayon. At hindi man gustong aminin ni Lemuel pero masasabi niyang bagay na bagay dito ang naturang kasuotan. Jossa was beautiful. Ang magandang mukha ng dalaga ang unang kapansin-pansin dito.

Tumikhim siya upang hamigin ang sarili. Ibinaba niya rin ang kanyang kamay na may hawak ng martilyo nang hindi pa rin iyon kunin ni Jossa.

"Kung hindi bukal sa iyo ang pagtulong ay makakauwi ka na. Alam ko namang---"

Hindi na niya natapos ang ano mang nais sabihin nang mabilis itong humakbang palapit sa kanya at marahas na kunin mula sa kanyang kamay ang martilyo. Nakalarawan pa sa mukha nito ang pinaghalong pag-aalangan at inis.

"Just tell me what to do dahil wala akong alam sa ganitong bagay," nayayamot nitong sabi.

Lemuel's lips slowly broke into a smile. Why, this woman was starting to get his interest!

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
analyn Aguilar
Lemuel muh jossa dumada moves na...jan yan ng sisimula ei hmmm yung kunwari kuno...ayiee .........
goodnovel comment avatar
analyn Aguilar
sa ngayon mga asot pusa muna kaya,pero alam ko mpanakit to ei
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
tpos huli na nya nalaman n ngddalantao sya...hehee napahula lng po author
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • His Scarred Heart   CHAPTER 6

    Nakakunot ang noo ni Jossa habang abala siya sa pagpukpok ng pako sa isang kawayang ikinakabit niya sa isang kahoy. Kanina pa sila nagsimula ni Lemuel at itinuro nga nito sa kanya ang mga dapat niyang gawin.Pagdating niya sa bahay ng mga ito ay naroon na ang mga kawayang nahati-hati na upang ipangpalit sa bakod na nasira niya. Hindi niya pa inasahang sa ganoong paraan siya "pagbabayarin" ng binata sa pinsalang nagawa niya sa naturang bakod. She was willing to pay. In fact, nagdala talaga siya ng pera upang ipangbayad sa binata. Hindi niya sukat akalain na literal na pagpapatrabahuin siya nito sa mga oras na iyon.Tinulungan niya itong ikabit ang mga nahating kawayan. Halos patapos na sila at damang-dama na ni Jossa ang ilang butil ng pawis na namumuo sa kanyang mukha. Iyon ang unang pagkakataong nagawa niya ang ganoon.At damang-dama niya rin ang maya't mayang paglingon sa kanya ni Lemuel. Hindi niya itinago rito ang yamot sa kanyang mukha na wari nama'y balewala sa binata. Parang hi

  • His Scarred Heart   CHAPTER 7

    Ilang minuto muna ang pinalipas ni Lemuel bago siya sumunod sa paglabas ng kanyang Tatay Simeon. Nanatili muna siya sa kusina habang hindi pa rin naaalis ang ilang katanungang nabuo sa kanyang isipan. Palaisipan pa rin sa kanya kung ano nga ba ang ugnayan ng kanyang amain sa mga magulang ni Jossa.Nang magpasya nang lumabas ay sa may shop na siya dumiretso. Nasa may entrada pa lang ay rinig na rinig na niya ang masayang pagkukuwento ni Art tungkol sa ilang kasangkapang nagawa na nila para sa kanilang mga kliyente. Naabutan niya pang binabanggit nito kung gaano kagaling ang kanyang Tatay Simeon sa ganoong gawain."Kapag ganitong mga kagamitan talaga ay rekomendado ng mga taga-rito si Tatay Simeon. Kahit saan ka magtanong ay dito ka ituturo ng mga tao," pagbibida pa ng kaibigan niya."Magaganda nga ho ang mga gawa ninyo," narinig niyang sabi ni Jossa.Nakatayo na siya ilang hakbang mula sa mga ito kaya kitang-kita niya ang pagngiti ng dalaga habang nagsasalita. The smile was authentic.

  • His Scarred Heart   CHAPTER 8

    Agad na napatingala si Jossa nang iabot sa kanya ni Lemuel ang maliit na bote ng isang softdrink. Bukas na iyon at may nakalagay nang isang straw. She got it and uttered her thanks to him."Ang lalim na naman yata ng iniisip mo," komento nito sabay upo sa kanyang tabi.Kasalukuyan silang nakapuwesto sa isang mesa ng isang kainang malapit lamang sa may dagat. Dahil nga sa may mangilan-ngilang tao ang madalas na pumaparoon ay laging may bukas na mga kainan sa naturang lugar.Si Lemuel ang nag-aya sa kanya na pumaroon. It has been three weeks since they painted their fence. Sa loob ng tatlong linggong iyon ay may ilang pagkakataong dumadaan pa rin siya sa bahay ng mga ito para dumalaw.Ngunit kaiba ang hapong iyon. Inaya siya ni Lemuel sa may dagat sa halip na hayaan lang siyang nakatambay sa shop at panoorin ang mga itong magtrabaho. Iyon ang dahilan kung bakit sila naroon. Dala niya ang kotse nang magtungo sa shop ngunit nang mag-aya ang binata ay ang motorsiklo nito ang ginamit nila.

  • His Scarred Heart   CHAPTER 9

    It must be a whirlwind romance that happened to Jossa and Lemuel. Ilang araw na ang lumipas mula nang umamin ito ng nadarama sa kanya at tinotoo nga ng binata ang sinabi nito--- he courted her.Naging madalas ang pagpapalitan nila ng text messages, kung hindi man ay halos gabi-gabi ito kung tumawag sa kanya matapos nilang kunin ang cell phone number ng bawat isa. May mga pagkakataon ding pumupunta pa rin siya sa bahay ng binata at tumatambay sa shop habang kakuwentuhan ito at sina Tatay Simeon at Art. Kung wala ring pasok sa unibersidad si Lemuel ay namamasyal sila. Hindi na lang sa may dagat, maging sa ibang lugar ay nadala na siya nito.Jossa was happy, she could say that. Maaaring hindi pa nga natatagalan mula nang makilala niya si Lemuel pero masaya siyang kasama ito. Pakiramdam niya nga ay nahuhulog na rin ang damdamin niya para sa binata."Bakit ayaw mong ituloy ang pag-aaral mo ng medisina? Ayaw mo bang magdoktor?" magkasunod na usisa sa kanya ni Lemuel isang hapong magkasama u

  • His Scarred Heart   CHAPTER 10

    Maya't maya ang sulyap ni Jossa sa kanyang ama habang nasa harap sila ng hapag-kainan. Gabi at oras ng kanilang hapunan. Pang-sampuan ang mesa sa kanilang komedor pero sila lamang mag-ama ang naroon. Ilang putahe rin ang nakahain sa kanilang harapan na mistula bang may selebrasyong kailangang ipagdiwang.Sa tuwina ay ganoon ang senaryo kapag kakain sila. Kahit nang nabubuhay pa ang kanyang ina ay laging maramihan kung magluto ang mga katulong. And yes, money was never a problem for them. Nakakain nila kung ano man ang gustuhin nila. Kumpara sa ibang pamilya, hindi problema para sa kanila ang kakainin sa araw-araw.Ganoon pa man, masasabi niyang hindi siya masaya sa kung ano ang mayroon siya. Not that she was not thankful with all the blessings that they have. Of course, pinagpapasalamat niya ang lahat ng iyon. Ang hindi niya lang ikinakasaya ay ang mga pagkakataong katulad na lang ngayon. Napakaraming pagkain sa harap nila ng kanyang ama pero halos hindi naman sila nagkikibuang dalawa

  • His Scarred Heart   CHAPTER 11

    Agad na binalot ng kakaibang kaba si Jossa nang basta na lamang may humila sa kanyang braso at dalhin siya sa likurang bahagi ng kanilang sasakyan. Sa gulat na naramdam ay gusto niya pa sanang mapatili ngunit naging maagap ang may hawak sa kanya. Mabilis nitong tinakpan ang kanyang bibig gamit ang isang palad nito.Tuluyan na sana siyang matatakot kung hindi niya lang nakilala ang boses nito nang magsalita."Huwag kang sisigaw, Jossa. Baka akalain ng iba, eh, dudukutin kita.""Lemuel!" gilalas niyang sabi nang alisin nito ang kamay sa kanyang bibig. Isinandal din siya ng binata sa kanilang sasakyan upang magkaharap silang dalawa."Did you miss me, love?" tanong nito nang may ngiti sa mga labi.She was stunned, at samu't sari ang naging dahilan kung bakit siya natigilan. Una, ang labis na pagka-miss sa lalaking kaharap. Dahil nga sa pagpunta niya sa Manila at pagiging abala sa kampanya ng kanyang ama ay naging bihira ang pagkikita nila. She missed him so much and seeing him now overwhe

  • His Scarred Heart   CHAPTER 12

    Marahang isinara ni Jossa ang pinto sa may driver's seat nang makababa siya ng kanyang sasakyan. Iginala niya pa ang kanyang paningin sa paligid bago dahan-dahan nang naglakad palapit sa bahay na kanyang sadya, ang kina Lemuel. Tulad nga ng sinabi niya sa kanyang kasintahan kahapon ay sinadya niya ang bahay ng mga ito. Sinamantala niyang hindi siya isinama ng kanyang ama sa lakad nito sa araw na iyon.She roamed her eyes around the shop of Tatay Simeon. Katulad ng karaniwang senaryo, nagkalat ang mga kahoy at iba pang kagamitang ginagamit nina Lemuel sa pagtatrabaho. Ang kaibahan lang, walang tao sa mismong shop.Her eyes darted on the entrance of their house. Walang tao sa may shop ngunit bukas naman ang pinto ng mismong kabahayan kaya nasisiguro niyang may tao roon. And it was when she started walking towards their house. Dahil sa nakabukas naman iyon ay nais niya na lang sanang dumiretso sa loob.Ngunit agad nang natigilan si Jossa nang sa paglapit niya sa pintuan ay siya namang pa

  • His Scarred Heart   CHAPTER 13

    Hindi malaman ni Jossa kung ano ang nag-udyok sa kanya para magpahinuhod sa nais mangyari ni Lemuel. Nang akayin siya ng binata patungo sa silid nito ay hindi na siya nagprotesta. May agam-agam sa simula ngunit nang mailapat ni Lemuel pasara ang pinto ng kwarto nito at agad siyang hinalikan ulit ay tinangay na ng hangin ang ano mang matinong katwirang mayroon siya sa kanyang isipan.Malalim, mapang-angkin at agresibo ang halik na pinagsasaluhan nilang dalawa. Magkalapat pa ang kanilang mga labi nang dahan-dahan siyang igiya ni Lemuel palapit sa pang-isahang papag nito. The moment her legs touched the edge of his bed, it should have been a wake up call for her. Dapat ay naalarma na siya sapagkat alam niyang oras na maihiga siya roon ng binata, hindi na niya mapipigilan ang nais nitong mangyari.But Jossa became submissive. Nagpadala siya sa init na nadarama at hinayaan si Lemuel na tuluyan siyang maihiga roon. Sumunod sa kanya ang binata at halos kalahati ng katawan nito ay nakadagan n

Pinakabagong kabanata

  • His Scarred Heart   FINAL CHAPTER

    Six months later:Pinasadahan ni Lemuel ng tingin ang kanyang ginagawa. Kasalukuyan niyang pinipinturahan ang bakod ng bahay nila sa may Sta. Monica. Matapos ng ilang buwan ay ngayon lamang siya ulit nakabalik doon. Kaya naman, kinuha na niya ang naturang pagkakataon para asikasuhin ang ilang bagay na dapat ayusin sa bahay, na sa loob ng ilang taon ay naging tirahan nila ng kanyang Tatay Simeon.Kahapon siya dumating sa Sta. Monica kasama si Jossa at ang dalawang bata. Dahil sa weekend naman ay naisipan nilang umuwi sa probinsiyang kilakihan niya. The house was well-maintained. Kompleto na rin doon ng mga kagamitan na ang iba ay sadyang binili niya pa para sa bahay na iyon. Sa kabila kasi ng katotohanang sa Manila na sila naninirahan, gusto niya pa rin namang balik-balikan ang bahay kung saan siya lumaki.May kapitbahay sila na kinuha niyang tagabantay ng naturang bahay. Namamantini naman ang kalinisan niyon ngunit may mangilan-ngilan pa ring bahagi na kailangan nang palitan at ayusin

  • His Scarred Heart   CHAPTER 53

    Masigabong palakpakan ang pumailanlang sa paligid nina Jossa at Lemuel matapos sabihin ng pari na opisyal na silang mag-asawa. Agad pa siyang hinawakan ni Lemuel sa kanyang braso at marahang iniharap dito nang sabihing maaari na siyang halikan ng kanyang asawa.Her lips broke into a smile. Asawa--- kaysarap banggitin ng naturang salita. Matapos ng lahat ng pinagdaanan nila ni Lemuel, ngayon ay opisyal na nga silang mag-asawa. Pagkalipas ng halos limang buwan ay naidaos din ang kanilang kasal. Madaliang preparasyon lamang ang naganap. Hindi na rin kasi nais patagalin pa ni Lemuel. Ang gusto nito ay maikasal na sila agad at magsama sa iisang bubong kapiling ang kanilang anak.Everything was okay between them. Tuluyan na ring natapos ang lahat ng pagsubok na pinagdaanan nila. Pati ang tungkol kay Masha ay naayos na rin. They filed a case against her. Katunayan ay kinausap siya ni Lemuel tungkol sa bagay na iyon at sa kanya nito binigay ang pagpapasya sa kung ano ang dapat gawin, bagay na

  • His Scarred Heart   CHAPTER 52

    Matamang nakatutok ang mga mata ni Lemuel kay Masha habang naglalakad siya palapit dito. Kasalukuyang nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang dalaga. Nakaupo ito sa isang silya habang sa kanya rin nakatuon ang paningin, sadyang naghihintay na tuluyan siyang makalapit.Malalim siyang napabuntonghininga bago naupo sa silyang kaharap nito. Pinuntahan niya ang dating nobya upang makausap ito nang sarilinan. Jossa knew about it. Ipinaalam niya sa dalaga ang balak na pakikipag-usap kay Masha.Ngunit bago pa man siya umalis sa apartment ng kanyang mag-ina ay siniguro niya munang maayos na ang kalagayan ng mga ito. Naghintay muna siyang dumating ang dalawa pa sa mga tauhan ni Trace upang magbantay kay Jossa at sa mga bata.Jossa was against it. Iginiit nito na ayos lang ang mga ito at maaari na siyang umalis upang makipag-usap kay Masha. But Lemuel insisted what he wanted. Gusto niya lang masiguro ang kaligtasan ng kanyang mag-ina kaya kahit ayaw ni Jossa ng ideya na may magbabantay sa mga ito

  • His Scarred Heart   CHAPTER 51

    Hindi mapigilan ni Lemuel ang mapangiti habang nagmamaneho. Hindi kasi mawala sa isipan niya si Jossa at ang mga nangyari sa kanila kahapon. Wari bang ang mga pangyayaring iyon ay nagdagdag ng sigla sa buhay niya. Masaya siyang malaman na maayos na nga ang lahat sa pagitan nilang dalawa.He inhaled an air as he sat up straight. Patuloy lang siya sa pagmamaneho habang tumatakbo sa isipan niya ang mga binabalak gawin. He wanted to propose to Jossa. Napag-usapan na nila iyon ng dalaga at nasabi na rin nitong tinatanggap nito ang kanyang alok. She loved him, he could feel it. At mahal na mahal niya rin ito. Kung maaari nga lang na ngayon pa lang ay magsama na sila agad ay ginawa na niya.But he wanted to give her the wedding proposal that she deserved. Gusto niya itong bilhan ng singsing na nararapat para rito. Alam niyang simpleng tao lamang si Jossa. Hindi mahalaga para sa dalaga ang mga materyal na bagay. Nevertheless, Lemuel still wanted to give her the wedding ring that every girl dr

  • His Scarred Heart   CHAPTER 50

    Hawak ni Lemuel ang kamay ni Jossa habang naglalakad. Pasado alas-nueve na ng gabi at kababalik lang nila sa bahay nina Trace. Kaninang umaga pa sila umalis ng dalaga para katagpuin ang abogado ni Eduardo at iniwan nga nila roon sina Lianna at Darlene. Kung tutuusin ay kanina pa nag-aaya si Jossa na balikan na nila ang dalawang bata. Siya lang itong nagpumilit na manatili pa muna sa kanyang tinitirhan.And it was because of one reason. He can't get enough of her. Pakiramdam ni Lemuel ay kulang pa ang isang buong araw para makasama niya ang dalaga. Gusto niya pang makapiling ito nang sarilinan... nang silang dalawa lang talaga. And another thing, taking her once was not enough for him. He still wanted her... again and again.At iyon ang dahilan kung bakit sila natagalan sa pagbalik sa bahay nina Trace. Ang pagtatalik nila ni Jossa ay nasundan pa ng dalawang beses. Kung hindi lang nga dahil sa mga bata ay baka hindi niya gustuhing lumabas sila si Jossa sa kanyang silid. Gusto niyang ba

  • His Scarred Heart   CHAPTER 49

    Halos mapugto ang hininga ni Jossa dahil sa ginagawa ni Lemuel sa kanyang katawan. The mind-blowing sensation brought by what he's doing almost made her forget anything else. Ang tanging laman na lang ng isipan niya ay ang ginagawa nito na halos nagpabaliw na sa kanya."L-Lemuel..." She sucked in her breath as she felt his tongue touching the portal of her femininity. Mahigpit pa siyang napahawak sa bedsheet ng higaan nito. Kung sakaling nakatayo lang siya ay baka kanina pa nanghina ang mga tuhod niya dahil sa ginagawa nitong pagpapala sa kanyang pagkababae.Something was building inside of her. Damang-dama niya iyon sa kanyang kaibuturan at alam niyang napuna ni Lemuel na malapit na niyang marating ang sukdulan. But instead to continue so she can reach her climax, Lemuel stopped what he was doing. Lumipat ang mga labi nito patungo sa kanyang kanang hita at doon ay pinaulan ng halik ang kanyang balat. Sa kung ano mang kadahilanan ay para siyang nakaramdam ng kakulangan nang abandonahi

  • His Scarred Heart   CHAPTER 48

    Marahang iginala ni Jossa ang kanyang paningin sa loob ng tinitirhan ni Lemuel. Pagkapasok sa loob ay agad na isinara ng binata ang pinto saka ito dumiretso sa kusina. Mula sa kanyang kinatatayuan ay nakita niya ang pagbukas nito ng ref at pagkuha mula roon ng tubig na nasa pitsel. Agad itong nagsalin sa isang baso at bago pa man uminom ay nagtanong pa muna ito sa kanya."Do you want to drink?"Umiling lang siya rito at nanatili lang sa may sala. Si Lemuel naman ay inubos muna ang tubig na nasa baso saka naglakad na pabalik sa kanya. Basta na lang din nito iniwan sa ibabaw ng lababo ang pitsel at basong pinag-inuman."Matagal ka na ba ritong nakatira?" usisa niya. Gusto niya lang na may mapag-usapan. Nababalot kasi siya ng pagkailang dahil sa kaalaman na silang dalawa lamang doon ni Lemuel. Mula nga sa shop na pag-aari ng binata ay doon na sila dumiretso."Ilang taon na rin," tugon nito. "Mas dito ko na piniling tumira. Katulad mo, gusto ko na rin lumayo sa Sta. Monica. Though, sinisi

  • His Scarred Heart   CHAPTER 47

    "Are you sure about that, Miss Lodado? H-Hindi ka ba nabibigla lang sa pasya mo?" halos hindi makapaniwalang tanong kay Jossa ng abogado ng kanyang Daddy Eduardo. Kasama niya ito ngayon na sadyang nakipagkita sa kanya upang pag-usapan nila tungkol sa ilang mahahalagang bagay.Kasalukuyan silang nasa isang sikat na restaurant. Kaharap niya sa pagkakaupo ang matandang abogado habang katabi niya naman si Lemuel na hindi pumayag na lumakad siya nang mag-isa.Nang tawagan siya ng abogado ay agad siyang nagpasya na makipagkita rito. Ngunit sa halip na tanggapin ito bilang bisita sa inuupahan nilang apartment ay mas pinili na lamang ni Jossa na katagpuin ito sa ibang lugar. Hindi niya alam pero hindi niya gustong tumanggap ng ibang bisita sa bahay na inuupahan nila ng mga bata.When Lemuel learned about it, he initiated to come with her. Hindi na siya umangal pa. Alam niyang nag-aalala pa rin ang binata para sa kapakanan niya at nina Lianna at Darlene lalo na ngayong hindi pa rin nahahanap n

  • His Scarred Heart   CHAPTER 46

    Maang na napatitig si Jossa kay Lemuel. Halos hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito. Nang makita ng binata ang naging reaksiyon niya ay mabilis itong humakbang palapit at agad na hinawakan ang kanyang mga kamay. Ramdam pa ni Jossa ang marahan nitong pagpisil doon."Makinig ka sa akin, Jossa," wika nito. "It's not what you think. I have no choice that time. Pinasok ko ang trabahong iyon kapalit ng pagtulong sa akin ni Alejandro na makalabas ng kulungan. He was my last resort.""G-Gaano ka katagal na nagtrabaho sa organisasyong iyon?" usisa niya."Maraming taon din, Jossa. Nahinto lang nang piliin ni Alejandro na tumiwalag sa organisasyon nila. Ang kanyang ama na muli ang namamahala niyon. Nang umalis siya sa grupo ay mas pinili kong mamuhay na rin nang tahimik. I started a shop just like what Tatay Simeon used to have when we were still in Sta. Monica. Iyon na lang ang pinagkakaabalahan ko ngayon.""Si... Si Trace? Parte rin siya niyon?""Ang aming ama ang mas naunang naging parte

DMCA.com Protection Status