"Are you sure you can drive now? Baka kung saan ka na naman bumangga, Jossa?" natatawang saad ni Brix sa kanya, anak ng isa sa malalapit na kaibigan ng kanyang Daddy Eduardo.
Malapit sa kanya ang binata. Bago pa man sila manirahan sa Manila ay talagang madalas na niya itong nakakasama sapagkat lagi na ay nagpupunta ito sa kanilang bahay kasama ang mga magulang nito.Kasabay ng paglipat nila sa Manila ay ang paninirahan din doon ni Brix. Doon din kasi nito napiling ituloy ang pag-aaral dahilan para hindi maputol ang ano mang komunikasyong mayroon silang dalawa. Mas naging malapit pa sila at sa ilang pagkakataon ay marami ang nag-aakalang may relasyon sila ng binata.Bagay iyon na pinagtatawanan niya lang sa tuwing may nang-uusisa. Wala silang relasyon ni Brix maliban sa malalim na pagkakaibigan. Sa kabila ng madalas silang magkasama ay hindi man lang nahulog ang damdamin niya dito sa romantikong paraan.Sa panig niya ay oo... pero hindi kay Brix.Alam niyang may pagtanggi ito para sa kanya. Minsan na iyong inamin ng binata na sadyang tinanggihan niya. Hindi sa ano mang rason. Kung iisipin ay sadyang perpekto na ito upang maging kasintahan--- gwapo, maginoo at kung estado ng buhay ang pag-uusap ay nagmula din naman ito sa maalwan na pamilya. Idagdag pa na tapos na ito sa pag-aaral at ngayon ay isang lisensiyadong inhinyero na.Pero ang lahat ng katangiang iyon ay hindi naging dahilan para gustuhin niya ito. Pagiging magkaibigan lang talaga ang kaya niyang ibigay at magalang naman iyong tinanggap ng binata. Ni hindi pa iyon naging hadlang para maputol ang pagkakaibigan nila. Madalas pa rin silang magkausap at kung may oras lang din ay nagkikita pa rin silang dalawa.Katulad na lamang ng araw na iyon. Ngayong nakauwi na sila sa Sta. Monica ay sakto namang may proyekto itong hawak sa lugar na iyon sanhi para nagkakasama pa rin sila."You are underestimating me, Brix. Natuto na akong magmaneho," natatawa niya ring tugon sa mga sinabi nito."Really? Baka mabalitaan ko na naman, e, sumadsad kung saan iyang sasakyan mo. Malalagot ka na talaga kay Tito Eduardo," saad nito.Agad siyang natigilan, hindi dahil sa sinabi nitong malalagot siya sa kanyang ama. Natigilan siya sapagkat naalala niya ang unang pagkakataong sumadsad ang kanyang kotse. Nabanggit niya nga iyon kay Brix na sadyang pinag-alala pa nito.At ngayong sumagi iyon sa kanyang isipan ay hindi niya rin maiwasang maalala ang mga taong nakaharap niya nang araw na iyon. Especially that arrogant man who happened to occupy her mind these past few days--- si Lemuel.Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa lalaking iyon at hindi nawaglit sa isipan niya gayung kung iisipin ay magaspang ang pag-uugali, antipatiko at bastos ito!Hinamig niya ang kanyang sarili at muli nang hinarap si Brix. "One failure won't define me, Brix. Marunong na ako. Besides, tinuruan mo ako nitong nakalipas na mga araw, hindi ba?""Oh well, natuto ka nga ba?"Tuluyan na siyang natawa. Humakbang na siya patungo sa kanyang sasakyan at binuksan ang pinto sa may driver's seat. Bago pa siya sumakay roon ay muli siyang nagsalita sa binata."Try me, Brix. Kung gusto mo ay magtungo tayo sa may dagat. Sa kalsada tayo dumaan at huwag sa baybayin. Follow me with your car. What do you think?"Napangiti ito. Hindi man nagsalita ngunit nakita niya ang pagsang-ayon sa mukha nito. Agad na nga itong lumapit sa sariling sasakyan saka pumasok na rin sa may driver's seat.Ang dagat na sinasabi niya ay may kalayuan sa kanilang bahay. Kilala ang Sta. Monica sa magandang dagat na iyon na madalas ay puntahan ng ilang turista. Ang kinaganda ng naturang lugar ay hindi pa ito masyadong nagagalaw ng makabagong panahon. Still very natural at hiling niya pa na sana ay manatiling ganoon ang dagat sa kanilang lugar.She smiled mischievously. Pumasok na rin siya sa may driver's seat at agad nang binuhay ang makina ng sasakyan. Pinauna siya ni Brix sa pag-alis at ilang saglit pa nga ang pinalipas nito bago sumunod sa kanya.Napangiti siyang muli habang panaka-nakang tinitingnan ito sa may side mirror. It was so obvious that he was just indulging her."Ipapakita ko sa iyo, Brix, na marunong na talaga ako," napapangisi niyang sabi sabay diin ng apak sa accelerator ng sasakyan. Sanhi iyon para mas bumilis pa ang pagmamaneho niya at magkaroon ng malaking agwat mula sa sasakyan ng kanyang kaibigan.*****"NAKU, ang sabi ko kay Simeon ay kahit sa Biyernes na niya dalhin dito ang mesang iyan. Hindi naman rush ang pagpapatrabaho ko sa inyo, Lemuel," masayang wika ni Mrs. Bautista, isa sa mga nagpagawa sa kanila ng mesa na yari sa matibay na kahoy. Hugis bilog iyon na ayon sa ginang ay gagamitin nito para sa komedor nito sa bahay."Wala namang problema, Mrs. Bautista. Maaga din naman naming natapos kaya ang bilin ni itay ay dalhin na dito," napapangiti niyang sabi."Sandali lang. Hintayin niyo ako dito," saad ni Mrs. Bautista saka nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay nito.Napalingon na lamang siya kay Art na ngayon ay naghihintay sa kanya sa tabi ng sasakyan. Kasama niya ito sa pag-deliver ng naturang materyales. Sa pagkakataong iyon ay gamit nila ang owner jeep ng kanyang ama. Sadyang inalis nila ang likurang parte ng sasakyan upang paglagyan ng mga kagamitan na dini-deliver nila sa kanilang mga customer.Nagtatakang napatitig pa sa kanya si Art. Waring naiinip na ito sa tagal ng pakikipag-usap niya sa ginang.Hindi naman nagtagal ay bumalik sa kinaroroonan niya si Mrs. Bautista. Agad nitong inabot sa kanya ang pera na kung hindi siya nagkakamali ay tatlong daang piso."P-Para saan ho ito, Mrs. Bautista?" usisa niya."Para sa mas maagang pag-deliver sa pinagawa ko.""Naku, hindi na ho kailangan. Bayad niyo na ho ang mesa at sapat na ho iyon," aniya sabay balik ng salaping inabot nito.Ngunit hindi na iyon kinuha pa ni Mrs. Bautista. Iwinasiwas pa ng ginang ang isang kamay nito, pagpapakita na kunin na niya ang binibigay nitong pera."Kunin mo na iyan, hijo. Pangmeryenda niyo na rin," anito sabay sulyap pa kay Art na alam niyang nakikinig sa palitan nila ng usapan.Nahihiyang ngumiti siya dito sabay lagay ng tatlong daan sa kanyang bulsa. "Maraming salamat, Mrs. Bautista. Asahan niyo po, kapag nagpagawa kayo ulit, magiging prayoridad kayo sa shop ni tatay.""Kuu, eh, nang-uto pa ito. Salamat ah."Nagpaalam na si Lemuel dito kasabay ng muling pagpapasalamat. Humakbang na siya patungo sa sasakyan at nang makita ni Art ang paglapit niya ay agad na rin itong tumayo nang tuwid."Muntik na kitang batukan, Lemuel. Aba'y tatanggihan mo pa iyang inaabot ni Mrs. Bautista. Pang-softdrinks na rin iyan," wika ng kaibigan niya nang makapasok na sila sa loob ng sasakyan.Prente na itong nakaupo habang siya ay binubuhay na ang makina ng owner jeep. Napangisi pa siya dahil sa mga sinabi nito."Siyempre, dapat konting pakipot muna, Art. Baka makahalata si Mrs. Bautista na atat akong kunin ang binibigay niya," natatawa niyang saad."Sira ka talaga!" bulalas nito. "Saan tayo ngayon? Ikain na natin iyang binigay ni Mrs. Bautista.""May bagong bukas na lomihan sa may patungo sa dagat. Doon tayo," masigla niyang sabi sabay maniobra ng sasakyan papunta sa direksiyon ng dagat.Ang lomihan na tinutukoy niya ay bagong bukas lamang. Dahil sa dinarayo na ang kanilang lugar ng ilang turista mula sa kabilang bayan at ang iba ay nagmula pa sa Kamaynilaan ay maraming negosyong nagbukas malapit sa naturang dagat.At doon niya balak idiretso ang sasakyang iminamaneho niya. Tapos na rin naman ang mga kailangan nilang gawin sa shop. Ang ibang order naman ay bukas pa nila sisimulan. Walang kaso kung gumala man sila ngayon ng kaibigan niya.Marahan siyang nagmamaneho at nang matanaw niya ang isang interseksyon, dapat ay liliko siya sa kaliwa. Ngunit agad siyang naalarma at nakabig niya pa ang manibela ng sasakyan nang mula sa kanan ay nagmamadali at dire-diretso sa pag-andar ang isang kotse.Muntik na siya nitong masagi kung hindi niya lang naihinto agad ang iminamaneho niya."Shit!" mura niya."Parang pamilyar ang sasakyan na iyan, Lemuel," saad ni Art. Mataman itong nakatitig sa kotseng ngayon ay nakahinto na rin sa gilid ng daan."Tingnan mo nga naman ang pagkakataon," saad niya sabay labas sa owner jeep. Nakita niya pa ang pagsunod din ni Art ngunit nanatili lang ito sa tabi ng kanilang sasakyan.Agad niyang nilapitan ang kotseng ayon nga kay Art ay pamilyar na sa kanila. Alam niyang maraming ganoon na sasakyan ngunit nahihinuha niyang iyon din ang sumadsad sa kanilang bakod ilang araw na ang nakararaan.Kinatok niya ang bintana nito na agad namang bumukas. Bumungad sa kanya ang mukha na pagkalipas ng ilang araw ay ngayon niya lamang ulit nasilayan.He swallowed hard. Agad pa siyang yumuko at itinukod ang kanyang mga kamay sa bintana nito."Ikaw ulit. Magandang hapon, binibini. Mukhang hanggang ngayon ay hindi ka pa rin marunong magmaneho," nakaloloko niyang saad."I-I..." kandautal-utal nitong sabi bago napabulalas, "It's your fault!"He faked a shock expression. "Oh? Kasalanan ko? Kasalanan ko ba na hindi ka tumitingin sa kaliwa't kanan mo? Interseksiyon na ang dadaanan mo, binibini. Sana'y tumingin ka sa magkabila mong panig kung may sasakyan bang liliko man lang. Besides, wala ka pa kanina kaya talagang patungong kaliwa ang tinutumbok ng sasakyan ko. Bigla na lang ay sumulpot ka at ang bilis pa ng pagmamaneho mo.""You should have stopped nang makita mo ako.""Anak ng...!" Napatayo siya nang tuwid. "Aba'y hindi makaintindi. Nakikita mo ba ang pinanggalingan mo?" aniya sabay turo pa ng daang dinaanan nito. "Pakurba, binibini. Paano ko makikita agad na paparating ka? Ikaw ang dapat ay dahan-dahan na lang ang pagmamaneho sa mga daang katulad nito."Hindi ito tumugon. Hindi man ito nagsalita ay alam niyang nagimbal din ito sa nangyari.Masyadong naging mabilis ang pagmamaneho nito.Nanggaling pa ito sa pakurbang daan kaya talagang hindi niya nakita na paparating ito. Saktong paliko na siya nang mabilis na itong sumulpot at sadyang tatahakin din ang direksiyong pupuntahan niya.Napabuntong-hininga siya nang makitang wala itong imik. "Hindi ka dapat humahawak ng manibela kung hindi ka pa marunong magmaneho, binibini---""Will you stop calling me that? I feel like you're insulting me," she snapped at him."At ano ang masama sa salitang binibini? Sabi nga ni Bonifacio, ang hindi magmahal sa sariling wika ay masahol pa ang amoy sa malansang isda. Pa-ingles-ingles ka pa, eh, sa Manila ka lang naman galing," pang-aasar niya pa.She rolled her eyes upwardly. "It was Rizal who said that, for goodness' sake!"He smiled inwardly. Siyempre, alam niya ang tungkol doon. Puro man siya kalokohan sa buhay ay hindi naman siya ganoon kabobo. It was just that, he loves irritating this lady."Besides," patuloy ng dalaga sa pagsasalita. "Marunong na ako magmaneho. Tinuruan ako ng kaibigan ko. It's just that, hindi ko natantiya ang paliko."Napaangat ang isang kilay ni Lemuel. "Pwes, kulang pa ang mga tinuro ng kaibigan mo at---"Hindi na niya natapos pa ang pagsasalita nang mayamaya ay huminto ang isang sasakyan sa likod ng kotse ng dalaga. Lumabas mula roon ang lalaki at lumapit sa kanila."What happened, Jossa? Ang bilis ng pagpapatakbo mo sa sasakyan. Hindi kita nasundan agad.""I'm sorry, Brix. I-I think, I lost control a while ago.""Are you okay?"Tumango lang si Jossa bilang tugon.Napahalukipkip siya. Malamang na ito ang kaibigan na tinutukoy ng dalaga na siyang nagturo dito kung paano magmaneho."Go to your car. U-Umalis na tayo," marahang saad pa ni Jossa. Atubili man ay tumango na lang din ang binatang kakilala nito. Isang sulyap pa ang iginawad nito sa kanya bago maging siya ay tinanguan din.Gusto pang mairita ni Lemuel dahil sa kaisipan na hindi man lang siya ipinakilala ni Jossa sa 'kaibigan' nito. Bakit nga naman iyon gagawin ng dalaga? Eh, ano ba sila? They are not even friends!Humakbang na pabalik sa sasakyan nito ang lalaki at muli nang pumasok sa may driver's seat. Nang wala na ito sa tabi nila ay muli niyang niyuko si Jossa."Iyon ba ang kaibigang tinutukoy mo?""Yes. May problema ba?" mataray nitong turan."Bakit hindi na lang ako ang kunin mo para magturo sa iyo kung paano magmaneho? Pinapangako ko sa iyo, hindi lang ang kotseng ito ang matututunan mong sakyan," he said mischievously. Isang kindat pa ang iniwan niya dito bago tumalikod at naglakad na patungo sa kanilang owner jeep.Akmang bubuksan na niya ang pinto sa driver's seat nang lumingon ulit siya sa dalaga. Hindi pa nakasara ang bintana sa panig nito kaya kita niya pa rin ang maganda nitong mukha.And Lemuel wanted to laugh out loud when he saw the puzzlement on her face. Waring pinoproseso nito sa isip ang mga sinabi niya. At nang tuluyang maintindihan ang ibig niyang ipahiwatig ay agad napalitan ng galit ang pagkalito sa mukha nito.Angrily, she closed the car's window and started the engine again. Pinaandar na nito ang sasakyan paalis na sinundan naman agad ng kotse ng kaibigan nito. Sinundan pa ang mga ito ng tanaw ni Lemuel hanggang sa mawala na ito sa kanyang paningin."Pupunta pa ba tayo sa lomihan na sinasabi mo, Lemuel?" si Art, nakaupo na ito sa loob ng owner jeep.He sighed and opened the door. Sinagot niya ito nang nakapasok na siya at binubuhay na ang makina ng sasakyan."Uwi na tayo, Art. Sa ibang pagkakataon na lang. Sa bahay na lang tayo magmeryenda," tugon niya na hindi na nito sinalungat pa.Hindi na niya nais pang tumuloy sa may dagat dahil doon ang direksiyong tinahak ng dalawa. Hindi niya maunawaan pero hindi niya gustong makita ang mga ito roon nang magkasama.Mataman na nakatitig si Jossa sa kanyang ama habang masaya itong nakikipag-usap sa mga kasama nila. Kasalukuyan silang nasa isang sitio sa Sta. Monica kung saan ilang residente ang kinatagpo ni Eduardo.Nang sabihin nitong uuwi sila sa bayang iyon at doon na mananatili ay halos makadama siya ng pinaghalong inis at pagtataka. Inis, hindi dahil sa hindi niya nais ang lugar. In fact, she loved Sta. Monica. Dito rin naman siya nanirahan hanggang elementarya at sa kabila ng mga taon na nagdaan ay hindi niya nakalimutan ang nasabing bayan.Nakadarama lang siya ng inis sa kanyang ama dahil kung kailan wala na ang kanyang Mommy Lucille ay saka lamang ito nakaisip na bumalik sa Sta. Monica. Nang nabubuhay pa ay iyon ang lagi na'y hiling ng kanyang ina.Nagtaka din siya kung ano ang dahilan ni Eduardo sa biglaang desisyong iyon. Sa nakalipas na mga taon ay nagagawa naman nitong pamahalaan ang EL Garment Factory kahit pa sa Manila sila nakatira. Nariyan naman ang makabagong teknolohiya na ginaga
Ilang minuto nang nasa loob ng sasakyan ni Lemuel si Jossa ngunit hindi pa rin siya makaimik. Pinanatili niya ang kanyang paningin sa harapan ng owner jeep kahit pa halos magkagulo na ang buong sistema niya dahil sa presensiya ng binatang nasa tabi niya lamang.Gusto niya lang mapag-isa kanina at magpalipas ng hinanakit na nadarama para sa kanyang ama kaya siya nagtungo sa may dagat. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na makikita niya roon si Lemuel. Hindi niya pa nga inasahan ang ginawa nitong paggiya sa kanya papasok sa pag-aari nitong owner jeep.Nang magsimulang pumatak ang ulan, ang balak niya ay tumakbo na sana patungo sa kinapaparadahan ng kanyang kotse. Hindi niya nga lang nagawa sapagkat agad na siyang hinawakan ng binata saka inakay papasok sa owner jeep nito. Wala siyang nagawa kundi ang pumasok na sa may passenger's seat habang ang binata ay umikot sa may panig ng manibela.Both of them were silenced for a while. Wari bang kapwa sila nakikiramdam sa isa't isa. Si Jossa ay
Nakakunot ang noo ni Jossa habang abala siya sa pagpukpok ng pako sa isang kawayang ikinakabit niya sa isang kahoy. Kanina pa sila nagsimula ni Lemuel at itinuro nga nito sa kanya ang mga dapat niyang gawin.Pagdating niya sa bahay ng mga ito ay naroon na ang mga kawayang nahati-hati na upang ipangpalit sa bakod na nasira niya. Hindi niya pa inasahang sa ganoong paraan siya "pagbabayarin" ng binata sa pinsalang nagawa niya sa naturang bakod. She was willing to pay. In fact, nagdala talaga siya ng pera upang ipangbayad sa binata. Hindi niya sukat akalain na literal na pagpapatrabahuin siya nito sa mga oras na iyon.Tinulungan niya itong ikabit ang mga nahating kawayan. Halos patapos na sila at damang-dama na ni Jossa ang ilang butil ng pawis na namumuo sa kanyang mukha. Iyon ang unang pagkakataong nagawa niya ang ganoon.At damang-dama niya rin ang maya't mayang paglingon sa kanya ni Lemuel. Hindi niya itinago rito ang yamot sa kanyang mukha na wari nama'y balewala sa binata. Parang hi
Ilang minuto muna ang pinalipas ni Lemuel bago siya sumunod sa paglabas ng kanyang Tatay Simeon. Nanatili muna siya sa kusina habang hindi pa rin naaalis ang ilang katanungang nabuo sa kanyang isipan. Palaisipan pa rin sa kanya kung ano nga ba ang ugnayan ng kanyang amain sa mga magulang ni Jossa.Nang magpasya nang lumabas ay sa may shop na siya dumiretso. Nasa may entrada pa lang ay rinig na rinig na niya ang masayang pagkukuwento ni Art tungkol sa ilang kasangkapang nagawa na nila para sa kanilang mga kliyente. Naabutan niya pang binabanggit nito kung gaano kagaling ang kanyang Tatay Simeon sa ganoong gawain."Kapag ganitong mga kagamitan talaga ay rekomendado ng mga taga-rito si Tatay Simeon. Kahit saan ka magtanong ay dito ka ituturo ng mga tao," pagbibida pa ng kaibigan niya."Magaganda nga ho ang mga gawa ninyo," narinig niyang sabi ni Jossa.Nakatayo na siya ilang hakbang mula sa mga ito kaya kitang-kita niya ang pagngiti ng dalaga habang nagsasalita. The smile was authentic.
Agad na napatingala si Jossa nang iabot sa kanya ni Lemuel ang maliit na bote ng isang softdrink. Bukas na iyon at may nakalagay nang isang straw. She got it and uttered her thanks to him."Ang lalim na naman yata ng iniisip mo," komento nito sabay upo sa kanyang tabi.Kasalukuyan silang nakapuwesto sa isang mesa ng isang kainang malapit lamang sa may dagat. Dahil nga sa may mangilan-ngilang tao ang madalas na pumaparoon ay laging may bukas na mga kainan sa naturang lugar.Si Lemuel ang nag-aya sa kanya na pumaroon. It has been three weeks since they painted their fence. Sa loob ng tatlong linggong iyon ay may ilang pagkakataong dumadaan pa rin siya sa bahay ng mga ito para dumalaw.Ngunit kaiba ang hapong iyon. Inaya siya ni Lemuel sa may dagat sa halip na hayaan lang siyang nakatambay sa shop at panoorin ang mga itong magtrabaho. Iyon ang dahilan kung bakit sila naroon. Dala niya ang kotse nang magtungo sa shop ngunit nang mag-aya ang binata ay ang motorsiklo nito ang ginamit nila.
It must be a whirlwind romance that happened to Jossa and Lemuel. Ilang araw na ang lumipas mula nang umamin ito ng nadarama sa kanya at tinotoo nga ng binata ang sinabi nito--- he courted her.Naging madalas ang pagpapalitan nila ng text messages, kung hindi man ay halos gabi-gabi ito kung tumawag sa kanya matapos nilang kunin ang cell phone number ng bawat isa. May mga pagkakataon ding pumupunta pa rin siya sa bahay ng binata at tumatambay sa shop habang kakuwentuhan ito at sina Tatay Simeon at Art. Kung wala ring pasok sa unibersidad si Lemuel ay namamasyal sila. Hindi na lang sa may dagat, maging sa ibang lugar ay nadala na siya nito.Jossa was happy, she could say that. Maaaring hindi pa nga natatagalan mula nang makilala niya si Lemuel pero masaya siyang kasama ito. Pakiramdam niya nga ay nahuhulog na rin ang damdamin niya para sa binata."Bakit ayaw mong ituloy ang pag-aaral mo ng medisina? Ayaw mo bang magdoktor?" magkasunod na usisa sa kanya ni Lemuel isang hapong magkasama u
Maya't maya ang sulyap ni Jossa sa kanyang ama habang nasa harap sila ng hapag-kainan. Gabi at oras ng kanilang hapunan. Pang-sampuan ang mesa sa kanilang komedor pero sila lamang mag-ama ang naroon. Ilang putahe rin ang nakahain sa kanilang harapan na mistula bang may selebrasyong kailangang ipagdiwang.Sa tuwina ay ganoon ang senaryo kapag kakain sila. Kahit nang nabubuhay pa ang kanyang ina ay laging maramihan kung magluto ang mga katulong. And yes, money was never a problem for them. Nakakain nila kung ano man ang gustuhin nila. Kumpara sa ibang pamilya, hindi problema para sa kanila ang kakainin sa araw-araw.Ganoon pa man, masasabi niyang hindi siya masaya sa kung ano ang mayroon siya. Not that she was not thankful with all the blessings that they have. Of course, pinagpapasalamat niya ang lahat ng iyon. Ang hindi niya lang ikinakasaya ay ang mga pagkakataong katulad na lang ngayon. Napakaraming pagkain sa harap nila ng kanyang ama pero halos hindi naman sila nagkikibuang dalawa
Agad na binalot ng kakaibang kaba si Jossa nang basta na lamang may humila sa kanyang braso at dalhin siya sa likurang bahagi ng kanilang sasakyan. Sa gulat na naramdam ay gusto niya pa sanang mapatili ngunit naging maagap ang may hawak sa kanya. Mabilis nitong tinakpan ang kanyang bibig gamit ang isang palad nito.Tuluyan na sana siyang matatakot kung hindi niya lang nakilala ang boses nito nang magsalita."Huwag kang sisigaw, Jossa. Baka akalain ng iba, eh, dudukutin kita.""Lemuel!" gilalas niyang sabi nang alisin nito ang kamay sa kanyang bibig. Isinandal din siya ng binata sa kanilang sasakyan upang magkaharap silang dalawa."Did you miss me, love?" tanong nito nang may ngiti sa mga labi.She was stunned, at samu't sari ang naging dahilan kung bakit siya natigilan. Una, ang labis na pagka-miss sa lalaking kaharap. Dahil nga sa pagpunta niya sa Manila at pagiging abala sa kampanya ng kanyang ama ay naging bihira ang pagkikita nila. She missed him so much and seeing him now overwhe
Six months later:Pinasadahan ni Lemuel ng tingin ang kanyang ginagawa. Kasalukuyan niyang pinipinturahan ang bakod ng bahay nila sa may Sta. Monica. Matapos ng ilang buwan ay ngayon lamang siya ulit nakabalik doon. Kaya naman, kinuha na niya ang naturang pagkakataon para asikasuhin ang ilang bagay na dapat ayusin sa bahay, na sa loob ng ilang taon ay naging tirahan nila ng kanyang Tatay Simeon.Kahapon siya dumating sa Sta. Monica kasama si Jossa at ang dalawang bata. Dahil sa weekend naman ay naisipan nilang umuwi sa probinsiyang kilakihan niya. The house was well-maintained. Kompleto na rin doon ng mga kagamitan na ang iba ay sadyang binili niya pa para sa bahay na iyon. Sa kabila kasi ng katotohanang sa Manila na sila naninirahan, gusto niya pa rin namang balik-balikan ang bahay kung saan siya lumaki.May kapitbahay sila na kinuha niyang tagabantay ng naturang bahay. Namamantini naman ang kalinisan niyon ngunit may mangilan-ngilan pa ring bahagi na kailangan nang palitan at ayusin
Masigabong palakpakan ang pumailanlang sa paligid nina Jossa at Lemuel matapos sabihin ng pari na opisyal na silang mag-asawa. Agad pa siyang hinawakan ni Lemuel sa kanyang braso at marahang iniharap dito nang sabihing maaari na siyang halikan ng kanyang asawa.Her lips broke into a smile. Asawa--- kaysarap banggitin ng naturang salita. Matapos ng lahat ng pinagdaanan nila ni Lemuel, ngayon ay opisyal na nga silang mag-asawa. Pagkalipas ng halos limang buwan ay naidaos din ang kanilang kasal. Madaliang preparasyon lamang ang naganap. Hindi na rin kasi nais patagalin pa ni Lemuel. Ang gusto nito ay maikasal na sila agad at magsama sa iisang bubong kapiling ang kanilang anak.Everything was okay between them. Tuluyan na ring natapos ang lahat ng pagsubok na pinagdaanan nila. Pati ang tungkol kay Masha ay naayos na rin. They filed a case against her. Katunayan ay kinausap siya ni Lemuel tungkol sa bagay na iyon at sa kanya nito binigay ang pagpapasya sa kung ano ang dapat gawin, bagay na
Matamang nakatutok ang mga mata ni Lemuel kay Masha habang naglalakad siya palapit dito. Kasalukuyang nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang dalaga. Nakaupo ito sa isang silya habang sa kanya rin nakatuon ang paningin, sadyang naghihintay na tuluyan siyang makalapit.Malalim siyang napabuntonghininga bago naupo sa silyang kaharap nito. Pinuntahan niya ang dating nobya upang makausap ito nang sarilinan. Jossa knew about it. Ipinaalam niya sa dalaga ang balak na pakikipag-usap kay Masha.Ngunit bago pa man siya umalis sa apartment ng kanyang mag-ina ay siniguro niya munang maayos na ang kalagayan ng mga ito. Naghintay muna siyang dumating ang dalawa pa sa mga tauhan ni Trace upang magbantay kay Jossa at sa mga bata.Jossa was against it. Iginiit nito na ayos lang ang mga ito at maaari na siyang umalis upang makipag-usap kay Masha. But Lemuel insisted what he wanted. Gusto niya lang masiguro ang kaligtasan ng kanyang mag-ina kaya kahit ayaw ni Jossa ng ideya na may magbabantay sa mga ito
Hindi mapigilan ni Lemuel ang mapangiti habang nagmamaneho. Hindi kasi mawala sa isipan niya si Jossa at ang mga nangyari sa kanila kahapon. Wari bang ang mga pangyayaring iyon ay nagdagdag ng sigla sa buhay niya. Masaya siyang malaman na maayos na nga ang lahat sa pagitan nilang dalawa.He inhaled an air as he sat up straight. Patuloy lang siya sa pagmamaneho habang tumatakbo sa isipan niya ang mga binabalak gawin. He wanted to propose to Jossa. Napag-usapan na nila iyon ng dalaga at nasabi na rin nitong tinatanggap nito ang kanyang alok. She loved him, he could feel it. At mahal na mahal niya rin ito. Kung maaari nga lang na ngayon pa lang ay magsama na sila agad ay ginawa na niya.But he wanted to give her the wedding proposal that she deserved. Gusto niya itong bilhan ng singsing na nararapat para rito. Alam niyang simpleng tao lamang si Jossa. Hindi mahalaga para sa dalaga ang mga materyal na bagay. Nevertheless, Lemuel still wanted to give her the wedding ring that every girl dr
Hawak ni Lemuel ang kamay ni Jossa habang naglalakad. Pasado alas-nueve na ng gabi at kababalik lang nila sa bahay nina Trace. Kaninang umaga pa sila umalis ng dalaga para katagpuin ang abogado ni Eduardo at iniwan nga nila roon sina Lianna at Darlene. Kung tutuusin ay kanina pa nag-aaya si Jossa na balikan na nila ang dalawang bata. Siya lang itong nagpumilit na manatili pa muna sa kanyang tinitirhan.And it was because of one reason. He can't get enough of her. Pakiramdam ni Lemuel ay kulang pa ang isang buong araw para makasama niya ang dalaga. Gusto niya pang makapiling ito nang sarilinan... nang silang dalawa lang talaga. And another thing, taking her once was not enough for him. He still wanted her... again and again.At iyon ang dahilan kung bakit sila natagalan sa pagbalik sa bahay nina Trace. Ang pagtatalik nila ni Jossa ay nasundan pa ng dalawang beses. Kung hindi lang nga dahil sa mga bata ay baka hindi niya gustuhing lumabas sila si Jossa sa kanyang silid. Gusto niyang ba
Halos mapugto ang hininga ni Jossa dahil sa ginagawa ni Lemuel sa kanyang katawan. The mind-blowing sensation brought by what he's doing almost made her forget anything else. Ang tanging laman na lang ng isipan niya ay ang ginagawa nito na halos nagpabaliw na sa kanya."L-Lemuel..." She sucked in her breath as she felt his tongue touching the portal of her femininity. Mahigpit pa siyang napahawak sa bedsheet ng higaan nito. Kung sakaling nakatayo lang siya ay baka kanina pa nanghina ang mga tuhod niya dahil sa ginagawa nitong pagpapala sa kanyang pagkababae.Something was building inside of her. Damang-dama niya iyon sa kanyang kaibuturan at alam niyang napuna ni Lemuel na malapit na niyang marating ang sukdulan. But instead to continue so she can reach her climax, Lemuel stopped what he was doing. Lumipat ang mga labi nito patungo sa kanyang kanang hita at doon ay pinaulan ng halik ang kanyang balat. Sa kung ano mang kadahilanan ay para siyang nakaramdam ng kakulangan nang abandonahi
Marahang iginala ni Jossa ang kanyang paningin sa loob ng tinitirhan ni Lemuel. Pagkapasok sa loob ay agad na isinara ng binata ang pinto saka ito dumiretso sa kusina. Mula sa kanyang kinatatayuan ay nakita niya ang pagbukas nito ng ref at pagkuha mula roon ng tubig na nasa pitsel. Agad itong nagsalin sa isang baso at bago pa man uminom ay nagtanong pa muna ito sa kanya."Do you want to drink?"Umiling lang siya rito at nanatili lang sa may sala. Si Lemuel naman ay inubos muna ang tubig na nasa baso saka naglakad na pabalik sa kanya. Basta na lang din nito iniwan sa ibabaw ng lababo ang pitsel at basong pinag-inuman."Matagal ka na ba ritong nakatira?" usisa niya. Gusto niya lang na may mapag-usapan. Nababalot kasi siya ng pagkailang dahil sa kaalaman na silang dalawa lamang doon ni Lemuel. Mula nga sa shop na pag-aari ng binata ay doon na sila dumiretso."Ilang taon na rin," tugon nito. "Mas dito ko na piniling tumira. Katulad mo, gusto ko na rin lumayo sa Sta. Monica. Though, sinisi
"Are you sure about that, Miss Lodado? H-Hindi ka ba nabibigla lang sa pasya mo?" halos hindi makapaniwalang tanong kay Jossa ng abogado ng kanyang Daddy Eduardo. Kasama niya ito ngayon na sadyang nakipagkita sa kanya upang pag-usapan nila tungkol sa ilang mahahalagang bagay.Kasalukuyan silang nasa isang sikat na restaurant. Kaharap niya sa pagkakaupo ang matandang abogado habang katabi niya naman si Lemuel na hindi pumayag na lumakad siya nang mag-isa.Nang tawagan siya ng abogado ay agad siyang nagpasya na makipagkita rito. Ngunit sa halip na tanggapin ito bilang bisita sa inuupahan nilang apartment ay mas pinili na lamang ni Jossa na katagpuin ito sa ibang lugar. Hindi niya alam pero hindi niya gustong tumanggap ng ibang bisita sa bahay na inuupahan nila ng mga bata.When Lemuel learned about it, he initiated to come with her. Hindi na siya umangal pa. Alam niyang nag-aalala pa rin ang binata para sa kapakanan niya at nina Lianna at Darlene lalo na ngayong hindi pa rin nahahanap n
Maang na napatitig si Jossa kay Lemuel. Halos hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito. Nang makita ng binata ang naging reaksiyon niya ay mabilis itong humakbang palapit at agad na hinawakan ang kanyang mga kamay. Ramdam pa ni Jossa ang marahan nitong pagpisil doon."Makinig ka sa akin, Jossa," wika nito. "It's not what you think. I have no choice that time. Pinasok ko ang trabahong iyon kapalit ng pagtulong sa akin ni Alejandro na makalabas ng kulungan. He was my last resort.""G-Gaano ka katagal na nagtrabaho sa organisasyong iyon?" usisa niya."Maraming taon din, Jossa. Nahinto lang nang piliin ni Alejandro na tumiwalag sa organisasyon nila. Ang kanyang ama na muli ang namamahala niyon. Nang umalis siya sa grupo ay mas pinili kong mamuhay na rin nang tahimik. I started a shop just like what Tatay Simeon used to have when we were still in Sta. Monica. Iyon na lang ang pinagkakaabalahan ko ngayon.""Si... Si Trace? Parte rin siya niyon?""Ang aming ama ang mas naunang naging parte