Sa Kusina Maagang gumising si Althea at dumiretso sa kusina. Isang simpleng almusal ang gusto niyang ihanda—isang bagay na hindi niya nagawa noon para kay Xander. Habang abala sa pagluluto, masaya siyang kausap si Manang Solis, ang matagal nang tagapamahala ng mansion. "Mukhang masaya ka ngayon, iha," pansin ni Manang habang tinutulungan siyang maghiwa ng gulay. "Dapat lang po, 'di ba? Hindi naman ako puwedeng lagi na lang nalulungkot," sagot ni Althea habang iniikot ang kawali. "Kailangan may ginagawa rin akong tama bilang asawa ni Xander." Napangiti si Manang Solis. "Mukhang nagbago ka talaga, Althea. Noon, ang dami mong pag-aalinlangan. Pero ngayon, ibang-iba na ang aura mo." Hindi lang si Manang Solis ang nakapansin. Ang ibang tauhan sa mansion ay tahimik na nagbubulungan. Sila man ay natutuwa na parang nagbago ang ihip ng hangin sa loob ng bahay. Habang iniayos ni Althea ang hapag-kainan, napatingin siya sa wall clock. Pasado alas-otso na, pero hindi pa bumababa si
Habang abala si Althea sa pag-aayos ng mga dadalhing gamit para sa ospital, bigla niyang naramdaman ang panghihina ng kanyang katawan. Napahawak siya sa gilid ng kama, pilit na kinakaya ang pagkahilo. "Althea!" Agad siyang sinabayan ni Xander at inalalayan nang makita nitong parang bibigay na naman siya. "Ayos lang ako... siguro pagod lang," mahina niyang sabi habang pilit na pinapakalma ang sarili. Pero hindi kumbinsido si Xander. "Aanhin ko pa ang pagiging sweet natin sa harap ng publiko kung ikaw mismo ang bumabagsak sa harapan ko? Hindi mo ba iniisip ang sarili mo?" may halong inis at pag-aalala sa boses nito. Hinila siya ni Xander paupo sa kama at dahan-dahang hinaplos ang kanyang pisngi. "Ayokong makita kang ganito, Althea. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo." Napatingin siya kay Xander, at sa unang pagkakataon, nakita niya ang lalim ng pag-aalala sa mga mata nito. Hindi lang ito isang palabas para sa ibang tao. Totoo ang pag-aalalang iyon. "Gusto ko lang maka
Hapon na nang tuluyang makarating sa ospital sina Xander at Althea. Magkahawak-kamay silang pumasok sa lobby, tila walang pakialam sa mga matang nakatuon sa kanila. Si Althea, bagama’t may kaunting kaba, ay ipinakita ang matapang na postura. Samantalang si Xander naman ay kalmado, ngunit mahigpit ang hawak sa kamay ng asawa—isang tahimik na pahayag na hindi niya ito bibitawan, anuman ang sabihin ng iba. Sa bawat hakbang nila, ramdam nila ang iba’t ibang reaksyon ng mga tao. Ang ilan ay napapangiti habang palihim na kinukunan sila ng larawan. "Ang sweet nila! Ang swerte naman ni Ma’am Althea," bulong ng isang nars sa kasama nito. "Oo nga, parang hindi totoo ‘yung mga lumalabas sa balita. Mukhang mahal naman siya ni Sir Xander," sagot naman ng isa pa. Ngunit hindi lahat ay sang-ayon. Sa isang sulok, may ilang tao ang hindi natuwa sa kanilang pagdating. "Hay naku, kahit anong gawin niyang pagpapakita ng kasweetan, si Lilia pa rin ang dapat kasama ni Sir Xander!" may isang babae
Pagdating namin sa isang mamahaling restaurant, hindi ko inaasahan ang inihanda ni Xander. Isang pribadong lugar ang inireserba para sa amin, at sa gitna ng hardin ay may isang eleganteng hapag na may kandila at mga bulaklak. "Pinaghandaan mo talaga ito?" tanong ko, hindi maitago ang pagkagulat. Umupo si Xander sa tapat ko, may pilyong ngiti sa labi. "Siyempre. Noong unang beses tayong lumabas, puro problema ang inatupag natin. Ngayon, gusto kong maranasan mo kung paano maging espesyal bilang asawa ko." Napayuko ako, hindi mapigilan ang pag-init ng pisngi. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling trinato nang ganito. Habang kumakain kami, panay ang tingin sa amin ng ilang nasa restaurant. May ilan pa ngang patagong kumukuha ng litrato. Alam kong kakalat na naman ito sa social media, pero sa pagkakataong ito, hindi na ako naiinis. "Hinahayaan mo na lang silang mag-picture?" tanong ko. "Bakit hindi?" sagot ni Xander habang tinatapunan ako ng malalim na tingin. "Gusto kong
Nasa lounge area ng ospital si Lilia kasama ang ilang katrabaho niyang nurse. Hawak niya ang cellphone at mariing nakatitig sa screen, kung saan kitang-kita ang litrato ni Xander at Althea na magkasama sa isang romantikong hapunan. Ang sweet nilang tingnan—masyadong sweet para sa panlasa ni Lilia. "Grabe, Lilia! Akala ko ba ikaw ang asawa ni Sir Xander?" tanong ng isang nurse habang pasimpleng sumilip sa cellphone niya. "Oo nga! Sabi mo dati, kayo ang dapat!" dagdag pa ng isa, halatang may halong panunuya. Mariing pinisil ni Lilia ang cellphone niya, halos gusto na niyang ibato. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Ang daming litrato at videos na nagkalat sa social media, lahat tungkol sa pagpapakita ng lambingan ni Xander at Althea. May caption pa na “The perfect couple” sa ilang posts. "Hindi puwedeng mangyari 'to," madiing sabi niya, pilit na pinapanatili ang composure niya kahit ramdam niyang nanggigigil na siya. "Alam n'yo naman kung paano gumalaw si Xander, ‘di ba?
Maagang nagising si Althea upang maghanda ng almusal. Habang nasa kusina, masayang kinakausap niya si Manang Solis habang inaayos ang lamesa. Naamoy na sa buong mansyon ang mabangong halimuyak ng sinangag at pritong itlog na sinamahan pa ng tapa—ang paborito ni Xander. Ngunit bago pa niya maitawag ang asawa, nakita niyang pababa ito ng hagdan, suot na ang coat at mukhang nagmamadali. Halatang wala sa plano nito ang umupo at kumain muna. "Xander!" tawag ni Althea habang inilalapag ang huling plato sa lamesa. "Kumain ka muna bago pumasok sa trabaho." Saglit na tumigil si Xander at sinulyapan ang pagkain sa mesa. Halata sa mukha niya ang pag-aalinlangan. Gustuhin man niyang manatili, may mas mahalaga siyang dapat gawin. "May kailangan akong asikasuhin. Hindi ako puwedeng magtagal," sagot nito, iniiwasan ang mga mata ni Althea. Lumapit si Althea at tumayo sa harapan niya, tinutukso itong hawakan sa kamay para pigilan. "Ano bang mas importante kaysa sa pagkain na inihanda ko para
Pagpasok pa lang ni Xander sa mansyon, ramdam na agad ni Althea ang tensyon sa kilos nito. Madiin ang mga hakbang, matalim ang tingin—at alam niyang may hindi ito nagustuhan. "Ano 'to, Althea?" malamig at matalim ang boses ni Xander habang inilapag ang coat sa gilid. "Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na dumaan dito si Lilia?" Nagtaas ng kilay si Althea. "At ano namang problema roon?" "Problema?" Tumawa si Xander, pero walang halong saya. "Malaking problema! Malalaman ko na lang sa ibang tao na nandoon siya sa mismong bahay ko, kausap ka, habang wala ako?" Napalunok si Althea, pero hindi siya papayag na magmukhang nagkamali siya sa harap ni Xander. "Bakit, Xander? Natatakot ka bang malaman ko ang side niya? O baka naman may plano kang hindi ko dapat malaman?" Biglang nanlamig ang paligid. Nagtagpo ang kanilang mga tingin, puno ng galit at pagsisiyasat. "Huwag mong ibahin ang usapan, Althea," madiing sabi ni Xander. "Huwag mong gawing parang ako ang may ginagawang masama r
Sa pribadong bar ni Xander, isang baso ng whisky ang mahigpit niyang hawak habang nakaupo sa dulo ng mahahabang upuan. Tahimik siyang nag-iisa, tanging tunog ng yelo sa loob ng baso ang naririnig niya tuwing iniikot niya ito. Mula sa malalaking salamin ng bar, tanaw niya ang kumikinang na mga ilaw ng lungsod, ngunit kahit gaano ito kaganda, hindi nito mapuno ang kakulangan sa loob niya. Nasa kanya na si Althea—legal na silang mag-asawa, at wala nang makakapaghiwalay sa kanila. Pero bakit hanggang ngayon, hindi niya pa rin tuluyang makuha ang loob nito? Bakit sa tuwing lalapit siya, parang lalo itong lumalayo? Napamura si Xander at ininom nang isang lagok ang laman ng kanyang baso. "Sir, gusto niyo pa?" tanong ng bartender. Isang tango lang ang isinagot niya bago muling sumandal sa upuan. Naalala niya ang kaninang eksena—kung paano siya tinitigan ni Althea bago ito tumakbo palayo. May sakit sa titig nito, may takot, at may pagdududa. At ang pinakamasakit sa lahat? Hindi niy
Sa di kalayuan, sa likod ng matataas na punong kahoy at kakahuyan na bahagyang natatakpan ng anino, nakatayo si Xander. Tahimik, walang imik, ngunit tila may lindol sa loob ng kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang bawat galaw ng mga taong mahal niya. Hawak niya ang kanyang jacket sa isang kamay, habang ang kabilang kamay ay nakakuyom sa gilid ng kanyang katawan. Sa harap ng puntod, nakita niya si Althea na nakayakap kay Zsazsa. Kasama rin si Jace at si Inay Edna, tila isang kumpletong pamilyang nagluluksa ngunit sabay-sabay ding bumibitaw sa nakaraan. Hindi niya maipaliwanag ang damdaming bumabalot sa kanya. May kirot, may galit, may lungkot… pero higit sa lahat, may panibugho. Hindi sa pag-ibig ni Althea, kundi sa pagkukulang niyang maging sapat—kay Althea, at higit sa lahat, kay Zsazsa. Tila mabagal ang pag-inog ng mundo sa paningin niya habang pinagmamasdan kung paano niyakap ni Althea si Zsazsa nang mahigpit, kung paano ngumiti ang bata sa gitna ng lungkot, at kung paano n
Third POV Lumipas ang ilang araw, ngunit walang balita kay Xander. Para siyang nawala na parang bula, iniwan si Althea sa gitna ng napakaraming tanong at sakit. Sa bawat paggising niya sa umaga, umaasa siyang makakatanggap ng tawag o kahit mensahe mula kay Xander, pero wala. Tila baga hindi lang siya basta iniwan—parang hindi na ito muling babalik. Ang kanilang bagong tahanan na dapat ay puno ng saya bilang bagong kasal ay naging malamig at tahimik. Sa tuwing bababa siya sa hapag-kainan, parang gusto niyang umiyak. Napansin niyang kakaiba ang kilos ng kanyang mga magulang. Si Julio at Cecilia ay laging nag-uusap nang pabulong. Sa tuwing papasok siya sa silid nila, bigla silang titigil at magpapanggap na wala lang. Si Jace naman, palaging naroon, nakabantay sa kanya. Minsan, parang may gusto itong sabihin, pero hindi nito magawa. Isang gabi, habang palabas siya ng bahay upang magpahangin sa garden, narinig niya ang usapan ng kanyang mga magulang sa sala. "Hindi na dapat b
Third POV Malapit na ang kanilang kasal, pero sa halip na excitement, kaba ang bumalot kay Althea. Ilang oras na siyang naghihintay, pero ni anino ni Xander ay hindi pa niya nakikita. Nagsimula siyang maglakad-lakad sa paligid ng bahay, sinusubukang hanapin ito. Sinubukan niyang tawagan ang cellphone nito, pero hindi sumasagot. Sinubukan niya ring tanungin ang mga tauhan na abala sa paghahanda ng kasal, pero walang makapagsabi kung nasaan si Xander. Habang lumilipas ang mga oras, unti-unti na siyang kinabahan. “Nasaan na ba ang lalaking ‘yon?” bulong niya sa sarili, napapatingin sa orasan. Maya-maya, lumapit sa kanya si Zsazsa na may bitbit na stuffed toy. “Mama Althea, bakit po parang nag-aalala kayo?” inosenteng tanong ng bata. Napabuntong-hininga siya at pilit na ngumiti. “Hinahanap ko lang si Daddy Xander mo, baby.” Biglang kumunot ang noo ni Zsazsa. “Baka po hindi na siya bumalik,” sagot nito nang walang emosyon. “Okay lang naman po. Mas gusto ko naman si Daddy Jace.
Third POV Abala ang buong pamilya sa paghahanda ng kasal nina Xander at Althea. Masaya ang lahat, maliban kay Althea na nakaupo sa gilid, nakasimangot habang hinahaplos ang kanyang umbok na tiyan. "Hindi ba pwedeng pagkatapos ko na lang manganak?" reklamo niya kay Xander habang nakasandal ito sa balikat ng lalaki. Agad siyang hinila ni Xander palapit. "No way, love. Gusto kitang pakasalan ngayon na. Mas okay na may kasiguraduhan akong hindi mo na ako matatakasan!" malakas niyang sabi, sabay halik sa tuktok ng ulo ni Althea. Napairap si Althea at kinurot ang tagiliran ni Xander. "Ganyan ka na naman! Para bang takot na takot kang iwan kita." "Gano’n na nga," sagot ni Xander, hindi man lang tinatago ang katotohanan. "Baka kung kelan hindi kita binantayan, bigla kang tumakbo na parang si Cinderella!" Napahalakhak si Althea. "Eh paano naman ako tatakbo, ha? May bitbit akong baby sa tiyan! Hindi mo ba nakikita kung gaano na ako kabigat?" Tumango-tango si Xander na kunwaring na
Sa Ilalim ng mga Bituin Sa malawak na bakuran na malapit sa ilog, nag-uumapaw ang kasiyahan. Ang mga ilaw mula sa mga nakasabit na bombilya sa puno ay nagbibigay ng mainit at kaaya-ayang liwanag sa buong paligid. Amoy na amoy ang inihaw na isda at baboy, samahan pa ng halakhakan ng mga tao. Habang abala ang lahat sa paghahanda ng pagkain at paglalaro ng mga bata, si Althea naman ay nakaupo sa may gilid, pasilip-silip sa nagaganap na kasiyahan. Nakaunan siya sa kanyang palad, may kaunting lungkot sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang paligid. Kung iisipin, ilang araw lang ang lumipas pero pakiramdam niya ay parang isang siglo na niyang hindi nakikita si Xander. Inakala niyang hindi na ito babalik. Pinilit niyang maging matatag, pero sa bawat paglipas ng araw, mas lalo niyang naramdaman ang sakit ng pangungulila. Napabuntong-hininga siya at nilaro ang dahon ng damo sa kanyang kamay. Maya-maya pa, bigla niyang naramdaman ang isang mainit na bagay na lumapat sa kanyang bali
Tahimik ang buong bahay. Para bang lahat ng tao ay nawala, o kaya nama’y sinadyang iwan siyang mag-isa. Hindi niya maintindihan, pero ramdam niyang may bumabagabag sa kanya. Mahigpit ang pagkakabalot niya sa kumot, nakasiksik siya sa gilid ng kama, at kahit anong pilit niyang pigilan ang sarili, patuloy pa rin sa pagpatak ang kanyang luha. Paulit-ulit sa isip niya ang larawang nakita niya—si Xander, inaalagaan si Lilia, samantalang siya, na kanyang asawa at dinadala ang kanilang anak, ay hindi man lang nito napupuntahan. Maya-maya, isang katok ang gumambala sa kanyang pag-iiyak. Mahina lang ito noong una, pero hindi ito tumigil. Isa, dalawa, tatlong beses—at nang hindi siya sumagot, nanatiling tahimik ang kabilang panig ng pinto. Wala pa ring tunog. Parang nakikiramdam kung gising siya o hindi. Ngunit kahit pa sirain ang pintuan, hindi niya ito babangon. Mas gusto niyang manatiling nakabalot sa lungkot at pagdaramdam. Pero hindi niya inaasahan ang sumunod na nangyari. Isan
Samantalang si Althea ay abala sa pagkain ng hinog na mangga sa likod-bahay. Sarap na sarap siya sa bawat kagat habang iniisip kung bakit parang ang bigat pa rin ng pakiramdam niya. Ilang araw na siyang malungkot at hindi niya na rin makontak si Xander. Napabuntong-hininga siya at tumingin sa langit. "Kailan kaya matatapos ang ganitong pakiramdam?" tanong niya sa sarili. Nang maalala niya ang kanyang cellphone, agad siyang napatayo at bumalik sa kanyang silid. Kinuha niya ang telepono sa tabi ng unan at nanlaki ang mata nang makita ang napakaraming missed calls mula kay Jace. Kinabahan siya. "Baka may nangyari sa mga bata!" mabilis niyang inisip. Agad niyang tinawagan si Jace habang lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib. Biglang bumukas ang pinto ng silid ni Althea. Napalingon siya at nakita niyang si Jace ang pumasok. Kumunot ang noo niya, bakas sa mukha niya ang pagtataka. “Anong ginagawa mo rito?” tanong niya, kita sa mukha ang bahagyang pag-aalala. Hindi agad nagsali
Pag-aalala ng Pamilya ni Althea Tahimik na nakaupo si Althea sa hapag-kainan kasama ang kanyang pamilya. Kahit anong pilit niyang itago ang lungkot, napansin pa rin ito ng Inay Edna niya. “Althea, anak,” mahinahong tawag ni Inay Edna habang nakatingin sa kanya. “Para kang walang gana. Ang tagal mong nagising, tapos ngayon, parang hindi ka interesado sa pagkain mo.” Napatingin si Althea sa pagkain sa harapan niya. May sinigang na baboy, pritong isda, at kanin—paborito niya noon, pero ngayon, parang wala siyang gana kahit sa isang subo. “Wala lang po, Inay,” mahina niyang sagot, iniwas ang tingin. Ngunit hindi siya tinantanan ni Inay Edna. Napansin din ni Cecilia at Julio ang kanyang pananamlay. “Ano ka ba naman, anak?” sabat ni Cecilia, nag-aalalang hinawakan ang kamay ni Althea. “Buntis ka. Hindi puwedeng pinapabayaan mo ang sarili mo. Paano ang baby mo? Kailangan mong kumain.” “Kahit pilitin mo, kung ganyan ang mukha mo habang kumakain, baka lalo kang hindi makakain,” d
Xander's POV Nang makaalis si Attorney, naramdaman ko agad ang bigat ng katahimikan sa silid. Naiwan kaming dalawa ni Lilia, at ramdam ko ang bawat segundong lumilipas—parang isang bitag na unti-unting sumasakal sa akin. Tumayo ako, nag-aalalang tinitingnan si Lilia na nakahiga sa kama. “Lilia, magpapahinga na ako. May mga dapat pa akong asikasuhin bukas,” sabi ko, pilit na nagpapaka-kalma. Biglang sumimangot si Lilia, parang batang inagawan ng laruan. “Bakit ang bilis mo namang umalis, Xander? Akala ko ba, mananatili ka muna rito?” Napabuntong-hininga ako. “Sinabi kong isang buwan akong mananatili rito para ayusin ang usapin sa negosyo, pero hindi ibig sabihin na kailangan kong bantayan ka buong magdamag.” Tumayo siya mula sa kama, bagama’t halatang mahina pa rin ang katawan niya. Lumapit siya sa akin at mahigpit na hinawakan ang aking braso. “Xander, please… kahit sandali lang. Ayokong mag-isa rito.” Ramdam ko ang init ng kamay niya, pero mas ramdam ko ang lungkot sa bos