Share

Visiting friends

Author: N Chandra
last update Last Updated: 2022-02-01 05:13:09

Ramdam kong nahiga sa tabi ko si Lucian. Nasa kama na ako at lumingon ako sa kanya.

“Hey,” sabi ko at hinawakan ang kanyang mga pisngi.

“Pasensya na, huli na akong dumating,” sagot niya ng nakangiti.

“Ayos lang, nalaman ko ang tungkol sa mga bangkay na nahanap niyo. May dapat ba tayong ipag-alala?”

Mukhang nag-iisip siya ng kung ano.

“Walang dapat ipag-alala, mga nakakaawang mga normal na tao ang mga biktima. Ang mga pulis na ang bahala sa kanila. Baka, pinatay ng isang walang awang tao. Itinapon nila ang mga ito sa ating pagawaan ng mga barko.

“Napakasama naman, kawawang mga tao.”

“Madaming mga demonyo! Alam mo iyan,” sabi niya habang hinahaplos ang mukha ko gamit ang kanyang kamao.

Labis na inamoy ni Lucian ang leeg ko at kumalma siya, itinaas niyang muli ang ulo niya at tinitig

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • His Reluctant Luna(Tagalog)   Disagreements

    Alice“Pwede bang ipaliwang mo kung anong nangyayari?” tanong ko kay Lucian sa sandaling makarating siya ng Jade Moon.Ang mga pack sa ay napakaprotektado sa kanilang mga teritoryo, hindi karaniwan para sa ibang Alpha na makapasok sa may hangganan ng lugar ng isang pack ng walang pahintulot o security clearance. Masyado ng maraming mga mapanghangad na mga Alpha ang nang-aatake at gustong panghawakan ang isang pack. Ngunit malugod na tinatanggap si Lucian sa Jade moon at sa Reds pack. Pamilya sila."Nasaan si Rick?" mabilis niyang tanong.“Sa palagay ko, sa may infirmary.”Bigla na lamang siyang kumalma at hinawakan ako sa pisngi. “Hindi naman masyadong seryoso ang nangyayari.”“Sandali! Nandito ka dahil sa mga bangkay, hindi ba?”“Oo, pero maaari pa ring nagkataon lamang ang pangyayari. Hindi mo kailangan ma-s

    Last Updated : 2022-02-01
  • His Reluctant Luna(Tagalog)   Sinister plans

    OliviaAng mga bumihag sa akin ay walang awa na mga hayop, at mayroon lamang isang paraan upang mabuhay. Makisabay sa kanila, maghanap ng pagkakataon at tumakbo.At iyon ang eksaktong ginawa ko. Bukod sa paggamit ng katawan ko, minsan ginagamit nila ako bilang katulong. Kumukuha ako ng tamang oras. Pinanuod at pinagmasdan ko ng mabuti ang mga nakagawian at trabaho ng mga dumakip sa akin. Noong nakaraang linggo, balisa sila sa hindi malamang dahilan. Marami sa kanila ang napadaan sa selda ko, tahimik na nag-uusap tungkol sa isang pagsalakay na kanilang pinaplano.Halos hindi kami pinakain, marahil, sinasadya nila. Malamang para kontrolin kami, o marahil ang mga dumakip sa akin ay siadyang mga sadista, na nasisiyahang patayin kami sa gutom.Sa kabila ng kaunting kinakain, napansin ko na lumalakas ako, ang paningin ko ay bumuti rin nang husto. Malinaw ang paningin ko sa madilim na selda at napakasensitibo ng aking pandinig at naririnig k

    Last Updated : 2022-02-01
  • His Reluctant Luna(Tagalog)   Sparring with the mate

    Muli akong natumba nang ihagis ako ni Lucian sa banig. Kami ay nagtratrabaho at nagsasanay para sa aming pang-araw-araw na gawain. Maaga pa, puno pa rin ang gym ng mga tuta na karaniwang tumatambay at nag-eehersisyo sa kabilang banig. Huminto sila sa pagsasanay, binitawan ang mga gamit at nakatitig lang sa amin.Nakatayo sa gilid sina Damon, Katherine, Dominik, Rain, at iba pa. Nakakunot naman ang noo ni Katherine.Nakakrus ang mga braso ni Damon sa kanyang malaking dibdib, habang pinagmamasdan kaming gumugulong at nilalabanan ang bawat isa. Dahil hindi na kami nagsasanay, naglalaban na kaming dalawa. Hindi kami nag-usap mula nang magtalo kami noong nakaraang gabi, sa halip, nagpalitann lamang kami ng ilang mga titig.Sinugod ko si Lucian ng sunud-sunod na suntok at sipa. Hinawakan niya ang bewang ko at muli akong inihagis sa banig. Natumba ako, napapikit ako dahil sa lakas. Halos mabali nito ang aking tadyang.“Pagod ka na ba, mate?&r

    Last Updated : 2022-02-01
  • His Reluctant Luna(Tagalog)   Making up

    Mahilig si Lucian sa malalaking banyo. Kaya naman, ang banyo ay napakalaki na may mga pedestal na mga lababo at may mga mukhang magagarbong gripo sa isang gilid.May isang bidet toilet na malapit sa may shower sa kabilang dulo. Sa gitna naman nakalagay ang isang malaking mamahalin na whirlpool tub, na may mga puting marmol na sahig na kumikinang sa medyo madilim na ilaw (dim). Ang mga dingding na gawa sa tiles ay purong puti at sa dulo ng mga ito ay may kulay asul. Sa isang mababang bangko na gawa sa mahogany nakalagay ang puting malambot na mga tuwalya sa may banyo, habang ang mga nakapaso na halaman ay mahusay naman na ipinwesto malapit dito para magmukhang spa.Gayunpaman, ang ikinagulat ko ay ang mga kandilang nakasindi sa palibot nito, at maraming nagkalat na mga petals ng mga rosas sa may tub, at nilagyan ng scented oil ang tubig nito.“Ano ang mga ‘to?” tanong ko, inaalam kung anong nangyayari.

    Last Updated : 2022-02-01
  • His Reluctant Luna(Tagalog)   Alpha conference

    LUCIANAng mga Alpha mula sa 30 na pack ay nakaupo sa paligid ng mahabang mesa at pinapaligiran ng kanilang mga enforcer na nakatayo sa tabi ng mga dingding. Ang conference room ay puno ng testosterone.Puno ng tensyon sa loob ng silid, habang iniisip ng lahat kung ano ang magiging resulta ng karumal-dumal na krimen sa mapayapang komunidad ng mga werewolf. Samakatuwid, ang panganib sa araw na malaman ang kanilang pagkatao.Isang bagay ang kapansin-pansing malinaw sa lahat ng nasa silid; napakahalaga na mahanap nila ang mga were o weres na responsable dito, kung hindi ang kapayapaan na mayroon sila sa nakalipas na 15 taon ay magsisimulang masira.Lahat ay tumingin sa akin. Dahil ako ang siyang nagpalaganap ng pagpupulong, gusto nilang marinig sa akin ang sagot sa mga tanong na nasa isip ng karamihan sa kanila ngunit nag-aalangan silang itanong. Ikinuwento ko lang ang pagkakatuklas ng mga hindi kilalang katawa

    Last Updated : 2022-02-01
  • His Reluctant Luna(Tagalog)   Trouble in Paradise

    Alice“Eliza! Tumakbo ka na kasama ang mga kababaihan,” sigaw ko kay Eliza.“Pero Madam…”“Huwag ka ng makipagtalo pa, hindi natin sila pwedeng hayaang madakip ang mga kababaihan natin, Eliza at Peter. Bumalik na kayo kasama sila. Ako at si Roger ay pipigilan sila habang hinihintay na dumating ang mga sundalo.”Araw ng pagsasanay ng mga kabataang shifters ngayon para sa isang skill survival training. Sinamahan ko si Eliza, kasama si beta Roger at isa pang mandirigmang wolf sa lugar na ito, malapit sa gilid ng campus. Ang 10 juvenile girls ay mukha atang nasasabik sa pagsasanay. Lumipat sila at tumakbo nang paikot-ikot, naging pamilyar sa kanilang mga bagong kilalang mga wolf.Napakaganda ng araw, lahat ay naging maayos, pabalik na kami nang bigla na lamang kaming pinaligiran ng mga werewolves. Ang priyoridad ko ay ang protektahan ang mga kababaihan

    Last Updated : 2022-02-01
  • His Reluctant Luna(Tagalog)   A deep conspiracy

    “Zaiden? Siya si Zaiden?” tanong ko habang nakatitig sa walang malay na lalaki.“Anong ginagawa niya sa ating lupain? Hindi siya dapat nandirito,” nakatitig si Lucian sa kanya ng may paghihinala.“Hindi ko alam, pwede tayong magpa-imbestiga sa sandaling magising si Zaiden. Kung wala siya doon, maaaring hindi ako nakaligtas.”Tumingin sa akin ng masama si Lucian, alam kong hindi pa rin siya kumbensido.“Maaaring kasabwat niya ang mga iyon, at lahat iyon ay parte lamang ng pagsasabwatan. Iligtas ang buhay mo, kunin ang tiwala mo, makapasok sa pack at saka… alam na ng Diyos kung ano ang nais niyang mangyari.”Maaaring posible nga iyon. Pero sa paraan na iniligtas niya ako, ayaw paniwalaan ng puso ko na isa lamang iyong plano. Gayunpaman, hindi ko magagawang maging isang tangang emosyonal. Malalagay sa panganib ang kaligtasan ng pack.

    Last Updated : 2022-02-01
  • His Reluctant Luna(Tagalog)   Interrogation

    Lucian -Tumayo kami ni Daniel na nakaharap sa isang one-way mirror. Ang kanyang mga Beta ay patuloy na nagtatanong sa mga rogue wolves mula nang sila ay magkamalay. Ang pack ni Daniel ay isa sa mga masuwerteng nakahuli ng ilan sa mga rogue ng buhay. Nagpunta na ako sa mga Reds ng malaman ko ang balita. Na-curious ako na kilalanin silang mabuti.Salitan silang binugbog ng mga beta, ngunit nanatili silang tikom ang bibig, matigas ang ulo, at nginisian sila bilang pang-insulto. Si Daniel ay labis ang inis sa patuloy nilang pagtahimik, at sa wakas ay inutusan niya silang ipakadena. Ang mga rogue ay nakabitin mula sa kisame sa isang matibay na mga pilak na mga kadena.Ang pilak na mga kadena ay susunugin ang kanilang mga balat at pahihinain sila, pinipigilan ang kanilang mga katawan mula sa paggaling at paglakas. Ang mga batik ng mga pasa ay sunisira ang kanilang mga balat, ang dugo nila ay malayang umaagos

    Last Updated : 2022-02-01

Latest chapter

  • His Reluctant Luna(Tagalog)   Epilogue

    Six years Later-AliceNakaupo kami ni Emma sa labas sa hardin habang pinapanood ang kulitan ng aming anak. Madalas kaming bumisita sa isa't isa."Paano mo naaalagaan ng sabay iyang mga tatlo, hindi ko malalaman. Nahihirapan na ako kay Arya,” sabi niya.“Mahirap kung minsan, pero nakakatuwa din,” sabi ko at tumingin ako sa anim na taong si Aiden at apat na gulang kong kambal, sina Rose at Leo. Isang nakakatuwang pagkabigla ang naramdaman ko nang malaman kong nagkaroon ako ng anak na kambal, isang taon matapos kong ipanganak si Aiden.Ang mga bata ay tumingin sa amin at ngumiti, sila ay cute na mga tuta. Parehong minana nina Aiden at Rose ang berdeng mata at maitim na buhok ni Lucian. Mas hawig ko naman si Leo na may hazel na mata at brown na buhok. Napahawak si Arya sa tenga ni Aiden habang sina Rose at Leo ay nagk

  • His Reluctant Luna(Tagalog)   Good end of things

    AliceHabang naglalakad ako patungo sa isang pabilog na linya upang sumali sa pack, sa aming mga bisita, at sa mga kaibigan ko. Hindi ko maiwasang humanga sa mga palamuti, sa mga ilaw, at sa nakakaakit na amoy ng iniihaw na karne. Lahat ay ginawa ni Katherine.Ang buong paligid ay napuno ng mga maliwanag na mga ilaw at mga makukulay na mga rosas. Isang malambing na musika ang tinutugtog ng isang live band. Luma na ang musika ngunit kaakit-akit ang tunog nito.Lahat ng mga bisita ay nakangiti at nagbibiruan. Agad akong sinamahan ni Lucian at natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa kanyang mga bisig. Ngumiti siya sa akin at saka ako hinalikan. Dumaan ang dila niya sa labi ko at ibinuka ko ang bibig niya para halikan siya. Naglaro ang kamay ko sa butones ng damit niya, hiling ko na sana nasa kwarto kami.“Pareho tayo ng hiling dear,” sabi niya at binigyan ako ng magandang ngiti.&n

  • His Reluctant Luna(Tagalog)   New dreams

    AliceAlam ko ang tungkol sa Doppler monitor na ginagamit para marinig ang tibok ng puso ng mga baby. Ang ideya iyon ay parehong ikinatuwa at ikinatakot ko.“Basta mahiga ka lang,” sabi ni Dr. Armand, at itinaas ang damit ko para ilabas ang tiyan ko. Naghaplos siya ng isang likido sa aking tiyan. “Kaunting gel lamang. Makakatulong ito sa paghanap ng heartbeat ng bata.”Isang kaluskos na tunog tulad ng isang lumang transistor radio ang narinig namin sa silid. Tumingin sa akin si Lucian, at natataranta."Ang naririnig ba natin ay ang tibok ng puso ng bata?"Tumango ang doktor at iginalaw ang hawak niyang instrumento sa aking tiyan."Ang puso niya ay nagsisimulang tumibok ng napakaaga pa lamang."Ilan pang mga pagtunog ang narinig namin mula sa maliit na speaker na hawak ng doktor sa kamay niya. Isang mabilis at matubig na tunog ang naririnig na

  • His Reluctant Luna(Tagalog)   Stuart meets his fate

    Alice‘Alice, mahal kita, babe. Ngayon makinig kang mabuti. Kapag sinabi kong tumakbo ka, tumakbo ka lang!’ sabi ni Lucian sa aking isipan.‘Pero si Max…’‘Ililigtas din namin siya, huwag kang mag-alala. Hindi nila alam na nandito kami dahil iba ang direksyon ng hangin, Pero malalaman din nila kinalaunan. Kaya gawin mo na lang kung anong sasabihin ko, please!’‘Gagawin ko, dear,’ sagot ko.Nanghihinalang tumingin sa akin si Frank; Hindi ko siya pinansin at nanatiling nakayuko. Hindi ako sigurado kung kaya kong magpalit ng anyo, hindi kaya ng mga buntis na wolf. Ngunit sinigurado sa akin ng aking wolf na maaari siyang lumabas anumang oras.‘Takbo!’ sigaw ni Lucian sa aking isip

  • His Reluctant Luna(Tagalog)   Escape

    OliviaNagising akong sumisigaw mula sa pagkakabangungot.“Olivia! Ayos ka lang ba?” Hawak-hawak ni Zaiden ang nanginginig kong katawan."Nakita ko siya... Nakita ko si Madam Luna, nasa kweba siya, hindi sa isang lab. Dalhin mo ako sa Alpha. Parang-awa mo na,” pagmamakaawa ko. Napakalinaw ng nakita ko. Parang bang nandoon ako.“Sige, magbihis ka,” inabutan niya ako ng damit.Gabi na o madaling araw na. Anong oras pa man iyon, basata alas-tres na ng umaga nang makarating kami sa opisina ng Alpha. Ang mga nagmamadali at pagod na mga beta at ng mga trackers ay natiyak ang katotohanan na walang sinuman sa kanila ang natulog ng ilang oras. Sinusubukan ni Alpha ang lahat para mahanap si Alice. Napakaraming nakapilang mga SUV sa daan na tila papunta sila para sa isang pagsalakay o kaya’y kakauwi pa lamang nila.“Kailangan kong makausap

  • His Reluctant Luna(Tagalog)   A silver lining

    Sinubukan kong panatilihing bukas ang aking mga mata, habang si Stuart ay patuloy lang sa pagkwento patungkol sa mga scientific advancements. Halos hindi ko na matandaan kung ano na ba ang mga pinagsasabi niya, pero tumatango na lamang ako at ngumingiti para magmukhang interesado ako dito.‘Lucian, asan ka na?’ bulong ko sa kawalan."Kaya naman, itong mga babaeng mga ito ay hindi nabuntis, hindi dahil nabigo ang eksperimento ko. Mahina lang sila. Mahina at walang silbi. Kahit ang mga lalaking hukbo ko ay hindi rin nagtagumpay sa nga inaasahan ko. Kaya naman, nagsimula akong maghanap ng mga maaring gawin. At ang pinakamahusay na bagay ay ang maging natural. Likhain ang aking mga hybrid na anak."Ipinagpatong niya ang kanyang paa at saka tiniklop ang kanyang mga kamay, at saka ipinatong ang baba niya sa kanyang kamao.“Kung ganun, iyon ang dahilan kung bakit

  • His Reluctant Luna(Tagalog)   In captivity

    Lucian‘Isa itong kabaliwan! Hindi sana ako nakinig sa kanya,’ sabi ko sa sarili ko. Pero wala na ring silbe, wala na siya.“Alpha, hindi na po namin mahanap ang chopper,” malungkot na sabi ni Damon.Ramdam ko ang pagbaon ng aking mga kuko sa sa aking palad, masyado akong nanggigigil ng husto. Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim."Gawin niyo ang lahat ng iyong makakaya. Sundin ang lahat ng mga pahiwatig at hanapin siya,” nagawa ko din magsalita.“Alpha, may hiling kami.”Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Kyle at ang mga guard na nakayuko. Nagagalit ang wolf ko. Gusto niyang putulin ang kanilang mga ulo, dahil sa pagkabigo nilang protektahan ang aking mate.“Ano iyon?” tanong ko at hindi makapaghintay.“Hindi kami… hindi kami… Hin

  • His Reluctant Luna(Tagalog)   Abducted again

    OliviaNaglalakad ako patungo sa mga puno bago ko napagtanto ang nangyayari.'Huwag, bumalik ka,' sabi ko sarili ko at pagkatapos ay napagtanto kong hindi ako ang may kontrol sa sarili ko kundi ang aking wolf.Lumabas na ang aking wolf. Nararamdaman ko siya habang tumatakbo ako. Lumalabo ang mga puno sa tabi ko, at nilanghap ko ang sariwang hangin. Nakaramdam ako ng lakas.Ang parte ng sarili ko bilang isang tao ay nababahala pa rin at sinusubukang makalusot sa aking wolf. Tumakbo ako ng milya-milya upang tingnan ang aking teritoryo.Bumaba ang tingin ko sa aking mga paa at ang mga ito ay paa pa rin ng isang tao, na may maliit na mga puting balahibo ng isang wolf. Humaba ang mga kuko ko sa aking mga kamay, ngunit mukha pa rin itong kamay ng tao. Napagtanto ko na bahagya akong nagpalit ng anyo bilang isang hybrid wolf woman. At napakasarap sa pakiramdam. Hindi na ako makapa

  • His Reluctant Luna(Tagalog)   New moon and a new wolf

    "Hanggang kailan bago siya makakalabas?" nag-aalalang tanong ni Zaiden.Lahat kami ay naghahanda kanina para kumain nang sumulpot siya ilang saglit lamang na bitbit si Olivia. Tila mahimbing ang tulog niya, isang kuntentong ngiti ang puminta sa kanyang mukha."Nagbabago na siya. Ilang araw na lang magigising na din siya. Gaano katagal nakatulog si Rain nung ginawa mo siyang were?" tanong ko kay Damon.“Isang linggo,” buntong-hininga niya. “Bagama't kalaunan ay nalaman kong nagising na pala siya ilang oras na ang nakalipas at nag-eenjoy lang siya sa atensyon kaya nagkunwari siyang tulog."Nagpipigil ako ng tawa habang nakatingin naman sa kanya si Rain."Ano ba ang dapat kong gawin, kinagat mo ako ng walang pasabi!" sagot niya.Umiling ako sa kalokohan nila."Magigising siya sa loob ng 24 na oras. Baka mapapabilis ito dahil nag-uumpisa

DMCA.com Protection Status