Home / All / His Reluctant Luna(Tagalog) / Stuart meets his fate

Share

Stuart meets his fate

Author: N Chandra
last update Last Updated: 2022-02-01 05:40:29

Alice

Alice, mahal kita, babe. Ngayon makinig kang mabuti. Kapag sinabi kong tumakbo ka, tumakbo ka lang!’ sabi ni Lucian sa aking isipan.

‘Pero si Max…’

‘Ililigtas din namin siya, huwag kang mag-alala. Hindi nila alam na nandito kami dahil iba ang direksyon ng hangin, Pero malalaman din nila kinalaunan. Kaya gawin mo na lang kung anong sasabihin ko, please!’

‘Gagawin ko, dear,’ sagot ko.

Nanghihinalang tumingin sa akin si Frank; Hindi ko siya pinansin at nanatiling nakayuko. Hindi ako sigurado kung kaya kong magpalit ng anyo, hindi kaya ng mga buntis na wolf. Ngunit sinigurado sa akin ng aking wolf na maaari siyang lumabas anumang oras.

‘Takbo!’ sigaw ni Lucian sa aking isip

Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • His Reluctant Luna(Tagalog)   New dreams

    AliceAlam ko ang tungkol sa Doppler monitor na ginagamit para marinig ang tibok ng puso ng mga baby. Ang ideya iyon ay parehong ikinatuwa at ikinatakot ko.“Basta mahiga ka lang,” sabi ni Dr. Armand, at itinaas ang damit ko para ilabas ang tiyan ko. Naghaplos siya ng isang likido sa aking tiyan. “Kaunting gel lamang. Makakatulong ito sa paghanap ng heartbeat ng bata.”Isang kaluskos na tunog tulad ng isang lumang transistor radio ang narinig namin sa silid. Tumingin sa akin si Lucian, at natataranta."Ang naririnig ba natin ay ang tibok ng puso ng bata?"Tumango ang doktor at iginalaw ang hawak niyang instrumento sa aking tiyan."Ang puso niya ay nagsisimulang tumibok ng napakaaga pa lamang."Ilan pang mga pagtunog ang narinig namin mula sa maliit na speaker na hawak ng doktor sa kamay niya. Isang mabilis at matubig na tunog ang naririnig na

    Last Updated : 2022-02-01
  • His Reluctant Luna(Tagalog)   Good end of things

    AliceHabang naglalakad ako patungo sa isang pabilog na linya upang sumali sa pack, sa aming mga bisita, at sa mga kaibigan ko. Hindi ko maiwasang humanga sa mga palamuti, sa mga ilaw, at sa nakakaakit na amoy ng iniihaw na karne. Lahat ay ginawa ni Katherine.Ang buong paligid ay napuno ng mga maliwanag na mga ilaw at mga makukulay na mga rosas. Isang malambing na musika ang tinutugtog ng isang live band. Luma na ang musika ngunit kaakit-akit ang tunog nito.Lahat ng mga bisita ay nakangiti at nagbibiruan. Agad akong sinamahan ni Lucian at natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa kanyang mga bisig. Ngumiti siya sa akin at saka ako hinalikan. Dumaan ang dila niya sa labi ko at ibinuka ko ang bibig niya para halikan siya. Naglaro ang kamay ko sa butones ng damit niya, hiling ko na sana nasa kwarto kami.“Pareho tayo ng hiling dear,” sabi niya at binigyan ako ng magandang ngiti.&n

    Last Updated : 2022-02-01
  • His Reluctant Luna(Tagalog)   Epilogue

    Six years Later-AliceNakaupo kami ni Emma sa labas sa hardin habang pinapanood ang kulitan ng aming anak. Madalas kaming bumisita sa isa't isa."Paano mo naaalagaan ng sabay iyang mga tatlo, hindi ko malalaman. Nahihirapan na ako kay Arya,” sabi niya.“Mahirap kung minsan, pero nakakatuwa din,” sabi ko at tumingin ako sa anim na taong si Aiden at apat na gulang kong kambal, sina Rose at Leo. Isang nakakatuwang pagkabigla ang naramdaman ko nang malaman kong nagkaroon ako ng anak na kambal, isang taon matapos kong ipanganak si Aiden.Ang mga bata ay tumingin sa amin at ngumiti, sila ay cute na mga tuta. Parehong minana nina Aiden at Rose ang berdeng mata at maitim na buhok ni Lucian. Mas hawig ko naman si Leo na may hazel na mata at brown na buhok. Napahawak si Arya sa tenga ni Aiden habang sina Rose at Leo ay nagk

    Last Updated : 2022-02-01
  • His Reluctant Luna(Tagalog)   A wolf in exile

    Ang malakas na tunog mula sa phone ko ang gumising sa akin sa pagkakatulog, pinatay ko ang alarm saka muling bumaluktot sa ilalim ng aking kumot ng ilan pang mga minuto.Karaniwan akong natatagalan sa paggising, kaya naman nag-aalarm ako ng maaga. Sawakas at ibinangon ko na rin ang aking katawan mula sa kama at agad na ginawa ang pang-araw-araw na gawain ko. Isa akong architect, isang 24 na taong gulang, isa ako sa pinakabatang empleyado ng Bartion and Tom, isa sa mga leading Construction firms sa London.Hawak ang aking kape, pumasok na ako sa Tren. Lagi kong suot ang headphones ko dahil naririnig ko ang lahat. Ibig kong sabihin literal, lahat-lahat. Mayroon akong pambihirang pandama dahil hindi ako normal. Mayroon akong pambihirang bilis, liksi, at lakas.

    Last Updated : 2021-11-09
  • His Reluctant Luna(Tagalog)   Engaged

    “Mark!”Pag-iyak ko habang tumtakbo papalapit sa kanya. Sawakas ay nagbalik na din siya galing sa Germany, at hindi na ako makapaghintay na makulong sa mga braso nya. Sinabi niya sa akin na hindi ko na siya kailangan pang sunduin sa airport pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.Ang mga asul na mga mata niya ay kuminang sa sandaling yakapin niya ako sa kanyang mga malalaking mga braso. Mula sa kanyang 6”1 na tangkad laban sa akingf 5”4 na payat na katawan.“Namiss kita,” namula ako nang halikan niya ako sa aking pisngi.“Ako rin, kamusta naman ang byahe mo?” tanong ko, habang kinukuha niya ang kanyang mga bag habang palabas ng airport.&

    Last Updated : 2021-11-09
  • His Reluctant Luna(Tagalog)   Home

    Si Tita Flora ay isa sa mga nasabing kakaiba. Halos lahat ng keepers ay may kakaibang persona. Hindi madaling maging iba sa lahat, ang kakayahan mong makita at makitungo sa mga supernatural na nilalang ay may kaakibat ding hindi maganda. Isa na rito ang kalungkutan. Si tita Flora ay may kasintahang espirito, iyon ang kanyang sinasabi. Hindi ko din iyon nakita kahit kailan, walang kakayahan ang mga werewolves na makakita ng mga multo, napakabait niya, kaya pinaniniwalaan ko siya.Sa ngayon, umiiling siya nang sabihin ko ang tungkol sa pag propose ni Mark.“Hindi iyan magugutuhan ng mate mo,” sagot niya at umiling.50 taong gulang na si tita Flora, pero mukha siyang nasa 35. Napakaganda niya sa maikli at pula niyang mga buhok at sa matikas na taste niya sa mga kasuotan. Naaalala ko sa kanya s

    Last Updated : 2021-11-09
  • His Reluctant Luna(Tagalog)   Mates

    ALICESa sandaling makataas na kami mula sa pool, ang mga kamay niya ay nakapulupot pa rin sa akin. At sa sandaling iyon ay napagmasadan ko ang isang pares ng pinakamagandang pares ng kulay berde na mga mata na nakita ko sa lahat.Tumigil ang oras, tumigil ang paghinga ko. Lahat ay nawala, wala akong ibang makita o maramdaman maliban sa napakagandang lalaking ito na nakatayo sa aking harapan. Hindi dapat napakaganda, masyado iyong pangbabae. Isa siyang kakaibang lalaki.Basang-basa siya at ang magulong kulay kayumanging buhok niya ay naglaglagan sa kanyang noo. Mas mataas siya sa akin at halos tatlong beses ang laki niya sa akin. Mayroon siyang pangangatawan ng isang warrior, na tumigil ng ilang taon sa pag-eensayo. Wala siyang suot na pang-itaas at basang-basa siya na naging dahilan upang mabaliw ang wolf ko.

    Last Updated : 2021-11-09
  • His Reluctant Luna(Tagalog)   Pack Life

    Dahan-dahan akong nagising at sinusubukang lalahanin ang nangyari na parang bang sinususbukan kong lumangoy pataas mula sa malalim at madilim na tubig.Alas-nuwebe nang muli, at may usok sa paligid. Ang mga tao ay tumatakbo sa paligid at sinusubukang makatakas sa apoy, may mga putok ng baril. Sinara ko ang aking tainga at sinusubukang alisin ang gulong nangyayari nang may humawak sa aking balikat, ang sakit nun.Tumingin ako sa mukha ng lalaki, ngunit malabo ang lahat. Pagkatapos nun ay tumatakbo na ulit ako, nagtago ako sa ilalim ng isang mesa at ipinikit muli ang aking mga mata at tinakpan ang mga tainga ko.“Huwag kang matakot, proprotektahan kita...” sabi ng mahinahon na boses. Lumingon ako at mayroong isang lalaki, mas matanda siya kaunti sa akin. Nagtatago siya kasama ko habang

    Last Updated : 2021-11-10

Latest chapter

  • His Reluctant Luna(Tagalog)   Epilogue

    Six years Later-AliceNakaupo kami ni Emma sa labas sa hardin habang pinapanood ang kulitan ng aming anak. Madalas kaming bumisita sa isa't isa."Paano mo naaalagaan ng sabay iyang mga tatlo, hindi ko malalaman. Nahihirapan na ako kay Arya,” sabi niya.“Mahirap kung minsan, pero nakakatuwa din,” sabi ko at tumingin ako sa anim na taong si Aiden at apat na gulang kong kambal, sina Rose at Leo. Isang nakakatuwang pagkabigla ang naramdaman ko nang malaman kong nagkaroon ako ng anak na kambal, isang taon matapos kong ipanganak si Aiden.Ang mga bata ay tumingin sa amin at ngumiti, sila ay cute na mga tuta. Parehong minana nina Aiden at Rose ang berdeng mata at maitim na buhok ni Lucian. Mas hawig ko naman si Leo na may hazel na mata at brown na buhok. Napahawak si Arya sa tenga ni Aiden habang sina Rose at Leo ay nagk

  • His Reluctant Luna(Tagalog)   Good end of things

    AliceHabang naglalakad ako patungo sa isang pabilog na linya upang sumali sa pack, sa aming mga bisita, at sa mga kaibigan ko. Hindi ko maiwasang humanga sa mga palamuti, sa mga ilaw, at sa nakakaakit na amoy ng iniihaw na karne. Lahat ay ginawa ni Katherine.Ang buong paligid ay napuno ng mga maliwanag na mga ilaw at mga makukulay na mga rosas. Isang malambing na musika ang tinutugtog ng isang live band. Luma na ang musika ngunit kaakit-akit ang tunog nito.Lahat ng mga bisita ay nakangiti at nagbibiruan. Agad akong sinamahan ni Lucian at natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa kanyang mga bisig. Ngumiti siya sa akin at saka ako hinalikan. Dumaan ang dila niya sa labi ko at ibinuka ko ang bibig niya para halikan siya. Naglaro ang kamay ko sa butones ng damit niya, hiling ko na sana nasa kwarto kami.“Pareho tayo ng hiling dear,” sabi niya at binigyan ako ng magandang ngiti.&n

  • His Reluctant Luna(Tagalog)   New dreams

    AliceAlam ko ang tungkol sa Doppler monitor na ginagamit para marinig ang tibok ng puso ng mga baby. Ang ideya iyon ay parehong ikinatuwa at ikinatakot ko.“Basta mahiga ka lang,” sabi ni Dr. Armand, at itinaas ang damit ko para ilabas ang tiyan ko. Naghaplos siya ng isang likido sa aking tiyan. “Kaunting gel lamang. Makakatulong ito sa paghanap ng heartbeat ng bata.”Isang kaluskos na tunog tulad ng isang lumang transistor radio ang narinig namin sa silid. Tumingin sa akin si Lucian, at natataranta."Ang naririnig ba natin ay ang tibok ng puso ng bata?"Tumango ang doktor at iginalaw ang hawak niyang instrumento sa aking tiyan."Ang puso niya ay nagsisimulang tumibok ng napakaaga pa lamang."Ilan pang mga pagtunog ang narinig namin mula sa maliit na speaker na hawak ng doktor sa kamay niya. Isang mabilis at matubig na tunog ang naririnig na

  • His Reluctant Luna(Tagalog)   Stuart meets his fate

    Alice‘Alice, mahal kita, babe. Ngayon makinig kang mabuti. Kapag sinabi kong tumakbo ka, tumakbo ka lang!’ sabi ni Lucian sa aking isipan.‘Pero si Max…’‘Ililigtas din namin siya, huwag kang mag-alala. Hindi nila alam na nandito kami dahil iba ang direksyon ng hangin, Pero malalaman din nila kinalaunan. Kaya gawin mo na lang kung anong sasabihin ko, please!’‘Gagawin ko, dear,’ sagot ko.Nanghihinalang tumingin sa akin si Frank; Hindi ko siya pinansin at nanatiling nakayuko. Hindi ako sigurado kung kaya kong magpalit ng anyo, hindi kaya ng mga buntis na wolf. Ngunit sinigurado sa akin ng aking wolf na maaari siyang lumabas anumang oras.‘Takbo!’ sigaw ni Lucian sa aking isip

  • His Reluctant Luna(Tagalog)   Escape

    OliviaNagising akong sumisigaw mula sa pagkakabangungot.“Olivia! Ayos ka lang ba?” Hawak-hawak ni Zaiden ang nanginginig kong katawan."Nakita ko siya... Nakita ko si Madam Luna, nasa kweba siya, hindi sa isang lab. Dalhin mo ako sa Alpha. Parang-awa mo na,” pagmamakaawa ko. Napakalinaw ng nakita ko. Parang bang nandoon ako.“Sige, magbihis ka,” inabutan niya ako ng damit.Gabi na o madaling araw na. Anong oras pa man iyon, basata alas-tres na ng umaga nang makarating kami sa opisina ng Alpha. Ang mga nagmamadali at pagod na mga beta at ng mga trackers ay natiyak ang katotohanan na walang sinuman sa kanila ang natulog ng ilang oras. Sinusubukan ni Alpha ang lahat para mahanap si Alice. Napakaraming nakapilang mga SUV sa daan na tila papunta sila para sa isang pagsalakay o kaya’y kakauwi pa lamang nila.“Kailangan kong makausap

  • His Reluctant Luna(Tagalog)   A silver lining

    Sinubukan kong panatilihing bukas ang aking mga mata, habang si Stuart ay patuloy lang sa pagkwento patungkol sa mga scientific advancements. Halos hindi ko na matandaan kung ano na ba ang mga pinagsasabi niya, pero tumatango na lamang ako at ngumingiti para magmukhang interesado ako dito.‘Lucian, asan ka na?’ bulong ko sa kawalan."Kaya naman, itong mga babaeng mga ito ay hindi nabuntis, hindi dahil nabigo ang eksperimento ko. Mahina lang sila. Mahina at walang silbi. Kahit ang mga lalaking hukbo ko ay hindi rin nagtagumpay sa nga inaasahan ko. Kaya naman, nagsimula akong maghanap ng mga maaring gawin. At ang pinakamahusay na bagay ay ang maging natural. Likhain ang aking mga hybrid na anak."Ipinagpatong niya ang kanyang paa at saka tiniklop ang kanyang mga kamay, at saka ipinatong ang baba niya sa kanyang kamao.“Kung ganun, iyon ang dahilan kung bakit

  • His Reluctant Luna(Tagalog)   In captivity

    Lucian‘Isa itong kabaliwan! Hindi sana ako nakinig sa kanya,’ sabi ko sa sarili ko. Pero wala na ring silbe, wala na siya.“Alpha, hindi na po namin mahanap ang chopper,” malungkot na sabi ni Damon.Ramdam ko ang pagbaon ng aking mga kuko sa sa aking palad, masyado akong nanggigigil ng husto. Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim."Gawin niyo ang lahat ng iyong makakaya. Sundin ang lahat ng mga pahiwatig at hanapin siya,” nagawa ko din magsalita.“Alpha, may hiling kami.”Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Kyle at ang mga guard na nakayuko. Nagagalit ang wolf ko. Gusto niyang putulin ang kanilang mga ulo, dahil sa pagkabigo nilang protektahan ang aking mate.“Ano iyon?” tanong ko at hindi makapaghintay.“Hindi kami… hindi kami… Hin

  • His Reluctant Luna(Tagalog)   Abducted again

    OliviaNaglalakad ako patungo sa mga puno bago ko napagtanto ang nangyayari.'Huwag, bumalik ka,' sabi ko sarili ko at pagkatapos ay napagtanto kong hindi ako ang may kontrol sa sarili ko kundi ang aking wolf.Lumabas na ang aking wolf. Nararamdaman ko siya habang tumatakbo ako. Lumalabo ang mga puno sa tabi ko, at nilanghap ko ang sariwang hangin. Nakaramdam ako ng lakas.Ang parte ng sarili ko bilang isang tao ay nababahala pa rin at sinusubukang makalusot sa aking wolf. Tumakbo ako ng milya-milya upang tingnan ang aking teritoryo.Bumaba ang tingin ko sa aking mga paa at ang mga ito ay paa pa rin ng isang tao, na may maliit na mga puting balahibo ng isang wolf. Humaba ang mga kuko ko sa aking mga kamay, ngunit mukha pa rin itong kamay ng tao. Napagtanto ko na bahagya akong nagpalit ng anyo bilang isang hybrid wolf woman. At napakasarap sa pakiramdam. Hindi na ako makapa

  • His Reluctant Luna(Tagalog)   New moon and a new wolf

    "Hanggang kailan bago siya makakalabas?" nag-aalalang tanong ni Zaiden.Lahat kami ay naghahanda kanina para kumain nang sumulpot siya ilang saglit lamang na bitbit si Olivia. Tila mahimbing ang tulog niya, isang kuntentong ngiti ang puminta sa kanyang mukha."Nagbabago na siya. Ilang araw na lang magigising na din siya. Gaano katagal nakatulog si Rain nung ginawa mo siyang were?" tanong ko kay Damon.“Isang linggo,” buntong-hininga niya. “Bagama't kalaunan ay nalaman kong nagising na pala siya ilang oras na ang nakalipas at nag-eenjoy lang siya sa atensyon kaya nagkunwari siyang tulog."Nagpipigil ako ng tawa habang nakatingin naman sa kanya si Rain."Ano ba ang dapat kong gawin, kinagat mo ako ng walang pasabi!" sagot niya.Umiling ako sa kalokohan nila."Magigising siya sa loob ng 24 na oras. Baka mapapabilis ito dahil nag-uumpisa

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status