LUCIAN
Ang mga Alpha mula sa 30 na pack ay nakaupo sa paligid ng mahabang mesa at pinapaligiran ng kanilang mga enforcer na nakatayo sa tabi ng mga dingding. Ang conference room ay puno ng testosterone.
Puno ng tensyon sa loob ng silid, habang iniisip ng lahat kung ano ang magiging resulta ng karumal-dumal na krimen sa mapayapang komunidad ng mga werewolf. Samakatuwid, ang panganib sa araw na malaman ang kanilang pagkatao.
Isang bagay ang kapansin-pansing malinaw sa lahat ng nasa silid; napakahalaga na mahanap nila ang mga were o weres na responsable dito, kung hindi ang kapayapaan na mayroon sila sa nakalipas na 15 taon ay magsisimulang masira.
Lahat ay tumingin sa akin. Dahil ako ang siyang nagpalaganap ng pagpupulong, gusto nilang marinig sa akin ang sagot sa mga tanong na nasa isip ng karamihan sa kanila ngunit nag-aalangan silang itanong. Ikinuwento ko lang ang pagkakatuklas ng mga hindi kilalang katawa
Alice“Eliza! Tumakbo ka na kasama ang mga kababaihan,” sigaw ko kay Eliza.“Pero Madam…”“Huwag ka ng makipagtalo pa, hindi natin sila pwedeng hayaang madakip ang mga kababaihan natin, Eliza at Peter. Bumalik na kayo kasama sila. Ako at si Roger ay pipigilan sila habang hinihintay na dumating ang mga sundalo.”Araw ng pagsasanay ng mga kabataang shifters ngayon para sa isang skill survival training. Sinamahan ko si Eliza, kasama si beta Roger at isa pang mandirigmang wolf sa lugar na ito, malapit sa gilid ng campus. Ang 10 juvenile girls ay mukha atang nasasabik sa pagsasanay. Lumipat sila at tumakbo nang paikot-ikot, naging pamilyar sa kanilang mga bagong kilalang mga wolf.Napakaganda ng araw, lahat ay naging maayos, pabalik na kami nang bigla na lamang kaming pinaligiran ng mga werewolves. Ang priyoridad ko ay ang protektahan ang mga kababaihan
“Zaiden? Siya si Zaiden?” tanong ko habang nakatitig sa walang malay na lalaki.“Anong ginagawa niya sa ating lupain? Hindi siya dapat nandirito,” nakatitig si Lucian sa kanya ng may paghihinala.“Hindi ko alam, pwede tayong magpa-imbestiga sa sandaling magising si Zaiden. Kung wala siya doon, maaaring hindi ako nakaligtas.”Tumingin sa akin ng masama si Lucian, alam kong hindi pa rin siya kumbensido.“Maaaring kasabwat niya ang mga iyon, at lahat iyon ay parte lamang ng pagsasabwatan. Iligtas ang buhay mo, kunin ang tiwala mo, makapasok sa pack at saka… alam na ng Diyos kung ano ang nais niyang mangyari.”Maaaring posible nga iyon. Pero sa paraan na iniligtas niya ako, ayaw paniwalaan ng puso ko na isa lamang iyong plano. Gayunpaman, hindi ko magagawang maging isang tangang emosyonal. Malalagay sa panganib ang kaligtasan ng pack.
Lucian -Tumayo kami ni Daniel na nakaharap sa isang one-way mirror. Ang kanyang mga Beta ay patuloy na nagtatanong sa mga rogue wolves mula nang sila ay magkamalay. Ang pack ni Daniel ay isa sa mga masuwerteng nakahuli ng ilan sa mga rogue ng buhay. Nagpunta na ako sa mga Reds ng malaman ko ang balita. Na-curious ako na kilalanin silang mabuti.Salitan silang binugbog ng mga beta, ngunit nanatili silang tikom ang bibig, matigas ang ulo, at nginisian sila bilang pang-insulto. Si Daniel ay labis ang inis sa patuloy nilang pagtahimik, at sa wakas ay inutusan niya silang ipakadena. Ang mga rogue ay nakabitin mula sa kisame sa isang matibay na mga pilak na mga kadena.Ang pilak na mga kadena ay susunugin ang kanilang mga balat at pahihinain sila, pinipigilan ang kanilang mga katawan mula sa paggaling at paglakas. Ang mga batik ng mga pasa ay sunisira ang kanilang mga balat, ang dugo nila ay malayang umaagos
Ang security team ay tahimik na nakatayo sa paligid ng conference room. Nakahanda na silang gapusan si Zaiden sa sandaling iutos iyon ni Lucian. Napakalakas na tensyon ang mayroon nang ilang mga sandali habang ang lahat ay inihahanda na ang kanilang mga sarili.Naupo ako sa tabi ni Lucian sa may harapan at tumingin kay Zaiden. Nakaupo siya sa isang upuan, tila kalmado lang siya at hindi papalag.“Ikaw at ako… ay kailangang mag-usap pagkatapos nito!” sabi ko sa isipan ni Lucian. Hindi ko gusto ang lahat ng ito.“Sige ba,” iyon lamang ang maikli niyang isinagot.“Sige na, mag-umpisa na tayo!” naupos si Lucian sa may harapan ni Zaiden.“Anong ginagawa mo dito, malapit sa pack na ito?” tanong niya.Huminto sandali si Zaiden at ang mga guwardya ay nagsimulang lumapit. Pero nagsalita siya bago pa man makalapit ang lahat sa kanya.
Lucian“Dito, ibaba mo siya sa kama,” utos ni Dr Armand kay Damon na siyang may buhat sa isang walang malay na babae.Dahan-dahan siyang inihiga ni Damon sa malinis na puting kumot na nakatakip sa makitid na kama ng ospital.Tumingin ako pababa sa kanyang nanghihina at sugatan na katawan, halos hindi masira na ang pagkadalaga niya. May kakaiba sa amoy niya, katulad ito ng mga rogues na iyon. Hindi na mapakali ang wolf ko.Kinuha ni Dr Armand ang stethoscope niya at pinakinggan ang puso at baga ng babae.“Saan niyo siya nakita?” tanong ko kay Damon.Saglit na tumango si Dr Armand sa nurse na nagtungo sa tabi niya para tumulong sa pag-aasikaso dalaga."Nakita namin siya malapit sa gilid ng shipyard, muntik na namin siyang hindi napansin. Nakadapa siya, at hubo't hubad. Kakaiba ang amoy niya. Akala ko patay na rin siya, tulad ng ibang babae. Pero may pulso
LUCIANNakaupo ako sa conference kasama ang task force. Ang mga Beta mula sa iba't ibang pack ay nagbibigay ng kanilang mga ulat tungkol sa mga rogue.“Nagpa-imbestiga ako tungkol sa mga rogue na iyon, isa sa kanila ay isang nakatakas na preso, at ang isa ay isang lokal na miyembro ng gang. Karamihan sa kanila ay mga delingkuwenteng tao na nawawala ilang buwan na ang nakalipas. Walang nakakaalam kung ano ang nangyari sa kanila, dahil sila ay mga kriminal, ang mga pulis ay hindi nag-abala na hanapin sila. Gayunpaman, nakuha sila at nabuo ang grupo ng mga rogue na ito,” sabi ni Damon."Kung ganun lahat ng mga ito ay ginawang mga wolves?” tanong ko."Hindi, ang ilan ay natural na ipinanganak na mga rogue wolves na sumali sa kanila. Gayunpaman, binigyan din sila ng ilang DNA altering drugs para masbumilis pa ang kanilang bilis, liksi at iba pa."Ito ay nakababaha
Alice“Kung hindi ka kumportable sa tanong ko, maaari mong hindi sagutin,” sabi ko at sinusubukang maging kaaya-aya.Ngumiti rin sa akin si Zaiden, at mukhang nagtataka."Hindi ako sigurado kung may alam ka ba, pero nawala sa akin ang aking ama 15 na taon na ang nakakalipas dahil sa isang were-war. Maraming tao ang kasangkot dito. Karamihan sa kanila ay patay na ngayon. Pero nangyari ang digmaan dahil sa akin. Hindi ako tumigil na sisihin ang sarili ko sa nangyari., huminto muna ako."Sa palagay ko ang dami ko ng sinasabi, ibig kong sabihin ay… wala ka man lang bang nararamdamang sama ng loob kay Lucian sa pagpatay niya sa mga magulang mo?" mabilis kong sabi sabay buntong-hininga.“May mga bagay na hindi mo maiiwasan, kinalaban nila ang pack. Pinarusahan sila at maswerte na lamang ako dahil binuhay ako. Hindi lahat ng Alpha ay napakabait para hayaang m
Olivia Tumingin ako sa may bintana, wala akong ideya kung anong gagawin ko sa babae na nandito sa kwarto. Nang buksan ko ang mga mata ko sa kakaibang silid na ito, napagtanto ko na napadpad ako sa isang lugar na tinitirahan ng parehong lamang na mga nilalang sa dating pinaggalingan ko.Agad akong nag-panic, iniisip na isa na naman itong panibagong eksperimento, nang lumaon ay naisip ko na ang mga nilalang na ito ay tila hindi ako pagmamalupitan o sasaktan. Ang katotohanang makita na ang mga nilalang na ito ay mayroong ding ospital ay nakakalito. Gayunpaman, wala na akong hindi dapat ikagulat.Nag-alinlangan pa ako, kung dapat ba akong magtiwala sa mga taong ito o hindi.Ang babaeng ito, na katulad nila ay mukhang masiyahin at kalmado. Hindi siya inabuso tulad ko. Nagpakita siya ng nakakakalmang presensya na nagpatahimik sa mga kakila-kilabot na pinagdaanan ko. Masarap sa pakiramdam ang pakikip
Six years Later-AliceNakaupo kami ni Emma sa labas sa hardin habang pinapanood ang kulitan ng aming anak. Madalas kaming bumisita sa isa't isa."Paano mo naaalagaan ng sabay iyang mga tatlo, hindi ko malalaman. Nahihirapan na ako kay Arya,” sabi niya.“Mahirap kung minsan, pero nakakatuwa din,” sabi ko at tumingin ako sa anim na taong si Aiden at apat na gulang kong kambal, sina Rose at Leo. Isang nakakatuwang pagkabigla ang naramdaman ko nang malaman kong nagkaroon ako ng anak na kambal, isang taon matapos kong ipanganak si Aiden.Ang mga bata ay tumingin sa amin at ngumiti, sila ay cute na mga tuta. Parehong minana nina Aiden at Rose ang berdeng mata at maitim na buhok ni Lucian. Mas hawig ko naman si Leo na may hazel na mata at brown na buhok. Napahawak si Arya sa tenga ni Aiden habang sina Rose at Leo ay nagk
AliceHabang naglalakad ako patungo sa isang pabilog na linya upang sumali sa pack, sa aming mga bisita, at sa mga kaibigan ko. Hindi ko maiwasang humanga sa mga palamuti, sa mga ilaw, at sa nakakaakit na amoy ng iniihaw na karne. Lahat ay ginawa ni Katherine.Ang buong paligid ay napuno ng mga maliwanag na mga ilaw at mga makukulay na mga rosas. Isang malambing na musika ang tinutugtog ng isang live band. Luma na ang musika ngunit kaakit-akit ang tunog nito.Lahat ng mga bisita ay nakangiti at nagbibiruan. Agad akong sinamahan ni Lucian at natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa kanyang mga bisig. Ngumiti siya sa akin at saka ako hinalikan. Dumaan ang dila niya sa labi ko at ibinuka ko ang bibig niya para halikan siya. Naglaro ang kamay ko sa butones ng damit niya, hiling ko na sana nasa kwarto kami.“Pareho tayo ng hiling dear,” sabi niya at binigyan ako ng magandang ngiti.&n
AliceAlam ko ang tungkol sa Doppler monitor na ginagamit para marinig ang tibok ng puso ng mga baby. Ang ideya iyon ay parehong ikinatuwa at ikinatakot ko.“Basta mahiga ka lang,” sabi ni Dr. Armand, at itinaas ang damit ko para ilabas ang tiyan ko. Naghaplos siya ng isang likido sa aking tiyan. “Kaunting gel lamang. Makakatulong ito sa paghanap ng heartbeat ng bata.”Isang kaluskos na tunog tulad ng isang lumang transistor radio ang narinig namin sa silid. Tumingin sa akin si Lucian, at natataranta."Ang naririnig ba natin ay ang tibok ng puso ng bata?"Tumango ang doktor at iginalaw ang hawak niyang instrumento sa aking tiyan."Ang puso niya ay nagsisimulang tumibok ng napakaaga pa lamang."Ilan pang mga pagtunog ang narinig namin mula sa maliit na speaker na hawak ng doktor sa kamay niya. Isang mabilis at matubig na tunog ang naririnig na
Alice‘Alice, mahal kita, babe. Ngayon makinig kang mabuti. Kapag sinabi kong tumakbo ka, tumakbo ka lang!’ sabi ni Lucian sa aking isipan.‘Pero si Max…’‘Ililigtas din namin siya, huwag kang mag-alala. Hindi nila alam na nandito kami dahil iba ang direksyon ng hangin, Pero malalaman din nila kinalaunan. Kaya gawin mo na lang kung anong sasabihin ko, please!’‘Gagawin ko, dear,’ sagot ko.Nanghihinalang tumingin sa akin si Frank; Hindi ko siya pinansin at nanatiling nakayuko. Hindi ako sigurado kung kaya kong magpalit ng anyo, hindi kaya ng mga buntis na wolf. Ngunit sinigurado sa akin ng aking wolf na maaari siyang lumabas anumang oras.‘Takbo!’ sigaw ni Lucian sa aking isip
OliviaNagising akong sumisigaw mula sa pagkakabangungot.“Olivia! Ayos ka lang ba?” Hawak-hawak ni Zaiden ang nanginginig kong katawan."Nakita ko siya... Nakita ko si Madam Luna, nasa kweba siya, hindi sa isang lab. Dalhin mo ako sa Alpha. Parang-awa mo na,” pagmamakaawa ko. Napakalinaw ng nakita ko. Parang bang nandoon ako.“Sige, magbihis ka,” inabutan niya ako ng damit.Gabi na o madaling araw na. Anong oras pa man iyon, basata alas-tres na ng umaga nang makarating kami sa opisina ng Alpha. Ang mga nagmamadali at pagod na mga beta at ng mga trackers ay natiyak ang katotohanan na walang sinuman sa kanila ang natulog ng ilang oras. Sinusubukan ni Alpha ang lahat para mahanap si Alice. Napakaraming nakapilang mga SUV sa daan na tila papunta sila para sa isang pagsalakay o kaya’y kakauwi pa lamang nila.“Kailangan kong makausap
Sinubukan kong panatilihing bukas ang aking mga mata, habang si Stuart ay patuloy lang sa pagkwento patungkol sa mga scientific advancements. Halos hindi ko na matandaan kung ano na ba ang mga pinagsasabi niya, pero tumatango na lamang ako at ngumingiti para magmukhang interesado ako dito.‘Lucian, asan ka na?’ bulong ko sa kawalan."Kaya naman, itong mga babaeng mga ito ay hindi nabuntis, hindi dahil nabigo ang eksperimento ko. Mahina lang sila. Mahina at walang silbi. Kahit ang mga lalaking hukbo ko ay hindi rin nagtagumpay sa nga inaasahan ko. Kaya naman, nagsimula akong maghanap ng mga maaring gawin. At ang pinakamahusay na bagay ay ang maging natural. Likhain ang aking mga hybrid na anak."Ipinagpatong niya ang kanyang paa at saka tiniklop ang kanyang mga kamay, at saka ipinatong ang baba niya sa kanyang kamao.“Kung ganun, iyon ang dahilan kung bakit
Lucian‘Isa itong kabaliwan! Hindi sana ako nakinig sa kanya,’ sabi ko sa sarili ko. Pero wala na ring silbe, wala na siya.“Alpha, hindi na po namin mahanap ang chopper,” malungkot na sabi ni Damon.Ramdam ko ang pagbaon ng aking mga kuko sa sa aking palad, masyado akong nanggigigil ng husto. Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim."Gawin niyo ang lahat ng iyong makakaya. Sundin ang lahat ng mga pahiwatig at hanapin siya,” nagawa ko din magsalita.“Alpha, may hiling kami.”Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Kyle at ang mga guard na nakayuko. Nagagalit ang wolf ko. Gusto niyang putulin ang kanilang mga ulo, dahil sa pagkabigo nilang protektahan ang aking mate.“Ano iyon?” tanong ko at hindi makapaghintay.“Hindi kami… hindi kami… Hin
OliviaNaglalakad ako patungo sa mga puno bago ko napagtanto ang nangyayari.'Huwag, bumalik ka,' sabi ko sarili ko at pagkatapos ay napagtanto kong hindi ako ang may kontrol sa sarili ko kundi ang aking wolf.Lumabas na ang aking wolf. Nararamdaman ko siya habang tumatakbo ako. Lumalabo ang mga puno sa tabi ko, at nilanghap ko ang sariwang hangin. Nakaramdam ako ng lakas.Ang parte ng sarili ko bilang isang tao ay nababahala pa rin at sinusubukang makalusot sa aking wolf. Tumakbo ako ng milya-milya upang tingnan ang aking teritoryo.Bumaba ang tingin ko sa aking mga paa at ang mga ito ay paa pa rin ng isang tao, na may maliit na mga puting balahibo ng isang wolf. Humaba ang mga kuko ko sa aking mga kamay, ngunit mukha pa rin itong kamay ng tao. Napagtanto ko na bahagya akong nagpalit ng anyo bilang isang hybrid wolf woman. At napakasarap sa pakiramdam. Hindi na ako makapa
"Hanggang kailan bago siya makakalabas?" nag-aalalang tanong ni Zaiden.Lahat kami ay naghahanda kanina para kumain nang sumulpot siya ilang saglit lamang na bitbit si Olivia. Tila mahimbing ang tulog niya, isang kuntentong ngiti ang puminta sa kanyang mukha."Nagbabago na siya. Ilang araw na lang magigising na din siya. Gaano katagal nakatulog si Rain nung ginawa mo siyang were?" tanong ko kay Damon.“Isang linggo,” buntong-hininga niya. “Bagama't kalaunan ay nalaman kong nagising na pala siya ilang oras na ang nakalipas at nag-eenjoy lang siya sa atensyon kaya nagkunwari siyang tulog."Nagpipigil ako ng tawa habang nakatingin naman sa kanya si Rain."Ano ba ang dapat kong gawin, kinagat mo ako ng walang pasabi!" sagot niya.Umiling ako sa kalokohan nila."Magigising siya sa loob ng 24 na oras. Baka mapapabilis ito dahil nag-uumpisa