Muli akong natumba nang ihagis ako ni Lucian sa banig. Kami ay nagtratrabaho at nagsasanay para sa aming pang-araw-araw na gawain. Maaga pa, puno pa rin ang gym ng mga tuta na karaniwang tumatambay at nag-eehersisyo sa kabilang banig. Huminto sila sa pagsasanay, binitawan ang mga gamit at nakatitig lang sa amin.
Nakatayo sa gilid sina Damon, Katherine, Dominik, Rain, at iba pa. Nakakunot naman ang noo ni Katherine.
Nakakrus ang mga braso ni Damon sa kanyang malaking dibdib, habang pinagmamasdan kaming gumugulong at nilalabanan ang bawat isa. Dahil hindi na kami nagsasanay, naglalaban na kaming dalawa. Hindi kami nag-usap mula nang magtalo kami noong nakaraang gabi, sa halip, nagpalitann lamang kami ng ilang mga titig.
Sinugod ko si Lucian ng sunud-sunod na suntok at sipa. Hinawakan niya ang bewang ko at muli akong inihagis sa banig. Natumba ako, napapikit ako dahil sa lakas. Halos mabali nito ang aking tadyang.
“Pagod ka na ba, mate?&r
Mahilig si Lucian sa malalaking banyo. Kaya naman, ang banyo ay napakalaki na may mga pedestal na mga lababo at may mga mukhang magagarbong gripo sa isang gilid.May isang bidet toilet na malapit sa may shower sa kabilang dulo. Sa gitna naman nakalagay ang isang malaking mamahalin na whirlpool tub, na may mga puting marmol na sahig na kumikinang sa medyo madilim na ilaw (dim). Ang mga dingding na gawa sa tiles ay purong puti at sa dulo ng mga ito ay may kulay asul. Sa isang mababang bangko na gawa sa mahogany nakalagay ang puting malambot na mga tuwalya sa may banyo, habang ang mga nakapaso na halaman ay mahusay naman na ipinwesto malapit dito para magmukhang spa.Gayunpaman, ang ikinagulat ko ay ang mga kandilang nakasindi sa palibot nito, at maraming nagkalat na mga petals ng mga rosas sa may tub, at nilagyan ng scented oil ang tubig nito.“Ano ang mga ‘to?” tanong ko, inaalam kung anong nangyayari.
LUCIANAng mga Alpha mula sa 30 na pack ay nakaupo sa paligid ng mahabang mesa at pinapaligiran ng kanilang mga enforcer na nakatayo sa tabi ng mga dingding. Ang conference room ay puno ng testosterone.Puno ng tensyon sa loob ng silid, habang iniisip ng lahat kung ano ang magiging resulta ng karumal-dumal na krimen sa mapayapang komunidad ng mga werewolf. Samakatuwid, ang panganib sa araw na malaman ang kanilang pagkatao.Isang bagay ang kapansin-pansing malinaw sa lahat ng nasa silid; napakahalaga na mahanap nila ang mga were o weres na responsable dito, kung hindi ang kapayapaan na mayroon sila sa nakalipas na 15 taon ay magsisimulang masira.Lahat ay tumingin sa akin. Dahil ako ang siyang nagpalaganap ng pagpupulong, gusto nilang marinig sa akin ang sagot sa mga tanong na nasa isip ng karamihan sa kanila ngunit nag-aalangan silang itanong. Ikinuwento ko lang ang pagkakatuklas ng mga hindi kilalang katawa
Alice“Eliza! Tumakbo ka na kasama ang mga kababaihan,” sigaw ko kay Eliza.“Pero Madam…”“Huwag ka ng makipagtalo pa, hindi natin sila pwedeng hayaang madakip ang mga kababaihan natin, Eliza at Peter. Bumalik na kayo kasama sila. Ako at si Roger ay pipigilan sila habang hinihintay na dumating ang mga sundalo.”Araw ng pagsasanay ng mga kabataang shifters ngayon para sa isang skill survival training. Sinamahan ko si Eliza, kasama si beta Roger at isa pang mandirigmang wolf sa lugar na ito, malapit sa gilid ng campus. Ang 10 juvenile girls ay mukha atang nasasabik sa pagsasanay. Lumipat sila at tumakbo nang paikot-ikot, naging pamilyar sa kanilang mga bagong kilalang mga wolf.Napakaganda ng araw, lahat ay naging maayos, pabalik na kami nang bigla na lamang kaming pinaligiran ng mga werewolves. Ang priyoridad ko ay ang protektahan ang mga kababaihan
“Zaiden? Siya si Zaiden?” tanong ko habang nakatitig sa walang malay na lalaki.“Anong ginagawa niya sa ating lupain? Hindi siya dapat nandirito,” nakatitig si Lucian sa kanya ng may paghihinala.“Hindi ko alam, pwede tayong magpa-imbestiga sa sandaling magising si Zaiden. Kung wala siya doon, maaaring hindi ako nakaligtas.”Tumingin sa akin ng masama si Lucian, alam kong hindi pa rin siya kumbensido.“Maaaring kasabwat niya ang mga iyon, at lahat iyon ay parte lamang ng pagsasabwatan. Iligtas ang buhay mo, kunin ang tiwala mo, makapasok sa pack at saka… alam na ng Diyos kung ano ang nais niyang mangyari.”Maaaring posible nga iyon. Pero sa paraan na iniligtas niya ako, ayaw paniwalaan ng puso ko na isa lamang iyong plano. Gayunpaman, hindi ko magagawang maging isang tangang emosyonal. Malalagay sa panganib ang kaligtasan ng pack.
Lucian -Tumayo kami ni Daniel na nakaharap sa isang one-way mirror. Ang kanyang mga Beta ay patuloy na nagtatanong sa mga rogue wolves mula nang sila ay magkamalay. Ang pack ni Daniel ay isa sa mga masuwerteng nakahuli ng ilan sa mga rogue ng buhay. Nagpunta na ako sa mga Reds ng malaman ko ang balita. Na-curious ako na kilalanin silang mabuti.Salitan silang binugbog ng mga beta, ngunit nanatili silang tikom ang bibig, matigas ang ulo, at nginisian sila bilang pang-insulto. Si Daniel ay labis ang inis sa patuloy nilang pagtahimik, at sa wakas ay inutusan niya silang ipakadena. Ang mga rogue ay nakabitin mula sa kisame sa isang matibay na mga pilak na mga kadena.Ang pilak na mga kadena ay susunugin ang kanilang mga balat at pahihinain sila, pinipigilan ang kanilang mga katawan mula sa paggaling at paglakas. Ang mga batik ng mga pasa ay sunisira ang kanilang mga balat, ang dugo nila ay malayang umaagos
Ang security team ay tahimik na nakatayo sa paligid ng conference room. Nakahanda na silang gapusan si Zaiden sa sandaling iutos iyon ni Lucian. Napakalakas na tensyon ang mayroon nang ilang mga sandali habang ang lahat ay inihahanda na ang kanilang mga sarili.Naupo ako sa tabi ni Lucian sa may harapan at tumingin kay Zaiden. Nakaupo siya sa isang upuan, tila kalmado lang siya at hindi papalag.“Ikaw at ako… ay kailangang mag-usap pagkatapos nito!” sabi ko sa isipan ni Lucian. Hindi ko gusto ang lahat ng ito.“Sige ba,” iyon lamang ang maikli niyang isinagot.“Sige na, mag-umpisa na tayo!” naupos si Lucian sa may harapan ni Zaiden.“Anong ginagawa mo dito, malapit sa pack na ito?” tanong niya.Huminto sandali si Zaiden at ang mga guwardya ay nagsimulang lumapit. Pero nagsalita siya bago pa man makalapit ang lahat sa kanya.
Lucian“Dito, ibaba mo siya sa kama,” utos ni Dr Armand kay Damon na siyang may buhat sa isang walang malay na babae.Dahan-dahan siyang inihiga ni Damon sa malinis na puting kumot na nakatakip sa makitid na kama ng ospital.Tumingin ako pababa sa kanyang nanghihina at sugatan na katawan, halos hindi masira na ang pagkadalaga niya. May kakaiba sa amoy niya, katulad ito ng mga rogues na iyon. Hindi na mapakali ang wolf ko.Kinuha ni Dr Armand ang stethoscope niya at pinakinggan ang puso at baga ng babae.“Saan niyo siya nakita?” tanong ko kay Damon.Saglit na tumango si Dr Armand sa nurse na nagtungo sa tabi niya para tumulong sa pag-aasikaso dalaga."Nakita namin siya malapit sa gilid ng shipyard, muntik na namin siyang hindi napansin. Nakadapa siya, at hubo't hubad. Kakaiba ang amoy niya. Akala ko patay na rin siya, tulad ng ibang babae. Pero may pulso
LUCIANNakaupo ako sa conference kasama ang task force. Ang mga Beta mula sa iba't ibang pack ay nagbibigay ng kanilang mga ulat tungkol sa mga rogue.“Nagpa-imbestiga ako tungkol sa mga rogue na iyon, isa sa kanila ay isang nakatakas na preso, at ang isa ay isang lokal na miyembro ng gang. Karamihan sa kanila ay mga delingkuwenteng tao na nawawala ilang buwan na ang nakalipas. Walang nakakaalam kung ano ang nangyari sa kanila, dahil sila ay mga kriminal, ang mga pulis ay hindi nag-abala na hanapin sila. Gayunpaman, nakuha sila at nabuo ang grupo ng mga rogue na ito,” sabi ni Damon."Kung ganun lahat ng mga ito ay ginawang mga wolves?” tanong ko."Hindi, ang ilan ay natural na ipinanganak na mga rogue wolves na sumali sa kanila. Gayunpaman, binigyan din sila ng ilang DNA altering drugs para masbumilis pa ang kanilang bilis, liksi at iba pa."Ito ay nakababaha