Share

Chapter 48

Chapter Forty-eight

KANINA pa siya nakatulala sa kisame. Ilang beses na siyang ini-snob ni ikibut. Kanina pa rin umalis si River. Ngunit binabalik-balikan pa rin niya ang sinabi nito. Kinuha niya ang unan sa tabi at itinakip sa mukha. Doon siya tumili upang hindi marinig ng ama. Kinikilig siya. Ngayon lamang siya nakadama ng ganito. Tumili pa siyang muli. Halos maubusan siya ng hininga.

Ang ngiti sa kanyang mukha ay nakaguhit at hindi mawala-wala. River is willing to wait for her. He's not abandoning or leaving her. Naniniwala siyang tutuparin nito ang sinabi.

Napabalikwas siya at nagtipa ng mensahe sa kanyang cellphone. Mabilis din siyang napahinto at nagdesisyon na sa halip na i-message si Ate Amy ay tawagan na lamang niya ito. She has a huge plan. She has to be quick to grow up and become mature enough for River. She needs to be worthy of him. Gusto niyang patunayan sa binata na hindi na nito kailangang maghintay.

"Hello Ate Amy? Si Maris po."
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status