"Ma’am Ivory, pinapatanong po ng Don kung sasabay ka sa kanila sa pag-uwi." I sighed for the nth time. Nakakabagot na pakinggan ang mga sinasabi nila."Tell dad na ayaw ko pang umuwi," sabi ko habang pina-polish na ng manikyurista ang mahahaba kong kuko. Perfect!"Tapos na po ma'am," tinignan ko ang P.A ko at agad niyang naiintindihan ang gusto kong sabihin. Kinuha niya ang bag ko at taas noong pinuntahan ang bagong kotse na binili ni dad para sa 'kin. What a life!"Please, go to David's house." Utos ko habang nakasandal sa upuan. Having a life like this is a life. Wala na 'kong hahanapin pa.Dahil hindi naman traffic, mabilis kaming nakarating sa bahay ng fiancé ko. Nagmamadaling umikot ang P.A ko para payungan ako. Sobrang init ng panahon, ayaw kong umitim para sa up coming wedding ko with David.Nang nasa gate na kami, agad akong hinarangan ng guard. Is he new? Hindi niya ba kilala kung sino ako?"Umalis ka diyan," sabi ko at pinandilatan siya ng mata."I'm sorry po ma'am pero bawal
It's Saturday, at lalabas ako ngayon para pumunta ng mall. Gusto kong bumili ng susuotin ko for a friend's party. "Ma'am, nandiyan po ulit si sir David sa labas." Nandito na naman siya? Kailan niya ba ako titigilan? "Paalisin niyo. Sabihin niyo na ayaw ko siyang makita." Ang kulit ng lalaki na ‘yon. Masiyado akong maganda para pulutin ang tinapon ko na."Ma'am, ayaw niya pong makinig. Pinipilit po niyang hintayin kayo sa labas." Napabuntong hininga nalang ako. Wala ako sa mood ngayon makipag tigasan sa kaniya.Ilang araw na siyang pabalik-balik sa bahay. Nakukulitan na 'ko.Lumabas ako habang nakasunod si Ary sa ‘kin at ilang mga bodyguards. "Hon, please listen. Bigyan mo pa ako ng isang chance," aniya."Stop it David. I'm done with you. Besides we’re done. Unlike you, papakasalan ako ng isa ko pang lalaki." I lied. But he knew me. Hindi malayong ipagsabay ko siya sa kung sino."No. You're lying. Ako lang ang fiancé mo.""Sa tingin mo naman ako ‘yong taong se-seryoso sa 'yo? C'mon
Isang linggo na ang dumaan nang huling pag-uusap namin ni Masson Villaranza. Sa loob ng isang linggo na iyon ay kinukulit pa rin ako ni David na bumalik sa kaniya. "Ma'am Ivory, may nagpadala po sa 'yo." Tinignan ko muna ang hawak ni Ary na envelope. Kanino ‘to galing? Kinuha ko ito at binasa kung sino ang sender. It's from Masson V. Kahit sa pinadala niya, nakaka intimida pa rin siya. Nang buksan at tignan ko ang nasa loob, it's a contract. May perma na niya sa ibaba kaya walang pag-aalinlangan kong kinuha ang ballpen at pumirma rin sa kontrata. Right after kong ma permahan ang contract ay agad na nag vibrate nag cellphone ko. It's a text from him. Paano niya kaya nakuha number ko? "Hey it's Masson, get ready. We will get wed tonight," aniya. Napag-usapan na namin ang date but kinakabahan pa rin ako. Parang ang hirap paniwalaan ang lahat ng ito. "Ary, hinanda mo na ba yung white dress na pinahanda ko sa 'yo?" Tanong ko. "Yes ma'am Ivory. Nasa kama niyo na po." "Thank you," sa
Ready na kami ni Masson pauwi sa Villanueva. Actually pinipilit kong sinasara ang maleta na nakita ko sa guest room. Nilagay ang ilang mga damit na nakita ko sa closet. Ang gaganda kasi, gusto kong e bring home. “Are you not yet ready there?” Tanong ni Masson ng sumilip siya sa loob ng kwarto for the fifth time. Inirapan ko lang siya dahil para siyang sirang orasan na pabalik balik. Parang baliw. “Pwede ba Masson, shoo ka nga. You’re disturbing me,” kumunot ang mala porcelana niyang balat sa noo sa sinabi ko. Kailan ba ngingiti ang lalaking ‘to? “You’re taking time too much preparing the stuff there. Bakit kailangan mo pa ‘yang dalhin lahat?” He asked. Hindi ba obvious? Sobrang ganda nito at sayang kung hindi ko lang madala sa Villanueva. At anong too much pinagsasabi niya? Konti lang naman ito. Gosh! “Konti lang naman ang dala ko!” “So konti para sa’yo ang tatlong maleta?” Napatingin ako sa maleta sa kama. True to his words dahil may dalawang maleta na sa kama. “Yes. It is still
Pagpasok namin sa loob ng bahay ng mga Villaranza ay una kong napansin ang agaw pansin nilang chandelier na deep sea water inspired. Idagdag mo pa ‘yong dark blue tiles and bluish glass walls na mas nagpatingkad sa ganda ng lugar. Para kang nasa loob ng aquarium. Hindi ko alam na ganito ka ganda ang loob ng bahay nila. Parang nakakahiya ipasok ‘yong sandals mo sa labas. Para ka ring nasa loob ng aquarium. “Oh, they are here.” Nawala ang attention ko sa ganda ng bahay nila nang marinig ang boses ni mommy na siyang kinagulat ko. “My darling, hello.” Para akong na statwa sa kinatatayuan ko nang makita si mommy na papunta na sa gawi ko. Nasa tabi niya si Mrs. Madonna na nakahawak pa sa braso niya. Nagtatawanan sila habang may pamaypay na hawak sa magkabilaang kamay nila. Sa likuran nila ay si daddy at kasama nito ang natatawang si Mr. Antonio Villaranza. Ang dalawa ay naka boots pa at may cowboy hat na nakasabit sa leeg nila na nasa bandang likuran. Napaatras ako at napahawak sa braso
Nang umalis ang mga magulang namin ay agad kong hinarap si Masson na seryosong nakatingin sa ‘kin. Nakapamewang ako at naningkit ang mga mata habang nakatingin sa kaniya. Gusto kong tusukin ang dalawa niyang eye balls ngayon at balls sa baba. “Why are you looking at me like that?” nagtataka niyang tanong. At may gana pa talaga siyang tanungin ako ha. Ang sarap talaga tanggalan ng balls. “’Huwag mo kong ma -why are you, are you- diyan Masson. Huwag kang pa blind kung ayaw mong mawalan ng balls.” Galit na sabi ko sa kaniya. Nanlilisik talaga ang mga mata ko habang nakatingin sa mukha niyang ang sarap ingudngod sa marbles na sahig nila. “I’m just doing my part, wife.” “Don’t call me like that.” Pag-alma ko. “Call what? ‘Yong wife?” “Yes.” Tinitigan niya ang mukha ko at nakita kong umangat ang gilid ng labi niya. Tanda na enjoy na enjoy siya na asarin ako. “If ayaw mo ng wife, then chocopie?” “Yucks! Tumigil ka Masson, napaka jologs mo. Ew!” Maarteng sigaw ko. Hindi ba siya kinalib
In the next morning I cannot meet my wife’s gaze. My wife is glaring at me since we woke up. Kung alam niya lang sana ang hirap na dinanas ko buong gabi. I am busy doing my task na hindi ko natapos kahapon. Nakaupo ako sa single seated chair habang uminom ng kape. My hand is busy holding the paper while my hand holding a cup of coffee. My wife sat down in the chair that is in front of me. Nang sulyapan ko siya ay masama ang tingin nito sa 'kin. Nagpupuyos sa galit at kulang nalang ay gilitan ako sa leeg. Yeah my wife loves me so damn much. "Sir Masson, nakahanda na po ang pagkain." Binaba ko ang report at tinignan ang asawa ko na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa 'kin ng masama. Binalingan ko si manang. She’s bowing her head showing respect to me. How to talk to my wife? I looked at her once again and all I can do now is to let out a deep breathe. She’s killing me through her stares. Now, how should I invite her? ---- Bakit siya nakatingin sa 'kin? Tinaasan ko siya ng kil
“Massi, you’re really handsome. Matagal ka na sa Stable?” Nag-ingay siya na parang sinasagot ako ng oo. “You must be sad. Malungkot kapag nasa Stable ka lang lagi.” Hinaplos-haplos ko ang ulo niya habang idinidikit naman niya ang ulo niya sa mukha ko. Massi is very smart. “Aw. Ang sweet naman ng Massi ko.” I giggled nang nag-ingay ulit siya. He looks so happy. “Hon,” nawala ang ngiti na nakaplaster sa labi ko nang makita si David. Napaatras ako at napahawak sa reins na suot ni Massi. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay David na nakatingin sa ‘kin. He looks so stress. Mabibigat ang paghinga nito at maitim na ang nakapalibot sa mga mata. I’m done with him. The moment he cheated on me, wala na kami. Tinapos ko na agad ang lahat ng namamagitan sa ‘min. “Hon, please, lest’s go back together. Ituloy natin ang kasal.” He step forward kaya mas lalo akong umatras. Nakakatakot ang itsura niya ngayon. Para siyang wala sa sarili. Naaamoy ko rin ang alak sa kaniya. Lasing siya at n
Inis na binalingan ni Banx si Laris na wala namang paki alam sa kaniya. Natawa ako ng mahina. Mabuti nga sa kaniya dahil pagnagkataon na hinawakan niya ako sa mukha ay baka nasapak ko na siya. "Eda, kamusta ang pagmo-modelo mo?" tanong ni tito Cedric sa akin. "Ayos naman po tito," sabi ko. "I heard na top 1 ka raw no'ng pasukan." Ngumiti ako at tumango sa kaniya. "Mabuti naman kung ganoon. Proud ako sa 'yo." Aniya sa akin. "Salamat po tito," magalang na sabi ko. "Speaking of, may nanlilgaw na ba sa' yo?" dagdag niyang tanong. Lumingon ako kay Banx na tahimik lang "Kuya, bakit ba curious ka sa buhay ng anak ko?" nakasimangot na sabi ni mama "What? Of course, princess. She's my niece kaya normal lang na concern ako kung sino itong mga nagtatakang manligaw sa kaniya." "Hindi po ako nagpapaligaw tito kaya wala po." Sabi ko. Narinig ko mahinang tawa ni tito. "Just like your mom." Sabi niya sa akin. Lumabi naman si mama at hinayaan si tito sa sinasabi nito. "Totoo naman ah. Naalal
Pumasok kami sa loob. Sinalubong kami ni mama at papa na may galak na makita sina tito, mamala at papalo. Pumasok kami sa bahay ngunit bago iyon ay hinabilinan ako ni mama na samahan muna si Banx sa loob ng bahay. Nag-usap pa ang mga matatanda habang ako ay naatasan na samahan muna si Banx sa sala kahit na okay naman na pabayaan lang siya dahil makapal naman ang mukha niya kaya alam kong hindi siya mahihiya dito sa loob. Bakit ba kasi nag punta pa dito itong dugyot na ito? Para siyang kabute na bila nalang sumusulpot e. "Bakit ka ba nandito?" tanong ko sa kaniya dahil naiinis talaga ako sa pagmumukha niya. "Inimbitahan ako ng tito mo na pumunta dito kaya huwag kang feeling diyan." Sabi niya sa akin. Inirapan ko lang siya at nanood nalang ng palabas. Wala talagang araw na nagkakasundo kami. Bakit kaya hindi nalang siya kina tita Dainne at mukhang sila ang nagkakasundo ni Scarlet kesa sa amin. As if naman na mag fi-feeling rin ako na ako ang pinuntahan niya dito like hello, nakakain
BUSY kaming lahat ngayon dahil pupunta dito si tito Cedric. Kasama niya sina papalo at mamala. Dadalaw sila sa amin lalo’t matagal na rin silang hindi nakakadalaw o kami sa kanila buhat ng busy na sina mama at papa sa hacienda at iba pa nilang negosyo sa Manila. Nasa labas ako ng villa at hinihintay ang pagdating ni tito dahil sabi ni mama na hintayin ko raw sila dito sa labas. May hot choco sa harapan at ini-enjoy ko ang pagkain ng hopia ng may langaw na dumating. Ako lang mag-isa nang biglang dumating itong Banx na 'to para na naman bwesitin ang araw ko. Ito yata ang talent niya. Ang mambwesit kasi bentang benta sa akin. "Eda!" tawag niya sa akin. Sinamaan ko lang siya nang tingin at hindi na nag abala ba na pansinin siya. Sayang lang siya sa oras. "Ang sungit mo naman." Aniya. Wow. I'm surprised na alam niyang masungit ako kaya sana naman ay lubayan na niya ako. "Pwede ba Banx? Wala akong oras makipag bardagulan sa 'yo. Kaya paki usap lang na lubayan mo na ako at naiinis ako s
Nang mapagod ako kakaiyak ay saka lang ako humarap sa kaniya. Hindi na ako magtataka kung mugto ang mata ko pagka tapos nito. Sa tindi ba naman ng pag-iyak ko. Humarap ako sa kaniya. Hinawakan niya ako sa magkabilaamg pisngi habang sinasalubong ang mga titig ko. Heto na naman ang mga titig niya sa akin. Iyong para bang pati kaluluwa ko ay tinitignan niya, hinahalukay niya. "I'm so jealous, Laris." Pag-amin ko. Tumulo na naman ang luha sa mga mata ko. Nakita kong lumamlam ang balikat niya at mapupungay na nakatingin sa akin. Hidni rin nakaligtas sa akin ang sayang dumaan sa mga mata niya matapos kong sabihin iyon. "Tell me more," bulong niya. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. Nalulunod ako sa bawat titig niya sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin. Bahala na. Gusto ko lang ilabas lahat ng hinanakit ko sa kaniya ngayon. Gusto ko lang sabihin sa kaniya lahat ng nararamdaman ko ngayon at bahala na kung anong susunod na mangyari. "Nagseselos ako kay Regina." Sabi ko. "Ayaw kong hina
Kinabukasan, nakasakay ako kay Massi habang nililibot namin ang Hacienda Villaranza. Wala namang klase ngayon dahil summer kaya sinusulit ko ang bakasyon. Napadaan ako malapit sa boundary ng Vitaliano households at nakita ko si Laris. Nakita ko siyang kasama niya si Regina, babaeng isa sa kababata niya. “Magandang umaga po ma’am Eda,” Bati sa akin ng mga magsasaka habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanila at sinundan ulit nang tingin si Laris na papasok sa mga cottages. ‘Saan sila pupunta?’ nagtataka kong tanong. Bumaba ako kay Massi at pinuntahan ang pinuntahan ni Laris kasama ni Regina. Alam ko namang kaibigan niya si Regina pero ayaw ko pa rin sa babaeng iyon. Bata palang ako ay maltdita na ‘yon at halatang ayaw sa akin kaya ayaw ko rin sa kaniya. Hindi naman ako mamimilit sa mga taong ayaw sa akin. Kung ayaw sa ‘kin, ayaw ko rin sa kanila. Ganoon lang naman ka easy ‘yon. Kung m*****a siya, pwes m*****a din ako. Nakita ko sila na papunta nga sa cottage. Nasa likuran la
Papaandarin na sana ni Laris ang motor niya nang biglang may sasakyang huminto sa harapan namin. Agad na nalukot ang mukha ko nang makita ang mukha ni Banx na mayabang na nakasandal sa sasakyan niya. “Eda, sa akin ka na sumakay. Ihahatid kita sa inyo,” sabi niya. Mas humigpit ang hawak ko kay Laris dahil ayaw kong sumama kay Banx. Nababadtrip ako sa mukha niya at isa pa, ang yabang niya sobra. Matagal ko na siyang kilala at nanliligaw sa akin pero ayaw ko talaga dahil aside sa hindi ko siya gusto, ayaw ko rin sa ugali niya. “Hindi mo ba nakikita na nakasakay na ako? Kaya umalis ka na dahil hindi ako sasama sa ‘yo. Si kuya Laris na ang maghahatid sa akin papunta sa bahay.” Sabi ko sa kaniya. Ayaw ko talaga sa mukha niyang magaspang. Mas lalo na sa ngisi niya sa mukha niya na ansarap tapalan ng nalusaw na metal para hindi na siya makangiti pa. “Bakit ka sasakay sa cheap na motor niya? Dito ka nalang sa akin sasakay dahil komporta-ble pa ang upo mo.” Aniya sa akin. At talagang nilait
-----15 YEARS LATER--- ALL ABOUT ANDROMEDA! “Look at this side! Pose! ANOTHER! OKAY, GOOD! PERFECT! .. 15 minutes break..” Tinanggal ko na ang ngiti sa labi ko at dahan-dahang umalis sa stage. Uminom ako ng tubig na inabot sa akin ni Hyacinth pagkapunta ko sa kinauupuan niya. Masiyadong nakakapagod ang araw na ito sa akin. “Eda, ang galing mo!” Bati ng mga nakakakilala sa akin. Tipid lang akong ngumiti sa kanila at hindi na nagsalita pa. Ayaw kong sayangin ang laway ko sa hindi ko naman close. Kinuha ko ang cellphone ko at kunot noo nang makita ang chat ni kuya Laris sa akin. “Where are you?” aniya sa chat niya. Ano na naman ba ang kailangan niya sa akin? “Pake mo!?” Send ko pabalik. Naiinis ako sa kaniya mula pa kanina. Ayaw ko na ngang makita ang pagmumukha niya. Ewan! Hindi naging maganda ang araw ko dahil hindi man lang niya ako pinuntahan sa bahay kanina. “Hinahanap ka ng mga magulang mo,” sabi niya. Hinahanap? E si mama nga nagpahatid sa akin dito kanina. “Don’t bUllshit
“MAMA!!” Malakas ang sigaw ng anak ko habang tumatakbo sila ng papa nila sakay ang kabayo ni Maddox. “Be careful!” Sigaw ko at nakasakay ako kay Massi na nakasunod naman sa kanila. Umalingawngaw ang tawa ng anak namin habang mahina silang tumatakbo palibot sa harapan ng villa. It’s Sunday at ngayong hapon, napagkasunduan namin na mangabayo kami. This is Eda’s favorite activity. Gustong-gusto niya ang mangabayo kami kasama ng papa niya. “Mama! Faster!” Sigaw niya na binuntutan ng tawa. Nakita ko pang may ibinulong si Masson sa anak namin dahil humagikgik pa ito. Sumimangot ako dahil tingin ko ay pinagkakaisahan ako ng dalawang ito. “You’re so pretty mama,” sabi ni Eda. Ngumiti ako dahil kinikilg ako sa sinabi niya. “Papa said,” nakagat ko ang png ibabang labi ko nang balingan si Masson na pulang pula na habang nakatingin sa akin. Kasalanan ng anak naming madaldal. “And you’re amazing mama in the whole world,” dagdag ni Eda. “Sabi ni papa?” tanong ko but our little Eda giggled a
Pag-uwi ni Masson ay agad nitong tinawagan si Sadik para hingin ang number ni Ivory. Kakapasok pa nga lang niya sa loob ng condo niya ay excited na siya kunin ang number ni Ivory. "Akin na ang number ni Ms. Vitaliano." Aniya nang sagutin ni Sadik ang tawag. Hindi man lang niya pinag hello ang kaibigan. “Ah.. Oh…” Tumawa si Sadik sa sinabi agad ni Masson. “Hello Masson.. Hindi uso ang hello sa ‘yo?” sarkastikong ani ni Sadik. “I don’t have time for that.” Masungit na sabi ni Masson dito. "Nagkausap na kayo?" tanong ni Sadik. Tumango si Masson kahit hindi naman siya kita nito. "Yeah." "That's good then. Sobrang coincidence nga e na naghahanap ka ng pakakasalan at siya naman ng pekeng mapapakasalan." Sabi ni Sadik at binuntuan pa niya ito ng tawa. Fake? Sorry, baby but ayaw ko ng peke. I want it real. "But you know what bro, pwede mo namang gawing peke lang ang kasal niyo e since hindi ninyo kilala ang isa't-isa. Ipalabas lang ninyo na kasal kayo gaya ng sabi mo na madaling ka ne