Things weren't the same as it is. Kasi akala na nang lahat na inagaw ko nga si Masson kay ate Dainne. After kong makauwi galing kina Mr. Wang, pakiramdam ko ay nagbago na lahat. "Manang, wala pa po ba si Masson?" tanong ko kay Manang dahil pag-uwi ko dito kinaumagahan ay wala dito ang asawa ko. Umiling si manang at sinabing hindi niya alam kung saan ito nagtungo. Sa bayan, habang nag-aabang ako ng taxi, usap-usapan na nang-agaw ako kahit na hindi naman totoo. Kaya I decided not to go to school at manatili sa villa. Umupo ako sa sofa at maya-maya pa ay dumating si Masson na nakakunot ang noo. Nang makita niya ako, agad na umaliwalas ang mukha niya at nagmamadaling lumapit sa akin. Agad siyang umupo sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit. Medyo nagulat ako sa ginawa niya. Isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko at ipinulupot agad ang kamay sa bewang ko. "May problema ba?" tanong ko. "I'm so tired explaining to them our side. Bahala sila kung anong isipin nila." Kumunot ang noo
"I'm sorry tito but your daughter was acting inappropriately." Sabi ni Masson kay dad. "Kahit na! You hurt her feelings. Pinaasa mo siya." Galit na galit na sabi ni Dad. "And I'm so sorry for what I did, tito. But sana naisip niya na tapos na kami. Kasal na ako kay Ivory at wala akong intention na lokohin o ipagpalit si Ivory sa kung sino man." Kahit na naguguluhan ako sa inaakto ni Dad, hindi ko maiwasang matuwa sa sinabi ni Masson. "But hindi iyan ang sinabi mo kay Dainne. Pinangakuan mo siya ng kasal. So why all of sudden nakasal ka kay Ivory? For what? Is this a play? Prank? If it is, tigilan niyo na ito." Hindi ko na makuha ang gustong e point out ni Dad. "No tito. Hindi kami maghihiwalay ni Ivory." "And you think my daughter is serious with you?" What? Anong sinabi ni Dad? "FIDEL! THAT'S ENOUGH. THAT'S OUR DAUGHTER YOU'RE TALKING ABOUT." Sigaw ni Mommy nang siguro maski siya ay nabigla sa sinabi ni Dad. "Exactly. Our daughter--my daughter. And kilala ko si Ivory. Madali
Sinusubukan ni Masson na hawakan ang kamay ko but what he did to me was beyond painful. Nasa bahay kami ng Villaranza, katabi ko si Masson at mga magulang namin. Kasama namin si Dainne na katabi ni Dad. It's been a week mula nang makita ko ang pagtataksil ni Masson sa akin. He tried to explain but ayaw ko nang maniwala sa kaniya. "Let's settle this." Ani ni Mommy Madonna, dahil kalat na sa lahat ang pagtataksil ni Masson sa akin. "Walang e settle mom kasi walang nangyari sa amin ni Dainne." Sigaw ni Masson, at pilit na kinukuha ang kamay kong ayaw kong ibigay sa kaniya. "Masson-" umiiyak na naman si Dainne. Napaka sarap talaga niyang sabunutan. Panay nalang siya iyak, nag papaawa. "Stop it Dainne, alam mong walang nangyari sa atin." Sigaw ni Masson. "Meron Masson!" "Anong meron? Kahit pa maghubad ka sa harapan ko, hindi titigasan ang ari ko sa 'yo." He's mad. Wala ng filter ang bunganga niya. Sinita na siya ng mga magulang namin ngunit hindi nila ma kontrol si Masson. "Masson
----------------- "Anak?" nagtataka kong tanong habang nakatingin kay Mr. Wang na galit na galit na nakatingin sa mga tao sa loob. "Renan!" Narinig ko ang iyak ni Mommy. Namumutla ito na para bang nakakita ng multo sa harapan ng pamilyang Wang. "I already told you, Lilia. Mahalin niyo lang ang anak ko, huwag niyong paiyakin, susundin ko ang gusto mong hindi ko siya guguluhin." Sabi ni Mr. Wang kay mommy. Teka. Sinong anak ba ang tinutukoy niya? "She's my daughter too!" Sigaw pabalik ni Mommy. "Anak ko rin siya Lilia. Matagal akong nangulila sa kaniya." Kumalas ako sa yakap ni Mommy Madonna at hinarap si Mommy. "Mom?" "She's my daughter Renan. Apelyido ko ang dala niya." Interfere ni daddy. Ngumisi si Mr. Wang sa kaniya. "Daughter? After I heard those nasty things from you, sasabihin mong anak mo siya? Talaga ba Fidel? Or dahil sa pride mo?" Anong pinagsasabi nila? Wala na akong maintindihn. "Iniinsulto mo ba ako?" nanghahamon na sabi ni Dad kay Mr. Wang. "Oo sir. Iniinsulto
------------- Paggising ko kinaumagahan, namulatan ko ang kakaibang kwarto na napamilyaran ko agad. Nang magising ako, nakita ko agad sina Drake na nasa tabi ko, nakatingin sa akin. "Ate," tumayo sila but out of nervousness, umatras ako papalayo sa kanila. "Bakit niyo 'ko dinala dito?" "Cause you belong here." It was Oliver who answered. Sinamaan ko sila nang tingin. Hindi naman ito totoo. "Uuwi na ako. May mommy at daddy ako." Tumayo ako, kumuha ng tsinelas. Nakita ko si Cedric na tumayo rin at nagtangkang lumapit sa akin ngunit hinarang ko ang kamay ko. "No. Huwag kayong lumapit. Uuwi ako mag-isa." Tinawag nila ang pangalan ko ngunit hindi na ako nag atubiling lingunin sila. Sumakay ako ng taxi pagkalabas ng bahay at nagpahatid sa Vitaliano residence. Sumasakit pa rin ang ulo ko but I know mom has something to say about this. Hindi naman pwede na iba ang pamilya ko. It's not true. Pagdating ko sa bahay, I was expecting na namo-mroblema sila dahil nawawala ako but it was exa
"Saan kayo pupunta?" tanong ni Dad. Kasama ko si mommy, dahil aalis kami ngayon. "May pupuntahan kami ng anak ko." Matabang na ani ni Mommy kay dad. "Bakit kayo aalis? We're celebrating for Dainne's pregnancy." "And you're expecting na makiki-celebrate kami sa inyo? No. My daughter and I have something important to do." Hindi na nakasagot si Dad when mom pull me out of the house. Nakasuot ako ng shades dahil mugtong mugto pa ang mata ko kakaiyak. "You'll gonna be okay." Mom whispered and I just nodded. Nagtaxi kami papunta ng terminal dahil susunduin kami ni Oliver kasama ni Mr. Wang. Mom called them earlier kaya maaaring naroon na sila, naghihintay sa amin. Humilig ako sa balikat ni mommy. I'm gonna miss her. Pwede naman akong dumalaw sa kaniya but seeing Dainne in the house, masasaktan lang ako. So it'll take time bago ko harapin sila. Pagdating namin sa terminal, I saw Oliver, katabi nito si Mr. Wang. Naghihintay sila sa amin sa terminal. Lumapit si mommy kay Mr. Wang at
"WELCOME HOME ATE!!" Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o matatawa sa itsura ni Drake at Cedric na nakasuot ng party hat habang sinasalubong ako. Masaya silang nakangiti sa akin. Ngumiti ako ngunit agad na napahawak kay Mr. Wang nang makaramdam ulit ng hilo. Bakit ba lately ay nahihilo ako? "Ivory, are you okay?" rinig kong sabi ni Mrs. Wang ngunit masiyado na talagang umiikot ang paningin ko at wala na akong maintindihan kahit isa sa paligid. Maraming boses akong naririnig na hindi ko maintindihan. Naramdaman ko na nalang ang sarili kong nakaangat sa ere. "Nahihilo po ako," ani ko nang mamulatan si Mrs. Wang na siyang nag-asikaso sa akin. "It's fine honey. We got you. Renan! Tawagin niyo ang doctor. Kailangan nating patignan si Ivory." That's what tita said bago ako makatulog.. Nang magising ako, nasa kwarto ako at nasa tabi ko si tita at Drake na naghihintay yata sa akin. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Mrs. Wang nang magising ako. "Medyo maayos na po." Sagot ko. "B
"MASSON VILLARANZA IS IN RELATIONSHIP WITH DAINNE VITALIANO, THE REAL DAUGHTER OF FIDEL!" Isang malaking balita para sa lahat ang tungkol sa katauhan ni Dainne at ang ugnayan nito kay Masson, na asawa ko. "Are you not bothered with this?" tanong ni Oliver, na siyang katabi ko. Limang buwan ko na ito dito sa bahay nila at malaki na rin ang tiyan ko. Hindi ako makalabas dahil maraming media ang nag-aabang lalo't inihayag ni papa ang tungkol sa katauhan ko. Kinausap na namin si mommy at daddy, ako na ang nakiusap sa kanila na magpapalit ako ng apelyido. Noong una, ayaw ni Dad, but kalaunan at pumayag rin ito. Si papa Renan ang nag-asikaso lahat kaya napadali ang pagiging Wang ko. I'm not a Vitaliano anymore, isa na akong Wang. At hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay tama ang desisyon ko na talikuran ang pagiging isang Vitaliano. I love dad but iba na talaga mula no'ng nalaman niya ang tungkol kay Dainne. And that's okay, naiintindihan ko. Ayaw ko rin sana dahil sa puso ko, is
Inis na binalingan ni Banx si Laris na wala namang paki alam sa kaniya. Natawa ako ng mahina. Mabuti nga sa kaniya dahil pagnagkataon na hinawakan niya ako sa mukha ay baka nasapak ko na siya. "Eda, kamusta ang pagmo-modelo mo?" tanong ni tito Cedric sa akin. "Ayos naman po tito," sabi ko. "I heard na top 1 ka raw no'ng pasukan." Ngumiti ako at tumango sa kaniya. "Mabuti naman kung ganoon. Proud ako sa 'yo." Aniya sa akin. "Salamat po tito," magalang na sabi ko. "Speaking of, may nanlilgaw na ba sa' yo?" dagdag niyang tanong. Lumingon ako kay Banx na tahimik lang "Kuya, bakit ba curious ka sa buhay ng anak ko?" nakasimangot na sabi ni mama "What? Of course, princess. She's my niece kaya normal lang na concern ako kung sino itong mga nagtatakang manligaw sa kaniya." "Hindi po ako nagpapaligaw tito kaya wala po." Sabi ko. Narinig ko mahinang tawa ni tito. "Just like your mom." Sabi niya sa akin. Lumabi naman si mama at hinayaan si tito sa sinasabi nito. "Totoo naman ah. Naalal
Pumasok kami sa loob. Sinalubong kami ni mama at papa na may galak na makita sina tito, mamala at papalo. Pumasok kami sa bahay ngunit bago iyon ay hinabilinan ako ni mama na samahan muna si Banx sa loob ng bahay. Nag-usap pa ang mga matatanda habang ako ay naatasan na samahan muna si Banx sa sala kahit na okay naman na pabayaan lang siya dahil makapal naman ang mukha niya kaya alam kong hindi siya mahihiya dito sa loob. Bakit ba kasi nag punta pa dito itong dugyot na ito? Para siyang kabute na bila nalang sumusulpot e. "Bakit ka ba nandito?" tanong ko sa kaniya dahil naiinis talaga ako sa pagmumukha niya. "Inimbitahan ako ng tito mo na pumunta dito kaya huwag kang feeling diyan." Sabi niya sa akin. Inirapan ko lang siya at nanood nalang ng palabas. Wala talagang araw na nagkakasundo kami. Bakit kaya hindi nalang siya kina tita Dainne at mukhang sila ang nagkakasundo ni Scarlet kesa sa amin. As if naman na mag fi-feeling rin ako na ako ang pinuntahan niya dito like hello, nakakain
BUSY kaming lahat ngayon dahil pupunta dito si tito Cedric. Kasama niya sina papalo at mamala. Dadalaw sila sa amin lalo’t matagal na rin silang hindi nakakadalaw o kami sa kanila buhat ng busy na sina mama at papa sa hacienda at iba pa nilang negosyo sa Manila. Nasa labas ako ng villa at hinihintay ang pagdating ni tito dahil sabi ni mama na hintayin ko raw sila dito sa labas. May hot choco sa harapan at ini-enjoy ko ang pagkain ng hopia ng may langaw na dumating. Ako lang mag-isa nang biglang dumating itong Banx na 'to para na naman bwesitin ang araw ko. Ito yata ang talent niya. Ang mambwesit kasi bentang benta sa akin. "Eda!" tawag niya sa akin. Sinamaan ko lang siya nang tingin at hindi na nag abala ba na pansinin siya. Sayang lang siya sa oras. "Ang sungit mo naman." Aniya. Wow. I'm surprised na alam niyang masungit ako kaya sana naman ay lubayan na niya ako. "Pwede ba Banx? Wala akong oras makipag bardagulan sa 'yo. Kaya paki usap lang na lubayan mo na ako at naiinis ako s
Nang mapagod ako kakaiyak ay saka lang ako humarap sa kaniya. Hindi na ako magtataka kung mugto ang mata ko pagka tapos nito. Sa tindi ba naman ng pag-iyak ko. Humarap ako sa kaniya. Hinawakan niya ako sa magkabilaamg pisngi habang sinasalubong ang mga titig ko. Heto na naman ang mga titig niya sa akin. Iyong para bang pati kaluluwa ko ay tinitignan niya, hinahalukay niya. "I'm so jealous, Laris." Pag-amin ko. Tumulo na naman ang luha sa mga mata ko. Nakita kong lumamlam ang balikat niya at mapupungay na nakatingin sa akin. Hidni rin nakaligtas sa akin ang sayang dumaan sa mga mata niya matapos kong sabihin iyon. "Tell me more," bulong niya. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. Nalulunod ako sa bawat titig niya sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin. Bahala na. Gusto ko lang ilabas lahat ng hinanakit ko sa kaniya ngayon. Gusto ko lang sabihin sa kaniya lahat ng nararamdaman ko ngayon at bahala na kung anong susunod na mangyari. "Nagseselos ako kay Regina." Sabi ko. "Ayaw kong hina
Kinabukasan, nakasakay ako kay Massi habang nililibot namin ang Hacienda Villaranza. Wala namang klase ngayon dahil summer kaya sinusulit ko ang bakasyon. Napadaan ako malapit sa boundary ng Vitaliano households at nakita ko si Laris. Nakita ko siyang kasama niya si Regina, babaeng isa sa kababata niya. “Magandang umaga po ma’am Eda,” Bati sa akin ng mga magsasaka habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanila at sinundan ulit nang tingin si Laris na papasok sa mga cottages. ‘Saan sila pupunta?’ nagtataka kong tanong. Bumaba ako kay Massi at pinuntahan ang pinuntahan ni Laris kasama ni Regina. Alam ko namang kaibigan niya si Regina pero ayaw ko pa rin sa babaeng iyon. Bata palang ako ay maltdita na ‘yon at halatang ayaw sa akin kaya ayaw ko rin sa kaniya. Hindi naman ako mamimilit sa mga taong ayaw sa akin. Kung ayaw sa ‘kin, ayaw ko rin sa kanila. Ganoon lang naman ka easy ‘yon. Kung m*****a siya, pwes m*****a din ako. Nakita ko sila na papunta nga sa cottage. Nasa likuran la
Papaandarin na sana ni Laris ang motor niya nang biglang may sasakyang huminto sa harapan namin. Agad na nalukot ang mukha ko nang makita ang mukha ni Banx na mayabang na nakasandal sa sasakyan niya. “Eda, sa akin ka na sumakay. Ihahatid kita sa inyo,” sabi niya. Mas humigpit ang hawak ko kay Laris dahil ayaw kong sumama kay Banx. Nababadtrip ako sa mukha niya at isa pa, ang yabang niya sobra. Matagal ko na siyang kilala at nanliligaw sa akin pero ayaw ko talaga dahil aside sa hindi ko siya gusto, ayaw ko rin sa ugali niya. “Hindi mo ba nakikita na nakasakay na ako? Kaya umalis ka na dahil hindi ako sasama sa ‘yo. Si kuya Laris na ang maghahatid sa akin papunta sa bahay.” Sabi ko sa kaniya. Ayaw ko talaga sa mukha niyang magaspang. Mas lalo na sa ngisi niya sa mukha niya na ansarap tapalan ng nalusaw na metal para hindi na siya makangiti pa. “Bakit ka sasakay sa cheap na motor niya? Dito ka nalang sa akin sasakay dahil komporta-ble pa ang upo mo.” Aniya sa akin. At talagang nilait
-----15 YEARS LATER--- ALL ABOUT ANDROMEDA! “Look at this side! Pose! ANOTHER! OKAY, GOOD! PERFECT! .. 15 minutes break..” Tinanggal ko na ang ngiti sa labi ko at dahan-dahang umalis sa stage. Uminom ako ng tubig na inabot sa akin ni Hyacinth pagkapunta ko sa kinauupuan niya. Masiyadong nakakapagod ang araw na ito sa akin. “Eda, ang galing mo!” Bati ng mga nakakakilala sa akin. Tipid lang akong ngumiti sa kanila at hindi na nagsalita pa. Ayaw kong sayangin ang laway ko sa hindi ko naman close. Kinuha ko ang cellphone ko at kunot noo nang makita ang chat ni kuya Laris sa akin. “Where are you?” aniya sa chat niya. Ano na naman ba ang kailangan niya sa akin? “Pake mo!?” Send ko pabalik. Naiinis ako sa kaniya mula pa kanina. Ayaw ko na ngang makita ang pagmumukha niya. Ewan! Hindi naging maganda ang araw ko dahil hindi man lang niya ako pinuntahan sa bahay kanina. “Hinahanap ka ng mga magulang mo,” sabi niya. Hinahanap? E si mama nga nagpahatid sa akin dito kanina. “Don’t bUllshit
“MAMA!!” Malakas ang sigaw ng anak ko habang tumatakbo sila ng papa nila sakay ang kabayo ni Maddox. “Be careful!” Sigaw ko at nakasakay ako kay Massi na nakasunod naman sa kanila. Umalingawngaw ang tawa ng anak namin habang mahina silang tumatakbo palibot sa harapan ng villa. It’s Sunday at ngayong hapon, napagkasunduan namin na mangabayo kami. This is Eda’s favorite activity. Gustong-gusto niya ang mangabayo kami kasama ng papa niya. “Mama! Faster!” Sigaw niya na binuntutan ng tawa. Nakita ko pang may ibinulong si Masson sa anak namin dahil humagikgik pa ito. Sumimangot ako dahil tingin ko ay pinagkakaisahan ako ng dalawang ito. “You’re so pretty mama,” sabi ni Eda. Ngumiti ako dahil kinikilg ako sa sinabi niya. “Papa said,” nakagat ko ang png ibabang labi ko nang balingan si Masson na pulang pula na habang nakatingin sa akin. Kasalanan ng anak naming madaldal. “And you’re amazing mama in the whole world,” dagdag ni Eda. “Sabi ni papa?” tanong ko but our little Eda giggled a
Pag-uwi ni Masson ay agad nitong tinawagan si Sadik para hingin ang number ni Ivory. Kakapasok pa nga lang niya sa loob ng condo niya ay excited na siya kunin ang number ni Ivory. "Akin na ang number ni Ms. Vitaliano." Aniya nang sagutin ni Sadik ang tawag. Hindi man lang niya pinag hello ang kaibigan. “Ah.. Oh…” Tumawa si Sadik sa sinabi agad ni Masson. “Hello Masson.. Hindi uso ang hello sa ‘yo?” sarkastikong ani ni Sadik. “I don’t have time for that.” Masungit na sabi ni Masson dito. "Nagkausap na kayo?" tanong ni Sadik. Tumango si Masson kahit hindi naman siya kita nito. "Yeah." "That's good then. Sobrang coincidence nga e na naghahanap ka ng pakakasalan at siya naman ng pekeng mapapakasalan." Sabi ni Sadik at binuntuan pa niya ito ng tawa. Fake? Sorry, baby but ayaw ko ng peke. I want it real. "But you know what bro, pwede mo namang gawing peke lang ang kasal niyo e since hindi ninyo kilala ang isa't-isa. Ipalabas lang ninyo na kasal kayo gaya ng sabi mo na madaling ka ne