MARAHANG bumubukas ang pinto. Malamlam man ang ilaw na nagmumula sa lampshade, pero hindi iyon hadlang para hindi matunton ang nais na makita. Saglit pa ay tuluyan nang pumasok ang taong nakadungaw. Dumiretso sa tapat ng higaan. Dumukwang sa babaing nakahiga. Lumapat ang labi sa noo nito. Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi kasabay ang mainit na paghaplos sa pisngi nito. Nakita niya ang kaniyang picture, yakap ng babaing himbing na himbing."I've missed you so much, baby!"Mahinang ungol ang tugon ng babaing nakahiga hanggang sa unti-unting nagmulat ang mata nito. "S-sweetheart..." Mabilis itong bumangon at niyakap siya ng buong higpit. "You're here! Bakit hindi ka nagpasabi na uuwi ka na? Nasundo sana kita.""Alam mong iyan ang pinakaayaw ko, ang magbyahe ka. Ayaw kong napapagod ka," kunwaring sermon nito.Idinikit niya ang mukha sa balikat nito, bahagya pang kinagat iyon sa paraang alam niyang hindi masasaktan ang asawa. Saka ay ibinaling ang labi sa leeg at masuyong hinagkan-hagka
"ANAK. Ang kawawa kong anak." Luhaan si Mr. De Castro habang nakamasid sa tulalang si Zabrina, siya nama'y may bantay na pulis at naka-posas ang dalawang kamay. Pinagbigyan siyang madalaw sa pagamutan ang anak. Hanggang ngayo'y hindi pa rin niya matanggap na sa ganito lang mauuwi ang lahat. Lahat-lahat. Nang pumutok ang balitang si Gian at Gwen ang ikakasal ay pinaimbestigahan niya ang nangyari. Hindi siya papayag na ang dalawa ang ikakasal, dahil una pa lang ay alam niyang sobrang mahal ni Zabrina ang binata. Pero laking gulat niya sa nalaman, ang kaniyang anak ang may pakana ng lahat, at nalaman din niyang may iba itong mahal... si Elias. Palihim siyang sumunod nang umalis ito. Nakita kung paano sumaya ang anak sa piling ni Elias. And, he knows that Zabrina's got pregnant. Nakita at nayakap rin niya ang kaniyang apo. Pero, buong akala niya'y nasa maayos na kalagayan ito. Nalaman na lang niya na pumanaw ang kaniyang apo at ang masama pa'y sinasaktan ito ng asawa. Gusto niyang
"OKAY. One, two, three, push, Mrs. McCollins. Kaunti na lang lalabas na ang baby mo."Halos malagutan na ng hininga si Gwen sa pag-ire. Ngayon lang niya napagtanto na napakahirap palang manganak. Sobrang sakit. Ilang ire pa ang kaniyang ginawa nang sa wakas ay tuluyan nang lumabas si Gian Andrei. Nagrarambulan ang hininga niya, pero sulit ang pagod at sakit na naranasan niya matapos mahawakan ang munti niyang anghel. Naririnig pa niya ang munting iyak nito, animo'y inaapi.Nasa private room na siya nang pumasok bigla si Gian. Hindi ito agad nakarating dahil sa importanteng business meeting na dinaluhan nito. "Baby..." Patakbong lumapit ang asawa sa kinaroroonan niya. Pinupog siya nito ng halik. "Daddy na ako," mangiyak-ngiyak nitong sambit. Maging siya ay napaluha na rin sa labis na kasiyahan."Oo, daddy ka na.""Where's my baby?""Ask mo sa nurse."Sa pag-aakalang aalis na ito'y ipinikit na niya ang mata, pero agad ding iminulat matapos maramdaman ang yakap ng asawa. Sinalubong ng m
"S-SINO ka?"Hindi tumugon ang lalaki. Nakatitig lang sa babaing marahang umaahon sa kama. Ngayong nasa ganoong uri ng kalagayan si Zabrina, para itong batang musmos, napakainosente ng awra. "I said, who are you? W-what am I doing here?" nakalabing tanong muli nito. Nagpalinga-linga, waring sinusuri ang paligid. Mukhang naninibago sa lugar. Mula sa kinaroroonan nila'y kitang-kita ang magandang tanawin. Tumayo siya't lumapit dito. Inayos ang nagulong buhok, maging ang damit."You wouldn't even recognize me anymore, huh?" Masuyong hinaplos niya ang pisngi ni Zabrina.Tila batang kinagat ang ibabang labi kasabay ang marahang pag-iling. Hindi yara nito nakaya ang titig niya kaya mabilis ding nagbaba ng paningin. Kinutkot ang kuko ng kamay. "I'm your husband," pakilala niya. "H-husband?" "Yes! I'm your husband Elias," sambit niya. Bumadha ang matinding takot sa mukha ni Zabrina. She ran to the corner at doo'y yumupyop na parang sisiw. Namuo ang galit niya sa nakikitang reaksyon ng as
MATIYAGANG inihehele ni Gwen ang anak, napalitan nang walang humpay na kaligayahan ang sakit at pagdurusang natamo niya kay Gian nang malamang nagdadalang-tao siya at ngayon ay nahahawakan na ang anak. Kasalukuyan pa silang nasa Isla Paradise, sinusulit ang kanilang bakasayon. Ang ilan sa kaibigan ng asawa ay umuwi na, maliban kay Adrix na mukhang pinopormahan ang kaibigan niyang si Celly. Ang kaibigan niya ang kinuhang ninang para sa anak nila, hindi pa rin ito umuuwi, mukhang sinusulit din ang bakasyon. "Baby..." Nilingon niya ang asawa. Mababakas sa mukha nito ang pagkabahala. Napakunot-noo pa siya habang nakamasid dito. Maingat niyang ibinaba si Gian Andrie sa gitna ng kama, nilagyan niya ng dalawang unan ang tigkabilang gilid nito, saka'y lumapit sa asawang hindi pa rin halos maipinta ang hitsura. "Bakit? May problema ba?" may pag-aalalang tanong niya rito. Bumuka ang bibig nito, pero walang salitang lumabas na lalo niyang ipinagtaka. Her eyebrows met. "Sweetheart, are you o
NAKARAMDAM ng pagkaiyamot si Gian. Malapit na siyang matapos sa paliligo, pero magpahanggang ngayo'y hindi pa umaalis ang kaibigan ng asawa niya. Binabagalan na nga niya ang kilos. Ang kaninang nararamdamang init ng katawan ay naglaho na, napalitan ng inis. Ilang mura na rin ang lumabas sa bibig niya. Sumasakit ang puson niya! "Darn it!" Sa huli ay minabuti niyang tapusin na ang mabagal na paliligo. Bath robe ang nakabalabal sa kaniyang katawan nang lumabas siya sa banyo. Nandoon pa nga si Celly, at humahalakhak kasama ang kaniyang asawa. Sa inis niya'y nagdabog siyang muli. Kumuha ng damit at muling pumasok ng banyo para doon magbihis. "Shit!" Hindi na naman niya napigilan ang magmura. Kumukulo talaga ang dugo niya. Parang gusto niyang ilabas ang init ng ulo. Ganito pala ang epekto kapag hindi naudlot ang pag-abot ng kaligayahan, parang sasabog sa inis ang dibdib niya. Pagkalabas ng banyo, he decided to leave the room. He didn't say goodbye to his wife who was still busy
NAKANGITING lumabas ng silid ni Gwen si Celly, kinausap niya ito hinggil kay Adrix. Ilang araw na siya nitong kinukulit. Pinopormahan siya. Pero ang alam niya'y may girlfriend ito, kaya n'ong una pa lang ay binabalewala niya ang binata. Kaya niya kinausap ang kaibigan ay hingiin ang payo nito. Sa pangungulit ng binata ay nagugulo ang tahimik niyang mundo at unti-unti ay hinahanap niya ang presinsiya nito. Ayon sa kaibigan niya'y nagkalabuan ang magkasintahan. Ilang araw raw na nagmukmok ang binata, napilitan lang din itong sumama sa kanila dahil pinagbantaan ni Francis. "Hayst! Mga lalaki talaga, ang bilis magbago," naiiling na sabi niya sa sarili. Hindi muna siya tumuloy sa silid niya, nagpatuloy ang paglalakad niya hanggang sa maliit na restaurant na kung saa'y may tindang mga home made pasalubong. Nagustuhan niya ang gawang sampaloc kaya balak niyang bumili ng ilang piraso. Subalit, napaatras ang paa niya nang maraanan ang mini bar, mula sa labas ay kitang-kita niya ang nagkaka
HALOS umusok ang ilong ni Gwen sa ibinalita ni Celly, nasa mini bar ang asawa niya. Kaya pala nagdudumali itong umalis, doon pala ito pupunta. "Walanghiya ka, Gian!" nanggigil na sabi niya sa sarili. Nagtaas-baba ang dibdib niya sa inis. "Huwag ko lang malalaman na gumagawa ka ng ikagagalit ko, lagot ka sa akin!" banta pa niya na para bang nasa harapan ang asawa. Nagpaikot-ikot siya sa silid. Tinikis niya ang sariling huwag sundan ang asawa, tiyak na papalahaw ng iyak ang kanilang anak kapag nagising na wala siya sa tabi nito. Hinintay na lang niyang bumalik si Gian."Ang tagal!" Naiinip na siya sa paghihintay. Maya't maya rin ang takaw-tingin niya sa anak at sa orasang nakasabit sa dingding. Sa tanang buhay niya'y ngayon lang siya nakakita ng resort na may wall clock ang bawat room. Kumilos ang kaniyang anak. Nagdumali siyang lumapit dito. Kahit nakadilat ang mata nito'y maingat pa rin ang ginawa niyang pagkilos, tinabihan niya ito ng higa. Ibinaba ang neckline, mabuti na lang da
"SWEETHEART..." Takot ang maaaninag sa mukha ni Gwen nang sumulpot si Larry sa unahan ng sinasakyan nila. Ito nga ang lalaking nakita niya malapit sa bahay ni Celly. Pero, papaanong napunta ito sa lugar na 'to? "Bryan," tinig ni Vic. "Sir, may tama si Bryan!" Nag-panic siya. Nataranta. Hindi alam kung ano ang gagawin. Kumilos si Gian, lumapit ito kay Bryan. "Daplis lang 'to," sagot ni Bryan. "Pero putik! Nagulat ako sa ginawa ng lalaking 'yan kaya ako napasigaw." Kahit natatakot ay ninais niyang makita si Bryan, pero sadyang hindi niya magawa dahil kalong niya ni si Andrei. "Sir, yuko!" utos ni Vic. "Ha?" "Yuko!" Kasabay ng kanilang pagyuko ang sunod-sunod na putok ng baril. Naramdaman na lang niya na para umiikot ang paligid at narinig ang palahaw ng anak. Halos magsumiksik siya sa pagitan ng bangko. Hinaharangan ng katawan ang anak. "Diyos ko, huwag Mo po kaming pababayaan," taimtim niyang panalangin."Hello, Francis! Nandito si Larry. Help us!"Nag-angat siya ng paningin.
"ANG saya nila 'no?" Nilingon ni Gian ang taong nagmamay-ari ng boses. Pansin niya ang kasiyahang nasa mukha nito. Hawak ang basong may lamang branded na alak ay tumabi si Francis sa kaniya. Sabay na tumitig sa kaibigang si Adrix, nagsasayaw kasama si Celly. "Ikaw, kailan ka lalagay sa tahimik na buhay?" Narinig niya ang pagtawa nito, sinundan ng paglagok sa alak. "Dude, masaya ako sa buhay ko ngayon." "Really?" He smirked. "Are you sure about that?" Sinamaan siya nito ng tingin. "Gusto mong pasabugin ko ito?" Sa halip na matakot ay natawa siya sa sinabi ng kaibigan. Ipinatong niya ang kanang braso sa balikat nito. "Dude, mas masaya ang pamilya. 'Yong uuwi kang mararatnan mong naghihintay ang asawa't anak mo. Sasalubungin ka ng halik. Maririnig mo ang munting halakhak ng 'yong anak. Walang katumbas 'yon, dude." Hinintay niya ang itutugon nito, pero bigo siya, kaya't bumaling ang paningin niya rito. Seryoso itong nakatitig sa mga taong nasa gitna, si Adrix at Celly, nandoon d
HINDI lubos-maisip ni Celly na sa ilang sandali ay ikakasal na siya sa lalaking kinaiinisan niya nang sobra. Hindi rin niya akalaing nagdadalang-tao siya. Tuwang-tuwa si Adrix nang ipaalam niya rito ang kalagayan niya, nangakong magiging mabuting ama at asawa ito. "Dapat lang, dahil kung hindi, hindi mo kami makikita ng magiging anak mo." Para siyang baliw na nagsasalitang mag-isa habang nakamasid sa wedding gown na anumang oras ay susuotin na niya. Bumukas ang pinto, pumasok ang kaniyang ina at si Gwen. Ngiting-ngiti ito sa kaniya. Ito ang bridesmaid niya. Nakasuot na ng gown. Pinagmamasdan niya ito. Magmula noon hanggang ngayon ay hindi nagbabago ang hugis ng katawan ng kaibigan niya. Mas lalo pa ngang gumanda ang hubog ng katawan nito simula nang manganak. Sexy, stunning, gorgeous. Lahat yata ng magandang katangian ay nandirito na. Tinulungan siya ng dalawa na isuot ang wedding gown at habang isinusuot ay binibilinan siya ng mga hindi at dapat gawin kapag nasa iisang bubong na
ABALA si Gwen sa pag-aayos ng kanilang gamit na dadalahin papuntang probinsiya, sa lugar ni Celly. Nasa bag na ang kaniyang mga susuotin, ganoon din ang sa asawa, at dahil ito ang best man ay nagdala siya ng suit, tulad ng napagkasunduan ng magkakaibigan. Ang gusto pa ni Adrix ay magsuot ng tuxedo, pero tumanggi ang kaniyang kaibigan. Para sa kaniya, sapat na rin ang simple lang. Ang importante ang basbas ng Maykapal. Naalala niya nang ikasal kay Gian. Maganda ang trahe de boda niya, ganoon din ang suot ni Gian, maganda ang design ng venue, maging sa simbahan, pero pareho silang nasa loob ng madilim na panahon. Oo, may pagtingin siya sa asawa, pero hindi niya inasam na makasal dito dahil lang sa nakitang magkatabi sila sa kama. Nang mga panahong 'yon, tanging si Zabrina lamang ang laman ng puso't isipan nito, pero ang kaibigan niya, may iba nang minamahal at si Elias 'yon. Napangiti siya nang bumaling ang paningin sa picture frame na nakapatong sa bed side drawer. Picture nilang dala
KAPAPASOK pa lang ng sinasakyan ni Gwen nang makasalubong ang sasakyan ng asawa. Kanina pa ito tumatawag pero hindi niya nasagot hanggang sa na-lowbat. Dumaan pa sila ni Celly sa apartment nito at natagalan doon. Bumaba ito ng sasakyan, base sa hitsura ay galit ito. Nagkatinginan silang magkaibigan. "Bakit?" tanong pa ni Celly.Nagkibit-balikat siya at hinintay ang paghinto ng asawa. Kinatok nito ang bintana. Hindi niya binuksan, sa halip ay lumabas siya ng sasakyan."Where have you been?" Nagsalubong ang kilay niya. Bakit parang galit ito sa kaniya? May nagawa ba siyang mali? Sobra na siyang nagtataka."Sinamahan ko si Celly." Naguguluhan pa rin siya kung bakit ito galit."Alam mo bang kanina pa ako tumatawag sa iyo!" Malakas ang pagkakabigkas nito, mabuti na lang walang tao sa hinintuan nila. "Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?"Iyon ba ang pinagpuputok ng butsi nito? Tinaasan na lang niya ito ng kilay. Ipinag-ekis din ang dalawang braso sa tapat ng dibdib. Talagang dito pa sa
TAWANG-TAWA si Gian, hindi maalis sa isipan niya ang hitsura ni Celly habang nagpo-propose si Adrix. Hindi niya maikakailang tinamaan ngang talaga ang kaibigan niya. Tulad din niya, sobra nitong dinamdam ang nangyari sa relasyon ng ex-girlfriend nito. Pareho sila ng naging karanasan, pero masaya na siya ngayon sa piling ng mapagmahal at maarugang asawa. He will do anything to protect his wife at ang anak nila. Alam niyang nasa paligid lang si Larry, nagnamatyag at tiyak na idadamay nito ang kanilang anak. Natigil ang pagmumuni-muni niya nang pumasok si Adrix. Malawak ang ngiting nakapaskil sa labi nito na ikinailing niya. "Kumusta ang ikakasal?" bati niya rito. Ibinaba nito ang hawak na cellphone sa mesa niya kasabay ang pag-upo sa nasa unang bangko. "Masaya na excited. Ako na yata ang pinakamasayang tao, dude." Napalis ang ngiti niya. Hindi niya naranasan 'yon nang ikasal siya. Pinuno niya ng galit ang dibdib para sa mapapangasawa. Hindi na-enjoy ang kanilang kasal at alam niya
"KUMUSTA kayo ni Adrix?" Napatingin si Celly sa kaibigan. Seryoso itong nakatitig sa kaniya. Dapat na bang sabihin niyang may nangyari sa kanila ni Adrix? Hindi pa rin niya nakakalimutan ang araw na ipinagkaloob niya sa binata ang pinakaiingatang puri. Simula n'on ay palagi na niya itong hinahanap-hanap. Nang dumating nga ito galing US ay dumiretso sa apartment niya, doon ito natulog at hindi niya itatangging may nangyaring muli sa kanila. "Natulala ka na." Napukaw ang nagliliwaliw niyang diwa nang pitikin siya ni Gwen sa noo. Napangiwi siya sa sakit. "Masakit 'yon ha!" "Hindi ka kasi sumagot." Payak siyang ngumiti at lumapit dito. Pinaglaruan niya sng daliri ng inaanak."We're okay. Simula nang bumalik siya, bantay-sarado na ako ng mokong." Napailing siya. Totoo 'yon. Simula nang dumating si Adrix ay halos hindi na siya nito nilulubayan. Hatid-sundo sa work."Mabuti naman. Hindi mo na ba siya inaaway?" muling tanong ng kaibigan niya."Hindi na," nakangiting tugon niya."Good. A
HINDI mapakali si Gian. Matapos ibalita ni Francis ay umalis na rin ito kaagad. Sinabi nitong mag-a-assign ito ng bodyguard para sa kaniyang mag-ina, mabuti na raw ang may protection sila. Alam niyang hindi basta-bastang kalaban si Larry, kaya pumayag na siya. Ang isa pa niyang ikinababahala ay ang pagkamatay ni Zabrina. Ayon sa kaibigan ay pinapagamot ni Elias, subalit sadyang wala na sa katinuan ang dati niyang nobya kung kaya't tumalon ito sa palapag ng hospital. Mariin siyang pumikit. Kahit naman nagalit siya rito ay hindi niya ginustong mawala ito sa ganoong uri ng pagkamatay. Hindi niya maatim na mawala lalo na't wala ito sa matinong pag-iisip. Isa pang iniisip niya'y ang asawa. Paano niya sasabihin dito na wala na si Zabrina? At si Larry. "Fvck!" Nahilot niya ang sentido. Hindi na siya makapag-isip ng tama. Patong-patong na ang kaniyang pinoproblema."Hayst!" Nakapamaywang na tiningala niya ang puting kesame at nagpakawala ng malalim na hininga. Nagdesisyon na siyang sabihi
PAROO'T PARITO si Gian, one month na ang nakalipas nang papuntahin niya si Adrix sa America para hanapin si Zabrina. Ayon sa nakalap na information ni Francis ay sa Los Angeles nakatira ang asawa ng ex niya. Ngayon ay pabalik na ang kaibigan niya, ayon dito ay may bad news itong dala. "Sweetheart..." Napahinto siya sa pagpapatintero, hinintay ang pagpasok ng asawa. Kalong nito ang kanilang anak, malayo pa lang ay nakabungisngis na. "May problema ba?" "Ha?""Kanina ka pa kasi tulala. Kahit si Mommy ay napapansin 'yan?"Masyado ba siyang obvious?"Ah!" Nag-isip siya ng maidadahilan. "M-may gumugulo lang sa isipan ko." "Ano 'yon?" "S-si Adrix.""Oh! Anong mayroon sa kaniya? Siyanga pala, hindi ko na nakikita ang isang 'yon. Nasaan ba siya?"Maingat na inilapag ng kaniyang asawa ang anak na mahinang tumatawa sa kama. Malikot na ito, kaya dapat ay may bantay na. Naisip niyang ikuha na ito ng mag-aalaga. On hands naman ang asawa niya pero mas maganda na rin 'yong may nag-aalaga rito.