HALOS umusok ang ilong ni Gwen sa ibinalita ni Celly, nasa mini bar ang asawa niya. Kaya pala nagdudumali itong umalis, doon pala ito pupunta. "Walanghiya ka, Gian!" nanggigil na sabi niya sa sarili. Nagtaas-baba ang dibdib niya sa inis. "Huwag ko lang malalaman na gumagawa ka ng ikagagalit ko, lagot ka sa akin!" banta pa niya na para bang nasa harapan ang asawa. Nagpaikot-ikot siya sa silid. Tinikis niya ang sariling huwag sundan ang asawa, tiyak na papalahaw ng iyak ang kanilang anak kapag nagising na wala siya sa tabi nito. Hinintay na lang niyang bumalik si Gian."Ang tagal!" Naiinip na siya sa paghihintay. Maya't maya rin ang takaw-tingin niya sa anak at sa orasang nakasabit sa dingding. Sa tanang buhay niya'y ngayon lang siya nakakita ng resort na may wall clock ang bawat room. Kumilos ang kaniyang anak. Nagdumali siyang lumapit dito. Kahit nakadilat ang mata nito'y maingat pa rin ang ginawa niyang pagkilos, tinabihan niya ito ng higa. Ibinaba ang neckline, mabuti na lang da
ISA-ISANG tinatanggal ni Gian ang sapl*t ng asawa, habang nakatapat sa dusta. Ang bawat matang nakatutok sa isa't isa'y puno ng pagmamahal, nag-aalab na mga damdamin. Kung sila lang dalawa ang tao'y hindi na ito nagsusuot ng bra, oara raw madali siyang makapagpad*de sa kanilang anak. But this time, may suot ito na kasalukuyang tinatanggal ang kawit sa bahagi ng likuran ng asawa. Inihagis na lang sa kung saan ang kapirasong tela. Humantad sa kaniyang paningin ang bilugan nitong dibdib. Bahagya iyong lumaki nang manganak ito at alam niya kung bakit. Pinong kagat sa labi ang ginawa niya habang pinagmamasdan 'yon. Iniangat muli niya ang dalawang palad, dumapo sa tayong-tayo na dibdib nito. Doo'y pinagyaman niya ang palad. Minasahe na para bang nagmamasa ng harina. He slightly squeezes her nip*le. Umangat ang kaniyang paningin nang marinig ang mahinang ungol ng asawa. Nakapikit na ito't bahagyang nakabuka ang bibig. Pinagbuti pa niya ang ginagawa at nang magsawa ay isinubsob niya ang mukha
ISA-ISANG inilalagay ni Gwen ang mga gamit sa bag. Kinabukasan ay pabalik na sila sa Maynila, aniya, mabuti na ang nakaayos na ang lahat ng kanilang gamit. Sulit na sulit ang isang linggong bakasyon nila sa Isla Paradise. Ngayon ay pupuntahan nila ang bahay ni 'Nay Martha. Kagabi lang ay pinagsaluhan nila ng asawa ang matamis nilang pagmamahalan. Hindi lang sa banyo natapos ang pag-iisa ng katawan nila, maginhmg sa sofa rin, hindi rin isang beses, dalawa, kundi marami. Masakit man ang katawan lalo na ang balakang ay nakangiti pa rin siya. Sa paraang 'yon ay naipadadama niya ang walang hanggang pagmamahal sa asawa. "Baby..." She looked up, her husband was standing in front of her, holding a bouquet of roses. May isa ring nasa bibig nito. Bahagya pa siyang natawa sa hitsura nito habang kagat-kagat ang rose. Tumayo siya't lumambitin sa leeg nito na animo'y sawa. She removed the rose from his mouth, at kinintalan ito ng halik"You're so cute, sweetheart." Pinanggigilan nito ang tungki n
NAGPAALAM si Gian sa asawa na makikipag-bonding kay Axel. Humalik siya sa labi nito, ganoon din sa pisngi ng anak bago umalis. Kasama niya si Vic, si Adrix, ayon at nagmumukmok dahil nasermunan ni Celly. Habang naglalakad patungong bar ay may nakasalubong silang mga babae, kita niya sa gilid ng mata na tila kinikilig ang mga ito. Narinig pa niya ang tili. "I think their like you, Vic," pabirong saad niya sa kasama. "Na-ahh! Sa iyo sila nakatingin, hindi sa akin," ganting biro nito. Sabay pa silang nagkatawanan. Hindi lang isang grupo ng mga babae ang naraanan nila, at sa tuwing may makakasalubong ay nahuhuli niya ang paninitig ng mga ito. Ramdam din niyang hinahabol sila ng tingin ng mga ito. Hindi na lang niya binigyang-importansya 'yon, dahil hindi na siya available. His heart, even his mind is owned by someone, and that is his beloved wife. Kumaway si Axel, nasa gilid ito ng pool, kasama ang asawang si Jam. Tulad ng asawa niya, mabait din ang babae, may isa na rin itong cute na
NAGNGINGITNGIT ang kalooban ni Gwen sa nakita. May tiwala siya sa asawa pero sa mga babaing nagpapansin dito'y wala. Ewan ba niya kung bakit nakakaramdam siya ng selos, kung bakit ngayo'y ipinagdadamot na niya ito sa iba. Siguro, dahil may mas karapatan siya rito, and he's a father of her child. "Ganyan din ako kay Axel kapag may lumalapit na ibang babae sa kaniya." Naagaw ang atensiyon niya nang magsalita si Jam, bumaling ang tingin niya rito, nangingiti ito. "Hindi maiwasang may lumapit sa mga asawa natin, lalo na't napaka-masculine nila, hot, handsome. Pero may tiwala ako sa asawa ko." Totoong guwapo ang asawa nito, malakas ang appeal tulad din ng asawa niya. Wala siyang tulak-kabigin sa hitsura ng asawa nila. Kahit ang bagong kakilala ni Gian na si Lance. Tama rin ang sinabi ni Jam, hindi maiiwasang walang lalapit na babae rito, nasa asawa na lang ang desisyon kung papatol ito. Nang sumapit ang ika-walo ng gabi ay nagkaroon ng bon fire sa gilid ng dalampasigan. Nandoon si Axe
PIGIL ni Gwen ang napipintong pagbunghalit ng tawa. Nauunawaan na niya kung bakit biglang hin*bad ni Eunice at Celly ang kanilang mga kasuotan at lumusong sa tubig. Kung hindi pa humarang ang mga kalalakihan ay hindi niya maiintindihan ang nangyayari. "Minsan talaga ay napaka-slow ko," anas ng isipan niya. Lumayo na ang babaing umaaligid sa asawa niya, ganoon din kay Lance, pero si Adrix, hayun at todo ang pa-charming ng babae, kaya nama'y hindi na halos maipinta ang hitsura ng kaibigan niya. "Napakababaero talaga!" Narinig niyang binitiwang salita ni Celly na ikinailing niya. Bumalik sa puwesto niya si Gian, sabi nito, kakausapin lang nito ang mga lalaking bumastos siya kaniya. Pero sapalagay niya'y hindi lang basta nito kinausap ang mga lalaki, dahil nang humarap ito sa kaniya'y napansin agad niya ang kamao nito. Napailing na lamang siya."Let's go, baby." Seryoso ang mukha nito. "And next time don't wear that kind of shit--" Maagap niya itong binatukan para matigil sa pagsasal
MULA sa madilim at masansang na silid nakayupyop ang taong nagbabaga ang mata. Isang taong gustong-gusto nang lumaya sa piitang kinasasadlakan para maipaghiganti ang pagkawala ng taong kaniyang minamahal. Nailagay na naman siya sa bartolina dahil sa ramble na kinasangkutan sa loob ng kulungan, pero hindi niya pinagsisihan ang nagawa. Nang dahil doon ay napat*y niya ang lalaking kaniyang nakaalitan. Thirty years ang sentensiya niya sa kulungan, ngunit bago siya hinatulan ay dumaan muna siya sa butas ng karayom ni kamatayan. Ilang tama ng baril ang sinalo niya mula sa pulis na nagligtas kay Gwen, pero nakaganti rin siya dahil alam niyang nag-agaw buhay din si Gian sa hospital. 'Yon nga lang, nawala ang pinakamamahal niyang babae... si Rachel. "Hindi pa tapos ang laban, dahil sa oras na makahanap ako ng butas, lalabas ako ritong humahalakhak. Ipaghihiganti kita, mahal ko!" Muling nagningas ang kaniyang mata sa sobrang galit. Inayos niya ang benda sa kanang pisngi. Natamo niya 'yon nang
NANG makabalik sa room ay maingat na inilapag ni Gwen ang nahihimbing na anak, nilagyan niya ng harang ang magkabilang gilid nito, saka'y pumasok ng banyo para mag-shower. Isa-isa niyang hinubad ang ginamit sa pagbabad sa pool, maingat 'yong ipinatong sa sink, balak niyang banlawan, saka patutuluin bago ilagay sa plastic. Binuhay niya ang shower, mabilis na dumaloy ang maligamgam na tubig sa katawan niya. Nagsasabon na siya nang may kamay na umagaw sa hawak niyang sabon. At ang kamay na 'yon ang nagpatuloy sa kaniyang ginagawa. Habang ikinakalat nito ang sabon ay dumadampi ang labi nito sa leeg at balikat niya. Ang isa nitong kamay ay may pagpisil na sa kaniyang breast, habang ang isa ay patuloy na ikinuskos sa mabagal na ritmo ang hawak ba sabon sa parteng tiyan niya, paikot sa may pusod niya. Nang dahil sa ginagawa ng asawa'y humulagpos ang mabining ungol sa bibig niya. Napapikit pa upang damhin ang idinudulot na ligaya. Nabubuhay na naman ang init sa katawan niya, init na alam na
KAPAPASOK pa lang ng sinasakyan ni Gwen nang makasalubong ang sasakyan ng asawa. Kanina pa ito tumatawag pero hindi niya nasagot hanggang sa na-lowbat. Dumaan pa sila ni Celly sa apartment nito at natagalan doon. Bumaba ito ng sasakyan, base sa hitsura ay galit ito. Nagkatinginan silang magkaibigan. "Bakit?" tanong pa ni Celly.Nagkibit-balikat siya at hinintay ang paghinto ng asawa. Kinatok nito ang bintana. Hindi niya binuksan, sa halip ay lumabas siya ng sasakyan."Where have you been?" Nagsalubong ang kilay niya. Bakit parang galit ito sa kaniya? May nagawa ba siyang mali? Sobra na siyang nagtataka."Sinamahan ko si Celly." Naguguluhan pa rin siya kung bakit ito galit."Alam mo bang kanina pa ako tumatawag sa iyo!" Malakas ang pagkakabigkas nito, mabuti na lang walang tao sa hinintuan nila. "Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?"Iyon ba ang pinagpuputok ng butsi nito? Tinaasan na lang niya ito ng kilay. Ipinag-ekis din ang dalawang braso sa tapat ng dibdib. Talagang dito pa sa
TAWANG-TAWA si Gian, hindi maalis sa isipan niya ang hitsura ni Celly habang nagpo-propose si Adrix. Hindi niya maikakailang tinamaan ngang talaga ang kaibigan niya. Tulad din niya, sobra nitong dinamdam ang nangyari sa relasyon ng ex-girlfriend nito. Pareho sila ng naging karanasan, pero masaya na siya ngayon sa piling ng mapagmahal at maarugang asawa. He will do anything to protect his wife at ang anak nila. Alam niyang nasa paligid lang si Larry, nagnamatyag at tiyak na idadamay nito ang kanilang anak. Natigil ang pagmumuni-muni niya nang pumasok si Adrix. Malawak ang ngiting nakapaskil sa labi nito na ikinailing niya. "Kumusta ang ikakasal?" bati niya rito. Ibinaba nito ang hawak na cellphone sa mesa niya kasabay ang pag-upo sa nasa unang bangko. "Masaya na excited. Ako na yata ang pinakamasayang tao, dude." Napalis ang ngiti niya. Hindi niya naranasan 'yon nang ikasal siya. Pinuno niya ng galit ang dibdib para sa mapapangasawa. Hindi na-enjoy ang kanilang kasal at alam niya
"KUMUSTA kayo ni Adrix?" Napatingin si Celly sa kaibigan. Seryoso itong nakatitig sa kaniya. Dapat na bang sabihin niyang may nangyari sa kanila ni Adrix? Hindi pa rin niya nakakalimutan ang araw na ipinagkaloob niya sa binata ang pinakaiingatang puri. Simula n'on ay palagi na niya itong hinahanap-hanap. Nang dumating nga ito galing US ay dumiretso sa apartment niya, doon ito natulog at hindi niya itatangging may nangyaring muli sa kanila. "Natulala ka na." Napukaw ang nagliliwaliw niyang diwa nang pitikin siya ni Gwen sa noo. Napangiwi siya sa sakit. "Masakit 'yon ha!" "Hindi ka kasi sumagot." Payak siyang ngumiti at lumapit dito. Pinaglaruan niya sng daliri ng inaanak."We're okay. Simula nang bumalik siya, bantay-sarado na ako ng mokong." Napailing siya. Totoo 'yon. Simula nang dumating si Adrix ay halos hindi na siya nito nilulubayan. Hatid-sundo sa work."Mabuti naman. Hindi mo na ba siya inaaway?" muling tanong ng kaibigan niya."Hindi na," nakangiting tugon niya."Good. A
HINDI mapakali si Gian. Matapos ibalita ni Francis ay umalis na rin ito kaagad. Sinabi nitong mag-a-assign ito ng bodyguard para sa kaniyang mag-ina, mabuti na raw ang may protection sila. Alam niyang hindi basta-bastang kalaban si Larry, kaya pumayag na siya. Ang isa pa niyang ikinababahala ay ang pagkamatay ni Zabrina. Ayon sa kaibigan ay pinapagamot ni Elias, subalit sadyang wala na sa katinuan ang dati niyang nobya kung kaya't tumalon ito sa palapag ng hospital. Mariin siyang pumikit. Kahit naman nagalit siya rito ay hindi niya ginustong mawala ito sa ganoong uri ng pagkamatay. Hindi niya maatim na mawala lalo na't wala ito sa matinong pag-iisip. Isa pang iniisip niya'y ang asawa. Paano niya sasabihin dito na wala na si Zabrina? At si Larry. "Fvck!" Nahilot niya ang sentido. Hindi na siya makapag-isip ng tama. Patong-patong na ang kaniyang pinoproblema."Hayst!" Nakapamaywang na tiningala niya ang puting kesame at nagpakawala ng malalim na hininga. Nagdesisyon na siyang sabihi
PAROO'T PARITO si Gian, one month na ang nakalipas nang papuntahin niya si Adrix sa America para hanapin si Zabrina. Ayon sa nakalap na information ni Francis ay sa Los Angeles nakatira ang asawa ng ex niya. Ngayon ay pabalik na ang kaibigan niya, ayon dito ay may bad news itong dala. "Sweetheart..." Napahinto siya sa pagpapatintero, hinintay ang pagpasok ng asawa. Kalong nito ang kanilang anak, malayo pa lang ay nakabungisngis na. "May problema ba?" "Ha?""Kanina ka pa kasi tulala. Kahit si Mommy ay napapansin 'yan?"Masyado ba siyang obvious?"Ah!" Nag-isip siya ng maidadahilan. "M-may gumugulo lang sa isipan ko." "Ano 'yon?" "S-si Adrix.""Oh! Anong mayroon sa kaniya? Siyanga pala, hindi ko na nakikita ang isang 'yon. Nasaan ba siya?"Maingat na inilapag ng kaniyang asawa ang anak na mahinang tumatawa sa kama. Malikot na ito, kaya dapat ay may bantay na. Naisip niyang ikuha na ito ng mag-aalaga. On hands naman ang asawa niya pero mas maganda na rin 'yong may nag-aalaga rito.
"KAILAN mo balak umalis?" Napahinga ng malalim si Adrix. "Hindi ko alam. Wala pang update si Francis." Tumitig siya sa dalagang malapit lang sa kaniya. Inilagay niya ang bawat himaymay ng mukha nito sa kaniyang isipan. Magmula sa mata, ilong, pisngi at labi. Napalunok siya ng laway. Ang nawalang espirito ng alak ay unti-unting bumabalik, nararamdaman niyang umaakyat sa kaniyang ulo. Nabubuhay ang matinding pagnanasa niya sa dalaga. Pinilit niyang labanan ngunit sadyang malakas ang hatak nito sa kaniya. Nang hindi na makatiis ay mabilis niyang tinawid ang kanilang pagitan. Walang pasubaling sinibasib niya ang labi nito. Hindi inalintana kung magagalit ito. Pero nasiyahan siya nang maramdaman ang paggalaw ng labi rin nito. Ibig sabihin ay gusto nito ang ginagawa niya. Pinagbuti niya ang paggawad ng halik dito, sumasabay na ito sa bawat hagod niya. Ikinawit pa ang dalawang braso sa kaniyang leeg. Nang tila kakapusin na ang hininga ay saka pa lang niya binitiwan ang labi nito. Ipinagdi
SA gitna ng dilim ay magkayakap si Celly at Adrix. Ang sinabi ng binatang pupunta sa US ang nagpalakas ng loob niya na yakapin ito. Isinantabi muna niya ang pride, sa pagkakataong 'yon ay hahayaan niyang gumana ang kaniyang puso. Sa isang iglap ay nasa loob na sila ng bahay at kapwa nangungusap ang mga mata. Walang pasubaling tinawid niya ang pagitan para mailapat ang labi rito. Hindi ito makahuma sa ginawa niya, halatang gulat na gulat. Siyempre, sino ba naman ang hindi magugulat sa ginawa niya? Siya na palaging nakasinghal sa binata, hahalikan ito? Nang bumitaw siya'y idinikit ang noo sa mukha nito. Amoy niya ang alcohol na ibinubuga ng hininga nito, pero alintana 'yon. Nakaliliyo man pero masarap pa rin sa pakiramdam."What happened? Is it a dream?"Bahagya siyang napangiti sa huling sinabi nito. Nang mag-angat siya ng paningin ay nasa mukha pa rin nito ang gulat. "OA mo na ha!" Tinapik niya ito sa balikat, saka'y bahagyang lumayo rito, dahil baka'y ipagkanulo na naman siya ng ka
NAKATUNGHAY si Adrix sa babaing pumapasok, kasama ang lalaking may dalang helmet. Parang tinutusok ng milyong karayom ang dibdib niya sa nakikitang kasiyahan sa mukha ni Celly. Ang pagbuka ng bibig nito kasabay ang paniningkit ng mata, alam niyang masayang-masaya ito, pero kapag siya ang kasama, galit na galit ito. Kahit wala siyang ginagawang masama lagi itong nakasinghal sa kaniya. Kinuha niya ang phone. Tinawagan niya si Gian. Nakapagdesisyon na siya, pupunta siya sa US para hanapin si Zabrina. Matapos kausapin ang kaibigan ay inilapag niya ang cellphone. Nasa loob na si Celly, kasama ang lalaking naghatid dito. Ngayong nasa loob na ang dalawa, samo't sari ang pumapasok sa isipan niya. Pumitik ng malakas ang puso niya. Ayaw man niyang aminin, pero kinakain siya ng selos. Kaya ba ayaw nito sa kaniya, kaya ba palagi itong nakasinghal sa kaniya, dahil may ibang nagpapasaya rito? Kunsabagay, matagal na siya nitong pinatitigil, pero siya lang ang makulit. Ngayon ay sinasampal na sa
SIMULA nang ihatid ni Adrix ay hindi na niya kinulit si Celly, pero kahit ganoon ay palagi pa rin siyang nakatunghay sa malayo rito. Palihim siyang nakabantay kahit sa pagpasok at paglabas ng dalaga. Nagkasya na lang siya sa pagtingin-tingin dito. Tulad ngayon, nakamasid na naman siya rito. Kung may makapapansin lang tiyak na iba ang iisipin sa kaniya.He sighed. Sinasabi nito na babaero siya, kahit ang ex-girlfriend niya, but that's not true. Ang totoo, ang mga babae ang lumalapit sa kaniya, pero hindi ibig sabihin na nakikipag-flirt siya. Si Hannah, ang ex-girlfriend niya, minahal niya ito ng sobra, dito na umikot ang kaniyang mundo. Ibinigay niya ang lahat, pero sa isang iglap ay nawala ito sa kaniya. Sa pag-aakalang may iba siya ay sumama ito sa mayamang lalaki. Akala niya'y ipinagpalit lang siya, pero matagal na pala nitong karelasyon ang lalaking 'yon. Wala siyang nagawa kundi ang tanggapin ang katotohanan. Pareho silang niloko ng dating kasintahan ni Gian, ang kaibahan nga la