Halos hindi ako makagalaw sa puwesto ko nang gawin namin iyon. Wala naman nangyari sa amin, hinalikan niya lang ako sa labi. Iyon lang. Pero pakiramdam ko ay parang may nangyari na sa amin. Siya lang ang kauna-unahang lalaking humalik sa aking labi. Karamihan sa mga lalaking nakakasama ko sa kama at literal na katawan ang habol sa akin. Alas-dyes na ng gabi at katatapos lang namin kumain, nandito pa rin kami sa mismong VIP room. Muli ko siyang pinagmasdan bang tumayo ito para ilagay sa lalagyan ang mga pinagkainan namin, may mainit na ring kape na kakatimpla niya lang din. "What with that stare?" natatawang tanong nito saka ako tinalikuran. "Sasabihin ko naman talaga sa 'yo 'to—""You are not obligated to tell me about your work. I mean it is your choice, who am I to refuse you?" sabi nito saka bumalik sa pagkakaupo sa aking harapan. Napayuko na lang ako. Nilakasan ko ang aming loob na himasin ang sarili kong kamay at saka pinilit na ngumiti. "Nakakahiya ang trabaho ko," bulong ko
Maaga pa lang ay nagising na ako, kahit hindi ako sanay na gumising ng maaga ay pinilit ko pa rin dahil nakakahiya kay Gab. Ayoko rin naman kasing matanghali dahil siguradong paghihinalaan ako ng mga tao sa bahay, puwede ko naman sabihin na may parokyano ako. Kaso, nakita nga pala ako ni Tonet, madaldal siya lalo na't nagtatanong sa kaniya si Jona minsan. Naglinis agad ako ng aking katawan at nilinis ang kwarto niya. Inilagay ko na lang sa plastik ang sinuot ko kagabi para naman hindi pakalat-kalat. Nagpasiya na akong umalis sa kwarto at bumaba na lang, hindi ko maiwasang mapatingin sa mga dingding na nakasabit, puro mga paint lang ang mga naroon at napaka-simple lang. Wala masiyadong picture ng pamilya niya pero sapat na sa akin ang nakita ko kagabi para matakot. Itsura palang napaka strikto na nila. Kaya ba umalis sa kanila si Gab? "Good morning." Nahinto ako sa paglalakad dahil sa mainit na labing humagkan sa aking noo. "Kakatok sana ako, pero nakita na kita. Let's breakfast?" ta
Lumipas ang ilang linggo at hindi ako nakapagpadala kina mama, sabi kasi nila ipunin ko na lang muna at hindi naman masiyadong magastos ang semester ni Adrian, nagtitinda na rin sila kaya nakakakuha na sila ng panggastos. Kaya nakapag-ipon na rin ako kahit papaano. Dahil sabado ngayon maaga akong nagising dahil sa sinabi ni Gab sa akin na may pupuntahan daw kami, ako raw ang gusto niyang isama kaya hindi na ako tumanggi. Tinitigan ko lang ang aking sarili sa harap ng salamin habang nakakulot ang buhok ko, si Annie kasi ang nag-aasikaso sa akin at sinabi niyang siya na ang bahala. "Keri na kaya 'to? Medyo manipis pero maganda naman. At saka sayang kutis mo kung hindi mo ipapakita sa kaniya," sabi nitong pinakita ang hawak niyang red dress na mukhang kita ang likuran. "Okay na siguro 'yan. Magdadala na lang ako ng jacket." Sinamaan ako ng tingin. "Yuck! Huwag na! Hayaan mo siyang bigyan ka, basta ito na lang, oh dali, magbihis ka na," utos nito. Mabilis ko lang nasuot iyon dahil ma
"So you ready?" tanong ni Gab sa akin matapos ako ayusan ng kaibigan niyang babae para sa pupuntahan namin ngayong hapon. Tumango lang ako bilang pagsang-ayon saka sumama sa kaniya papunta sa kotse. Inimbitahan kasi siya para sa isang event at ako ang kaniyang sinama, hindi puwede si Ma'am Sunny dahil na rin sa mas mahalagang meeting. Kabado na ako ngayon lalo na't ngayon lang ako nakapag-suot ng ganitong damit, halatang pangmayaman talaga dahil nga puro miyembro ng kumpanya ang naroon. Pati ang kaniyang magulang ay nandoon. "G-Gab? Ano bang gagawin natin doon bukod sa pag-upo?" kinakabahang anas ko. Napalunok na lang ako dahil sa biglang pagtingin niya sa akin. "Ipapakilala kita sa parents ko—" "Paano kung ano, kung ayaw nila?" "Then don't. For formality lang naman ang pagpapakilala, hindi naman nakasalalay sa kanila ang desisyon ko," ngiting sabi niya na pinanghawakan ko na lang. Kahit na kabado ay pinilit kong maging normal, puro mayayaman ang naroon at hindi imposibleng ako
Ilang araw akong hindi nagpakita sa kaniya. Isang linggo din siguro. Gusto ko lang maliwanagan at ayoko rin sisihin ang sarili ko sa lahat lahat. Ilang beses ko pinakiusapan sila Jona na sabihing wala ako sa bahay at isang linggo din akong hindi pumasok sa trabaho. Hindi ko alam kay Jona kung bakit galit na galit siya kay Gab dahil wala namang ginagawang masama ang tao. Ako lang naman ang kusang umalis at minasama ang mga sinabi at narinig ko sa magulang niya. Pero kahit papaano ay may punto din ang mga sinasabi nila sa akin. "Kung mahal ka no'n, dapat sasabihin niya sa magulang niya na hindi siya ang ama ng batang anak ng basahang Sunny na 'yon. Hindi niya magawa dahil iniisip niya ang negosyo ng magulang niya. So ibig sabihin, mas may pakialam siya sa magulang niya." "Tama lang na hindi ka magpakita sa lalaking 'yon, hayaan mo siyang mangulit hanggang sa magsawa." Halos hindi ko pansinin ang mga sinasabi sa akin ni Jona noon sa akin. Hindi ko alam kung bakit gano'n katindi ang i
Isang linggong walang pasok. Kaya gano'n na lang ang tuwa ko dahil binigyan kami ng suweldo na halos doble sa pinakamalaking suweldo ko noon. Nagdadalawang-isip pa nga ako pero buo na rin ang desisyon ko na bisitahin sina mama sa probinsya, sobrang kabado ako dahil ngayon ko na lang ulit sila makikita sa halos isang taong pag-ta-trabaho ko rito. Inayos ko na agad ang maleta ko, naroon ang mga pasalubong kina mama at sa mga kapatid kong maliliit, paniguradong magugustuhan nila iyon, paborito pa naman nila ang mga laruang barbie, dahil hindi sila nakaranas nito. "Grabe, dinaig ang OFW," anas ni Maylene kaya ako napatawa. "Ngayon ko lang naman ulit sila makikita, e. At saka okay na rin ito, may kikitain pa naman ako. At saka babalik din ako rito sa linggo ng gabi," sabi ko saka tumayo. "Pakisabi kay Jona na mauuna na ako, ah?" "Keri lang, at saka siya nagsabi na gisingin ka ng maaga para makapag-asikaso ng sarili. Anyway, nandiyan na ang boyfie mo, punta ka na," ngiting sabi niya at
"Sabihin mo nga sa akin Ada, bakit sa lahat pa ng trabaho iyon ang pinasok mo? May pinag-aralan ka naman, nakapagtapos ka ng hayskul at matalino ka! Bakit ka humantong sa ganiyang karuming trabaho!" Hindi ko alam kung bakit sa dami rami ng naririnig ko ay iyon ang madalas pumasok sa aking tenga. Para akong paulit-ulit na sinasampal ng gano'ng salita na mula pa sa sarili kong ina. Ilang beses naman akong nag-isip, ilang beses akong nag-tiis sa marangal kong trabaho noon pero napuno ako, e. Nasaktan ako sa mga sinasabi ng iba roon kaya nilunok ko ang mga sinabi ko. Pumasok ako roon kahit natatakot ako. Sana bago man lang ako sinampal at hinusgahan, tinanong muna sana ako kung gusto ko ba ang mga nangyayari. Kung maayos lang ang kalagayan ko. "Sakto miss, umabot ka. Kaso rito ka na lang sa ibaba," sabi ni manong na inalalayan ako sa pagsakay sa barko na hindi naman kalakihan. Halos punuan na, sa ibaba pa lang at nakaupo na ang iba kaya hindi na rin kasya. Nakiusap naman ako na sumaba
Hawak nito ang maleta habang mahigpit na nakahawak sa aking kamay, ang polo nito at inilagay niya sa aking likuran at nagawa niya pang suklayan ako sa mismong parking lot kanina habang hinahayaan akong umiyak. Inilabas ko lahat kanina, naiinis ako sa tuwing hindi ko makontrol ang pag-iyak ko. "I have pajama there and shirt, sabihin mo lang kung hindi kasya sa 'yo ang pajama, okay? Huwag ka magtatagal sa tubig para hindi lumala ang sipon at ubo mo, maglinis ka lang ng katawan para mahimasmasan ka," mahinang sabi nito habang ina-adjust ang aircon. Hindi ako sumagot. Ngumiti lang ako saka pumasok sa banyo. Ramdam ko na ang init ng katawan ko dahil halos buong araw ako nabasa ng ulan, hilong-hilo ako na halos gusto ko na lang matulog agad. Itinali ko agad ang aking buhok saka naghilamos ng katawan, nagbihis agad ako at mabuti na lang ay garter ang pajama ni Gab kaya nagkasiya sa akin. Pagkalabas ko wala agad si Gab sa kwarto, malinis iyon, napansin kong bukas ang maleta ngunit wala nam
"One, two, three, smile!" Halos mapangiti ako nang makita ko na naman ang litrato naming lahat no'ng ikinasal ako. Lahat ay kumpleto, walang nakaligtaan kahit pa ang mga katrabaho ko noon ay inimbita ni Gab, pati ang naging amo ko sa kumpanya nila Gab dahil minsan akong magtrabaho roon. "Ma?" tawag ko kay mama at marahang naglakad papunta sa gawi niya. May project kasi sina Gab kaya isang buwan siya nawala, kaya si mama muna ang lumuwas para tumingin sa akin dahil pitong buwan na rin ang pangalawang pinagbunbuntis ko. Mabuti na lang at babae na dahil usapan namin ni Gab na hanggang dalawa lang kapag babae ang pinagbunbuntis ko ngayon. "Nagugutom ka na naman? Kakain mo lang ah," sabi nito saka binitawan ang walis at lumapit sa akin. "Gusto ko po ng sinigang mamaya," nguso ko dahilan para ma-iling ang ibang kasambahay. "Oo sige, magluluto ako mamayang hapunan." Ngumiti lang ako sa kaniya at saka sila iniwan sa sala. Dumiretso agad ako sa kwarto kung nasaan gumagawa si Jace ng ass
"Happy birthday papa," mahinang usal ko habang kinakaway-kaway ang braso ni Jace dahilan para matawa ito. Naalimpungatan tuloy si Gab kaya ako umusog sa kama at hinayaang gumapang si Jace papunta sa kaniya. Nakangiting sinalubong ito ni Gab at ang bahagyang paghalik nito sa leeg ng anak. "Anong oras ka uuwi mamaya?" tanong ko habang nilalabas ang mga gamit na kailangan niya para sa trabaho. Hindi ito sumagot dahil abala ito sa paglalaro kay Jace. Hinayaan ko na lang silang dalawa. Iniwan ko sila sa kwarto para naman paghandaan ng pagkain ang mag-ama, ugali na kasi ni Gab na tuwing umaga ay siya ang magpakain sa anak niya at bago man lang umalis ay maalagaan niya lamang. Nadatnan ko agad ang mga kasambahay na nag-aasikaso na rin, kaniya-kaniya sila ng gawain kaya mabilis natatapos, kaunti lang din naman ang gawain dito sa bahay dahil wala naman masiyadong kalat. "Nay? Hanggang tanghalian na po ba iyan?" tanong ko na nginitian niya. "Oo naman, lalo na't tanghali na rin naman. Papa
Halos hindi maalis ang aking ngiti nang makapasok kami sa mismong bahay, ni hindi ko rin kasi lubos maisip na ganito pala kalaki at halos kumpleto na ang mga kailangan namin, may tatlong kasambahay na ang dalawa ay kasambahay nila Gab at kakilala ang isa. "Ada? Sila ang mga Nana ko, 'yong isa pamangkin ni Nana Lita. Ah, Nana, kilala ninyo na po siya 'di ba?" pagpapakilala nito sa akin. Ngumiti ang dalawang matanda samantalang ang dalaga ay kumaway sa akin. "Aba'y oo naman. Kami pa ata ang unang nakaalam sa relasyon ninyo bago ang magulang mo," sabi nito na ikinatawa namin. Nagmano lang ako sa mga ito na mukhang mababait naman base na rin sa kuwento ni Gab sa akin. "Sila ang makakasama mo rito kapag nasa trabaho ako, si Nana Lita na ang nag-alaga sa akin kaya matutulungan niya tayo, 'di ba nang?" "Ikaw talagang bata ka, kahit sampung anak pa iyan, kaya namin."Halos magtawanan kami dahil sa pang-aasar na iyon ng mga kasambahay. Tinulungan na muna nila kami sa paglalagay ng mga ga
Ilang linggo na ang nagdaan at hindi pa rin ako makakilos, hindi na rin muna tumanggap ng project si Gab para naman mabantayan kami ng anak niya. Hindi rin kasi kami puwedeng umalis hangga't hindi ako magaling, inaayos din kasi ang mga papeles ko at ng bata para sa Maynila ay wala ng ibang problemahin pa. Pinagmamasdan ko lang si Gab na buhat-buhat ang bata habang marahang sinasayaw, madalas lang itong tumingin at ang bahagyang pagngiti nito sa akin. "Hindi niya pa ba kayang magsalita?" tanong ni Gab. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o iintindihin siya dahil sa pagkakaalam ko ay naging baby rin si Lucy. "Hindi mo ba nakitang sanggol si Lucy?" tanong ko na inilingan niya. "Medyo malaki na si Lucy no'ng nakita ko siya, kaya wala talaga akong alam sa mga sanggol, normal naman iyon 'di ba? At saka nandiyan naman sina mama kung sakaling hindi natin alam ang gagawin," ngiting asta nito dahilan para panandalian akong huminto sa dapat na pagtayo. Mama? Sa pagkakaalam ko mommy ang tawag
"Anong pakiramdam?" Hindi ko pa rin sinasagot ang mga tanong ni Annie dahil abala ako sa pagtutupi ng mga damit, wala kasi akong magawa mula pa kahapon dahil tinutulungan ko rin si Gab sa pag-aayos ng mga papeles. Buo na rin ang desisyon kong sumama sa kaniya ngunit kapag nakapanganak na lang ako. "Ayan Ada, ah, hindi mo ako pinapansin." "Tinatamad ako magsalita," reklamo ko dahil wala talaga ako mood makipag-usap. May sinabi pa itong hindi ko na narinig at saka siya umalis dahil kailangan niya pang mamalengke kasama ang kaibigan namin dito na si Rhoda. Naglinis na lang ako ng buong kwarto at pati kwarto niya ay nilinis ko na rin. Limitado na lang din ako gumalaw dahil sobrang sakit na ng balakang ko, minsan pa nga hindi na ako makatayo kaya naka-upo na lang. Naaawa rin ako kay Annie kasi alam kong hindi na siya nakaka-ipon, kaya kapag umalis ako rito, isasama ko siya sa Maynila. Kinabukasan ay nagising na lang ako dahil sa ingay sa ibaba. Ang mas lalo pang ikina-inis ko ay ang p
Kanina pa ako panay himas sa aking tiyan at inaabangan kung darating ba siya. Biglaan kasi ang pagtawag nila sa kaniya lalo na't may koneksyon naman sila roon. Kanina pa nakatitig sa akin si Annie na paulit-ulit na nagsusuklay gamit ang daliri. Literal kasi na kinakabahan ako o ano. "Hilong-hilo na ako sa 'yo," bulong nito saka kumuha ulit ng tinapay. "Hindi ka naman ata excited na makita siya ano?" biglang ngiti nito na hindi ko pinansin. Mas mahalaga ang baby ko kaysa sa gano'ng bagay. Gusto ko lang siyang maka-usap nang maayos at linawin ang lahat. Kahit hindi na siya magpaliwanag dahil tapos na rin naman na ang mga nangyari, doktor na kasi ang nagsabing baka maka-apekto sa akin ang mga negatibong nangyayari. "Pero sa totoo lang Ada, bet ko talaga para sa 'yo si Gab. Sana lang maging okay kayo. Kaso siyempre, hindi ako marunong makalimot sa ginawa niya sa 'yo, pero kasi siya ang ama. Sana lang maging okay kayo, pero kasi potangina pa rin ng ginawa niya," nanggigigil na sabi nit
"Oh pak! Ubos na naman! Ano kayo ngayon?!" natatawang sabi ni Annie na tinawanan ng mga nakatambay sa paligid namin. Nailing na lang ako dahil kanina pa siya nagmamakaawang ubusin na ang mga ulam para maaga kaming makapagligpit, at dahil hapon pa lang ay puwede pa kaming magpahinga bago ulit mag-asikaso dahil darating daw sila Jona mamayang gabi. "Ligpitin ko na ah?" Kinuha ko agad ang mga kaserola at sama-samang inilagay sa lababo. Medyo may kalakihan kasi ang bahay ni Annie rito, at kaunti lang din ang gamit kaya mas lalong maluwag sa paningin. Ako na ang naghugas ng mga kaserola habang si Annie ay nagliligpit sa labas, dinig na rinig ko pa rin ang tawa niya dahil sa pang-aasar niya sa ilang mga nagtitinda sa karinderya. Mabuti na lang at walang napipikon sa kaniya. Idagdag pa ang pagiging mabait ng mga tao sa amin kahit hindi namin sila ka-ano-ano. "Ada? Maligo lang ako ah? Pagkatapos mo riyan asikaso ka na rin, tapos mamaya na siguro tayo magluto," sabi nito na ikinatango ko.
Isa sa pinaka magandang desisyon na nagawa ko ay ang pagsama kay Annie rito sa kaniyang probinsya, para bang bumalik ako sa dati kong buhay kung saan presko ang hangin, nabibigyan ko ng oras ang aking sarili at mas lalo pang naghanda. Pakiramdam ko, binigyan ko ng halaga ang sarili ko sa mga taong tinalikuran ako... o baka sadyang hindi lang nila maintindihan ang kalagayan ko. Ilang buwan na ang nakakaraan nang lumuwas kami rito, no'ng una ay sobrang hirap dahil parehas kaming walang pera, may ipon naman ako pero ayaw iyon kunin ni Annie dahil para na raw iyon sa pagpapaanak ko. Ang tanging bunubuhay sa amin ay ang pagluluto niya ng pagkain at ako ang nagtitinda, dahil marami daw ang mahilig kumain dito at malapit din kami sa dagat ay naging madali lang ang kumita ng pera, karaniwan sa niluluto ni Annie ay ang mga putaheng hindi pa nakikita rito sa La Union o bihira lang maluto. "Punyeta talaga 'yang mga iba riyan, akala mo naman kung sinong magaling magluto," pandadaldal ni Annie.
Lahat ay halos tahimik. Nanatili ako sa pagkakaupo sa aking kama habang sina Maylene, Annie at Jona ay nakatayo sa harapan ko, at si Ate Calli... na halos balisa dahil sa mga nangyari. Ang bilis din kasi, parang dati lang ay okay kami tapos ngayon nabuntis ako. Ang bilis niyang talikuran ako. "Ano na? Anong balak mo?" tanong ni Ate Calli habang nakasandal ito sa pinto. Umiling ako. Wala naman akong mapupuntahan bukod dito, wala akong matinong trabaho at alam ko na pagbabawalan na ako sa pag-ta-trabaho roon kapag nalaman na buntis ako. Kaya marami sa mga kasamahan namin dito rin daw ang umalis dahil sa pagkabuntis. Maliban na lang kung ipqpalaglag ito. Pero hindi ko kaya, hindi maatim ng konsensya ko ang mamuhay araw-araw nang mayroong pinatay. "A-Aalis na lang po ako rito," wala sa sariling sagot ko. Walang nagsalita sa kanila, tanging paulit-ulit na pagbuntonghininga lang ni Ate Calli ang naririnig ko. Habang ang tatlo ay nasa harapan ko lang at iniiwasang tumingin sa akin. Hindi