"Ngayon ka na lang ba ulit nakapunta sa simbahan?" tanong sa akin ng isang lalaking ngiting-ngiti sa pagtingin sa paligid at saka sa akin tumitig. Hindi ko maiwasang malungkot. Dati kasi, lagi kaming nagsisimba, naalala ko noon na kasama pa namin si papa, pupunta kami ng simbahan tuwing linggo at pagkatapos no'n kakain kami ng mainit na bulalo. Sobrang saya noon, kumpleto pa kami. Tapos ngayon paggising na lang ni mama, wala na si papa, hinintay niyang umuwi, pero hindi na siya nagpakita. Ngumiti lang ako kay Gab na hinihintay ang sagot ko. "Oo, e. Tara na?" pang-aalok ko at saka kami nagpasiyang pumasok sa simbahan. Hindi ko alam kung anong meron at bakit napakasaya ko, sanay naman akong magsimba noon pero ibang-iba kasi ang ngayon. Ngayon lang ako sumama sa isang lalaki para lang makapagsimba. Tahimik lang kaming pumasok sa simbahan, magkatabi kaming dalawa sa isang bakanteng upuan. Titig na titig lamang ako sa harapan kung nasaan nakaukit sa perpektong kahoy ang perpektong Diyo
Hindi ko alam kung bakit sobrang saya ko, nakabalik na ulit ako sa trabaho at permanente na ako roon sa club. Marumi man sa paningin nila ay kumportable ako roon lalo na't maayos ang aking kinikita at unti-unting umaayos ang buhay nila mama ayon na rin sa pamilya ni Ate Calli na kapit bahay lang namin. Hindi rin mapagkakaila na madalas na nga kaming magkita ni Gabriel at halos araw-araw pa ay naisisingit ko siya, imbes na matulog sa umaga ay nakikipagkita ako sa kaniya. Halos lahat ng kasamahan ko ay kilala na si Gab dahil siya mismo ang sumusundo sa akin, wala namang ibang sinasabi si Jona sa akin maliban sa pagtatanong kung nasabi ko na ba ang tungkol sa pag-ta-trabaho ko sa club. Pero isa lang ang aking sinasabi... na hindi pa talaga ako handa. Napatigil ako sa pag-aayos ng sarili dahil sa pagtunog na naman ng aking selpon. Pangalan agad ni Gab ang bumungad sa akin kaya hindi ako nagdalawang-isip na sagutin iyon. "Hi!" masiglang bati ko saka ngumiti sa harap ng aking repleksyon.
Literal na hindi ako nakatulog buong magdamag nang makauwi kami sa bahay. Pati si Jona na halata ang inis sa kaniyang mukha dahil sa ikinikilos ko, na kanina niya rin pinagpipilitan na sabihin ko na kay Gab ang totoo at saka lumayo. Hindi ko pa rin talaga maisip ang mga nangayari at nabasa ko kaninang umaga. Ang dami kong tanong, ilang beses na niya akong nakikita at nakikipagtitigan sa akin, ang pagtingin niya sa kamay ko... alam kong noon pa alam na niya, pero hindi siya nagtanong. Hinuhuli niya ako pero hindi direkta ang mga tanong niya. Kung minsan hindi ko na alam kung ano ba talaga ang gusto niya sa akin dahil lagi lang siyang nakatitig, may gustong sabihin pero hindi niya magawa. To: GabTapos na. Good morningSinend ko agad ang message na iyon at dahil sinabi ko sa kaniya na sa iba na ako nagtatrabaho at bago na rin ang schedule ko ay alam kong mahahalata niya pa rin, dahil alam na niya. Umakto na lang akong maayos at pinilit na ngumiti nang basahin ko na naman ang text na na
"Daming tao girl! Tiba-tiba na naman tayo nito!" Malawak ang pagkakangiti ni Annie nang makapasok kami sa loob ng club. Ako naman ay parang wala lang. Normal ito para sa akin. Dahil alam kong mangyayari na naman ang bagay na ayaw ko pero gusto ng aking katawan. Na para bang hindi ko makontrol kapag nasa harapan ko na. "Ngumiti ka naman diyan. Sige ka, baka malasin ka pa. At saka isipin mo, may maipapadala ka na naman, huwag mo nang isipin 'yong Gab na 'yon, isa lang ibig sabihin no'n, ekis ka na sa kaniya." Hindi ko siya pinansin. Pinili kong hindi lingunin si Annie ngunit kita ko ang pag-iling ni Jona. Tanggap ko naman na tama siya. E, ano naman kung layuan ako, importante ang trabaho ko kaysa sa kaniya. "At saka ikaw na ang nagsabing wala laying relasyon, diba? Cheer up! Daming boys diyan Ada, isang sperm lang 'yon. Gora na ako!" Umalis ito sa harapan ko, naiwan ako sa harapan ng maraming tao. Nagpaalam na rin si Jona na muli na namang sasayaw. Habang ako, haharap sa mga tao at
"Ikaw na ang bahala rito kay Ada, babalik din ako after one week," pagbibigay alam ni Ate Calli nang ayusin niya kaniyang gamit. Naupo ako sa sofa at tinitigan kung paano niya ayusin ang kaniyang sarili, kanina pa naman ako gising at nag-asikaso na lang ng gawain bahay dahil kami lang dalawa ni Maylene ang nandito, ang iba kasi ay may mga pinuntahan. "Take your time lang tita, at saka sa trabaho lang naman kami later," sagot nito saka inilapag ang mangkok sa mesa. Nakaramdam agad ako ng gutom at inayos ang aking upo, sopas iyon kaya hindi ko na tatanggihan. "Anong sasabihin ko sa mama mo kapag nagtanong?" Literal na napahinto ako dahil sa mga sinabi niya. Uuwi kasi siya sa probinsya at malapit lang ang bahay namin sa kanila kaya paniguradong kukumustahin ako ni mama sa kaniya. "Sabihin ninyo po na saleslady ako sa isang mall tapos malayo ang bahay ko sa inyo, may boarding house ako gano'n tapos kasama ko puro estudyante, ikaw na lang bahala ate," ngiting sagot ko saka pinagtuuna
Halos hindi ako makagalaw sa puwesto ko nang gawin namin iyon. Wala naman nangyari sa amin, hinalikan niya lang ako sa labi. Iyon lang. Pero pakiramdam ko ay parang may nangyari na sa amin. Siya lang ang kauna-unahang lalaking humalik sa aking labi. Karamihan sa mga lalaking nakakasama ko sa kama at literal na katawan ang habol sa akin. Alas-dyes na ng gabi at katatapos lang namin kumain, nandito pa rin kami sa mismong VIP room. Muli ko siyang pinagmasdan bang tumayo ito para ilagay sa lalagyan ang mga pinagkainan namin, may mainit na ring kape na kakatimpla niya lang din. "What with that stare?" natatawang tanong nito saka ako tinalikuran. "Sasabihin ko naman talaga sa 'yo 'to—""You are not obligated to tell me about your work. I mean it is your choice, who am I to refuse you?" sabi nito saka bumalik sa pagkakaupo sa aking harapan. Napayuko na lang ako. Nilakasan ko ang aming loob na himasin ang sarili kong kamay at saka pinilit na ngumiti. "Nakakahiya ang trabaho ko," bulong ko
Maaga pa lang ay nagising na ako, kahit hindi ako sanay na gumising ng maaga ay pinilit ko pa rin dahil nakakahiya kay Gab. Ayoko rin naman kasing matanghali dahil siguradong paghihinalaan ako ng mga tao sa bahay, puwede ko naman sabihin na may parokyano ako. Kaso, nakita nga pala ako ni Tonet, madaldal siya lalo na't nagtatanong sa kaniya si Jona minsan. Naglinis agad ako ng aking katawan at nilinis ang kwarto niya. Inilagay ko na lang sa plastik ang sinuot ko kagabi para naman hindi pakalat-kalat. Nagpasiya na akong umalis sa kwarto at bumaba na lang, hindi ko maiwasang mapatingin sa mga dingding na nakasabit, puro mga paint lang ang mga naroon at napaka-simple lang. Wala masiyadong picture ng pamilya niya pero sapat na sa akin ang nakita ko kagabi para matakot. Itsura palang napaka strikto na nila. Kaya ba umalis sa kanila si Gab? "Good morning." Nahinto ako sa paglalakad dahil sa mainit na labing humagkan sa aking noo. "Kakatok sana ako, pero nakita na kita. Let's breakfast?" ta
Lumipas ang ilang linggo at hindi ako nakapagpadala kina mama, sabi kasi nila ipunin ko na lang muna at hindi naman masiyadong magastos ang semester ni Adrian, nagtitinda na rin sila kaya nakakakuha na sila ng panggastos. Kaya nakapag-ipon na rin ako kahit papaano. Dahil sabado ngayon maaga akong nagising dahil sa sinabi ni Gab sa akin na may pupuntahan daw kami, ako raw ang gusto niyang isama kaya hindi na ako tumanggi. Tinitigan ko lang ang aking sarili sa harap ng salamin habang nakakulot ang buhok ko, si Annie kasi ang nag-aasikaso sa akin at sinabi niyang siya na ang bahala. "Keri na kaya 'to? Medyo manipis pero maganda naman. At saka sayang kutis mo kung hindi mo ipapakita sa kaniya," sabi nitong pinakita ang hawak niyang red dress na mukhang kita ang likuran. "Okay na siguro 'yan. Magdadala na lang ako ng jacket." Sinamaan ako ng tingin. "Yuck! Huwag na! Hayaan mo siyang bigyan ka, basta ito na lang, oh dali, magbihis ka na," utos nito. Mabilis ko lang nasuot iyon dahil ma