Kagaya nga nang nangyari ay maaga akong pumasok sa tranaho, gano'n pa rin naman ang routine ng trabaho ko. Sandali pa akong natigil sa ginagawa nang makita ko si Jack sa gilid, nakatingin sa akin ay saka kumaway. Ang kulot nitong buhok ay umalon din dahilan para matawa ako. Kahit naman marami ang nangyari noon, hindi maaalis na ginawa nila ang lahat para protektahan ako, akala ko talaga ay kinampihan niya ang pinsan niya, nakokonsensya din ako dahil sabi ni Alora sa akin noon na may lamat na sila Ma'am Sunny at ang pinsan niyang si Jack... na dahil pa sa akin. Gusto kong umiwas, pero kahit papaano, nahing kaibigan ko sila. Naging mabuti sila sa akin. Matapos kong maitapon ang basura ay agad akong lumapit sa kaniya. Yayakap saka ito katulad ng ginagawa niya noon pero kinaway ko agad ang mga kamay ko."Grabe, parang 'di tayo close niyan.""Marumi kasi," natatawa kong saad saka siya natigil. Napatitig ito sa akin at saka napatawa na rin at kamot-kamot ang ulo. "Kaya naman pala," bulo
Hindi ko pa rin lubos na maisip ang mga nangyari kagabi. Titig na titig pa rin ako sa aking selpon dahil sa text na natanggap ko dahil sa kaniya. Gusto niyang makipagkita sa akin o 'di naman kaya'y gusto niya akong sunduin para ihatid sa trabaho ko. Gab: Tomorrow, before 8 I'll call you. Goodnight, Ada. Wala siyang ibang sinasabi kundi ang magkaibigan kami kaya niya ito ginagawa. Mas pinili kong hindi sumagot sa text niya kagabi dahil sa antok at sa mga sinabi ni Jack sa akin na hindi naman maalis sa utak ko. Natuyo na ang buhok ko pero wala pa ring tumatawag, 7:23 na, hindi ko alam kung darating ba siya dahil baka ma-late ako at mapagalitan. "De bale na, bukas na lang siguro," bulong ko saka hinablot ang selpon. To: Gab Mauuna na ako, ah? baka kasi ma-late ako. Stay ka na lang sa work mo. Salamat. Matapos i-send ay umalis na ako sa kwarto. Nadaanan ko pa ang ibang mga estudyante na abalang-abala sa kanilang mga ginagawa. Bigla akong nakaramdam ng inggit. Ni hindi ko naranasan
Mabilis kong naitulak ang lalaking ramdam na ramdam ko ang likidong kaniyang inilabas. Parehas kaming hinihingal, kahit na hindi ko maigalaw ang aking katawan ay pinilit kong ibaba nang kaunti ang aking maskara dahil sa pagtaas nito kanina. Kinuha ko agad ang kumot na ipinangtakip sa aking katawan habang ang lalaking hindi ko kilala ay dumiretso sa banyo. "Aww!" Naikagat ko ang aking labi dahil sa pagkirot ng aking hita na sobrang tagal ding nasa iisang posisyon. Gusto ko nang ipikit ang mata ko dahil sa sobrang pagod at antok, pero hindi ko magawa dahil hindi pa umaalis ang lalaki at hindi pa ako nababayaran. Halos tatlong oras kaming nasa kwartong ito at hindi ko Alam kung bakit mabilis na akong mapagod ngayon. Dati naman ay kinakaya ko. "Puwede na ba 'yan?" tanong nito nang may kunin sa wallet nitong tig-iisang libo. "Bakit ako ang tinatanong mo?" Nailing ito saka tumitig sa akin. "Dagdagan ko ng lima." Inilapag niya sa kama ang may kakapalan na perang iyon at saka nilagay sa
"Ngayon ka na lang ba ulit nakapunta sa simbahan?" tanong sa akin ng isang lalaking ngiting-ngiti sa pagtingin sa paligid at saka sa akin tumitig. Hindi ko maiwasang malungkot. Dati kasi, lagi kaming nagsisimba, naalala ko noon na kasama pa namin si papa, pupunta kami ng simbahan tuwing linggo at pagkatapos no'n kakain kami ng mainit na bulalo. Sobrang saya noon, kumpleto pa kami. Tapos ngayon paggising na lang ni mama, wala na si papa, hinintay niyang umuwi, pero hindi na siya nagpakita. Ngumiti lang ako kay Gab na hinihintay ang sagot ko. "Oo, e. Tara na?" pang-aalok ko at saka kami nagpasiyang pumasok sa simbahan. Hindi ko alam kung anong meron at bakit napakasaya ko, sanay naman akong magsimba noon pero ibang-iba kasi ang ngayon. Ngayon lang ako sumama sa isang lalaki para lang makapagsimba. Tahimik lang kaming pumasok sa simbahan, magkatabi kaming dalawa sa isang bakanteng upuan. Titig na titig lamang ako sa harapan kung nasaan nakaukit sa perpektong kahoy ang perpektong Diyo
Hindi ko alam kung bakit sobrang saya ko, nakabalik na ulit ako sa trabaho at permanente na ako roon sa club. Marumi man sa paningin nila ay kumportable ako roon lalo na't maayos ang aking kinikita at unti-unting umaayos ang buhay nila mama ayon na rin sa pamilya ni Ate Calli na kapit bahay lang namin. Hindi rin mapagkakaila na madalas na nga kaming magkita ni Gabriel at halos araw-araw pa ay naisisingit ko siya, imbes na matulog sa umaga ay nakikipagkita ako sa kaniya. Halos lahat ng kasamahan ko ay kilala na si Gab dahil siya mismo ang sumusundo sa akin, wala namang ibang sinasabi si Jona sa akin maliban sa pagtatanong kung nasabi ko na ba ang tungkol sa pag-ta-trabaho ko sa club. Pero isa lang ang aking sinasabi... na hindi pa talaga ako handa. Napatigil ako sa pag-aayos ng sarili dahil sa pagtunog na naman ng aking selpon. Pangalan agad ni Gab ang bumungad sa akin kaya hindi ako nagdalawang-isip na sagutin iyon. "Hi!" masiglang bati ko saka ngumiti sa harap ng aking repleksyon.
Literal na hindi ako nakatulog buong magdamag nang makauwi kami sa bahay. Pati si Jona na halata ang inis sa kaniyang mukha dahil sa ikinikilos ko, na kanina niya rin pinagpipilitan na sabihin ko na kay Gab ang totoo at saka lumayo. Hindi ko pa rin talaga maisip ang mga nangayari at nabasa ko kaninang umaga. Ang dami kong tanong, ilang beses na niya akong nakikita at nakikipagtitigan sa akin, ang pagtingin niya sa kamay ko... alam kong noon pa alam na niya, pero hindi siya nagtanong. Hinuhuli niya ako pero hindi direkta ang mga tanong niya. Kung minsan hindi ko na alam kung ano ba talaga ang gusto niya sa akin dahil lagi lang siyang nakatitig, may gustong sabihin pero hindi niya magawa. To: GabTapos na. Good morningSinend ko agad ang message na iyon at dahil sinabi ko sa kaniya na sa iba na ako nagtatrabaho at bago na rin ang schedule ko ay alam kong mahahalata niya pa rin, dahil alam na niya. Umakto na lang akong maayos at pinilit na ngumiti nang basahin ko na naman ang text na na
"Daming tao girl! Tiba-tiba na naman tayo nito!" Malawak ang pagkakangiti ni Annie nang makapasok kami sa loob ng club. Ako naman ay parang wala lang. Normal ito para sa akin. Dahil alam kong mangyayari na naman ang bagay na ayaw ko pero gusto ng aking katawan. Na para bang hindi ko makontrol kapag nasa harapan ko na. "Ngumiti ka naman diyan. Sige ka, baka malasin ka pa. At saka isipin mo, may maipapadala ka na naman, huwag mo nang isipin 'yong Gab na 'yon, isa lang ibig sabihin no'n, ekis ka na sa kaniya." Hindi ko siya pinansin. Pinili kong hindi lingunin si Annie ngunit kita ko ang pag-iling ni Jona. Tanggap ko naman na tama siya. E, ano naman kung layuan ako, importante ang trabaho ko kaysa sa kaniya. "At saka ikaw na ang nagsabing wala laying relasyon, diba? Cheer up! Daming boys diyan Ada, isang sperm lang 'yon. Gora na ako!" Umalis ito sa harapan ko, naiwan ako sa harapan ng maraming tao. Nagpaalam na rin si Jona na muli na namang sasayaw. Habang ako, haharap sa mga tao at
"Ikaw na ang bahala rito kay Ada, babalik din ako after one week," pagbibigay alam ni Ate Calli nang ayusin niya kaniyang gamit. Naupo ako sa sofa at tinitigan kung paano niya ayusin ang kaniyang sarili, kanina pa naman ako gising at nag-asikaso na lang ng gawain bahay dahil kami lang dalawa ni Maylene ang nandito, ang iba kasi ay may mga pinuntahan. "Take your time lang tita, at saka sa trabaho lang naman kami later," sagot nito saka inilapag ang mangkok sa mesa. Nakaramdam agad ako ng gutom at inayos ang aking upo, sopas iyon kaya hindi ko na tatanggihan. "Anong sasabihin ko sa mama mo kapag nagtanong?" Literal na napahinto ako dahil sa mga sinabi niya. Uuwi kasi siya sa probinsya at malapit lang ang bahay namin sa kanila kaya paniguradong kukumustahin ako ni mama sa kaniya. "Sabihin ninyo po na saleslady ako sa isang mall tapos malayo ang bahay ko sa inyo, may boarding house ako gano'n tapos kasama ko puro estudyante, ikaw na lang bahala ate," ngiting sagot ko saka pinagtuuna
"One, two, three, smile!" Halos mapangiti ako nang makita ko na naman ang litrato naming lahat no'ng ikinasal ako. Lahat ay kumpleto, walang nakaligtaan kahit pa ang mga katrabaho ko noon ay inimbita ni Gab, pati ang naging amo ko sa kumpanya nila Gab dahil minsan akong magtrabaho roon. "Ma?" tawag ko kay mama at marahang naglakad papunta sa gawi niya. May project kasi sina Gab kaya isang buwan siya nawala, kaya si mama muna ang lumuwas para tumingin sa akin dahil pitong buwan na rin ang pangalawang pinagbunbuntis ko. Mabuti na lang at babae na dahil usapan namin ni Gab na hanggang dalawa lang kapag babae ang pinagbunbuntis ko ngayon. "Nagugutom ka na naman? Kakain mo lang ah," sabi nito saka binitawan ang walis at lumapit sa akin. "Gusto ko po ng sinigang mamaya," nguso ko dahilan para ma-iling ang ibang kasambahay. "Oo sige, magluluto ako mamayang hapunan." Ngumiti lang ako sa kaniya at saka sila iniwan sa sala. Dumiretso agad ako sa kwarto kung nasaan gumagawa si Jace ng ass
"Happy birthday papa," mahinang usal ko habang kinakaway-kaway ang braso ni Jace dahilan para matawa ito. Naalimpungatan tuloy si Gab kaya ako umusog sa kama at hinayaang gumapang si Jace papunta sa kaniya. Nakangiting sinalubong ito ni Gab at ang bahagyang paghalik nito sa leeg ng anak. "Anong oras ka uuwi mamaya?" tanong ko habang nilalabas ang mga gamit na kailangan niya para sa trabaho. Hindi ito sumagot dahil abala ito sa paglalaro kay Jace. Hinayaan ko na lang silang dalawa. Iniwan ko sila sa kwarto para naman paghandaan ng pagkain ang mag-ama, ugali na kasi ni Gab na tuwing umaga ay siya ang magpakain sa anak niya at bago man lang umalis ay maalagaan niya lamang. Nadatnan ko agad ang mga kasambahay na nag-aasikaso na rin, kaniya-kaniya sila ng gawain kaya mabilis natatapos, kaunti lang din naman ang gawain dito sa bahay dahil wala naman masiyadong kalat. "Nay? Hanggang tanghalian na po ba iyan?" tanong ko na nginitian niya. "Oo naman, lalo na't tanghali na rin naman. Papa
Halos hindi maalis ang aking ngiti nang makapasok kami sa mismong bahay, ni hindi ko rin kasi lubos maisip na ganito pala kalaki at halos kumpleto na ang mga kailangan namin, may tatlong kasambahay na ang dalawa ay kasambahay nila Gab at kakilala ang isa. "Ada? Sila ang mga Nana ko, 'yong isa pamangkin ni Nana Lita. Ah, Nana, kilala ninyo na po siya 'di ba?" pagpapakilala nito sa akin. Ngumiti ang dalawang matanda samantalang ang dalaga ay kumaway sa akin. "Aba'y oo naman. Kami pa ata ang unang nakaalam sa relasyon ninyo bago ang magulang mo," sabi nito na ikinatawa namin. Nagmano lang ako sa mga ito na mukhang mababait naman base na rin sa kuwento ni Gab sa akin. "Sila ang makakasama mo rito kapag nasa trabaho ako, si Nana Lita na ang nag-alaga sa akin kaya matutulungan niya tayo, 'di ba nang?" "Ikaw talagang bata ka, kahit sampung anak pa iyan, kaya namin."Halos magtawanan kami dahil sa pang-aasar na iyon ng mga kasambahay. Tinulungan na muna nila kami sa paglalagay ng mga ga
Ilang linggo na ang nagdaan at hindi pa rin ako makakilos, hindi na rin muna tumanggap ng project si Gab para naman mabantayan kami ng anak niya. Hindi rin kasi kami puwedeng umalis hangga't hindi ako magaling, inaayos din kasi ang mga papeles ko at ng bata para sa Maynila ay wala ng ibang problemahin pa. Pinagmamasdan ko lang si Gab na buhat-buhat ang bata habang marahang sinasayaw, madalas lang itong tumingin at ang bahagyang pagngiti nito sa akin. "Hindi niya pa ba kayang magsalita?" tanong ni Gab. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o iintindihin siya dahil sa pagkakaalam ko ay naging baby rin si Lucy. "Hindi mo ba nakitang sanggol si Lucy?" tanong ko na inilingan niya. "Medyo malaki na si Lucy no'ng nakita ko siya, kaya wala talaga akong alam sa mga sanggol, normal naman iyon 'di ba? At saka nandiyan naman sina mama kung sakaling hindi natin alam ang gagawin," ngiting asta nito dahilan para panandalian akong huminto sa dapat na pagtayo. Mama? Sa pagkakaalam ko mommy ang tawag
"Anong pakiramdam?" Hindi ko pa rin sinasagot ang mga tanong ni Annie dahil abala ako sa pagtutupi ng mga damit, wala kasi akong magawa mula pa kahapon dahil tinutulungan ko rin si Gab sa pag-aayos ng mga papeles. Buo na rin ang desisyon kong sumama sa kaniya ngunit kapag nakapanganak na lang ako. "Ayan Ada, ah, hindi mo ako pinapansin." "Tinatamad ako magsalita," reklamo ko dahil wala talaga ako mood makipag-usap. May sinabi pa itong hindi ko na narinig at saka siya umalis dahil kailangan niya pang mamalengke kasama ang kaibigan namin dito na si Rhoda. Naglinis na lang ako ng buong kwarto at pati kwarto niya ay nilinis ko na rin. Limitado na lang din ako gumalaw dahil sobrang sakit na ng balakang ko, minsan pa nga hindi na ako makatayo kaya naka-upo na lang. Naaawa rin ako kay Annie kasi alam kong hindi na siya nakaka-ipon, kaya kapag umalis ako rito, isasama ko siya sa Maynila. Kinabukasan ay nagising na lang ako dahil sa ingay sa ibaba. Ang mas lalo pang ikina-inis ko ay ang p
Kanina pa ako panay himas sa aking tiyan at inaabangan kung darating ba siya. Biglaan kasi ang pagtawag nila sa kaniya lalo na't may koneksyon naman sila roon. Kanina pa nakatitig sa akin si Annie na paulit-ulit na nagsusuklay gamit ang daliri. Literal kasi na kinakabahan ako o ano. "Hilong-hilo na ako sa 'yo," bulong nito saka kumuha ulit ng tinapay. "Hindi ka naman ata excited na makita siya ano?" biglang ngiti nito na hindi ko pinansin. Mas mahalaga ang baby ko kaysa sa gano'ng bagay. Gusto ko lang siyang maka-usap nang maayos at linawin ang lahat. Kahit hindi na siya magpaliwanag dahil tapos na rin naman na ang mga nangyari, doktor na kasi ang nagsabing baka maka-apekto sa akin ang mga negatibong nangyayari. "Pero sa totoo lang Ada, bet ko talaga para sa 'yo si Gab. Sana lang maging okay kayo. Kaso siyempre, hindi ako marunong makalimot sa ginawa niya sa 'yo, pero kasi siya ang ama. Sana lang maging okay kayo, pero kasi potangina pa rin ng ginawa niya," nanggigigil na sabi nit
"Oh pak! Ubos na naman! Ano kayo ngayon?!" natatawang sabi ni Annie na tinawanan ng mga nakatambay sa paligid namin. Nailing na lang ako dahil kanina pa siya nagmamakaawang ubusin na ang mga ulam para maaga kaming makapagligpit, at dahil hapon pa lang ay puwede pa kaming magpahinga bago ulit mag-asikaso dahil darating daw sila Jona mamayang gabi. "Ligpitin ko na ah?" Kinuha ko agad ang mga kaserola at sama-samang inilagay sa lababo. Medyo may kalakihan kasi ang bahay ni Annie rito, at kaunti lang din ang gamit kaya mas lalong maluwag sa paningin. Ako na ang naghugas ng mga kaserola habang si Annie ay nagliligpit sa labas, dinig na rinig ko pa rin ang tawa niya dahil sa pang-aasar niya sa ilang mga nagtitinda sa karinderya. Mabuti na lang at walang napipikon sa kaniya. Idagdag pa ang pagiging mabait ng mga tao sa amin kahit hindi namin sila ka-ano-ano. "Ada? Maligo lang ako ah? Pagkatapos mo riyan asikaso ka na rin, tapos mamaya na siguro tayo magluto," sabi nito na ikinatango ko.
Isa sa pinaka magandang desisyon na nagawa ko ay ang pagsama kay Annie rito sa kaniyang probinsya, para bang bumalik ako sa dati kong buhay kung saan presko ang hangin, nabibigyan ko ng oras ang aking sarili at mas lalo pang naghanda. Pakiramdam ko, binigyan ko ng halaga ang sarili ko sa mga taong tinalikuran ako... o baka sadyang hindi lang nila maintindihan ang kalagayan ko. Ilang buwan na ang nakakaraan nang lumuwas kami rito, no'ng una ay sobrang hirap dahil parehas kaming walang pera, may ipon naman ako pero ayaw iyon kunin ni Annie dahil para na raw iyon sa pagpapaanak ko. Ang tanging bunubuhay sa amin ay ang pagluluto niya ng pagkain at ako ang nagtitinda, dahil marami daw ang mahilig kumain dito at malapit din kami sa dagat ay naging madali lang ang kumita ng pera, karaniwan sa niluluto ni Annie ay ang mga putaheng hindi pa nakikita rito sa La Union o bihira lang maluto. "Punyeta talaga 'yang mga iba riyan, akala mo naman kung sinong magaling magluto," pandadaldal ni Annie.
Lahat ay halos tahimik. Nanatili ako sa pagkakaupo sa aking kama habang sina Maylene, Annie at Jona ay nakatayo sa harapan ko, at si Ate Calli... na halos balisa dahil sa mga nangyari. Ang bilis din kasi, parang dati lang ay okay kami tapos ngayon nabuntis ako. Ang bilis niyang talikuran ako. "Ano na? Anong balak mo?" tanong ni Ate Calli habang nakasandal ito sa pinto. Umiling ako. Wala naman akong mapupuntahan bukod dito, wala akong matinong trabaho at alam ko na pagbabawalan na ako sa pag-ta-trabaho roon kapag nalaman na buntis ako. Kaya marami sa mga kasamahan namin dito rin daw ang umalis dahil sa pagkabuntis. Maliban na lang kung ipqpalaglag ito. Pero hindi ko kaya, hindi maatim ng konsensya ko ang mamuhay araw-araw nang mayroong pinatay. "A-Aalis na lang po ako rito," wala sa sariling sagot ko. Walang nagsalita sa kanila, tanging paulit-ulit na pagbuntonghininga lang ni Ate Calli ang naririnig ko. Habang ang tatlo ay nasa harapan ko lang at iniiwasang tumingin sa akin. Hindi