"Ikinagagalak ko po kayong makilala," ani Vincent nang makalapit siya sa mesa ng mga ito na may ngiti sa mga labi. Inilahad niya ang kamay sa dalawa. Tumayo mula sa pagkakaupo ang mag-asawa at nakipagkamay sila kay Vincent.
"Ikinagagalak ka din namin makilala, iho," anila. Inilahad ni Fernando Gonzales ang bakanteng upuan na nasa kaniyang tabi."Maupo ka, Mr. De Silva," Naupo siya sa upuan. "Alam mo naman na bukod sa negosyo na ating tatalakayin ngayon, may iba pa tayong pag-uusapan. Ang tungkol sa balak namin na ipakasal sa iyon ang unica hija namin na si Candice sa lalong madaling panahon. Napag-usapan na namin ito ng iyong ina," bumaling ito sa asawa na tinugon naman ng isang matamis na ngiti.Hindi niya kilala sa mukha si Candice dahil sa ibang bansa ito ng nag-aral. Samantalang siya naman ay kakauwi niya lang galing London para pamahalaan ang branch nila doon. Kaya hindi na sila naipakilala sa isa't-isa ng kanilang magulang."Hindi kasi nakapunta ngayon ang iyong ina dahil abala siya sa flower shop niya. Madami siyang costumer kaya pinasuyo nalang niya sa amin na kausapin ka. Samantala abala naman ang iyong ama. Pero may alam ka naman dito, hindi ba?" tanong ni Mrs. Gonzales sa kaniya.Tumango siya. Napag-usapan na nila ito ng kaniyang ina noong nakaraang linggo at pumayag siya basta ibigay sa kaniya ang branch nila sa London at Brazil. Ayun ang kasunduan nila."Opo, nabanggit na po sa akin at willing po akong pakasalan ang iyong anak," aniya. Napangiti si Regina."Mabuti naman kung ganoon iho. Mabait naman si Candice kaya tiyak na magkakasundo kayo," ani Regina."Sana nga po magkasundo kami. Simulan na po natin ang sinadya ko po dito na Business Proposal," aniya.NAGISING si Candice na madilim na sa labas. Agad siyang bumangon at lumabas ng silid saka tinungo ang kusina kung saan naabutan niya ang kaniyang magulang na seryusong nag-uusap. Abala naman si Nay Rhoana sa pagluluto ng kanilang hapunan."Oo, tiyak na magiging maganda ang buhay ni Candice kay Vincent. Mabait na bata si Vincent at tiyak na magiging mabuting asawa kay Candice," anang kaniyang ama. Nagpanting ang taenga ni Candice sa narinig."Sinong Vincent? At anong ibig sabihin ng mga narinig ko?" naguguluhang tanong ni Candice. Lumingon sa kaniya ang kaniyang magulang na mukhang hindi nagulat sa kaniyang presensiya. Tumikhim ang kaniyang ama."Nais namin na ipakasal ka sa lalaking napupusuan namin ng iyong ina. Si Vincent De Silva. Siya ang lalaking nararapat sa iyo, anak. Anak siya ng matalik na kaibigan ng iyong ina," anito sa seryusong tinig. Napailing-iling si Candice. Hindi niya lubos akalain na magagawa ito ng kaniyang magulang."Hindi niyo pwedeng gawin ito sa'kin, dad! I have a boyfriend! Hindi naman pwedeng makipaghiwalay ako sa kaniya? Mahal na mahal ko po si Justin at mahal niya ako!" nagpupuyos sa galit na sigaw niya. Tumayo si Regina at nilapitan ang anak. Hinawakan siya sa balikat. Subalit piniksi niya iyon!"Hindi ako papayag na ipagkasundo niyo ako! Hindi ako papayag na maikasal sa lalaking hindi ko mahal!" aniya at padabog na lumabas ng kusina. Nagkatinginan ang mag-asawa, ganoon din si Nay Rhoana ay napabaling pero kaagad din na itinuon ang atensyon sa niluluto."I'll talk to her later. Baka hindi lang maganda ang gising niya," ani Fernando sa asawa. Tumango si Regina sa sinabi ng asawa.Agad na sumakay si Candice sa kaniyang kotse at tinahak ang daan patungo sa Reanne's Bar sa bayan. Inilabas niya ang cellphone at tinawagan si Justine subalit hindi nito iyon sinasagot. Napukpok niya ang manibela."Ano ba! Bakit hindi mo sagutin ang tawag ko?!" naiinis niyang tanong sa sarili. Napasabunot siya sa kaniyang buhok gamit ang kaliwang kamay."Kanino naman ako ipagkakasundo?!" naiinis niyang bulong s sarili.Nang marating ang Reanne's Bar, bumaba na siya ng sasakyan matapos iyon mai-park. Agad siyang naglakad patungo sa entrance. Gusto niyang magpakalasing ngayon, gusto niyang mawala lahat ng hinanakit niya sa kaniyang magulang.Nang makapasok, agad siyang nag-order ng mojito. Ilang beses na uminom si Candice hanggang nararamdaman niyang nahihilo na siya. Biglang may lumapit sa kaniya at hinawakan siya sa kamay."Let go of me!" singhal ni Candice at pilit na iwinawaksi ang kamay ng estranghero."Anong ginagawa mo rito? Alam mo bang pwede kang gawan ng masama kapag ganyan ang lagay mo?" tanong ng estranghero. Pamilyar sa kaniya ang boses nito pero hindi niya maalala kung saan. Naglakad siya palabas ng bar."Hey, baka mapaano ka. Ihatid na lang kita," presinta nito. Umiling siya."Hayaan mo na ako! Hayaan mo akong maging miserable!" sigaw niya at pasuray-suray na naglakad palabas ng bar.Hanggang sa tuluyan na siyang nakalabas. Naramdaman niyang umiikot na ang kaniyang paningin dala ng alak na nainom niya. Muntik na siyang mabuwal, mabuti nalang at nasalo siya ng lalaki."Ano ba ang naisip mo at nagpakalasing ka?!" sigaw ng lalaki sa naiiritang tinig. Pamilyar talaga ang boses ng lalaki pero hindi na niya nagawang isipin kung sino ito dahil bigla nalang siyang nawalan ng malay.Muntik nang hindi masalo ni Vincent ang dalaga. Mabuti nalang naging maagap siya. Ano ba ang ginagawa nito sa bar at nagpapakalasing? Huminga siya ng malalim at binuhat ang babae at isinakay sa passenger's seat ng kaniyang kotse. Pinakatitigan niya ang babae."Kung papipiliin lang ako. Mas gugustuhin ko pa na ikaw na lang ang ipagkasundo sa'kin hindi sa kung sinuman na hindi ko kilala," aniya habang titig na titig sa walang malay na dalaga. Huminga siya ng malalim at pinausad ang sasakyan sa isang hotel malapit sa bar.Nang makarating siya sa Charnz Hotel. Nag-check in siya at dinala ang babae sa Room 221 kung saan ang magiging kwarto nito. Nang maihiga niya ng maayos ang babae, pinakatitigan niya ito."Ano ba ang mayroon sa'yo at iniisip kita? Eh, kanina lang naman kita nakita?" tanong niya. Huminga siya ng malalim at kinumutan ito.NAGISING si Candice na sobrang sakit ng ulo niya na para itong binibiyak. Iminulat niya ang kaniyang mga mata at iginala ang pangin sa kabuuan ng kwarto kung nasaan siya. Napabalikwas siya ng bangon ng makitang nasa hotel siya. Sapo-sapo ang ulo na umalis siya ng kama at nagtungo sa bintana."Tanghali na pala! Tiyak na magagalit sina dad neto," aniya at napaupo sa kama.Pero sino ang nagdala sa kaniya dito sa hotel? Ang natatandaan niya ay nasa bar siya kagabi. Wala naman siyang naramdamang kakaiba sa kaniyang katawan. Huminga siya ng malalim. Napadako ang paningin niya sa mesa kung saan may nakalapag na isang basong tubig at gamot. May nakita rin siyang nakatuping papel sa tabi niyon. Binuklat niya iyon at binasa."Siguro nagtataka ka kung bakit nariyan ka sa hotel na iyan. Nakita kitang lasing sa Reanne's Bar kagabi. Gusto kong malaman mo na wala akong ginawang masama sa iyon. By the way, ako yung lalaking nakabanggaan mo kahapon. Call me if you need the payment. Inumin mo na iyang gamot para mawala ang pananakit ng ulo mo."Ayun ang nakasulat sa papel. Hindi niya maiwasang mapangiti sa ginawa nito. Kung hindi dahil sa lalaki baka napano na siya. Huminga siya ng malalim at biglang naalala ang nangyari kahapon."Hindi ako magpapadala sa ginawa nito! Nagiging mabait lang siya dahil may atraso siya sa'kin. Ninakawan pa ako ng halik!" bulalas niya. Ininom na niya ang gamot at itinapon sa trash can ang papel.Mga sunod-sunod na katok sa pintuan ang kaniyang narinig."Sandali!" aniya at tumayo.Kahit masakit ang kaniyang ulo pinilit niyang tumayo at tinungo ang pintuan para buksan iyon. Tumambad sa kaniyang harapan ang isang maliit na babae. Maputi at maganda ito. Ngumiti ito sa kaniya. Kinunutan niya ito ng noo."Yes?" tanong niya."Ma'am. Tapos na po ang oras ng pananatili niyo po rito," anang babae. Napatapik siya sa noo."Sorry, hindi ko alam. May nagpacheck-in kasi sa kin rito," aniya. Tumango-tango ito."Okay Ma'am," anito.Tumalikod na ito at naglakad paalis sa harapan niya. Kinuha naman niya ang kaniyang shoulder bag sa bedside table at isi ukbit sa kaniyang balikat. Lumabas siya ng silid at tinungo ang elevator.Nang nasa lobby na siya, tuloy-tuloy siyang naglakad at lumabas ng hotel. Nagtungo siya sa highway at pumara ng pampasaherong tricycle para makauwi na siya sa kanila. Hindi naman siya maarte kaya ayos lang sa kaniya ang tricycle."SAAN ka natulog kagabi?" tanong ng kaniyang ama nang makauwi siya at madatnan ito g nagbabasa ng diyaryo sa sofa. Mukhang hinintay siya nito.Huminga siya ng malalim. Kailangan ba talaga malaman iyon? She's 29 years old! Hindi na siya bata para hindi alam ang ginagawa!Sigurado ka? Di ba nga nalasing ka kagabi? Buti nalang nakita ka ng antipatikong lalaki na iyon kung hindi baka may nangyari ng masama sa iyo, anang isang bahagi ng kaniyang isip."Dad, I'm already 29 years old. So, please konting tiwala naman. Can you please excuse me? Masakit ang ulo ko," aniya at tuloy-tuloy na nagtungo sa hagdan. Bago pa niya maitapak sa unang baitang ang kaniyang kanang paa, nagsalita ang kaniyang ama."Yes, you're 29. But your still in my power, in my house Candice. Palalampasin ko ito pero sa susunod May kaukulang parusa na ang pag-uwi mo ng ganitong oras. Magpahinga ka na at may pag-uusapan tayo mamaya," mahinahong saad ng kaniyang ama."Okay, dad," pagsang-ayon niya."Siguradong tungkol na naman ito sa lalaking ipagkakasundo sa'kin! Alam na nga nilang May boyfriend ako! Nakakainis!"Nang tuluyan na siyang nakarating sa kwarto ay ibinagsak niya ang katawan sa kama at ipinikit ang mga mata para matulog.Hapon na ng magising si Candice. Agad siyang bumangon mula sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto. Pagkalabas niya, nakasalubong niya ang kaniyang ama na galing sa opisina nito sa bahay."Candice, kailangan kitang makausap. Pwede ka ba ngayon?" tanong ng kaniyang ama.Parang alam niya na ang tinutukoy nito. Tiyak na patungkol ito sa pagpapakasal niya kay Vincent. Na hindi man lang niya kilala kung. Bumuntong-hininga si Candice at tumango. Ganunpaman, malaki ang respeto niya sa ama."Okay, dad. Saan po ba tayo mag-uusap?" magalang niyang tanong.Biglang pumasok sa isip niya si Juatin. Kamusta na lang sila ng boyfriend niya? Sana, mapakiusapan pa niya ang ama na huwag ng ituloy ang balakid nito. Speaking of Justin, hanggang ngayon hindi pa rin ito tumatawag. Pupuntahan na lang niya ito sa condo nito mamaya."Candice! Nakikinig ka ba?" sigaw ng kaniyang ama na nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan. Napakurap-kurap siya at napatitig sa kaniyang ama at papasok na ulit sa opisina nito."Dad. Pasensiya na po, may naisip lang," hingi niya ng paumanhin sa ama. Tumango ang kaniyang ama."Dito na tayo mag-usap sa opisina para makapag-usap tayo ng maayos," anito at pumasok na sa loob. Walang nagawa si Candice kundi ang sundan ang kaniyang ama.Nang nasa loob na sila ng opisina ng kaniyang ama na nasa ikalawang palapag ng bahay, naupo siya sa sofa kung saan nakaupo naman sa kaharap na sofa ang kaniyang ama."Ano po ang pag-uusapan natin, dad?" tanong niya sa ama. Tinitigan siya ng kaniyang ama ng matiim at pagdaka'y tumikhim."Hiwalayan mo na si Justin, niloloko ka lang niya. At may lalaki akong napupusuan para sa iyo." anang kaniyang ama na naging dahilan ng pagtaas ng isa niyang kilay."Ano po? Tama po ang dinig ko? Niloloko ako ni Justin? Dad, alam ko naman na ayaw niyo kay Justin pero huwag niyo naman siya pagbintangan ng kung ano-ano. mahal ako ni Justin, at alam ko na hindi ako niloloko." pagtatanggo ni Candice sa kasintahan. Huminga ng malalim ang kaniyang ama na parang pagod na pagod. Tumayo ito at nagtungo asa office desk niya at binuksan iyon. kinuha ron ang isang envelope na pahaba ang sukat o sa mas tamang salita, envelope iyon para sa mga litrato. Bumalik ito sa sofa at iniabot sa kaniya ang brown envelope. Nag
Hindi maiwasang isipin ni Vincent ang babaeng nakabangga niya at dinala sa hotel dahil sa kalasingan habang nasa trabaho siya. Minsan napapatulala siya habang iniisip ang babae. Marahan siyang napabuntong-hininga.Biglang bumukas ang pintuan ng kaniyang opisina at pumasok ang kaniyang ina na may malapad na ngiti sa mga labi. Kahit nasa edad singkwenta'y dos na ang kaniyang ina ay napakaganda pa rin nito. Parang nasa edad trenta pataas pa lang ito dahil na rin sa alaga nito ang sarili. Nakasuot ito ng fitted black pants na hapit sa katawan at blouse na kulay puti. Maganda ang hubog ng katawan nito. Isa sa pinaka-ayaw nito ang mapabayaan ang sarili. Naglakad ito patungo sa kinaroroonan niya. Parang modelo ito kung maglakad. Nang makalapit ay tumayo siya at lumabas ng mesa tsaka niyakap ang kaniyang ina at binigyan ng halik sa pisngi."Why are you here, mom?" tanong niya sa ina nang kumalas siya sa pagkakayakap nito. Naglakad ito patungo sa visitor's chair na walang emosyon ang mukha at
Marahang napabuntong-hininga si Candice ng matapos ang isinagawang pagpupulong sa mga investors ng Gonzales Telecommunication Incorporation. Tumayo siya at binalingan si Richelle na abala sa pagtipa ng laptop at nakaupo sa unahan malapit sa board. Si Richelle ang inatasan niya sa paglilipat ng slides na ginamit sa presentation. Parang kaibigan at kapatid ang turing niya rito. Maaasahan at mapagkakatiwalaan ito."Richelle," tawag-pansin niya rito. Lumingon si Richelle sa kaniya mula sa ginagawa."Yes, Ma'am," tugon nito na naging dahilan para simangutan niya ang dalaga. "Di ba sabi ko huwag mo na akong tatawaging Ma'am?" tanong niya habang nakasimangot pa rin."Pasensiya, nasanay lang ako," anito at napakagat-labi."Hey! Joke lang," aniya at natawa. Mukhang nahawa si Richelle sa tawa niya dahil natawa na rin ito."Bakit po? May ipapagawa ka ba?" tanong nito. Tumango siya."Oo sana. Pwede bang ikaw na ang magligpit nitong mga papeles sa mesa? Gusto ko na kasing umuwi para makapagpahing
Hindi maiwasang isipin ni Vincent ang babaeng nakabangga niya at dinala sa hotel dahil sa kalasingan habang nasa trabaho siya. Minsan napapatulala siya habang iniisip ang babae. Marahan siyang napabuntong-hininga.Biglang bumukas ang pintuan ng kaniyang opisina at pumasok ang kaniyang ina na may malapad na ngiti sa mga labi. Kahit nasa edad singkwenta'y dos na ang kaniyang ina ay napakaganda pa rin nito. Parang nasa edad trenta pataas pa lang ito dahil na rin sa alaga nito ang sarili. Nakasuot ito ng fitted black pants na hapit sa katawan at blouse na kulay puti. Maganda ang hubog ng katawan nito. Isa sa pinaka-ayaw nito ang mapabayaan ang sarili. Naglakad ito patungo sa kinaroroonan niya. Parang modelo ito kung maglakad. Nang makalapit ay tumayo siya at lumabas ng mesa tsaka niyakap ang kaniyang ina at binigyan ng halik sa pisngi."Why are you here, mom?" tanong niya sa ina nang kumalas siya sa pagkakayakap nito. Naglakad ito patungo sa visitor's chair na walang emosyon ang mukha at
Nang nasa loob na sila ng opisina ng kaniyang ama na nasa ikalawang palapag ng bahay, naupo siya sa sofa kung saan nakaupo naman sa kaharap na sofa ang kaniyang ama."Ano po ang pag-uusapan natin, dad?" tanong niya sa ama. Tinitigan siya ng kaniyang ama ng matiim at pagdaka'y tumikhim."Hiwalayan mo na si Justin, niloloko ka lang niya. At may lalaki akong napupusuan para sa iyo." anang kaniyang ama na naging dahilan ng pagtaas ng isa niyang kilay."Ano po? Tama po ang dinig ko? Niloloko ako ni Justin? Dad, alam ko naman na ayaw niyo kay Justin pero huwag niyo naman siya pagbintangan ng kung ano-ano. mahal ako ni Justin, at alam ko na hindi ako niloloko." pagtatanggo ni Candice sa kasintahan. Huminga ng malalim ang kaniyang ama na parang pagod na pagod. Tumayo ito at nagtungo asa office desk niya at binuksan iyon. kinuha ron ang isang envelope na pahaba ang sukat o sa mas tamang salita, envelope iyon para sa mga litrato. Bumalik ito sa sofa at iniabot sa kaniya ang brown envelope. Nag
"Ikinagagalak ko po kayong makilala," ani Vincent nang makalapit siya sa mesa ng mga ito na may ngiti sa mga labi. Inilahad niya ang kamay sa dalawa. Tumayo mula sa pagkakaupo ang mag-asawa at nakipagkamay sila kay Vincent. "Ikinagagalak ka din namin makilala, iho," anila. Inilahad ni Fernando Gonzales ang bakanteng upuan na nasa kaniyang tabi. "Maupo ka, Mr. De Silva," Naupo siya sa upuan. "Alam mo naman na bukod sa negosyo na ating tatalakayin ngayon, may iba pa tayong pag-uusapan. Ang tungkol sa balak namin na ipakasal sa iyon ang unica hija namin na si Candice sa lalong madaling panahon. Napag-usapan na namin ito ng iyong ina," bumaling ito sa asawa na tinugon naman ng isang matamis na ngiti. Hindi niya kilala sa mukha si Candice dahil sa ibang bansa ito ng nag-aral. Samantalang siya naman ay kakauwi niya lang galing London para pamahalaan ang branch nila doon. Kaya hindi na sila naipakilala sa isa't-isa ng kanilang magulang."Hindi kasi nakapunta ngayon ang iyong ina dahil aba
Marahang napabuntong-hininga si Candice ng matapos ang isinagawang pagpupulong sa mga investors ng Gonzales Telecommunication Incorporation. Tumayo siya at binalingan si Richelle na abala sa pagtipa ng laptop at nakaupo sa unahan malapit sa board. Si Richelle ang inatasan niya sa paglilipat ng slides na ginamit sa presentation. Parang kaibigan at kapatid ang turing niya rito. Maaasahan at mapagkakatiwalaan ito."Richelle," tawag-pansin niya rito. Lumingon si Richelle sa kaniya mula sa ginagawa."Yes, Ma'am," tugon nito na naging dahilan para simangutan niya ang dalaga. "Di ba sabi ko huwag mo na akong tatawaging Ma'am?" tanong niya habang nakasimangot pa rin."Pasensiya, nasanay lang ako," anito at napakagat-labi."Hey! Joke lang," aniya at natawa. Mukhang nahawa si Richelle sa tawa niya dahil natawa na rin ito."Bakit po? May ipapagawa ka ba?" tanong nito. Tumango siya."Oo sana. Pwede bang ikaw na ang magligpit nitong mga papeles sa mesa? Gusto ko na kasing umuwi para makapagpahing