Share

His Inevitable Obsession
His Inevitable Obsession
Author: AtengKadiwa

Chapter One

Author: AtengKadiwa
last update Huling Na-update: 2023-05-31 08:47:30

Marahang napabuntong-hininga si Candice ng matapos ang isinagawang pagpupulong sa mga investors ng Gonzales Telecommunication Incorporation. Tumayo siya at binalingan si Richelle na abala sa pagtipa ng laptop at nakaupo sa unahan malapit sa board. Si Richelle ang inatasan niya sa paglilipat ng slides na ginamit sa presentation. Parang kaibigan at kapatid ang turing niya rito. Maaasahan at mapagkakatiwalaan ito.

"Richelle," tawag-pansin niya rito. Lumingon si Richelle sa kaniya mula sa ginagawa.

"Yes, Ma'am," tugon nito na naging dahilan para simangutan niya ang dalaga.

"Di ba sabi ko huwag mo na akong tatawaging Ma'am?" tanong niya habang nakasimangot pa rin.

"Pasensiya, nasanay lang ako," anito at napakagat-labi.

"Hey! Joke lang," aniya at natawa. Mukhang nahawa si Richelle sa tawa niya dahil natawa na rin ito.

"Bakit po? May ipapagawa ka ba?" tanong nito. Tumango siya.

"Oo sana. Pwede bang ikaw na ang magligpit nitong mga papeles sa mesa? Gusto ko na kasing umuwi para makapagpahinga. Napagod at na-stress ako sa ginawang presentation," aniya at bahagyang nalukot ang mukha. Ngumiti si Richelle.

"Atleast nagawa mo po ng maayos at maganda. Successful po ang presentation. Tiyak na matutuwa ang iyong ama. Sure. Iwan mo na lang po diyan," ani Richelle. Totoo ang sinabi nito. Mabuti na lang ang pinaghandaan niyang mabuti ito. Nagustuhan ng mga investors ang presentation niya.

"Salamat."

Nginitian niya ito at nagpaalam na. Nang makalabas ng silid, agad siyang nagtungo sa elevator na magdadala sa kaniya sa lobby. Lumabas na siya ng building at tinungo ang parking area kung saan naroon ang kaniyang black sports car. Sumakay siya ng marating iyon at agad na pinasibad patungo ng bahay.

Masayang nagmamaneho si Candice ng biglang may lumabas na sasakyan sa crossing, sa kanang bahagi ng daan.

Agad niyang inapakan ang preno pero huli na dahil bago pa niya maapakan lumabas mula sa crossing ang isang kulay pulang sedan. Kaya ang nangyari, nagkabanggaan sila at nagasgasan ang sasakyan niya. Mukhang matibay ang sasakyang bumangga sa sasakyan niya dahil hindi man lang ito nagasgasan.

"Aarggh! Sino ba itong nagmamaneho ng Sedan at hindi man lang tinitingnan kung may makakasalubong siya!" inis niyang bulalas sa sarili.

Lumabas siya ng sports car at pinuntahan ang Black Sedan. Kinatok niya ang windshield niyon.

"Hello!" naiinis niyang sabi.

Mukhang wala ata itong balak na lumabas at tingnan ang ginawang hindi kanais-nais. Ayaw na ayaw pa naman din niya na nagagasgasan ang kaniyang sasakyan! Kumatok ulit siya nang hindi ito lumabas.

"Hey! Lumabas ka diyan! Ano ba! Tingnan mo itong ginawa mo! Babayaran mo ang damage ng sasakyan kung hindi i will sue you!" sigaw niya mula sa labas kahit alam naman niyang hindi siya nito maririnig.

Mukhang nakita ata ng sakay niyon ang galit sa kaniyang mukha mula sa loob dahil bumukas ang pintuan ng sedan at lumabas ang isang lalaki. Nang makalabas ito, sinuyod niya ito mula ulo hanggang paa. Matangkad ang lalaki, mga nasa 6'3 ang taas, maganda ang pangangatawan na bumabakat sa suot na kulay dark blue na polo.

Tumingin siya sa mukha nito na natatakpan ng shades ang mata. Wow, makinis ang mukha at walang anumang bahid ng pimples. Kayumanggi ang balat at may katamtamang kapal na kilay. Sa madaling salita, gwapo ang lalaki. Wala siyang pakielam kung gwapo ito ang mahalaga ay bayaran nito ang damage ng sasakyan niya!

"Are you done, Miss?" anito na tumaas pa ang sulok ng labi.

Namula ang pisngi niya dahil nahuli siya nitong nakatingin dito. Ano ba kasi itong ginagawa niya at sinusuyod niya ito ng tingin? Gustong-gusto niyang kutusan ang sarili dahil sa kagagahang ginawa. Eh, hamak namang mas gwapo si Justin kaysa sa lalaki. Si Justin ang dalawang taon niyang nobyo. Pero hindi niya ipaparamdam dito ang satisfaction ng pagkakahuli nito sa kaniya. Taas-noo niyang tinitigan ito habang nakataas ang isang kilay.

"Menememorya ko lang ang itsura mo. Mahirap na baka tumakas ka at hindi mo panagutan ang ginawa mo," pagsusungit niya.

Kumunot ang mukha ng lalaki na ikinatawa niya. Buti nga sayo, masyado kang mayabang! Aniya sa sarili. Inalis ng lalaki ang shades at napamulagat siya ng mapagtanto kung gaano kagwapo ang nasa kaniyang harapan. Kahinaan pa man din niya ang kulay asul na mga mata. Huminga ng malalim ang lalaki. Inilabas nito mula sa suot na pantalon ang pitaka at may kinuha roon. Kung hindi siya nagkakamali, calling card iyon. Iniabot nito iyon sa kaniya.

"Here. Call me some other time. Not now. May business meeting akong kailangang puntahan at nagmamadali ako. Nakakahiya sa nahihintay sa'kin," aniya at tumalikod na. Nanlaki ang mga mata ni Candice. Hindi pwede! Baka mamaya peke pala itong calling card na ibinigay nito sa kaniya!

"Hoy! Hindi pwede! Kailangan ngayon din mapaayos ko na ang sasakyan ko!" sigaw niya rito na nagtatagis ang bagang dahil sa galit. Pakiramdam ni Candice lumalabas na ang litid niya sa leeg dahil sa sobrang inis na nararamdaman dahil sa antipakong lalaking ito!

"Ipagawa mo nalang at tawagan mo ako kapag ayos na at babayaran ko," anito at tuloy-tuloy na naglakad patungo sa sedan.

Aba! Hindi siya papayag na ginaganito siya ng lalaking ito! Sino ba ito?! Dahil sa sobrang inis. Tinanggal niya ang heels na suot at ibinato iyon sa lalaki. Saktong-sakto iyon sa ulo nito. Natigilan ito dahil doon. Mukhang katapusan na niya ata. Napalunok siya ng dahan-dahan itong lumingon sa direksyon niya. Matalim ang mga matang tumitig ito sa kaniya.

"Mahirap ba ang sinabi ko? Ipagawa mo muna at tawagan mo ako kapag ayos na saka kita babayaran. Mahirap ba ang pinapagawa ko?" tanong nito habang dahan-dahang lumalapit sa kaniya.

"Ah, kasi."

Walang lumalabas na kataga sa kaniyang bibig dahil tuluyan na itong nakalapit at ilang pulgada na lang ang layo nila sa isa't-isa. May mangilan-ngilang dumaraan na napapatingin na sa kanila. Mabuti na lang nasa gilid sila ng highway at wala silang napeperwisyo. Kahit kailan talaga walang pinipili ang katarayan niya. Sinubukan niyang umatras pero wala na siyang aatrasan dahil nakasandal na siya sa hood ng kaniyang sasakyan. Mas lalo itong lumapit sa kaniya at halos magkadikit na sila. Itinukod nito ang mga kamay sa hood ng sasakyan at pinakatitigan siya.

"Ano? Asaan na ang katarayan mo?" tanong nito habang nakataas ang labi nito at titig na titig sa kaniya.

"Lumayo ka nga! May mga tumitingin satin," aniya pero parang pakisuyo iyon dahil sa pagkakalapit nila ng lalaki. Iniiwas niya ang tingin sa lalaki. Itinaas nito ang kaniyang baba at pinakatitigan siya.

"Anong gagawin mo?" kinakabahan niyang tanong. Ngumisi lang ang lalaki.

"This is for wasting my time and for throwing me that heals of yours," aniya at agad na sinakop ang kaniyang mga labi.

Wala siyang nagawa kung hindi ang tanggapin ang halik nito. Ilang saglit ang namagitang halik sa kanila hanggang sa putulin ng lalaki ang halik. Hindi siya nakapagsalita ng mga sandaling iyon. Hindi ba dapat galit na siya dahil hinalikan siya nito? Bakit ngayon hindi niya magawa? Tiningnan ng lalaki ang paligid at napailing-iling.

"Call me, and i'll pay you," anito at naglakad na patungo sa Sedan at pumasok roon. Samantalang siya ay parang itinulos na sa pagkakasandal sa hood ng kaniyang sasakyan.

Unti-unting nawala ang traffic dahil mukhang sila ang dahilan ng traffic. Mukhang sinaksihan ng mga ito ang nangyaring alitan sa pagitan nila ng lalaki. Ang iba ay napapatingin sa kaniya. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa kaniya? She's Candice Gonzales, soon to be the CEO of GTI. Tiyak na magagalit si Justin kapag nalaman nito ang nangyari! Tinungo niya ang sasakyan at pinasibad iyon palayo sa lugar na iyon.

Minamaneho na ni Vincent ang sasakyan patungo sa Restaurant na kung saan sila magkikita nina Mrs. Regina and Mr. Fernando Gonzales. Ang may-ari ng Gonzales Telecommunication Inc.

Si Regina ay kaibigang matalik ng kaniyang ina. Magkaklase sila since college at napagkasunduan na kapag naging successful sa buhay ay magiging magkasosyo sa negosyo at higit sa lahat, mag-balae.

May nag-iisang anak na babae ang mag-asawang Gonzales na ang pangalan ay Candice. Bakit naman siya magpapakasal sa babaeng hindi niya kilala at hindi niya gusto?

Mas gugustuhin pa niyang magpakasal sa babaeng nakatagpo niya kanina. Napakaganda ng babae at napakakinis ng balat. Napakasarap din ng labi nito. Hindi niya maiwasan mapahawak sa kaniyang labi. Napakalambot ng labi nito at ramdam niya na nagustuhan nito ang ginawa niyang paghalik.

Iwinaksi niya ang mga iyon sa kaniyang isipan nang marating ang Divalicious Restaurant. Nang mai-park ang sasakyan, naglakad siya patungo sa entrance at pumasok. Binati siya ng service crew.

"This way, Sir De Silva," anang service crew. Nang makapasok sila sa VIP Room, nakita niya ang mag-asawang Gonzales. Kinawayan siya ng mga ito.

"Hello!" masiglang bati sa kaniya ni Mrs. Gonzales. Si Mr. Gonzales ay nakangiti lamang na nakatingin sa kaniya.

Kaugnay na kabanata

  • His Inevitable Obsession   Chapter Two

    "Ikinagagalak ko po kayong makilala," ani Vincent nang makalapit siya sa mesa ng mga ito na may ngiti sa mga labi. Inilahad niya ang kamay sa dalawa. Tumayo mula sa pagkakaupo ang mag-asawa at nakipagkamay sila kay Vincent. "Ikinagagalak ka din namin makilala, iho," anila. Inilahad ni Fernando Gonzales ang bakanteng upuan na nasa kaniyang tabi. "Maupo ka, Mr. De Silva," Naupo siya sa upuan. "Alam mo naman na bukod sa negosyo na ating tatalakayin ngayon, may iba pa tayong pag-uusapan. Ang tungkol sa balak namin na ipakasal sa iyon ang unica hija namin na si Candice sa lalong madaling panahon. Napag-usapan na namin ito ng iyong ina," bumaling ito sa asawa na tinugon naman ng isang matamis na ngiti. Hindi niya kilala sa mukha si Candice dahil sa ibang bansa ito ng nag-aral. Samantalang siya naman ay kakauwi niya lang galing London para pamahalaan ang branch nila doon. Kaya hindi na sila naipakilala sa isa't-isa ng kanilang magulang."Hindi kasi nakapunta ngayon ang iyong ina dahil aba

    Huling Na-update : 2023-05-31
  • His Inevitable Obsession   Chapter Three

    Nang nasa loob na sila ng opisina ng kaniyang ama na nasa ikalawang palapag ng bahay, naupo siya sa sofa kung saan nakaupo naman sa kaharap na sofa ang kaniyang ama."Ano po ang pag-uusapan natin, dad?" tanong niya sa ama. Tinitigan siya ng kaniyang ama ng matiim at pagdaka'y tumikhim."Hiwalayan mo na si Justin, niloloko ka lang niya. At may lalaki akong napupusuan para sa iyo." anang kaniyang ama na naging dahilan ng pagtaas ng isa niyang kilay."Ano po? Tama po ang dinig ko? Niloloko ako ni Justin? Dad, alam ko naman na ayaw niyo kay Justin pero huwag niyo naman siya pagbintangan ng kung ano-ano. mahal ako ni Justin, at alam ko na hindi ako niloloko." pagtatanggo ni Candice sa kasintahan. Huminga ng malalim ang kaniyang ama na parang pagod na pagod. Tumayo ito at nagtungo asa office desk niya at binuksan iyon. kinuha ron ang isang envelope na pahaba ang sukat o sa mas tamang salita, envelope iyon para sa mga litrato. Bumalik ito sa sofa at iniabot sa kaniya ang brown envelope. Nag

    Huling Na-update : 2023-05-31
  • His Inevitable Obsession   Chapter Four

    Hindi maiwasang isipin ni Vincent ang babaeng nakabangga niya at dinala sa hotel dahil sa kalasingan habang nasa trabaho siya. Minsan napapatulala siya habang iniisip ang babae. Marahan siyang napabuntong-hininga.Biglang bumukas ang pintuan ng kaniyang opisina at pumasok ang kaniyang ina na may malapad na ngiti sa mga labi. Kahit nasa edad singkwenta'y dos na ang kaniyang ina ay napakaganda pa rin nito. Parang nasa edad trenta pataas pa lang ito dahil na rin sa alaga nito ang sarili. Nakasuot ito ng fitted black pants na hapit sa katawan at blouse na kulay puti. Maganda ang hubog ng katawan nito. Isa sa pinaka-ayaw nito ang mapabayaan ang sarili. Naglakad ito patungo sa kinaroroonan niya. Parang modelo ito kung maglakad. Nang makalapit ay tumayo siya at lumabas ng mesa tsaka niyakap ang kaniyang ina at binigyan ng halik sa pisngi."Why are you here, mom?" tanong niya sa ina nang kumalas siya sa pagkakayakap nito. Naglakad ito patungo sa visitor's chair na walang emosyon ang mukha at

    Huling Na-update : 2023-05-31

Pinakabagong kabanata

  • His Inevitable Obsession   Chapter One

    Marahang napabuntong-hininga si Candice ng matapos ang isinagawang pagpupulong sa mga investors ng Gonzales Telecommunication Incorporation. Tumayo siya at binalingan si Richelle na abala sa pagtipa ng laptop at nakaupo sa unahan malapit sa board. Si Richelle ang inatasan niya sa paglilipat ng slides na ginamit sa presentation. Parang kaibigan at kapatid ang turing niya rito. Maaasahan at mapagkakatiwalaan ito."Richelle," tawag-pansin niya rito. Lumingon si Richelle sa kaniya mula sa ginagawa."Yes, Ma'am," tugon nito na naging dahilan para simangutan niya ang dalaga. "Di ba sabi ko huwag mo na akong tatawaging Ma'am?" tanong niya habang nakasimangot pa rin."Pasensiya, nasanay lang ako," anito at napakagat-labi."Hey! Joke lang," aniya at natawa. Mukhang nahawa si Richelle sa tawa niya dahil natawa na rin ito."Bakit po? May ipapagawa ka ba?" tanong nito. Tumango siya."Oo sana. Pwede bang ikaw na ang magligpit nitong mga papeles sa mesa? Gusto ko na kasing umuwi para makapagpahing

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status