Aurora's Point of ViewHindi ko kailanman naisip na ang makasabay sila sa hapag-kainan ngayon ay siyang kukumpleto sa umaga ko. Tanging pag-ngiti lang ang nagawa ko nang makitang nagustuhan ni Winter ang pancake lalo na nang strawberry syrup ang inilagay niya sa ibabaw nito habang chocolate naman ang pinili ni Snow. Simpleng almusal lang iyon pero naramdaman kong kakaiba iyon sa mga umaga na nagkaroon ako noon. Si Alted ang nakaupo sa kabisera habang nasa kanan naman niya ako at katapat ko si Snow na katabi naman si Winter. Kahit pa hindi ko magawang tingnan ng diretso si Alted, paminsan-minsan naman ay sinusulyapan ko siya."I like the pancake, Mommy." Masayang sabi ni Snow."I like it too." Segunda ni Winter.Nginitian ko sila, tuwang-tuwa dahil nagustuhan nila ang luto ko.Nang matapos kaming mag-almusal, pumanhik kami paakyat nila Snow at Winter dahil kailangan na silang paliguan. Mamaya lang ay darating na ang tutor nila. Si Alted naman ay nagtungo sa kaniyang kwarto para maghan
Aurora's Point of ViewNaabutan ko si Sonya na may hawak na gitara bago pa man kami makarating sa bulwagan na magdadala sa likod ng bahay. Mas gusto ko iyon doon dahil malawak ang tanaw kong kapaligiran, maraming puno na pinasadya at may iron chair na naroon at isang pabilog na mesa na gawa sa matigas na punong kahoy."Saan mo iyan dadalhin, Sonya?" Baling ko sa kaniya at hinayaang maiwan ni Manang Osmet dahil tumuloy ito sa paglalakad.Tiningnan niya ang gitara at kunot ang noong bumaling ulit sa akin."Ito po?" Itinaas niya pa ng bahagya ang gitarang dala.Tumango ako."Kay Bert po ito." Sagot niya at pinamulahan agad ng pisngi."Dadalhin ko sana sa kaniya, hiniram ko po kasi kahapon."Ni hindi na niya ako kayang tingnan ng diretso kaya napatawa naman ako. Bakit ba namumula siya sa tuwing binabanggit si Bert?"Pwede bang mahiram saglit?"Kung kanina ay nahihiya siyang tingnan ako, ngayon naman ay nanlaki ang mata niya at tila nagulat pa sa sinabi ko. Ngumiwi siya pero kalaunan iniab
Aurora's Point of ViewKaso hindi, hindi ganoon ang nararamdaman ko ngayon. Natatakot na ako. Natatakot na baka makita niya at mapuna ang maliit na detalye na magsasabing hindi ako ang asawa niya."I'm planning to visit the summer house in Elteko." Basag niya sa katahimikan na namayani sa aming dalawa. Tinitimbang ko pa kung titingnan ko siya o hihintayin na lang na matapos siyang magsalita."Kahit dalawang buwan lang na bakasyon doon. I know Snow and Winter would love to visit the place. What do you think?" Tanong niya.Nang mabanggit niya ang pangalan ng mga anak niya doon ako napalingon sa kaniya at tinitigan siya. Sa Elteko? Hindi ko alam ang lugar na iyon pero base na rin sa sinabi niyang summer house at planong pagbabakasyon doon ng dalawang buwan ay mukhang masaya ang lugar na iyon at bakasyunan. Kung kanina ay bumigat lang ang dibdib ko, ngayon naman ay parang nalunod iyon at tuluyan nang hindi nakaahon at naubusan ng hangin. Kinagat ko ang ibabang labi.Plano niyang dalhin a
Aurora's Point of View“Sonya, dalhan mo ng meryenda si Bert doon. Oh, ito.” Ibinigay ni Nay Consing ang tray sa babae.Ngumiwi si Sonya, ngunit bago pa man umapila ang babae ay pinanlakihan na ito ng mga mata ni Nay Consing kaya wala itong nagawa kung hindi dalhin ang meryenda kay Bert na ngayon ay nililinis ang mga sasakyan sa garahe.Kaya't naiwan kaming dalawa habang may sinusupil na ngiti ang ginang."Si Sonya pa talaga ang pinagdala niyo, Nay Consing, e alam niyo naman na nahihiya iyon kay Bert." Nangingiti kong sabi.Tumawa ng marahan si Nay Consing.Gustong-gusto niya talaga na inaasar ang dalawa. Halata rin naman kasi na nagkakamabutihan na si Sonya at Bert. Hindi ko lang alam kung kailan at paano nagsimula pero ngayon ay napansin kong may kakaiba sa tinginan at ngitian nilang dalawa.Marahil lumiliit na ang mundo para sa akin kaya kahit ang ibang bagay na labas na sa buhay ko ay napapansin ko na.Napapailing na tumingin sa akin si Nay Consing at nang makitang nangingiti rin
Aurora's Point of ViewMas lalo pang nagkagulo ang mga paru-parong nagliliparan sa tiyan ko at hindi na ako mapakali. "I said, come here. Sit beside me." He commanded slowly.Kahit pa man nagdadalawang-isip ako kung uupo ba ako sa tabi niya o hindi, sa huli ay umupo rin ako at nag-iwas sa kaniya ng tingin dahil sa hiyang nararamdaman. Hiya dahil dalawa lang kami ngayon sa library at nararamdaman kong walang sino man ang magbabalak na pumunta rito. Imposible rin na maligaw sila Winter at Snow rito dahil alam kong mahimbing ang tulog ng kambal ngayon.Dahil nasa pinakadulo ako ng sofa at malaki pa ang espasyo sa kaniyang gilid ay ipinatong niya rin ang mga paa sa sofa at ang sunod niyang ginawa ang nagpatigil sa akin.Nahiga siya sa aking hita at maagap na pumikit habang kitang-kita ko ang bawat detalye ng kaniyang mukha. Mukhang pagod na pagod nga siya. Malalim ang bawat niyang paghinga na para bang may nakadagan na mabigat na bagay sa kaniyang dibdib."May problema ba?" Malumanay ko
Aurora's Point of View"You're here all day. Don't you get bored?" Tanong niya muli.Ang mga mata niya ay nakatingin ng mataman sa akin. Kahit parang tipid ang mga salita niya naghihintay pa rin siya ng maayos na sagot mula sa akin."Minsan." Pag-amin ko. Totoo naman iyon."Kapag wala rito ang mga bata tapos wala rin akong magawa. Hindi naman sa nagrereklamo ako na paulit-ulit nalang ang ginagawa ko araw-araw, tulad ng magluto, magdilig, maglinis ng bahay, maghugas... Pero minsan kasi, parang dahil sa paulit-ulit na iyon, parang nakakabagot na rin."Alam na alam ko na kung ano ang dapat gawin sa umaga hanggang sa gabi. Araw-araw ba naman na narito lang ako at iyon lang talaga ang magagawa ko. Sa laki ng mansyon niya at sa lahat ng mga bagay na narito, parang lahat ng iyon ay alam ko na.Tinitigan niya ako, matagal, nanunuri at parang may malalim na iniisip."What are your plans then, paano kapag umalis na ako?" Bigla'y tanong niya.Napaisip naman ako. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya
Aurora's Point of View"Miss Candice, saan po ito ilalagay?" Pinagmasdan ko ang hawak na mga paperbag ni Bert nang itaas niya iyon.Ngumiti ako sa kaniya. "Dalhin mo lahat iyan sa kwarto ng mga bata."Sinundan ko ng tingin si Snow at Winter na ngayon ay papaakyat na sa marmol na hagdan habang hawak ni Sonya. Nang makita kong papasok na sila ng mansyon bumaling ako sa ilan pang paperbag na nasa loob ng sasakyan na hindi nadala. Hindi ko alam na aabutin ng apat na oras ang pagpasyal at pagbili ng mga bagong laruan nila Snow at Winter.Nang makuha ang pitong malalaking paperbag doon naman nasira ang katahimikan ng paligid dahil sa ingay na galing sa cellphone. Sunod-sunod na ring at pagvibrate ng cellphone. Dali-dali kong hinalukay ang slingbag na dala at hinanap doon ang kulay itim na cellphone. Hindi ako maalam sa mga brand ng cellphone pero alam kong mamahalin iyon base na rin sa style at processing nito.Awtomatikong umangat ang sulok ng labi ko nang makita ang numero ni Alted."Hell
Aurora's Point of ViewHumarap ako sa kaniya at hindi mapigilang magtaka. Ako? May bisita?"Sino po?" Nakakunot noo kong tanong."Kamag-anak niyo po. Nasa harden po, kanina pa po iyon naghihintay." Mataman na sagot ng katulong bago umalis.Kamag-anak? Umawang ang labi ko at agad na nagkarera ang puso ko.Madali akong humakbang papunta sa harden at nakasabay ko pa si Nay Consing na papunta rin doon na may dalang meryenda.Nang tuluyan akong makalapit sa lilim ng punong mangga kung saan nakaupo sa upuang gawa sa kahoy ang isang pamilyar na babae, agad akong natigilan. Ang malapad nitong likod at ang buhok nitong bagsak dahil sa mga kimekal ay sobrang pamilyar sa akin."A-auntie Leonora?" Tawag ko, halos kapusin ng hininga.Mula sa panunuri sa mga halaman, bumaling ang kaniyang tingin sa akin at nang makita ako ay agad na tumayo at ngumiti."Candice!" Sigaw niya na may bahid ng tuwa.Umawang ang aking bibig hindi dahil nakumpirma kong siya nga, kung hindi sa pangalan na tinawag niya sa a
Aurora's Point of View Siya ang unang nagbawi ng tingin upang balingan ng tingin si Elizabeth. Alted. He's here. "Pinayagan kaming sumama ni Daddy." Ani Winter. Nakita ko ang pagtango ni Elizabeth sa sinabi ni Alted na hindi ko narinig dahil sumabay si Winter. Naunang naglakad ang babae palabas, sumulyap sa amin ulit si Alted at sumunod din palabas ng bahay. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa maglakad sila palayo. Patungo sa pool side sa labas. Pumitik ako sa reyalidad at ibinalik ang atensyon sa dalawang prinsesita na yakap ko. "G-gusto niyong kumain? Nagbreakfast na ba kayo?" Tanong ko. Masyado pang maaga, baka hindi pa sila kumakain. Mariin ang titig sa akin ni Winter, samantalang nakangiti naman ng magaan si Snow. "Done na Mommy." Sagot ni Snow na ipinulupot muli ang dalawang kamay sa batok ko. Lumapit siya para patakan ng halik ang pisngi ko. Humagikhik siya pagkatapos. Natigilan ako, hindi dahil sa paghalik at sa paghagikhik niya, napatulala ako sa kaniya nang mai
Aurora's Point of ViewMalaki pa rin ang ngiti sa labi ni Snow nang nagmamadaling tumakbo papunta sa pinto ng bahay.Wala akong lakas para suklian ang matamis niyang ngiti, pero nang marinig ko ang boses niya, parang hinaplos ng mainit na kamay ang puso ko.Bumalot agad ang matinding kasiyahan sa sistema ko, kasabay ng pagragasa ng pangungulila sa bawat parte ng pagkatao ko, dahilan para mangilid ang luha sa mga mata ko.My heart is aching deep inside. Ang alam ko masaya ako, sobrang saya, pero bakit nakakaramdam ako ng matinding kirot sa kaibuturan ng puso ko?Sinalubong sila ni Elizabeth para pagbuksan ng pinto dahil hindi ko na magawang umalis sa kinatatayuan ko.Dire-diretso naman si Snow sa pagpasok ng bahay nang mabuksan ang pinto, hindi na niya halos tinapunan ng tingin ang kaniyang Tita Liza dahil nagmamadali siyang tumakbo papunta sa akin.She held her small arms up. Patakbo siyang lumapit at umamba ng yakap."Mommy!" She excitedly shouted.Idinipa niya ang mga kamay kaya aga
Aurora's Point of View Isinubo niya ang tinapay bago nagpatuloy. "Oo, nagkamali ka. Sabihin natin na nagsinungaling ka sa kanila, pero may ginawa ka ba na ikinasama nila? Wala naman, hindi ba? Naging mabuti ka sa kanila." Ibinaba niya muli ang pagkain at matiim akong tinitigan. "Nasaktan lang si Kuya Alted kasi huli na para malaman niya ang totoo at hindi pa iyon gaanong maliwanag sa kaniya. He was shocked to know the truth! Kahit naman ako, noong nalaman ko ang totoo, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Hindi madali na tanggapin na lang iyon agad, Aurora. Naguluhan din ako." Naalala ko bigla na hindi siya agad naging mabait sa akin. Kahit na inaalagaan nila ako ni Nexon, nakikita ko pa rin sa kaniyang mga mata ang pag-aalinlangan, ang pagkamuhi, at ang pagkalito. It was hard. Kahit sa sarili ko noon, hindi ko magawang tanggapin agad na magkapatid kami ni Candice kaya magkamukhang-magkamukha kami. "If you really love my cousin, as well as the kids, hindi ba dapat na
Aurora's Point of View "We are just going to visit them, Aurora. Hindi naman tayo matutulog sa bahay ni Kuya Alted, babalik din tayo agad kapag palubog na ang araw! Or even before the sun sets!" Puno ng frustrasyon ang boses ni Elizabeth. Tiningnan ko siya at nagbuntong-hininga. Sumunod siya sa akin nang pumasok ako sa kusina. Hindi maipinta ang kaniyang mukha at halatang nasira na ang kaniyang umaga dahil sa patuloy kong pagtanggi. Gusto ko naman e, gustong-gusto kong sumama, pero hindi ko pa kaya. Kahit anong pilit ko sa sarili. Kahit akong kumbinsi ko. Naduduwag pa rin ako. Maisip ko pa lang na makikita ko si Alted sa bahay niya kapag bumisita kami ngayong araw ay para na akong binubuhusan ng malamig na tubig. Wala akong mukhang ihaharap sa kaniya. Ayaw ko rin pahirapan ang mga bata. Naiintindihan ko ang galit ni Alted sa akin. Naiintindihan ko kung hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa akin. Wala nang dahilan para tanggapin niya ako sa pamamahay niya. Sabihin man natin na
Aurora's Point of ViewHapon nang makabawi ako sa lahat ng pagkakatulala at pagkawala sa sarili. Ang dami kong iniisip, dahilan para mapagod na lamang ako at walang magawa sa buong maghapon.Alas kuatro y media nang bumaba ako at maabutan sa sala si Elizabeth na mag-isang nanonood ng romantic movie.Nag-order pa siya ng dalawang pizza na ngayon ay nakapatong sa coffee table kasama ang popcorn at juice. Napailing ako sa sarili. Akala ko nasa taas siya at nagkukulong sa kuwarto.Lumapit ako at tumabi sa kaniya sa pagkakaupo sa mahabang sofa. Saglit niya akong nilingon at ibinalik din agad ang tingin sa flatscreen.“What happened to your eyes?” Tanong niya, ngunit ang mga mata ay nakapako na sa television.Hindi ko siya sinagot.Umupo ako sa kabilang dulo. Siya naman ay nakaupo rin sa kabilang dulo ng sofa. Ang kaniyang mga paa ay nakapatong sa sofa, bahagya siyang nakaharap sa akin, ngunit ang kaniyang ulo ay nakatutok sa flatscreen.“Get yourself some pizza.” Aniya.Iniabot niya sa aki
Aurora's Point of View I shifted on my seat. Ngayon ko lang din napansin na halos hindi na ako humihinga dahil sa pakikinig sa kaniya. "Nabuntis niya si Candice, but she didn't really love him. She has a lover in Lanayan. Iyong kababata niya, kaya ayaw niyang dito magpakasal para hindi malaman ng lalaking iyon na kasal na siya kay Kuya Alted. Pero sa huli, nalaman din ng lalaki, ang Auntie mismo ni Candice ang nagsabi do’n sa lalaki kaya ayon," umiling siya. "Nagpakamatay." Patuloy siya sa pag-iling. "Nasa ibang bansa pa no'n sila Kuya Alted, kaya nang makauwi, huli na nang nalaman ni Candice. Then everything turned out complicated. Sinisi niya si Kuya Alted sa lahat. Muntik niya pang ipalaglag sila Snow at Winter dahil sa galit na nararamdaman dahil sa pagpapakamatay no’ng lalaki. Mas lalo pa akong nagalit sa kaniya kasi lumabas lang na hindi niya naman pinakasalan si Kuya Alted dahil gusto niya, pinakasalan niya alang-alang sa pera. Goodness!" Naramdaman kong lumalamig na ang ga
Aurora's Point of View"Twelve years old lang siya no’n nang mangyari ang aksidente. Tita Dem and Tito Astren didn't make it. They were declared dead on arrival. Si Kuya Alted lang ang nakaabot sa ospital." Humina ang kaniyang boses at tuluyan siyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga."It was hard for him. Bata pa siya masyado para maiwan mag-isa. Kaya dinala siya ni Papa sa bahay noon para sa amin muna tumira hanggang sa gusto niya. Maraming naiwan na ari-arian at negosyo sila Tito Astren kaya si Papa muna ang humawak no’n habang hinihintay si Kuya Alted na makapagtapos, dahil siya lang naman ang magmamana ng lahat sa huli. Si Papa at Mama muna ang kumupkop at tumayong magulang sa kaniya."Marahil, iyon din ang rason kung bakit sobrang lapit ni Alted kay Elizabeth at kay Nexon. Magkakasama pala silang lumaki."Madalas, nakikita ko siyang umiiyak ng tahimik sa kaniyang kuwarto. Bata pa ako masyado para mapansin ang mga problema ng ibang tao, pero sa tuwing nakikita ko siyang u
Aurora's Point of ViewAlas nuebe nang gabi nang bumaba ako sa kusina para magtimpla ng gatas. Madalas, nahihirapan akong makatulog lalo na kung marami ang iniisip. Kaya bumababa ako para magtimpla ng gatas.Matatanaw mula sa dining area ang malaking swimming pool sa labas. Bago dumiretso sa kusina, nasulyapan ko ang pamilyar na pigura ni Elizabeth na nakatayo malapit sa pool.Mukhang may kausap siya dahil hawak niya ang kaniyang cellphone malapit sa tainga.Saglit na kumunot ang noo ko nang makitang pabalik-balik siya, tila hindi mapakali.Baka may problema?Kaysa tumuloy sa kusina, dumiretso ako sa double doors para lumabas ng bahay. Aligaga masyado si Elizabeth, baka mayroong problema."Of course not, Kuya!"Hindi marinig mula sa loob ang kaniyang boses, pero ngayon na nasa labas na ako'y napuno agad ng galit niyang tono ang pandinig ko."Why is it that it's my fault now? Masisisi mo ba ako kung nagalit din ako sa ginawa niya do’n sa tao? He was unfair! Dapat lang na may makuha siy
Aurora's Point of View "No, it's okay." Maagap na tugon ni Deo. Seryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "Virginia is just messing around, Aurora. I'm sorry." Dagdag niya. "She really likes to sell me around like a pizza." I awkwardly smiled at him. Hindi ko alam kung seryoso siya o hindi, pero ayaw kong makipag-date na lang ng ganoon. Kahit pa biro lang ni Virginia, mas mabuti nang malinaw sa amin. Marahan na tumawa si Virginia. "Ang hina mo talaga sa babae, Deo." Tumawa rin si Elizabeth. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa nangyari. "We have to go. Mauna na kami sa inyo." Paalam ni Elizabeth. Nilingon niya ako at tumango. Naglakad kami paalis, ngunit sa may pinto pala naghihintay ang sales lady na may dalang limang paper bag. "Thank you for purchasing, Miss Dela Fuente." Nakangiting sabi ng sales lady. Tinanggap ni Elizabeth ang paper bags at tumango. Lumabas kami sa store. Dala ko ang mga pinamili niya para sa kambal, samantalang dala naman niya ang mga bagong pape