Aurora's Point of View"You're here all day. Don't you get bored?" Tanong niya muli.Ang mga mata niya ay nakatingin ng mataman sa akin. Kahit parang tipid ang mga salita niya naghihintay pa rin siya ng maayos na sagot mula sa akin."Minsan." Pag-amin ko. Totoo naman iyon."Kapag wala rito ang mga bata tapos wala rin akong magawa. Hindi naman sa nagrereklamo ako na paulit-ulit nalang ang ginagawa ko araw-araw, tulad ng magluto, magdilig, maglinis ng bahay, maghugas... Pero minsan kasi, parang dahil sa paulit-ulit na iyon, parang nakakabagot na rin."Alam na alam ko na kung ano ang dapat gawin sa umaga hanggang sa gabi. Araw-araw ba naman na narito lang ako at iyon lang talaga ang magagawa ko. Sa laki ng mansyon niya at sa lahat ng mga bagay na narito, parang lahat ng iyon ay alam ko na.Tinitigan niya ako, matagal, nanunuri at parang may malalim na iniisip."What are your plans then, paano kapag umalis na ako?" Bigla'y tanong niya.Napaisip naman ako. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya
Aurora's Point of View"Miss Candice, saan po ito ilalagay?" Pinagmasdan ko ang hawak na mga paperbag ni Bert nang itaas niya iyon.Ngumiti ako sa kaniya. "Dalhin mo lahat iyan sa kwarto ng mga bata."Sinundan ko ng tingin si Snow at Winter na ngayon ay papaakyat na sa marmol na hagdan habang hawak ni Sonya. Nang makita kong papasok na sila ng mansyon bumaling ako sa ilan pang paperbag na nasa loob ng sasakyan na hindi nadala. Hindi ko alam na aabutin ng apat na oras ang pagpasyal at pagbili ng mga bagong laruan nila Snow at Winter.Nang makuha ang pitong malalaking paperbag doon naman nasira ang katahimikan ng paligid dahil sa ingay na galing sa cellphone. Sunod-sunod na ring at pagvibrate ng cellphone. Dali-dali kong hinalukay ang slingbag na dala at hinanap doon ang kulay itim na cellphone. Hindi ako maalam sa mga brand ng cellphone pero alam kong mamahalin iyon base na rin sa style at processing nito.Awtomatikong umangat ang sulok ng labi ko nang makita ang numero ni Alted."Hell
Aurora's Point of ViewHumarap ako sa kaniya at hindi mapigilang magtaka. Ako? May bisita?"Sino po?" Nakakunot noo kong tanong."Kamag-anak niyo po. Nasa harden po, kanina pa po iyon naghihintay." Mataman na sagot ng katulong bago umalis.Kamag-anak? Umawang ang labi ko at agad na nagkarera ang puso ko.Madali akong humakbang papunta sa harden at nakasabay ko pa si Nay Consing na papunta rin doon na may dalang meryenda.Nang tuluyan akong makalapit sa lilim ng punong mangga kung saan nakaupo sa upuang gawa sa kahoy ang isang pamilyar na babae, agad akong natigilan. Ang malapad nitong likod at ang buhok nitong bagsak dahil sa mga kimekal ay sobrang pamilyar sa akin."A-auntie Leonora?" Tawag ko, halos kapusin ng hininga.Mula sa panunuri sa mga halaman, bumaling ang kaniyang tingin sa akin at nang makita ako ay agad na tumayo at ngumiti."Candice!" Sigaw niya na may bahid ng tuwa.Umawang ang aking bibig hindi dahil nakumpirma kong siya nga, kung hindi sa pangalan na tinawag niya sa a
Aurora's Point of ViewMarahas akong umiwas ng tingin at mariin na tinikom ang bibig. Utang na loob ko pa ngayon ang lahat ng bagay na ito? Naisip niya pa iyon? Pinagplanuhan niya ito dahil sa kasakiman niya sa pera, kagaya na kagaya siya ni Auntie Pacita.Sa huli pera pa rin ang importante para sa kanila, wala ng ibang mahalaga kumpara sa pera. Gawain niya rin ba ito kay Candice noon? Posible, dahil ramdam ko ang kumpyansa niya ngayon na may maibibigay talaga ako sa kaniya kapalit ng ginawa niya."Wala akong pera." Matigas kong sagot.Nagsalubong ang kaniyang kilay."Imposible!" Maagap niyang sigaw. "Kaonti lang naman ang hinihingi ko sa'yong tulong."Halata ang pagkaagresibo sa boses niya at handa siyang ipagpilitan iyon. Anong akala niya? Na pumasok ako rito at nagtrabaho kay Alted bilang kinatawan ng asawa nitong si Candice at siniswelduhan ako kapalit no'n? Paano ako magkakaroon ng pera? Ano, trabaho ba ang pagpapanggap bilang si Candice?!Nagtatagis ang bagang ko dahil sa mati
Aurora's Point of View “Okay lang po kayo?” Tanong ni Sonya nang makita na tulala na naman ako. I cleared my throat. Dahan-dahan akong tumango at naghiwa na ng mga sangkap. Gabi na pero naiisip ko pa rin si Auntie Leonora at ang mukha niyang nakakabanas sa lahat. Maisip ko palang ang pagiging impokrita niya pagdating sa pera, kumukulo na agad ang dugo ko. Paano kung pinagplanuhan talaga ni Auntie Pacita at Auntie Leonora ang lahat ng ito para mahuthutan ng pera si Alted sa pamamagitan ‘ko? Teka… paano kung may kinalaman si Auntie Leonora sa pagkawala ni Candice? Paano kung may alam si Auntie kung nasaan si Candice? Hindi ba, dapat kausapin ko si Auntie? “Ah, Sonya?” Baling ko sa kaniya. “Pwede mo ba puntahan si Bert at sabihan na iparada sa tapat ng bahay ang sasakyan? Aalis kami, magbibihis lang ako.” “Ngayon?” Gulat na tanong ni Sonya. Alas syete na ng gabi kaya siguro nagulat siya na aalis pa rin ako. “Oo, tyaka tawagan mo si Nay Consing. Siya na muna rito sa kusina, sam
Aurora's Point of View Kung nasa pasugalan ngayon si Auntie Leonora, ibigsabihin nagsinungaling siya sa akin. Talagang gusto niya lamang makakuha ng pera galing kay Alted. Nagtagis ang bagang ko. Napaka-impokrita talaga ng mga tao! Napakasama nila. Kaya siguro hinayaan nila akong isama ng mga tauhan ni Alted noon, para ipalit kay Candice nang patuloy niya pa rin na mahuthutan ng pera si Alted! Ikinuyom ko ang kamao at naglakad palabas ng gate, ngunit napansin ko agad ang pagdaan ng isang motorsiklo. Umikot rin ito agad at pumarada hindi kalayuan. Kahit medyo malayo at madilim, nakita ko ang pamilyar na mukha ni Tanya. Nakaitim na strapless ito at puting skirt. Umawang ang aking labi habang sinusundan ng tingin si Tanya na hinalikan ang lalaking nakasakay sa motorsiklo nang makababa siya. Mas lalong nagngitngit ang kalooban ko. Iyan ba ang nasa ospital? Ganiyan ba ang hitsura ng naospital?! Mukhang pera na nga, sinungaling pa si Auntie Leonora! Dali-dali akong lumapit sa
Aurora's Point of View Nang sumunod na umaga, kabado ako dahil tumawag pala si Alted nang alas dyes nang gabi pero hindi ko nasagot. Natutulog na kami ng mga bata at hindi ko man lang narinig ang pagring ng cellphone ko kahit na nasa side table lang iyon. Pagkatapos na maghilamos, nagtipa agad ako ng mensahe para sa kaniya. To Alted: Good morning. Pasensya na, hindi ko nasagot kagabi ang tawag. Natutulog na ako at hindi napansin na tumatawag ka pala. Pasensya na talaga. Kagat ang ibabang labi na pinadala ko ang mensahe sa kaniyang numero. Pabalik-balik ako sa paanan ng kama dahil sa tensyon na nararamdaman. Kagabi, pagkatapos namin kumain nila Snow at Winter ng hapunan, bumalik kami sa taas at nagbasa ng mga libro. Ilang oras din kaming nagkwentuhan tungkol sa mga paborito nilang laruan, lugar, pagkain at kung ano-ano pa. Hindi ko na halos namalayan na nakatulog na pala ako. Hindi ko na maalala kung sino ang unang natulog sa aming tatlo. Napatalon ako sa gulat nang biglang
Aurora's Point of ViewKagabi, maayos pa naman si Manang Osmet sa pagkakaalala niya."Anong gamot ang kinuha ni Manang Osmet?" Tanong ko sa kaniya."Hindi ko po alam, pero parang gamot sa lagnat at sakit ng ulo?" Alanganin na sagot ni Lilac."Si Manang Osmet kasi hindi 'yan nagsasabi kapag may sakit. Minsan kahit na may sakit e gusto pa rin na nagtratrabaho siya. Kaya tingnan mo kami, nahihiya rin na hindi magtrabaho kapag may sakit." Sabat ni Nay Consing.Huminga ako ng malalim. Hindi rin naman maganda na nagtratrabaho kapag may sakit. Mahina ang katawan mo at may dinaramdam ka kaya dapat na magpahinga muna.May kakaibang kirot sa dibdib ko nang maalala kung paano ako pwersahan na pinagtratrabaho noon kahit pa may masakit sa katawan ko.Ibinaba ko ang kape at naglakad paalis ng kusina."Pupuntahan ko lang si Manang Osmet." Paalam ko sa kanila.Ang katapat na hallway ang siyang patungo sa kuwarto ni Manang Osmet, at diretso pa nito ay siyang maids quarter."Manang?" Katok ko sa kaniya
Aurora's Point of View Siya ang unang nagbawi ng tingin upang balingan ng tingin si Elizabeth. Alted. He's here. "Pinayagan kaming sumama ni Daddy." Ani Winter. Nakita ko ang pagtango ni Elizabeth sa sinabi ni Alted na hindi ko narinig dahil sumabay si Winter. Naunang naglakad ang babae palabas, sumulyap sa amin ulit si Alted at sumunod din palabas ng bahay. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa maglakad sila palayo. Patungo sa pool side sa labas. Pumitik ako sa reyalidad at ibinalik ang atensyon sa dalawang prinsesita na yakap ko. "G-gusto niyong kumain? Nagbreakfast na ba kayo?" Tanong ko. Masyado pang maaga, baka hindi pa sila kumakain. Mariin ang titig sa akin ni Winter, samantalang nakangiti naman ng magaan si Snow. "Done na Mommy." Sagot ni Snow na ipinulupot muli ang dalawang kamay sa batok ko. Lumapit siya para patakan ng halik ang pisngi ko. Humagikhik siya pagkatapos. Natigilan ako, hindi dahil sa paghalik at sa paghagikhik niya, napatulala ako sa kaniya nang mai
Aurora's Point of ViewMalaki pa rin ang ngiti sa labi ni Snow nang nagmamadaling tumakbo papunta sa pinto ng bahay.Wala akong lakas para suklian ang matamis niyang ngiti, pero nang marinig ko ang boses niya, parang hinaplos ng mainit na kamay ang puso ko.Bumalot agad ang matinding kasiyahan sa sistema ko, kasabay ng pagragasa ng pangungulila sa bawat parte ng pagkatao ko, dahilan para mangilid ang luha sa mga mata ko.My heart is aching deep inside. Ang alam ko masaya ako, sobrang saya, pero bakit nakakaramdam ako ng matinding kirot sa kaibuturan ng puso ko?Sinalubong sila ni Elizabeth para pagbuksan ng pinto dahil hindi ko na magawang umalis sa kinatatayuan ko.Dire-diretso naman si Snow sa pagpasok ng bahay nang mabuksan ang pinto, hindi na niya halos tinapunan ng tingin ang kaniyang Tita Liza dahil nagmamadali siyang tumakbo papunta sa akin.She held her small arms up. Patakbo siyang lumapit at umamba ng yakap."Mommy!" She excitedly shouted.Idinipa niya ang mga kamay kaya aga
Aurora's Point of View Isinubo niya ang tinapay bago nagpatuloy. "Oo, nagkamali ka. Sabihin natin na nagsinungaling ka sa kanila, pero may ginawa ka ba na ikinasama nila? Wala naman, hindi ba? Naging mabuti ka sa kanila." Ibinaba niya muli ang pagkain at matiim akong tinitigan. "Nasaktan lang si Kuya Alted kasi huli na para malaman niya ang totoo at hindi pa iyon gaanong maliwanag sa kaniya. He was shocked to know the truth! Kahit naman ako, noong nalaman ko ang totoo, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Hindi madali na tanggapin na lang iyon agad, Aurora. Naguluhan din ako." Naalala ko bigla na hindi siya agad naging mabait sa akin. Kahit na inaalagaan nila ako ni Nexon, nakikita ko pa rin sa kaniyang mga mata ang pag-aalinlangan, ang pagkamuhi, at ang pagkalito. It was hard. Kahit sa sarili ko noon, hindi ko magawang tanggapin agad na magkapatid kami ni Candice kaya magkamukhang-magkamukha kami. "If you really love my cousin, as well as the kids, hindi ba dapat na
Aurora's Point of View "We are just going to visit them, Aurora. Hindi naman tayo matutulog sa bahay ni Kuya Alted, babalik din tayo agad kapag palubog na ang araw! Or even before the sun sets!" Puno ng frustrasyon ang boses ni Elizabeth. Tiningnan ko siya at nagbuntong-hininga. Sumunod siya sa akin nang pumasok ako sa kusina. Hindi maipinta ang kaniyang mukha at halatang nasira na ang kaniyang umaga dahil sa patuloy kong pagtanggi. Gusto ko naman e, gustong-gusto kong sumama, pero hindi ko pa kaya. Kahit anong pilit ko sa sarili. Kahit akong kumbinsi ko. Naduduwag pa rin ako. Maisip ko pa lang na makikita ko si Alted sa bahay niya kapag bumisita kami ngayong araw ay para na akong binubuhusan ng malamig na tubig. Wala akong mukhang ihaharap sa kaniya. Ayaw ko rin pahirapan ang mga bata. Naiintindihan ko ang galit ni Alted sa akin. Naiintindihan ko kung hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa akin. Wala nang dahilan para tanggapin niya ako sa pamamahay niya. Sabihin man natin na
Aurora's Point of ViewHapon nang makabawi ako sa lahat ng pagkakatulala at pagkawala sa sarili. Ang dami kong iniisip, dahilan para mapagod na lamang ako at walang magawa sa buong maghapon.Alas kuatro y media nang bumaba ako at maabutan sa sala si Elizabeth na mag-isang nanonood ng romantic movie.Nag-order pa siya ng dalawang pizza na ngayon ay nakapatong sa coffee table kasama ang popcorn at juice. Napailing ako sa sarili. Akala ko nasa taas siya at nagkukulong sa kuwarto.Lumapit ako at tumabi sa kaniya sa pagkakaupo sa mahabang sofa. Saglit niya akong nilingon at ibinalik din agad ang tingin sa flatscreen.“What happened to your eyes?” Tanong niya, ngunit ang mga mata ay nakapako na sa television.Hindi ko siya sinagot.Umupo ako sa kabilang dulo. Siya naman ay nakaupo rin sa kabilang dulo ng sofa. Ang kaniyang mga paa ay nakapatong sa sofa, bahagya siyang nakaharap sa akin, ngunit ang kaniyang ulo ay nakatutok sa flatscreen.“Get yourself some pizza.” Aniya.Iniabot niya sa aki
Aurora's Point of View I shifted on my seat. Ngayon ko lang din napansin na halos hindi na ako humihinga dahil sa pakikinig sa kaniya. "Nabuntis niya si Candice, but she didn't really love him. She has a lover in Lanayan. Iyong kababata niya, kaya ayaw niyang dito magpakasal para hindi malaman ng lalaking iyon na kasal na siya kay Kuya Alted. Pero sa huli, nalaman din ng lalaki, ang Auntie mismo ni Candice ang nagsabi do’n sa lalaki kaya ayon," umiling siya. "Nagpakamatay." Patuloy siya sa pag-iling. "Nasa ibang bansa pa no'n sila Kuya Alted, kaya nang makauwi, huli na nang nalaman ni Candice. Then everything turned out complicated. Sinisi niya si Kuya Alted sa lahat. Muntik niya pang ipalaglag sila Snow at Winter dahil sa galit na nararamdaman dahil sa pagpapakamatay no’ng lalaki. Mas lalo pa akong nagalit sa kaniya kasi lumabas lang na hindi niya naman pinakasalan si Kuya Alted dahil gusto niya, pinakasalan niya alang-alang sa pera. Goodness!" Naramdaman kong lumalamig na ang ga
Aurora's Point of View"Twelve years old lang siya no’n nang mangyari ang aksidente. Tita Dem and Tito Astren didn't make it. They were declared dead on arrival. Si Kuya Alted lang ang nakaabot sa ospital." Humina ang kaniyang boses at tuluyan siyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga."It was hard for him. Bata pa siya masyado para maiwan mag-isa. Kaya dinala siya ni Papa sa bahay noon para sa amin muna tumira hanggang sa gusto niya. Maraming naiwan na ari-arian at negosyo sila Tito Astren kaya si Papa muna ang humawak no’n habang hinihintay si Kuya Alted na makapagtapos, dahil siya lang naman ang magmamana ng lahat sa huli. Si Papa at Mama muna ang kumupkop at tumayong magulang sa kaniya."Marahil, iyon din ang rason kung bakit sobrang lapit ni Alted kay Elizabeth at kay Nexon. Magkakasama pala silang lumaki."Madalas, nakikita ko siyang umiiyak ng tahimik sa kaniyang kuwarto. Bata pa ako masyado para mapansin ang mga problema ng ibang tao, pero sa tuwing nakikita ko siyang u
Aurora's Point of ViewAlas nuebe nang gabi nang bumaba ako sa kusina para magtimpla ng gatas. Madalas, nahihirapan akong makatulog lalo na kung marami ang iniisip. Kaya bumababa ako para magtimpla ng gatas.Matatanaw mula sa dining area ang malaking swimming pool sa labas. Bago dumiretso sa kusina, nasulyapan ko ang pamilyar na pigura ni Elizabeth na nakatayo malapit sa pool.Mukhang may kausap siya dahil hawak niya ang kaniyang cellphone malapit sa tainga.Saglit na kumunot ang noo ko nang makitang pabalik-balik siya, tila hindi mapakali.Baka may problema?Kaysa tumuloy sa kusina, dumiretso ako sa double doors para lumabas ng bahay. Aligaga masyado si Elizabeth, baka mayroong problema."Of course not, Kuya!"Hindi marinig mula sa loob ang kaniyang boses, pero ngayon na nasa labas na ako'y napuno agad ng galit niyang tono ang pandinig ko."Why is it that it's my fault now? Masisisi mo ba ako kung nagalit din ako sa ginawa niya do’n sa tao? He was unfair! Dapat lang na may makuha siy
Aurora's Point of View "No, it's okay." Maagap na tugon ni Deo. Seryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "Virginia is just messing around, Aurora. I'm sorry." Dagdag niya. "She really likes to sell me around like a pizza." I awkwardly smiled at him. Hindi ko alam kung seryoso siya o hindi, pero ayaw kong makipag-date na lang ng ganoon. Kahit pa biro lang ni Virginia, mas mabuti nang malinaw sa amin. Marahan na tumawa si Virginia. "Ang hina mo talaga sa babae, Deo." Tumawa rin si Elizabeth. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa nangyari. "We have to go. Mauna na kami sa inyo." Paalam ni Elizabeth. Nilingon niya ako at tumango. Naglakad kami paalis, ngunit sa may pinto pala naghihintay ang sales lady na may dalang limang paper bag. "Thank you for purchasing, Miss Dela Fuente." Nakangiting sabi ng sales lady. Tinanggap ni Elizabeth ang paper bags at tumango. Lumabas kami sa store. Dala ko ang mga pinamili niya para sa kambal, samantalang dala naman niya ang mga bagong pape