Aurora's Point of ViewTUMAGAL pa lalo ang tingin ko sa mga litratong nasa album. Candice, lahat iyon mga picture ni Candice. Tila may kung anong kumirot sa dibdib ko nang makita ulit ang larawan nila ni Alted kasama si Snow at si Winter. Walang ngiti sa labi ni Candice at matalim ang mga matang nakatingin sa camera.Samantalang may munting ngiti naman sa labi si Alted habang malaki ang pagkakangiti ni Snow at ni Winter. Kung hindi ako nagkakamali apat na taon pa lang dito ang kambal. Hindi ko mapigilang hindi haplusin ang larawan habang sumisigid ang kirot sa kaibuturan ng puso ko. May mga bagay na kinaiinggitan ko sa ibang tao, katulad ng masayang pamilya at karapatang mabuhay ng malaya, pero si Candice, lahat ng bagay sa kaniya kinaiinggitan ko. Hindi ko pa man siya nakikita at nakakasama pakiramdam ko gusto kong maging ako na lang siya. Hindi sa paraang lahat ng pagkatao niya ay maging ako, gusto ko lamang magkaroon ng masayang pamilya, kuntentong buhay at karapatan sa mga bagay
Aurora's Point of ViewNag-iwas ako ng tingin at tumungo. Ang kakaibang bilis ng tibok ng puso ko ang siyang nagpapatunay na bawat salita ni Manang Osmet ay tumatagos sa pagkatao ko. Magsimula ulit? Kalimutan ang dating Candice?Pwede ba iyon? Pwede bang si Aurora na lang ako at hihiramin ko lang ang pangalan ni Candice? Hindi ko kailangan maging siya, hindi ko kailangan kopyahin ang lahat sa kaniya. Sapat na iyong kilala nila ako sa ibang pangalan, pangalan lang ang hihiramin ko."Maiwan na muna kita." Ani Manang Osmet at ngumiti sa akin.Ngumiti rin ako pabalik at tumango. Naglakad siya palayo kaya muli akong naiwang mag-isa habang pinapakiramdam ang ihip ng hangin.Humugot ako ng malalim na hininga at pilit kinalma ang sarili. Ayaw kong sumunod kay Manang Osmet sa loob na ganito ang nararamdaman ko.Kaya naman, hinayaan kong lumipas ang ilan pang minuto habang nililibang ang sarili at inuubo ang watermelon shake. Nang maramdaman kong kaya ko na ulit humarap sa mga tao, saka lamang
Aurora's Point of ViewNang bumalik ako sa taas ay naabutan ko silang nagliligpit ng mga laruan, marahil ay nakaramdam na babalik na ako. Simula nang hayaan na ako ni Alted na makalapit sa mga bata ay palagi na akong pumupunta sa kanilang kuwarto tuwing matutulog na sila at kinakantahan sila hanggang sa makatulog na nga. Umaalis lamang ako kapag alam kong mahimbing na ang tulog nila."Mommy?" Ani Snow na nakahiga na't katabi si Winter."Hmm?""Bati na kayo ni Daddy?" Inosinte niyang tanong.Tiningnan ko siya't saglit na napatawa. Ngunit hindi ko na nagawang sagutin ang tanong niya. Tumango lang ako at hindi na nagsalita ng kahit na ano.I started singing lullabies for them to fall asleep. Hindi mahirap patulugin ang kambal, marahil nasanay na sila. Kaya ilang minuto lang ang lumipas ay nakatulog nga sila. Umuklo ako para halikan ang kanilang mga noo bago lumabas ng silid.Natigilan ako nang makita si Alted na naglalakad sa pasilyo habang may kausap sa cellphone. Tinapunan niya ako ng
MAAGA akong nagising para ipaghanda ng almusal ang kambal. Katulad ng mga nagdaang araw, payak at payapa ang lahat. Nasasanay na rin ako sa lahat, paunti-unti ay natututo akong makibagay sa lahat ng tao rito— including Alted. Mas madalas na kami ngayon mag-usap kahit pa minsan kinakabahan ako kapag malapit siya. Madalas ay nagtatanong siya tungkol sa kaniyang mga anak, at kung minsan nagtatanong kung kamusta ang araw ko. Kapag tinatanong niya ang araw ko pakiramdam ko kahit papaano sinusubukan na niyang pakawalan ako sa hawla. Noong una ko rito, alam ko sa sarili ko na kahit gaano pa kalaki ang mansyon, kahit gaano pa karangya ang lahat ng bagay dito at kahit anong ganda ng paligid para pa rin akong nakakulong... hindi pa rin malaya.Nitong mga nagdaang araw lang naging maayos kahit papaano ang lahat. Parang naging bahay na ang tingin ko sa dating tinuturing kong hawla.Alas kuatro pa lang nang umaga kaya alam kong mamaya pa si Sonya pupunta sa kusina. Sa katunayan mas nauuna pa
Saglit akong natigilan nang marinig iyon. His voice was mixed of amusement and a soft groaned of confusion. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong matuwa dahil nagustuhan niya iyon o dapat na kabahan dahil mukhang unang beses niyang makatikim ng kape na gawa ko. Hindi ba siya ginagawan ng kape noon ni Candice? Kinagat ko ang ibabang labi at piniling hindi na lamang siya kibuin. Itinutok ko ang atensyon sa ginagawa hanggang sa marinig ko ang langitngit ng kaniyang upuan at yabag ng kaniyang mga paa. Nasulyapan ko ang paglapit niya sa sink at ang paghugas ng ginamit na tasa. Kumunot ang noo ko nang makita iyon. Dapat hindi na niya ginawa at hinintay na lamang ako. "Ako na, Alted." Sinubukan ko siyang pigilan pero umiling lamang siya. "Ako na." May pinalidad niyang sabi. Kaya tumango na lamang ako at hinayaan siya. Akala ko ay babalik siya sa kinauupuan niya pagkatapos pero lumapit siya sa akin at mula sa likod ko ay sinilip niya ang ginagawa kong pagbatik ng mga itlog sa lalagyan
Mga yabag ng paa ang nagpaangat ng tingin ko at nakita si Sonya kasama ang isa pang katulong na hindi ko kilala. Nang makita nila kami may pag-aalangan sa kanila kung lalapit ba o aalis.Kumunot ang noo ko at nilingon si Alted na ngayon ay parang hindi nakakaramdam dahil kumuha na naman ng isa at inilagay iyon sa unang plato na nilagyan ko kanina. Kinalat niya ang syrup sa ibabaw ng pancake at kumain."Let her cook. Alone." Nilingon niya ang mga kasambahay."Ah... Ah, sige po Señorito." Nag-aalinlangan na tugon ng mga kasambahay.Masunurin nga yata sila Sonya dahil tumango lang sila at agad na umalis. Hindi ko alam kung saan sila magpupunta.Sira ba siya?Hindi naman sa nagrereklamo ako na pinagluluto niya ako mag-isa pero kahit papaano gusto ko rin naman humingi ng tulong kay Sonya para mapadali ang gawain. Mamaya lang ay magigising na sila Snow at Winter."What?" Aniya nang makitang nakatingin ako sa kaniya.Tiningnan ko ng mabuti ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Hindi ko mabasa. H
Aurora's Point of ViewHindi ko kailanman naisip na ang makasabay sila sa hapag-kainan ngayon ay siyang kukumpleto sa umaga ko. Tanging pag-ngiti lang ang nagawa ko nang makitang nagustuhan ni Winter ang pancake lalo na nang strawberry syrup ang inilagay niya sa ibabaw nito habang chocolate naman ang pinili ni Snow. Simpleng almusal lang iyon pero naramdaman kong kakaiba iyon sa mga umaga na nagkaroon ako noon. Si Alted ang nakaupo sa kabisera habang nasa kanan naman niya ako at katapat ko si Snow na katabi naman si Winter. Kahit pa hindi ko magawang tingnan ng diretso si Alted, paminsan-minsan naman ay sinusulyapan ko siya."I like the pancake, Mommy." Masayang sabi ni Snow."I like it too." Segunda ni Winter.Nginitian ko sila, tuwang-tuwa dahil nagustuhan nila ang luto ko.Nang matapos kaming mag-almusal, pumanhik kami paakyat nila Snow at Winter dahil kailangan na silang paliguan. Mamaya lang ay darating na ang tutor nila. Si Alted naman ay nagtungo sa kaniyang kwarto para maghan
Aurora's Point of ViewNaabutan ko si Sonya na may hawak na gitara bago pa man kami makarating sa bulwagan na magdadala sa likod ng bahay. Mas gusto ko iyon doon dahil malawak ang tanaw kong kapaligiran, maraming puno na pinasadya at may iron chair na naroon at isang pabilog na mesa na gawa sa matigas na punong kahoy."Saan mo iyan dadalhin, Sonya?" Baling ko sa kaniya at hinayaang maiwan ni Manang Osmet dahil tumuloy ito sa paglalakad.Tiningnan niya ang gitara at kunot ang noong bumaling ulit sa akin."Ito po?" Itinaas niya pa ng bahagya ang gitarang dala.Tumango ako."Kay Bert po ito." Sagot niya at pinamulahan agad ng pisngi."Dadalhin ko sana sa kaniya, hiniram ko po kasi kahapon."Ni hindi na niya ako kayang tingnan ng diretso kaya napatawa naman ako. Bakit ba namumula siya sa tuwing binabanggit si Bert?"Pwede bang mahiram saglit?"Kung kanina ay nahihiya siyang tingnan ako, ngayon naman ay nanlaki ang mata niya at tila nagulat pa sa sinabi ko. Ngumiwi siya pero kalaunan iniab
Aurora's Point of View Siya ang unang nagbawi ng tingin upang balingan ng tingin si Elizabeth. Alted. He's here. "Pinayagan kaming sumama ni Daddy." Ani Winter. Nakita ko ang pagtango ni Elizabeth sa sinabi ni Alted na hindi ko narinig dahil sumabay si Winter. Naunang naglakad ang babae palabas, sumulyap sa amin ulit si Alted at sumunod din palabas ng bahay. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa maglakad sila palayo. Patungo sa pool side sa labas. Pumitik ako sa reyalidad at ibinalik ang atensyon sa dalawang prinsesita na yakap ko. "G-gusto niyong kumain? Nagbreakfast na ba kayo?" Tanong ko. Masyado pang maaga, baka hindi pa sila kumakain. Mariin ang titig sa akin ni Winter, samantalang nakangiti naman ng magaan si Snow. "Done na Mommy." Sagot ni Snow na ipinulupot muli ang dalawang kamay sa batok ko. Lumapit siya para patakan ng halik ang pisngi ko. Humagikhik siya pagkatapos. Natigilan ako, hindi dahil sa paghalik at sa paghagikhik niya, napatulala ako sa kaniya nang mai
Aurora's Point of ViewMalaki pa rin ang ngiti sa labi ni Snow nang nagmamadaling tumakbo papunta sa pinto ng bahay.Wala akong lakas para suklian ang matamis niyang ngiti, pero nang marinig ko ang boses niya, parang hinaplos ng mainit na kamay ang puso ko.Bumalot agad ang matinding kasiyahan sa sistema ko, kasabay ng pagragasa ng pangungulila sa bawat parte ng pagkatao ko, dahilan para mangilid ang luha sa mga mata ko.My heart is aching deep inside. Ang alam ko masaya ako, sobrang saya, pero bakit nakakaramdam ako ng matinding kirot sa kaibuturan ng puso ko?Sinalubong sila ni Elizabeth para pagbuksan ng pinto dahil hindi ko na magawang umalis sa kinatatayuan ko.Dire-diretso naman si Snow sa pagpasok ng bahay nang mabuksan ang pinto, hindi na niya halos tinapunan ng tingin ang kaniyang Tita Liza dahil nagmamadali siyang tumakbo papunta sa akin.She held her small arms up. Patakbo siyang lumapit at umamba ng yakap."Mommy!" She excitedly shouted.Idinipa niya ang mga kamay kaya aga
Aurora's Point of View Isinubo niya ang tinapay bago nagpatuloy. "Oo, nagkamali ka. Sabihin natin na nagsinungaling ka sa kanila, pero may ginawa ka ba na ikinasama nila? Wala naman, hindi ba? Naging mabuti ka sa kanila." Ibinaba niya muli ang pagkain at matiim akong tinitigan. "Nasaktan lang si Kuya Alted kasi huli na para malaman niya ang totoo at hindi pa iyon gaanong maliwanag sa kaniya. He was shocked to know the truth! Kahit naman ako, noong nalaman ko ang totoo, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Hindi madali na tanggapin na lang iyon agad, Aurora. Naguluhan din ako." Naalala ko bigla na hindi siya agad naging mabait sa akin. Kahit na inaalagaan nila ako ni Nexon, nakikita ko pa rin sa kaniyang mga mata ang pag-aalinlangan, ang pagkamuhi, at ang pagkalito. It was hard. Kahit sa sarili ko noon, hindi ko magawang tanggapin agad na magkapatid kami ni Candice kaya magkamukhang-magkamukha kami. "If you really love my cousin, as well as the kids, hindi ba dapat na
Aurora's Point of View "We are just going to visit them, Aurora. Hindi naman tayo matutulog sa bahay ni Kuya Alted, babalik din tayo agad kapag palubog na ang araw! Or even before the sun sets!" Puno ng frustrasyon ang boses ni Elizabeth. Tiningnan ko siya at nagbuntong-hininga. Sumunod siya sa akin nang pumasok ako sa kusina. Hindi maipinta ang kaniyang mukha at halatang nasira na ang kaniyang umaga dahil sa patuloy kong pagtanggi. Gusto ko naman e, gustong-gusto kong sumama, pero hindi ko pa kaya. Kahit anong pilit ko sa sarili. Kahit akong kumbinsi ko. Naduduwag pa rin ako. Maisip ko pa lang na makikita ko si Alted sa bahay niya kapag bumisita kami ngayong araw ay para na akong binubuhusan ng malamig na tubig. Wala akong mukhang ihaharap sa kaniya. Ayaw ko rin pahirapan ang mga bata. Naiintindihan ko ang galit ni Alted sa akin. Naiintindihan ko kung hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa akin. Wala nang dahilan para tanggapin niya ako sa pamamahay niya. Sabihin man natin na
Aurora's Point of ViewHapon nang makabawi ako sa lahat ng pagkakatulala at pagkawala sa sarili. Ang dami kong iniisip, dahilan para mapagod na lamang ako at walang magawa sa buong maghapon.Alas kuatro y media nang bumaba ako at maabutan sa sala si Elizabeth na mag-isang nanonood ng romantic movie.Nag-order pa siya ng dalawang pizza na ngayon ay nakapatong sa coffee table kasama ang popcorn at juice. Napailing ako sa sarili. Akala ko nasa taas siya at nagkukulong sa kuwarto.Lumapit ako at tumabi sa kaniya sa pagkakaupo sa mahabang sofa. Saglit niya akong nilingon at ibinalik din agad ang tingin sa flatscreen.“What happened to your eyes?” Tanong niya, ngunit ang mga mata ay nakapako na sa television.Hindi ko siya sinagot.Umupo ako sa kabilang dulo. Siya naman ay nakaupo rin sa kabilang dulo ng sofa. Ang kaniyang mga paa ay nakapatong sa sofa, bahagya siyang nakaharap sa akin, ngunit ang kaniyang ulo ay nakatutok sa flatscreen.“Get yourself some pizza.” Aniya.Iniabot niya sa aki
Aurora's Point of View I shifted on my seat. Ngayon ko lang din napansin na halos hindi na ako humihinga dahil sa pakikinig sa kaniya. "Nabuntis niya si Candice, but she didn't really love him. She has a lover in Lanayan. Iyong kababata niya, kaya ayaw niyang dito magpakasal para hindi malaman ng lalaking iyon na kasal na siya kay Kuya Alted. Pero sa huli, nalaman din ng lalaki, ang Auntie mismo ni Candice ang nagsabi do’n sa lalaki kaya ayon," umiling siya. "Nagpakamatay." Patuloy siya sa pag-iling. "Nasa ibang bansa pa no'n sila Kuya Alted, kaya nang makauwi, huli na nang nalaman ni Candice. Then everything turned out complicated. Sinisi niya si Kuya Alted sa lahat. Muntik niya pang ipalaglag sila Snow at Winter dahil sa galit na nararamdaman dahil sa pagpapakamatay no’ng lalaki. Mas lalo pa akong nagalit sa kaniya kasi lumabas lang na hindi niya naman pinakasalan si Kuya Alted dahil gusto niya, pinakasalan niya alang-alang sa pera. Goodness!" Naramdaman kong lumalamig na ang ga
Aurora's Point of View"Twelve years old lang siya no’n nang mangyari ang aksidente. Tita Dem and Tito Astren didn't make it. They were declared dead on arrival. Si Kuya Alted lang ang nakaabot sa ospital." Humina ang kaniyang boses at tuluyan siyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga."It was hard for him. Bata pa siya masyado para maiwan mag-isa. Kaya dinala siya ni Papa sa bahay noon para sa amin muna tumira hanggang sa gusto niya. Maraming naiwan na ari-arian at negosyo sila Tito Astren kaya si Papa muna ang humawak no’n habang hinihintay si Kuya Alted na makapagtapos, dahil siya lang naman ang magmamana ng lahat sa huli. Si Papa at Mama muna ang kumupkop at tumayong magulang sa kaniya."Marahil, iyon din ang rason kung bakit sobrang lapit ni Alted kay Elizabeth at kay Nexon. Magkakasama pala silang lumaki."Madalas, nakikita ko siyang umiiyak ng tahimik sa kaniyang kuwarto. Bata pa ako masyado para mapansin ang mga problema ng ibang tao, pero sa tuwing nakikita ko siyang u
Aurora's Point of ViewAlas nuebe nang gabi nang bumaba ako sa kusina para magtimpla ng gatas. Madalas, nahihirapan akong makatulog lalo na kung marami ang iniisip. Kaya bumababa ako para magtimpla ng gatas.Matatanaw mula sa dining area ang malaking swimming pool sa labas. Bago dumiretso sa kusina, nasulyapan ko ang pamilyar na pigura ni Elizabeth na nakatayo malapit sa pool.Mukhang may kausap siya dahil hawak niya ang kaniyang cellphone malapit sa tainga.Saglit na kumunot ang noo ko nang makitang pabalik-balik siya, tila hindi mapakali.Baka may problema?Kaysa tumuloy sa kusina, dumiretso ako sa double doors para lumabas ng bahay. Aligaga masyado si Elizabeth, baka mayroong problema."Of course not, Kuya!"Hindi marinig mula sa loob ang kaniyang boses, pero ngayon na nasa labas na ako'y napuno agad ng galit niyang tono ang pandinig ko."Why is it that it's my fault now? Masisisi mo ba ako kung nagalit din ako sa ginawa niya do’n sa tao? He was unfair! Dapat lang na may makuha siy
Aurora's Point of View "No, it's okay." Maagap na tugon ni Deo. Seryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "Virginia is just messing around, Aurora. I'm sorry." Dagdag niya. "She really likes to sell me around like a pizza." I awkwardly smiled at him. Hindi ko alam kung seryoso siya o hindi, pero ayaw kong makipag-date na lang ng ganoon. Kahit pa biro lang ni Virginia, mas mabuti nang malinaw sa amin. Marahan na tumawa si Virginia. "Ang hina mo talaga sa babae, Deo." Tumawa rin si Elizabeth. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa nangyari. "We have to go. Mauna na kami sa inyo." Paalam ni Elizabeth. Nilingon niya ako at tumango. Naglakad kami paalis, ngunit sa may pinto pala naghihintay ang sales lady na may dalang limang paper bag. "Thank you for purchasing, Miss Dela Fuente." Nakangiting sabi ng sales lady. Tinanggap ni Elizabeth ang paper bags at tumango. Lumabas kami sa store. Dala ko ang mga pinamili niya para sa kambal, samantalang dala naman niya ang mga bagong pape