But life’s too ironic. Noong wala naman siyang pera, hinahamak naman siya ng mga tao. Binababa ang kaniyang dignidad, pinagtatawanan, inaalipusta, at kulang nalang ay gawin siyang alipin— hindi, naging alipin nga pala siya ng pamilya ni Silvestre, dahil akala nila’y galing lamang siya sa pobreng pamilya. Kapag mayaman ka, umaabuso ka. Kapag naman mahirap ka, inaabuso ka. Sadyang iyon talaga ang katotohanan ng buhay, hindi para sa lahat ang maayos at masayang pamilya. Bumukas ang pinto. Akala niya ay si Blue ang pumasok, ngunit kumunot lamang ang kaniyang noo nang makita si Silvestre. Dahan-dahan siyang umayos ng upo. Pinagtaasan niya ng kilay ang lalaki habang naglalakad ito palapit. Walang kasamang iba ang lalaki, mukhang wala rin sa labas si Blue kaya hindi napigilan si Silvestre na pumasok. “What brought you here Mr. Galwynn?” Malamig niyang tanong sa lalaki. May kutob siyang dahil iyon sa pagkakaaresto ni Drawin kaninang umagau kaya ngayon ay sumugod sa kaniyang harap si Silv
May kakaibang emosyon sa puso ni Silvestre. Hindi niya gusto na mabigat ang kaniyang loob kahit na alam naman niyang hindi dapat siya nagpapaapekto kay Aeverie Cuesta.The f*ck is wrong with me? Iritado niyang tanong sa sarili nang mapansin na hanggang sa makauwi siya ng bahay ay hindi pa rin nawawala ang galit sa kaniyang puso.Hindi ba’t mas magiging maayos na ang lahat lalo pa ngayon na napawalang-bisa ang kanilang kasal? Hindi ba’t nasulusyunan na ang problema sa kanilang divorce? Tama naman si Aeverie, hindi n nila kailangan na magfile ng divorce dahil simula’t sapul hindi naman sila talagang ikinasal. Peke iyon, at walang basehan.Ngunit bakit ganito ang kaniyang nararamdaman? Kanina lamang ay galit na galit siya dahil ipinadala ni Aeverie ang dukumentong magpapatunay na walang basehan ang kanilang kasal sa opisina ng kaniyang abuelo.Nagpapagaling pa ngayon sa ospital ang matanda, baka matagalan na bago iyon makita ni Abuelo kaya siya na mismo ang kumuha no’n para tingnan kung
Bakas sa mukha ni Arsen ang gulat dahil sa pagsagot nito. Ang lakas ng loob nitong magsalita ng ganoon sa kaniyang harap! “You!” Dahil sa pagkapahiya at pagkainsulto, nakahanap siya ng lakas para bumangon. “Ang kapal—” “Kung gusto mong magsumbong Miss Espejo, bakit hindi ka pumasok at gawin mo na ngayon.” Pinutol siya agad ni Manang Petrina. “Kung mahihikayat mo ang Señorito na alisin ako sa trabaho, magpapasalamat pa ako sa iyo. Matagal ko na gustong magretiro sa trabaho, hindi lamang ako makahanap ng magandang dahilan para paalisin nila ako. Sige, Miss Espejo, sabihin mo kay Silvestre ang gusto mong sabihin nang malaman natin kung hanggang saan mo kayang impluwensyahan ang desisyon ni Silvestre. Hindi ako natatakot, at walang ako dapat katakutan.” Matapang nitong sabi. Nagtagis ang bagang ni Arsen. Gusto na lamang niyang sampalin ang mukha ng matandang si Petrina para matahimik na ito, pero hindi na niya gustong mag-aksaya ng panahon at lakas sa pakikipagbangayan sa babae kaya
Hindi na maipinta ang mukha ni Manang Petrina. Akala niya ay matitiis na talaga ni Silvestre ang babaeng ito. Nagkamali pala siya.Bakit hindi makita ni Silvestre na isa lamang itong bitag ni Arsen para kaawaan ng lalaki?Napakat*nga ng kaniyang alaga. Akala pa naman niya’y nakapag-isip na ito ng mabuti at sa wakas ay sumapi na ang magandang espiritu sa katawan nito.Napailing siya, ipinakita niya kay Silvestre ang kaniyang pagkadismaya.Lumapit ang isang katulong, nagdala ng payong para kay Silvestre. Tinanggap naman iyon ng lalaki. Nang maglakad palapit si Silvestre sa pinto, humakbang na rin si Manang Petrina.“Kung lalabas ka para kausapin si Miss Espejo, isipin mo ng mabuti ang mga bibitiwan mong salita. Huwag kang mangangako sakaling madala ka ng awa.”Tumigil lamang saglit si Silvestre, ngunit hindi sa kaniya lumingon. Muli itong naglakad palabas ng mansyon nang matapos siyang magsalita.Huminga naman ng malalim si Manang Petrina at sinundan ng tingin ang lalaki.Sa labas ay ni
“The Cuestas were too much! H-hindi, hindi namin kayang labanan sila, Silver. Please, please, help us. My family is going bankrupt, and if my brother becomes a prisoner, our family will fall apart! Please…”Nanginginig na siya sa takot na baka tanggihan pa rin siya ni Silvestre. They’re already at the bottom. Wala nang ibang tutulong pa sa kanila kung hindi ang mga Galwynn na lamang.Kahit paano, may laban ang mga Galwynn sa mga Cuesta, kaya kung tutulungan siya ni Silvestre ay baka maipanalo pa nila ang kaso ni Darwin.Ngunit sa puso ni Silvestre, desidido siyang turuan ng leksyon si Darwin. Ang kapatid ni Arsen ang nagdala ng problemang ito sa kanilang pamilya. Kaya labas siya sa problemang iyon.Hindi niya maitatanggi na mahal niya si Arsen at kaya niyang gawin ang lahat para sa minamahal niyang babae… ngunit hindi lamang ang e-tolerate ang mga maling gawain ng pamilya nito.Lahat ng kaniyang pangako kay Arsen ay tinutupad niya, maging ang pangako niyang pakakasalan ito pagkatapos
“Akala ko ba ay mahihikayat mo si Silver na tulungan tayo?” Frustrated nitong tanong. “Ano pa bang silbi mo sa pamilyang ‘to, Arsen? Hindi ba’t fiancé mo naman na si Silver? Bakit wala siyang magawa para tulungan ka, ha? Hindi ka ba niya mahal? Hindi niya ba kayang sumunod sa gusto mo at magsakripisyo para sa iyo?” Hindi siya nakasagot. Itinanong niya rin iyon kay Silver kanina, kung mahal pa ba siya nito. Ngayon ay ang kaniyang Daddy naman ang nagtatanong sa kaniya tungkol sa nararamdaman ni Silver para sa kaniya. Hindi niya masagot. Hindi niya alam ang sasabihin. “Ano pang silbi mo? Ano pang dahilan na naging anak kita?” Puno ng pagkadismaya ang tono ng boses ng kaniyang ama. Parang daan-daang kutsilyo ang ibinabaon sa dibdib ni Arsen. Hindi na normal ang kaniyang paghinga dahil sa pinaghalong galit at sakit. Noon pa man, talagang paboritong anak na ni Alvi si Darwin. Hindi siya kailanman naging importante sa kaniyang Daddy, nagiging mahalaga lamang siya kapag may bagay siyang
Umiyak na lamang si arsen sa kaniyang kuwarto ng gabing iyon. Wala siyang ibang kakampi kung hindi ang kaniyang sarili. Gusto niyang aluin ang sarili sa pamamagitan ng pagpapakalasing, ngunit hindi siya maaaring lumabas ng ganitong oras lalo pa’t mainit sila ngayon sa mga mata ng publiko.Nakatulugan niya ang pag-iyak. Kinabukasan, nagising siya nang katukin ang kaniyang pinto.“Arsen.” Mahina ngunit dinig niyang tawag sa kaniyang pangalan.Napabangon siya agad nang marinig ang pamilyar na boses. Boses iyon ng kaniyang Mommy.Dali-dali siyang bumangon at patakbong lumapit sa pinto. Umawang ang kaniyang labi nang makita ang kaniyang ina. Maliit na ngiti ang ginawad nito sa kaniya.“W-why are you here, Mom? A-ayos na ba ang pakiramdam niyo?” Nauutal niyang tanong.Marahan itong tumango.Inalalayan niya ang babae na pumasok ng kaniyang kuwarto. Nakakapaglakad naman ito ng maayos, pero natatakot siyang baka bigla na lamang itong mahimatay sa kaniyang harap kagaya ng nangyari noong nakaraa
Ilang araw simula nang makulong si Darwin ay nagsara na ang daan-daang physical store ng MHFS dahil wala nang gustong umangkat sa kanila ng produkto.Kahit ang mga hotel na may kontrata na sa kanila ay ipina-void ang contract agreement.Wala rin magawa si Alvi Espejo dahil hindi siya ang nagpapatakbo ng kompanya. Tila wala rin pakialam si Razel Galwynn kung bumagsak ang kompanya dahil simula nang makulong si Darwin, ni-tawag ay wala silang natanggap mula kay Razel.Ang totoo, mas malaki na ang kanilang share sa kompanya, ilang porsyento nalang ang hawak ni Razel, kaya siguro hindi na ito apektado kahit pa mabankrupt nang tuluyan ang MHFS.Naisip ni Alvi na ibenta na lamang ang mga produkto sa mas mababang halaga, para lamang makalikom pa rin sila ng pera, pero walang gustong bumili sa bagsak-presyong produkto mula sa MHFS.Dahil diyan, malaking stress ang kinakaharap araw-araw ni Alvi Espejo, dahilan para bumagsak ang kaniyang kalusugan.Kinailangan pa nilang mag-hire ng private doct
“Aeverie.” Sinundan siya ni Maredith nang pumasok siya sa bahay. Malakas ang tibok ng kaniyang puso at hindi maitago ang matinding pagkayamot sa ekspresyon ng kaniyang mukha. Sumunod si David sa kanilang mag-ina. “Hindi namin napag-usapan ang tungkol sa arrange marriage kagaya ng iniisip mo, Aeverie.” Matigas na saad ni David. “I just want you to know CK Huo better. As a future president of the AMC Group, you have to learn how to expand your knowledge, influence and power in this field. You need great alliance with powerful and influential people.” Tumigil sila sa salas. Hinarap niya muli ang kaniyang ama at sarkastikong nginitian ito. “We were able to stand on our own for the past decades! AMC Group and Hou Group are two different group of company. Magkaiba sila, malakas pareho pero malaki ang pagkakaiba sa larangan ng tinatahak na negosyo! You cannot f**l me now, why don't you just tell me directly that you’re trying to merge the two companies by setting us up with each other!”
“CK,” mabilis siyang lumakad nang dumiretso ang lalaki malapit sa swimming pool.“What the h*ck is going on right now? Is there something you need to tell me?”Nang sapat na ang kanilang distansya sa kanilang mga magulang, tumigil si CK at humarap sa kaniya. Sanay siya na palaging may pang-aasar sa ekspresyon ng mukha nito. Ngunit seryoso masyado ang mukha ngayon ng binata.Bahagya siyang natigilan at mas lalo pang kinabahan.“I think, it's you who has to tell me something.” Malamig nitong sabi.“Alam ba ni Silver na isa kang Cuesta?”Saglit siyang nawalan ng sasabihin nang mabanggit nito si Silvestre. She straightened her back.“Alam na niya, but I think Silvestre has nothing to do with us now. What’s really going on?” Nakakunot noo niyang tanong.Huminga ng malalim si CK at nag-iwas ng tingin. Tila bigo ito.“You lied about your identity. You weren't Avi Mendoza. Your parents weren't dead. You’re hardly a poor woman. Avi’s personality and identity were far from your real one.” Bigo
Maybe the guilt was too strong. Naisip ni Aeverie ang kaniyang mga kasalanan na maaaring naging dahilan kung bakit pinapatawag siya bigla ni David at gustong makipaghapunan ng eksklusibo sa kanilang mag-ina. Sinalubong siya ni Pablo, ang sekretaryo ni David Cuesta, na naging malapit din sa kaniya noong kabataan niya. Sa parking lot ay natanaw niya si Pablo na matuwid na nakatayo at tila naghihintay sa kaniyang pagdating. “Good evening, Young Lady.” Bati nito nang bumaba siya sa sasakyan. “Good evening, Pablo.” Bati niya pabalik. Malaki ang villa na ito. Noong hindi pa sila dinadala ni David Cuesta sa mansyon, dito sila nakatira ng kaniyang inang si Maredith ng ilang taon. Dito siya tumira noong bata pa siya, habang itinatago silang mag-ina ni David Cuesta kay Felistia. Ang villa na ito, na dating isang masayang tahanan, ay naging malungkot na alaala na lamang para kay Aeverie. Para sa kaniya, sa tahanan na ito nagsimula ang lahat ng kasinungalingan ng kaniyang pamilya na akala niy
Hapon nang makatanggap ng tawag si Aeverie galing sa matandang sekretaryo ni David Cuesta.“Young Lady,” pormal na bati ni Pablo sa kabilang linya nang tanggapin niya ang tawag.“I want to inform you that Mr. Cuesta wants to see you tonight at Madam Maredith’s villa. He wants to have dinner with you and your mother.” Imporma nito.Maredith's villa. May kakaibang lamig sa kaniyang sikmura. Of course, that's my Mom’s property. Nakapangalan nga pala sa kaniyang ina ang villa na iyon dahil regalo ito ni David Cuesta.She was hesitant at first.“Young Lady, do I have to pick you up from the hotel?” Tanong ni Pablo.Umayos siya ng upo.“Hindi na, Pablo. I will come to the villa. Pagkatapos ko sa hotel, didiretso ako sa villa.” Sagot niya.“Your father is expecting you, Young Lady.” Bilin nito.Saka nito ibinaba ang tawag.Nang maibaba niya ang cellphone sa mesa, natulala siya saglit. May kakaibang kabog ang kaniyang dibdib na hindi niya kayang ipaliwanag. Saktong pumasok si Blue at natanaw
Maayos na ang kondisyon ni Silvestre, ngunit madalas pa rin siyang matulala habang nagtratrabaho. Ngayon ang araw na plano niyang puntahan si Aeverie sa hotel nito, ngunit may kumukontra sa likod ng kaniyang utak. Hindi siya ang humihingi ng oras at atensyon sa mga tao. Ang mga tao ang pumupunta sa kaniya para hingin ang kaniyang oras at atensyon. What’s so special with her that I considered this st*p*d idea? Sarkastiko niyang tanong sa sarili. Si Aeverie ang dapat na pumunta sa kaniya dahil ito ang may kasalanan, at hindi siya. Kagabi pa niya iniisip si Aeverie at ang planong puntahan ito sa hotel para makausap ito.Ngunit palaging nagtatalo ang kaniyang isipan at ego. Pupuntahan niya ang babae para isuko nito ang totoong may kasalanan, pero sa tuwing naiisip niya na mag-aaksaya siya ng lakas at panahon para makausap lamang ito, parang natatapakan ang kaniyang pagkalalaki. Biglang nagambala ang tahimik na opisina nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Sinulyapan niya iyon ng ti
“Have you heard about the word ‘Paradoxial Intention’?” Bigla’y tanong ni Blue. Kumunot ang kaniyang noo. “Huh?” Never heard of it. Hindi niya pa narinig ang ganoong salita kaya naging kuryuso siya sa tanong nito. “Paradoxial Intention or Law of Reverse Effort. I have a friend, major in Psychology siya. He once tried to explain it to me. Sabi niya sa akin, the more na hinahabol mo, pinapangarap mo, o ginugusto mo ang isang bagay, the more na hindi mo ‘yon makukuha o makakamit. You became so obsessed with it, to the point that you’re exerting too much effort just to get or achieve it. But in the end… hindi mo pa rin makuha. Kaya sumuko ka.” Ngumiti si Blue, kumuha ito ng tissue at inilapag malapit sa kaniya nang makitang may dumi sa kaniyang labi. “Then, you suddenly lose interest over that thing or person. You started to attract it afterwards. Kung kailan hindi mo na siya hinahabol o ipinipilit, saka mo naman siya nakuha. That’s Paradoxial Intention.” Pinunasan ni Aeverie ang ka
Totoo ang sinabi ni Sage na inalis lahat ng wine at champagne sa cellar. Maging ang mga inumin sa maliit na bar counter ng mansyon ay wala nang naka-display.Aeverie still couldn't remember what happened last night. Kung totoo na nakatulog siya sa bathtub at nakalubog ang kaniyang mukha, baka nalunod na lamang siya dahil sa sariling kapabayaan.Mabuti at naabutan pa siya ni Sage at maagang naiahon bago pa siya mawalan ng pulso.Her near death experience feels like a dream. Hindi niya alam at hindi niya maalala.Sage's still mad. Si Uriel ay hindi rin makausap. Mas lalo na si Rafael na pumasok pa rin sa trabaho kahit na masama ang mood ngayong araw para lang hindi sila magkausap dahil galit din ito sa kaniya.“Ano ang gusto mong kainin, Aeve?” Tanong ni Blue.Hindi pumayag si Sage at si Uriel na magtrabaho siya ngayong araw, kaya magkasama sila ni Blue sa mansyon. Naatasan itong bantayan siya’t samahan maghapon, hanggang sa makabalik ang tatlo.“I don’t know. Maybe a cucumber salad.”U
Nagising siya kinabukasan na masakit ang ulo. Parang may mga langgam sa loob ng kaniyang utak na kinakagat siya’t tinutusok. Dahan-dahan siyang bumangon sa kama, naghahanap ng tubig na maiinom, ngunit ang bumungad sa kaniya ay si Sage na madilim ang ekspresyon ng mukha. “S-sage.” Utal niyang tawag sa kapatid nang makita ito sa paanan ng kama. Mas lalong dumilim ang ekspresyon ng mukha nito. Tumayo si Sage at inalalayan siyang makaupo ng maayos. Sinapo naman niya ang kaniyang ulo nang maramdaman na parang nanunuyo ang dugo nito sa loob. “Why are you here? Anong oras na ba?” Tanong niya. Bumukas ang pinto, pumasok si Uriel. Nang makita siya nito ay dumilim din ang ekspresyon ng mukha. “How is she? Do we still have to send her to the hospital?” Tanong ni Uriel kay Sage. Kumunot ang kaniyang noo, hindi maintindihan ang nangyayari. “Hospital? Why would you send me to the hospital? I’m fine.” Aniya. “You almost drown last night, Aeve. And I think you don't know it yet.” Malamig na s
Mabigat ang loob ni Aeverie nang umuwi siya sa mansyon. Nauna silang umalis ni Sage, dahil may biglaan itong meeting ngayong dis oras ng gabi. Hindi na siya halos nakapagpaalam dahil gusto na lamang niyang makapagpahinga.The family dinner wasn’t that great. Bulong ng kaniyang isip nang lumubog siya sa bathtub.Si Achilles lamang at ang asawa nito ang pumunta pagkatapos ng halos dalawang oras na paghihintay sa iba pang anak ni David Cuesta. Pagkatapos na salubungin si Achilles, ay hindi na siya nagsalita pa sa hapag.Hinintay na lamang niyang matapos silang kumain at nang makauwi na siya.Her phone rings suddenly.Hindi pa nag-iisang oras simula nang makauwi siya ay sunod-sunod na tawag na ang kaniyang natatanggap. Nasa gilid lamang ng maliit na mesa ang kaniyang cellphone kaya madali lamang abutin.Sumimsim siya sa baso ng champagne bago sagutin ang tawag. Panglimang baso na niya iyon at ramdam na niya ang kaunting epekto nito sa kaniyang sistema.“Where are you?” Bumati agad sa kani