Bakas sa mukha ni Arsen ang gulat dahil sa pagsagot nito. Ang lakas ng loob nitong magsalita ng ganoon sa kaniyang harap! “You!” Dahil sa pagkapahiya at pagkainsulto, nakahanap siya ng lakas para bumangon. “Ang kapal—” “Kung gusto mong magsumbong Miss Espejo, bakit hindi ka pumasok at gawin mo na ngayon.” Pinutol siya agad ni Manang Petrina. “Kung mahihikayat mo ang Señorito na alisin ako sa trabaho, magpapasalamat pa ako sa iyo. Matagal ko na gustong magretiro sa trabaho, hindi lamang ako makahanap ng magandang dahilan para paalisin nila ako. Sige, Miss Espejo, sabihin mo kay Silvestre ang gusto mong sabihin nang malaman natin kung hanggang saan mo kayang impluwensyahan ang desisyon ni Silvestre. Hindi ako natatakot, at walang ako dapat katakutan.” Matapang nitong sabi. Nagtagis ang bagang ni Arsen. Gusto na lamang niyang sampalin ang mukha ng matandang si Petrina para matahimik na ito, pero hindi na niya gustong mag-aksaya ng panahon at lakas sa pakikipagbangayan sa babae kaya
Hindi na maipinta ang mukha ni Manang Petrina. Akala niya ay matitiis na talaga ni Silvestre ang babaeng ito. Nagkamali pala siya.Bakit hindi makita ni Silvestre na isa lamang itong bitag ni Arsen para kaawaan ng lalaki?Napakat*nga ng kaniyang alaga. Akala pa naman niya’y nakapag-isip na ito ng mabuti at sa wakas ay sumapi na ang magandang espiritu sa katawan nito.Napailing siya, ipinakita niya kay Silvestre ang kaniyang pagkadismaya.Lumapit ang isang katulong, nagdala ng payong para kay Silvestre. Tinanggap naman iyon ng lalaki. Nang maglakad palapit si Silvestre sa pinto, humakbang na rin si Manang Petrina.“Kung lalabas ka para kausapin si Miss Espejo, isipin mo ng mabuti ang mga bibitiwan mong salita. Huwag kang mangangako sakaling madala ka ng awa.”Tumigil lamang saglit si Silvestre, ngunit hindi sa kaniya lumingon. Muli itong naglakad palabas ng mansyon nang matapos siyang magsalita.Huminga naman ng malalim si Manang Petrina at sinundan ng tingin ang lalaki.Sa labas ay ni
“The Cuestas were too much! H-hindi, hindi namin kayang labanan sila, Silver. Please, please, help us. My family is going bankrupt, and if my brother becomes a prisoner, our family will fall apart! Please…”Nanginginig na siya sa takot na baka tanggihan pa rin siya ni Silvestre. They’re already at the bottom. Wala nang ibang tutulong pa sa kanila kung hindi ang mga Galwynn na lamang.Kahit paano, may laban ang mga Galwynn sa mga Cuesta, kaya kung tutulungan siya ni Silvestre ay baka maipanalo pa nila ang kaso ni Darwin.Ngunit sa puso ni Silvestre, desidido siyang turuan ng leksyon si Darwin. Ang kapatid ni Arsen ang nagdala ng problemang ito sa kanilang pamilya. Kaya labas siya sa problemang iyon.Hindi niya maitatanggi na mahal niya si Arsen at kaya niyang gawin ang lahat para sa minamahal niyang babae… ngunit hindi lamang ang e-tolerate ang mga maling gawain ng pamilya nito.Lahat ng kaniyang pangako kay Arsen ay tinutupad niya, maging ang pangako niyang pakakasalan ito pagkatapos
“Akala ko ba ay mahihikayat mo si Silver na tulungan tayo?” Frustrated nitong tanong. “Ano pa bang silbi mo sa pamilyang ‘to, Arsen? Hindi ba’t fiancé mo naman na si Silver? Bakit wala siyang magawa para tulungan ka, ha? Hindi ka ba niya mahal? Hindi niya ba kayang sumunod sa gusto mo at magsakripisyo para sa iyo?” Hindi siya nakasagot. Itinanong niya rin iyon kay Silver kanina, kung mahal pa ba siya nito. Ngayon ay ang kaniyang Daddy naman ang nagtatanong sa kaniya tungkol sa nararamdaman ni Silver para sa kaniya. Hindi niya masagot. Hindi niya alam ang sasabihin. “Ano pang silbi mo? Ano pang dahilan na naging anak kita?” Puno ng pagkadismaya ang tono ng boses ng kaniyang ama. Parang daan-daang kutsilyo ang ibinabaon sa dibdib ni Arsen. Hindi na normal ang kaniyang paghinga dahil sa pinaghalong galit at sakit. Noon pa man, talagang paboritong anak na ni Alvi si Darwin. Hindi siya kailanman naging importante sa kaniyang Daddy, nagiging mahalaga lamang siya kapag may bagay siyang
Umiyak na lamang si arsen sa kaniyang kuwarto ng gabing iyon. Wala siyang ibang kakampi kung hindi ang kaniyang sarili. Gusto niyang aluin ang sarili sa pamamagitan ng pagpapakalasing, ngunit hindi siya maaaring lumabas ng ganitong oras lalo pa’t mainit sila ngayon sa mga mata ng publiko.Nakatulugan niya ang pag-iyak. Kinabukasan, nagising siya nang katukin ang kaniyang pinto.“Arsen.” Mahina ngunit dinig niyang tawag sa kaniyang pangalan.Napabangon siya agad nang marinig ang pamilyar na boses. Boses iyon ng kaniyang Mommy.Dali-dali siyang bumangon at patakbong lumapit sa pinto. Umawang ang kaniyang labi nang makita ang kaniyang ina. Maliit na ngiti ang ginawad nito sa kaniya.“W-why are you here, Mom? A-ayos na ba ang pakiramdam niyo?” Nauutal niyang tanong.Marahan itong tumango.Inalalayan niya ang babae na pumasok ng kaniyang kuwarto. Nakakapaglakad naman ito ng maayos, pero natatakot siyang baka bigla na lamang itong mahimatay sa kaniyang harap kagaya ng nangyari noong nakaraa
Ilang araw simula nang makulong si Darwin ay nagsara na ang daan-daang physical store ng MHFS dahil wala nang gustong umangkat sa kanila ng produkto.Kahit ang mga hotel na may kontrata na sa kanila ay ipina-void ang contract agreement.Wala rin magawa si Alvi Espejo dahil hindi siya ang nagpapatakbo ng kompanya. Tila wala rin pakialam si Razel Galwynn kung bumagsak ang kompanya dahil simula nang makulong si Darwin, ni-tawag ay wala silang natanggap mula kay Razel.Ang totoo, mas malaki na ang kanilang share sa kompanya, ilang porsyento nalang ang hawak ni Razel, kaya siguro hindi na ito apektado kahit pa mabankrupt nang tuluyan ang MHFS.Naisip ni Alvi na ibenta na lamang ang mga produkto sa mas mababang halaga, para lamang makalikom pa rin sila ng pera, pero walang gustong bumili sa bagsak-presyong produkto mula sa MHFS.Dahil diyan, malaking stress ang kinakaharap araw-araw ni Alvi Espejo, dahilan para bumagsak ang kaniyang kalusugan.Kinailangan pa nilang mag-hire ng private doct
Umahon ang matinding galit sa kaniyang dibdib. “She’s getting on my nerves! She’s still trying to sabotage us! Does she thinks no one can touch her if she finds a new backer now?” “Oh, it's really hard to touch her.” Saad ni Fatima at humugot ng malalim na buntong-hininga. “After all, kung nasa pangangalaga na ni Rafael Cuesta si Avi, mahihirapan talaga tayong kalabanin siya. The Cuesta is such a powerful family, no one can afford to offend them, not even the Galwynn's.” “Mayaman at makapangyarihan ang mga Cuesta kaya paano nagkaroon ng kapit ang hampas-lupang ‘yon kay Rafael?” Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamay sa matinding gigil na nararamdaman kay Avi. Bigla’y tila may ilaw na nagliwanag sa likod ng kaniyang isip, isang magandang plano ang nabuo. “Hindi ba't paborito pa naman ni Lucio Galwynn si Avi? Hindi ba’t siya pinakapinapapaburan ni Lucio? Napakagaling pa naman ng babaeng iyon na magpanggap na mabait at ‘di makabasag pinggan sa harap ng matandang Galwynn.” Sarkastikon
Nasa gitna ng pagmumuni-muni si Aeverie nang makatanggap ng tawag. Tiningnan niya ang screen ng cellphone at nakitang si Rafael iyon.Tumikhim siya at sinagot ang tawag.“Kuya Rafael.” Bati niya sa kalmadong boses.“Aeve, kamusta? Nasa trabaho ka pa rin ba?” Kaswal nitong tanong.Tiningnan niya ang orasan at napansin na malapit nang mag-alas nuebe. Bumawi siya sa trabaho dahil maraming pending ngayon lalo pa't panibagong mga supplier ang pag-aangkatan nila ng mga bedding at furnitures.Gusto niyang makasigurado na hindi na mauulit ang nangyari noon.“Yes, Kuya Rafael. I’d be late for dinner. Nasa bahay na ba kayo ni Kuya Uriel?”“Uriel has a meeting with his friend, I think it was a judge. Hindi pa ako makakauwi dahil may flight ako mamayang alas dos ng madaling araw pa-Australia, sa condo na muna ako.”Kung ganoon, sila lamang ng kaniyang Daddy sa bahay. Si Sage ay hindi pa rin umuuwi, nasa condo pa rin ito namamalagi.“Oh, okay.” Marahan niyang saad.“This is my last business trip,
“Let’s forget it, Lucinda.” Hinawakan ni Cassandra ang braso ni Lucinda para hilahin ito paalis.Tila nagmamadali at gusto nang makawala sa eksena ang dalawang kaibigan ng babae. Nagtaas naman ng kilay si Aeverie nang makita ang reaksyon ng dalawa.“But I’m not done yet—”“Pinagtitinginan na tayo ng mga tao, Lucy. Nahanap na rin naman ang necklace, let’s go. Let’s not make a scene here.”Wala nang nagawa si Lucinda, ipinasok niya sa kaniyang Hermes bag ang sirang alahas at tuluyang nagpahila kay Cassandra at sa Australian model.“Wait a minute, Miss Galwynn.” Malamig na tawag ni Aeverie sa babae, hindi hinayaan na makaalis ito.Humarang si Blue at ang ilang empleyado, para hindi tuluyang makaalis si Lucinda at ang mga kasama nito na halatang aligaga at tila pinapaso.“What else do you need?” Galit na tanong ng Australian model.“What else could it be?” Matalim na tanong pabalik ni Aeverie sa babae.“Just now, you have verbally humiliated our hotel employees in front of so many guests.
Hindi niya man gustong aminin, pero napansin niyang matalino si Aeverie sa pamamahala sa ganitong sitwasyon. She handled the incident decisively. She was calm and resourceful, domineering but graceful, and very much like a manager who’s ready for anything. Kumento ng isip ni Silvestre. Hindi na siya ang dati niyang asawa na palaging nakakulong sa isang maliit at masikip na lugar, mapagpatawad, at sunud-sunuran, mahiyain at takot na humarap sa mga tao. How could she have two different personalities all at the same time? Mapait na tanong ni Silvestre sa kaniyang sarili. “Okay, you said it, you will kneel down in front of me and ask an apology once na mapatunayan kong magnanakaw ang mga empleyado mo!” Nagtatagis ang bagang na sabi ni Lucinda. “I am the manager of the hotel and I should be responsible for my guests. Kung may nagawang mali ang isa sa mga empleyado ko, ako ang hihingi ng tawad at didipensa.” Sagot ni Aeverie saka ngumiti ngunit walang emosyon ang mga mata. “I found th
Nang mga oras na iyon, kapapasok lang ni Silvestre at Gino sa lobby.Nang makita ni Silvestre si Aeverie hindi niya maunawaan ang kaniyang nararamdaman. Bigla nalang bumilis ang tibok ng kaniyang puso, lalo pa nang makitang naglakad ito palapit sa mga nagkakagulong tao.Hindi niya maalis ang tingin kay Aeverie, namamangha siya sa ganda nito. Tila nakalimutan na niyang kumurap dahil sa pagsunod ng tingin sa babae.“Grabe. Ang hirap paniwalaan na ganiyan pala talaga kaganda si Avi.” Naiiling na sabi ni Gino sa kaniyang tabi na sinusundan din ng tingin ang babae.“Wait. Isn't that Miss Lucinda Galwynn?” Napansin ni Gino si Lucinda kasama ang dalawang babae.“Manager?” Narinig nilang singhap ni Lucinda.“Oh, you are now a manager, Avi? That’s good for you.” Puno ng sarkasmong turan ni Lucinda at hinagod ng tingin si Aeverie.“I’m actually much more better than before.” Nagtaas ng kilay si Aeverie at sinukat din ng tingin ang babaeng Galwynn.“At least now, I could feel that I’m living in
Ang huling gumamit sa kanilang presidential suite ay si CK noong nakaraang dalawang taon. Nabalitaan niyang doon ginanap ang intimate birthday celebration nito. Sa bagay, sa sobrang yaman ng mga Huo ay hindi sila magdadalawang-isip na magwaldas ng daan-daang libong piso para sa isang kuwarto. “Hindi si CK.” Bigla’y sagot ni Blue. “Sino?” “Si Miss Cassandra Recto. She’s a daughter of a former ambassador in Kuwait. Kasama niya kagabi si Lucinda Galwynn at ang isa pang foreigner na babae.” Tumaas agad ang kilay ni Aeverie nang marinig ang pangalan ni Lucinda. “Really? Why would they check into such a big room?” “They’re having a party in the room last night. Fortunately, our hotel has good sound insulation, kaya hindi naging problema kagabi ang ingay nilang tatlo. I reviewed the CCTV this morning, nakita kong may pumasok na dalawang lalaki sa loob ng presidential suite nang bandang hatinggabi. Mga mukhang modelo. Nakakapagtaka lang na hatinggabi na sila pumunta at madaling araw pa
Ilang araw ang lumipas, mas lalong naging magagalitin si Silvestre at nawalan ng gana sa lahat ng bagay.Hindi niya ma-contact si Avi, o si Rafael Cuesta. Medyo frustrated na siya dahil sa maya’t mayang pagtawag ng kaniyang Abuelo at pangungulit nitong hanapin si Avi at iharap dito. Malapit nang mag-otsenta si Lucio Galwynn at mas lalo siyang nahihirapan na hindian ito, lalo pa’t alam niyang makikipag-away lamang sa kaniya ang matanda.“How about we report this to the police?” Wala sa sariling suhestyon ni Gino sa kaniya.“And why would we do that?” Sarkastiko niyang tanong sa sekretaryo.“Because, ah, legally she’s still your wife, since you haven't completed the divorce procedure yet, but her family is hiding her away from you? Maybe the police could help us with that.”“What?” Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Silvestre.“That’s the best idea you could come up with?” Matalim niyang tiningnan ang lalaki.“E, ano pa ba ang gagawin natin, Sir? Hindi natin mahanap si Avi, or Aeverie,
Nang sumunod na gabi, hindi inaasahan ni Aeverie na makikita niya si Rafael at Uriel pagkauwi niya galing sa trabaho. Kapwa madilim ang mukha ng dalawang kapatid nang maabutan niya sa sala. “Kuya Rafael? Kailan ka pa?” Nagtataka niyang tanong nang makabawi sa pagkabigla. Akala niya ay bukas pa ito ng umaga dadating. Tumayo si Rafael at hinintay siyang makalapit. Medyo nagdalawang-isip pa siya, pero lumapit pa rin at hinalikan ang pisngi nito. “How’s your business trip?” Tanong niya, pilit pinapagaan ang mabigat na atmospera sa sala. “I learned about what happened at the auction from Mom.” Ani Rafael sa seryosong tinig. Bumaba ang tingin ni Rafael at Uriel sa nakabenda niya pa rin na kamay. Nagtagis ang bagang ng panganay nilang kapatid. Nagtagal ang tingin ni Rafael sa kaniyang kamay na pilit naman niyang itinago. Naisip agad ni Rafael na hindi sana magkakaganito si Aeve kung hindi niya hiniling na ito ang pumunta sa auction para sa kaniya. Hindi sana ito nasaktan. “How is your
Nagawang pakalmahin ni Silvestre si Amanda sa pamamagitan ng pagsabing maaari pa naman bumisita si Avi sa kanilang tahanan.Inalalayan niya pabalik si Amanda sa mansyon, ngunit tumigil din siya sa paglalakad nang makatanggap siya ng tawag mula sa isang numero. Nang makita niya ang naka-register na pangalan ay nagbuntong-hininga na lamang siya.Anong oras na? Bakit gising pa si Abuelo? Tanong niya sa sarili.Natanaw niya si Manang Petrina na puno ng pag-aalala ang mukha habang naghihintay sa may hagdan.“Nanang, dalhin niyo sa kuwarto si Amanda. Marumi na rin ang damit niya dahil sa dalang stuffed toy. Help her.”“S-sige, Silver.”Hinawakan ni Manang Petrina ang braso ni Amanda para dalhin ito sa taas. Samantalang sinagot naman ni Silvestre ang tawag ng kaniyang Abuelo.“Abue—”“Why I can’t contact Avi again? What did you do to her?” Galit nitong tanong, hindi na siya pinatapos.Habang tumatanda si Lucio Galwynn, bumabalik naman ito sa pagkabata. Madalas na itong magtantrums, dahilan p
Hindi na hinintay ni Amanda na tulungan siya ng mga katulong na kunin ang malaking teddy bear na itinapon ni Lucinda. Dali-dali siyang lumayo kay Manang Petrina at tumakbo palabas ng mansyon para kunin sa likod ang nahulog na stuffed toy. Mabilis na sumunod si Manang Petrina, natatakot na baka nasa labas si Lucinda at makita na naman nito si Amanda. Ngunit pagkababa sa hagdan, nakita niyang nasa may pinto si Silvestre, sinusundan ng tingin ang tumatakbong si Amanda. “What happened, Nanang?” Tanong ni Silvestre, nakakunot ang noo. Napalunok siya. Alam niyang kapag magsumbong siya kay Silvestre sa nangyari ay magagalit ito ng husto kay Lucinda, malaking gulo na naman. Alam pa naman niya na mas malapit si Amanda kay Silvestre kumpara sa ibang anak ni Fatima. “Ah, si Anda…” hindi niya alam kung paano ipapaliwanag. “Bakit tumatakbo si Amanda? Saan pupunta ‘yong bata?” Tanong nito. “Kukunin ‘yong stuffed toy na nahulog.” Tanging nasagot ni Manang Petrina. Mas lalong nagsalubo
Samantalang sa mansyon ng mga Galwynn, mas lalong pinag-initan ni Lucinda ang kaniyang kapatid dahil sa pagtatanggol nito kay Avi. Nasa ospital pa rin si Fatima kasama si Arsen at Arabella, si Bernard ay may business trip, si Silvestre ay nasa labas pa kaya si Lucinda at Amanda lamang ang nasa bahay. Tahimik na sinusuklay ni Amanda ang kaniyang buhok, matutulog na dapat siya nang marinig ang katok mula sa kaniyang pinto. Kumunot ang kaniyang noo. Madalas ang mga katulong lamang ang bumibisita sa kaniyang kuwarto, minsan ay para dalhan siya ng mainit na gatas. Baka si Manang Petrina. Tumayo siya at dahan-dahan lumapit sa pinto. Binuksan niya iyon ng may ngiti sa kaniyang labi, pero agad iyon naglaho nang makita si Lucinda. “Ate—” “You little b*tch! Have you been bribed by that promdi girl? Are you someone she sent to spy on us?!” Naamoy ni Amanda ang alak sa hininga ni Lucinda. Napaatras siya, agad na kinabahan. “Kagayang-kagaya ka ni Avi! Kunwari ay isang santa pero m