My apologies beloved readers. Ngayon lang ulit ako nakapag-update. Bukas ng gabi ang sunod na update for Silvestre and Aeverie. :› Around 10-11 pm po ang update, or mas maaga kung kaya. Thank you for reading!
Nasa gitna ng pagmumuni-muni si Aeverie nang makatanggap ng tawag. Tiningnan niya ang screen ng cellphone at nakitang si Rafael iyon.Tumikhim siya at sinagot ang tawag.“Kuya Rafael.” Bati niya sa kalmadong boses.“Aeve, kamusta? Nasa trabaho ka pa rin ba?” Kaswal nitong tanong.Tiningnan niya ang orasan at napansin na malapit nang mag-alas nuebe. Bumawi siya sa trabaho dahil maraming pending ngayon lalo pa't panibagong mga supplier ang pag-aangkatan nila ng mga bedding at furnitures.Gusto niyang makasigurado na hindi na mauulit ang nangyari noon.“Yes, Kuya Rafael. I’d be late for dinner. Nasa bahay na ba kayo ni Kuya Uriel?”“Uriel has a meeting with his friend, I think it was a judge. Hindi pa ako makakauwi dahil may flight ako mamayang alas dos ng madaling araw pa-Australia, sa condo na muna ako.”Kung ganoon, sila lamang ng kaniyang Daddy sa bahay. Si Sage ay hindi pa rin umuuwi, nasa condo pa rin ito namamalagi.“Oh, okay.” Marahan niyang saad.“This is my last business trip,
“You're thanking me because it did well? Si Rafael at Uriel ang madalas na makialam sa shop na iyon, Aeve. Sila dapat ang pasalamatan mo. You've been spoiled by your brothers.“ Naiiling nitong turan.Tumango siya. That's both true.Alam naman niyang kailangan niya rin pasalamatan ang kaniyang mga kapatid dahil noong nawala siya, hindi hinayaan ni Rafael at Uriel na malugi ang Old Collection. Kahit mga busy ang dalawang lalaki ay may panahon pa rin silang bantayan ang mga negosyo niyang naiwan. At isa pa, dati pa man ay spoiled na siya ng kaniyang mga kapatid, hindi niya iyon itatanggi.Iyon din naman ang plano niya, ang pasalamatan si Rafael at Uriel, inuna niya lamang ang kaniyang Daddy dahil hindi naman talaga iyon ma-e-establish kung hindi pinahintulutan ng lalaki.He couldn't just admit it, but he's also low-keyly spoiling me. Natatawang bulong ng isip ni Aeverie.“Good night, Dad.”Tumalikod siya't hindi na hinintay na bumati pa pabalik ang ama ngunit tinawag na nito ang kaniyang
“Good morning. Where is Colas?” “Palabas na po si Sir.” Sagot ng isang babae na mukhang sekretarya ng designer. “Yuri! My dear Yuri!” Napalingon sila sa kung saan nangaling ang baritonong boses. Colas, wearing a colorful suit, stripe slacks, and a velvet necktie is coming their way. Masyadong colorful si Colas na napakunot noo na lamang si Aeverie. Mabuti na lamang at bumagay ang suot nito dahil kung hindi, nagmumukhang clown ang lalaki. “Hi, Colas.” Bati ni Yuri at sinalubong na rin ito. “Hindi ko alam na mapapaaga kayo.” Guwapo at matangkad si Colas, maganda ang pangangatawan at hindi iisipin na may kakaiba sa kasarian, maliban nalang kung kumilos na ito’t magsalita. “Oh, who is this pretty lady?” Baling sa kaniya ng designer. Hinagod siya nito ng tangin. Nagkatinginan sila ni Yuri. Nagtaas ito ng dalawang kilay at nagtatanong ang mga mata. “Aeverie.” She extended her hand. “Aeverie Cuesta.” Umawang ang labi ni Colas dahil sa gulat. Ang kaninang paghanga sa mga mata ay n
Sumapit ang araw na inilaan para sa isang malaking auction sa Makati.Maraming reporter at mga social media personnel ang nagtipon sa labas ng malaking auction hall. Hindi sila makapasok sa mismong hall dahil hindi pinapayagan ng security na mangulo sila sa loob. Bawal din silang pumasok upang maprotektahan ang privacy ng mga mayayamang dadalo.Ang lahat ng taong pupunta ay mga kilala at galing sa prominente at mayayamang pamilya. Ang iba ay mga top collectors at galing sa investment banks. Narito sila upang bumili ng mga item at nang maipagbenta sa mas malaking halaga pagdating ng panahon.Karamihan sa mga bisita ang ipinunta ay purong negosyo, at hindi exposure para sa media. Ang lahat ng mga bagong dating ay pinagkakaguluhan ng mga reporters ngunit wala ni-isa ang nagbigay ng pagkakataon na magpainterview.Maliban na lamang sa magkapatid na Espejo at si Arsen. Bawat taon, hinihintay talaga ni Fatima ang buwang ito para mag-ayos ng kaniyang sarili at ipangalandakan sa mga tao ang ka
“Arsen.” Hinila siya ng kaniyang Mommy upang hindi na niya patulan ang reporter. Nakakahiya at nakita ng maraming tao ang kaniyang pagwawala dahil sa simpleng tanong. Ngunit malaking bagay na iyon para kay Arsen. Para iyong kutsilyo na agad na pumutol sa manipis at maliit niyang pasensya. Ilang araw na siyang hindi man lang binibisita ni Silvestre. Maski tawag ay hindi siya nakatanggap. Kaya para itanong iyon ng babaeng reporter, parang bulkang sumabog ang kaniyang galit at pangamba. Itinago siya ni Ara, ito naman ang humarap sa mga reporter. Ngumiti ang babae sa camera. “My daughter and Mr. Galwynn's relationship has always been very stable, please don't think too much. As for the matter between Espejo and Galwynn, we want to make it private. Pribado ang buhay ng anak ko at ni Silvestre Galwynn, hindi sila madalas na makita sa publiko dahil ayaw ni Silvestre na pagpyestahan sila ng media. At isa pa, tumutulong naman sa amin ang mga Galwynn, hindi nila kami pinapabayaan.” Paliwan
Napangiti na lamang si Gino dahil sa sinabi ni CK. Maging siya ay ganoon din ang opinyon sa pagitan ni Arsen at Avi. Mas maganda pa rin ang dati nitong asawa kumpara sa bago nitong fiancee.“There is no future for the both of us,” mapait na saad ni Silvestre. “I will never go back to her, she’s no better than Arsen. At isa pa, tigilan mo ang pagkumpara sa kanilang dalawa. You don’t know them that much.”Isang malaking sinungaling si Avi, nagpanggap lamang ito bilang mahirap at mahinang babae. Ang hindi nila alam na isa pala itong Cuesta at pinaikot lamang sila sa isang malaking kasinungalingan. Nagkibit-balikat na lamang si CK, nakita nitong wala naman patutunguhan ang kanilang usapan kung patuloy nitong aasarin si Silvestre kaya humanap na ito ng ibang pag-uusapan.“Is there anything you want in today's auction?” CK lazily asked.“Yeah. Gusto kong makuha ang mga banga na galing sa Mindoro. Hindi ba’t galing iyon sa isang mayaman na pamilya sa Mindoro? Nabalitaan kong isang matapang
May sasabihin pa sana siya kay Lucinda nang masulyapan niya ang pamilyar na mukha sa dagat ng mga taong papasok ng auction hall. Nasa unahan si Avi habang mabagal na lumalakad ang mga kasabay nito.Puno ng pagkamangha ang mukha ng mga taong nakakita sa pagpasok ni Avi. Maging siya ay nag-ugat na sa kaniyang kinatatayuan at napatulala na lamang sa mukha ng babae.Naka-tight bun ang babae. Hindi gaanong makapal ang makeup pero litaw na litaw ang ganda. Wala rin itong gaanong suot na alahas, kung hindi ang manipis lamang na kwintas na may pendant ng animo’y totoong pink star diamond.Ngunit imposibleng pink star diamond talaga iyon. Kontra ng isip ni Arsen. Masyadong mahal ang ganoong klase ng alahas. Hindi kakayanin ni Avi na makabali ng tunay na pink star diamond. Peke lamang ang alahas nito.Nakasuot ito ng itim na suit at pinaresan iyon ng puting high heels. Napakasimple lamang ng suot nito, pero maganda ang pagkakadala ni Avi sa kaniyang sarili.Dahan-dahan nagbaba ng tingin si Arse
“Calm down, Lucy.” Sumunod na rin si Arsen. “Hindi mo ba alam na si Rafael Cuesta ang dahilan kung bakit nakadalo si Avi sa event na ito? We cannot offend her when she's been protected by a powerful man. She’s even with a bodyguard.” Puna ni Arsen kay Blue. May ilan na napasinghap dahil sa narinig. Nang mabanggit si Rafael Cuesta, agad na naisip ng mga tao na baka girlfriend o fiancee ang babaeng ito ni Rafael at siya ang pumunta sa event bilang representative ng lalaki. “Is she a girlfriend of Rafael Cuesta?” “Kaya pala hindi ko pa nakikita si Rafael, girlfriend niya pala ang dadalo sa event.” Gustong matawa ni Aeverie nang marinig ang ilang bulungan. Arsen is making a fuss again. Hindi na talaga ito nadala, hangga't may paraan na sirain siya, gagawin nito. Samantalang parang pinipiga ang puso ni Arsen habang tinitingnan ang magandang mukha ni Avi. Ngayon na mas malapit na siya sa babae, napansin niyang mamahalin ang suot nitong suit. Kahit hindi makita ang brand ng suot nito,
“Aeverie.” Sinundan siya ni Maredith nang pumasok siya sa bahay. Malakas ang tibok ng kaniyang puso at hindi maitago ang matinding pagkayamot sa ekspresyon ng kaniyang mukha. Sumunod si David sa kanilang mag-ina. “Hindi namin napag-usapan ang tungkol sa arrange marriage kagaya ng iniisip mo, Aeverie.” Matigas na saad ni David. “I just want you to know CK Huo better. As a future president of the AMC Group, you have to learn how to expand your knowledge, influence and power in this field. You need great alliance with powerful and influential people.” Tumigil sila sa salas. Hinarap niya muli ang kaniyang ama at sarkastikong nginitian ito. “We were able to stand on our own for the past decades! AMC Group and Hou Group are two different group of company. Magkaiba sila, malakas pareho pero malaki ang pagkakaiba sa larangan ng tinatahak na negosyo! You cannot f**l me now, why don't you just tell me directly that you’re trying to merge the two companies by setting us up with each other!”
“CK,” mabilis siyang lumakad nang dumiretso ang lalaki malapit sa swimming pool.“What the h*ck is going on right now? Is there something you need to tell me?”Nang sapat na ang kanilang distansya sa kanilang mga magulang, tumigil si CK at humarap sa kaniya. Sanay siya na palaging may pang-aasar sa ekspresyon ng mukha nito. Ngunit seryoso masyado ang mukha ngayon ng binata.Bahagya siyang natigilan at mas lalo pang kinabahan.“I think, it's you who has to tell me something.” Malamig nitong sabi.“Alam ba ni Silver na isa kang Cuesta?”Saglit siyang nawalan ng sasabihin nang mabanggit nito si Silvestre. She straightened her back.“Alam na niya, but I think Silvestre has nothing to do with us now. What’s really going on?” Nakakunot noo niyang tanong.Huminga ng malalim si CK at nag-iwas ng tingin. Tila bigo ito.“You lied about your identity. You weren't Avi Mendoza. Your parents weren't dead. You’re hardly a poor woman. Avi’s personality and identity were far from your real one.” Bigo
Maybe the guilt was too strong. Naisip ni Aeverie ang kaniyang mga kasalanan na maaaring naging dahilan kung bakit pinapatawag siya bigla ni David at gustong makipaghapunan ng eksklusibo sa kanilang mag-ina. Sinalubong siya ni Pablo, ang sekretaryo ni David Cuesta, na naging malapit din sa kaniya noong kabataan niya. Sa parking lot ay natanaw niya si Pablo na matuwid na nakatayo at tila naghihintay sa kaniyang pagdating. “Good evening, Young Lady.” Bati nito nang bumaba siya sa sasakyan. “Good evening, Pablo.” Bati niya pabalik. Malaki ang villa na ito. Noong hindi pa sila dinadala ni David Cuesta sa mansyon, dito sila nakatira ng kaniyang inang si Maredith ng ilang taon. Dito siya tumira noong bata pa siya, habang itinatago silang mag-ina ni David Cuesta kay Felistia. Ang villa na ito, na dating isang masayang tahanan, ay naging malungkot na alaala na lamang para kay Aeverie. Para sa kaniya, sa tahanan na ito nagsimula ang lahat ng kasinungalingan ng kaniyang pamilya na akala niy
Hapon nang makatanggap ng tawag si Aeverie galing sa matandang sekretaryo ni David Cuesta.“Young Lady,” pormal na bati ni Pablo sa kabilang linya nang tanggapin niya ang tawag.“I want to inform you that Mr. Cuesta wants to see you tonight at Madam Maredith’s villa. He wants to have dinner with you and your mother.” Imporma nito.Maredith's villa. May kakaibang lamig sa kaniyang sikmura. Of course, that's my Mom’s property. Nakapangalan nga pala sa kaniyang ina ang villa na iyon dahil regalo ito ni David Cuesta.She was hesitant at first.“Young Lady, do I have to pick you up from the hotel?” Tanong ni Pablo.Umayos siya ng upo.“Hindi na, Pablo. I will come to the villa. Pagkatapos ko sa hotel, didiretso ako sa villa.” Sagot niya.“Your father is expecting you, Young Lady.” Bilin nito.Saka nito ibinaba ang tawag.Nang maibaba niya ang cellphone sa mesa, natulala siya saglit. May kakaibang kabog ang kaniyang dibdib na hindi niya kayang ipaliwanag. Saktong pumasok si Blue at natanaw
Maayos na ang kondisyon ni Silvestre, ngunit madalas pa rin siyang matulala habang nagtratrabaho. Ngayon ang araw na plano niyang puntahan si Aeverie sa hotel nito, ngunit may kumukontra sa likod ng kaniyang utak. Hindi siya ang humihingi ng oras at atensyon sa mga tao. Ang mga tao ang pumupunta sa kaniya para hingin ang kaniyang oras at atensyon. What’s so special with her that I considered this st*p*d idea? Sarkastiko niyang tanong sa sarili. Si Aeverie ang dapat na pumunta sa kaniya dahil ito ang may kasalanan, at hindi siya. Kagabi pa niya iniisip si Aeverie at ang planong puntahan ito sa hotel para makausap ito.Ngunit palaging nagtatalo ang kaniyang isipan at ego. Pupuntahan niya ang babae para isuko nito ang totoong may kasalanan, pero sa tuwing naiisip niya na mag-aaksaya siya ng lakas at panahon para makausap lamang ito, parang natatapakan ang kaniyang pagkalalaki. Biglang nagambala ang tahimik na opisina nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Sinulyapan niya iyon ng ti
“Have you heard about the word ‘Paradoxial Intention’?” Bigla’y tanong ni Blue. Kumunot ang kaniyang noo. “Huh?” Never heard of it. Hindi niya pa narinig ang ganoong salita kaya naging kuryuso siya sa tanong nito. “Paradoxial Intention or Law of Reverse Effort. I have a friend, major in Psychology siya. He once tried to explain it to me. Sabi niya sa akin, the more na hinahabol mo, pinapangarap mo, o ginugusto mo ang isang bagay, the more na hindi mo ‘yon makukuha o makakamit. You became so obsessed with it, to the point that you’re exerting too much effort just to get or achieve it. But in the end… hindi mo pa rin makuha. Kaya sumuko ka.” Ngumiti si Blue, kumuha ito ng tissue at inilapag malapit sa kaniya nang makitang may dumi sa kaniyang labi. “Then, you suddenly lose interest over that thing or person. You started to attract it afterwards. Kung kailan hindi mo na siya hinahabol o ipinipilit, saka mo naman siya nakuha. That’s Paradoxial Intention.” Pinunasan ni Aeverie ang ka
Totoo ang sinabi ni Sage na inalis lahat ng wine at champagne sa cellar. Maging ang mga inumin sa maliit na bar counter ng mansyon ay wala nang naka-display.Aeverie still couldn't remember what happened last night. Kung totoo na nakatulog siya sa bathtub at nakalubog ang kaniyang mukha, baka nalunod na lamang siya dahil sa sariling kapabayaan.Mabuti at naabutan pa siya ni Sage at maagang naiahon bago pa siya mawalan ng pulso.Her near death experience feels like a dream. Hindi niya alam at hindi niya maalala.Sage's still mad. Si Uriel ay hindi rin makausap. Mas lalo na si Rafael na pumasok pa rin sa trabaho kahit na masama ang mood ngayong araw para lang hindi sila magkausap dahil galit din ito sa kaniya.“Ano ang gusto mong kainin, Aeve?” Tanong ni Blue.Hindi pumayag si Sage at si Uriel na magtrabaho siya ngayong araw, kaya magkasama sila ni Blue sa mansyon. Naatasan itong bantayan siya’t samahan maghapon, hanggang sa makabalik ang tatlo.“I don’t know. Maybe a cucumber salad.”U
Nagising siya kinabukasan na masakit ang ulo. Parang may mga langgam sa loob ng kaniyang utak na kinakagat siya’t tinutusok. Dahan-dahan siyang bumangon sa kama, naghahanap ng tubig na maiinom, ngunit ang bumungad sa kaniya ay si Sage na madilim ang ekspresyon ng mukha. “S-sage.” Utal niyang tawag sa kapatid nang makita ito sa paanan ng kama. Mas lalong dumilim ang ekspresyon ng mukha nito. Tumayo si Sage at inalalayan siyang makaupo ng maayos. Sinapo naman niya ang kaniyang ulo nang maramdaman na parang nanunuyo ang dugo nito sa loob. “Why are you here? Anong oras na ba?” Tanong niya. Bumukas ang pinto, pumasok si Uriel. Nang makita siya nito ay dumilim din ang ekspresyon ng mukha. “How is she? Do we still have to send her to the hospital?” Tanong ni Uriel kay Sage. Kumunot ang kaniyang noo, hindi maintindihan ang nangyayari. “Hospital? Why would you send me to the hospital? I’m fine.” Aniya. “You almost drown last night, Aeve. And I think you don't know it yet.” Malamig na s
Mabigat ang loob ni Aeverie nang umuwi siya sa mansyon. Nauna silang umalis ni Sage, dahil may biglaan itong meeting ngayong dis oras ng gabi. Hindi na siya halos nakapagpaalam dahil gusto na lamang niyang makapagpahinga.The family dinner wasn’t that great. Bulong ng kaniyang isip nang lumubog siya sa bathtub.Si Achilles lamang at ang asawa nito ang pumunta pagkatapos ng halos dalawang oras na paghihintay sa iba pang anak ni David Cuesta. Pagkatapos na salubungin si Achilles, ay hindi na siya nagsalita pa sa hapag.Hinintay na lamang niyang matapos silang kumain at nang makauwi na siya.Her phone rings suddenly.Hindi pa nag-iisang oras simula nang makauwi siya ay sunod-sunod na tawag na ang kaniyang natatanggap. Nasa gilid lamang ng maliit na mesa ang kaniyang cellphone kaya madali lamang abutin.Sumimsim siya sa baso ng champagne bago sagutin ang tawag. Panglimang baso na niya iyon at ramdam na niya ang kaunting epekto nito sa kaniyang sistema.“Where are you?” Bumati agad sa kani